{"id":370,"date":"2014-12-20T02:55:40","date_gmt":"2014-12-20T02:55:40","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=370"},"modified":"2015-07-27T03:18:20","modified_gmt":"2015-07-27T03:18:20","slug":"diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-mga-lapit-at-lapat-ng-sikolohiyang-pilipino-sa-mga-paksaing-lokal-global","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-mga-lapit-at-lapat-ng-sikolohiyang-pilipino-sa-mga-paksaing-lokal-global\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] Mga Lapit at Lapat ng Sikolohiyang Pilipino sa mga Paksaing Lokal-Global"},"content":{"rendered":"<p><strong>Mario R. Sto. Domingo, Ph.D.<\/strong><br \/>\nDepartment of Psychology<br \/>\nUniversity of Maryland, Balimore Country, U.S.A<\/p>\n<p><strong>Jayson D. Petras<\/strong><br \/>\nDepartamento ng Filipino at mga Panitikan ng Pilipinas<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p><strong>Adonis L. Elumbre<\/strong><br \/>\nDepartment of History and Philosophy<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Baguio, Baguio City<\/p>\n<p>Malawak at malalim na ang saklaw ng Sikolohiyang Pilipino (SP) sa larangan ng batayang pananaliksik at aplikasyon sa iba\u2019t ibang larangan sa Agham Panlipunan at Humanidades sa Pilipinas. \u00a0Sa loob ng mahabang panahon, mula sa kauna-unahang kumperensiya noong 1975 (Antonio 1976) kung kailan nailahad ang tunguhin ng disiplina\/kilusan, ay patuloy na hinimay-himay ng mga iskolar at mag-aaral ang mga saloobin, ugali, at mithiin ng mga Pilipino na gumagamit ng maka-Pilipinong lapit (Pe-Pua 1982; Aganon at David 1985; Navarro, Petras, at Ujano-Batangan 2013), nailapat ang mga kaalaman sa aktuwal na buhay sa loob at labas ng pamantasan, mga pamayanan at sektor ng lipunan (hal. Aguiling-Dalisay <em>et al<\/em>. 2000; Protacio-de Castro, <em>et al<\/em>. 2002; Estrada-Claudio 1995), naikumpara at\/o naitagni sa ibang mga modelo ng kaisipang panlipunan at sikolohikal (Aquino 2013; Paredes-Canilao at Babaran-Diaz 2013), nalibot na rin ang buong Pilipinas at buong mundo sa pagpapakalat at paggamit ng perspektibong sumasalamin sa buhay at nagsisilbi sa kapwa Pilipino (Mendoza 2006), at malalimang sinuri at tumanggap ng mga kritisismo (Bernardo 2009; Santamaria 2000; San Juan 2006).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>ANG MGA LAPIT AT LAPAT NG SIKOLOHIYANG PILIPINO<\/strong><\/p>\n<p>Ang isyung ito ng <em>DIWA<\/em> ay magtututok ng liwanag sa mga lapit at lapat ng Sikolohiyang Pilipino sa animo ay magkahiwalay, subalit magkakawing, na dimensiyon ng lipunan: ang lokal at global.\u00a0 Ang mga lapit ng SP ay bunga ng batayang paniniwala na ang mga teorya at metodo ng anumang gawain o pag-aaral ay halaw sa karanasang Pilipino, nakaugat sa ating diwa at nagsisilbi sa kabutihang panlahat. \u00a0Mula sa batayang paniniwalang ito nabuo ang konseptwalisasyon at balangkas ng teorya ng kapwa (Enriquez 1978) at iba pang teorya\/konsepto, ang pamamaraang pagtatanung-tanong (Pe-Pua 1982) at iba pang metodo.<\/p>\n<p>Susog pa rin sa batayang paniniwala ang paggamit ng katutubong wika sa pananaliksik at paglalathala dahil sa sinasalamin ng wika ang diwa at karanasan ng anumang populasyon (A\u00f1onuevo 2013; Enriquez at Protacio-Marcelino 1984). \u00a0Sa pamamagitan nito magkakaunawaan ang mananaliksik at kalahok, manunulat at mambabasa, guro at mag-aaral, pamahalaan at taumbayan.<\/p>\n<p>Ang mga lapat o gamit ng Sikolohiyang Pilipino ay matatagpuan sa iba&#8217;t ibang konteksto\u2014sa paaralan, pamayanan, negosyo, pamahalaan, midya; gayundin sa ibat ibang sektor o kilusan\u2014kalusugan, relihiyon o pananampalataya, kasarian, pangkalikasan o kapaligiran. \u00a0Ang mga lapat na ito ay susog din sa batayang pananampalatayang ang mga Pilipino ay mauunawaan mula sa kanilang sariling perspektibo. \u00a0Samakatwid, ang anumang hakbang, kilos, hatol ng indibidwal, mga gawain at patakaran ng mga grupo\/organisasyon, at polisiya at batas ng malaking lipunang Pilipino ay inaasahang bumabaybay sa mga katotohanan at karanasan ng buhay Pilipino: mula sa mga kaisipan tungo sa pagsasabuhay ng kapilipinuhan.<\/p>\n<p>Ang mga lapit at lapat ng SP ay may malaking gampanin sa pagpapalinaw ng kawing ng mga paksain at usaping lokal at global. \u00a0Gamit ang lenteng nakaangkla sa karanasan at interes ng mga Pilipino, ang prosesong ito ay sasaklaw ng pagsusuri ng mga penomenong katutubo at lokalisado, matatagpuan sa mga pook na may sariling kasaysayan at pagkakakilanlan subalit naiipluwensyahan ng mga karatig pook at mga pwersang kultural at ekonomiko ng mas malaking lipunan. \u00a0Kasama sa mas malaking lipunan ang buong bansa at rehiyong pambansa, buong mundo at mga rehiyong pangmundo, gayundin naman ang mga transkultural at transnasyonal na mga pangkat na kumikilos sa labas ng balangkas ng mga bansa.<\/p>\n<p>Bagama\u2019t malakas ang pwersa ng globalisasyon, ang mga lokal na aksyon ay may tinig na pumapailanlang papalabas na nag-aalaga, sumasagip, at nagpapayaman ng mga lokal na pamayanan at kultura, mula sa maliliit na baranggay hanggang sa bansa. \u00a0Malaki ang papel na ginagampanan ng Sikolohiyang Pilipino mga usaping ito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAGLUSONG SA MGA USAPANG\/USAPING LOKAL-GLOBAL AT SIKOLOHIYANG PILIPINO<\/strong><\/p>\n<p>Malaon nang binabaybay ng Sikolohiyang Pilipino ang mga usapang\/usaping lokal-global sa pagtalima nito sa prinsipyo ng pagiging disiplina at kilusan. Tumindig ito sa lapit ng indihenisasyon\u2014pagsasakatutubo mula sa labas at kultural na pagpapatibay (Enriquez 1992; Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2002; Pe-Pua 2005)\u2014tungo sa lapat ng mga pag-aaral ayon sa danas, pananaw, at konteksto ng mga Pilipino.\u00a0 Gayundin, bilang sikolohiyang malaya at mapagpalaya, sinusulong nito ang paglaban sa iba\u2019t ibang anyo at antas ng pagsasantabi (Yacat 2013) na kadalasang bunga ng Anglosentrikong pananaw sa teorya at praktika.<\/p>\n<p>Tugon sa mga paksaing global sa hubog ng oryentasyong lokal ang hain ng mga pag-aaral na nakabilang sa ikalawang edisyon ng <em>DIWA E-Journal.<\/em>\u00a0 Matutunghayan sa mga artikulong narito ang patuloy na pagtugon sa pagdalumat ng mga konseptong Pilipino at pag-unawa sa sosyo-kultural na reyalidad bilang ambag sa pagkilala sa dibersidad ng iba\u2019t ibang pag-iral sa layuning humubog ng unibersal na sikolohiya.<\/p>\n<p>Pinangunahan ni Antonio Contreras ang usapang global-lokal sa kasalukuyang edisyon ng <em>E-Journal <\/em>sa kaniyang talakay hinggil sa konsepto ng <em>pagsasaayos<\/em> bilang panimulang postkolonyal na pagdalumat politikal sa panahong postmoderno.\u00a0 Ipinakita sa kaniyang ambag ang posibilidad ng pagsasagitna ng isang katutubong konsepto sa harap ng mga banyagang diskursong postkolonyal at postmoderno.\u00a0 Makatuturang gawain ito dahil napapatingkad ang talaban ng mga kaisipan tungo sa layunin ng pagbibigay-kahulugan sa ating pagka-Pilipino.\u00a0 Isang aspekto nito, ang ating buhay pampolitika, ang nilapatan ng pagsusuri ni Contreras gamit ang dalumat ng <em>pagsasaayos<\/em>.\u00a0 Bilang isang prosesong nakapaloob sa ugnayan ng kapangyarihan, tumatawid ang <em>pagsasaayos<\/em> mula sa pakikipagkapwa hanggang sa mismong pagbubuo ng pamayanan.\u00a0 Bilang diskursong politikal naman, iminatuwid niyang mas lapat ito sa kamalayang Pilipino kaysa sa mga palasak na konsepto ng nasyon at estado.\u00a0 Nakaangkla ang inihain niyang dalumat sa mas malalim na diwa ng pakikipagkapwa at mga halagahing nakapaloob dito sa pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan.\u00a0 Lumilitaw sa gayon na <em>kapwa<\/em> ang teoretikal na kawing sa pagitan ng politika at sikolohiyang Pilipino at praktikal na batayan naman sa pagsasaayos ng kabuuang bayan.<\/p>\n<p>Sinuri naman Noahlyn Maranan ang mga kakayahang pangkaisipan ng mga retiradong guro ng Unibersidad ng Pilipinas bilang panimulang pag-aaral kung paano mag-isip ang mga Pilipino. \u00a0Ang mga kakayahang ito ay binubuo ng <em>pagsasalugar<\/em>, <em>paghugot<\/em>, <em>pag-aninaw<\/em>, <em>pagtumbok<\/em>, at <em>pagkakawing<\/em>, mga prosesong kognitibo-replektibo na bahagi ng isang kaisipang bihasa\u2019t may malawak at malalim na pagtunghay sa mga bagay-bagay.\u00a0 Humalaw ang may-akda ng mga halimbawa mula sa mga panayam at ipinakita niya na may iba\u2019t ibang manipestasyon ang mga prosesong ito. \u00a0Marami ring gamit ang mga kakayahang ito tulad ng matalas na pagtingin sa mga bagay-bagay, pagdadala ng sarili, paggampan, at paghawak ng damdamin o emosyon.<\/p>\n<p>Pagtanaw rin sa isang konseptong Pilipino ang pakay ni April Perez sa kaniyang deskriptibong paglalahad ng konsepto ng <em>sulit<\/em> ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong sa mga mag-aaral ng Filipino 40 (Wika, Kultura, at Lipunan) sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. \u00a0Dulot ng pagsakay nito sa global na daloy ng konsumerismo at kulturang popular, nakita ng may-akda ang bisa ng pagtalunton sa konsepto sa kasalukuyang panahon, na may ugnay at talab sa isinasaad ng literatura hinggil sa pamantayan, halagahin, at sikolohiyang Pilipino.\u00a0 Itinambal niya ang <em>sulit<\/em> sa konseptong <em>okey<\/em>\/<em>okey lang<\/em> at mula rito at inilatag ang posibleng positibo at negatibong implikasyon ng paggamit ng konsepto at pagsasaloob ng kahulugan nito.\u00a0 Sa huli, ipinapalagay ng mananaliksik ang lokal na danas at pag-asam sa <em>sulit<\/em> kaysa sa <em>okey lang<\/em> kaugnay ng mga bilihin at serbisyong tinatangkilik sa araw-araw.<\/p>\n<p>Nagsasanga-sanga sa ugnayan at pag-unlad ng tao sa nagbabagong lipunan ang hain ng tatlo pang artikulo.\u00a0 Binusisi nina Teresa Rungduin at Darwin Rungduin ang proseso ng <em>pagpapatawad<\/em> sa iba\u2019t ibang lebel ng pag-unlad ng indibidwal sa pamamagitan ng mga buhay-salaysay ng mga kalahok galing sa iba\u2019t ibang antas ng pamumuhay at pinag-aralan.\u00a0 Lumabas sa mga buhay-salaysay ng mga kalahok na may pagkakaiba ang mga dahilan ng paglabag sa kabutihang asal sa bawat yugto ng pag-unlad, mula sa pagkabata (<em>middle childhood<\/em>) tungo sa pagtanda (<em>late adulthood<\/em>).\u00a0 Ang mga nakalap na buhay-salaysay ay nakatulong upang makabuo ng modelo ng <em>pagpapatawad<\/em> na angkop sa kontekstong Pilipino\u2014na ang <em>pagpapatawad<\/em> ay binubuo ng tatlong mahalagang salik\u2014ang pag-iisip sa pamamagitan ng paniniwala na nagsisisi ang nagkasala, ang pakiramdam na gumagaan ang loob ng nagpapatawad, at ang pagpapahayag ng higit na positibong pananaw na makikita sa pagbabago ng ugali ng nagpapatawad.<\/p>\n<p>Dikit sa pagtanda at ugnayan ng tao, na maaninag din sa mga naunang artikulo, ang pag-aaral ni Christine Joy Lim hinggil sa relasyon ng magkapisang matandang ina at nangangalagang anak na babae. \u00a0Bagaman hindi ganap na nabubuwag ang istruktura ng ugnayan, ipinakita ng may-akda ang nagbabagong imahen at papel ng ina at anak sa natural na kurso ng buhay.\u00a0 Dahil sa estadong pangkalusugan, litaw ang pangangalaga ng anak sa kaniyang ina na sinusuklian naman din ng pagmamalasakit ng huli. \u00a0Mula rito, pinatingkad ng artikulo ang konsepto ng <em>kapwa<\/em> sa pagiging magkatambal ng mag-ina at sa patuloy na pagbibigay-suporta sa isa\u2019t isa.<\/p>\n<p>Mula sa mga pag-aaral na kapaloob ng bagong edisyon ng <em>E-Journal<\/em>, ipinapakita ang patuloy na paglusong sa mga usapang\/usaping lokal-global sa lapit at lapat ng Sikolohiyang Pilipino tungo sa pagtugon sa hamon ng pag-ahon sa pagkakakilanlang Pilipino.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANUNURING SP AT NATATANGING TALA<\/strong><\/p>\n<p>Taglay din ng mga rebyung kabilang sa tomong ito ang tema ng talabang lokal at global na nakapaloob sa at kinapapalooban ng Sikolohiyang Pilipino.\u00a0 Minarapat gamitin bilang kasangkapang konseptwal ang ideya ng talaban upang palitawin ang lokal at global hindi bilang mga absoluto o de-kahong mga kategorya, kundi mga kaganapang nasa patuloy na proseso ng pag-uugnayan at\/o pagtutunggalian.\u00a0 Sa talaban, higit na pinatitingkad ang bisa ng mga ideya sa isa\u2019t isa (Ferriols 1991).\u00a0 Tila metaporikal nitong nilalansag ang hirarkiyang nakapaloob sa magkakaibang konsepto, hindi upang ikubli ang di-patas na ugnayan ng mga ito (halimbawa sa kasong ito, ang lokal at global) kundi, sa kabaliktaran pa nga, palitawin na hindi monolitiko ang alinmang kaisipan at laging nakabatay sa konteksto ang posisyonalidad ng mga ito.\u00a0 Sa ganitong sentido, ang lokal ay maaaring maging global at ang global ay pwedeng mapasa-lokal.<\/p>\n<p>Ganito rin ang tinutungtungan ng Sikolohiyang Pilipino sa pagdidiing ang mga katutubong sikolohiya ang \u201cmagsisilbing daan tungo sa isang tunay na masaklaw at unibersal na sikolohiya\u201d (Enriquez 1976).\u00a0 Nais yanigin ng ganitong paninindigang intelektwal ang dominanteng anyo ng iskolarsyip na nagtuturing sa alinmang global\u2014na madalas ibinatay lang naman sa Kanluran\u2014bilang lehitimong pinagmumulan ng kaalaman.\u00a0 Sa pagtinging ito, higit na pinalilitaw ang kakayahan ng mga katutubong sikolohiya na maging bahagi ng isang makatotohanang pagtataguyod ng unibersal na sikolohiya.\u00a0 Kros-katutubong sikolohiya ang lapit na iminamatuwid sa paglalapat na ito, isang pagtatalaban sa pagitan ng mga katutubong sikolohiya ng daigdig.\u00a0 Sa mga tampok na rebyu, mapapansin ang pag-aangking Pilipino ng mga usaping global habang malay rin sa pag-iimpok ng kaalamang sarili.<\/p>\n<p>Makikita sa rebyu ni Joseph Torrecampo sa librong pinamagatang<em> Forging Management Excellence <\/em>ang sikolohiya ng paggawa sa pagkakalapat nito sa karanasang Pilipino.\u00a0 Binigyan ng kaukulang pansin sa kanyang sulatin ang kultura ng pamamahala at ang kaugnayan nito sa mga pagpapahalagang sinikap nang siyasatin sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino.\u00a0 Pangunahin rito ang pananagutan, malasakit, at bayanihan, mga pagpapahalagang nakaangkla sa diwa ng pakikipagkapwa.\u00a0 Talaban ang masusundan sa pagtalakay ng iba\u2019t ibang mga pagpapahalaga upang makapaghatid ng isang balangkas sa pag-unawa ng kultura ng pamamahala.\u00a0 Ganito rin ang lumilitaw na pagtataya ni Torrecampo nang ihanay nya ang kalipunan sa iba pang mga pagtatangkang unawain ang sikolohiya ng paggawa sa loob at labas ng bayan.\u00a0 Lumilitaw, aniya, na kung paiiralin lamang ang mga pagpapahalagang nabanggit, higit na magiging matatag ang mga samahan, mapapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng namamahala at pinamamahalaan, at mabibigyang-kapangyarihan ang mga manggagawang Pilipino.\u00a0 Nagsisilbing giya ang antolohiya, sa gayon, sa mas malalim pang pag-unawa sa kamalayan ng paghahanap-buhay at pagtataguyod ng maka-kapwang pangangasiwa ng paggawa.<\/p>\n<p>Talaban naman ng pamilya at kasarian ang tema ng rebyu ni Danielle Ochoa sa dalawang akdang pambata, <em>Ang Ikaklit sa Aming Hardin<\/em> (2012) ni Bernadette Villanueva Neri at <em>Ang Bonggang-Bonggang Batang Beki <\/em>(2013) ni Rhandee Garlitos.\u00a0 Makabuluhang kontribusyon, kapwa ang mga sinuring akda mismo at ang pagtatasa ni Ochoa, sa pagdidiin ng isang sikolohiyang malaya at mapagpalaya (Enriquez 1976) hindi lamang sa konteksto ng dekolonisasyon ng disiplina kundi maging sa produktibong pagbubuo ng kaalaman na nagsusulong ng progresibong mga paninindigan. Para sa manunuri, natatangi ang paggamit sa akdang pambata bilang behikulo sa paghahatid ng makabuluhang mensahe tulad ng wastong pagkilala sa pagkakaiba at pagkakatulad ng karanasan ng tao.\u00a0 Sa ispesipiko, malinaw ang diin ng mga sinuring aklat sa temang <em>LGBT<\/em> (<em>Lesbians<\/em>, <em>Gays<\/em>, <em>Bisexuals<\/em>, at <em>Transgenders<\/em>) laluna ang pagsisikap nitong hamunin ang heteronormatibong pagtatakda ng lipunan kaugnay ng gampaning pangkasarian.\u00a0 Sinalungguhitan din ang malikhaing pagpapakita ng mga isyu ng <em>LGBT<\/em> kapwa sa kontekstong personal at pamilya.\u00a0 Dahil usaping sikolohikal at panlipunan, nakadaragdag ang ganitong mga pagsasalaysay sa tunguhin ng higit na inklusibong Sikolohiyang Pilipino at gayundin ng pagsulong ng isang akademikong disiplina at kilusan na rin na may pandaigdigang presensya, ang sikolohiyang LGBT.<\/p>\n<p>Isang makabuluhang paksa kung saan matutunghayan pa ang pagtatagpo ng lokal at global ay ang ideya ng <em>kapwa<\/em>, isa sa mga pangunahing kaisipang ibinunga ng mga pananaliksik sa Sikolohiyang Pilipino.\u00a0 Sa <em>kapwa<\/em>, matingkad ang isang pananaw-pandaigdig na lapat sa karanasan ng bayan.\u00a0\u00a0 Hindi nakapagtatakang natukoy na dati pa ang sentralidad ng <em>kapwa<\/em> sa teorya ng pagkataong Pilipino, bagay na nakapag-engganyo na ng iba at kaugnay pang mga pag-aaral at talakayan sa Pilipinas at maging sa ibayong-dagat.\u00a0 Heto ang sinikap suriin ni Charmaine Galano sa kanyang rebyu ng <em>Pakikipagkapwa: Pilipinong Lapit sa Pananaliksik<\/em> (2013) ni Roberto Javier, Jr.\u00a0 Kalipunan ang librong ito ng mga sanaysay na sinulat ng awtor hinggil sa mga paksang kaugnay ng <em>pakikipagkapwa<\/em> gaya ng <em>pagsasakapangyarihan<\/em>, <em>pamumuno<\/em>, <em>pagkamamamayan<\/em>, <em>pananagutan<\/em>, at <em>pakikipamayapa<\/em>.\u00a0 Para kay Galano, bukod sa pagdadalumat ng <em>kapwa<\/em>, naging makabuluhang ambag rin ng akda ang pagtugon nito sa hamon ng paggamit ng katutubong metodo.\u00a0 Binigyang-pansin ng kanyang rebyu ang metodo ng <em>pakikipagkwentuhan<\/em> at iginiit ang potensyal nito bilang paraan sa pagkalap ng mapagkakatiwalaang datos.\u00a0 <em>Pakikipagkapwa<\/em> pa rin ang pinaiiral na pagkilos sa pakikipag-ugnayang ito sa kalahok.\u00a0 Ibig sabihin, may talabang teoretikal at metodolohikal sa <em>kapwa<\/em>\u2014sikolohikal na praxis, samakatwid\u2014na tumutugon sa pangangailangang bumuo ng balangkas ng pagkatao at lipunang Pilipino habang naghahawan rin ng landas tungo sa maka-Pilipinong kaparaanan ng pananaliksik.<\/p>\n<p>Panghuling ambag sa koleksyon ng rebyu ang pagsusuri ni Amihan Bonifacio-Ramolete ng pagtatanghal-musikal ng Dulaang Unibersidad ng Pilipinas (DUP) na pinamagatang <em>Ang Nawawalang Kapatid<\/em> (2014).\u00a0 Hango ang palabas sa <em>Mahabharata<\/em>, isang matandang epiko ng bansang India na kwento ng hidwaan ng dalawang makapangyarihang pamilya.\u00a0 Nakapaloob ang artistikong pagpapahayag sa paniniwalang Hindu, na pinayaman pa ng pagsangguni sa <em>Bhagavad Gita<\/em>, isang kalipunan ng mga aral at etikal na preskipsyon sa Hinduismo.\u00a0 Ang moral na suliranin sa likod ng pakikipagdigmaan ang syang sentral na isyu sa kwento.\u00a0 Bagama\u2019t isang kuwento mula sa labas ng Pilipinas, inangkin ng pagtatanghal-musikal ang kwento sa kapakinabangan ng Pilipinong tagatangkilik.\u00a0 Hindi nalalayo ang ginawa ni Bonifacio-Ramolete na pagsusuri kung saan kanyang nilapat ang <em>loob<\/em> bilang ispesipikong tema na napalitaw sa proseso ng pagsasaling-kultural.\u00a0 Sa paggamit ng <em>loob<\/em> bilang balangkas ng pag-unawa sa ugnayan at tunggalian ng mga karaker ng istorya, makikita aniya na hindi ito istatiko at nagbabago ito sa pagdaan ng panahon.\u00a0 Dagdag pa niya, maaaring tanda ng kalakasan at paninindigang maka-<em>kapwa<\/em>, halimbawa na sa konteksto ng mga pinuno, ang ganitong karanasang sikolohikal.\u00a0 Matingkad, sa parehong rebyu at pagtatanghal-musikal hindi lang ang siko-moral na batayan ng <em>loob<\/em> (Miranda 1989) kundi maging ang bisa ng sarili nating mga kategorya na unawain ang lawak at lalim ng pagkatao, dito man o sa labas ng bayan, noong lumang panahon man o sa kasalukuyan.\u00a0 Sa madaling salita, may talab ang konseptong Pilipino sa pag-unawa sa kanyang labas.<\/p>\n<p>Ang panghuling bahagi ng isyu ay nagtatampok naman sa panayam kay Dr. Rogelia Pe-Pua, iskolar at mananaliksik ng Sikolohiyang Pilipino at isang matibay na haligi ng disiplina. \u00a0Sa pamamagitan ng panayam ay ibinahagi ni Dr. Pe-Pua ang dahilan ng kanyang pagtahak sa landas ng Sikolohiyang Pilipino, ang kanyang mga natutunan mula kay Dr. Virgilio Enriquez, ang Ama ng SP, ang kanyang mga kaisipan kaugnay ng ilang mga isyung nakapalibot sa SP kabilang ang lapat ng SP sa pag-aaral ng pandarayuhan, at ang kanyang payo sa mga batang mag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino. \u00a0Masasabing kinakatawan ni Dr. Pe-Pua ang pakay din ng kasalukuyang <em>E-Journal <\/em>na pagtagpuin ang lokal at global, hindi lang dahil sa mga naging paksa ng kanyang pananaliksik kundi maging sa mismong karanasan nya na rin bilang iskolar na bagama\u2019t nasa ibayong-dagat ay nakaugat pa rin sa bayan.\u00a0 <em>\u00a0<\/em><\/p>\n<p>Sa kabuuan, masasabing pagpapahiwatig ang lahat ng sulatin sa tomong ito na nakatungtong ang Sikolohiyang Pilipino kapwa sa talastasang bayan at diskursong unibersal.\u00a0 Dinamiko ang pagtatalabang ito ng mga elementong lokal at global sa tukoy na layunin ng pagtataguyod ng isang disiplina at kilusang nagmumula sa at napapakinabangan ng Sangkapilipinuhan.\u00a0 Ambag na ring masasabi ang tunguhing ito sa pagbubuo ng isang makatotohanan at makatwirang pandaigdigang sikolohiya na nagpapahalaga sa kamalayang katutubo at nagtataguyod ng makabuluhang pag-aaral sa indibidwal at lipunan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p><strong>\u00a0<\/strong>Aganon, M.A. at A. David (1985). \u00a0<em>Sikolohiyang Pilipino: Isyu, Etika at Kaalaman<\/em>. \u00a0Quezon City: National Book Store.<\/p>\n<p>Aguiling-Dalisay, G., R.M. Mendoza, E.J.L. Mirafelix, J.A. Yacat, M.R. Sto. Domingo, at F.R. Bambico (2000). \u00a0<em>Pagkalalake [Masculinity]: Men in control? Filipino male views on love, sex &amp; women<\/em>.\u00a0 Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>Antonio, L.F. (pat.) (1976). \u00a0Ulat ng Unang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino. \u00a0Quezon City: Philippine Psychology Research &amp; Training House.<\/p>\n<p>Bernardo, A. B. I. (2009). \u00a0Culture and Philippine psychology: Progress and prospects. \u00a0Nasa M.L.T. Camagay (pat.), <em>Pi Gamma Mu Diamond Lectures<\/em>. \u00a0Quezon City: Pi Gammu Mu International Honor Society in Social Science, Philippine Alpha Chapter, 31-50.<\/p>\n<p>Cabochan, G.V.Jr. (pat.) (2012).\u00a0 <em>Forging Management Excellence on the Anvil of Culture<\/em>.\u00a0 Mandaluyong: People Management Association of the Philippines, Center for Research and Publications.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1976).\u00a0 Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at direksyon.\u00a0 Nasa E.S. Reyes, R.E. Pe, at N.R. Almonte (mga pat.), <em>Ulat ng unang pambansang kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino<\/em>.\u00a0 Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, 221-243.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1992). \u00a0<em>From colonial to liberation psychology: The Philippine experience<\/em>. \u00a0Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. at E. Protacio-Marcelino, E. (1984). \u00a0<em>Neo-colonial politics and language struggle in the Philippines<\/em>. \u00a0Quezon City: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>Estrada-Claudio, S. (1995).\u00a0 Ang Sikolohiya ng Kababaihan.\u00a0 Nasa L. Quindoza-Santiago (pat.), <em>Mga idea at estilo: Komposisyong pangkolehiyo sa wikang Filipino<\/em>. \u00a0Quezon City: University of the Philippines Press, 145-158.<\/p>\n<p>Ferriols, R. (1991).\u00a0 <em>Pambungad sa metapisika<\/em>.\u00a0 Quezon City: Office of Research and Publications,<\/p>\n<p>Ateneo de Manila University.<\/p>\n<p>Garlitos R. at T.S. Pe\u00f1aflorida (2013).\u00a0 <em>Ang Bonggang Bonggang Batang Beki<\/em>.\u00a0 Manila: LG&amp;M Corporation.<\/p>\n<p>Javier, R.E.Jr. (2013).\u00a0 <em>Pakikipagkapwa: Pilipinong Lapit sa Pananaliksik<\/em>.\u00a0 Quezon City: Central Book Supply, Inc.<\/p>\n<p>Mendoza, S.L. (2006). \u00a0<em>Between the homeland and the diaspora: the politics of theorizing Filipino and Filipino American identities<\/em>. \u00a0Manila: University of Santo Tomas Press.<\/p>\n<p>Miranda, D. (1989).\u00a0 <em>Loob: The Filipino within: A preliminary investigation into a pre-theological moral anthropology.\u00a0 <\/em>Manila: Divine Word Publications, Inc.<\/p>\n<p>Navarro, A.M., J.D. Petras, at M.T. Ujano-Batangan (mga pat.) (2014). \u00a0<em>DIWA E-Journal<\/em>, 1 (1).<\/p>\n<p>Neri, B.V. at C.J. de Silva (2012).\u00a0 <em>Ikaklit sa aming Hardin<\/em>.\u00a0 Manila: Publikasyong Twamkittens.<\/p>\n<p>Paredes-Canilao, N. at M.A. Babaran-Diaz (2013). \u00a0Sikolohiyang Pilipino: 50 Years of Critical-Emancipatory Social Science in the Philippines.\u00a0 <em>Annual Review of Critical Psychology<\/em>, 10. \u00a0\u00a0\u00a0<em>\u00a0<\/em><\/p>\n<p>Pe-Pua, R. (pat.) (1982).<em>\u00a0 Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo, at gamit.\u00a0 <\/em>Quezon City: Philippine Psychology Research and Training House.<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. (2005). \u00a0Kros-katutubong perspektibo sa metodolohiya: Ang karanasan ng Pilipinas. \u00a0<em>Binhi<\/em>, 2 (1).<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. at E. Protacio-Marcelino (2002). \u00a0Sikolohiyang Pilipino: Pamana ni Virgilio G. Enriquez. \u00a0<em>Binhi<\/em>, 1 (1).<\/p>\n<p>Protacio-De Castro, E., F.A.G. Balanon, A.Z.V. Camacho, M.G. Ong, A.G. Verba, at J.A. Yacat (2002). \u00a0<em>Integrating child-centered approaches in children\u2019s work<\/em>. \u00a0Quezon City: Center for Integrative and Development Studies Program on Psychosocial Trauma and Human Rights, University of the Philippines.<\/p>\n<p>Santos, D.M. (direktor at koreograpo), C. Javier (musika), at F. Quintos (manunulat) (2014).\u00a0 <em>Ang Nawawalang Kapatid<\/em> [Dulang musikal].\u00a0 Quezon City: Dulaang Unibersidad ng Pilipinas.<\/p>\n<p>San Juan, E. (2006). \u00a0Toward a decolonizing indigenous psychology in the Philippines: Introducing Sikolohiyang Pilipino. \u00a0<em>Journal for Cultural Research<\/em>, 10, 47-67.<\/p>\n<p>Sta. Maria, M. (2000). \u00a0Indigenous psychology, ethnopsychology, crosscultural psychology and cultural psychology: Distinction implications for Sikolohiyang Pilipino. \u00a0<em>Asia-Pacific Social Science Review<\/em>, 1, 11-22.<\/p>\n<p>Yacat, J.A. (2013). Tungo sa isang mapagbuong sikolohiya: Hamon sa makabagong sikolohiyang Pilipino. <em>Daluyan: Journal ng Wikang Filipino<\/em>, 19 (2), 5-32.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PASASALAMAT<\/strong><\/p>\n<p>Lubos na nagpapasalamat ang patnugutan ng <em>DIWA E-Journal<\/em> sa mga nag-ambag ng mga\u00a0 artikulo na sina Antonio Contreras, Ph.D. (De La Salle University, Manila, Philippines), Noahlyn Maranan (University of the Philippines, Los Ba\u00f1os), April J. Perez (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Teresita T. Rungduin (Philippine Normal University, Manila, Philippines), Darwin C. Rungduin (Colegio de San Juan de Letran, Manila, Philippines), at Christine Joy C. Lim (Mariano Marcos State University, Ilocos Norte, Philippines). \u00a0Gayundin, nagpapasalamat ang patnugutan sa mga nagrebyu na sina Joseph Torrecampo (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Danielle Ochoa (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Charmaine Galano (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), at Amihan Bonifacio Ramolete, Ph.D. (University of the Philippines, Diliman, Quezon City).<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Mario R. Sto. Domingo, Ph.D. Department of Psychology University of Maryland, Balimore Country, U.S.A Jayson D. Petras Departamento ng Filipino at mga Panitikan ng Pilipinas University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Adonis L. Elumbre Department of History and &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-mga-lapit-at-lapat-ng-sikolohiyang-pilipino-sa-mga-paksaing-lokal-global\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] Mga Lapit at Lapat ng Sikolohiyang Pilipino sa mga Paksaing Lokal-Global<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/370"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=370"}],"version-history":[{"count":5,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/370\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":383,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/370\/revisions\/383"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=370"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=370"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=370"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}