{"id":181,"date":"2013-09-03T08:01:18","date_gmt":"2013-09-03T08:01:18","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=181"},"modified":"2014-09-04T04:43:21","modified_gmt":"2014-09-04T04:43:21","slug":"diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-ama-ng-sikolohiyang-pilipino-buhay-at-kontribusyon-ni-virgilio-g-enriquez-1942-1994","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-ama-ng-sikolohiyang-pilipino-buhay-at-kontribusyon-ni-virgilio-g-enriquez-1942-1994\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Ama ng Sikolohiyang Pilipino: Buhay at Kontribusyon ni Virgilio G. Enriquez (1942-1994)*"},"content":{"rendered":"<p><strong>Atoy M. Navarro<\/strong><br \/>\nFaculty of Allied Health Sciences<br \/>\nThammasat University (TU), Rangsit, Thailand<\/p>\n<p>Tubong Bigaa, Bulakan, isinilang si Virgilio Gaspar Enriquez noong Nobyembre 24, 1942.\u00a0 Bunso siya sa limang anak nina Arsenio Libiran Enriquez at Rosario Galvez Gaspar.\u00a0 Nakatatanda niyang kapatid sina Corazon, Manuel, Conchita, at Mabini (NHI 1994; Navarro 2013).<\/p>\n<p>Sa gulang na anim na taon, pumasok si \u201cVer\u201d sa <em>Primary Grade School Department<\/em> ng <em>Manila Central University<\/em> kung saan niya tinapos ang kanyang primaryang edukasyon bago lumipat sa <em>Espiritu Santo Parochial School<\/em> kung saan naman niya tinapos ang kanyang elementaryang edukasyon.\u00a0 Para sa sekondaryang edukasyon, pumasok siya sa <em>Colegio de San Juan de Letran<\/em> kung saan siya nagtapos na kabilang sa 15 pinakamataas sa 250 nagsipagtapos na estudyante (NHI 1994; Navarro 2013).\u00a0 Mula pa sa mga panahong ito ng kanyang kabataan, sinanay na siya ng kanyang ama sa mahusay na pagpapahayag at pagsasalita sa katutubong wika.\u00a0 Hindi nawawalan ng panahon ang kanyang ama na makipagtalakayan sa kanya sa wikang Pilipino.\u00a0 Halimbawa, malakas na pinababasa sa kanya ang peryodikong Ingles sa wikang Pilipino na para bagang sa katutubong wika ito orihinal na sinulat (Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000).<\/p>\n<p>Sa kolehiyo, nagtapos siya ng <em>A.B. Philosophy<\/em> sa <em>University of the Philippines<\/em> (UP) noong 1961 (NHI 1994; Navarro 2007, 2013).\u00a0 Kumuha rin siya ng mga gradwadong kurso sa Sikolohiya sa naturang unibersidad.\u00a0 Habang estudyante, naging abala rin siya sa iba\u2019t ibang gawaing akademiko at ekstra-kurikular bilang Pangulo ng <em>UP Psychology Society<\/em> (Psychsoc); <em>Public Relations Officer<\/em> ng <em>UP Mathematics Club<\/em> (Math Club); Kasaping Tsarter ng <em>UP Philosophical Society<\/em> (Philosoc); at Kasaping Halal ng <em>Rizal Center Honor Society<\/em>, <em>Philippine Statistical Association<\/em> (PSA).\u00a0 Naging Katuwang na Mag-aaral ng Pilosopiya rin siya sa <em>UP University College<\/em> noong 1961.\u00a0 Hindi nagtagal, naging Katuwang na Tagapagturo ng Pilosopiya siya sa <em>UP University College<\/em> noong 1961-1963 kung kailan naging Katuwang na Instruktor ng Pilosopiya rin siya sa <em>UP Baguio College<\/em> sa <em>Summer Institute<\/em> noong 1962.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan<\/strong><br \/>\n<em>Virgilio G. Enriquez<\/em><br \/>\n<em>(1942-1994)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Doc-E.png\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-182\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Doc-E.png\" alt=\"Doc E\" width=\"326\" height=\"420\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Doc-E.png 326w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Doc-E-232x300.png 232w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Doc-E-100x128.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Doc-E-150x193.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Doc-E-200x257.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Doc-E-300x386.png 300w\" sizes=\"(max-width: 326px) 100vw, 326px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Pormal siyang napasok sa Sikolohiya bilang Instruktor sa <em>UP College of Arts and Sciences<\/em> (CAS) noong 1963.\u00a0 Bandang 1965, isa na siya sa iilang guro na gumagamit ng wikang Pilipino sa pagtuturo.\u00a0 Halimbawa, sa eksamen sa isang klase ng Sikolohiya, hindi niya isinalin sa Ingles ang isang panaginip na ikinuwento sa kanya ng isang residente ng Bulacan (Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000).\u00a0 Ang ganitong karanasan sa pagtuturo ang marahil naging batayan ng paglalathala niya ng \u201cOn the Translation of Foreign Languages to Pilipino,\u201d <em>Philippine Collegian, <\/em>20 (11), Marso 8, 1966.<\/p>\n<p>Noong 1966, umalis siya ng bansa at tumungo sa Estados Unidos ng Amerika para mag-aral bilang <em>Rochefeller Foundation Scholar in Humanities and Social Sciences<\/em> sa <em>Northwestern University<\/em> (NU) sa Evanston, Illinois, Estados Unidos ng Amerika.\u00a0 Sa naturang unibersidad, nagtapos siya ng <em>M.A. Psychology<\/em> noong 1970 at <em>Ph.D. Social Psychology<\/em> noong 1971 (NHI 1994; Navarro 2007, 2013).\u00a0 Habang nag-aaral sa banyagang bansa, sa gitna ng mga dayuhang teorya, sinubaybayan niya ang pag-igting ng aktibismo ng mga estudyanteng Pilipino laban sa lumalalang kondisyon at sitwasyong panlipunan at pampulitika ng bansa.\u00a0 Kasabay nito, nagsisimula na ring magkaroon ng epekto ang pagtindi ng nasyonalismo sa pagtuturo ng iba\u2019t ibang kurso sa UP.\u00a0 Sa pakikipagsulatan niya kay Alfredo Lagmay, Tagapangulo ng <em>UP Departamento ng Sikolohiya<\/em>, nabatid ni Enriquez na mainit na tinatalakay ang pagtuturo sa wikang Pilipino.\u00a0 Sinimulan niya ang paghahanda sa muling pagtuturo ng sikolohiya sa wikang pambansa.\u00a0 Sa katunayan, nagkaroon din siya ng iba\u2019t ibang pakikipagtalakayan (at pakikipagtalo) sa mga kaibigan at propesor sa NU tulad nina Ernesto Kole, Lee Sechrest, at Donald Campbell kaugnay ng pagtuturo sa wikang Pilipino (Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000).<\/p>\n<p>Taong 1971 nang bumalik si \u201cDoc E\u201d sa Pilipinas dala-dala ang kaalamang Kanluranin na hindi niya iginiit at ipinataw sa kanyang mga kasama at estudyante.\u00a0 Bagkus, lalo pa ngang tumibay ang kanyang oryentasyon at perspektibong Pilipino sa pananaliksik at pagtuturo bilang Katuwang na Propesor ng Sikolohiya sa UP CAS.\u00a0 Itinatag niya ang <em>Philippine Psychology Research House<\/em> (PPRH) noong 1971, na naging <em>Philippine Psychology Research and Training House<\/em> (PPRTH) na tinawag din nang lumaon na <em>Surian ng Sikolohiyang Pilipino<\/em>, na naging bahagi ng <em>Akademya ng Sikolohiyang Pilipino<\/em> at <em>Akademya ng Kultura at Sikolohiyang Pilipino <\/em>bago tuluyang naging nagsasariling institusyon.\u00a0 Naging tahanan ito ng mga materyales sa Sikolohiyang Pilipino, na kinabibilangan ngayon ng humigit 10,000 sanggunian.\u00a0 Naging sentro rin ito ng pananaliksik at pagsasanay na may oryentasyon at perspektibong Pilipino bukod pa sa pagiging \u201ctahanan\u201d ng mga indibidwal na nahikayat ng kanyang sigasig, na nang lumao\u2019y nakapagbigay ng kani-kanilang ambag sa pag-unlad ng Sikolohiyang Pilipino (NHI 1994; Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000).\u00a0 Kasama ang ilang tagapangunang tagapagtaguyod ng Sikolohiyang Pilipino, magkakasunod na lumabas ang ilang natatanging publikasyon.\u00a0 Kabilang dito ang:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Sikolohiya ng Wika (Working Papers in Psycholinguistics).\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines, 1972.\u00a0 May-akda at patnugot kasama si Lilia Antonio.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Pananaliksik sa Sikolohiya; Dyornal ng Malawakang Edukasyon.\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines Press, 1972.\u00a0 May-akda at patnugot kasama si Lilia Antonio.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Katipunan ng Lathalaing Pangsikolohiya.\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines, 1973, ikalawang edisyon, 1974.\u00a0 May-akda at patnugot kasama si Lilia Antonio.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Panayam sa Sikolohiya; Mga Piling Papel.\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines, 1973.\u00a0 May-akda at patnugot kasama si Amelia Alfonso.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Talambuhay ng Isang Baliw.\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines Department of Psychology, 1974.\u00a0 Tagasalin ng akda ni Marguerite Sechehaye.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Mga Babasahin sa Pilosopiya: Epistemolohiya, Lohika, Wika, at Pilosopiyang Pilipino.\u00a0 <\/em>Quezon City: Echanis Press, 1974, muling inilathala ng Surian ng Sikolohiyang Pilipino (Philippine Psychology Research and Training House), 1983.\u00a0 May-akda at patnugot.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Tao at Lipunan.\u00a0 <\/em>Quezon City: Echanis Press, 1974.\u00a0 May-akda at patnugot kasama sina Pemari Banzuela at Ma. Carmen Galang.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Philippine Studies on the Psychology of Language (Series of 1971-1974).\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines Press, 1974.\u00a0 May-akda at patnugot.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Sikolinggwistikang Pilipino.\u00a0 <\/em>Quezon City: Philippine Psychology Research House at University of the Philippines College of Arts and Sciences, 1974, muling inilathala bilang <em>Sikolinggwistikang Pilipino (Wika at Lipunan, Kaasalang Pangwika, Bilinggwalismo at Suliranin sa Pagpapahayag), <\/em>Quezon City: University of the Philippines Press, 1976.\u00a0 May-akda at patnugot.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Panukat ng Ugali at Pagkatao Form A.\u00a0 <\/em>Quezon City: Philippine Psychology Research House at National Science and Development Board, 1975.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p>Habang Kasamang Propesor ng Sikolohiya sa UP Diliman at Pangulo ng <em>Psychological Association of the Philippines<\/em> (PAP), pinamunuan niya ang <em>Unang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino<\/em> na ginanap sa UP Diliman noong Nobyembre 6-11, 1975 kung kailan pormal na ipinakilala ang Sikolohiyang Pilipino kasama sina Alfredo Lagmay, Armando Bonifacio, Prospero Covar, at Zeus Salazar.\u00a0 Naging tuwirang supling ng kumperensyang ito ang <em>Pambansang<\/em><em> Samahan sa Sikolohiyang Pilipino <\/em>(PSSP) (NHI 1994; Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000; Navarro 2007, 2013).\u00a0 Kinilala sa naturang kumperensya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang organisasyon upang patuloy na maisakatuparan ang mga layunin para sa Sikolohiyang Pilipino kung kaya\u2019t inilatag ang pundasyon sa pagbubuo ng isang pambansang samahan na ganap na itinatag noong Disyembre 19, 1975 at naiparehistro noong Enero 23, 1976.\u00a0 Sa pagsisimulang ito, naglingkod bilang Pangulong Tagapagtatag si Doc E.\u00a0 Upang tuwirang ilahad ang mga batayan, kaisipan, konsepto, perspektibo, at tunguhin ng Sikolohiyang Pilipino, inilathala ni Doc E ang artikulong \u201cSikolohiyang Pilipino: Perspektibo at Direksyon,\u201d <em>Ulat ng Unang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino<\/em>, Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, 1976.<\/p>\n<p>Nanungkulan din siya bilang Tagapangulo ng <em>UP Departamento ng Sikolohiya<\/em> noong 1978-1982 (NHI 1994; Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000; Navarro 2007, 2013).\u00a0 Sa panahong ito, hinirang siyang Propesor ng Sikolohiya at matapos ito, Propesor Emeritus ng Sikolohiya sa UP Diliman.\u00a0 Sa panunungkulan niya bilang Tagapangulo, Propesor, at Propesor Emeritus, kasabay ng pagiging Tagapangulong Tagapagtatag ng <em>Language Education Council of the Philippines<\/em> (LEDCO) noong 1981, aktibo niyang hinikayat ang kanyang mga estudyante na magsulat sa wikang Pilipino upang makapaglinang ng mahahalagang katutubong konseptong makatutulong sa pagsusulong ng pambansang wika.\u00a0 Bilang Tagapayo, Tagasuri o Tagabasa, nasa likod din siya ng napakaraming tesis at disertasyon sa Sikolohiya, Linggwistiks, Antropolohiya, Pilosopiya, at Pilipinolohiya na sinulat sa wikang pambansa.\u00a0 Bilang estudyante, nagtapos siya ng <em>M.A. Filipino<\/em> sa UP Diliman noong 1983.\u00a0 Naging pangunahing inspirasyon din siya sa pagtatatag ng <em>Samahang Pilipino sa Sikolohiya ng Wika<\/em> (SPSW), <em>UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino<\/em> (Buklod-Isip), <em>Philippine Normal College<\/em> (PNC) <em>Samahan ng Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino<\/em> (SMSP), <em>Federation of Psychology Societies<\/em> (Psych Fed), <em>Bulacan Community Field Station<\/em> na naging <em>Sikolohiya at Diwa ng Bulacan<\/em>, <em>Samahang Pilipino sa Sikolohiya ng Bata<\/em> (SPSB), <em>Sining Sikolohiyang Pilipino<\/em> (SSP), <em>Tulay-Buklod<\/em>, <em>Sentro sa Pag-aaral ng Relihiyon<\/em> (SPR), <em>Pambansang Samahan sa Kasaysayan ng Sikolohiya<\/em> (PSKS), at <em>Samahan sa Pagtuturo ng Sikolohiya sa Filipino<\/em> (SPSF).\u00a0 Halos kasabay ng mga ito ang patuloy niyang paglalabas ng mga natatanging publikasyon na kinabilangan ng:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Filipino Psychology in the Third World.\u00a0 <\/em>Quezon City: Philippine Psychology Research House, 1977.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Sikolohiyang Pilipino: Batayan sa Kasaysayan, Perspektibo, Mga Konsepto, at Bibliograpiya.\u00a0 <\/em>Quezon City: Philippine Psychology Research House, 1978.\u00a0 May-akda at patnugot.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Persepsiyon: Mga Konsepto at Teorya.\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines Department of Psychology, 1978.\u00a0 May-akda at patnugot.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Ang Ulat ng Pagsisiyasat sa Agham-Panlipunan at Pilosopiya (Serye ng mga Papel sa Pananaliksik: Papel Bilang EN-A70 Enero 1978).\u00a0 <\/em>Quezon City: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino, 1978.\u00a0 May-akda kasama si Ponciano Bennagen.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Decolonizing the Filipino Psyche: Philippine Psychology in the Seventies.\u00a0 <\/em>Quezon City: Philippine Psychology Research House, 1982.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Manwal ng Panukat ng Ugali at Pagkatao.\u00a0 <\/em>Quezon City: <em>Philippine Psychology Research and Training House<\/em>, 1983.\u00a0 May-akda kasama si Ma. Angeles Guanzon.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Neo-colonial Politics and the Language Struggle in the Philippines (National Consciousness and Language in Philippine Psychology: 1971-1983).\u00a0 <\/em>Quezon City: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino, 1984.\u00a0 May-akda kasama si Elizabeth Protacio-Marcelino.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Sikolohiya ng Libangan.\u00a0 <\/em>Quezon City: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino, 1989.\u00a0 May-akda kasama sina Maria Jacinta Javier, Glenda Sales, at Alan Filio.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Ang Kababalaghan at ang Parasikolohiya.\u00a0 <\/em>Quezon City: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino, 1989.\u00a0 May-akda kasama sina Precious Joy Baldea at Ma. Angela Bernardo.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Indigenous Psychology: A Book of Readings.\u00a0 <\/em>Quezon City: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino, 1990.\u00a0 May-akda at patnugot.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Ang Sikolohiyang Malaya sa Panahon ng Krisis.\u00a0 <\/em>Quezon City: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino, 1991.\u00a0 May-akda kasama sina Sandra Herrera at Emir Tubayan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>From Colonial to Liberation Psychology; The Philippine Experience.\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines Press, 1992, muling inilathala ng Maynila: De La Salle University Press, 1994.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Pagbabangong-Dangal; Indigenous Psychology &amp; Cultural Empowerment.\u00a0 <\/em>Quezon City: Akademya ng Kultura at Sikolohiyang Pilipino, 1994.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p>Lumaganap din ang kanyang impluwensiya sa labas ng UP.\u00a0 Nakapagturo rin siya sa iba\u2019t ibang institusyon, kolehiyo, at unibersidad gaya ng <em>De La Salle University<\/em> (DLSU), <em>Pamantasan ng Lungsod ng Maynila<\/em> (PLM), <em>University of Santo Tomas<\/em> (UST), at <em>Centro Escolar University<\/em> (CEU).\u00a0 Nakapagturo rin siya bilang <em>Visiting Professor<\/em> sa mga institusyon, kolehiyo, at unibersidad sa ibayong dagat tulad ng <em>University of Hawaii<\/em> (UH), <em>Tokyo University of Foreign Studies<\/em> (TUFS), <em>University of Malaya<\/em> (UM), at <em>University of Hong Kong<\/em> (UHK).\u00a0 Nagkapagturo rin siya ng wikang Tagalog sa <em>Kapiolani Community College<\/em> sa Honolulu, Hawaii; <em>University of California<\/em> (UC), Berkeley; at <em>Doelger Community Center<\/em> sa Daly City, California.\u00a0 Tumanggap din siya ng iba\u2019t ibang iskolarsyip tulad ng <em>Research Scholarship<\/em> mula sa <em>Tohoku Dental University<\/em> (TDU) ng Japan noong 1982, <em>Liverlhulme Fellowship Award<\/em> mula sa UHK noong 1982, at <em>Research and Teaching Fellowship Grant<\/em> mula sa <em>Institute of Southeast Asian Studies<\/em> (ISEAS) sa Singapore noong 1983-1984 (NHI 1994; Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000; Navarro 2007, 2013).<\/p>\n<p>Sa labas ng bansa, kilala siya hindi lamang bilang pangunahing tagasulong ng Sikolohiyang Pilipino kundi kabilang sa tagapagtaguyod ng <em>Indigenous Psychology<\/em> at <em>Cross-Cultural Psychology<\/em> o mas angkop, <em>Cross-Indigenous Psychology<\/em>.\u00a0 Sa katunayan, kahanay niya sina Rogelio Diaz-Guerrero, Durganand Sinha, Henry Kao, Herbert Kelman, Cigdem Kagitcibasi, at Michel Duro Jayiye sa pagbubuo ng <em>International Association for Cross-Cultural Psychology<\/em> (IACCP) at <em>Division of National Development<\/em> ng <em>International Association of Applied Psychology<\/em> (IAAP).\u00a0 Naging Pangulong Tagapagtatag din siya ng <em>Pandaigdigang Katipunan sa Sikolohiyang Pilipino<\/em> (PKSP) na binubuo ng mga organisasyon at sangay sa Maynila sa Pilipinas; Nevada, San Francisco, Los Angeles, New Haven sa Estados Unidos ng Amerika; Sydney sa Australia; at Tokyo sa Japan (NHI 1994; Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000; Navarro 2007, 2013).\u00a0 May mga akda rin siyang nalathala sa labas ng bansa tulad ng:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Philippine World Views.\u00a0 <\/em>Singapore: Institute for Southeast Asian Studies, 1986.\u00a0 May-akda at patnugot.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cDecolonizing the Filipino Psyche: Impetus for the Development of Psychology in the Philippines.\u201d\u00a0 Nasa Geoffrey Blowers at Alison Turtle (mga pat.), <em>Psychology Moving East: The Status of Western Psychology in Asia and Oceania.\u00a0 <\/em>Boulder at London: Westview Press, 1987.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cThe Structure of Philippine Social Values: Towards Integrating Indigenous Values and Appropriate Technology.\u201d\u00a0 Nasa Durganand Sinha at Henry Kao (mga pat.), <em>Social Values and Development: Asian Perspectives. <\/em>\u00a0New Delhi: Sage Publications, Inc., 1988.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Indigenous Psychology and National Consciousness.\u00a0 <\/em>Tokyo: Institute for the Study of Languages and Cultures of Asia and Africa, 1989.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cSocio-Political Environment of Youth: What Society Do the Youth Live In?\u201d\u00a0 Nasa <em>Youth Culture: Reconstructing Society, Youth as Major Participants.<\/em>\u00a0 Seoul: Korea Institute for Youth and Children, 1990.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cDeveloping a Filipino Psychology.\u201d\u00a0 Nasa Uichol Kim at John Berry (mga pat.), <em>Indigenous Psychologies; Research and Experience in Cultural Context.\u00a0 <\/em>New Burry Park, London at New Delhi: Sage Publications, Inc., 1993.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cImpact of Labeled Anger and Blame in Intimate Relationships: Cross-Cultural Extension of Findings.\u201d\u00a0 <em>Journal of Cross-Cultural Psychology, <\/em>26 (1), 1995.\u00a0 May-akda kasama sina Edward Kubany, Gordan Bauer, Maria Eva Pangilinan at Miles Muraoka.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cFilipino Psychology: Concepts and Methods.\u201d\u00a0 Nasa Henry Kao at Durganand Sinha (mga pat.), <em>Asian Perspectives on Psychology.\u00a0 <\/em>New Delhi: Sage Publications, Inc., 1997.\u00a0 May-akda.<\/p>\n<p>Gayundin, naging <em>Consulting Editor<\/em> siya ng internasyonal na <em>journal <\/em>ng <em>Sage Publications, Inc.<\/em> na <em>Psychology and Developing Societies <\/em>na itinatag ni Sinha (Navarro 2013).<\/p>\n<p>Bilang pagkilala sa kanyang ambag at kontribusyon sa Sikolohiyang Pilipino at Sikolohiyang Asyano, tumanggap siya ng iba\u2019t ibang parangal kabilang na ang <em>Gawad ng Pagkilala <\/em>mula sa PSSP noong 1980 bilang pagkilala sa kanyang malikhaing pangunguna sa pagpapaunlad ng Sikolohiyang Pilipino at pagtatatag ng PPRTH at PSSP; <em>Outstanding Young Scientist of the Philippines<\/em> mula sa <em>National Academy of Science and Technology<\/em> (NAST) noong 1982 bilang pagkilala sa kanyang masigasig na pangunguna sa pagpapaunlad ng Pilipinong pananaw sa Sikolohiya (Sikolohiyang Pilipino) at paglilinaw ng sosyolohiya ng kaalaman nito sa pamamagitan ng substantibong pananaliksik para sa isang metodolohiya na tungo sa pagsasakatutubo ng mga konsepto sa Pilipinong Panlipunang Sikolohiya; <em>Outstanding Alumni Award <\/em>mula sa <em>Colegio de San Juan de Letran <\/em>noong 1983 bilang pagkilala sa kanyang ambag sa pag-aaral sa kultura, lipunan, at sikolohiya; at <em>Professional Achievement Award in Psychology <\/em>mula sa <em>UP Alumni Association<\/em> (UPAA) noong 1987 bilang pagkilala sa kanyang mapanghawang-landas na kontribusyon sa larangan ng sikolohiya.\u00a0 Bago siya pumanaw, naging Tagapangulo rin siya ng <em>National Committee for Lowland Cultural Communities<\/em> sa ilalim ng <em>Sub-commission for Cultural Communities and Traditional Arts <\/em>ng <em>National Commission for Culture and the Arts<\/em> (NCCA).\u00a0 Matapos siyang pumanaw noong Agosto 31, 1994, binigyan din siya ng iba\u2019t ibang <em>posthumous award<\/em> kabilang na ang <em>Gawad Sikolohiyang Pilipino <\/em>mula sa PSSP noong 1994 bilang pagkilala sa kanyang pagiging <em>Ama ng Sikolohiyang Pilipino; Outstanding Psychologist <\/em>mula sa PAP noong 1995 bilang pagkilala sa kanyang ambag sa pagpapaunlad ng sikolohiya; at <em>National Achievement in the Social Sciences<\/em> mula sa <em>National Research Council of the Philippines<\/em>(NRCP) noong 1997 bilang pagkilala sa kanyang natatanging pambansang kontribusyon sa pag-aaral, pananaliksik, at pagtuturo ng Agham Panlipunan sa pamamagitan ng Sikolohiyang Pilipino (NHI 1994; Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000; Navarro 2007, 2013).<\/p>\n<p style=\"text-align: left;\"><strong>Talahuli<\/strong><\/p>\n<p>* Papel na inihanda para sa <em>Paggunita sa Ika-65 Taong Kaarawan ni Doc E<\/em> sa <em>Ika-32 Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino<\/em>, Far Eastern University (FEU), Manila, Philippines, Nobyembre 24, 2007.\u00a0 Bukod sa mga tinukoy sa sanggunian, batay rin ang talang ito sa mga pakikipagkuwentuhan sa mga kaanak at kaibigan ni Doc E at mga kasulatan gaya ng <em>curriculum vitae<\/em> at libro na matatagpuan sa aklatan ng <em>Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino<\/em> (PSSP), Quezon City, Philippines.\u00a0 Bahagyang nirebisa ang talang ito para sa publikasyong ito.<\/p>\n<p><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>National Historical Institute (NHI) (1994).\u00a0 Virgilio G. Enriquez 1942-1994: Ama ng sikolohiyang Pilipino.\u00a0 Nasa National Historical Institute (NHI), <em>Filipinos in history; Volume IV. <\/em>Manila: National Historical Institute (NHI), 116-119<em>.<\/em><\/p>\n<p>Navarro, A.M. (2007).\u00a0 Tala tungkol sa mga nag-ambag: Virgilio G. Enriquez.\u00a0 Nasa A.M. Navarro at F. Lagbao-Bolante (mga pat.), <em>Mga babasahin sa agham panlipunang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, at pantayong pananaw.\u00a0 <\/em>Quezon City: C&amp;E Publishing, Inc., 298-299.<\/p>\n<p>Navarro, A.M. (2013).\u00a0 Enriquez, Virgilio.\u00a0 Nasa K.D. Keith (pat.), <em>The encyclopedia of cross-cultural psychology; Volume 1<\/em>.\u00a0 Oxford: Wiley-Blackwell Publishing Ltd., 487.<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. at Protacio-Marcelino, E. (2000).\u00a0 Sikolohiyang Pilipino (Filipino psychology): A legacy of Virgilio G. Enriquez.\u00a0 <em>Asian Journal of Social Psychology, <\/em>3, 49-71.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Atoy M. Navarro Faculty of Allied Health Sciences Thammasat University (TU), Rangsit, Thailand Tubong Bigaa, Bulakan, isinilang si Virgilio Gaspar Enriquez noong Nobyembre 24, 1942.\u00a0 Bunso siya sa limang anak nina Arsenio Libiran Enriquez at Rosario Galvez Gaspar.\u00a0 Nakatatanda niyang &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-ama-ng-sikolohiyang-pilipino-buhay-at-kontribusyon-ni-virgilio-g-enriquez-1942-1994\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Ama ng Sikolohiyang Pilipino: Buhay at Kontribusyon ni Virgilio G. Enriquez (1942-1994)*<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[6],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/181"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=181"}],"version-history":[{"count":2,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/181\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":297,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/181\/revisions\/297"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=181"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=181"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=181"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}