{"id":177,"date":"2013-09-03T07:53:22","date_gmt":"2013-09-03T07:53:22","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=177"},"modified":"2014-09-04T04:42:05","modified_gmt":"2014-09-04T04:42:05","slug":"diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-anong-pangalan-mo-sa-gabi-at-iba-pang-tanong-sa-mga-lgbt-2013-nina-tetay-mendoza-at-joel-acebuche","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-anong-pangalan-mo-sa-gabi-at-iba-pang-tanong-sa-mga-lgbt-2013-nina-tetay-mendoza-at-joel-acebuche\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Anong Pangalan mo sa Gabi? At iba pang Tanong sa mga LGBT (2013) nina Tetay Mendoza at Joel Acebuche"},"content":{"rendered":"<p><strong>ANG AKLAT NG MASASALIMUOT NA TANONG<\/strong><\/p>\n<p><strong>Eugene Y. Evasco, Ph.D.<\/strong><br \/>\nDepartamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p>Maraming kinakaharap na tanong ang mga bakla, lesbiana, bisexual, at transgender sa lipunang Filipino.\u00a0 Bawat tanong ay may bahid ng pagtataka, pangungutya, panghihinayang, takot o anumang emosyong negatibo sa sekswalidad na taliwas diumano sa itinuturing na normal, legal, igagalang, natural o moral na anyo ng sekswalidad.<\/p>\n<p>Simula paglaki ng isang <em>lesbian, gay, bisexual <\/em>o<em> transgender<\/em> (LGBT), madalas man kaysa hindi, inuusig siya ng mga mapangmatang katanungan.\u00a0 Nariyang maririnig ang pananakot na \u201cMagbabago ka pa ba?,\u201d \u201cKailan ka matututo?,\u201d \u201cKailan ka magpapakalalaki\/magpapakababae?,\u201d \u201cHindi ka ba natatakot sa Diyos?\u201d\u00a0 Kakambal na ng kabataang LGBT ang mga katanungang susugat sa kanilang damdamin at pagkatao.\u00a0 Maaaring magdulot ito ng mababang pagtingin sa sarili o pagpapakamatay, maaari rin namang ang karahasang berbal ay mag-uudyok sa kanila upang maging matapang at higit na paunlarin ang buhay nang makawala sa buhay na mapang-abuso.<\/p>\n<p>Handog ng <em>University of the Philippines<\/em> (UP) <em>Center for Women\u2019s Studies<\/em>, <em>UP Babaylan<\/em>, at <em>Babaylanes, Inc.<\/em> ang <em>Anong Pangalan mo sa Gabi? At iba pang Tanong sa mga LGBT<\/em>.\u00a0 Aklat itong may maraming kahulugan sa iba\u2019t ibang antas.\u00a0 Sa unang sipat, kalipunan ito ng mga karaniwang tanong mula sa sinumang may pananaw na heteroseksista o heteronormatibo.\u00a0 Maikakategorya ang mga tanong bilang (1) may bahid ng pagkakahon o <em>stereotyping<\/em> (<em>e.g.<\/em>, \u201cKung tomboy ka, bakit ka mukhang babae?,\u201d \u201cKung bakla ka, bakit ka nagpapalaki ng katawan?,\u201d \u201cSaan ang parlor mo?,\u201d \u201cMagkano ang binabayad mo?\u201d); (2) estupido\u2019t katawa-tawa (<em>e.g.<\/em>, \u201cPaano kayo dumadami?,\u201d \u201cPaano ka umiihi?\u201d\/\u201cSaan ka nag-c-CR?,\u201d \u201cMay puke ka na ba?\u201d); (3) <em>homophobic<\/em> (<em>e.g.<\/em>, \u201cHindi ka ba natatakot magka-AIDS?,\u201d \u201cNagagamot ba \u2018yan?,\u201d \u201cHindi ka ba natatakot mapunta sa impiyerno?\u201d); (4) may bahid ng panghihinayang, pagkaawa o pangmamata (\u201cTanggap ka ba ng pamilya mo?,\u201d \u201cBinugbog ka ba ng tatay mo?,\u201d \u201cSinong kumpanya ang tatanggap sa iyo?,\u201d \u201cNagsisimba ka ba?,\u201d \u201cAyaw mo bang magkaanak?,\u201d \u201cSino ang mag-aalaga sa \u2018yo pagtanda mo?\u201d); at (5) simpleng mausisa lamang (<em>e.g.<\/em>, \u201cPaano ka nakikipagsex?,\u201d \u201cSino ang nanliligaw?,\u201d \u201cSinong lalaki, sinong babae?\u201d).\u00a0 Magkakaiba man ang mga tanong, iisa lang ang pinagmulan nito: kawalang kaalaman.<\/p>\n<p>Buhat dito, maihahayag ang birtud na taglay ng aklat\u2014ang magsilbing gabay o patnubay sa sinuman, heterosekswal man o hindi.\u00a0 Nilalayon nitong magbigay ng kasagutan at kaliwanagan, sa pinakapayak at kadalasan, sa masisteng pamamaraan.\u00a0 Sa pagbabasa ng mga kasagutan, maaalala ang taglay na siste (<em>humor<\/em>) at pagkamalikhain ng komunidad ng LGBT, lalo na sa mga isinasagawang mga <em>beauty pageant<\/em> o kaya\u2019y sa simpleng usapan o biruan ng mga magkakaibigan.<\/p>\n<p>Ang aklat ding ito ay tila ba <em>yearbook<\/em> o <em>annual<\/em> ng organisasyong pang-unibersidad na naglalayong palayain ang mga mag-aaral na LGBT.\u00a0 Aklat ito ng mga napagtagumpayan ng <em>UP Babaylan<\/em> sa loob ng dalawang dekada sa unibersidad.\u00a0 Patunay rin ng aklat sa pagiging malayang sangtuwaryo ng pamantasan.\u00a0 Maaalala ang naging pahayag ng UP sa <em>Pride Week 2013<\/em>: \u201c<em>Live Free.\u00a0 You\u2019re safe in UP.<\/em> (Mabuhay nang malaya.\u00a0 Ligtas ka sa UP.).\u201d\u00a0 Dagdag pa, patunay rin ito na ang kilusang mapagpalaya sa LGBT ay nakaugnay at isinusulong din ng kilusang feminista o makababae.\u00a0 Ebidensiya na sinuportahan ang pagkakalathala ng aklat ng <em>UP Center for Women\u2019s Studies<\/em>.\u00a0 Malaon nang napatunayang ang panitikang mapagpalaya ng mga bakla at lesbiana ay may impluwensiya at pakikipagtalaban sa panitikang iniluwal ng mga babaeng manunulat ng bansa at ng daigdig.\u00a0 Sa bansa, halos inianak ng panitikan ng kababaihan ang panitikang bakla at lesbiana.\u00a0 Ang mga kilalang manunulat na bakla at lesbiana ay nagkadiwa sa mga panulat ng mga feministang sina Angela Manalang-Gloria, Ruth Elynia Mabanglo, Marjorie Evasco, Lualhati Bautista, Lilia Quindoza-Santiago, Aida Santos, Joi Barrios, at iba pa.\u00a0 Ang mga natukoy ang kinikilala ng marami bilang kanilang \u201c<em>literary mother<\/em>.\u201d\u00a0 Natural lamang ito dahil halos magkahawig ang prinsipyo at layunin ng dalawang kilusan ng panulat: ang makalaya sa anumang diskriminasyon, marhinalisasyon, karahasan, at pang-aabuso buhat sa patriyarkal at heteronormatibong sistemang panlipunan.<\/p>\n<p>Tampok sa aklat na ito ang mga namumukod na tagapagtatag at miyembro ng <em>UP Babaylan<\/em> mula sa pagkatatatag nito noong 1992 hanggang 2011.\u00a0 Isang parangal ang aklat sa mga miyembrong nagsusulong ng malay at malayang pananaw sa kasarian\u2014pagdaraos ng mga palihan sa <em>gender sensitivity<\/em>, kamulatan sa HIV, at pagtuturo\u2019t pagsusulong ng mga karapatan bilang bahagi ng lipunang Filipino.\u00a0 Nakapagsusulong-dangal na malaman na karamihan sa mga miyembrong naitampok ay matagumpay at kinikilala sa mga larangang kanilang napili\u2014mga edukador, <em>fashion designer<\/em>, abogado, kultural na manggagawa, manunulat, negosyante, at lider pampolitika.<\/p>\n<p>At dahil may anyong <em>yearbook <\/em>ang aklat, nais kong punahin ang gamit ng mga larawan sa nasabing aklat.\u00a0 Tampok sa mga retrato ang iba\u2019t ibang dako ng UP Diliman.\u00a0 Pagkilala ito sa sinilangan ng mapagpalayang kaisipan kaugnay sa LGBT sa hanay ng kabataan at mag-aaral sa bansa noong dekada \u201890.\u00a0 Gayumpaman, nananatili lamang lunan ang unibersidad sa mga larawan ni Rod Singh.\u00a0 Naghahanap ako ng dagdag na lebel ng pagpapakahulugan sa potograpiya, hindi lamang basta tinutungtungan o kinatatayuan ng mga tampok na Babaylan.\u00a0 Ibig sabihin, sana\u2019y may kinalaman ang lugar o mga imahen sa larawan sa mga tanong.\u00a0 Makadaragdag ito sa paghahatid ng pahayag sa mga mambabasa.\u00a0 Maaaring lagyan ito ng subersibo o radikal na tono.\u00a0 Halimbawa, sa tanong na pagpapalaki ng katawan, sana\u2019y pinosisyon ang modelo sa isang <em>bench press<\/em> sa <em>UP College of Human Kinetics<\/em>.\u00a0 Sa tanong na \u201cPaano ka umihi?,\u201d maigi sanang pinosisyon ang modelo sa isang popular na <em>comfort room<\/em> sa Palma Hall at hindi sa isang di-kilalang tambayan lamang.\u00a0 Doon sa \u201cSaan ang parlor mo?,\u201d maraming parlor sa mga komunidad ng UP <em>campus<\/em> na maaaring gawing lunan.\u00a0 At sa isyu ng pagpapakasal, sana\u2019y napili ang ikonikong simbahan sa UP Diliman.<\/p>\n<p>Pumasok ako sa UP noong 1993 at ako mismo\u2019y saksi sa pagsusulong ng <em>UP Babaylan<\/em> sa higit na paglaya at pagtanggap sa mga LGBT.\u00a0 Kaalinsabay ng pamumukadkad ng nasabing organisasyon ang pagkakatatag ng kurso sa panitikang bakla (<em>Comparative Literature 184<\/em>) sa <em>UP Department of English and Comparative Literature<\/em>; paglalathala ng mga antolohiya sa panitikang bakla noong nina J. Neil Garcia at Danton Remoto (1994, 1996, 2007) at panitikang lesbian ni Anna Leah Sarabia (1998); pag-aaral sa wikang bakla at bekimon ni Tuting Hernandez (2011); pag-aaral sa kalusugan at sekswalidad ng mga bakla nina Michael Tan (1995, 1996) at Margarita Go Singco Holmes (1993, 1995); pag-usbong ng mga malikhaing manunulat at kritiko sa hanay ng mga LGBT gaya nina Nicolas Pichay, Chris Martinez, Auraeus Solito, Romulo Baquiran Jr., Jerry Gracio, Rommel Rodriguez, Roselle Pineda, J. Neil Garcia, Sharon Pangilinan, at Libay Cantor; pagkakalathala ng kasaysayan ng mga manunulat na bakla at ng kultura ng bakla (Garcia 1996); at pagkakalathala ng antolohiya ng kritisismo na nauukol sa panitikan, wika, sining, at kultura ng mga bakla at lesbian (Evasco <em>et al<\/em>. 2003).\u00a0 Sa kasalukuyan, higit na pinalalalim ang diskurso sa panitikan ng mga bakla at lesbiana sa asignaturang Panitikang Pilipino 19 ng <em>UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas<\/em>.<\/p>\n<p>Ayokong sabihing pagkukulang, ngunit ang produksiyon ng kritisismo at malikhaing akda ay hindi pa nakasasapat upang mailapit at maidulog ang usaping LGBT sa higit na malawak na mambabasa o <em>audience<\/em>.\u00a0 Ekslusibo sa espasyo ng akademiya ang pagpapatalas ng diskursong LGBT.\u00a0 Nakasentro sa mga mag-aaral sa UP Diliman ang mapagpalayang talakay sa panitikan at sining ng mga bakla at lesbiana.\u00a0 Kung gayon, hamon sa mga manunulat na ilapit at buksan ang naturang paksain sa publiko.<\/p>\n<p>Ang <em>Anong Pangalan mo sa Gabi? At iba pang Tanong sa mga LGBT <\/em>ay tugon sa hamong ito.\u00a0 Hindi mabigat basahin ang aklat.\u00a0 Bibihira ang mga taglay nitong teknikal na termino na may kinalaman sa kasarian at sekswalidad, na tanda ng isang akademikong lathala.\u00a0 Gayumpaman, malaman ang aklat kaugnay sa pagbibigay-liwanag at pagtutuwid ng mga balikong ideya sa LGBT.\u00a0 Gamit nito ang wikang Filipino na magaan, kumbersasyonal, at popular na naipahayag sa paraang personal.\u00a0 Bawat tampok na miyembro ng <em>UP Babaylan<\/em> ay may sariling estilo ng pagpapahayag sa nasabing aklat.\u00a0 Litaw ang kanilang personalidad sa pagtugon sa mga tanong.\u00a0 Namumukod-tangi, halimbawa, ang tugon sa tanong na \u201cSan napupunta ang pera mo?\u201d\u00a0 Sinagot ito ni Flara Jaculina ng listahan ng mga bilihin niya sa <em>grocery<\/em>.\u00a0 Taliwas ito sa nosyon na napupunta ang kalakhan ng sahod ng mga LGBT sa kanilang partner o mangingibig.<\/p>\n<p>Litaw na litaw rin ang gamit ng siste sa mga tugon.\u00a0 Sa pamamagitan nito, higit na nalalagyan ng karinyo\u2019t kiliti ang isang tugon na nanganganib maging seryoso o akademiko.\u00a0 Ginamit din ang siste upang mabalanse\u2019t mapagaan ang mga mapang-usig na tanong.\u00a0 Pansinin ang tanong na \u201cKanino mo yan namana?\u201d na lantad ang tono ng pangungutya.\u00a0 Ganito ang sagot ni Anton Villaruel, \u201cNung chineck ko, wala naman sa <em>last will and testament<\/em> ni Lolo.\u201d\u00a0 Dagdag pa rito ang nagtatakang usisa ng marami kaugnay sa mga baklang maskulado (bagong usbong na uri ng bakla sa Kamaynilaan ang mga <em>buff-la<\/em> o mga baklang tambay sa <em>gym<\/em> upang magpalilok ng katawan).\u00a0 Ito ang naging kasagutan: \u201cKasi idol ko si Serena Williams at <em>health buff<\/em> ako, bawal ba?\u201d<\/p>\n<p>Kapuri-puri ring katangian ng aklat ang paggamit ng wikang ngangayunin.\u00a0 Pansinin ang sipi: \u201cAng mahalaga mahal mo ang ginagawa mo.\u00a0 At ginagawa mo ito nang bonggang-bongga.\u201d\u00a0 O \u201cBakit di ka magpakalalaki?,\u201d \u201cLalaki naman po ako.\u00a0 Nagkataon lang na lalaki rin ang bet ko.\u201d<\/p>\n<p>Kaugnay nito, mapapansin din ang pagtalakay sa mga seryosong usapin gaya ng kasaysayan ng homosekswalidad, gamit ang reperensiya ng kulturang popular na malapit sa puso ng mga bakla: ang <em>beauty pageant<\/em>.\u00a0 Pansinin ang sipi:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>homosexuality <\/em>ay tinanggal sa <em>American Psychiatric Association<\/em> mula sa \u201c<em>Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders<\/em>\u201d (DSM) noong 1973, taon kung kailan nanalo si Margie Moran sa <em>Miss Universe<\/em>.\u00a0 Noong 1993, nanalo naman sa <em>Miss Universe<\/em> si Dayanara Torres (na naging <em>girlfriend <\/em>ni Aga Muhlach), <em>same year<\/em> kung kailan tinanggal ng <em>World Health Organization<\/em> ang <em>homosexuality<\/em> mula sa \u201c<em>International Classification of Diseases<\/em>.\u201d<\/p>\n<p>Marapat ding kilalanin ang paggamit ng simpleng paliwanag sa mga sensitibong usapin gaya ng kaanyuan at politika ng identidad sa loob ng LGBT <em>community<\/em>.\u00a0 Ganito ang tugon sa usisang \u201cKung tomboy ka, bakit ka mukhang babae?\u201d: \u201c\u2026Ang <em>individuality <\/em>ng isang tao ay hindi dapat ikinakahon sa anuman ang idinidiktang \u201c<em>gender roles<\/em>\u201d ng lipunan.\u00a0 Ang anyo ay hindi pagkatao.\u201d\u00a0 May panganib na maging akademiko ang sagot ngunit bumawi naman sa huling pangungusap ng mas payak na pagpapaliwanag.<\/p>\n<p>Ganito naman ang paliwanag at panunuri sa namamayaning politika sa LGBT <em>community<\/em>: \u201cNakalulungkot lamang na kahit mismo sa LGBT <em>community<\/em> ay may ganitong lente at herarkiya ng pagtingin.\u00a0 Kumbaga sa <em>elementary mathematics<\/em>: <em>Straight<\/em> &gt; <em>bi<\/em> &gt; <em>straight-acting gay<\/em> &gt; <em>effems<\/em> (<em>effeminate<\/em>) &gt; parlorista.\u201d<\/p>\n<p>Sa mga natukoy na halimbawa, pinatunayan na wala sa gaan o bigat ng wika ang halaga at nilalaman ng pagtalakay sa nasabing aklat.<\/p>\n<p>Inaasahan kong makararating ang publikasyon sa mas maraming mambabasa, mailako sa mga popular na <em>bookstore <\/em>at makararating sa iba\u2019t ibang institusyon gaya ng mga paaralan, pagawaan, ahensiyang pribado at pampamahalaan, at maging sa simbahan.\u00a0 Inaasahan at inaasam ko ito dahil ang mga naitalang tanong at sagot ay uusig sa kinamihasnang paniniwala ng mga Pilipino kaugnay sa tinatawag nilang bakla, beki, binabae, tibo, at silahista.\u00a0 Sinisikap ng mga tugon sa naitalang tanong na wasakin ang mga mito at pag-aalinlangan kaugnay sa mga LGBT.\u00a0 At kung maisasagawa ito, mapaghihilom na ang malaon nang mga suliranin sa nasabing sektor gaya ng karahasan (pambubugbog, pang-aabusong berbal, panggagahasa o <em>corrective rape<\/em>, at pagpaslang dulot ng <em>hate crime<\/em>).<\/p>\n<p>Sa huling bahagi ng aklat, naitanong: \u201cMahirap bang maging bakla?\u201d\u00a0 Kung ikukumpara sa mga dekadang nakalipas, malaki na ang pagbabago at iniunlad ng mga LGBT.\u00a0 Tapos na ang panahong nakakulong ang mga bakla sa makipot na espasyo ng parlor.\u00a0 Tapos na ang panahong ang mga tibo\u2019y hanggang paglikom lamang ng pamasahe sa <em>bus<\/em>.\u00a0 Lipas na ang panahong ang mga bakla\u2019y napipilitang magpari, magsundalo o kaya\u2019y mag-asawa\u2019t magpamilya.\u00a0 Hahaba ang rebyung ito kung itatala ang lahat ng mga napagtagumpayan.\u00a0 Ngunit hindi pa rin perpekto\u2019t ideyal ang lipunang Filipino para sa mga LGBT.\u00a0 Marami pang hamong dapat pagdaanan, kasabay na ang mga hamong pampolitika at pang-ekonomiya ng bansa.\u00a0 Idagdag pa ang suliraning pangkalusugan na kinakaharap ng maraming baklang kabataan sa Kamaynilaan\u2014ang epidemiya ng HIV.\u00a0 Isama pa ang hindi malutas-lutas na mga kaso ng pagpaslang sa mga bakla at lesbian.\u00a0 Mahalagang simula ang aklat na ito tungo sa nasabing higit na pagpapabuti ng kalagayan ng mga LGBT.\u00a0 Sumasang-ayon ako sa tugon sa nasabing tanong: \u201cSa ngayon, oo.\u00a0 Sana sa <em>future<\/em>, hindi na.\u201d<\/p>\n<p>Dumating sana ang panahong hindi na kailangan pa ng aklat na ito upang magpaliwanag at magbigay-liwanag sa mga pusikit na diwa ng mga Filipino.<\/p>\n<p><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Evasco, E.Y., R.V. Pineda, at R.B. Rodriguez (mga pat.) (2003).\u00a0 <em>Tabi-tabi sa pagsasantabi: Kritikal na tala ng mga lesbiana at bakla sa sining, kultura, at wika.\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Garcia, J.N. (1996).\u00a0 <em>Philippine gay culture: The last thirty years; Binabae to bakla, silahis to MSM.<\/em>\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Garcia, J.N. at D. Remoto (mga pat.) (1994).\u00a0 <em>Ladlad: An anthology of Philippine gay writing<\/em>.\u00a0 Quezon City: Anvil Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Garcia, J.N. at D. Remoto (mga pat.) (1996).\u00a0 <em>Ladlad 2: An anthology of Philippine gay writing<\/em>.\u00a0 Quezon City: Anvil Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Garcia, J.N.C. at D. Remoto (mga pat.) (2007).\u00a0 <em>Ladlad 3: An anthology of Philippine gay writing<\/em>.\u00a0 Quezon City: Anvil Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Hernandez, J.F. (2011).\u00a0 Pasok sa banga: Ang mga sosyolek bilang batis ng mga salita sa Filipino.\u00a0 Nasa R.T. A\u00f1onuevo at R.P. Baquiran Jr. (mga pat.), <em>Sawikaan 2010: Mga salita ng taon<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press, 127-140.<\/p>\n<p>Holmes, M.G.S. (1993).\u00a0 <em>A different love: Being gay in the Philippines<\/em>.\u00a0 Quezon City: Anvil Publishing, Inc.\u00a0 Binagong edisyon, 2005.<\/p>\n<p>Holmes, M.G.S. (1995).\u00a0 <em>Naiibang pag-ibig: Ang maging bakla sa Pilipinas<\/em>.\u00a0 Quezon City: Anvil Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Sarabia, A.L. (pat.) (1998).\u00a0 <em>Tibok: Heartbeat of the Filipino lesbian<\/em>.\u00a0 Quezon City: Anvil Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Tan, M.L. (1995).\u00a0 From bakla to gay: Shifting gender identities and sexual behaviors in the Philippines.\u00a0 Nasa R.G. Parker at J.H. Gagnon (mga pat.), <em>Conceiving sexuality: Approaches to sex research in a postmodern world<\/em>.\u00a0 New York and London: Routledge, 85-96.<\/p>\n<p>Tan, M.L. (1996).\u00a0 Silahis: The case of the missing Filipino bisexual.\u00a0 Nasa P. Aggleton (pat.), <em>Bisexualities and AIDS: International Perspectives<\/em>.\u00a0 London: Taylor and Francis, 207-225.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>ANG AKLAT NG MASASALIMUOT NA TANONG Eugene Y. Evasco, Ph.D. Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Maraming kinakaharap na tanong ang mga bakla, lesbiana, bisexual, at transgender sa lipunang Filipino.\u00a0 Bawat &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-anong-pangalan-mo-sa-gabi-at-iba-pang-tanong-sa-mga-lgbt-2013-nina-tetay-mendoza-at-joel-acebuche\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Anong Pangalan mo sa Gabi? At iba pang Tanong sa mga LGBT (2013) nina Tetay Mendoza at Joel Acebuche<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[6],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/177"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=177"}],"version-history":[{"count":2,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/177\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":296,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/177\/revisions\/296"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=177"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=177"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=177"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}