{"id":1660,"date":"2024-11-29T00:56:08","date_gmt":"2024-11-29T00:56:08","guid":{"rendered":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=1660"},"modified":"2026-10-09T06:14:18","modified_gmt":"2026-10-09T06:14:18","slug":"diwa-e-journal-tomo-9-nobyembre-2024-mga-batikos-para-sa-isang-maagham-na-sikolohiyang-pilipino-isang-maayusing-pagtatasa","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-9-nobyembre-2024-mga-batikos-para-sa-isang-maagham-na-sikolohiyang-pilipino-isang-maayusing-pagtatasa\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 9, Nobyembre 2024] Mga Batikos para sa Isang Maagham na Sikolohiyang Pilipino: Isang M\u00e1ayusing Pagtatasa"},"content":{"rendered":"\n<p><strong>Reinier M. Navarro<\/strong><br>Pamantasang De La Salle<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Bago ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sa agham panlipunan. Dahil kinilala ang mga kahinaang siyang binatikos ng mga dalubhasa sa loob at labas ng Pilipinas, nagaganap ang pagtalakay sa kahalagahan ng ambag ng SP na handog sa Pilipinas. Nakatutulong ang paunang hakbang tungo sa maagham na SP. Upang marating ito, ginamit ang mga batikos nito hinggil sa huna-huna o teorya at dalumat o konsepto. Isinagawa ang m\u00e1ayusing pagtatasa o sistematikong rebyung may karampatang bago-satal\u00e2 sa OSF nang walang kaloob: <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.17605\/osf.io\/ptsrz\">https:\/\/dx.doi.org\/10.17605\/osf.io\/ptsrz<\/a>. Batayan ang Preferred Reporting Items for Systematic reviews and Meta-Analyses (PRISMA) 2020 at talaang Critical Appraisal Skills Programme Systematic Review, sinuri ang mga angkop na pag-aaral gamit ang mga pamantayan sa pagsasama (i.e., pag-aaral sa wikang Filipino o Ingles, nailimbag mula Nobyembre 1975 hanggang Disyembre 2024, bumatikos na may mungkahi para sa SP, at may buong sipi) at pagbubukod (i.e., binanggit ang SP ngunit hindi sinuri o binatikos, hindi saklaw ang pangunahing tanong ng pagtatasa, at ibang uri ng batis). Mula Abril 2023 hanggang Pebrero 2025, ginamit ang Octoparse 8.7.4 (para sa pangunahing paghahanap: apat na database at 20 website)<em> <\/em>apat na aklatan (para sa pangalwahing paghahanap), at Zotero 7.0.11 kasama ang Microsoft Excel Version 2506 sa tulong ng mga lahok tiyak na sinalang sa paghahanap. Nangibabaw sa nakalap (<em>n<\/em> = 21) ang mga suliraning pangsaliksik at pangsaligan sa pagbubuo ng larangan kung saan pinangkat ang mga batikos na natugunan, matutugunan pa lamang, o nagbukas ng panibagong tanong. Kabalikat ng pagsunod sa isang maagham na SP ang mungkahing bumalik ang mga mananaliksik sa bayan kung saan sambit nila ang karunungang bayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Mga susing salita: komunikasyong maagham, mapanuring rekonstruksiyon, mga aspekto ng pagsasakatutubo, sikolohiyang mapagpalaya, sistematikong rebyu<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sikolohiyang Pilipino (SP) is new in the social sciences. Since many scholars recognized its limitations as it is criticized within and outside the Philippines, discourse on the importance of SP\u2019s contributions to the Philippines is happening. This is a helpful first step by using the criticisms related to theory and concepts towards achieving a scientific SP. A nonfunded systematic review preregistered in OSF was performed: <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.17605\/osf.io\/ptsrz\">https:\/\/dx.doi.org\/10.17605\/osf.io\/ptsrz<\/a>. With the PRISMA 2020 statement at CASP Systematic Review checklist in mind, appropriate studies were analyzed using the inclusion (i.e., written in Filipino or English, published between November 1975\u2013December 2024, with criticism or criticism with recommendations for SP, and full study copy) and exclusion (i.e., mentioned SP but did not criticize such, not included in the scope of the study questions, and other materials) criteria. From April 2023 to February 2025, Octoparse 8.7.4 (for primary search: four databases and 20 websites), four established libraries (for secondary search), and Zotero 7.0.11 with Microsoft Excel Version 2506 were used together with the curated specific search entries. Research and foundational issues from the results (<em>n<\/em> = 21) appeared in formalizing a discipline where each criticism was categorized if they were resolved, to be resolved, or such opened a new question. Connected to meeting a scientific SP is the recommendation researchers return to the nation with the people\u2019s knowledge in mind.<\/p>\n\n\n\n<p>Keywords: aspects of indigenization, liberation psychology, reconstructive criticism, scientific communication, systematic review<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi maipagkakaila na naging matunog sa mga mananaliksik sa loob (Ujano-Batangan, 2013) at labas (Pe-Pua &amp; Protacio-Marcelino, 2018) ng Pilipinas ang sikolohiyang Pilipino (SP). Ang nagtaguyod sa pag-usbong nito noong dekada \u201870 ang binansagang \u201cAma ng SP,\u201d si Dr. Virgilio G. Enriquez, na siyang namahala ng una nitong kumperensiya (Navarro, 2013). L\u00e1yon niya ang pagpapakil\u00e1la ng SP upang mabuo o mahinuha ng mga Pilipino ang mga panimulang balangkas, dalumat, at pamamaraan na nagmula sa \u201ckaranasan, kaisipan, at kinatatayuang Pilipino\u201d (Enriquez, 1989, pah. 6).<\/p>\n\n\n\n<p>Kalaunan, patuloy pa ring itinuturo ng maraming kolehiyo at unibersidad sa kapuluan ang SP bilang asignatura na pinag-aaralan ng mga mag-aaral (Arcega, 2024), dalubhasa (Yacat, 2013), at tagasubaybay (Bernardo, 2002).<\/p>\n\n\n\n<p>Bagaman ipinapahiwatig sa mga bagong mag-aaral ng SP ang katangian nito bilang larangan, madalang matalakay ang mga balakid at hamon ng SP. Malimit sa mga disenyo ng mga di-gradwadong kursong SP sa Pilipinas, pawang mga dalumat ng SP at ang kaakibat na kasaysayan nito ang tinatalakay ng kanilang mga dalubguro o propesor. Kahit ito ang kahihinatnan ng akademikong pag-usbong ng SP, marapat balikan ang mga pagkakataong sinubukang maisama ang pagtalakay ng mga balakid at hamon nito.<\/p>\n\n\n\n<p>Sina Dr. Madelene A. Sta. Maria at Dr. Zeus A. Salazar ang tambalang nagturo ng di-gradwadong kurso ng SP, Sikolohiyang Pilipino (SIKOPIL), sa Pamantasang De La Salle mula 2001 hanggang 2004. Maliban sa karaniwang saklaw ng SP bilang panimula, ang kanilang nilikhang talapaksaan o silabus ang unang sumubok talakayin ang mga balakid at hamon ng SP na naging pokus din ng disertasyon ni Dr. Sta. Maria sa Pamantasan ng Cologne. Sa kaalaman ng may-akda, walang sumubok ipagpatuloy ang pagtuturo ng kanilang silabus nang lumipat sa sikolohiyang kalinangan si Dr. Sta. Maria at tuluyang nagretiro si Dr. Salazar.<\/p>\n\n\n\n<p>Habang tinatapos ang siping ito, ang Departamento ng Sikolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) pa rin ang kaiisang nag-aalok ng masterado at doktoradong programa sa SP. Sila rin ang mayroong dalawang kurso na maaaring makapagtalakay ng mga balakid at\/o hamon hinggil sa SP nang masinsinan: Perspectives in Sikolohiyang Pilipino (PSYCH 205) at Advanced Topics in Sikolohiyang Pilipino (PSYCH 305).<\/p>\n\n\n\n<p>Ang pinakahuling nagsumikap na pumuna at tumugon sa mga balakid ng SP (Sta. Maria, 2000) ay ang isang hakbang na nakaugat sa kasaysayan at kamalayang Pilipino (Diestro, 2004). Kahit makabago at kaayaaya ang tunguhin (Salazar, 2004), walang nagsumikap na madugtungan ang isang hakbang tulad nito. Isa ito sa mga sinumbat na hinaing ni Dr. Sta. Maria nang makapanayam ukol sa kaniyang pagkadismaya (Demeterio et al., 2017).<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabilang dako, ipinalabas ng Commission on Higher Education (CHED) noong 2017 ang kanilang Memorandum Order No. 34 na naglatag ng mga tuntunin at pamantayan sa mga di-gradwadong kurso ng dalub-isipan o sikolohiya. Sa naturang pabatid, malaya ang mga nag-aalok ng programang sikolohiya sa mga kolehiyo at pamantasan sa Pilipinas na pumili magturo ng Cultural Psychology (CP) o SP sa antas di-gradwado.<\/p>\n\n\n\n<p>Sabihing pinili ang CP sa halip na SP. Puwedeng pahapyaw na makikilala ng mga di-gradwadong mag-aaral ang SP sa kursong Introduction to Psychology o CP. Maaari ring hindi nila maririnig o mababasa ang SP sa anumang pormal na kurso kanilang kinukuha.<\/p>\n\n\n\n<p>Dalawang kahihinatnan ang pangunahing mahihinuha mula sa pagpapatupad ng patakarang ito: una, masasabing mas maraming libreng mapagkakatiwalaang sanggunian (lalo na sa Internet) ukol sa CP kaysa SP, at pangalawa, masasabing mas madaling ipatupad ang isang talapaksaan o kursong di-gradwadong sa wikang Ingles (hal., CP) na siyang lam\u00e1ng sa mga kolehiyo at unibersidad sa kapuluan. Pagbabatayang gamit panturo at paiiraling wika panturo ay iilan sa mga pangunahing kahingian upang ang isang guro ay may kak\u00e1yahang magpatupad at kumpiyansang magturo ng isang kurso sa isang unibersidad. Marami rin ang mga nagpapakadalubhasa sa ibang disiplinang sikolohikal (hal., clinical at developmental) gamit ang wikang Ingles dito sa Pilipinas dahil masasabing ito ay mas tanyag kaysa SP.<\/p>\n\n\n\n<p>Kay\u00e2\u2019t, mas magiging makabuluhan ang talakayan ukol sa mga balakid at hamon ng SP kung kil\u00e1la, lalo na ng mga mag-aaral ng sikolohiya sa Pilipinas, ang SP at mga layunin nito.<\/p>\n\n\n\n<p>Paunang tugon ang pagkatatag ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) kasabay ng unang kumperensiya nito. Magkatugma ang layunin ni Dr. Enriquez sa nais makamit ng PSSP hanggang ngayon na mailapit ang SP sa maraming Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>Mula 1975, maraming karamay ang PSSP upang maipalapit ang SP. Nariyan ang kaguruan ng sikolohiya sa iba-ibang kolehiyo at unibersidad sa kapuluan na ginawang kahingian ang SP sa antas di-gradwado (hal., Pamantasang Ateneo de Davao, Pamantasan ng San Luis, at Unibersidad ng San Carlos). Kasama rito ang mga pangkat pampubliko o pribado na naniniwala sa mga layunin ng SP kay\u00e2 ito ay nilalapat sa kani-kanilang gawain o hanapbuhay (hal., Bautista &amp; Salvador, 2024; Cobochan, 2012). Ito na sana ang mapapalakas ng CHED upang lalong makamit ang pagpapalapit ng SP taliwas sa Memorandum Order No. 34.<\/p>\n\n\n\n<p>Mula 2017, maraming nagsumikap lalong maipalapit ang SP sapagkat hindi ito kahilingang akademiko sa lahat ng mga nagpapakadalubhasa sa dalub-isipan sa Pilipinas. Akmang alamin ang ang mga nagsumikap magpatupad ng mga makabago (hal., Arcega, 2024) at maka-Pilipinong pamamaraan (hal., Javier, 2012) ng pagtuturo ng SP (Antonio, 2003; Ochoa, 2024). Nakatutulong ang mga hakbanging ito gamit ang mga layunin at nais makamit ng SP (San Buenaventura, 1985) kasama ng mga mag-aaral, dalubhasa, tagasubaybay, at karamay nito.<\/p>\n\n\n\n<p>Maliban sa mababang bilang ng mga nabubuong pag-aaral ng mga dalubhasa ng SP sa mga kil\u00e1lang limbagan (Yacat et al., 2022), masasabing hindi naging matunog ang pagsipat at pagkilatis ng mga nailimbag na akda ukol sa mga pagkukulang ng SP sa nakaraang dekada. Marapat alamin ang kalagayan ng mga naturang puna kaugnay ng larangan sangkot ang mga sinasabing batikos o hamon hinggil sa SP. Mabuti ring masipat ang ambag ng mga naturang puna upang malaman kung paano ito makatutulong sa pagpapalapit ng SP sa nakararaming Pilipino. Dito makikinabang ang mga kikil\u00e1lanin pa lamang ang SP. Upang matugunan ang mga katotohanang ito, mahalagang balikan ang isa sa mga pabatid noong \u201cSikolohiyang Pilipino meets Filipinx-American Psychology:\u201d<\/p>\n\n\n\n<p><em>[&#8230;] [We] need to be active also in debating or putting forward what we have known. Sometimes, we are too modest in terms of what we have achieved. It is time to [go] forward and claim our name in terms of our achievement in the area\u2014not only nationally but internationally (Pe-Pua, 2020, 9:40).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Tamang payabungin ang mga pag-aaral sa SP. Dapat sikapin ng pamayanang akademiko na talakayin at usisain kung ano ang narating ng SP. Marapat pagsamantalahan ang pagkakataong ito dahil kikil\u00e1lanin pa lamang din ng nakararaming Pilipino ang SP. Pansinin ang siwang ukol sa larangan. Ipalagay na bumuo ng pag-aaral na ang paksa ay tungkol sa mga batikos at hamon ng SP. Makatutulong ito sa mga may-alam sa SP at pagpanday ng larangan. Sabihing kasangkot ang mambabasa at\/o mag-aaral na kikil\u00e1lanin pa lamang ang SP. Gabay ang pag-aaral na inyong binabasa upang mas sal\u00e0 at akma ang napapanahong kaalamang SP na kanilang magagamit. Manapa, ito ang lalong magpapatatag sa larangan na layunin ng isang maagham na SP.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mungkahi para sa SP Gamit ang mga Batikos Nito<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Maaaring mawawari ng mambabasa kung ano ang maagham na SP. Masasabing magkaugnay ito sa palitang kuro kung maagham ang agham panlipunan (Myrdal, 1972) at sikolohiya (Lilienfeld, 2010). Layunin ng maagham na SP na mabuklod ang kaniyang mga batayan, saligan, at hamong may malinaw na pinagmumulan, k\u00e1yang masiyasat nino man, at pinapayagang maiwasto kung kinakailangan. Sabihing marating ang pagbubuklod na ito sa SP, lalo itong magiging salinglarang o transdisiplinaryo (Juanico, 2012). Karugtong ito, kung hindi kabalikat, bilang pananaw ng larangang pangkalahatan (Yacat, 1997) at mapagbuo (Yacat, 2013) para sa SP.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi pinapahiwatig na may mali o di-wasto sa mga nakaraang pag-aaral kaugnay ang SP. Kundi, minungkahi ng may-akda na maiangkop ang hinaharap ng SP batay sa kaniyang mga kailangan pang paghusayan dahil ang lahat ng ito ay may natatanging ambag sa Kapilipinuhan na dapat masipat. Pangunahin dito ang pagbabalik-tanaw sa kalagayan ng mga tinukoy na batikos o kritisismo hinggil sa SP. Sana, maging tulay ang mithiin ng pag-aaral sa pagpupunyagi ng isang SP na k\u00e1yang malutas ang kaniyang mga suliranin at maiwasto nito ang sariling batayan at saligan. Maisasakatuparan ito sa paggamit ng kaniyang mga batikos (Toulmin, 1982) upang may patutunguhang akma ang mga hadlang na pagbabatayan ng mga mananaliksik sa hinaharap (tingnan [tgn.] Barseghyan, 2015).<\/p>\n\n\n\n<p>Dalawa ang mas madalas na uri ng hadlang kung tinatalakay ang isang larangan at mga batikos nito. Tumutukoy ang unang hadlang sa huna-huna o teorya na ginamit bilang balangkas. Malalaman ang pakinabang ng huna-huna mula sa sakop, tumpak, at linaw (Gottfredson, 1983). Kasama rito ang hadlang na tumutukoy sa dalumat o konsepto na madalas ay bunga ng pinanggalingang nahinuha. Matitiyak kung paano kikilatisin o maoobserbahan ang dalumat batay sa pamantayan (tgn. Allchin, 2001). Nababagay gamitin ang bansag na batikos kaysa paninira (Galtung, 1972) o kamalian para sa pag-aaral na ito. Ito ay hakbang upang hindi pangunahan ng may-akda na tumitingin na walang pagkakamali ang mga nakaraang pag-aaral nang walang paunang pagsisiyasat.<\/p>\n\n\n\n<p>Sabihing ito ay napabilang na batikos tulad nang naipaliwanag. Sinikap suriin ang kaangkupan, kawastuhan, at kinatatayuan ng bawat batikos. Patnubay ang pagpapangkat ng mga batikos (tgn. Mga Pamamaraan) sa kinasapitan at talakayan ng pag-aaral na ito.<\/p>\n\n\n\n<p>Gabay rin ang mga lumitaw na aspects of indigenization o mga aspekto ng pagsasakatutubo:<\/p>\n\n\n\n<p><em>In reviewing the status of efforts to indigenize psychology in the Philippines [sic] it is useful to distinguish four aspects of indigenization [&#8230;]: (1) theoretical and conceptual indigenization\u2014development of indigenous concepts and theoretical frameworks; (2) methodological indigenization\u2014adaptation or development of instruments and methods that are culturally appropriate; (3) topical indigenization\u2014the extent to which the topics under study are relevant to the concerns of the society and people; and (4) institutional indigenization\u2014the extent to which institutional and organizational structures and processes support the creation and diffusion of indigenous psychological knowledge. In the Philippines [sic] substantial progress has been made in all four aspects of indigenization (Church &amp; Katigbak, 2002, pah. 131).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Magandang simulain ang pagsabayan ang pagsisiyasat ng apat na aspekto ng pagsasakatutubo para sa SP; subalit, mas praktikal na bigyang-pansin muna ang unang aspekto kaugnay ng mga huna-huna at mga dalumat nito.<\/p>\n\n\n\n<p>Buhat ng mga batikos, masasabing walang tiyak na pagkakasundo ang mga dalubhasa sa isang malinaw na karugtong na masusukat at may patutunguhan mula sa mga batayan ng SP. Suliranin ito na dapat din lang bigyang-pansin ng mga mananaliksik bago ang iba pang bagay kaugnay ang larangan, tulad ng pamamaraan at mga panawagan (i.e., lipunan at kaalaman). Masasabing pagkakataon ang tugong ito sa suliranin (Tiangco, 2001), kung hindi lunas, na magsisilbing patnubay paano mararating ang isang maagham na SP. Nang sa gayon, magsisilbing patnubay ang pag-aaral na inyong binabasa upang may pagbabatayan ang paghihimay, kung hindi pag-uusig, sa mga karugtong na tatlong aspektong gabay sa mga nais madugtugan ang panukala o proyektong saliksik na ito.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Paunang Tugon<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Nasa kilalang kinatatayuan ang SP dahil naranasan din ng agham ang lahat ng ito nang nagsisimula ito mahigit sanlibong taon ang nakalipas. Buhat ng kahihinatnan, napapanahong muling suriin ang mga nailimbag na batikos ukol sa SP.<\/p>\n\n\n\n<p>Tatlo sa mga mabisang hakbang upang masipat ang isang disiplina at mga batikos nito ay ang pagkilala, paghambing, at pagsiyasat ng kaniyang mga huna-huna o teorya at dalumat o konsepto. Ito ay maagham na paraan na pinagtatapat ang mga kalakasan at mga kailangan pang paghusayin ng isang larangan, tulad ng SP.<\/p>\n\n\n\n<p>Handog sa lalong pagpapalago ng SP ang pagpuna ng mga dalubhasa sa loob at labas ng Pilipinas sa mga kahinaan ng larangang ito. Mahalagang balikan ang dagdag nilang kuro-kuro upang matugunan ang mga kalakasan at kahinaang kanilang naiulat. Gamit ang isang m\u00e1ayusing pagtatasa, masusing kinilatis ang bawat naangkop na palagay na nakalimbag sa samot-saring batis. Sambit nito ang linawin, ano ang maaaring gawin upang lalong marating ang isang maagham na SP. Nais matuklas ng pag-aaral ang sumusunod: (a) hadlang huna-huna o teoretikal (Gottfredson, 1983; Haeffel, 2022) at (b) hadlang dalumat o konseptwal (Allchin, 2001) na matatagpuan sa SP. Karamay nito ang mga (c) naaangkop na mungkahi upang mapalago ang SP (Church &amp; Katigbak, 2002; Yacat, 2013).<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>KINASAPITAN<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Makatutulong ang pag-unawa sa kinasapitan gamit ang mga nilaktawang bahagi ng mga ginamit na pamamaraan pangunahin at pangalwahin sa pag-aaral (tgn. Mga Pamamaraan sa dulo ng siping ito at hiwalay na Mga Karugtong).<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Pangunahing Pagtatasa<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Labinlima sa 2,319 na pag-aaral (i.e., 14 na lathala at isang kabanata sa isang aklat) ang naisama sa pangunahing pagtitiyak ng mga pag-aaral sa Internet. Anim sa 1,311 na pag-aaral (i.e., apat na hiwalay na mga kabanata sa iba-ibang aklat at dalawang lathala) ang naisama sa pangalwahing pagtitiyak ng mga pag-aaral sa labas ng Internet. Sa kabuoan, (tgn. Mga Hakbang sa Pagpapatupad ng M\u00e1ayusing Pagtatatsa sa Mga Karugtong), 21 pag-aaral ang binasa, sinuri, at pinagnilayan ng may-akda.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Katangian ng mga Naisamang Pag-aaral<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Pinangkat ang mga pag-aaral (<em>n<\/em> = 21) sa dalawang hanayan upang malaman ang kaniyang mga katangian: mga (a) pag-aaral na pangunahin ang pagpuna sa SP at mga (b) pag-aaral na iba ang paksa ngunit pangalwahin ang pagpuna sa SP. Labing-anim na batikos ay pumapatungkol sa huna-huna (tgn. Hanayan 1). Sampung batikos ay tungkol sa dalumat (tgn. Hanayan 2). Lima sa mga pinangkat na pag-aaral ay may batikos para sa huna-huna at dalumat. Para sa Hanayan 1, tatlo lamang sa mga ito ay hindi pangunahing paksa ang pagpuna o pagbatikos sa SP. Para sa Hanayan 2, lahat ng naisamang pag-aaral ay pangunahin ang pagpuna sa SP.<\/p>\n\n\n\n<p>Nakahanay ang mga hanayan batay sa may-akda, kailan ito nailimbag, wika ng batis, saan ito nailimbag, ang kalagayan ng nasabing hadlang (i.e., natugunan ang batikos [NTG], matutugunan pa lamang ang batikos [MTG], binanggit ng iba pang may-akda ang batikos ngunit nagbukas ng panibagong tanong [PBG]), tampok na batikos, at kaakibat na mungkahi kung may naiulat ang may-akda. <\/p>\n\n\n\n<p>May doktorado sa sikolohiya si Enriquez mula Illinois; may doktorado sa etnolohiya si Salazar mula Paris.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa 21 pag-aaral, dalawa lamang ay may dalawang may-akda. Lima rito ay nakasulat sa wikang Filipino. Karamihan ng mga natirang naisamang pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Nanguna si Dr. Sta. Maria sa mga ambag na batikos na may apat na pag-aaral. Ang pinakalumang pag-aaral ay likha ni Br. Andrew B. Gonzalez FSC noong 1982. Kabalikat nito ang pinakahuling pag-aaral na sinulat ni Dr. Sylvia Estrada-Claudio noong 2018.<\/p>\n\n\n\n<p>Bagaman mula sa agham panlipunan, pito sa mga may-akda ng mga naisamang pag-aaral ay hindi pangunahing larangan ang dalub-isipan (i.e., Br. Gonzalez para dalubwikaan, Dr. Villacorta at Dr. Rood para agham pampolitika, Dr. Tiangco para pilosopiya, Dr. San Juan Jr. para sa panunulat, Dr. Mendoza para pakikipagtalastasan, Dr. Curaming para araling Timog Silangang Asya). Sikolohiya o kaugnay na disiplina sa dalub-isipan ang doktorado at\/o satanging saklaw ng mga may-akda sinangguni sa kinasapitang ito ngunit hindi binanggit sa talatang ito.<\/p>\n\n\n\n<p><em><strong>Paghihimay ng Hadlang Puna Dawit Kalagayan Nito<\/strong><\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Sa 19 na pag-aaral na pangunahing paksa ang pagpuna sa mga huna-huna o dalumat ukol sa SP, isa lamang sa mga pag-aaral na ito ay masasabing natugunan na ang kanilang binanggit na batikos (Sta. Maria, 2003). Lima sa mga pag-aaral na ito ay nagbanggit ng batikos ngunit nagbukas ng panibagong hamon o tanong na may saysay sa larangan (Curaming, 2016; Javier, 1996; San Juan, 2006; Tiangco, 2005; Torres, 1997). Ang natirang 13 pag-aaral ay nagpukaw ng mga batikos na inaabangang matugunan. Samantala, dalawa sa tatlong pag-aaral ng pangalwahing paksa ang pagpuna sa mga huna-huna ng SP ay masasabing may natugunan na batikos.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mga Natugunang Batikos sa SP.<\/strong> Bilang balik-aral, mahalagang mawari ang mga pakinabang sa pagsuri ng huna-huna (Gottfredson, 1983): sakop (i.e., gaano kalalim at\/o kalawak ang talakay at\/o paliwanag ng isang teoryang nahinuha), tumpak (i.e., pagkaalinsunod ng mga katotohanan at mga nabuo o mabubuong batayan sa aktuwal na pagsipat ng huna-huna sa realidad), at linaw (i.e., swak na pagpapabatid ng huna-huna sa makikinabang dito).<\/p>\n\n\n\n<p>Isa sa mga pag-aaral na nakalap (Sta. Maria, 2003) ang masasabing natugunan na ang kaniyang batikos. Inihambing ni Sta. Maria ang mga sulatin nina Enriquez (1989) at Salazar (1989) na siyang nakatuon sa iilang sakop ng SP. Pinangkat at sinusugan ni Sta. Maria ang mga tema ng ugnayan at tuligsaan gamit ang dalawang sinangguning akda: mga kinalaman sa pagsasalin sa Filipino, mga magkasingkahulugan, at paraan ng pagpapahiwatig hinggil SP. Mula rito, angkop ang pitong hinambing na batayan upang magabayan ang mambabasa kung paano nagkakatulad at nagkakaiba ang pananaw at lapit ng isang dalubhasa batay sa larangan kung saan sila nagsanay. Mabunga ang malalim na pagbasa ni Sta. Maria sa pagpapalawak ng mga piniling kaligirang batayan ng SP; nakapag-ambag ang kaniyang pagsusuri sa pagpapatibay ng mga panimulang huna-huna hinggil SP. Batid ito na halimbawa ng sakop gamit ang paglagom ng mga batayan, \u201c[sa] paraan lamang ng matibay na tulungan ng sikolohiya at etnolohiya mararating ng [SP] ang kanyang layunin bilang isang agham (Sta. Maria, 2003, pah. 88).\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Hanayan 1. Mga Naisamang Pag-aaral sa M\u00e1ayusing Pagtatasa Hinggil sa Huna-huna<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-gallery aligncenter columns-1 is-cropped\"><ul class=\"blocks-gallery-grid\"><li class=\"blocks-gallery-item\"><figure><img loading=\"lazy\" width=\"710\" height=\"2560\" src=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-scaled.jpg\" alt=\"\" data-id=\"1734\" data-full-url=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-scaled.jpg\" data-link=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-9-nobyembre-2024-mga-batikos-para-sa-isang-maagham-na-sikolohiyang-pilipino-isang-maayusing-pagtatasa\/navarro-hanayan-1\/\" class=\"wp-image-1734\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-scaled.jpg 710w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-83x300.jpg 83w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-284x1024.jpg 284w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-768x2769.jpg 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-426x1536.jpg 426w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-568x2048.jpg 568w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-100x361.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-150x541.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-200x721.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-300x1082.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-450x1622.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-600x2163.jpg 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-1-900x3245.jpg 900w\" sizes=\"(max-width: 710px) 100vw, 710px\" \/><\/figure><\/li><\/ul><\/figure>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Hanayan 2. Mga Naisamang Pag-aaral sa M\u00e1ayusing Pagtatasa Hinggil sa Dalumat<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-gallery aligncenter columns-1 is-cropped\"><ul class=\"blocks-gallery-grid\"><li class=\"blocks-gallery-item\"><figure><img loading=\"lazy\" width=\"1127\" height=\"2560\" src=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-scaled.jpg\" alt=\"\" data-id=\"1733\" data-full-url=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-scaled.jpg\" data-link=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-9-nobyembre-2024-mga-batikos-para-sa-isang-maagham-na-sikolohiyang-pilipino-isang-maayusing-pagtatasa\/navarro-hanayan-2-1\/\" class=\"wp-image-1733\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-scaled.jpg 1127w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-132x300.jpg 132w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-451x1024.jpg 451w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-768x1745.jpg 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-676x1536.jpg 676w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-902x2048.jpg 902w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-100x227.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-150x341.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-200x454.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-300x682.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-450x1022.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-600x1363.jpg 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-2-1-900x2045.jpg 900w\" sizes=\"(max-width: 1127px) 100vw, 1127px\" \/><\/figure><\/li><\/ul><\/figure>\n\n\n\n<p>Nakaugat naman sa poststructuralism ang natitirang dalawang pag-aaral na may natugunang batikos. Pinalawig ang pagtalakay nito sa panimula ng dalawang pag-aaral; hindi ito ang pangunahing tinumbok ng mga may-akda. Kinilala ng mga ito ang mga hamon at puwang saliksik sa SP kaugnay ang huna-huna hinggil sa mga sumusunod: pagkapantay-pantay ng mga kasarian, saysay sa ginagamit na wika, at karanasan batay sa lugar.<\/p>\n\n\n\n<p>Huwarang gamit ang pakinabang sa tumpak kung saan naging tulay ang poststructuralism sa pag-ugnay ng isang Pilipinong migrante sa ibang bansa (Ong, 2016) gamit ang kaniyang kak\u00e1yahan at wika bilang paglulugar sa lipunang banyaga. Isa itong pag-aangkop ng pagkatumpak. Muling sinangguni ni Ong si Enriquez (1989) kasama ang talakay ni Jimenez (1977) sa ikalawang katwirang nag-aangkop ng poststructuralism at SP; binatid na balakid ng SP ang kaligirang kahinaang tumpak nito kaugnay ang mga mapang-aping kaayusan. Binigyang-diin ang mungkahi:<\/p>\n\n\n\n<p><em>Maaaninag ito sa pagiging mul\u00e1t ng SP sa kapangyarihan at sa pag-iral nito, sa potensiyal ng sikolohiya at ng akademya na gamitin laban sa interes ng nakararaming marhinalisadong Pilipino, at sa dami ng mga kritikal na papel sa buong kasaysayan nito na pumupuna at sumusubok sa mga konsepto, teorya, at pamamaraang nililinang nito [sic]. Ang lahat na ito ay naglalayong makabuo ng isang sikolohiyang makabuluhan, maka-Pilipino, at mapagpabago (Ong, 2016, pah. 14).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Isang itong pagkilalang naaayong mabuo ang nahinuha alang-alang sa naranasang katotohanan. Masasangkot dito ang Pilipino, ito man ay sa loob o labas ng Pilipinas. Tugma ito sa pagsipat ng pagkatumpak ng batayang naglilinaw na siyang depende rin sa danas ng tao (i.e., totoong pag-aangkop sa mga Pilipino sa labas ng Pilipinas gamit ang SP).<\/p>\n\n\n\n<p>Karugtong nito ang magandang halimbawa ng talakayang linaw sa huna-huna na gumamit din ng poststructuralism; ito ang masasabing nagbigay katuturan at kahulugan ng kagandahan sangkot ang mga Pilipinong dumayo sa New Zealand (Ong &amp; Braun, 2016). Subalit, pansinin na sinangguni nila si Estrada-Claudio (2002) na nagpunang \u201cmadalang ang pagbatikos ng partriyarkang Pilipino sa SP\u201d (pah. 8). Nakatuon ito sa epistemolohiya o paglilinaw ukol sa huna-huna ng SP kaugnay ng pamamaraan:<\/p>\n\n\n\n<p><em>[Research] is political, language is a bearer and producer of culture and ideologies, context and culture are crucial to understanding individuals, and the power gap between researchers and participants must be addressed. [&#8230;] Both have produced extensive critiques of how the human sciences in general, and psychology in particular, have been used to oppress groups of people (e.g. women, the Filipino masses). The use of SP and feminist psychology for this research project is necessary in order to address gender and cultural issues that underlie the topic (Ong &amp; Braun, 2016, mp. 7\u20138).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Bagaman hindi tahasang binanggit ang anumang akda ni Enriquez sa sinipi, kinilala ng tambalan ang pagkabalikat ng peminismo at SP upang matupad ang kanilang pag-aaral. Akma ang naturang paglilinaw upang maiugnay paano mapababatid ang SP nang tuparin nila ang kanilang pamamaraan; gamit ang lapit na poststructuralist, naging lunsaran ang SP kasama ang peminismo upang makita nakaimpluwensiya ang sari-saring pagpapakahulugan ng kagandahan.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mga Matutugunan pa lamang na Batikos sa SP.<\/strong> Nakatulong ang inilarawang batayang pakinabang sa pagsuri ng huna-huna (Gottfredson, 1983) nang masipat ang sumunod na 10 pag-aaral. Sa dakong huna-huna, matingkad ang sakop (Sta. Maria, 2000) at linaw (Bernardo, 2002; Lagmay, 1984; Rood, 1990; Sta. Maria, 1998) sa limang pag-aaral. Umikot rito ang talakay ng locus o paglulugar ng karanasang pinag-aaralan.<\/p>\n\n\n\n<p>Inilarawan ni Sta. Maria (2000) ang sari-saring disiplinang sikolohikal at inihambing sa SP sa kaniyang muling pagsangguni kay Enriquez (1989). Klaro ang kaniyang pagpapaliwanag ng pagkakaiba ng mga ito kasama ang mungkahing paano ito gagamitin ng mga mananaliksik ng SP. Halos magkapareho ito sa tangka ni Rood (1990) na sinubukang &nbsp;ilugar ang danas kaugnay ng kaalaman at lapit sa karanasan (cf. Ong &amp; Ochoa, 2022). Ngunit, tinanggap ng may-akda ang mga naturang pag-aaral na may batikos na matutugunan pa lamang dahil ang kanilang mga talakay ay sumasalamin din sa mga katwiran nina Bernardo (2002) at Lagmay (1984).<\/p>\n\n\n\n<p>Pansinin na ang sinangguni nila ay hindi bababa sa tatlong saliksik ni Enriquez ukol sa SP na nakasulat sa wikang Ingles. Maliban sa mga komento ng pagpuri para sa SP, napantayan ito ng kanilang mga binatid. Tinukoy ni Lagmay (1984) na patuloy pa rin hinahanap ang kawastuhan ng linaw na kaniyang binansagang \u201calmost a trite truism\u201d (pah. 41). Sinang-ayunan ang kalabuang ito nang tinalakay ni Bernardo (2002):<\/p>\n\n\n\n<p><em>[What] seems to be happening in [SP] is that there is a relatively underdeveloped local psychological discipline. [&#8230;] However, I am not certain whether this assimilative synthesis is moving towards the development of a true indigenous psychology or towards a thoroughly Westernized local psychology (mp. 34, 36).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Masasabing pinatibay ng dalawang batikos ang ugnayan nito sa inilarawang \u201cikalawang krisis\u201d o panganib sa pagsasakatutubo (Sta. Maria, 1998). Bagaman minungkahi ni Sta. Maria bilang tugon dito ang pagsasagawa ng nararapat na saliksik SP, taliwas ito sa mga naiulat mula kina Lagmay (1984) at Bernardo (2002).<\/p>\n\n\n\n<p>Samantala, angkop balikan ang pamantayan hinggil sa pagpuna ng mga dalumat (Allchin, 2001). Kinilala ang mga uri ng batikos ayon sa mga nakalap: pagkukulang sa pangangatwiran (Gonzalez, 1982), di-nabanggit na mga pagsasaalang-alang (Villacorta, 1983), kulang na paliwanag (Mendoza, 2007), at mga nahinuhang walang pinanghahawakan hinggil sa mananaliksik (Church &amp; Katigbak, 2002; Fernando, 2004; Sta. Maria, 1998).<\/p>\n\n\n\n<p>Mauunawaan ng mambabasa kung paano naiiba ang kahingian ng paglilinaw sa pagpuna ng mga dalumat sa naunang pagsusuri ng linaw kaugnay ng huna-huna. Lalong magiging mabunga ang katangian ng kalinawan sa isang huna-huna kung pinagtagpi-tagpi ang mga kalakasan at kailangan pang paghusayan ng mga hadlang kaugnay ang dalumat. Ipalagay ang mapagbuong pasya sa \u201cepistemic spectrum\u201d (Allchin, 2001, pah. 51) na layuning patatagin ang paghahabi ng huna-huna sa dalumat gamit ang mga hadlang o batikos. Tanyag sa mga nakalap dito ang pag-aaral nina Church at Katigbak (2002). Sa naturang pag-aaral, pansinin ang kanilang pagkalatag ng pagpapakilala sa ikalawang aspekto ng pagsasakatutubo. Bagaman hindi tahasang sinangguni si Allchin, may pagkahalintulad ang inilapat ng tambalan sa mga natuklusang kalakasan at tinaguriang kahinaan ng SP. Sapantaha ng may-akda ito ang dahilan bakit pinag-isa ang talakayan sa unang dalawang aspekto na hindi basta-basta paghihiwalayin. Hindi lang ito paraan upang mas kumpleto ang pagkukuhanan ng tugon sa pagpanday ng larangan. Paraan din ito bilang paanyaya, sinangguni man o hindi, na bigyang-pansin ang mga hadlang dalumat na matutugnan pa lamang.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mga Batikos na Nagbuklat ng Panibagong Tanong para sa SP. <\/strong>Pinili ng mananaliksik ang pagtatangi ng mga pag-aaral sa bahagi nito ng kinasapitan. Bagaman pasok ang mga nasangguning pag-aaral bilang mga batikos na matutugunan pa lamang para sa SP, mas kinikilala ng may-akda ang mga hakbanging inilarawan na mas angkop na nagbuklat ng panibangong tanong. Isa itong pagtangka mula sa mungkahi ng mga sumusunod na pag-aaral na makilahok sa pagkilala at panimulang pagtugon dito.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa dalawang pag-aaral na mayroong hadlang huna-huna (Bernardo, 2009; Tiangco, 2005), pagkatumpak ng huna-huna ang hinangad. Lima sa pamantayang pampuna para sa dalumat ang lumitaw din sa pagtatasa ng mga batikos na nagbuklat ng panibagong tanong: pagkukulang sa pangangatwiran (Javier, 1996), pagkukulang kaugnay ng sakop (Curaming, 2016; Torres, 1997), kulang na paliwanag (San Juan, 2006), at pagsasawalang-bahala sa kultura o lipunan (Estrada-Claudio, 2018).<\/p>\n\n\n\n<p>Maliban sa mga naiulat ng mga binanggit na pag-aaral, ang sumusunod na talata ay ukol sa mga nahinuha ng may-akda ng pag-aaral na ito. Masasabing angkop palawigin ang talakayan batay sa kanilang mga mungkahi. Kung kay\u00e2 binuo ang mga tanong na ito upang mapahusay ang pagtugon sa mga naturang batikos.<\/p>\n\n\n\n<p>Una rito ay hinggil sa pagkabuk\u00e1s ng mga mananaliksik ng SP na makibagay at makihalubilo sa ibang kapitlarangan. Kaugnay ng mungkahi ni Bernardo (2009), ano-ano ang mga karunungang ibabahagi nila sa ibang larangan? Gayundin, ano-ano ang mga kailangan nilang matutuhan mula sa kapwa dalubhasa upang lalong mapatatag at mapalago ang SP? Kasunod nito ang hinggil sa kahandaan ng mananaliksik ng SP na makilahok sa maagham na palitang-kuro, tulad ng tangka ni Curaming (2016). Kaugnay ang mungkahi ni Tiangco (2005), ano ang manghihikayat sa mga nagpapakadalubhasa at mga nagsasaliksik ukol sa SP na lilihis sa karaniwang paksang inilalathala? Hamon o pagkakataon ba ang paglalarawan ni Torres (1997) sa paggamit ng iba pang wika mula sa Pilipinas sa pagpapadaloy at pagpupunyagi ng SP sa mga Pilipino? Panghuli rito, ang hinggil sa naangkop na lapit habang isinaalang-alang ang huna-huna at dalumat. Kahit hindi pagbabatayan ang katayuan ng hadlang, sapat na ba ang mga panukalang tugon ukol sa mga puwang ng SP ng sari-saring pag-aaral (i.e., poststructuralism, feminism, postmodernism, at sikolohiyang panlipunan-at-kalinangan) o may mga kailangan pa bang gawin upang punan ito?<\/p>\n\n\n\n<p>Nahinuha ng mananaliksik na walang isang tiyak na tugon sa ngayon na k\u00e1yang malutas ang mga panibagong tanong kabalikat ng mga batikos na ito. Sa pananaw ng may-akda, ang mga tanong na nabanggit ay dapat nililirip at nilulugar sa praktika ng tao kung hindi paano maipapatupad ang mga mungkahi sa totoong buhay. Sabihing ilalatag lamang ang mungkahi nang walang pagsasaalang-alang sa kahihinatnan ng panahon. Hindi ito magkasing-timbang ng pansariling pag-unawa at pagtalaga ng maaaring patutunguhan kung hindi pananagutan ng mga mananaliksik ng SP. Sabihing matupad ito, mapapatibay ang masasabing dahilan ng mga mananaliksik at mga mithiin nila upang matugunan ang mga batikos na ito.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Mapupulot na Aral para sa SP<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Marami pang kailangan paghusayan ang SP ngunit maling sabihin na tutuldukan lang ito ng kaniyang mga batikos. Ibig sabihin ng may-akda, masasabing wakas na ang panahon na walang tugon o sagot sa mga pananaw ng mga nag-usig sa SP. Yaman din lang na bigyang-pansin ang mga ito. Bagay na magsisimula sa mananaliksik ng SP ang mithiing muling bumalik sa sariling lipunan at pamayanan upang maunawaan ang karunungang bayan. Ibig sabihin ng may-akda, higit na nangangailangan ang bayan ng mga nagpapakadalubhasa at mga dalubhasa sa pagtulong na matagpi-tagpi ang pag-unawa sa sariling lipunan at pamayanan. Ito ang mga panimulang hakbang sa pagtalima sa maagham na pamamaraan. Tatlo ang pangkat na pangunahing makikinabang dito: mga mag-aaral, mga dalubhasa, at mga tagasubaybay.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>TALAKAYAN<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Mahalaga ang ambag ng SP sa pamayanang Pilipino. Sa kabila ng iba-ibang balakid na nagtagal ng kalahating siglo, malinaw ang ginagampanan ng SP sa tulong ng mga mag-aaral, mga dalubhasa, at mga tagasubaybay nito. Marapat pagsamantalahan ang pagbabalik sa mga nagsumikap pumuna sa mga kakulangan ng SP upang paghusayan ito. Maliit na hakbangin ito upang lalong mapatatag ang larangan at mapalapit ang SP sa mas nakararaming Pilipino. May hiyang na pakinabang ang mga hadlang huna-huna at hadlang dalumat ukol sa SP na naisawalat mula noong 1982. Klaro na ang mga naturang batikos na may kaugnayan sa SP ay napapanahon pa rin. Upang masimulan ang isang hakbang na maghihimok sa nakararaming Pilipino na matugunan ang mga ito, panimula ang naisagawang m\u00e1ayusing pagtatasa. Ito ay adhikain ng isang maagham na larangan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa tulong ng mga makabagong software at iba-ibang lunsarang akademiko, angkop na binasa, sinuri, at napagnilayan ng may-akda ang mga angkop na pag-aaral (<em>n <\/em>= 21). Masinop na nakahanay sa mga hanayan ang buod ng mga pag-aaral na ito. Gayundin, nilapatan ito ng karampatang paliwanag na siyang itinaguyod sa kinasapitan (tgn. Hanayan 3).<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Hanayan 3. Tampok Buod<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter size-large\"><img loading=\"lazy\" width=\"1024\" height=\"271\" src=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-1024x271.jpg\" alt=\"\" class=\"wp-image-1730\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-1024x271.jpg 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-300x79.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-768x203.jpg 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-1536x406.jpg 1536w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-100x26.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-150x40.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-200x53.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-450x119.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-600x159.jpg 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3-900x238.jpg 900w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-3.jpg 1764w\" sizes=\"(max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Mabunga ang pasyang suriin muna ang mga hadlang at\/o batikos hinggil sa teorya at konsepto; yayamang kailangan linawin muna ang mga nararapat matugunan sa larangan gamit ang masasabing saligan o batayan nito.<\/p>\n\n\n\n<p>Samantala, dito papasok ang pangangatwiran ng mananaliksik kung bakit iilan sa mga pag-aaral na may masasabing batikos hinggil sa SP ay hindi naisama sa kinasapitan. Angat dito ang pasyang piliin muna sa ngayon ang mga batikos at hadlang ukol sa huna-huna o teorya at dalumat o konsepto. Ang mga pag-aaral na tinukoy na maaaring pagkuhanan ng batikos (hal., Clemente, 2011; Gastardo-Conaco, 2005; Margallo, 1990; Sevilla, 1989) ay ukol sa pamamaraan. Hindi rin sapat na magbanggit lamang ang nakaraang batikos (hal., Pe-Pua &amp; Protacio-Marcelino, 2018).<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Ang Narating ng mga Batikos<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Hindi lamang si Dr. Sta. Maria ang nararapat kilalanin sa pagpuna sa SP. Maraming dalubhasa sa loob at labas ng sikolohiya ang nakilahok upang mapahusay ang SP. Patunay ito sa lawak ng naabot at aabutin pa ng SP. Patunay din ang kinalap na mga pag-aaral na tunay na pinag-uusapan ang SP at paano ito lalong mapabubuti para sa mga Pilipinong makikinabang dito. Kasama ito sa lalong pagpapahusay at pagpapatatag ng larangan. Bagaman kailangan pa itong mabigyan-pansin ng mga dalubhasa at simulain ang pagtalakay sa kalagayan ng mga batikos na ito.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa ganoong paraan, magsisimula ito bilang paksang pag-uusapan sa loob at labas ng lunsarang saliksik. Angkop ito sa maagham na handog ng mga batikos o hadlang para sa larangan. Ito ang masusing pagkilatis kung hindi pag-uusig ng mga narating, ito man ay tungkol sa mga kalakasan at kailangan pang paghusayan ng isinasaad na teorya o konsepto. Sa huli, ito ay para sa Pilipino upang lalo niyang maunawaan kung paano niya angkop na mabubuo o mahihinuha ang kaniyang sarili.<\/p>\n\n\n\n<p>Tulad ng iba pang tunguhing agham panlipunan (Bansal, 2023), lalong manganganib ang SP at lalong lalayo rin sa pagiging ganap na larangan kung ang mga kasalukuyang tagapagtaguyod nito ay hindi tatanggap at makikinig ng mga puna (Moghaddam, 2019). Bagaman, ito ay napipintong mangyari kung mapabayaan (tgn. Butler, 2022; Liu, 2011), pinatutunayan ng m\u00e1ayusing pagtatasang ito na may mga pagbabago at mayroong patutunguhan ang SP kung talikdan ito ng kaniyang mga mananaliksik. Kung ito ay napaaabot at napaintindi ng mga mananaliksik sa mga karaniwang Pilipino, makararating ito sa kanilang kamalayan na siyang layunin ng SP.<\/p>\n\n\n\n<p>Malinaw na karamihan sa mga batikos na sinangguni ang pagpuna sa mga naisip at naipaliwanag ni Dr. Enriquez sa kaniyang lawas ng mga akda. Subalit, natatanging halimbawa ang batikos ni Estrada-Claudio (2018) na pinuna rin ang mga naisamang pag-aaral sa m\u00e1ayusing pagtatasang ito (i.e., Bernardo, 2009; San Juan, 2006; Sta. Maria, 2000; Tan, 1997). Maliban sa paghambing ng paggamit ng feminism kung ihahanay kina Torres (1997) [mas malawak ang paghugot ng mga pilosopikal na pananaw bago ilantad ang handog ng feminism] at Ong &amp; Braun (2016) [kasangga ng feminism ang SP at parehong ginamit bilang balangkas], isang mapagkukuhanan ng dagdag kaalaman ang mga punto ukol sa essentialism: nagbibigay-kasarinlan sa tao ang pagsasakatutubo, k\u00e1yang maibukod at matukoy ang Pilipino sa Pilipinas sa iba pang lahi, at inihahayag ng kalayaan at mga pakinabang ng bansang Pilipinas ang paglalarawan sa isang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>May 26 na magkakaibang hadlang mula sa 21 pag-aaral. Magkasangga ang mga ito sa wastong pagbabalangkas ng isang larangan at akmang pilosopiya na may layuning tuminding mag-isa. Hindi sapat na piliin lamang ang mga batikos ni Dr. Sta. Maria (1996, 1998, 2000, 2003). Batay sa kaniyang mga paliwanag, ang habol ng mga batikos na ito ang marating ang ugnayan ng sarili sa lipunan at kaniyang kalinangan. Lumitaw din ito sa iba pang mga nagpuna sa SP, ito man ay hinggil sa huna-huna o dalumat. Matingkad na halimbawa rito ang mungkahing pagbabalik sa madla upang pagkuhanan ng kaalaman na kinilala nina Bernardo (2009), Mendoza (2007), at Torres (1997).<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi naging hadlang ang larangan kung saan sila nagsanay, kahit hindi ito sikolohiya. Patunay ito na may maiaambag ang mga eksperto na nagsumikap magpuna sa SP dahil alam nila ang naangkop kung hindi mabuting bunga nito.<\/p>\n\n\n\n<p>Samakatwid, may sapat na patunay ang may-akda sa mga masasabing tugon para sa mga batikos hinggil sa SP kung pagbabatayan ang mga huna-huna o dalumat (Demeterio et al., 2017). May mga tugon ito at&nbsp; may kaniya-kaniyang pakinabang sa larangan (Anastacio et al., 2024). Kay\u00e2 dal\u00e1 ng pag-aaral na ito, ngayon angkop na mabatid (cf. Demeterio &amp; Felicidad, 2015), \u201cmayroon ng gabay at patnubay, pero sino ang mangunguna na gawin ito? Ano ang k\u00e1ya kong maiambag gamit ang kaalamang ito?<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Handog ng mga Batikos sa \u201cSikolohiyang Malaya\u201d<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ang pagkilala sa ambag-pabor ay kasinghalaga ng mga ambag batikos, ano man ang aspekto ng pagsasakatutubo sa SP. Malinaw ang hangarin at mga pagkukulang ng SP na sinuri, tinalakay, at ibinahagi ng mga dalubhasa sa loob at labas ng dalub-isipan. Kahit madalang ang pagsipat sa SP, ang paggagawa ng mga hakbang ukol sa mga batikos ay ningas na magpapalago tungo sa maagham na SP.<\/p>\n\n\n\n<p>Maaaring maunawaan ng mambabasa na ang tugon na ito ay puwedeng nagpapahiwatig ng pagkiling sa iba pang disiplinang sikolohikal, tulad ng CP o social psychology. Masasabi ring maaaring multidisiplinaryo ang akmang lapit sa pagtalima ng mga mungkahing naiulat. Subalit hindi ito ibig sabihin na pababayaan ang SP. Batay sa mga batikos, ginamit ang mga kaligirang disiplina kung saan nagsanay ang mga nagbigay ng hadlang huna-huna o dalumat. Dahil nagbabago ang agham batay sa pangangailangan ng panahon, paraan ang pagtalima sa lapit na maagham na may pagkilala at pagpapahalaga paano mapapabuti ang larangan.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi ito dawit lamang ng maraming larangan. Ito ay naaayon sa nakikita, nararanasan, at nakikilatis ng isang tao na may kak\u00e1yahang gamitin ang kaniyang mga pandama at kamalayan. Mabibigyan ng pagkakataong makiisa ang Pilipino sa pagtuklas ng kaniyang sarili. Sa pagtalima nito, mas makabuluhan ang pagpapahalaga ng isang Pilipino na mauunawaan ang ugnayang kinabibilangan niyang pamayanan at sarili.<\/p>\n\n\n\n<p>Sabihing may kak\u00e1yahan ang isang Pilipino magamit ang SP upang maunawaan ang sarili. Maiaangkop niya ang kaniyang saysay sa kinabibilangang pamilya, kalikasan, at bayan. Ito ang binuod na mungkahi upang marating ang pagtugon kaugnay ng mga hadlang sa huna-huna at dalumat. Ipalagay ang pagtupad nito. Lalong mas mabunga ang pagpapakilala ng SP sa mga Pilipinong kaugnay ang mga karugtong na aspekto ng pagsasakatutubo. Hindi man ito tahasang alam ng karaniwang Pilipino na kasing detalyado ng saliksik na ito. Pawang ang nais nilang makilala ay ang kanilang sarili kasama ang kanilang mga nabuong tanong hinggil sa kanilang nakakasalamuha ay mabungang mithiin.<\/p>\n\n\n\n<p>May ugnayan ang batayang mungkahing ito para sa \u201csikolohiyang malaya\u201d (Pe-Pua &amp; Protacio-Marcelino, 2018). Magkasangga ang maagham na SP sa \u201csikolohiyang malaya.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Gamit ang wastong pangangatwiran dal\u00e1 ng masinsinang pag-unawa sa mga makabuluhang aral ng agham, magiging makatao at mapanuri ang mananaliksik ng SP dahil tambalan sa kaniya ang mga inaasahan mula agham at mga ninanais ng kaniyang mga kababayan. Maaaring kasama rito ang kanilang mga suliranin o kanilang mga napagtagumpayan. Kung naipakilala ang SP sa mga Pilipinong kikilalanin pa lamang ito, mapabubuti ang kaniyang pagtatakda ng mga ambag upang mapahusay ang maagham na larangan. Sa pagkikiisa ng karaniwang Pilipino, natutulungan niya ang mga mananaliksik na ipabatid ang napapanahong mga paksang dapat nilang tumbukin.<\/p>\n\n\n\n<p>Noon, naging matunog ang mga krisis o suliranin sangkot ang maraming aspekto ng agham panlipunan kasama ang sikolohiya. Nasa gitna ng palitang-kuro, sa mga kumperensiya o mga lathala, ang kung ano ang hamon o balakid na kailangan munang matugunan ng larangan. Kaugnay ng \u201csikolohiyang malaya,\u201d bunga ang sariling pagninilay ng pag-unawa ng mga nararapat na paglaanan ng panahon hinggil sa larangan. Ito ang kusang pagkilala sa mga alam at aalamin hinggil sa sarili. Kaakibat nito ang pagharap sa sariling pagkakakilanlan. Ito ang sariling paglalarawan kung ano ang k\u00e1ya at hindi k\u00e1yang gawin. Kasama rito ang pagpapabor o hindi pagsang-ayon sa mga paniniwala.<\/p>\n\n\n\n<p>Siguro ang maagham na lapit ay nangangahulugang ito ay patuloy na magwawasto ng sariling larangan. Subalit, hindi na ito tanging paglatag ng suliranin. Handog na ang maagham na SP bilang tugon na may patutunguhan kung masusunod. May maaasahang hakbang na k\u00e1yang tuparin at madugtungan. Ito ang kalayaang nakamit mula nang matanto ng isang mamamayan kung paano siya makatutulong. Sa pakikisama ng karaniwang Pilipino sa isang maagham na SP, mabibigyan ng halaga at kahulugan ang isang bahagi o katangian ng sarili o bayang kinabibilangan niya. Bida sa maagham na SP ang mamamayang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mga Patutunguhan sa Hinaharap<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Kung kapit-bisig makakamit ng mga tagapagtaguyod, mananaliksik, at nagpapakadalubhasa sa SP, iyan ang magsisilbing handog ng kanilang akademikong pagpupunyagi sa buong mundo. Dagdag dito, kailangan magsimula ang mga mananaliksik ng SP sa Pilipinas. Bilang tunguhin, sapat na ang mga mungkahi upang mapatunayan na kailangang mapuntahan ang mga dako ng kapuluan na inaabangang maunawaan, lalong-lalo na sa Visayas at Mindanao (tgn. Hanayan 4). Tila walang katuturan ang pagpapahayag ng handog ng SP sa buong mundo kung hindi ito alam ng karaniwang Pilipino. Alalaong baga, hindi dapat balakid ang layo at wika upang maunawaan ng isang &nbsp;baguhang mananaliksik ang hindi pa napag-aaralan hinggil sa SP sangkot ang mga Pilipino na nasa Pilipinas.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Hanayan 4. Iyong Gampanin sa Pagsasabuhay ng Isang Maagham na SP tungo sa Isang Siglo<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-gallery columns-1 is-cropped\"><ul class=\"blocks-gallery-grid\"><li class=\"blocks-gallery-item\"><figure><img loading=\"lazy\" width=\"1024\" height=\"461\" src=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-1024x461.jpg\" alt=\"\" data-id=\"1731\" data-full-url=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4.jpg\" data-link=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-9-nobyembre-2024-mga-batikos-para-sa-isang-maagham-na-sikolohiyang-pilipino-isang-maayusing-pagtatasa\/navarro-hanayan-4\/\" class=\"wp-image-1731\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-1024x461.jpg 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-300x135.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-768x346.jpg 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-1536x692.jpg 1536w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-100x45.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-150x68.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-200x90.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-450x203.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-600x270.jpg 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4-900x406.jpg 900w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2026\/10\/Navarro-Hanayan-4.jpg 1780w\" sizes=\"(max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure><\/li><\/ul><\/figure>\n\n\n\n<p>Sinimulan sa pag-aaral na ito na kasama ang mga mag-aaral, mga dalubhasa, at mga tagasubaybay sa pag-usbong ng SP. Lalong abot-kamay ang \u201csikolohiyang malaya\u201d kung talikdan ang mga patutunguhang angkop para sa isang maagham na SP. Nilagom ang mga piling mungkahi bilang hakbang sa pagtupad nito.<\/p>\n\n\n\n<p><em><strong>Papel ng Mga Mag-aaral ng SP<\/strong><\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Nababagay ang mga mungkahi nina Bernardo (2009), Fernando (2004), Gonzalez (1982), at Sta. Maria (1996) bilang pagbuod ng natatanging papel ng mga kasalukuyang mag-aaral ng SP. Makabuluhan ang pagbabalik sa bayan, ito man ay tumutukoy sa lungsod o lalawigan. Naaangkop gamitin ang kanilang mga nararanasan (cf. San Juan, 2021) upang tukuyin kung magkatulad o magkaiba ito sa iba pang lugar sa Pilipinas. Karamay nito ang pagtalakay ng mga karanasang madalang mapag-usapan sa mga lunsarang akademiko o sa popular na midya. Maging tulay nawa ang mga kalakasan ng mga batayang SP at mga puwang-saliksik nito sa kanilang mga gawaing akademiko o panghanapbuhay.<\/p>\n\n\n\n<p>Magandang simulain ang pagbabalangkas ng mga pabalak na nais madugtungan ang karunungang bayan. Sana ay huwag maging hadlang ang tinitirahang lugar sa bansa o likas na wika upang makapag-ambag dito. Mabuting magsimula sa kinabibilangang pamilya o pamayanan na puwedeng may pagkukuhanan ng mga kuwento at karanasang bumubuo sa diwang Pilipino. Kaakibat din nito ang pagpalit ng tingob o pokus upang lalong mapalapit ang SP sa mas nakararaming Pilipino. Ibig sabihin din nito ang hindi pagsasayang-oras o pagkubli ng lakas upang magpakadalubhasa o matuto.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Papel ng Mga Dalubhasa ng SP<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Bagaman mas teknikal, akma bilang panimulang hakbang ang minungkahi nina Church at Katigbak (2002), Rood (1990), Sta. Maria (2003), at Tiangco (2005). Maliban sa pagkilala at pagtalima sa mga batikos na binanggit, naaayong kilala ng mga dalubhasa ang kanilang mga paniniwala. Kasama sa mga dalubhasang ito ang mga mananaliksik, propesor, at iba pang mga trabahong may kaligirang gamit ng SP. Susi ang kanilang papel sa angkop na paglalapat ng mga nararapat na saligan o batayan ng SP. Ito man ay paggamit ng mga huna-huna sa kanilang paghahanapbuhay o pagsangguni sa mga dalumat na sumibol mula sa karanasang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>Mungkahi ng mga dalubhasa na gumamit ng mga pamantayang nakaayon sa agham dahil ito ang gagabay sa kanilang pagsasasaliksik. Nangibabaw dito ang pagkakaroon ng basehan, paglilinaw ng mga katangian, at pag-aangkop ayon sa kahingian ng panahon. Nangangahulugan ng pagtalima rito ang muling pagsuri ng mga nakagisnang pamamaraan at pananaw ng SP. Kasama nito ang pagtugon sa mga kahinaan ng mga piling dalumat o huna-huna na walang kaugnayan o walang maagham na saligan. Kung pagbabatayan ang mga mungkahi, lalo na ang mga ninanais maayos ang pagkabalangkas at pagkabuo ng mga dalumat o huna-huna, napakahalaga ng kaalaman ng mananaliksik at kaniyang mga paniniwala upang lalong mapatibay at marating ang paglikha ng mga dalumat o huna-hunang wasto at k\u00e1yang masukat.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kanilang masusing paghambing, patuloy na pagsisiyasat, at pagsasaayos ng SP batay sa pangangailangan, nakasalalay sa mga dalubhasa ng SP ang pormal na pagkilos sa mga tinalakay na batikos sa pag-aaral na ito. Mabuti ring puntahan ang talakayan hinggil sa mga nailathalang saliksik SP (tgn. Pagsipat ng mga Nailimbag na Saliksik SP sa Mga Karugtong). Isang paraan ang pagkakapit-bisig ng mga pampubliko at pribadong pangkat sa mga dalubhasa upang maisama nila ang SP sa karaniwang kaalaman ng Pilipino. Kinatigan man ang mga mungkahi o hindi, magkaugnay ang gawaing ito sa pagtuturo ng SP, pagsasaliksik hinggil sa SP, at gamit ng SP sa iba pang hanapbuhay sangkot ang Pilipino. Sana ay maging tulay ang mga mungkahi upang mapabuti pang lalo ang pagbibigay katuturan at halaga ng SP.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Papel ng Mga Tagasubaybay ng SP<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Payak na binuod ni Bernardo (2002) ang munti ngunit mahalagang papel ng mga tagasubaybay ng SP. Pinangungunahan ng mga tagasubaybay na ito ang mga t\u00e1ong kikilalanin pa lamang ang SP. Kasama rin ang mga banyaga o hindi Pilipino ang kabansaan. Sabihing makikilahok ang mga tagasubaybay sa mga talakayan sangkot ang mga mag-aaral at dalubhasa ng SP mula sa Pilipinas. Anumang uri ng tanong, pahiwatig, mungkahi, o batikos mula sa kanila ay makaaambag sa lalong pagkamit ng maagham na SP. Hindi ito tanging pagtuon sa mga Pilipino lamang. Ito ay paanyaya sa pakikibahagi sa mga naniniwala sa nais ng maagham na SP.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pangkahalatan, maaari silang lumahok o makilahok sa kahit anong talakayan o adhikaing gumagamit ng SP. Mula sa pakikilahok sa mga gawain ng PSSP hanggang sa pakikisama sa mga pamayanang Pilipino sa iba pang dako ng mundo, aabutin ng maagham na SP ang Pilipino habang o hangga\u2019t may kak\u00e1yahan ang isang Pilipinong magtanong, makiramdam, at makapaglarawan ng kanilang karanasan o kapaligiran; ambag niya ito sa pagsasabuhay ng maagham na SP.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Mga Kailangan pang Paghusayan<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Una sa lahat, mas mabuting magpatupad ng mga naiulat na hakbang sa pag-aaral na ito sa tulong ng isang pangkat. Maliban sa mapapadali ang paghahanap at pagtitiyak ng mga nakalap na pag-aaral, maraming pananaw, katugma o katuglisa, na hindi madalas maisip ng isang mananaliksik mag-isa. Ang anumang uri ng pagpapahusay ng mga inilarawang pamamaraan sa pag-aaral na ito ay hinihikayat.<\/p>\n\n\n\n<p>Karugtong nito ang pagsasagawa ng mga kasunod na hakbang upang gumawa ng m\u00e1ayusing pagtatasa gamit ang iba pang aspekto ng pagsasakatutubo. Mangyaring gamitin ang mga sinangguni sa pag-aaral na ito kung nararapat. Mangyaring baguhin din ang mga pangunahing tanong para sa mga aspektong susuriin at isasama sa mga pag-aaral.<\/p>\n\n\n\n<p>Naaayon ding maitampok ang mga pag-aaral na makadagdag sa mga mungkahing magpapakatotoo sa isang maagham na SP. Magandang makita kung sasanga ang isang maagham na SP sa iba pang pangkat. Gayundin, mahalagang muling ulitin ang naturang pag-aaral makalipas ang iilang taon (hal., mga 25 taon). Ang pag-uulit na ito ay karaniwang ginagawa sa mga m\u00e1ayusing pagtatasa at s\u00edpat lant\u00e1d o meta-analisis bilang pag-aangkop sa panahon batay ang mga bagong nakalap o natuklasan.<\/p>\n\n\n\n<p>Dal\u00e1 ng paghahanap ng mga pag-aaral sa labas ng Internet, mas nakabubuting alam ng mananaliksik ang mga lathalaan, palimbagan, at iba pang magpakakatiwalaang pinagmulan ng sanggunian batay sa larangang kanilang kinabibilangan.<\/p>\n\n\n\n<p>Naging lunsaran ang pag-aaral na ito sa paggamit ng Octoparse 8.7.4 dahil hindi ito kilalang software para sa mga m\u00e1ayusing pagtatasa o s\u00edpat lant\u00e1d. Ang paggamit ng Octoparse ay nangangahulugang ulitin ang mga hakbang naipaliwanag sa bawat lahok. May mga iba pang software, tulad ng Harzing\u2019s Publish or Perish or Review Manager na maaari rin gamitin sa kaparehas na pamamaraan. Bagaman naglipana ang mga software na gumagamit ng artificial intelligence (AI), hindi minumungkahi ng may-akda na gamitin ito sa ngayon.<\/p>\n\n\n\n<p>Higit sa lahat, saklaw ng pag-aaral na ito ang mga batikos hinggil sa huna-huna at dalumat ng SP. Pinagbatayan ang mga aspekto ng pagsasakatutubo para rito. Magandang simulain kung paano makabubuo ng pag-aaral kung saan tatalakayin ang mga batikos at mga mungkahi kaugnay ng pamamaraan at mga panawagan. Hinihimok din ng mananaliksik na sumangguni ng mga iba pang pagbabatayan kung susuriin ang huna-huna, dalumat, pamamaraan, ang mga panawagang may kinalaman sa isang larangan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>PAGLALAGOM<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ang may-akda ay hindi ang unang t\u00e1ong ninais ang mithiin kung saan umikot ang panukalang saliksik o panukalang proyekto na ito. Batid ni Dr. Enriquez, na siyang pinagmulan ng mga ambag na malimit naging paksa ng mga batis ng pagtatasang ito, ang unang nakaisip ng isang \u201csiyentipikong larangan\u201d (Ujano-Batangan, 2013, pah. 251) para sa SP.<\/p>\n\n\n\n<p>Sabihing naging laganap ang adhikaing magkaroon ng maagham na SP. Ang pagpunl\u00e2 nito ang siyang masasabing aahon sa larangan at paglihis nito sa pagtukoy ng mga balakid. Kundi, kaakibat ng pag-ahon na ito ang makilahok upang bumalik sa bayan. Sandata ng mananaliksik ng SP ang kaniyang kaalaman, paniniwala, at mga mithiin niya sa bayan at sarili, at magsikap na marating din kalaunan ang isang \u201csikolohiyang malaya.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Ito ang unang m\u00e1ayusing pagtatasang ambag sa SP na siyang tumalakay sa mga batikos at kaakibat na mungkahi sa mga hadlang puna ng naturang larangan. Ang pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay ningas sa mas maraming maagham na hakbang para sa mas matatag at mas makatotohanang SP. Sabihing marapat natugunan ng mga tagapagtaguyod, mag-aaral, at tagasubaybay ng SP ang mga binanggit o hindi pa lumilitaw na kahinaan ng SP. Malabo na muling babalik ang mga mananaliksik ng SP sa pagtalakay kung hindi paghahanap ng mga krisis o problema hinggil sa larangan. Ang pagkagapos o pananaw ukol sa paglulugar ng mga suliranin ng larangan ay hindi dapat tingnan sa masamang paraan. Minungkahi ng mga nasangguning dalubhasa ang siyang mga hadlang upang maiangat ang isang magandang tunguhing akademiko at makabansa kung saan rurok nito ang \u201csikolohiyang malaya.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>MGA PAMAMARAAN<\/strong><strong><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Isinagawa ng may-akda ang isang m\u00e1ayusing pagtatasa o sistematikong rebyu: <a href=\"https:\/\/osf.io\/7r92j\/overview\">https:\/\/osf.io\/7r92j\/overview<\/a>. Tumalima ang pag-aaral sa mga mungkahing angkop (Page, McKenzie et al., 2021) sa pagsasagawa (Page, Moher et al., 2021) nito (Pamantayang Preferred Reporting Items for Systematic Reviews and Meta-Analyses o PRISMA kung kabuuan at Talaang Critical Appraisal Skills Programme o CASP kung binuod).<\/p>\n\n\n\n<p>Likas sa m\u00e1ayusing pagtatasa o sistematikong rebyu at s\u00edpat lant\u00e1d o meta-analisis na ang mga pag-aaral na sunuri gamit ang mga hakbang ito ay mula sa pangmadlang dunong (Sarkis-Onofre et al., 2021). Buhat ng libreng kaalaman sa nakararami, hindi nangangailangan ng palaasaling pahintulot o etikal na pagtatasa ang mga pag-aaral na may binanggit na pamamaraan.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Bago-satal\u00e2 o Preregistration<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Bahagi ng Open Science Framework (OSF) Registries ang pag-aaral na ito: <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.17605\/osf.io\/ptsrz\">https:\/\/dx.doi.org\/10.17605\/osf.io\/ptsrz<\/a>. Minabuti ng may-akda na may kaakibat na bago-satal\u00e2 o preregistration na nakasulat sa wikang Ingles (Krypotos et al., 2022; Nosek et al., 2018; van der Akker et al., 2024) noong Ika-18 ng Disyembre 2024. Nilapatan ang dokumento ng mga susog noong Ika-28 ng Enero 2025 bahagi ng hakbang sa pagbabago ng bago-satal\u00e2. May mga paglilihis sa bago-satal\u00e2 (tgn. Suri-diwa Ukol sa Pamamaraan sa Mga Karugtong).<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Suri-diwa ng Mananaliksik<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Nararapat kilalanin ng may-akda ang mga hamong lumitaw sa paggawa ng pag-aaral at kaniyang sariling kinatatayuan. Dahil umusbong ito bilang hakbang minungkahi para sa larangan, mahalaga ang karampatang suri-diwa o reflexivity (cf. Ong, 2011) ng mananaliksik habang binubuo ang pabalak o proyektong ito. Pinangkat ng mananaliksik (Olmos-Vega et al., 2023) ang kaniyang napansin na limang isinaalang-alang halimbawa ukol sa kaniyang suri-diwa (tgn. Kabuuan ng Suri-diwa sa Mga Karugtong).<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mga Pamantayan sa Pagsasama at Pagbubukod<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Apat ang naging pamantayan ng may-akda upang matiyak ano-ano ang mga pag-aaral na maisasama sa m\u00e1ayusing pagtatasa. Mano-mano niyang siniyasat nang mag-isa ang bawat sanggunian na kinalap para sa pabalak na ito.Ang mga naisamang pag-aaral ay dapat (1) nailimbag sa wikang Filipino o sa wikang Ingles. Hindi kasama ang mga pag-aaral na nakasulat sa iba pang wika. Bagaman mas nakagaganda (tgn. Sibayan, 1999), hindi kasama ang mga pag-aaral na nakasulat sa iba pang wika sa Pilipinas (hal., Bisaya, Kapampangan). Hindi ito maigagawa sa pabalak na ito sapagkat bihasa ang may-akda sa wikang Filipino at Ingles lamang.Kasunod na pamantayan ay ang pag-aaral ay dapat (2) nailimbag mula Nobyembre 1975 hanggang Disyembre 2024. Marapat na simulan ang tanda ng mga pag-aaral nang maitatag ang SP. Gayundin, ang malawak na pagsama ng halos limang dekada ay sapat upang sakupin ang bawat maaaring lathalaing handog sa akademya.<\/p>\n\n\n\n<p>Pangunahin sa m\u00e1ayusing pagtatasang ito ang pagkuha ng mga pag-aaral na (3) maaaring dalawa ang tunguhin ukol sa SP. Puwedeng ang nailimbag na pag-aaral ay (a) bumabatikos sa SP lamang. Kasama rin ang mga lathalaing (b) bumabatikos sa SP at nagmungkahi ng mga palagay upang matugunan ang mga ito. May mga inilarawang hakbang sa pagtutukoy ng mga uri ng hadlang o batikos at mga kinatatayuan nito (vide infra).<\/p>\n\n\n\n<p>Ang panghuling kahingian upang masama sa m\u00e1ayusing pagtatasa ay ang (4) pagkalibre ng buong sipi ng pag-aaral. Kahit makamit ng isang pag-aaral ang unang tatlong pamantayan, hindi ito kasama sa pagtatasa kung hindi makuha ng may-akda ang buong sipi. Maliban sa pagbanggit sa buod, ang pagbasa ng buong sipi ng isang pag-aaral ang magpapatunay sa lahat ng naunang pamantayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Kasangga ng pamantayan sa pagsasama ang tatlong kahingian na siyang gabay sa pagbubukod. Dapat (1) hindi kasama ang mga pag-aaral na binanggit ang SP ngunit hindi ito pinuna o sinuri. Kay\u00e2 minabuti rin na (2) hindi kasama ang mga pag-aaral na hindi saklaw ng mga pangunahing tanong ng pabalak saliksik. Gayundin, (3) hindi bahagi ang iba pang uri ng sanggunian (i.e., editoryal, liham, ulat kaso, suri aklat, at mga pag-aaral na hindi nailimbag). Mahalaga na bawat pag-aaral na lumitaw sa kinasapitan ay dapat naisailalim sa pagtatasa ng mga kapuwa dalubhasa o peer review.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Paghahanap ng mga Pag-aaral<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Mangyaring tingnan ang kabuuan ng pagtitiyak (hal., Lahok sa Paghahanap ng mga Pag-aaral sa Mga Karugtong) upang makita paano nailatag ang paghahanap ng naipatupad sa pag-aaral na ito. Ginamit ng mananaliksik ang mga piling operator at turing Boolean para sa paghahanap, partikular sa pagtitiyak ng mga pag-aaral sa Internet. Makatutulong ang tilde (~) kung itatabi sa isang salita upang mahanap ang kaniyang kasingkahulugan. Malaking bagay din ang talatanda o asterisko (*) kung itatabi sa isang salita upang mahanap ang iba pang salita o parirala na madalas katambal niya. Mahalaga rin ang turing Boolean na OR (i.e., Ingles para sa o) upang mabuklod lahat ng maaaring lumitaw gamit ang mga lahok tiyak na siyang sinalang sa paghahanap. Upang mas kumpleto, nilagay ng mananaliksik ang site: operator sa search bar bago ang mga lahok tiyak (hal. site:pssp.org.ph [~sikolohiya* OR ~sikolohiyang Pilipino OR ~dalub-isipan) OR (~Filipino psychology]). Kinikilala ng may-akda na may mga pagkukulang ang tanging paggamit ng mga pangunahing search engine nang sa gayon mas angkop bisitahin ang kaniyang pook sapot habang (a) isasalang ang lahok pangunahin sa paghahanap o ang (b) mano-manong pagbasa ng mga resulta.<\/p>\n\n\n\n<p>Batayan sa paghahanap ang tiyak sa mananaliksik bilang mga pangunahin at pangalwahin. Itong mga lahok ang nagsilbing gamit upang makamit ang lapit ng pabalak. Kasama sa pagsasalang ang tatlong database na may madalas pinupuntahan ng mga dalubhasa, Google Scholar para sa ano mang paksa, APA PsycNet para sa dalub-isipan, at Philippine E-Journals para sa Pilipinas. Kasama rin ang ResearchGate, isang social networking database para sa mga mananaliksik. Dalawampung pook-sapot na kumakatawan sa samot-saring pampook o lokal na dyornal at limbagan ang kaakibat sa naturang paghahanap. Maliban sa paghahanap sa Internet, mano-mano ang paghahanap gamit ang pitong aklat na katipunan ng mga pag-aaral.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Pagtutukoy sa Uri ng Hadlang at Kinatatayuan Nito<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ipinaliwanag sa panimulang bahagi ng pag-aaral na ito ang pangangailangan ng pagsuri ng mga batikos ukol sa SP. Kabalikat nito ang hakbang sa pagpapangkat sa kaakibat na uri ng hadlang upang malaman ano ang nais matugunan ng naturang batikos at paano ito matutugunan.<\/p>\n\n\n\n<p>Kung ilulugar sa pag-aaral, malimit tinatanggap ang isang batikos bilang hamon o punang nagtukoy ng kahinaan o kakulangan ng isang larangan (Toulmin, 1982). Ang pag-aaral na naisama ay nagsangguni o may siniping akda (tgn. Hu et al. 2011) hinggil sa kahit anong huna-huna o dalumat ng SP. Lahat ng mga ito ay itinuring hadlang.<\/p>\n\n\n\n<p>Bago makalusot sa pagtutukoy, dapat ang naturang pag-aaral ay pasok sa mga pamantayan sa pagsasama (vide supra). Nang ito ay naisama na, bin\u00e1sa ang buong sipi ng pag-aaral na may pagtingin sa: (a) sinasabing binanggit na batikos, (b) nilatag na katwiran bakit iyan ang batikos, at (c) ipinarating na mungkahi upang matugunan ang nasabing batikos. Kasama sa pagtingin na ito ang masusing pagsasalang-alang ng: (a) kaangkopan ng batikos sa larangan (i.e., ukol sa SP sa konteksto ng pag-aaral na ito), (b) naiulat na pamamaraang ginamit, at (c) mga sinangguning batis na pinagbatayan ng mga sinasabing batikos.<\/p>\n\n\n\n<p>Sinipat ang kaangkopan ng mga batikos kung ito ay pumapatungkol sa huna-huna (Gottfredson, 1983), sa dalumat (Allchin, 2001), o parehas. Sa pagkalatag ng kinasapitan (tgn. O\u2019Brien et al., 2014), may kani-kaniyang hanayan ito. Magkahiwalay na binanggit ang mga pag-aaral na parehas may talakayan ukol sa huna-huna at dalumat.<\/p>\n\n\n\n<p>Katulong ng paglalarawan ng dalawang pag-aaral ay paano malaman ang kalagayan ng mga naiulat na batikos. Tatlong pagpangkat ng mga kalagayan ang ginamit sa pag-aaral na ito kung ang batikos ay: natugunan [NTG], matutugunan [MTG], o nagbuklat ng panibagong tanong [PBG]. Hindi sapat mabanggit ang kaangkopan at pagpangkat batay sa mga sinamang pag-aaral. Ang mga inilatag nina Gottfredson (1983) kaugnay ng pagsipat ng mga huna-huna (i.e., sakop, tumpak, at linaw) at Allchin (2001) kaugnay ng pagsipat ng mga dalumat (i.e., pandalumat mula taxonomy of error types) ay pangunahing ginamit upang malaman ang kalagayan ng mga batikos. Hindi isinama bilang batayan sa naturang pagsipat ang iba pang inilarawan sa taxonomy of error types (i.e., kagamitan o materials, pangkilatis o observational, at pantalakayan o discursive). Isinaalang-alang ang mga hakbang inilarawan sa pagtalima sa mga pamamaraan ng pag-aaral na ito (tgn. Kabuuan ng Pagtitiyak sa Mga Karugtong).<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>Mga Sanggunian<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><em>Nilapatan ng talantanda o asterisko bago bawat sangguniang bahagi ng m\u00e1ayusing pagtatasa.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Allchin, D. (2001). Error types. <em>Perpesctives on Science, 9<\/em>(1), 38\u201358. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1162\/10636140152947786\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1162\/10636140152947786<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Anastacio, D. S., Liwanag, L. A. L., &amp; Policarpio, M. R. G. (2024). &#8220;Recognizing the ANIMO of Filipino psychology:&#8221; Ang pagpunla ng sikolohiyang Pilipino mula sa UP patungong DLSU bilang pangalawang sentro ng sikolohiyang Pilipino. <em>NRCP Journal, 23<\/em>(1), 105\u2013119.<\/p>\n\n\n\n<p>Antonio, L. F. (2003). Mga malikhaing lapit sa pagtuturo ng sikolohiya sa wikang Filipino. Sa L F. Antonio &amp; L. Tiamson-Rubin (Mga Pat.), <em>Sikolohiya ng wikang Filipino: Mga simulain, pamamaraan at nilalaman <\/em>(mp. 31\u201349). C &amp; E Publishing.<\/p>\n\n\n\n<p>Arcega, P. A. S. (2024). <em>A case study of implementing service-learning in sikolohiyang Pilipino: Key implications for educators and communities<\/em> [Pagtatanghal sa kumperensiya]. The diamond jubilee convention of the Psychological Association of the Philippines, Lungsod Baguio.<\/p>\n\n\n\n<p>Bansal, P. (2023). Insurrections of indigenous knowledges: Debating \u2018critical\u2019 in indigenous psychologies. <em>Culture &amp; Psychology, 29<\/em>(2), 189\u2013205. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1177\/1354067x221145897\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1177\/1354067&#215;221145897<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Barseghyan, H. (2015). <em>The laws of scientific change. <\/em>Springer.<\/p>\n\n\n\n<p>Bautista, V. V., &amp; Salvador, D. L. A. (2024). Ang 6-component ginhawa model. Sa V. V. Bautista &amp; D. L. A. Salvador (Mga Pat.), <em>Ang ginhawa bilang hangarin at balangkas sa paglikha ng mga mapagkalingang unibersidad <\/em>(mp. 18\u201326). Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, UP Diliman Psychosocial Services, at Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>*Bernardo, A. B. I. (2002). Finding our voice(s): Philippine psychologists\u2019 contributions to the global discourse in psychology. <em>Asian Psychologist, 3<\/em>(1), 29\u201337.<\/p>\n\n\n\n<p>*Bernardo, A. B. I. (2009). Culture and Philippine psychology: Progress and prospects. Sa M. L. T. Camagay (Pat.), <em>Pi Gamma Mu diamond jubilee lectures <\/em>(mp. 31\u201350). Philippine Alpha Chapter of the Pi Gamma Mu International Honor Society in Social Science.<\/p>\n\n\n\n<p>Butler, J. (2022). Endangered scholarship, academic freedom, and the life of critique. <em>Critical Times, 5<\/em>(2), 399\u2013425. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1215\/26410478-9799732\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1215\/26410478-9799732<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>*Church, A. T., &amp; Katigbak, M. S. (2002). Indigenization of psychology in the Philippines. <em>International Journal of Psychology, 37<\/em>(3), 129\u2013148. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1080\/00207590143000315\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1080\/00207590143000315<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Clemente, J. A. R. (2011). An empirical analysis of research trends in the Philippine Journal of Psychology: Implications for sikolohiyang Pilipino. <em>Philippine Social Science Review, 63<\/em>(1), 1\u201333.<\/p>\n\n\n\n<p>Cobochan, G. V. Jr. (Pat.). (2012). <em>Forging management excellence on the anvil of culture: Pananagutan, malasakit, bayanihan, pakikipagkapwa<\/em>. People Management Association of the Philippines Center for Research and Publications at Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>*Curaming, R. A. (2016). On the viability of indigenous methodologies: Implications for southeast Asian studies. <em>Suvannabhumi, 8<\/em>(1), 55\u201376. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.22801\/svn.2016.8.1.55\">https:\/\/dx.doi.org\/10.22801\/svn.2016.8.1.55<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Demeterio, F. P. A. III, &amp; Felicidad, J. M. B. (2015). Ang ugnayan ng wika, pananaliksik, at internasyonalisasyong akademiko. <em>Malay, 28<\/em>(1), 11\u201325.<\/p>\n\n\n\n<p>Demeterio, F. P. A. III, Liwanag, L. A. L., &amp; Ruiz, P. J. A. (2017). Si Madelene Sta. Maria at ang sikolohiyang Pilipino: Pakikipanayam sa isa sa mga kauna-unahang iskolar na bumatikos sa nasabing intelektuwal na kilusan. <em>Kritike, 11<\/em>(1), 48\u201369. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.25138\/11.1.a4\">https:\/\/dx.doi.org\/10.25138\/11.1.a4<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Diestro, J. M. Jr. (2004). Panimula. Sa Z. A. Salazar (Pat.), <em>Sikolohiyang panlipunan-at-kalinangan: Panimulang pagbabalangkas ng isang larangan <\/em>(mp. 1\u201346)<em>.<\/em> Palimbagan ng Lahi.<\/p>\n\n\n\n<p>Enriquez, V. G. (1989). Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at direksyon. Sa R. E. Pe-Pua (Pat.), <em>Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo, at gamit<\/em> (mp. 5\u201321). University of the Philippines Press.<\/p>\n\n\n\n<p>Estrada-Claudio, S. (2002). <em>Rape, love and sexuality: The construction of women in discourse.<\/em> University of the Philippines Press.<\/p>\n\n\n\n<p>*Estrada-Claudio, S. (2018). Has sikolohiyang Pilipino become sikolohiya ng mga Pilipino sa Pilipinas? Sa R. E. Pe-Pua (Pat.), <em>Handbuk ng sikolohiyang Pilipino: Tomo 1. Perspektibo at metodolohiya <\/em>(mp. 235\u2013247). University of the Philippines Press.<\/p>\n\n\n\n<p>*Fernando, M. M. (2004). Sikolohiyang panlipunan-at-kalinangan. Sa Z. A. Salazar (Pat.), <em>Sikolohiyang panlipunan-at-kalinangan: Panimulang pagbabalangkas ng isang larangan <\/em>(mp. 47\u201395)<em>.<\/em> Palimbagan ng Lahi.<\/p>\n\n\n\n<p>Galtung, J. (1972). Empiricism, criticism, constructivism: Three approaches to scientific activity. <em>Synthese, 24<\/em>(3\/4), 343\u2013372. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1007\/bf00413652\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1007\/bf00413652<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Gastardo-Conaco, M. C. (2005). The development of a Filipino indigenous psychology. <em>Philippine Journal of Psychology, 38<\/em>(2), 1\u201317.<\/p>\n\n\n\n<p>*Gonzalez, A. B. (1982). Filipinization of the social sciences: A red herring? <em>PSSC Social Science Information, 10<\/em>(2), 9\u201313.<\/p>\n\n\n\n<p>Gottfredson, L. S. (1983). Creating and criticizing theory. <em>Journal of Vocational Behavior, 23<\/em>(2), 203\u2013212. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1016\/0001-8791(83)90033-7\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1016\/0001-8791(83)90033-7<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Haeffel, G. J. (2022). Psychology needs to get tired of winning. <em>Royal Society of Open Science, 9<\/em>(6), Lathalain 220099. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1098\/rsos.220099\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1098\/rsos.220099<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Hu, X., Rousseau, R., &amp; Chen, J. (2011). On the definition of forward and backward citation generations. <em>Journal of Informetrics, 5<\/em>(1), 27\u201336. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1016\/j.joi.2010.07.004\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1016\/j.joi.2010.07.004<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>*Javier, R. E. Jr. (1996). Sikolohiyang Pilipino: Papaloob o papalabas? <em>Layag, 1<\/em>, 51\u201356.<\/p>\n\n\n\n<p>Javier, R. E. Jr. (2012). <em>Pakikipagkapwa: Pilipino lapit sa pananaliksik. Pamumuno, pagsasakapangyarihan, pagkamamamayan, pananagutang panlipunan at pakikimayapa<\/em>. Central Book Supply.<\/p>\n\n\n\n<p>Jimenez, M. C. (1977). Ang kabuluhan ng sikolohiya: Isang pagsusuri. Sa A. G. Carlos &amp; A. R. Magno (Mga Pat.), <em>The social responsibilities of the social scientist as an intellectual<\/em> (mp. 68\u201377). Division of Social Sciences, University of the Philippines.<\/p>\n\n\n\n<p>Juanico, M. B. (2012). The long road to transdisciplinarity. Sa V. A. Miralao &amp; J. B. Agbisit (Mga Pat.), <em>Philippine social sciences: Capacities, directions, and challenges <\/em>(mp. 216\u2013234). Philippine Social Science Council.<\/p>\n\n\n\n<p>Krypotos, A.-M., Mertens, G., Klugkist, I., &amp; Engelhard, I. M. (2022). Preregistration: Definition, advantages, disadvantages, and how it can help against questionable research practices. Sa W. O&#8217;Donohue, A. Masuda, &amp; S. Lilienfeld (Mga Pat.), <em>Avoiding questionable research practices in applied psychology<\/em> (mp. 343\u2013357). Springer. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1007\/978-3-031-04968-2_15\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1007\/978-3-031-04968-2_15<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>*Lagmay, A. V. (1984). Western psychology in the Philippines: Impact and response. <em>International Journal of Psychology, 19<\/em>(1\u20134), 31\u201344. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1080\/00207598408247513\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1080\/00207598408247513<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Lilienfeld, S. O. (2010). Can psychology become a science? <em>Personality and Individual Differences, 49<\/em>(4), 281\u2013288. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1016\/j.paid.2010.01.024\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1016\/j.paid.2010.01.024<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Liu, J. H. (2011). On the limited foundations of Western skepticism towards indigenous psychological thinking: Pragmatics, politics, and philosophy of indigenous psychology. <em>Social Epistemology, 25<\/em>(2), 133\u2013140. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1080\/02691728.2011.552126\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1080\/02691728.2011.552126<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Margallo, S. P. (1990). The challenge of a scientific indigenous field research. Sa V. G. Enriquez (Pat.), <em>Indigenous psychology: A book of readings <\/em>(mp. 256\u2013265). Akademya ng Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>*Mendoza, S. L. L. (2007). Theoretical advances in the discourse of indigenization. Sa A. M. Navarro &amp; F. Lagbao-Bolante (Mga Pat.), <em>Mga babasahin sa agham panlipunang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, at Pantayong Pananaw <\/em>(mp. 241\u2013297). C &amp; E Publishing.<\/p>\n\n\n\n<p>Moghaddam, F. M. (2019). Echo chambers, inside and outside academia. <em>Peace and Conflict, 25<\/em>(3), 179\u2013181. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1037\/pac0000415\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1037\/pac0000415<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Myrdal, G. (1972). How scientific are the social sciences? <em>Journal of Social Issues, 28<\/em>(4), 151\u2013170. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1111\/j.1540-4560.1972.tb00052.x\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1111\/j.1540-4560.1972.tb00052.x<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Navarro, A. M. (2013). Ama ng sikolohiyang Pilipino: Buhay at kontribusyon ni Virgilio G. Enriquez (1942\u20131994). <em>Diwa, 1<\/em>, 241\u2013248.<\/p>\n\n\n\n<p>Nosek, B. A., Ebersole, C. R., DeHaven, A. C., &amp; Mellor, D. T. (2018). The preregistration revolution. <em>Proceedings of the National Academy of Sciences, 115<\/em>(11), 2600\u20132606. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1073\/pnas.1708274114\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1073\/pnas.1708274114<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>O\u2019Brien, B. C., Harris, I. B., Beckman, T. J., Reed, D. A., &amp; Cook, D. A. (2014). Standards for reporting qualitative research: A synthesis of recommendations. <em>Academic Medicine, 89<\/em>(9), 1245\u20131251. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1097\/acm.0000000000000388\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1097\/acm.0000000000000388<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Ochoa, D. P. (2024). <em>Service-learning tungo sa pagtuturo ng sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagbagong-isip <\/em>[Pagtatanghal sa kumperensiya]. Ika-48 pambansang kumperensya. Talaban at hugpungan: Ang gampanin ng SP sa pagtugon sa hating kultural, Zoom.<\/p>\n\n\n\n<p>Olmos-Vega, F. M., Stalmeijer, R. E., Varpio, L., &amp; Kahlke, R. (2023). A practical guide to reflexivity in qualitative research: AMEE Guide No. 149. <em>Medical Teacher, 45<\/em>(3), 241\u2013251. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1080\/0142159x.2022.2057287\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1080\/0142159x.2022.2057287<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Ong, M. G. (2011). Katawan, sarap, babae (hindi ito porn). Sa J. A. R. Cantiller &amp; J. A. Yacat (Mga Pat.), <em>Isip: Tomo 1. Gaan at gana sa buhay: Sikolohiya ng sarap, ligaya at ginhawa <\/em>(mp. 47\u201387). Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>*Ong, M. G. (2016). Ang kapakinabangan ng postestrukturalismo sa sikolohiyang Pilipino: Hamon at halimbawa mula sa pag-aaral ng mga migranteng Pilipina sa Aotearoa. <em>Diwa, 4, <\/em>1\u201319.<\/p>\n\n\n\n<p>*Ong, M. G., &amp; Braun, V. (2016). Erasing\/embracing the marks of aging: Alternative discourses around beauty among Filipina migrants. <em>Social Science Diliman, 12<\/em>(2), 1\u201329.<\/p>\n\n\n\n<p>Ong, M. G., &amp; Ochoa, D. P. (2022). P is for problem, publish, and psychology: Multilingual scholars and the challenges of publishing in English. <em>Observer, 35<\/em>(4). <a href=\"https:\/\/www.psychologicalscience.org\/observer\/gs-problem-publish-psychology\">https:\/\/www.psychologicalscience.org\/observer\/gs-problem-publish-psychology<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Page, M. J., McKenzie, J. E., Bossuyt, P. M., Boutron, I., Hoffmann, T. C., Mulrow, C. D., Shamseer, L., Tetzlaff, J. M., Akl, E. A., Brennan, S. E., Chou, R., Glanville, J., Grimshaw, J. M., Hr\u00f3bjartsson, A., Lalu, M. M., Li, T., Loder, E. W., Mayo-Wilson, E., McDonald, S., \u2026 Moher, D. (2021). The PRISMA 2020 statement: An updated guideline for reporting systematic reviews. <em>British Medical Journal, 372<\/em>(1), Lathalain 71. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1136\/bmj.n71\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1136\/bmj.n71<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Page, M. J., Moher, D., Bossuyt, P. M., Boutron, I., Hoffmann, T. C., Mulrow, C. D., Shamseer, L., Tetzlaff, J. M., Akl, E. A., Brennan, S. E., Chou, R., Glanville, J., Grimshaw, J. M., Hr\u00f3bjartsson, A., Lalu, M. M., Li, T., Loder, E. W., Mayo-Wilson, E., McDonald, S. \u2026 McKenzie, J. E. (2021). PRISMA 2020 explanation and elaboration: Updated guidance and exemplars for reporting systematic reviews. <em>British Medical Journal, 372<\/em>(1), Lathalain 160. <a href=\"http:\/\/dx.doi.org\/10.1136\/bmj.n160\">http:\/\/dx.doi.org\/10.1136\/bmj.n160<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Pe-Pua, R. E. (2020). <em>The academic and scholarly development of sikolohiyang Pilipino<\/em> [Pagtatanghal sa kumperensiya]. Sikolohiyang Pilipino meets Filipinx-American psychology: Conversations about our past, present, and shared future, Facebook Live.<\/p>\n\n\n\n<p>Pe-Pua, R. E., &amp; Protacio-Marcelino, E. (2018). Sikolohiyang Pilipino: Pamana ni Virgilio G. Enriquez. Sa R. E. Pe-Pua (Pat.), <em>Handbuk ng sikolohiyang Pilipino: Tomo 1. Perspektibo at metodolohiya <\/em>(mp. 158\u2013179). University of the Philippines Press.<\/p>\n\n\n\n<p>*Rood, S. (1990). Language choice and indigenous social sciences. Sa V. G. Enriquez (Pat.), <em>Indigenous psychology: A book of readings <\/em>(mp. 91\u2013108). Akademya ng Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>Salazar, Z. A. (1989). Ilang batayan para sa isang sikolohiyang Pilipino. Sa R. E. Pe-Pua (Pat.), <em>Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo, at gamit<\/em> (mp. 45\u201355). University of the Philippines Press.<\/p>\n\n\n\n<p>Salazar, Z. A. (Pat.). (2004). <em>Sikolohiyang panlipunan-at-kalinangan: Panimulang pagbabalangkas ng isang larangan.<\/em> Palimbagan ng Lahi.<\/p>\n\n\n\n<p>San Buenaventura, M. (1985). Ang kaganapan ng sikolohiyang Pilipino: Pagsasakatutubo, pagka-agham at pagkapilipino. Sa A. Aganon &amp; S. M. A. David (Mga Pat.), <em>New directions in indigenous psychology: Sikolohiyang Pilipino. Isyu, pananaw at kaalaman <\/em>(mp. 228\u2013254). National Bookstore.<\/p>\n\n\n\n<p>San Juan, D. M. M. (2021). Bakit dapat manaliksik sa Filipino ang mga Pilipino? Kritik sa Scopus-sentrismo ng mga unibersidad at ahensyang pang-edukasyon at\/o pampananaliksik sa Pilipinas. <em>Malay, 34<\/em>(1), 47\u201364.<\/p>\n\n\n\n<p>*San Juan, E. Jr. (2006). Towards a decolonizing indigenous psychology in the Philippines: Introducing sikolohiyang Pilipino. <em>Journal of Cultural Research, 10<\/em>(1), 47\u201367. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1080\/14797580500422018\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1080\/14797580500422018<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Sarkis-Onofre, R., Catal\u00e1-L\u00f3pez, F., Aromataris, E., &amp; Lockwood, C. (2021). How to properly use the PRISMA statement. <em>Systematic Reviews, 10<\/em>, Lathalain 117. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1186\/s13643-021-01671-z\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1186\/s13643-021-01671-z<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Sevilla, J. C. (1989). Indigenous research methods: Evaluating first returns. Sa R. E. Pe-Pua (Pat.), <em>Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo, at gamit <\/em>(mp. 221\u2013232). University of the Philippines Press.<\/p>\n\n\n\n<p>Sibayan, B. P. (1999). <em>The intellectualization of Filipino and other sociolinguistic and education essays<\/em>. The Linguistic Society of the Philippines at De La Salle University Press.<\/p>\n\n\n\n<p>*Sta. Maria, M. A. (1996). Is the indigenization crisis in Philippine social sciences resolved in sikolohiyang Pilipino? <em>Layag, 1<\/em>, 101\u2013120.<\/p>\n\n\n\n<p>*Sta. Maria, M. A. (1998). Ang dalawang krisis sa agham panlipunan: Implikasyon sa agham ng sikolohiya. <em>Layag, 3<\/em>, 122\u2013132.<\/p>\n\n\n\n<p>*Sta. Maria, M. A. (2000). Indigenous psychology, ethnopsychology, cross-cultural psychology and cultural psychology: Distinction implications for sikolohiyang Pilipino. <em>Asia-Pacific Social Science Review, 1<\/em>(1), 11\u201322.<\/p>\n\n\n\n<p>*Sta. Maria, M. A. (2003). Ang kaisipang Enriquez at Salazar sa sikolohiyang Pilipino: Ang tuligsa ng sikolohiya at etnolohiya sa pag-aaral ng kultura sa sikolohiya. <em>Malay, 17<\/em>(1-2), 69\u201389.<\/p>\n\n\n\n<p>Tiangco, J. A. N. Z. (2001). Deconstruction and psychology: Understanding the context of power, ambiguity, and impermanence of knowledge and its pedagogical implications. <em>Philippine Journal of Psychology, 34<\/em>(1), 1\u201334.<\/p>\n\n\n\n<p>*Tiangco, J. A. N. Z. (2005). Intellectual schisms in Philippine psychology are schisms of the self: Meditations from an East-West comparative standpoint. <em>Asian Journal of Social Science, 33<\/em>(2), 295\u2013318. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1163\/1568531054930802\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1163\/1568531054930802<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>*Torres, A. T. (1997). Methods, mind or meaning: Shifting paradigms in Philippine psychology. <em>Philippine Journal of Psychology, 30<\/em>(1), 17\u201338.<\/p>\n\n\n\n<p>Toulmin, S. (1982). The construal of reality: Criticism in modern and postmodern science. <em>Critical Inquiry, 9<\/em>(1), 93\u2013111. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.1086\/448190\">https:\/\/dx.doi.org\/10.1086\/448190<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Ujano-Batangan, M. T. (2013). Si Doc E, and SP, at ang pag-aaral ng sikolohiya. <em>Diwa, 1, <\/em>249\u2013251.<\/p>\n\n\n\n<p>van der Akker, O. R., van Assen, M. A. L. M., Bakker, M., Elsherif, M., Wong, T. K., Wicherts, J. M. (2024). Preregistration in practice: A comparison of preregistered and non\u2011preregistered studies in psychology. <em>Behavior Research Methods, 56<\/em>(1), 5424\u20135433. <a href=\"https:\/\/dx.doi.org\/10.3758\/s13428-023-02277-0\">https:\/\/dx.doi.org\/10.3758\/s13428-023-02277-0<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>*Villacorta, W V. (1983). Ang indihenisasyon ng agham panlipunan: Ilang mga isyu. <em>Malay, 3<\/em>(1), 13\u201322.<\/p>\n\n\n\n<p>Yacat, J. A. (1997). The place of sikolohiyang Pilipino in a generalist psychology. <em>Sikolohiya<\/em>, <em>1<\/em>, 66\u201370.<\/p>\n\n\n\n<p>Yacat, J. A. (2013). Tungo sa isang mas mapagbuong sikolohiya: Hamon sa makabagong sikolohiyang Pilipino. <em>Daluyan, 19<\/em>(2), 5\u201332.<\/p>\n\n\n\n<p>Yacat, J. A., Galano, C. P., Manguiat, G. C., Maturan, P. L. G., Pagulayan, M. C. C., &amp; Perez, M. R. C. (2022). <em>Ang paggamit ng mga katutubong metodo ng pananaliksik sa mga sikolohikal na lathalain: Isang scoping review<\/em> [Pagtatanghal sa kumperensiya]. Ika-46 pambansang kumperensya: SP bilang mapagpabagong-isip, Zoom.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>Pasasalamat<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Hindi ipagkakait ng may-akda ang pasasalamat dahil hindi ito sapat upang kilalanin ang mga t\u00e1ong nakatulong upang magkatotoo ang pag-aaral na ito. Una sa lahat, maraming salamat kina Tagapagtasa 1 at 2 at kanilang mga pabatid sa pag-aaral. Lubos din ang aking pasasalamat sa mga patnugot ng DIWA E-Journal, Tomo 9 at kay G. Kenneth Carlo Rives. Maraming salamat kina G. Allen Legaspi at G. JP Padapat Jr. na mga tagapangasiwa ng Laboratoryo ng Pananaliksik sa Sikolohiya (LaPiS) ng Pamantasang De La Salle. Sila ang pumayag sa may-akda na gamitin ang LaPiS at aklatan nito. Maraming salamat kay Mx. Jaime Vicente Alonzo sa kaniyang paunang pabatid at mungkahi bago isalang at matapos isalang ang unang burador ng pag-aaral na ito. Taos-puso rin ang aking pasasalamat kay Dr. Darren Dum\u00e1op, ang aking guro sa Sikolohiyang Pilipino (PSYPILI), na siyang nagturo ng larangan sa akin at naging aking patnubay paano itatanghal ang pag-aaral sa Ika-49 na Pambansang Kumperensya sa SP. Hindi ko rin malilimutan ang mga tumulong sa akin na mula sa UPD: Bb. Gabrielle Therese Banogon, G. Flor James Cristobal, Bb. Kalista Rae Cruz, at G. Hiro Martin. Salamat din kay Bb. Mira Angelia Lunar sa mga dagdag kagamitan na nakatulong sa pagsasapinal ng papel na ito.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>Post-scriptum<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Hiniwalay ang mga pangunahing karugtong ng pag-aaral na ito. Binukod ang mga sinangguni para sa mga karugtong ng pag-aaral na ito. Makatutulong sa mambabasa na buklatin po ito upang lalong maunawaan ang mga detalyado at dagdag na impormasiyon ukol sa pag-aaral. Ang iba pang karugtong ay may kaniyang sariling dokumento na mas magandang buksan sa labas ng saliksik na ito: (a) Dokumentong PRISMA sa Buod at Laman ng Papel, (b) Kinasapitan para sa Pagtitiyak ng mga Pag-aaral sa Internet, (c) Kopya ng Lisensyang GNU, (d) Kopya ng Pagtatangal noong Ika-49 na Pambansang Kumperensya sa SP, at (e) Salin ng Pag-aaral sa Ingles. Mangyaring hanapin ang mga karugtong sa bago-satal\u00e2 ng pag-aaral. Bagaman mas mabuti at nais na kumpleto ang lahat ng karugtong ng pag-aaral na ito, ipinagbabawal isama sa bago-satal\u00e2 ang mga ito dahil sa mga tuntunin ukol sa karapatang-ari. Maaaring dumulog sa may-akda gamit ang kaniyang sulatroniko na mahahanap sa pangunahing sipi ng pag-aaral ukol sa mga sumusunod: (f) Iilang Kopya ng mga Talaan ng mga Nilalaman na Sinama sa Pagtitiyak ng mga Pag-aaral sa Labas ng Internet, (g) Lawas ng mga Salitang Ginamit na Nakahanay sa Noceda y Sanlucar, Panganiban, at Almario, at (h) Buong Kopya ng mga Pag-aaral na Naisama sa M\u00e1ayusing Pagtatasa.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><br><\/strong><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Reinier M. NavarroPamantasang De La Salle Abstrak Bago ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sa agham panlipunan. Dahil kinilala ang mga kahinaang siyang binatikos ng mga dalubhasa sa loob at labas ng Pilipinas, nagaganap ang pagtalakay sa kahalagahan ng ambag ng SP &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-9-nobyembre-2024-mga-batikos-para-sa-isang-maagham-na-sikolohiyang-pilipino-isang-maayusing-pagtatasa\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 9, Nobyembre 2024] Mga Batikos para sa Isang Maagham na Sikolohiyang Pilipino: Isang M\u00e1ayusing Pagtatasa<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[15],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1660"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1660"}],"version-history":[{"count":31,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1660\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":1736,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1660\/revisions\/1736"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1660"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=1660"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=1660"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}