{"id":163,"date":"2013-11-03T07:36:05","date_gmt":"2013-11-03T07:36:05","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=163"},"modified":"2014-09-04T04:41:06","modified_gmt":"2014-09-04T04:41:06","slug":"diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-mga-babasahin-sa-sikolinggwistikang-filipino-2011-nina-lilia-f-antonio-anatalia-g-ramos-at-aura-albano-abiera","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-mga-babasahin-sa-sikolinggwistikang-filipino-2011-nina-lilia-f-antonio-anatalia-g-ramos-at-aura-albano-abiera\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Filipino (2011) nina Lilia F. Antonio, Anatalia G. Ramos, at Aura Albano-Abiera"},"content":{"rendered":"<p><strong>ANG PAG-ANGKLA NG SIKOLINGGWISTIKANG FILIPINO SA KULTURA<\/strong><\/p>\n<p><strong>Ma. Althea T. Enriquez, Ph.D.<\/strong><br \/>\nDepartamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p>Dalawampung artikulo ang bumubuo sa aklat na <em>Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Filipino.<\/em>\u00a0 Nagmula sa iba\u2019t ibang larangan ang mga manunulat ng mga napiling babasahin na tumatalakay sa mga paksang may kinalaman sa sikolohiya, wika, kultura, at pagsusuring pampanitikan.\u00a0 Walang tuwirang paghahating ginawa sa katipunan ng mga babasahin bagama\u2019t mababanaag ang paglalagay ng mga impluwensiyal na iskolar sa kani-kanilang larangan sa iba\u2019t ibang bahagi ng listahan.\u00a0 Maaaring hatiin ang mga artikulo sa tatlong kategorya batay sa pangunahing tuon ng pagtalakay.<\/p>\n<p>Matamang inuna sa aklat ang artikulong \u201cSikolinggwistikang Pilipino: Pananaw at Tunguhin\u201dni Virgilio Enriquez na tumalunton sa pagsisimula ng larangan at mga naging pag-aaral nito sa Pilipinas.\u00a0 Binigyang-pansin ni Enriquez ang pagpapaunlad ng mga katutubong konsepto na maaaring gamitin ng larangan at ang paghimok na gumawa ng mga pag-aaral na hindi kinakailangang sumunod sa mga Kanluraning konsepto at pamantayan kung ano ang mga maaaring pag-aaralan sa sikolinggwistika.\u00a0 Nagsisilbi itong gabay sa aasahang paksain at tunguhin ng kalipunan ng mga babasahin na isinali sa libro.<\/p>\n<p>Ang unang kategorya ng katipunan ng mga babasahin ay nagtangkang iugnay ang sikolohiya at wika, kadalasan sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilang katutubong salita o katangiang istruktural ng wika at bumubuo ng mga konklusyon tungkol sa pag-iisip at kamalayan ng mga Pilipino bunga nito.\u00a0 Sa \u201cWika at Diwa: Isang Pansikolinggwistikang Analisis sa Konsepto ng \u2018Hiya\u2019\u201d ni Zeus Salazar, sinuri ang iba\u2019t ibang panlaping ikinakabit sa salitang-ugat na \u201chiya\u201d at nakabuo ng isang modelong pansikolinggwistika na umaambag sa pagkaunawa ng konseptong ito sa lipunang Pilipino.\u00a0 Nalalaman ni Salazar na kinakailangan ang mas malalim na pagtingin at pag-uugnay sa iba pang konseptong ito upang mas makabuo ng masaklaw at buong larawan ng kamalayang Pilipino.\u00a0 Sa ganang ito, nag-iwan siya ng mga suhestyon at rekomendasyong gamitin at subukin ang kaangkupan ng modelo sa pamamagitan ng paggamit nito sa iba pang katutubong konsepto.<\/p>\n<p>Sinubukan namang ipaliwanag ni Silvino Epistola sa kanyang \u201cWika at Kamalayan\u201d ang pagsasawika ng mga bagay-bagay na nararanasan ng ating kamalayan.\u00a0 Kumbaga, sinasabi niyang ang paggamit ng isang partikular na wika ay nagdudulot ng ibang kamalayan o pagsilip sa kamalayan ng wikang sinasalita.\u00a0 Sinasabi ring nakatali ang pagbibigay ng tawag sa isang bagay sa kulturang ginagalawan.\u00a0 Makikita ito sa sistema ng \u201cetiketang\u201d ibinibigay ng mga tao na nakabatay sa kanilang kultura at kung gayon ay nag-iiba ito sa bawat kultura.<\/p>\n<p>Ang susunod na apat na artikulo ay makikita sa kalagitnaan at ang isa ay nasa bandang huli ng aklat bagama\u2019t maituturing na kabahagi ng kategoryang ito na sinubukang tingnan ang istruktura o ilang katangian ng wika at nakabuo ng mga konklusyon at pagpapahiwatig mula rito.\u00a0 Magkasunod ang ginawang pag-aaral na \u201cAng Pananaw sa Buhay at <em>Weltanschauung<\/em> na Mahihiwatigan sa Sikolohiya ng Wikang Tagalog\u201d nina Enriquez at Amelia Alfonso na sinundan ni Amelia Alfonso-Tynan sa kanyang \u201cAng Pananaw sa Buhay at Sariling Wika.\u201d\u00a0 Inilista at sinuri nina Enriquez at Alfonso ang mga naunang pag-aaral na ginawa sa Sikolohiyang Pilipino na tumalakay rin sa wikang Tagalog.\u00a0 Naging karaniwang puna ang paggamit ng Kanluraning lapit sa pag-aaral ng mga awtor.\u00a0 Nagbigay sila ng panguna at sariling pagsusuri sa pag-aaral na mahihiwatigan sa tinatawag na <em>Weltanschauung<\/em> o pananaw sa mundo ng mga Tagalog batay sa mga pinakamayamang bokabularyo na mayroon ang wika tungkol sa isang konsepto (o set nito) at pinakakaunti.\u00a0 Nakabuo ng ilang haka batay rito: 1) mahalaga ang tunguhan ng tao sa isa\u2019t isa, 2) mahalaga ang damdamin at kapakanan ng iba, at 3) para sa lahat ang tagumpay at hindi pansarili lamang.\u00a0 Sinundan ang kaisipang ito, ang sariling wika ay may kinalaman sa pag-iisip at pananaw sa buhay, ni Alfonso-Tynan na siyang pinakaesensya ng kanyang artikulo.\u00a0 Tinalakay rito kung bakit wala masyadong pananaliksik sa sikolinggwistika sa panig ng mga linggwist at dahil raw ito sa modelo ni Noam Chomsky na maimpluwensiya sa larangan ng linggwistiks sa bansa na nagsasabing pantay-pantay ang lahat ng wika.\u00a0 Nagpakita ang awtor ng mga halimbawang kumakalaban dito tulad ng pagmarka ng kasarian sa mga wika at ang pangkalahatang tono ng pananalita kung titingnan ang lapit ng iba\u2019t ibang kultura sa paggamit ng mga pangkomunikasyong midyum sa internet.\u00a0 Pinag-aralan din ang bilinggwalismo bilang isang paksang maaaring saliksikin sa sikolinggwistika at naipakita na malaki ang kaibahan ng pag-iisip na nag-umpisa sa isang wika kaysa sa kung ito\u2019y isasalin lamang.<\/p>\n<p>Ang dalawang artikulo rito ay may halos magkaparehong tema: \u201cAng Pananaw sa Mundo ng mga Ilukano Mula sa Kanilang Wika\u201d ni Ernesto Constantino at \u201cAng Pananaw sa Daigdig ng Cebuano\u201d ni Leonardo Mercado.\u00a0 Tinalakay ni Constantino ang pagiging produktibo ng aspetong panghinaharap sa wikang Ilukano.\u00a0 Maaari raw itong maiugnay sa kultura ng mga Iluko na nagbibigay-halaga sa hinaharap.\u00a0 Ikinumpara rin niya ito sa Tagalog na kung saan mas maraming gamit ang progresibo at maaaring mahinuhang magkaiba ang kultura ng dalawa batay na rin sa gamit ng kanilang wika.\u00a0 Sa kabilang banda, isang pagpapatuloy ng naunang pag-aaral ni Mercado ang artikulong isinama sa aklat at ngayon nama\u2019y tumutuon sa tatlong aspeto ng wika at ang mahihiwatigan dito tungkol sa pananaw ng mga Cebuano tungkol sa sarili at sa mundo.\u00a0 Ang tatlong paksang pinagtuunan niya ng pansin ay tungkol sa mga salitang may kinalaman sa pandama, konsepto ng \u201cmabuti,\u201d at mga numero na binigyang-halimbawa rin niya ng mga paradaym na nagpapakita sa pagtrato sa numero higit pa sa matematikal na katangian nito.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ang \u201cMga Singit-Pangungusap Kaugnay ng Wika, Emosyon, Sitwasyon, at Tao Ayon sa Ilang Taga-UP Diliman (Isang Panimulang Pag-aaral)\u201d ni Reginald Hao ay tungkol sa mga tinatawag na singit-pangungusap na kadalasang nagagamit sa mga sitwasyong balisa o may agam-agam ang mananalita.\u00a0 Ikinategorya ang mga nakalap na singit-pangungusap at nailista ang mga iyon ayon sa mga salik na wikang ginamit, sitwasyon, at kung sino ang nagsasabi ng ganoon.\u00a0 Naipakita na gumagamit ang mga Pilipino ng mga singit-pangungusap hindi lang dahil sa matinding emosyon kundi dahil na rin sa likas na di-tuwirang magpahayag o magsalita ang isang Pilipino upang hindi siya makasakit ng damdamin ng iba.<\/p>\n<p>Isang pagsusuring pampanitikan ang kumukumpleto sa unang kategorya ng mga babasahin.\u00a0 Sa \u201cEstruktura ng Trawmatikong Kamalayan sa \u2018Adobo\u2019 ni Faye Cura: Pagsusuring Sikolinggwistika sa Isang Modernistang Tula\u201d ni Romulo Baquiran Jr., sinubukang langkapan ng gramatikal na analisis ang mga pangungusap ng bawat linya ng tula.\u00a0 Kapaki-pakinabang ang pagsusuri sa mga mag-aaral ng panitikan dahil ang paggamit ng sintaktik na pagsusuri ay di kadalasang ginagamit sa mga tula na talaga namang nagpapakita ng mga pangungusap na nasa di-karaniwang ayos.<\/p>\n<p>Ang ikalawang kategorya ng mga babasahin ay mas tumutuon sa mga pag-aaral na may kinalaman sa ugnayan ng kultura at wika ngunit mas mababanaag ang paglutang ng makakultural na lapit sa mga pagsusuring ginawa.\u00a0 Gaya ng naunang paghahati, makikita ang pagsisimula nito sa \u201cKultura ng Wika\u201d ni Prospero Covar.\u00a0 Isinaad ni Covar ang pagkakaugnay ng kultura at wika bagama\u2019t ang pangkalahatang presentasyon ay nakahati sa paglalarawan ng mga bahagi ng pananalita at pagbabalanghay (<em>domain<\/em>) na binigyang-halimbawa sa paggamit ng \u201cbahay.\u201d<\/p>\n<p>Isinalaysay ni Mary Jane Rodriguez-Tatel sa\u201cAng Pilipino Bilang \u2018Tribu,\u2019 \u2018Pagano,\u2019 at \u2018Nativo\u2019: Hermeneutika ng Pananakop sa Usapin ng Etnisidad at Kabansaan\u201d ang paggamit ng mga salitang \u201ctribu,\u201d \u201cpagano,\u201d \u201cnativo,\u201d at iba pang kagaya nito upang ipangibabaw ang kaisipang pagiging di-sibilisado ng mga di-binyagang Pilipino noong panahon ng mga Amerikano.\u00a0 Ang mga katawagang ito ay nagkaroon ng ganitong konotasyon sa tulong ng pagpapalaganap ng mga kolonisador at nagbunga rin ng <em>self-actualization<\/em> sa mga Pilipino, <em>i.e.<\/em> naniwala sila sa ganitong pagtatangi at naimpluwensiyahan kung paano sila nag-iisip tungkol sa sarili nila kung sila ay kasama sa grupong \u201cminorya\u201d at kung paano nila ituturing ang kanilang kapwa kung hindi sila magkasama sa isang grupo.\u00a0 Sa huli, may suhestyon si Rodriguez-Tatel na kilalanin ang kapangyarihan ng wika sa pagtatakda sa kaisipan ng tao at kung gayon ay maiaayos ang mga nagawang pagkakamali noon.<\/p>\n<p>May halos na katulad na tema sa\u201cAng Ebolusyon ng Salitang \u2018Orag\u2019 mula Sinaunang Panahon hanggang sa Kolonyalistang Pagsasalin sa Kasaysayan sa Kabikolan\u201d ni Victor Dennis Nierva.\u00a0 Inilahad at sinuri ng awtor ang kasaysayan ng salitang \u2018orag\u2019 mula sa magandang konotasyon nito at ugnayan sa maharlikang grupo ng mga sinaunang pamayanan tungo sa masamang konotasyon nito dahil sa mga gawain ng mga kolonisador na Espa\u00f1ol.\u00a0 Ipinakita rin niya ang muling panunumbalik ng \u2018orag\u2019 sa orihinal nitong ibig sabihin sa modernong panahon dala ng mga post-kolonyal na pag-iisip at impluwensiya.<\/p>\n<p>Sinimulan ni Jayson Petras ang kanyang \u201cAng Tagalog-Marikina sa Wikang Filipino: Isang Panimulang Talakay\u201d sa pamamagitan ng pagpapakita ng ilang katangian ng wika at kulturang Pilipino at ang ugnayan nila sa isa\u2019t isa.\u00a0 Ito ang ginamit na pagsipat sa pagpapakita ng kulturang Marikenyo batay sa bokabularyo ng mga tagaroon.\u00a0 Naging maikli lang ang pagtalakay rito at hindi gaanong napalawak at nasuri ang pagsasalamin ng bokabularyong inilista sa kultura ng bayan bagama\u2019t gaya ng sinabi, isa itong panimulang pagtalakay at mayaman ang nailista at naikategoryang bokabularyo mula sa iba\u2019t ibang domeyn ng pamumuhay at lipunan.<\/p>\n<p>Naging mas tiyak ang pagtalakay ni Covar sa ugnayang kultura at wika sa kanyang \u201cKaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.\u201d\u00a0 Tinalakay at ginamit niya rito ang kaalamang bayan upang ipaliwanag ang pagkataong Pilipino.\u00a0 Pinakasentro sa analisis ang paggamit ng mga konseptong \u201cloob,\u201d \u201clabas,\u201d at \u201clalim\u201d na ipinakitang iba ang pagdukal sa pagkataong Pilipino batay sa mga katutubong konseptong ito.<\/p>\n<p>Kasunod naman ng akda ni Covar ang \u201cAng Kamalayan at Kaluluwa: Isang Paglilinaw ng Ilang Konsepto sa Kinagisnang Sikolohiya\u201d ni Salazar.\u00a0 Tinalakay rito ang magkatuwang na mga konseptong umaayon sa pagsipat na \u201cloob\u201d at \u201clabas\u201d ng mga bagay-bagay at pinakabatayan ang konsepto ng \u201ckaluluwa\u201d at \u201cginhawa\u201d na magkaugnay sa sinaunang kulturang Pilipino bago naiugnay ang kaluluwa sa maka-Kristyanong pananaw.\u00a0 Sa ganitong mga pagsusuri maaaring bumatay ng mga pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>Masasabing ikatlong kategorya ang mga babasahing tumatalakay sa istruktura o gramar ng wika na pinasimulan ng dalawang artikulong nagbuod at sumuri sa mga naisulat tungkol sa gramatika at linggwistikang Pilipino.\u00a0 Sa\u201cAng mga Gramatikang Tagalog\/Pilipino na Isinulat ng mga Pilipino\u201d ni Lydia Fer. Gonzales-Garcia, tinalunton niya ang mga naging pag-aaral sa gramatika ng Tagalog\/Pilipino sa konteksto ng pagkakaroon ng pambansang wika.\u00a0 Nagbigay siya ng kaligiran sa panahon at pangyayari nang maisulat ang mga akdang ito, sino at ano ang nakaimpluwensiya sa mga sumulat nito, at ang naging lapit ng kanilang pag-aaral.\u00a0 Nais patunayan na nagkaroon ng masasabing gramatikang Filipino at pananaw na maka-Pilipino sa pagsusuri ng gramatika ng Tagalog\/Pilipino.<\/p>\n<p>Sa kabilang banda, tinutukan naman ni Nelly Cubar ang mga pag-aaral sa Tagalog\/Pilipino\/Filipino na sinulat ng mga Pilipino sa \u201cAng Linggwistikang Filipinong Nasulat sa Tagalog\/Pilipino\/Filipino.\u201d\u00a0 Ipinakita batay sa yaman ng mga nasulat na tunay ngang may disiplinang Filipino sa lawak at sakop ng mga erya tungkol sa pag-aaral nito di lamang sa istruktura nito kundi pati na rin sa pag-aaral sa pagsasalin, diksyunaryo, pagtuturo, at intelektwalisasyon.\u00a0 May kritisismong ibinigay tungkol sa pag-aaral ng istruktura at iyon ay ang pagbatay nang malaki sa mga Kanluraning konsepto.\u00a0 Hinihimok na makatuklas ng bagong ideya o bagay na makakatulong sa pagrebisa ng mga dating ginagamit na teorya na siyang magiging ambag na malaki sa linggwistikang Filipino.<\/p>\n<p>Ang \u201cMga Pag-aaral sa Barayti ng Wika\u201d ni Rosario Alonzo ay naglalahad at nagkakategorya ng mga pag-aaral na nagpapakita ng barayti ng wika na sumasaklaw hindi lamang sa lugar kundi pati rin sa panahon, katayuang panlipunan, gawain, propesyon, at iba pa.\u00a0 Ipinapakita nitong may barayti ang wikang pambansa na nagpapatunay ng kakayahan nitong magamit sa iba\u2019t ibang antas at uri ng komunikasyon.\u00a0 Samantalang isang tiyak na barayti ang inilarawan ni Teresita Semorlan sa \u201cChavacano Filipino: Varayti ng Filipino sa Siyudad ng Zamboanga.\u201d\u00a0 Inilarawan dito ang Filipino ng mga Chavacano at kung paano nito naiimpluwensiyahan ang paggamit nila ng Filipino.\u00a0 Ipinakita ang katangian ng barayting ito sa lahat ng lebel ng gramar, pati na rin sa bokabularyo at ispeling.\u00a0 Pinatutunayan nito na hindi lamang Tagalog ang nakakaimpluwensiya ng pag-unlad ng Filipino.\u00a0 Ganito rin ang naging tema sa \u201cVarayti at Varyasyon ng Wikang Filipino sa Cebu at iba pang lugar sa Mindanao\u201d ni Angelina Santos na kung saan ipinaliwanag kung ano ang varayti at varyasyon ng wika at ipinakita ang kaso ng paggamit ng mga Cebuano ng wikang Filipino.<\/p>\n<p>Isang malaking bentahe ng libro ang pagsisimula sa pamamagitan ng pagtatampok sa artikulo ni Enriquez na siya namang muhon at Ama ng Sikolohiyang Pilipino sa bansa.\u00a0 Naisama rin ang mga impluwensiyal na iskolar sa kani-kanilang larangan na sina Salazar, Covar, at Constantino.\u00a0 Gaya ng nabanggit sa simula, walang tuwirang paghahati sa mga artikulong isinama sa libro, di tulad ng ginawang paghahati sa isang naunang inilimbag na katipunan din ng mga babasahin para sa <em>Sikolohiya ng Wikang Filipino<\/em> (Antonio at Tiamson-Rubin 2003).\u00a0 Ang mga nagawa ng mga tanyag na iskolar na ito ang nagsisilbing tanda at modelo di lamang sa pinanggagalingang perspektiba kundi pati rin sa maaaring maging tunguhin ng mga pananalisik sa sikolinggwistika.<\/p>\n<p>Pinakamalaki ang bulto ng mga artikulo na tumatalakay sa ugnayan ng kultura, lipunan, at wika.\u00a0 Kahit ang mga artikulo nina Constantino at Mercado na tuwirang tiningnan ang ilang katangian ng istruktura ng wika ay mas naiugnay ito sa pananaw ng grupo sa kanilang kultura, isang penomenon na maaaring ugatin sa mga teorya sa sosyolinggwistika, partikular ang <em>Whorfian hypothesis<\/em>.\u00a0 Bagama\u2019t hindi naman maitatanggi na konektado talaga sa kultura ang sikolohiya ng mga Pilipino, ang kaisipang may matinding ugnayan ang indibidwal na <em>psyche <\/em>at ang kultura ay umiiral at inaaral sa larangan ng sikolohiyang pangkultura (<em>cultural psychology<\/em>) na tumitingin din sa pagtanggi sa ugnayang ito dahil sa indibidwalistikong pagsipat na kadalasang nakikita sa mga pag-aaral sa Hilagang Amerika (Markus at Hamedani 2010).\u00a0 Lumalabas kung gayon na parang aksidental at nasa gilid lang sa karamihan ng mga isinamang pag-aaral ang mga implikasyon at ambag sa sikolinggwistika mismo.<\/p>\n<p>Masasabing ang ilan sa mga paksang tinatalakay sa mga babasahing ito ay mas nasa erya ng sikolohiyang pangkultura, etnosikolohiyao kaya nama\u2019y sa sosyolinggwistika kaysa sa sikolinggwistika mismo.\u00a0 Ipinapaliwanag ang mga naunang pag-aaral sa sikolinggwistika gamit ang mga tuntuning itinakda at sabay sa mga pag-unlad sa linggwistiks (Fodor <em>et al<\/em>. 1974).\u00a0 Bagama\u2019t may mga naisamang pag-aaral mula sa panig ng gramar at linggwistiks, ang pagtalakay ay kapansin-pansing mas nakatuon sa paglalarawan ng gramar at barayti ng wika mismo imbes na tumalon sa pag-unawa kung paano nauunawaan at nagagamit ng mananalita ang kanyang wika, ito ang mga batayang paksain at tinatalakay sa sikolinggwistika (Caroll 1994).\u00a0 Maaaring ikumpara ang mga nakalap na babasahin sa kalipunan na tinipon nina Leon Jakobovits at Murray Miron (1967).\u00a0 Ang mga paksain gaya ng bilinggwalismo, pagkatuto ng wika, mga problemang dulot ng depekto sa bahagi ng utak na may kinalaman sa wika, at iba pang paksa na masasabing mas pundamental sa ugnayan ng sikolohiya at wika ay wala.\u00a0 Nabanggit ni Enriquez ang ilang pag-aaral na nagawa ng kanilang departamento tungkol sa sikolinggwistika ngunit hindi naisama ang isa man sa katipunan ng aklat.<\/p>\n<p>Totoong kailangang susugan ang sinabi ni Enriquez at ang mga gawa ng iba pang iskolar na dapat gumawa at lumikha ng mga pagsipat at pamamaraan na nag-uugat sa mga katutubong konsepto at hindi dapat ilapat kung ano ang natutunan sa mga Kanluraning pag-aaral.\u00a0 Ganito ang naging pagkiling sa karamihan ng mga tinipong pag-aaral nina Lilia Antonio at Ligaya Tiamson-Rubin (2003) na tumatalakay sa ugnayan ng kultura at wika gamit ang mga pamamaraan sa Sikolohiyang Pilpino o mga katutubong konsepto.\u00a0 Ngunit ang paniniwalang kinakailangang makabuo ng sariling pamamaraan at pagtatasa sa proseso ng pag-iisip at kamalayang nakaangkla sa mga katutubong konsepto at kulturang ginagalawan ay hindi na bago at hindi malayo sa mga panuntunan halimbawa ng sikolohiyang pangkultura.<\/p>\n<p>Makikita ang mga paksang gaya nito sa katipunan ng mga artikulo na pinamatnugutan nina Uichol Kim <em>et al.<\/em> (2006).\u00a0 Halimbawa nito ang pag-aaral nina Susumu Yamaguchi at Yakari Ariizumi (2006) sa <em>amae <\/em>(\u201cang pagtanggap sa di-akmang gawi o pakiusap\u201d) na bagama\u2019t katutubong salita sa Nihongo, ang sikolohikal na konsepto sa likod nito ay makikita rin sa ibang kultura.\u00a0 Kung gayon, ipinapakitang hindi nangangahulugang ang mga katutubong konsepto ay halimbawa na ng katutubong sikolohiya.<\/p>\n<p>Maaaring suriin ang sikolinggwistika mula sa iba\u2019t ibang perspektiba, gaya ng paggamit ng katutubong konsepto sa pagsipat, ngunit hindi lang dapat paglalarawan gamit ang mga konseptong ito ang maging hantungan ng pag-aaral.\u00a0 Kinakailangang maiugnay at makaambag din ito sa pangkalahatang kaalaman ng larangan ng sikolinggwistika bilang isa sa mga larangan ng Agham Panlipunan.\u00a0 Gaya na lamang ng modelong dinebelop ni Salazar mula sa kanyang paghihimay sa konsepto ng \u201chiya,\u201d naipakita na produktibo ang modelo at makikitang maaaring gamitin ito para sa iba pang katutubong konsepto gaya ng \u201cawa\u201d at \u201clungkot.\u201d\u00a0 Mas mainam at kapaki-pakinabang ang modelo sa larangan ng sikolinggwistika kung magagamit din ito sa pagsusuri ng ibang di-katutubong konsepto.\u00a0 Ganito rin sana ang pangako ng pagbabalanghay at pagtatalatag na ginawa ni Covar ngunit hindi naging malinaw kung paano nagkakaroon ng paglalangkapan ang pagtalakay sa pormal na istruktura ng wika at ang pagtalakay sa balanghay ng mga salita sa wika, at ang mahihiwatigan kung gayon mula rito tungkol sa sikolinggwistikang Filipino.\u00a0 Hindi maitatangging napakalaki ng magiging ambag nito sa mga pamamaraang magagamit sa larangan.<\/p>\n<p>Sa pangkalahatan, mahusay at de-kalidad ang mga artikulo sa libro at walang kritisismong masasabi sa kalikasan ng naging pag-aaral nila.\u00a0 Ngunit kitang-kita na ang ilan sa mga pag-aaral ay hayag na mas tumatalakay sa larangang pinanggalingan ng awtor gaya na lamang ng mga ginawang buod na pag-aaral nina Gonzales-Garcia at Cubar kaysa sa ambag nito sa larangan ng sikolinggwistika.\u00a0 Ang problema at pag-aalinlangan ay nasa kaangkupan ng karamihan sa mga babasahin na mapasama sa isang libro na may layuning tipunin ang mga pag-aaral na kakatawan sa mga paksa at tunguhin ng pananaliksik sa sikolinggwistikang Filipino.\u00a0 Kung babasahin lang bilang pag-aaral ang ilan sa mga artikulo na hindi iniuugnay sa sikolinggwistika, makikita ang kahusayan nito at ambag sa pinanggagalingan larangan.\u00a0 Masasabi kung gayon na ang pinakakalakasan ng libro ay siya ring kahinaan nito kung kahinaan nga itong matatawag dahil kung hindi naging ganoong kalinaw ang mga paksain ng pananaliksik sa sikolinggwistikang Filipino, makikita naman ang yaman at kasaklawan ng matutunan tungkol sa mga pag-aaral sa Pilipinas.<\/p>\n<p><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Antonio, L. at L. Tiamson-Rubin (mga pat.) (2003).\u00a0 <em>Sikolohiya ng wikang Filipino.\u00a0 <\/em>Quezon City: C&amp;E Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Fodor, J., T. Bever, at M. Garrett (1974).\u00a0 <em>The psychology of language: An introduction to psycholinguistics and generative grammar.\u00a0 <\/em>New York: McGraw-Hill.<\/p>\n<p>Caroll, D.W. (1994).\u00a0 <em>Psychology of language.\u00a0 <\/em>Pacific Grove: Brooks\/Cole Publishing.<\/p>\n<p>Jakobovits, L.A. at M.S. Miron (mga pat.) (1967).\u00a0 <em>Readings in the psychology of language.\u00a0 <\/em>Englewood Cliffs, NJ: Prentice-Hall.<\/p>\n<p>Kim, U., K.S. Yang, at K.K. Hwang (mga pat.) (2006).\u00a0 <em>Indigenous and cultural psychology: Understanding people in context.\u00a0 <\/em>New York: Springer.<\/p>\n<p>Markus, H.R. at M. Hamedani (2010).\u00a0 Sociocultural psychology: The dynamic interdependence among self systems and social sSystems.\u00a0 Nasa Kitayama, S. at D. Cohen (mga pat.), <em>The handbook of cultural psychology.\u00a0 <\/em>New York: Guilford Press.<\/p>\n<p><em>Yamaguchi, S. at Y. Ariizumi (2006).\u00a0 <\/em>Close interpersonal relationships among Japanese: <em>Amae<\/em> as distinguished from attachment and dependence.\u00a0 Nasa U. Kim, K.S. Yang, at K.K. Hwang (mga pat.), <em>Indigenous and cultural psychology: Understanding people in context.\u00a0 <\/em>New York: Springer, 16.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>ANG PAG-ANGKLA NG SIKOLINGGWISTIKANG FILIPINO SA KULTURA Ma. Althea T. Enriquez, Ph.D. Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Dalawampung artikulo ang bumubuo sa aklat na Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Filipino.\u00a0 Nagmula &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-mga-babasahin-sa-sikolinggwistikang-filipino-2011-nina-lilia-f-antonio-anatalia-g-ramos-at-aura-albano-abiera\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Filipino (2011) nina Lilia F. Antonio, Anatalia G. Ramos, at Aura Albano-Abiera<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[6],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/163"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=163"}],"version-history":[{"count":3,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/163\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":294,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/163\/revisions\/294"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=163"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=163"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=163"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}