{"id":149,"date":"2013-11-03T07:13:04","date_gmt":"2013-11-03T07:13:04","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=149"},"modified":"2014-09-04T04:38:56","modified_gmt":"2014-09-04T04:38:56","slug":"diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-pamumuno-sa-pilipinong-pagtingin-ang-pagkalider-batay-sa-pagtataglay-ng-mga-katangian","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-pamumuno-sa-pilipinong-pagtingin-ang-pagkalider-batay-sa-pagtataglay-ng-mga-katangian\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Pamumuno sa Pilipinong Pagtingin: Ang Pagkalider Batay sa Pagtataglay ng mga Katangian"},"content":{"rendered":"<p><strong>Darren E. Dumaop<\/strong><br \/>\nPsychology Department<br \/>\nDe La Salle University &#8211; Dasmari\u00f1as (DLSU-D), Cavite, Philippines<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Sa nakalipas na 30 taon, naging karaniwan sa mga pangunahing pamantasan sa Pilipinas ang pag-aaral sa pamumuno bilang proseso at pagpapaliwanag dito sa yunit ng kilos.\u00a0 Pangunahing nakabatay ang ganitong pagtingin sa Hilagang Amerikanong bersyon ng pamumuno.\u00a0 Ngunit mayroong makaPilipinong pagtingin sa pamumuno at sa yunit ito ng mga katangian.\u00a0 Sinuri ang mga katangiang pinapalagay na taglay ng mga Pilipinong lider sa hanay ng 133 lider-pulitiko at 143 karaniwang mamamayang walang karanasan sa pamumuno sa bayan ng Rosario, Cavite.\u00a0 Gamit ang piling iskala ng mga Pilipinong panukat na <em>Masaklaw na Panukat <\/em>(MAPA) <em>ng Loob<\/em> at <em>Panukat ng Pagkataong Pilipino <\/em>(PPP), natagpuan na ang mga lider ay mas mayabang, mas hindi maayos, mas palakaibigan, at mas matulungin kung ikukumpara sa mga hindi lider.\u00a0 Inaasahang magsisimula ng bagong direksyon ng pananaliksik sa pamumuno ang hakbang na ito kung saan pagkilatis sa pagkalider sa makaPilipinong lente ang pokus.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p><em>In <\/em><em>the past 30 years, researchers from the leading universities in the Philippines studied leadership as a process and explained it in the currency of behavior.\u00a0 This approach was based primarily on the North American version of leadership.\u00a0 But there exists a Filipino version that is evaluated in the currency of traits.\u00a0 Leadership traits associated with Filipino leaders were measured among 133 local political leaders and 143 residents with no leadership experience in the municipality of Rosario, Cavite.\u00a0 Through the use of selected scales from Filipino personality measures <\/em>Masaklaw na Panukat (MAPA) ng Loob<em> and <\/em>Panukat ng Pagkataong Pilipino (PPP)<em>, leaders were found less modest, less orderly, more friendly, and more helpful than non-leaders.\u00a0 It is expected that the present study would stimulate new research direction on leadership where the focus is on evaluating leadership through Filipino lens<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANIMULA<\/strong><\/p>\n<p>Nasa kamalayan ng lahat ang pamumuno.\u00a0 Bahagi ito ng buhay ng bawat tao dahil bawat isa ay may grupong kinabibilangan.\u00a0 Maging maliit man ito (<em>e.g.<\/em>, grupo sa pag-uulat) o malaki (<em>e.g.<\/em>, lipunan), natural (<em>e.g.<\/em>, biolohikal na pamilya) o artipisyal (<em>e.g.<\/em>, relihiyon), tiyak na may nagaganap na ugnayang pinuno-tagasunod sa loob nito.\u00a0 At sinuman ay maaaring maging pinuno, tagasunod, o kapwa pinuno at tagasunod.\u00a0 Ang pamumuno ay isang karaniwang karanasan.<\/p>\n<p>Dahil sa ang pamumuno ay napakakaraniwan at hindi mapasusubaliang may likas na halaga, nararapat itong pagbuhusan ng ibayong pag-aaral.\u00a0 Ngunit ang pag-aaral na ito ay hindi dapat humanggan lamang sa telebisyon, sa kalye o sa <em>blog<\/em>, kundi lalo\u2019t higit, sa loob ng mga pamantasan.\u00a0 Gaanong pag-aaral ang inukol sa pamumuno ng mga Pilipinong mananaliksik?\u00a0 Ano ang saligan ng kanilang pagtatasa sa pamumuno?\u00a0 Mahalagang mabatid na ang mga tinutukoy na mananaliksik dito ay mga gradwadong mag-aaral na may pananagutang magsaliksik bilang bahagi ng kanilang kurso.\u00a0 Ang interes sa pag-aaral sa pamumuno ay inaasahang magmumula sa kanila at pinapalagay na naglalarawan, bagaman hindi tiyak na kumakatawan, sa kasalukuyang kalagayan ng pag-aaral sa pamumuno sa Pilipinas.<\/p>\n<p>Mula 1980 hanggang 2010, nakapagsagawa ng kabuuang 106 na tesis at disertasyon sa pamumuno sa tatlong pangunahing pamantasan sa Pilipinas [<em>i.e.<\/em>, <em>Ateneo de Manila University <\/em>(ADMU), <em>De La Salle University<\/em> (DLSU), at <em>University of the Philippines <\/em>(UP) <em>Diliman<\/em>].\u00a0 Halos 90% ng mga pag-aaral ay nilahukan ng mga taong nakapaloob sa sistema ng edukasyon, pangunahin ng mga tagapangasiwa ng paaralan (tingnan sa Hanayan 1).\u00a0 Marami sa mga pag-aaral na ito ang lubhang magkakahawig na ang pagkakaiba lamang ay taon kung kailan isinagawa at ang mga ispesipikong kalahok ng pag-aaral (<em>e.g.<\/em>, Dy 1982; Chuang 1985).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Hanayan 1<\/strong><br \/>\n<em>Mga Pag-aaral sa Pamumuno (1980-2010)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: left;\"><strong><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Pag-aaral-sa-Pamumuno.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-227\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Pag-aaral-sa-Pamumuno.jpg\" alt=\"Mga Pag-aaral sa Pamumuno\" width=\"616\" height=\"375\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Pag-aaral-sa-Pamumuno.jpg 787w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Pag-aaral-sa-Pamumuno-300x182.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Pag-aaral-sa-Pamumuno-100x60.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Pag-aaral-sa-Pamumuno-150x91.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Pag-aaral-sa-Pamumuno-200x121.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Pag-aaral-sa-Pamumuno-450x273.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Pag-aaral-sa-Pamumuno-600x365.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 616px) 100vw, 616px\" \/><\/a><\/strong>Nakapaling ang higit na nakararami sa mga pag-aaral na ito sa lapit ayon sa kilos.\u00a0 Ibig sabihin, ayon ang yunit ng pag-aaral at pagpapaliwanag sa pamumuno sa mga bagay na ikinikilos o ginagawa ng mga pinuno (<em>e.g.<\/em>, Alvarez 1982; Yamson 1987; Alviso 1994; Dioquino 2001; Tizon 2010).\u00a0 Kinakatawan ba ng ganitong antas ng pagpapaliwanag ang pamumuno sa isip ng mga Pilipino?\u00a0 Maliban sa pa rito, mangilan-ngilan din sa mga naisagawang pag-aaral ang nakapokus sa mga banyagang teoryang \u201cisinaPilipino\u201d (<em>e.g.<\/em>, Catanyag 1995; Ang 2002).\u00a0 Bakit tila nag-angat-patong ang mga gradwadong mag-aaral sa halip na isakatutubo ang pamumuno?<\/p>\n<p>Inilahad sa papel na ito ang pinapalagay na naging batayan ng mga pag-aaral sa pamumuno sa Pilipinas.\u00a0 Ipinakita rin dito ang maka-Pilipinong pagtingin sa pagkalider na tila nalimutang sangguniin ng mga gradwadong mag-aaral.\u00a0 Gamit ang obhektibong pamamaraan sa pagtaya ng personalidad, sinukat sa mga kasalukuyang lider sa isang urbang pamayanang Pilipino ang mga katangiang pinapalagay na pinagkakaiba ng mga Pilipinong lider sa hindi lider.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>BUKAL NG ANGAT-PATONG:<\/strong><br \/>\n<strong>RUMARAGASANG DALOY NG LITERATURA SA HILAGANG AMERIKA<\/strong><\/p>\n<p>Ang pangunahing suspek sa pagdami ng mga pag-aaral sa yunit ng kilos at pag-angkat ng mga banyagang dalumat sa pamumuno ay ang rumaragasang literatura ng Hilagang Amerikanong akademiya.\u00a0 Dito marahil natangay ang maraming Pilipinong mag-aaral sa pamumuno.\u00a0 Mula sa katuturan hanggang sa pagpapaliwanag, mamamasdang halaw sa mga Kanluraning aklat at saliksik ang mga pag-aaral nitong nakaraang tatlong dekada.<\/p>\n<p>Ang Ingles na katagang \u201c<em>leadership<\/em>,\u201d na pinapalagay na \u201cpamumuno\u201d ang katumbas sa Filipino ay may malawak na gamit na dahilan para magkaroon ito ng sari-saring kahulugan (Janda 1960).\u00a0 Ang hindi kakaunting bilang ng pag-aaral ukol sa pamumuno ang dahilan kung bakit hindi rin kakaunti ang katuturan nito (Bass 1990; Yukl 2006).\u00a0 Sa pagtatagni-tagni ng mga katuturan ni Gary Yukl, napagtanto niyang ang pamumuno ay isang \u201cproseso kung saan ang kagustuhan ng isang tao ay ipinatutupad sa iba upang pumatnubay, magsaayos, at magpadaloy ng mga gawain at kaugnayan sa loob ng isang grupo o organisasyon.\u201d<\/p>\n<p>Karaniwang bumabanggit ang mga pangunahing Kanluraning sanggunian sa pamumuno (Yukl 2006; Muchinsky 2007) ng limang paglapit sa modernong pag-aaral sa pamumuno.\u00a0 Ang mga ito ay <em>trait <\/em>(ayon sa katangian), <em>behavioral<\/em> (ayon sa kilos), <em>power<\/em> at <em>influence<\/em> (ayon sa pagtataglay ng impluwensiya), <em>situational <\/em>(ayon sa hinihingi ng sitwasyon), at <em>integrative <\/em>(integratibong paglapit).\u00a0 Ang paglapit ayon sa katangian ay nagsasaliksik sa mga personal na katangian ng mga pinuno na siyang pinaniniwalaang dahilan kaya sila naging pinuno (Pratch at Jacobowitz 1997; Muchinsky 2007; Strickland at Towler 2011).\u00a0 Nakapokus ang paglapit ayon sa kilos sa mga ginagawa ng mga lider bilang pinuno.\u00a0 Nagbunga ang paglapit na ito ng maraming taksonomiya ng mga ginagawa ng mga lider (Kouzes at Posner 1995; Yukl <em>et al<\/em>. 2002).\u00a0 Ang paglapit ayon sa impluwensiya ay nagpapaliwanag sa pamumuno bilang isang ugnayan ng tagapagpasunod at tagasunod (French at Raven 1959; Raven 2008).\u00a0 Sa ugnayang ito dumadaloy ang impluwensiya ng pinunong nagpapabago sa iniisip, nararamdaman, at ikinikilos ng mga tagasunod.\u00a0 Nagbibigay-halaga ang paglapit ayon sa hinihingi ng sitwasyon sa konteksto ng pangyayari o karanasang nakakaimpluwensiya sa proseso ng pamumuno (Yukl 2006).\u00a0 Pagsasama-sama naman ang integratibong paglapit ng higit sa isang uri ng paglapit sa pamumuno (Avoilo 2007).\u00a0 Halimbawa, sa isang meta-analisis, natagpuan na nakadepende ang mga kilos ng isang lider sa sitwasyon at ang pagpili ng kanyang magiging pagkilos ay kaugnay ng taglay niyang mga katangian (DeRue <em>et al<\/em>. 2011).<\/p>\n<p>Bagaman malawak ang sakop ng Hilagang Amerikanong konseptwalisasyon sa pamumuno, kapansin-pansing ang lapit ayon sa kilos ang higit na binigyang-pansin ng mga mananaliksik na Pilipino.\u00a0 Kapuna-punang halos kaalinsabay ito ng popularidad ng lapit ayon sa kilos sa literaturang Kanluranin mula dekada \u201850 hanggang dekada \u201880 (Zaccaro 2007).\u00a0 Sa pag-usbong ng mga bagong konseptwalisasyon sa pamumuno noong kalagitnaan ng dekada \u201880 (<em>e.g., charismatic leadership, transformational leadership<\/em>), makalipas ang ilang panahon, nagsulputan din ang pagasasaPilipino ng mga gayong uri ng pamumuno.\u00a0 Tiyak na may lilitaw ring pag-aaral tungkol sa iba pang lapit na ambag ng Kanluraning sikolohiya.\u00a0 Kaya maitatanong ng isang makaPilipinong mananaliksik, mayroon bang pamumunong Pilipino na iba sa dikta ng banyagang literatura?<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>ANG PILIPINONG PAGKALIDER:<\/strong><br \/>\n<strong>KATUTUBONG BERSYON<\/strong><\/p>\n<p>Ginagamit lamang ang katagang \u201ckatutubo\u201d upang ipakita ang pagkakaiba ng \u201catin\u201d sa \u201chindi atin.\u201d Sa Pilipinong pananaw, hindi tinatawag na katutubo ang \u201catin\u201d dahil ito ay likas, kinagisnan, at hindi na nangangailangan ng iba pang katawagan (Salazar 1997a).\u00a0 Kung sa Hilagang Amerikanong bersyon tinitingnan ang pamumuno bilang proseso (Yukl 2006; Vroom at Jago 2007), sa Pilipinong bersyon kongkreto ang tingin dito (Lupdag 1984).\u00a0 Halimbawa, kung tatanungin ang mga\u00a0 karaniwang tao (relatibo sa pagiging sikolohista) kung ano ang kahulugan ng <em>leadership<\/em>, sa mas madalas na pagkakataon, ang magiging sagot ay paglalarawan sa isang lider.\u00a0 Mas madaling ipagtanong sa mga Pilipino kung anu-ano ang mga katangian ng lider kesa katuturan ng pamumuno.\u00a0 Ang pagkaunawa ng mga Pilipino sa pamumuno ay pagkalider o pagiging lider.\u00a0 Binubuo ito ng mga katangiang tinataglay ng isang lider.<\/p>\n<p>Natural sa mga Pilipino ang pagtingin sa pamumuno bilang pagtataglay ng mga katangian, bagaman nito lamang 1984 naisatitik ito ni Anselmo Lupdag.\u00a0 Sa kanyang pag-aaral, tinangka niyang matukoy ang katuturan ng pamumuno.\u00a0 Alas, ang natagpuan niya ay mga katangian ng isang pinuno.\u00a0 May ganitong karanasan din sina Maria Theresa Del Rosario at Anna Marie Gregorio (2012) kung saan ang tunay na layunin ng kanilang pag-aaral ay alamin ang dalumat ng pamumuno sa isip ng kabataang Pilipino.\u00a0 Muli, katangian ng mga pinuno ang natagpuan nila.<\/p>\n<p>May mga empirikal na patotoo tungkol sa mga katangian ng mga Pilipinong lider.\u00a0 Ang mga Pilipinong lider ay natagpuang mas palakaibigan, mas matiyaga, at mas maimpluwensiya kaysa mga hindi lider (Lupdag 1984).\u00a0 Hindi nalalayo ang mga ito sa pagtalakay sa mga katangiang taglay ng mga Pilipinong lider bago dumating ang mga mananakop.\u00a0 Kaisa sila ng sariling kultura at tagapagtaguyod ng lipunan at kapwa (Salazar 1997a).<\/p>\n<p>Sa isang sampol ng mga lider Asyano kung saan nakakarami ang mga Pilipino, natagpuang umaastang magulang ang mga lider sa kanilang nasasakupan, kaiba sa mga lider na Kanluranin (Mayoralgo-Nolasco 2008).\u00a0 Ang pag-astang magulang ng mga Asyanong lider ay tinawag na \u201cpaternalistiko\u201d (Fahr at Cheng 2000).\u00a0 Ibig sabihin, mala-\u201ctatay\u201d na katangian ang tinataglay ng mga gayong lider.\u00a0 Bago mag-1980, sari-saring pag-aaral ang pumaksa sa pagiging paternalistiko ng mga Pilipinong lider (Castillo <em>et al<\/em>. 1960; Montenegro 1971; Gaffud 1973).\u00a0 Kinategorya ring paternalistiko ang mga personal na katangian ng mga lider (<em>i.e.<\/em>, pagiging kaakit-akit, mapanghikayat, mapag-alaga, mapagmalasakit, mapilit) sa mga lokal na relihiyon (<em>i.e.<\/em>, <em>Iglesia Ni Cristo<\/em>, <em>Lapiang Malaya<\/em>, <em>Philippine Benevolent Missionaries Association<\/em>) sa publikasyon ng unang kumperensya ng sikolohiyang panrelihiyon (Mercado 1977).\u00a0 Sa sosyolohikal na pagtalakay, inilalarawan ang samahan sa loob ng mga Pilipinong organisasyon bilang \u201cpamilyalismo\u201d at ang uri ng pamumuno rito bilang \u201cpaternalismo\u201d (Jocano 1990).<\/p>\n<p>Ang pagiging paternalistiko ay isang mapanaklaw na katangiang maaaring ibahagi sa tatlo: pagiging mapagmalasakit, dominante, at responsable.\u00a0 Ang sistemang barangay ng mga unang Pilipino ang nagbunsod upang makabuo ng mapananaligang ugali at isipan ng pagdadamayan at malasakit (Agpalo 1981).\u00a0 Dahil sa kamag-anakan ang sinaunang pundasyon ng barangay, ang buong pamayanan ay nabubuhay na parang isang tao lamang.\u00a0 Ang pangulo (o pang-ulo) ang pinunong nagsisilbing tagapagpasya kung paano aalagaan at ipagmamalasakit ang ibang bahagi ng katawan (Agpalo 1981).\u00a0 Ang mga pinuno (<em>i.e.<\/em>, bayani) ay nagpapamalas ng pasensya, malinis ang kalooban, at ginagawa ang lahat para sa pamayanan (Salazar 1997b).\u00a0 Ngunit malinaw ring nasa ibabaw ng buong katawan ang pangulo (Agpalo 1981).\u00a0 Dahil dito, ang pinuno ay laging nangingibabaw o namamayani (Salazar 1997a).\u00a0 Sa lahat ng bagay at tungkuling nakaatang sa kanya, ang sinaunang pinuno ay responsable.\u00a0 Siya ang tagapagtanggol at tagapagpanatili ng bayan (Salazar 1997a).<\/p>\n<p>Ang Pilipinong pagkalider na tila isinaisantabi ng Hilagang Amerikanong bersyon (<em>i.e.<\/em>, paniniwalang proseso ang pamumuno) ay may tiyak na paglalarawang binubuo ng mga katangian.\u00a0 Ang suma ng paglalarawan ng literatura sa mga katangian ng mga Pilipinong lider ay pagkapalakaibigan, katiyagaan, pagkamapagmalasakit, pagkadominante, at pagkaresponsable (tingnan sa Hanayan 2).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Hanayan 2<\/strong><br \/>\n<em>Paglalarawan sa mga Katangiang Taglay ng mga Pilipinong Lider<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Paglalarawan-sa-mga-Katangiang-Taglay-.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-228 \" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Paglalarawan-sa-mga-Katangiang-Taglay-.jpg\" alt=\"Paglalarawan sa mga Katangiang Taglay\" width=\"591\" height=\"414\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Paglalarawan-sa-mga-Katangiang-Taglay-.jpg 775w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Paglalarawan-sa-mga-Katangiang-Taglay--300x210.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Paglalarawan-sa-mga-Katangiang-Taglay--100x70.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Paglalarawan-sa-mga-Katangiang-Taglay--150x105.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Paglalarawan-sa-mga-Katangiang-Taglay--200x140.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Paglalarawan-sa-mga-Katangiang-Taglay--450x315.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Paglalarawan-sa-mga-Katangiang-Taglay--600x420.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 591px) 100vw, 591px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Tinaya ang mga katangiang ito mula sa mga aktwal na Pilipinong lider at ikinumpara sa mga hindi lider.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAMAMARAAN<\/strong><\/p>\n<p><strong><em>Kalahok<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Dalawang grupo ang bumuo sa mga kalahok: mga lider at hindi lider.\u00a0 Kinabilangan ang grupo ng mga lider ng 133 lokal na lider-pulitiko.\u00a0 Siyam ang mga opisyal ng munisipyo, 85 ang mga opisyal ng barangay, at 43 ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan.\u00a0 Kinabilangan ang grupo ng mga hindi lider ng 143 mamamayang hindi lider-pulitiko na walang karanasan sa pamumuno.\u00a0 Galing sa iisang bayan, sa Rosario, Cavite ang lahat ng mga kalahok.<\/p>\n<p>Ang mga lider ay may edad 16 hanggang 73 (<em>M<\/em>=35.20, <em>SD<\/em>=15.44).\u00a0 Halos 78% ng mga lider ay lalake.\u00a0 Sa antas ng edukasyon, 40.6% ang nakaabot sa hayskulpababa, 18.8% ang nakaabot sa pagkuha ng kursong bokasyunal, at 40.6% ang nakaabot sa kolehiyo pataas.\u00a0 Sa kalagayang sibil, 39.8% ng mga lider ang walang asawa, 48.9% ang may asawa, at 11.3% ang hiwalay o biyudo o biyuda.\u00a0 Ang mga hindi lider naman ay may edad na 16 hanggang 59 (<em>M<\/em>=28.22, <em>SD<\/em>=11.67).\u00a0 Kabaligtaran sa mga lider, higit na maraming kahalok sa grupong hindi lider ang babae (60.8%).\u00a0 Sa antas ng edukasyon, 53.1% sa mga hindi lider ang nakaabot hayskul pababa, 12.6% ang nakaabot sa pagkuha ng kursong bokasyunal, at 34.3% ang nakaabot kolehiyo pataas.\u00a0 Sa kalagayang sibil, 62.2% sa mga hindi lider ang walang asawa, 32.9% ang may asawa at 4.9% ang hiwalay o biyudo o biyuda.\u00a0 Mapagkakatiwalaang mas matatanda ang mga lider sa hindi lider (<em>t<\/em>(245.24)=4.22, <em>p<\/em>&lt;.001, <em>r<\/em>=.26).\u00a0 Mapagkakatiwalaan din ang pagkakaiba sa kasarian (\u03c7<sup>2<\/sup>(1)=43.09, <em>p<\/em>&lt;.001, \u0444=.40) at kalagayang sibil (\u03c7<sup>2<\/sup>(2)=14.59, <em>p<\/em>&lt;.01, \u0444=.23).\u00a0 Subalit hindi mapagkakatiwalaang magkaiba ang mga lider at hindi lider sa antas ng edukasyon (\u03c7<sup>2<\/sup>(2)=4.75, <em>ns<\/em>, \u0444=.13).<\/p>\n<p><strong><em>Panukat<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Isinaoperasyon at tinaya ang mga katangian ng mga Pilipinong lider gamit ang dalawang makaPilipinong panukat ng mga personal na katangian: ang ikalawang bersyon ng <em>Masaklaw na Panukat <\/em>(MAPA)<em> ng Loob <\/em>(Del Pilar 2011) at ang <em>Panukat ng Pagkataong Pilipino <\/em>(PPP) (Carlota 1997).\u00a0 Ang MAPA ay pagpapahusay ng PPP at ng iba pang panukat ng pagkataong Pilipino (<em>i.e.<\/em>, <em>Panukat ng Ugali at Pagkatao<\/em> nina Virgilio Enriquez at Ma. Angeles Guanzon-Lape\u00f1aat <em>Panukat ng mga Katangian ng Personalidad<\/em> nina Guanzon-Lape\u00f1a, Annadaisy Carlota, A. Timothy Church, Marcia Katigbak, at Gregorio Del Pilar III) na sinimulang isagawa ni Del Pilar at ng kanyang mga mag-aaral sa UP Diliman noong 2010.\u00a0 Nakabatay ito sa <em>Five Factor Model<\/em> (FFM) ng personalidad [para sa karagdagang impormasyon, sangguniin ang Del Pilar (2012)].\u00a0 Ang PPP, sa kabilang dako, ay walang teoryang pinagbabatayan kundi mga salita ng paglalarawan sa mga katangiang Pilipino.<\/p>\n<p>Pinili ang MAPA at PPP sapagkat ang mga ito ang higit na napapanahong pantaya ng mga katangian ng personalidad. MAPA ang unang pinili sapagkat pagpapahusay ito ng mga naunang panukat.\u00a0 Pinapalagay ring ang modelong pinagbatayan nito, ang FFM, ay makakatulong upang sa hinaharap, maikumpara ang mga katangian ng Pilipinong lider sa ibang kultura (John at Naumann 2010).\u00a0 Subalit may ilang katangian ng Pilipinong lider na hindi matatagpuan sa MAPA.\u00a0 Hinango ang mga ito sa PPP.<\/p>\n<p>Tinaya ang sukat ng katatagan na <em>alpha<\/em> (\u03b1) sa bawat isang katangiang sinukat.\u00a0 Ang mga katangiang lumarawan sa mga Pilipinong lider mula sa MAPA ay Pagkapalakaibigan (\u03b1=.60), Pagkamasigla (\u03b1=.42), Pagkadi-mayabang (\u03b1=.46), Pagkamaunawain (\u03b1=.56), Pagkamasikap (\u03b1=.66), Pagkamaayos (\u03b1=.68), at Pagkaresponsable (\u03b1=.51).\u00a0 Ang mga katangian ng mga Pilipinong lider na hinango mula sa PPP ay Pagkamatiyaga (\u03b1=.69), Pagkamaalalahanin (\u03b1=.50), Pagkamatulungin (\u03b1=.59), at Pagkamasunurin (\u03b1=.36).\u00a0 Sa lahat ng mga katangian, inaasahang magiging mas mataas ang mga lider maliban sa mga katangiang Pagkadi-mayabang at Pagkamasunurin kung saan inaasahang magiging mas mataas ang mga hindi lider.<\/p>\n<p><strong><em>Pagsasagawa<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Inantas ng mga kalahok ang 11 katangiang pinapalagay na taglay ng mga Pilipinong lider ayon sa pagiging totoo ng mga ito sa kanilang sarili.\u00a0 Bawat katangian ay may katumbas na mga aytem na naglalarawan sa ginagawa, nararamdaman, at iniisip (o hindi ginagawa, hindi nararamdaman, at hindi iniisip) ng mga taong nagtataglay ng gayong katangian.\u00a0 Ang pag-antas ay mula 1 (Lubos na hindi sumasang-ayon) hanggang 5 (Lubos na sumasang-ayon).\u00a0 Isinagawa ang pangangalap ng datos mula Abril hanggang Mayo 2012.<\/p>\n<p>Tinaya ng kasalukuyang pag-aaral ang 11 katangiang pinapalagay na taglay ng mga Pilipinong lider sa hanay ng mga lider at hindi lider.\u00a0 Ito ay upang kumpirmahin ang pag-iral ng mga katangian ayon sa katutubong pagtingin sa pagkalider ng mga Pilipino.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>KINASAPITAN<\/strong><\/p>\n<p>Isinagawa ang analisis sa kasalukuyang datos sa pamamagitan ng <em>logistic regression<\/em>.\u00a0 Ang <em>logistic regression<\/em> ay isang natatanging uri ng <em>multiple regression<\/em> kung saan ang <em>outcome variable<\/em> (<em>i.e.<\/em>, pagiging lider) ay nominal kaya ang sukat ng <em>B<\/em> o pagbabago sa <em>outcome variable<\/em> na dulot ng pagbabago ng bawat prediktor ay sa termino ng tsansa.\u00a0 Ang 1 (o -1) ay nangangahulugan ng perpektong tsansa na ang kalahok ay isang lider (o hindi lider sa kaso ng -1).\u00a0 Ang mga mapagkakatiwalaang sukat ng positibong <em>B<\/em> ay nangangahulugang nagpapataas ng tsansa ng pagkalider at ang negatibo ay nagpapababa naman ng tsansang ito.\u00a0 Pinili ang <em>logistic regression<\/em> sapagkat sa bawat sukat ng pagbabagong dulot ng bawat prediktor sa <em>outcome variable<\/em>, estadistikal na napagpapantay-pantay ang antas ng iba pang prediktor.\u00a0 Angkop ang <em>logistic regression<\/em> sa pagsusuri sa kasalukuyang datos na may hindi random na sampol at may mga <em>demographic variable<\/em> na sa simula pa lamang ay hindi na pantay-pantay.<\/p>\n<p>Sinubok ng kasalukuyang pag-aaral ang presensya ng mga katangiang binanggit ng mga naunang empirikal na patotoo at paglalarawan ng mga literatura tungkol sa mga Pilipinong lider.\u00a0 Inasahang ang mga lider ay magiging mas palakaibigan, mas masigla, mas maunawain, mas masikap, mas maayos, at mas responsable ngunit magiging mas mababa sa pagkadi-mayabang at pagkamasunurin kung ikukumpara sa mga hindi lider.\u00a0 Natagpuang mapagkakatiwalaan ang pagkakaiba ng mga lider at hindi lider sa mga katangiang Pagkadi-mayabang, Pagkamaayos, Pagkapalakaibigan, at Pagkamatulungin (tingnan ang Hanayan 3).\u00a0 Ang mga lider ay mas mababa sa Pagkadi-mayabang (<em>B<\/em>=-0.17, <em>p<\/em>&lt;.001), mas mababa sa Pagkamaayos (<em>B<\/em>=-0.13, <em>p<\/em>&lt;.05), mas mataas sa Pagkapalakaibigan (<em>B<\/em>=0.12, <em>p<\/em>&lt;.05), at mas mataas sa Pagkamatulungin (<em>B<\/em>=0.11, <em>p<\/em>&lt;.05).\u00a0 Kinumpirma ng kasalukuyang pag-aaral ang empirikal na patotoo sa pagkapalakaibigan at pagkadominante (na tinumbasan ng kabaligtaran ng Pagkadi-mayabang) at ang paglalarawan ng literatura sa mga lider na mapagmalasakit o matulungin.\u00a0 Kung may kaugnayan man ang mga demograpiya sa relasyon ng pagkalider sa mga katangiang nabanggit, sinupil ang mga ito ng isinagawang analisis at sinukat ang kaukulang impluwensiyang dulot ng hindi balanseng demograpiya ng mga kalahok.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Hanayan 3<\/strong><br \/>\n<em>Resulta ng Logistic Regression<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Resulta-ng-Logistic-Regression.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-229\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Resulta-ng-Logistic-Regression.jpg\" alt=\"Resulta ng Logistic Regression\" width=\"581\" height=\"637\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Resulta-ng-Logistic-Regression.jpg 581w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Resulta-ng-Logistic-Regression-273x300.jpg 273w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Resulta-ng-Logistic-Regression-100x109.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Resulta-ng-Logistic-Regression-150x164.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Resulta-ng-Logistic-Regression-200x219.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Resulta-ng-Logistic-Regression-300x328.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Resulta-ng-Logistic-Regression-450x493.jpg 450w\" sizes=\"(max-width: 581px) 100vw, 581px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Ipinakita ng kasalukuyang analisis ang impluwensiya ng edad, kasarian, at antas ng edukasyon sa <em>variance<\/em> ng pagkalider.\u00a0 Natagpuang mas matatanda ang mga lider (<em>B<\/em>=0.04, <em>p<\/em>&lt;.05), tipikal sa kanila ay lalake (<em>B<\/em>=-1.70, <em>p<\/em>&lt;.001), at nakaabot sa kolehiyo pataas (<em>B<\/em>=0.80, <em>p<\/em>&lt;.05).\u00a0 Ang kabuuang modelong may apat na mapagkakatiwalaang katangian at may tatlong mapagkakatiwalaang demograpikal na impormasyon ay may tinatayang <em>R<sup>2<\/sup><\/em> mula .30 hanggang .46.\u00a0 Kaya, masasabing ang kinasapitan ng kasalukuyang pag-aaral ay may katamtaman hanggang malaking <em>effect size <\/em>(Cohen 1988).\u00a0 Nagpapahiwatig ito ng kainamang katiyakan sa pagiging totoo.\u00a0 Ang mga Pilipinong lider ay lumalabas na mas mayabang, mas hindi maayos, mas palakaibigan, at mas matulungin kung ikukumpara sa mga hindi lider.\u00a0 Mas matatanda rin sila, karaniwan ay lalake, at nakaabot sa kolehiyo.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAGTALAKAY<\/strong><\/p>\n<p>Ang mga nosyon o palagay tungkol sa Pilipinong lider ay hindi isang alamat lamang.\u00a0 Nagawa itong matagpuan sa mga kasalukuyang lider sa isang komunidad gamit ang empirikal at sikolohikal na pamamaraan.\u00a0 Ngunit kagaya ng nagaganap sa ibang alamat, may mga bagay na natutuklasan upang ituwid ang maling kaisipang kasama ng mga ito.\u00a0 Sa panloob na bahagi ng modelo ng mga katangian, lumalabas na higit na hindi maayos ang mga lider.\u00a0 Sa panlabas na bahagi ng modelo ng mga katangian, mayroong Pilipinong pagkalider na hindi batay sa kilos o maging sa sitwasyon lamang.<\/p>\n<p>Sa pagsusuri sa mga aytem ng Pagkamaayos, mababatid na tumutukoy ito sa kaayusan sa gamit, partikular sa personal na gamit, at pagiging maayos sa paligid (Del Pilar 2011).\u00a0 Nagpapakita ang pagkakaroon ng mababang iskor na ang isang tao ay hindi kayang maging maayos o hindi nakikitang kailangang maging maayos.\u00a0 Ang ilan sa mga halimbawang aytem nito ay \u201cKapag nakakakita ako ng mga nakakalat na bagay, kaagad kong nililigpit ang mga ito\u201d at \u201cAyos lang sa \u2018kin na magulo at makalat ang aking paligid.\u201d\u00a0 Mailalarawan, kung gayon, ang mga lider na higit na pumapayag na maging magulo ang pisikal na paligid kaysa mga hindi lider.\u00a0 Hindi gaanong namomroblema sa magulong kagamitan ang mga lider kung ikukumpara sa pamomroblema rito ng mga hindi lider.<\/p>\n<p>Nangangahulugan ba itong burara ang mga lider?\u00a0 Hindi, hindi tiyak.\u00a0 Pansining sa katangiang ito (at maging sa iba), hindi lumalabas na napakababa o napakalayo ng iskor ng mga lider sa hindi (tingnan sa Hanayan 4).\u00a0 Ipinapahiwatig lamang nito na kung pagpapantay-pantayin ang ibang katangian at demograpiya, ang mga lider ay mas hindi maayos sa mga hindi lider. Maaaring ipalagay na mas bukas ang mga lider sa kaguluhan o pag-iba sa sistematikong ayos.\u00a0 Maaaring nagpapahiwatig ito ng fleksibilidad bagaman ang kasalukuyang datos ay hindi sapat para makagawa ng gayong konklusyon.\u00a0 Maaaring ikumpirma ang palagay na ito ng mga pag-aaral sa hinaharap.\u00a0 Kung ang pagiging mas hindi maayos ng mga lider ay hindi produkto ng laro ng kapalaran (o nagkataon lamang), maaaring makapag-ambag ito ng bagong pagtingin sa Pilipinong lider\u2014hindi sila kasing istrikto gaya ng inaasahan (Jocano 1990).\u00a0 O baka naman magulo lamang talaga sila.\u00a0 Muli, nakalaan sa mga hinaharap na pag-aaral ang paglilinaw sa katangiang ito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Hanayan 4<\/strong><br \/>\n<em>Iskor sa Bawat Katangian<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iskor-sa-Bawat-Katangian.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-230\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iskor-sa-Bawat-Katangian.jpg\" alt=\"Iskor sa Bawat Katangian\" width=\"607\" height=\"238\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iskor-sa-Bawat-Katangian.jpg 773w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iskor-sa-Bawat-Katangian-300x117.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iskor-sa-Bawat-Katangian-100x39.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iskor-sa-Bawat-Katangian-150x58.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iskor-sa-Bawat-Katangian-200x78.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iskor-sa-Bawat-Katangian-450x176.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iskor-sa-Bawat-Katangian-600x235.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 607px) 100vw, 607px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Maliban sa resulta sa pagkamaayos na hindi inasahan, nagawang maipakita ng tatlong iba pang mga katangian na may sikolohikal na batayan ang ilan sa mga pinaniniwalaang katangiang taglay ng mga Pilipinong lider.\u00a0 Pinagtitibay nito ang paniniwala na ang katutubong modelo ng pagkalider, ang pamumuno bilang banghay ng mga katangian, ay umiiral at maaaring mas angkop na saligan kaysa tipolohiya ng mga kilos.\u00a0 Ipinapakita sa kasalukuyang modelo ng pamumuno batay sa pagtataglay ng mga katangian na ang mga Pilipinong lider ay mas mababa sa Pagkadi-mayabang, mas palakaibigan, at mas matulungin kung ikukumpara sa mga hindi lider.<\/p>\n<p>Ang pagiging mas mababa sa Pagkadi-mayabang ng mga Pilipinong lider ang lumabas na pinakamapagkakatiwalaan at may pinakamalaking sukat ng <em>B <\/em>o pinakanakakapagpataas ng tsansa sa pagkalider sa apat na mga katangian.\u00a0 Ipinapakita nito na ang mga Pilipinong lider ay may likas na tendensyang ipakitang nakahihigit sila sa iba.\u00a0 Ang ilan sa halimbawa ng mga aytem nito ay \u201cGumagawa ako ng paraan upang maparangalan o mapuri ako sa harap ng publiko o maraming tao\u201d at \u201cKahit alam kong mahusay ako sa iba, hindi ko ugaling ipagmalaki ito.\u201d\u00a0 Sa kasalukuyang pag-aaral, itinuturing ang Pagkadi-mayabang na negatibong pagkadominante.\u00a0 Kaya, ang mas mababa sa Pagkadi-mayabang ay mas mataas sa pagiging dominante.<\/p>\n<p>Mailalarawan bang \u201cmayabang\u201d ang Pilipinong lider?\u00a0 Kagaya ng paglilinaw sa resulta sa Pagkamaayos, hindi pa sapat ang kasalukuyang pag-aaral para masagot ito.\u00a0 Ang napatunayan lamang, mas mayabang ang mga lider kung ikukumpara sa mga hindi lider.\u00a0 Pero para magkaroon ng kayabangang tila mapanakit o mapanghamon, nangangailangan pa ito ng mas masinsing pagtatasa.\u00a0 O maaari ring tingnang mayabang man sila, kasama naman nito ang iba pang katangian tulad ng Pagkapalakaibigan at Pagkamatulungin kaya katanggap-tanggap pa rin sila.<\/p>\n<p>Ang mga lider ay mailalarawang higit na nasisiyahan sa pakikipagkaibigan at may higit na kakayahang bumuo ng pagkakaibigan, kung ihahambing sa mga hindi lider.\u00a0 Ang ilan sa mga halimbawang aytem nito ay \u201cBinabati ko ang mga taong nakakasalubong ko, kahit hindi ko sila masyadong kilala\u201d at \u201cNahihiya ako kapag kasama ko ang mga taong di ko kakilala.\u201d\u00a0 Kagaya sa Pagkadi-mayabang, ipinapahayag ng kasalukuyang resulta na ang mga lider ay higit na palakaibigan kaysa mga hindi lider.\u00a0 Hindi ito nangangahulugang hindi palakaibigan ang mga hindi lider.<\/p>\n<p>Ang Pagkamatulungin ay isa sa mga katangiang tumangkang kumatawan sa sinasabing pagiging mapagmalasakit ng mga Pilipinong lider.\u00a0 Binigyang-katuturan ang Pagkamatulungin bilang kahandaan sa pag-alok ng tulong sa iba o pagbabahagi ng mga tinatangkilik.\u00a0 Ang ilan sa mga halimbawang aytem ng katangiang ito ay \u201cHanda akong makinig tungkol sa mga problemang isinasangguni sa akin ng mga kaibigan ko\u201d at \u201cNag-aalangan akong tumulong sa taong hindi ko kakilala.\u201d<\/p>\n<p>Halos magkatulad ang sukat ng <em>B<\/em> ng Pagkapalakaibigan at Pagkamatulungin.\u00a0 Madaling maunawaang higit na matulungin ang mga Pilipinong lider, lalo na at ang mga lider na kalahok ay mga lider-pulitiko.\u00a0 Ngunit sa aspektong teoretikal, malaking kahalagahan ang naidudulot ng Pagkamatulungin.\u00a0 Nagbibigay ito ng puwang sa pagmamalasakit na maging bahagi ng isang sikolohikal na modelo ng pagkalider.\u00a0 Nagpapakita ito ng anyo ng pamumuno na maaaring hindi makita sa ibang kultura: ang pamumuno na nagdadala ng pampamilyang pag-asta, pamumunong paternalistiko (Jocano 1990), mala-ama at mala-ina (Talisayon at Ramirez 1997) o mala-magulang.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANGWAKAS<\/strong><\/p>\n<p>Maliwanag na ang Pilipinong pagkalider ay hindi lamang pagtataglay ng mga katangian kundi pagtataglay ng banghay o konstelasyon ng mga katangian.\u00a0 Kahit ang mga taga-Kanluran ay nagpapahayag na hindi maihihiwalay ang isang katangian sa iba (Zacarro 2007).\u00a0 Umiiral ang mga ito ng magkakasama na siyang ikinaiiba ng pagkatao ng isang lider sa hindi lider (Lupdag 1984; Salazar 1997b).\u00a0 Kaya kahit natagpuang mas mayabang ang mga lider [(na hindi kanais-nais sa kulturang Pilipino, tingnan sa Del Pilar (2011)], lumalabas na katanggap-tanggap pa rin ang mga ito dahil sa hindi maihihiwalay ang kanilang pagkamayabang sa pagiging palakaibigan at mapagmalasakit.\u00a0 Kayang-kayang iguhit sa isipan ang imahen ng isang lider na nagmamalasakit sa kapwa, palabati at palakaibigan, at pumapaibabaw sa pagsasalita at pagkilos.\u00a0 Itong-ito ang imahen ng mga lider sa pamayanan na naging kalahok sa kasalukuyang pag-aaral: mga magulang sa komunidad na laging tumutulong sa kanilang mga kapamayanan, mga pulitikong madaling lumikha ng kakampi, at mga lider na ayaw pakontra at laging pabida.\u00a0 Ngunit hindi malilimutan ang pagiging mas hindi maayos na isang hamon sa dalumat ng Pilipinong lider.\u00a0 Karagdagang patotoo at pag-aaral pa ang kailangan sa bagay na ito.<\/p>\n<p>Limitado ang kasalukuyang pag-aaral sa mga naging kalahok na pawang mga lider-pulitiko sa isang pamayanan lamang.\u00a0 Bagaman masasabing kahawig ang pamayanang ito ng maraming urbang pamayanan sa kasalukuyan, makatwiran pa ring isaalang-alang na maaaring hindi ganito ang maging larawan ng lahat ng mga Pilipinong lider.\u00a0 Ang estadistikal na pagpapantay-pantay na isinagawa sa ibang demograpiya at katangian ay mabisang hakbang upang maikumpara ng kasalukuyang pag-aaral ang mga katangian ng mga lider at hindi.\u00a0 Gayunpaman, iminumungkahi pa ring magsagawa ng ganitong pag-aaral sa balanseng populasyon kasama ang iba pang demograpiya gaya ng kalagayan o katayuang sosyo-ekonomiko.\u00a0 Iminumungkahi ring pag-aralan ang iba pang anyo ng Pilipinong pagkalider sa labas ng pulitika.\u00a0 Nararapat din itong pag-aralan gamit ang iba pang pamamaraang magbibigay ng tuwirang kaugnayan sa mga katangian at pagkalider, maging ito man ay mabisang pagkalider o pagtanggap ng mga tagasunod sa isang lider.<\/p>\n<p>Nananawagan ang papel na ito para sa mas makaPilipinong pagtingin sa pamumuno.\u00a0 Hindi nito pinangangaralan ang mga akademiko at sikolohistang nagbuhos ng kanilang panahon para sa pagkakakilanlan ng mga Pilipinong lider.\u00a0 Ang pinupuna ng papel na ito ay ang mga mag-aaral at mananaliksik sa loob at labas ng akademiya na walang habas na iginigiit ang banyagang dalumat sa Pilipinong pagkalider.\u00a0 May mga nagsasabing walang kinalaman ang mga personal na katangian sa resulta ng pamumuno.\u00a0 Maging totoo man ang pahayag na ito, malaki pa rin ang kinalaman ng pagtataglay ng mga katangian sa sikolohiya ng pamumuno.\u00a0 At sa pagiging mabisa ng pinuno, sa aking palagay, pantay ang halaga ng resulta (<em>i.e.<\/em>, materyal na tagumpay) at sikolohiya (<em>i.e.<\/em>, mga kaisipan at paniniwala).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Agpalo, R.E. (1981).\u00a0 The Philippines: From communal to societal pangulo regime.\u00a0 <em>Philippine Law Journal<\/em>, 56 (2), 56-98.<\/p>\n<p>Alvarez, F.R. (1982).\u00a0 <em>Leader behavior and employee performance: A correlational study<\/em>.\u00a0 Di-nalathalang tesis masterado, De La Salle University, Manila, Philippines.<\/p>\n<p>Alviso, E.D. (1994).\u00a0 <em>Perceived leadership behavior of the principals and organizational climate of the national high school and the nationalized high schools in the division of city schools, Naga City, school year 1993-1994<\/em>.\u00a0 Di-nalathalang tesis masterado, Ateneo De Manila University, Quezon City, Philippines.<\/p>\n<p>Ang, M.O. (2002).\u00a0 <em>Servant leadership inventory: Its development, validation, and norming<\/em>.\u00a0 Di-nalathalang tesis masterado, De La Salle University, Manila, Philippines.<\/p>\n<p>Avoilo, B.J. (2007).\u00a0 Promoting more integrative strategies for leadership theory-building. <em>American Psychologist, <\/em>62 (1), 25-33.<\/p>\n<p>Bass, B.M. (1990).\u00a0 <em>Bass and Stogdill\u2019s handbook of leadership (Third edition).<\/em>\u00a0 New York: Free Press.<\/p>\n<p>Carlota, A.J. (1997).\u00a0 <em>Panukat ng pagkataong Pilipino (Manual).<\/em>\u00a0 Quezon City: University of the Philippines.<\/p>\n<p>Castillo G.T., P.S. Villanueva, at F.V. Cordero (1962).\u00a0 Leaders and leadership patterns in four selected barrios of Los Ba\u00f1os, Laguna.\u00a0 Nasa bibliograpiyang may anotasyon ni A. Lupdag, <em>In search of Filipino leadership<\/em>.\u00a0 Quezon City: New Day Publishers, 1984, 82-83.<\/p>\n<p>Catanyag, D.V. (1995).\u00a0 <em>Effects of transformational leadership behaviors of public secondary schools principal in the National Capital Region on school effectiveness<\/em>.\u00a0 Di-nalathalang disertasyong doktoral, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.<\/p>\n<p>Chuang, J.B. (1985). <em>Leadership behavior and organizational climate as perceived by administrators and staff at the Stella Maris High School Hualien, East Taiwan<\/em>.\u00a0 Di-nalathalang tesis masterado, De La Salle University, Manila, Philippines.<\/p>\n<p>Cohen, J. (1988).\u00a0 <em>Statistical power analysis for the behavioral sciences.<\/em>\u00a0 Hillsdale, NJ: Erlbaum.<\/p>\n<p>Del Pilar, G.E.III. (2011, Agosto 17-19).\u00a0 The development of the Masaklaw na Panukat ng Loob (MAPA ng Loob).\u00a0 Di-nalathalang papel, 48<sup>th<\/sup> Annual Convention of the Psychological Association of the Philippines, Central Philippine University, Jaro, Iloilo City.<\/p>\n<p>Del Pilar, G.E.III. (2012, Agosto 15-17).\u00a0 Further development of the Masaklaw na Panukat ng Loob (MAPA ng Loob).\u00a0 Di-nalathalang papel, 49<sup>th<\/sup> Annual Convention of the Psychological Association of the Philippines, University of San Carlos, Cebu City.<\/p>\n<p>Del Rosario, M.T.O. at A.M.B. Gregorio (2012, Agosto 15-17).\u00a0 Filipino leadership in the eyes of Filipino youth leaders.\u00a0 Di-nalathalang papel, 49<sup>th<\/sup> Annual Convention of the Psychological Association of the Philippines, University of San Carlos, Cebu City.<\/p>\n<p>DeRue, D.S., J.D. Nahrgang, N. Wellman, at S.E. Humphrey (2011).\u00a0 Trait and behavioral theories of leadership: An integration and meta-analytic test of their relative validity.\u00a0 <em>Personnel Psychology, <\/em>64 (1), 7-52.<\/p>\n<p>Dioquino, M.J.C.Jr. (2001).\u00a0 <em>Leader\u2019s structured\/processual change behavior and organizational processes: An exploratory study<\/em>.\u00a0 Di-nalathalang tesis masterado, Ateneo De Manila University, Quezon City, Philippines.<\/p>\n<p>Dy, R.B. (1982).\u00a0 <em>Leadership behavior and organizational climate of the Philippine Pasay Chuang Hua Academy as perceived by its admininstrators and teachers<\/em>.\u00a0 Di-nalathalang tesis masterado, De La Salle University, Manila, Philippines.<\/p>\n<p>Fahr, J.L. at B.S. Cheng (2000).\u00a0 A cultural analysis of paternalistic leadership in Chinese organizations.\u00a0 Nasa J.T. Li, A.S. Tsui, at E. Weldon (mga pat.), <em>Management and organization in the Chinese context<\/em>.\u00a0 London: Macmillan, 85-127.<\/p>\n<p>French, J.R. at B.H. Raven (1959).\u00a0 The bases of social power.\u00a0 Nasa D. Cartwright (pat.), <em>Studies in social power.<\/em>\u00a0 Michigan: Institute for Social Research, 607-623.<\/p>\n<p>Gaffud, R. (1973).\u00a0 <em>The barrio captain as an opinion leader: A case study of two barrios in San Pablo City<\/em>.\u00a0 Di-nalathalang tesis batsilyer, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.<\/p>\n<p>Janda, K.F. (1960).\u00a0 Towards the explication of the concept of leadership in terms of the concept of power.\u00a0 <em>Human Relations, <\/em>13, 345-363.<\/p>\n<p>John, O.P. at L.P. Naumann (2010).\u00a0 Surviving two critiques by Block? The resilient Big Five have emerged as the paradigm of personality trait psychology.\u00a0 <em>Psychological Inquiry<\/em>, 21, 44-49.<\/p>\n<p>Jocano, F.L. (1990).\u00a0 <em>Management by culture.<\/em>\u00a0 Quezon City: Punlad Research House.<\/p>\n<p>Kouzes, J.M. at B.Z. Posner (1995).\u00a0 <em>The leadership challenge.<\/em>\u00a0 San Francisco: Jossey-Bass.<\/p>\n<p>Lupdag, A.D. (1984).\u00a0 <em>In search of Filipino leadership.<\/em>\u00a0 Quezon City: New Day Publishers.<\/p>\n<p>Mayoralgo-Nolasco, J.M. (2008).\u00a0 East meets West: Differences in leadership.\u00a0 Nasa M.R.M. Hechanova at E.P. Franco (mga pat.), <em>Leading Philippine organizations in a changing world.<\/em>\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 90-101.<\/p>\n<p>Mercado, L.N. (pat.) (1977).\u00a0 <em>Filipino religious psychology.<\/em>\u00a0 Tacloban City: Divine Word Publications at Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>Montenegro, F. (1971).\u00a0 Role analysis of barrio leadership.\u00a0 Nasa bibliograpiyang may anotasyon ni A. Lupdag, <em>In search of Filipino leadership<\/em>.\u00a0 Quezon City: New Day Publishers, 1984, 94.<\/p>\n<p>Muchinsky, P.M. (2007).\u00a0 <em>Psychology applied to work (Eighth edition).<\/em>\u00a0 Singapore: Thomson Learning Asia.<\/p>\n<p>Pratch, L. at J. Jacobowitz (1997).\u00a0 The psychology of leadership in rapidly changing conditions: A structural psychological approach.\u00a0 <em>Genetic, Social, and General Psychology Monographs, <\/em>123 (2), 169-196.<\/p>\n<p>Raven, B.H. (2008).\u00a0 The bases of power and the power\/interaction model of interpersonal influence.\u00a0 <em>Analyses of Social Issues and Public Policy, <\/em>8 (1), 1-22.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1997a).\u00a0 Si Andres Bonifacio at ang kabayanihang Pilipino. <em>Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, <\/em>2.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1997b).\u00a0 Limang panahon ng pamumunong-bayan sa kasaysayan ng Pilipinas.\u00a0 Nasa Education for Life Foundation (ELF), <em>Lider; Pamumunong bayan: Karanasan, katanungan, kinabukasan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Education for Life Foundation, 16-26.<\/p>\n<p>Strickland, S.F. at A.J. Towler (2011).\u00a0 Correlates of creative behaviour: The role of leadership and personal factors.\u00a0 <em>Canadian Journal of Administrative Sciences, <\/em>28 (1), 41-51.<\/p>\n<p>Talisayon, S.D. at M.M. Ramirez (1997).\u00a0 Pamumunong barangay: Ang sikreto ng pamumunong Pilipino.\u00a0 Nasa Education for Life Foundation (ELF), <em>Lider; Pamumunong bayan: Karanasan, katanungan, kinabukasan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Education for Life Foundation, 37-41.<\/p>\n<p>Tizon, M.S. (2010).\u00a0 <em>Entreprenueral leadership behaviors of principals and school engagement<\/em>.\u00a0 Di-nalathalang tesis masterado, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.<\/p>\n<p>Vroom, V.H. at Jago, A.G. (2007).\u00a0 The role of the situation in leadership. \u00a0<em>American Psychologist<\/em>, 62 (1), 17-24.<\/p>\n<p>Yamson, T.E. (1987).\u00a0 <em>Leadership behavior as perceived by the department chairpersons and the teachers of selected Daughters of Charity schools: Its implication for program development<\/em>.\u00a0 Di-nalathalang tesis masterado, De La Salle University, Manila, Philippines.<\/p>\n<p>Yukl, G.A. (2006).\u00a0 <em>Leadership in organizations (Sixth edition).<\/em>\u00a0 New Jersey: Pearson Education, Inc.<\/p>\n<p>Yukl, G.A., A. Gordon, at T.D. Taber (2002).\u00a0 A hierarchical taxonomy of leadership behavior: Integrating a half century of behavior research.\u00a0 <em>Journal of Leadership and Organization Studies, <\/em>9 (1), 15-32.<\/p>\n<p>Zaccaro, S.J. (2007).\u00a0 Trait-based perspectives of leadership.\u00a0 <em>American Psychologist<\/em>, 62 (1), 6-16.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Darren E. Dumaop Psychology Department De La Salle University &#8211; Dasmari\u00f1as (DLSU-D), Cavite, Philippines Abstrak Sa nakalipas na 30 taon, naging karaniwan sa mga pangunahing pamantasan sa Pilipinas ang pag-aaral sa pamumuno bilang proseso at pagpapaliwanag dito sa yunit ng &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-pamumuno-sa-pilipinong-pagtingin-ang-pagkalider-batay-sa-pagtataglay-ng-mga-katangian\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Pamumuno sa Pilipinong Pagtingin: Ang Pagkalider Batay sa Pagtataglay ng mga Katangian<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[6],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/149"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=149"}],"version-history":[{"count":4,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/149\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":289,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/149\/revisions\/289"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=149"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=149"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=149"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}