{"id":1366,"date":"2025-10-31T08:17:28","date_gmt":"2025-10-31T08:17:28","guid":{"rendered":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=1366"},"modified":"2026-06-19T06:34:58","modified_gmt":"2026-06-19T06:34:58","slug":"diwa-e-journal-tomo-10-nobyembre-2025-ginhawa-isang-pananaliksik-ukol-sa-alter-bilang-behikulo-ng-kaginhawaan-sa-konteksto-ng-sekswal-na-kultura-ng-lgbtqia-community","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-10-nobyembre-2025-ginhawa-isang-pananaliksik-ukol-sa-alter-bilang-behikulo-ng-kaginhawaan-sa-konteksto-ng-sekswal-na-kultura-ng-lgbtqia-community\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 10, Nobyembre 2025] #Ginhawa: Isang Pananaliksik Ukol sa Alter Bilang Behikulo ng Kaginhawaan sa Konteksto ng Sekswal na Kultura ng LGBTQIA+ Community"},"content":{"rendered":"\n<p><strong>Aljohn Puzon Estrella<\/strong><br>Departamento ng Agham Panlipunan<br>University of the Philippines (UP), Los Ba\u00f1os, Laguna<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sa gitna ng matagal nang diskriminasyon at marhinalisasyon, lumilikha ang pangkasariang minorya sa Pilipinas ng mga lihim na ligtas na espasyo upang maipahayag ang kanilang sekswal at pangkasariang katotohanan. Isa na rito ang birtwal na espasyo ng&nbsp;Alter&nbsp;sa <em>social media platform<\/em> na X (dating Twitter), kung saan itinatago nila ang kanilang identidad gamit ang mga alyas o <em>pseudonyms<\/em> habang lantarang hinahayag ang kanilang sekswal na kalikasan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pag-aaral na ito, sinuri ang demograpikong katangian ng mga <em>Alter user<\/em> at kung paanong nagsilbing behikulo ng kaginhawaan ang Alter para sa mga pangkasariang minorya sa aspektong sekswal, sikolohikal, pinansyal, at panlipunan. Tinukoy rin sa pananaliksik kung ano ang karaniwang motibasyon ng mga Alter user sa pagpasok sa Alter sa panahon ng pandemya. Gamit ang <em>mixed methods research design<\/em>, na pinagsama ang kwantitatibo at kwalitatibong pamamaraan, nagsagawa ng mga sarbey at panayam na dinalumat ang sekswal na kultura ng Alter. Batay sa pagsusuri ng datos, lumilitaw na karaniwang nakababata, lalake, baysekswal at <em>cisgender <\/em>ang mgaAlter user, mga katangiang bumubuo sa ideyal na imahen sa Alter at maaaring magsilbing&nbsp;<em>erotic capital<\/em>&nbsp;sa naturang espasyo. Lumalabas din na ang paghahangad ng sekswal na kaginhawaan ang pangunahing motibasyon ng mga kalahok sa paggamit ng Alter. Gayunpaman, mahalagang idiin na hindi lamang sekswal na ginhawa ang ibinubunga ng Alter, kundi nagsisilbi rin itong daluyan ng sikolohikal, pinansyal, at panlipunang kaginhawaan. Sa ganitong pananaw, lumilitaw ang konsepto ng&nbsp;ginhawa&nbsp;bilang sentral sa karanasan ng mga <em>Alter user<\/em>, isang multidimensyunalna ginhawa na nagpapaliwanag sa kanilang pakikilahok, at pag-iral sa kabila ng panlipunang pagsikil.<\/p>\n\n\n\n<p>Mga susing salita: Alter, Ginhawa, COVID-19, LGBTQIA+, Ikatlong Espasyo<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Amid enduring discrimination and marginalization, gender minorities in the Philippines have created hidden safe spaces where they can express their sexual identities. One such space is the virtual space of Alter on the social media platform X (formerly Twitter), where users conceal their real identities through aliases or pseudonyms while openly expressing their sexual nature.<\/p>\n\n\n\n<p>This study investigates the demographic profile of Alter users and explores how Alter functions as a vehicle of <em>ginhawa <\/em>(well-being) for gender minorities across sexual, psychological, financial, and social aspects. It also examines the common motivations behind users&#8217; engagement with Alter, particularly during the pandemic. Employing a mixed methods research design that integrates both quantitative and qualitative approaches, the study conducted surveys and interviews to analyze the sexual culture embedded within Alter. Findings reveal that typical Alter users are often young, male, bisexual, and cisgender, characteristics that contribute to an idealized image within Alter and may serve as their erotic capital. Sexual well-being emerged as the primary motivation for participating in Alter. However, it is essential to highlight that Alter extends beyond the pursuit of sexual pleasure; it also serves as a platform for attaining psychological, financial, and social forms of well-being. In this light, the concept of&nbsp;<em>ginhawa<\/em>&nbsp;emerges as central to the lived experience of Alter users, a multidimensional sense of relief and thriving that explains their motivations, participation, and existence within this virtual space despite broader social constraints.<\/p>\n\n\n\n<p>Keywords: Alter, Ginhawa, COVID-19, LGBTQIA+, Third Space<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>PANIMULA<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Bago dumating ang mga kanluraning mananakop sa ating kapuluan ay namamayani na ang malayang paghahayag ng kasarian at sekswalidad, na siyang mababatid sa mga ritwal na isinasagawa ng mga <em>babaylan<\/em> at <em>asog<\/em> o mga pinunong ispiritwal ng sinaunang katutubong paniniwala sa kabisayaan (Garcia, 1996; Santiago, 1996; Quintos, 2012). Ngunit sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol noong 1521, ay nagsimulang lumawak ang impluwensya ng heteronormatibo at heteropatriyarkal na paniniwala na siyang sumikil sa paghahayag ng sekswal na kalikasan ng mga Pilipino (Eviota, 1994). Ito ay bunga ng tahasang pagsasademonyo o pagbabantad ng kasinungalingan sa mga katutubong paniniwala, na noon ay karaniwang kinikilala ang malawak at malayang ekspresyon ng sekswalidad. Kaya bunga ng stigmatikong pananaw ng karamihan ay piniling ikubli ng iilan ang tunay nilang kalikasang sekswal upang umakma at makaiwas sa panghuhusga ng konserbatibong iilan (Hartal, 2017).<\/p>\n\n\n\n<p>Upang makaranas ng panandaliang ginhawa ay lumikha ang pangkasariang minorya ng mga espasyong sekswal na karaniwang nagkukubli sa kadiliman ng gabi, tulad ng mga lumang gusali, mga pampublikong palikuran, at mga lumang sinehan kung saan sila ay palihim na nakikipagtalik (Solis, 2020). Sa pag-unlad ng teknolohiya ay nagbagong hubog ang mga espasyong ito at may ilang nailapat sa birtwal na mundo ng <em>internet <\/em>tulad ng Alter, isang birtwal na plataporma kung saan ay maaari nilang ihayag ang kanilang sekswal at pangkasariang katotohanan (Bautista, 2023).<\/p>\n\n\n\n<p>Ang salitang Alter ay nag-ugat sa salitang <em>alter-ego<\/em>, sa dahilang ang espasyong ito ay karaniwang puntahan ng mga <em>anonymous account<\/em> na itinatago ang kanilang identidad gamit ng mga alyas o pseudonym<em>,<\/em> habang lantarang nagbabahagi ng mga sekswal na larawan at bidyo na siyang naiiba sa karaniwang ipinapakita nila sa lipunan (Cao, 2021). Upang tuluyang maikubli ang kanilang pagkakakilanlan ay gumagamit sila ngmaskara, <em>photoshop<\/em>, o <em>video editor<\/em> upang itago ang mga detalyeng magtutulay sa kanilang tunay na pagkakakilanlan. Matatagpuan ang Alter kapag itinipa sa <em>searchbar<\/em> ng X (dating Twitter) ang salitang #alter, at iba pang hashtag na mayroong sekswal na konotasyon tulad ng #ZoomJakol at #SarapNgPinoy (Piamonte, et al., 2020). Sa pagiging aksesibol din ng espasyo naka-ugnay ang kainaman nito bilang plataporma ng pornograpiya at <em>sex work <\/em>na siyang alternatibong pinagkukunan nila ng pinansyal na ginhawa<em>, <\/em>lalo na sa panahong tumitindi ang kagipitan dahil sa pandemya.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa gitna ng panganib, stigmatikong pagtingin, at posibilidad ng pagkakalantad, ang paglikha at paggamit ng Alter bilang ikatlong espasyo ay maaaring ituring bilang isang anyo ng paghahanap at paglikha ng ginhawa. Ito ay nagsisilbing panandaliang paghinga mula sa paghihigpit ng lipunan. Ang ginhawa dito ay hindi lamang materyal, sa anyo ng pinansyal na kita mula sa sex work, kundi pati na rin sa sikolohikal na aspekto, isang pag-angkin sa sariling sekswalidad, kahit sa anyo ng pagtatago. Sa ganitong diwa, ang Alter ay nagiging kontemporaryong bersyon ng mga nakalipas na espasyong sekswal ng mga marhinalisadong katawan, isang patunay sa likas na pagnanais ng tao ng ugnayan at kalayaan sa kabila ng panganib. Itinatanghal nito ang isang alternatibong lohika ng ginhawa na hindi palaging nakabatay sa kapanatagan o seguridad, kundi minsan ay hinuhubog mismo sa gitna ng panganib at pagkakait.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabila ng lumalawak na presensya ng Alter sa social media platform na X, nananatiling limitado ang mga pananaliksik na nagsusuri kung paanong ang ganitong mga espasyo ay nagsisilbing lunan ng <em>queer resistance<\/em>,&nbsp;ginhawa, at pag-iral lalo na sa konteksto ng Pilipinas. Nilalayon ng pananaliksik na ito na alamin kung paano naging behikulo ng sekswal, sikolohikal, pinansyal, at panlipunang&nbsp;ginhawa(<em>sexual, psychological, <\/em>at <em>social wellbeing<\/em>) ang Alter, pati na rin kung ano ang nagtutulak sa mga Alter users na pumasok at makibahagi rito, partikular noong panahon ng pandemya. Sa ganitong paraan, tumutugon ang pag-aaral sa hamon ng kakulangan ng literatura hinggil sa sekswal na kultura at mga danas ng pangkasariang minorya sa mga alternatibong espasyo. Sa paggamit ng lente ng <em>queer theory<\/em> at <em>third space theory<\/em>, inaasahang makapag-aambag ito sa pagpapalawak ng lokal na <em>queer studies<\/em> at sa mas malalim na pag-unawa sa <em>queer well-being<\/em> na nakaugat sa karanasang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mga Pag-aaral ukol sa Ginhawa at Pag-uugnay Nito sa Espasyo ng Alter<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ang konsepto ng&nbsp;ginhawa&nbsp;ay isang mahalagang ambag ng Sikolohiyang Pilipino sa pag-unawa ng kapanatagan, at kainaman ng kalagayan ng tao. Higit sa pagiging simpleng kawalan ng sakit o hirap, ito ay sumasaklaw sa kabuoang pisikal, emosyonal, espirituwal, at panlipunang kalagayan ng isang indibidwal. Bilang isang dinamiko at kontekstwal na konsepto, ang&nbsp;ginhawa&nbsp;ay hindi nakapirming estado kundi isang proseso ng tuloy-tuloy na pakikibaka upang makamit ang balanse, at kapanatagan sa gitna ng mga hamon ng buhay.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon kay Bautista (2011), ang ginhawa ay isang multidimensyonal na estado ng&nbsp;kabuoan atbalanse&nbsp;kung saan nararamdaman ang sigla, gaan, gana, at ligaya. Sa panahon ng krisis, lalong lumilinaw ang ugnayan ng&nbsp;ginhawa&nbsp;sa kapwa, komunidad, at mga istruktura ng lipunan, isang pananaw na lumilitaw sa pananaliksik sa Alter bilang espasyo ng <em>queer<\/em> na ginhawa. Para sa karanasan ng mga Alter user, ang ginhawa ay naisasabuhay sa pamamagitan ng sigla at gana sa pagtataguyod ng espasyo ng sekswal na ekspresyon, gaan at ligaya sa pagkakaroon ng ugnayang emosyonal, at maging sa pagtatamo ng pinansyal na kapanatagan. Mula rito, maaaring sabihing ang Alter ay hindi lamang plataporma ng aliw kundi isang <em>resilient space<\/em> kung saan muling nabubuo ang pagkatao sa harap ng mga limitasyon ng hegemonikong tradisyunal na pananaw sa ating lipunan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pananaw naman ni Mercado (1994), ang ginhawa ay hindi lamang kawalan ng pagdurusa kundi isang balanse ng katawan, kalooban, at ugnayang panlipunan. Dito, makikita ang Alter bilang kanlungan para sa <em>LGBTQIA+ users<\/em>, lalo na yaong mga nawalan ng espasyong tanggap sila sa tunay na mundo. Sa isang lipunang patuloy na namamayani ang heteronormatibo at heteropatriyarkal na pamantayan, nagbibigay ang Alter ng alternatibong espasyo kung saan maaaring makahanap ng ugnayan, katiwasayan, kapanatagan, at pagkamulat.<\/p>\n\n\n\n<p>Ipinapakita rin ni Concepcion (2015) na sa mga maralitang tagalungsod, ang&nbsp;<em>ginhawa<\/em>&nbsp;ay hindi lamang pisikal kundi may dimensyon ng seguridad sa kabuhayan, at pagkilala. Sa ganitong diwa, ginagamit ng ilang Alter user ang plataporma upang humanap ng kita na ipantutustos hindi lamang para sa sariling pangangailangan kundi para rin sa kanilang pamilya. Mula sa pagbebenta ng <em>erotic content<\/em> hanggang sa <em>escort services<\/em>, lumilitaw ang Alter bilang espasyong tumutugon sa kagipitan, isang mekanismo ng <em>queer survival<\/em> sa harap ng kawalang katiyakan ng pandemya.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kasalukuyang konseptuwalisasyon ng ginhawa, hindi pa malinaw kung saan pumapasok ang&nbsp;<em>sarap<\/em>&nbsp;o sekswal na ginhawa, lalo na sa mga espasyong may kasamang panganib gaya ng Alter. Sa akda ni Ong (2011), binibigyang diin niya na ang&nbsp;sarap, lalo na sa katawan ng babae, ay hindi dapat ituring na malaswa o porno kundi isang lehitimong karanasang may saysay sa pagbuo ng sarili. Sa ganitong pagbasa, ang&nbsp;sarap&nbsp;ay maaaring ituring na porma o bahagi ng&nbsp;<em>ginhawa<\/em>, kahit pa ito ay nararanasan sa gitna ng panganib o stigma. Kaya\u2019t mahalagang isama ang&nbsp;sekswal<em> <\/em>na sarap&nbsp;bilang dimensyon ng&nbsp;ginhawasa pag-unawa sa Alter, kung saan nagsasalubong ang kasiyahan, panganib, at pag-angkin sa katawan.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang sarap,&nbsp;ligaya, at sigla ay maaaring ituring na magkakaugnay na karanasan. Mga magkakapatid na damdaming humuhubog hindi lamang sa katawan kundi maging sa aspektong sikolohikal at panlipunan. Ang&nbsp;sarap, lalo na sa konteksto ng sekswal na ugnayan, ay maaaring magsilbing panimula ng mas malalim na&nbsp;ligaya, isang anyo ng kasiyahan na hindi lamang pisikal, kundi naglalaman din ng sikolohikal na kapanatagan at emosyonal na katubusan. Mula sa ganitong karanasan ay maaaring umusbong ang&nbsp;sigla, ang pakiramdam ng pagiging buhay, at may lakas, kahit pa sa gitna ng panganib o panlipunang panliligalig. Sa ganitong diwa, kahit sa panahon ng pandemya o sa ilalim ng iba\u2019t ibang anyo ng diskriminasyon, may mga sandali ng&nbsp;munting paghinga, mga maliliit ngunit makabuluhang sandali ng paglaya (<em>micro-liberations<\/em>), na nagsisilbing pansamantalang karanasan ng pagpiglas at muling pag-angkin sa sarili.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabuoan, ang konsepto ng&nbsp;ginhawa&nbsp;ay nagiging makapangyarihang lente sa pag-unawa sa espasyo ng Alter. Sa pamamagitan nito, naiuugnay ang mga indibidwal na karanasan sa mas malawak na usaping panlipunan tulad ng diskriminasyon, krisis, kahirapan, at paghahanap ng identidad. Ang Alter, bilang isang <em>queer third space<\/em>, ay hindi lamang espasyo ng aliw kundi tiyak na daluyan ng kaginhawaan at pagkilala, kung saan muling nabubuo at napapanatili ang kabuoan ng sarili sa gitna ng paglalangkap ng personal at panlipunang reyalidad.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mga Katanungan ng Pananaliksik<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Nilalayon ng pananaliksik na ito na alamin kung paano naging behikulo ng kaginhawaan ang Alter para sa pangkasariang minorya sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19. Upang maisakatuparan ito, sinikap sagutin ng pag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:<\/p>\n\n\n\n<ol type=\"1\"><li>Ano ang demograpikong katangian ng mga kalahok batay sa kanilang seks, edad, sekswal na oryentasyon, at katauhang pangkasarian (<em>gender identity<\/em>)?<\/li><li>Ano-ano ang mga karaniwang motibasyon ng mga kalahok sa paggamit ng Alter?<\/li><li>Paano naging daluyan ng sekswal, sikolohikal, pinansyal, at panlipunang kaginhawaan ang&nbsp;Alte<em>r<\/em>&nbsp;para sa pangkasariang minorya sa panahon ng pandemya?<\/li><\/ol>\n\n\n\n<p><strong>Teoretikal at Konseptwal na Balangkas<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ang pag-aaral na ito ay inangkla sa pagsasanib ng Queer Theory at Third Space Theory upang masusing maunawaan ang kulturang sekswal na umiiral sa Alter sa konteksto ng pandemya. Ang Queer Theory ay nagsusulong ng pagkilala sa iba&#8217;t ibang anyo ng sekswalidad at kasariang taliwas sa heteronormatibong balangkas (Butler, 2004; Haber, 2019), habang ang Third Space Theory ay tumutukoy sa mga espasyong nalilikha ng marhinalisadong sektor bilang alternatibo sa mapanupil na estruktura ng lipunan (Bhabha, 1994; Soja, 1998).<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pamamagitan ng paghahabi ng queer theory at third space theory, nabuo ang balangkas na nagbibigay kahulugan sa pagkakalikha ng Alter bilang ikatlong espasyo na nagsisilbing behikulo ng ginhawa para sa pangkasariang minorya. Naiiba ito sa unang espasyo (tahanan, espasyo ng disiplina at heteronormativity) at ikalawang espasyo (lipunan, espasyo ng kultural na moralidad) na madalas hindi kumikilala sa kanilang sekswal na katotohanan. Sa ganitong pananaw, ang Alter ay hindi lamang daluyan ng sekswal na ekspresyon kundi isang anyo rin ng paglaban, pag-iral, at pagkalinga (Hartal, 2017).<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Pigura 1. Modelo ng Alter Bilang Ikatlong Espasyo at Behikulo ng Kaginhawaan<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter size-large\"><img loading=\"lazy\" width=\"1024\" height=\"965\" src=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1-1024x965.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1370\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1-1024x965.png 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1-300x283.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1-768x724.png 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1-100x94.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1-150x141.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1-200x188.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1-450x424.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1-600x565.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1-900x848.png 900w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Pigura-1.png 1477w\" sizes=\"(max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>PAMAMARAAN<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng <em>mixed methods research design<\/em>, isang tipo ng pananaliksik na magkatulad na gumamit ng kwantitatibo at kwalitatibong pamamaraan. Dahil sa pagiging mixed methods ng pananaliksik, pinagsama ang iba&#8217;t ibang instrumento upang makalikom ng mga datos. Kabilang sa mga instrumentong ito ang birtwal na sarbey at gabay sa semi-nakabalangkas na panayam. Ang sarbey at panayam ay idinisenyo upang tumugma sa mga layunin ng pag-aaral, kabilang ang motibasyon ng mga kalahok sa paggamit ng espasyong birtwal na sekswal (Ross, et al., 2007). Ang ilang tanong sa sarbey ay inangkop mula sa pag-aaral nina Rice, et al. (2012) ukol sa sekswal na kultura ng mga <em>virtual networking platform<\/em> samantalang ang gabay sa panayam naman ay batay sa <em>online interview design<\/em> nina Grov, et al. (2014).<\/p>\n\n\n\n<p>Ang epistemolohikal na posisyon ng may-akda ay maaaring ituring na <em>pragmatic<\/em> at <em>postpositivist<\/em>. Ginamit ang parehong kwantitatibo at kwalitatibong pamamaraan upang mas mapalawak ang pag-unawa sa paksa habang ang paggamit ng <em>frequencies<\/em> sa pagsusuri ng datos ay nagpapahiwatig ng paniniwala sa posibilidad ng pagsusukat sa mga panlipunang reyalidad, kahit may limitasyon ang ganitong pagdulog.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mga Kalahok ng Pag-aaral<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ang tatlong daan at limampung (350) kalahok sa pananaliksik na ito ay binubuo ng mga indibidwal na kabilang sa <em>LGBTQIA+ community<\/em> na aktibong kabahagi ng Alter upang humanap ng sekswal, sikolohikal pinansyal, o\/at panlipunang kaginhawaan sa panahon ng pandemya. Upang maging kwalipikado, kinakailangang ang mga kalahok ay nanirahan sa Pilipinas noong kasagsagan ng pandemya at aktibong gumamit ng Twitter bilang birtwal na plataporma ng pakikipag-ugnayan. Hindi nakatuon sa isang partikular na propesyon, antas ng edukasyon, o estado sa buhay ang pagpili ng kalahok, bilang pagpapakita ng inklusibong pamantayan ng pananaliksik. Tingnan ang Talahanayan 1 para sa propayl ng mga kalahok.<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter size-large\"><img loading=\"lazy\" width=\"1024\" height=\"508\" src=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1-1024x508.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1371\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1-1024x508.png 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1-300x149.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1-768x381.png 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1-100x50.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1-150x74.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1-200x99.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1-450x223.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1-600x298.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1-900x447.png 900w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-1.png 1402w\" sizes=\"(max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p><strong>Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Gumamit ang mananaliksik ng <em>purposive <\/em>at <em>snowball sampling technique<\/em> sa pagpili ng mga kalahok mula sa hanay ng mga indibidwal na aktibong bahagi ng <em>Alter community<\/em>. Bilang panimulang hakbang, lumikha siya ng hiwalay na <em>Twitter account<\/em> na eksklusibong inilaan para sa mga layunin ng pananaliksik. Sa pamamagitan ng <em>search bar <\/em>ng Twitter, nagsagawa siya ng sistematikong paghahanap gamit ang mga salitang may sekswal na konotasyon, at ang hashtag na #Alter upang matukoy ang mga posibleng kalahok na pasok sa pamantayan ng pagiging Alter user.<\/p>\n\n\n\n<p>Matapos matukoy ang mga angkop na account, nagpadala ang mananaliksik ng mensahe (<em>direct message<\/em> o DM) na naglalaman ng impormasyon hinggil sa layunin, kahalagahan, at magiging proseso ng kanilang posibleng partisipasyon sa pananaliksik. Ang mga indibidwal na boluntaryong nagpahayag ng interes ay pinadalhan ng <em>online consent form<\/em> na kanilang binasa, sinagutan, at nilagdaan. Binigyang-diin sa komunikasyon na mahigpit na pangangalagaan ang pagiging pribado at kumpidensyal ng lahat ng impormasyong kanilang ibabahagi, alinsunod sa mga probisyon ng nasabing consent form.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa tulong ng mga <em>referral<\/em> mula sa mga naunang kalahok, napalawak pa ng mananaliksik ang <em>network, <\/em>at ugnayan sa iba pang kasapi ng Alter, na lalo pang nagpayaman sa datos na nakalap para sa pag-aaral. Sinikap din ng mananaliksik na magsama ng mga kalahok mula sa iba\u2019t ibang larangan, sekswalidad at tipo ng Alter user upang matiyak ang mas malawak at makatarungang representasyon sa pananaliksik.<\/p>\n\n\n\n<p>Pagkatapos ng sarbey, isinagawa ang mga birtwal na panayam sa mga kalahok na napili sa pamamagitan ng <em>random draw<\/em>. Mula sa bilang na isa (1) hanggang tatlong daan at limampu (350), labinlimang (15) kalahok ang unang napili at inanyayahang sumali sa mga panayam. Sa mga ito, labing-isa (11) lamang ang pumayag, kaya nagsagawa ng ikalawang pagbunot upang mag-anyaya ng karagdagang apat (4) na kalahok, na siyang kalaunan ay tinanggap din ang imbitasyon. Bago simulan ang mga panayam, muling kinumpirma ng mga kalahok ang kanilang pahintulot sa pamamagitan ng paglagda sa panibagong online consent form.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang semi-nakabalangkas na panayam ay hinango mula sa sarbey, at naglapat ng mga karagdagang katanungan para sa paglilinaw ng mga partikular na mahahalagang punto. Sa pagsusuri ng kwalitatibong datos, ginamit ang <em>reflexive thematic analysis<\/em> alinsunod sa anim na hakbang na inilarawan nina Braun at Clarke (2020): (1) pagiging pamilyar sa datos, (2) aktibong paggawa ng mga <em>initial codes<\/em> batay sa mga makabuluhang bahagi ng datos, (3) konstruksyon ng mga temang may saysay sa konteksto ng layunin at teoretikal na lapit ng pananaliksik, (4) patuloy na pagsusuri at rebisyon ng mga temang nabubuo, (5) pagbibigay ng pangalan at masusing pagbibigay-kahulugan sa mga tema, at (6) pagsulat ng ulat. Sa halip na ituring ang mga tema bilang obhetibong katotohanan, kinikilala sa reflexive thematic analysis ang aktibong papel ng mananaliksik sa pagbubuo ng kahulugan, bilang bunga ng patuloy na ugnayan sa datos, tanong ng pananaliksik, at kontekstwal-teoretikal na salik. Gumamit ng <em>coding frame<\/em> upang tiyakin ang sistematikong pagsusuri ng datos at mapanatili ang lohika at <em>consistency<\/em> sa interpretasyon. Ang pagsusuri ay ginabayan ng <em>postpositivist epistemology<\/em>, kung saan kinikilala ang limitasyon ng ganap na obhetibidad ngunit isinasaalang-alang pa rin ang kahalagahan ng ebidensyang empirikal, lohikal na pag-aanalisa, at mapanuring pag-aanalisa ng datos. Ang konseptwal at teoretikal na balangkas ay nagsilbing lente sa pagtanaw ng mga tugon ng mga kalahok, at ang mga piling sipi mula sa panayam ay ginamit upang patunayan at palalimin ang mga tema. Sa ganitong paraan, sinikap ng mananaliksik na makabuo ng mapanuring pagsusuri na may balanse sa pagitan ng interpretasyon at empirikal na batayan.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Pahayag ng <\/strong><strong>Pansariling Posisyon<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ako ay isang bakla, guro, <em>gender rights activist,<\/em> at <em>sexual health advocate<\/em>. Bilang bahagi ng aking adbokasiya at personal na interes sa mga isyung panlipunan, aktibo rin akong gumagamit ng iba\u2019t ibang plataporma sa social media upang mapalawak ang aking kaalaman at makilahok sa mga diskurso. Isa sa mga platapormang aking natuklasan ay ang Alter. Bagamat ako ay hindi kailanman naging Alter user, ang aking pagkakadiskubre nito ay nagbukas ng panibagong pananaw sa kung paano nakikipag-ugnayan ang ibang indibidwal sa mga alternatibong espasyong birtwal, lalo na sa konteksto ng pagkilala sa kanilang sekswalidad at identidad.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang aking posisyon bilang isang guro at aktibista ay mahalagang sangkap sa aking repleksibidad bilang mananaliksik. Ito ay nagbibigay sa akin ng pribilehiyo na magkaroon ng access sa iba&#8217;t ibang kaalaman at perspektiba, ngunit kasabay nito ay nangangailangan din ng masusing pagsusuri sa sarili upang matiyak na hindi ko ipinapataw ang aking sariling pananaw sa mga kalahok sa pananaliksik. Nilayon kong panatilihin ang pagiging bukas, sensitibo, at matapat sa mga karanasang ilalahad ng mga kalahok upang maisakatuparan ang isang pananaliksik na tunay na representasyon ng kanilang mga tinig at reyalidad.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Saklaw at mga Limitasyon ng Pananaliksik<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Bilang bahagi ng responsable, etikal, at repleksibong pananaliksik, mahalagang kilalanin ang mga limitasyong nakakaapekto sa saklaw, metodo, at representasyon ng pananaliksik. Bagamat naglalayong magbigay ng makabuluhang pananaw sa karanasan ng Alter community, may ilang pangunahing hangganan na dapat isaalang-alang.<\/p>\n\n\n\n<p>Una<strong>,<\/strong> ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga indibidwal na aktibong gumagamit ng Twitter, partikular sa LGBTQIA+ community na lumalahok sa Alter, isang espasyong birtwal na siyang tumutugon sa kanilang sekswal, sikolohikal, pinansyal, at panlipunang kaginhawaan. Saklaw ng pag-aaral ang mga Alter user na nakabase sa Pilipinas sa panahon ng pandemya, upang masuri kung paanong ang lokal na konteksto ng krisis pangkalusugan ay nakaapekto sa kanilang karanasan at pakikipag-ugnayan sa nasabing birtwal na espasyo.<\/p>\n\n\n\n<p>Ikalawa<strong>,<\/strong> isinasaalang-alang dito ang parehong mga tagalikha <em>(content creators)<\/em> ng mga erotikong content at ang kanilang mga tagatangkilik <em>(followers)<\/em> sapagkat kapwa mahalaga ang kanilang mga gampanin sa dinamiko ng <em>Alter ecosystem<\/em>. Ang pananaliksik ay isinagawa mula Mayo hanggang Oktubre 2021. Ang pangangalap ng datos ay isinakatuparan sa pamamagitan ng mga birtwal na sarbey at panayam, na isinagawa alinsunod sa mga umiiral na <em>health protocols<\/em> bunsod ng pandemya.<\/p>\n\n\n\n<p>Ikatlo<strong>,<\/strong> may limitasyon ang representasyon ng mga kalahok sa pananaliksik. Karamihan sa mga lumahok sa sarbey ay mga <em>exhibitionist, retweeting,<\/em> at <em>lurker Alters<\/em> (Piamonte et al., 2020). Bagamat may saysay at kabuluhan ang kanilang mga pananaw, hindi nito ganap na nailalarawan ang kabuoan at pagkakaiba-iba ng mga <em>Alter identities<\/em> at kanilang karanasan. Gayunpaman, natugunan ito sa pamamagitan ng malaking bilang ng mga <em>for-pay Alters<\/em> o <em>erotic content creators <\/em>na lumahok sa bahagi ng panayam.<\/p>\n\n\n\n<p>Ika-apat<strong>,<\/strong> ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng <em>self-reported methods<\/em> gaya ng sarbey at panayam, na maaaring maapektuhan ng <em>social desirability bias<\/em> (Nederhof, 1985). Dahil sa sensitibong konteksto ng Alter, posible ring may mga impormasyong hindi buong inilantad o sinadyang baguhin ng mga kalahok upang mapanatili ang positibong imahe ng sarili.<\/p>\n\n\n\n<p>Panghuli<strong>,<\/strong> ang temporal na saklaw ng pananaliksik ay naka-angkla sa panahon ng pandemya. Isinagawa ang pag-aaral sa kasagsagan ng pandemya, kaya\u2019t ang mga diskursong nailahad ay maaaring nakatali lamang sa partikular na kontekstong ito, at maaaring hindi ganap na naaangkop sa mga karanasan ng Alter community sa panahon bago at pagkatapos ng pandemya.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>ETIKA NG PANANALIKSIK<\/strong> <\/p>\n\n\n\n<p>Ang pag-aaral ay sumunod sa mabusising prosesong etikal upang mapangalagaan ang kaligtasan, at kapakanan ng mga kalahok mula sa Alter community. Ang kanilang <em>anonymity <\/em>ay pinanatili sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong pseudonym upang tiyakin ang pagiging kumpidensyal ng kanilang tunay na identidad. Ang paglahok ay boluntaryo na may malinaw na pahintulot na nakuha sa pamamagitan ng komprehensibong online consent forms na nagdedetalye sa layunin, saklaw, at posibleng implikasyon ng pag-aaral. Upang higit pang matiyak ang pagiging kumpidensyal, ang pag-access sa hilaw na datos ay limitado lamang sa mananaliksik, at ang datos ligtas na inimbak sa isang dedikadong <em>external hard drive<\/em> na nakakandado sa isang tiyak na lokasyon. Ang pagsusuri ng datos ay isinagawa nang patas at malinaw, alinsunod sa mahigpit na metodolohikal na mga panuntunan <\/p>\n\n\n\n<p>upang mapanatili ang kawalan ng kinikilingan, at tiyakin ang patas na balanse sa pagitan ng mga posibleng panganib at benepisyo.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang prinsipyo ng <em>beneficence <\/em>at<em> non-maleficence<\/em> ang naging saligan ng pananaliksik kaya pinagtibay ang mga hakbang upang maiwasan ang anumang pinsala sa mga kalahok, kabilang na ang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga kalahok na umatras sa paglahok at tumanggi sa pagsagot ng mga sensitibong katanungan. Bilang pagkilala sa posibilidad ng sikolohikal na pinsala sa mga kalahok, may lisensyadong sikolohistang pang-klinika na naka-antabay sa pagsuporta, at ano mang gastusin na may kaugnayan sa posibleng medikal na atensyon na kakailanganin ay sasagutin ng mananaliksik, bilang pagtitiyak na ang kapakanan ng mga kalahok ay nanatiling pangunahing konsiderasyon sa buong proseso ng pag-aaral.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mga etikal na konsiderasyon ng pananaliksik na nakasaad sa itaas ay inaprubahan ng kolehiyong kinaaaniban ng mananaliksik para sa kanyang gradwadong pag-aaral noong ika-22 ng Abril, 2021.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>MGA KINASAPITAN AT DISKUSYON<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Ang Espasyo o Komunidad ng Alter Bilang Behikulo ng Kaginhawaan<\/em><\/strong><strong><em><\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ang Alter, ay isang espasyo o komunidad na maaaring nag-ugat ang katawagan sa salitang <em>alternative<\/em> o <em>alter-ego<\/em> sa dahilang ang Alter na nasa loob ng <em>social media platform<\/em> na X (dating Twitter) ay karaniwang puntahan ng mga <em>anonymous X accounts<\/em> na itinatago ang kanilang identidad gamit ng mga alyas o pseudonyms, habang lantarang hinahayag ang kanilang sekswal na kalikasan sa iba\u2019t ibang paraan na siyang iba sa karaniwang ipinapakita nila sa ating lipunan (Piamonte, et al., 2020). Nagsisilbing ligtas na espasyo ang Alter dahil dito ay malaya nilang naibabahagi ang kanilang mga saloobin at pagnanasa, na hindi iniisip kung ito ba ay makakaapekto sa kanilang identidad (Cao, 2024).<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mga pahayag nina Dexter at Sam ay nagpapahiwatig ng mas malalim na gamit ng Alter bilang isang third space, isang espasyong <em>liminal <\/em>kung saan nagkakaroon ng puwang ang mga identidad na hindi lubos na natatanggap sa dominanteng lipunan (Bhabha, 1994). Sa espasyong ito, nalilikha ang mga&nbsp;<em>hybrid identit<\/em><em>y<\/em>&nbsp;na sumasalungat, at bumubuo ng mga bagong umiiral na pananaw ukol sa kasarian at sekswalidad. Sa pamamagitan ng aktibong paglahok sa Alter, naipapahayag ng mga queerang kanilang sarili sa paraang hindi posible sa mga espasyong pinaghaharian ng heteronormatibo at cisnormatibong kaisipan.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Kapag nasa Alter ako, I feel so free! Iba talaga yung ginhawang nararamdaman ko. I\u2019ve been to many queer safe spaces tulad ng Obar and Nectar pero yung expressive freedom na nararamdaman ko sa Alter iba talaga. Parang yung feeling kapag nakahubad ako sa room, willing ako to be vulnerable sa mga nakakausap ko, at magshare ng mga struggles ko, especially this pandemic<\/em> <em>(Dexter, 27).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>A place where you can express yourself without any prejudice coming from bigoted members of our society. Kahit puro tite minsan sa Alter, I still consider it as my safe space. One of the main reasons why I created Alter ay para kilalanin ang queerness ko. I am a victim of discrimination from my own family and other members of our society, kaya malaking pahinga talaga sa akin ang Alter<\/em> <em>(Sam, 20).<\/em> Sa gitna ng diskriminasyon at marhinalisasyon, nagiging ligtas at nakagiginhawang espasyo ang Alter para sa paglikha ng mga alternatibong naratibo ng identidad. Gaya ng ipinapahiwatig ni Doan (2007), <\/p>\n\n\n\n<p>ang lantad na aksyon ay isang paraan ng paglikha ng ligtas na espasyo para sa mga taong kinikilala ang sarili bilang queer. Sa Alter, ang <em>queer self<\/em> ay hindi itinatago kundi isinusulong, isang mapagpalayang kilos ng pag-angkin sa sariling katawan, sekswalidad, at kasaysayan. Sa gayon, naipapamalas ang sinasabi nina Concepcion (2015) at Macawili (2023) na ang ginhawa ay isang anyo ng pagkilala at pag-iral sa kabila ng panlipunang pagsikil.<\/p>\n\n\n\n<p>Matatagpuan ang naturang espasyo kapag tinipa mo sa search bar ang salitang #Alter o kahit anong hashtag na mayroong sekswal na konotasyon (Bautista, 2023). Walang tiyak na naratibo na pumapatungkol sa panahon kung kailan, saan at paano nagsimula ang Alter dahil sa komplikadong kayarian ng espasyo, ngunit ayon kay Charles, sa mga taong 2015, 2019 at 2020 yumabong at pinakalumaki ang bilang ng mga Alter user.<\/p>\n\n\n\n<p><em>I started using Alter since 2015 na masasabi kong one of the Golden eras of Alter. Sobrang dami namin noon at very respectful pa yung community. Tapos there are a lot of changes since dumating ang pandemic. Year 2019, 2020 around June dumami bigla ang mga content creators at ngayon mas <\/em><em>marami ang Alter na nagfeface reveal<\/em> <em>(Charles, 24).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Mapapansin na maraming mga Alter userang nahuhumaling sa paggamit ng Alter dahil sa pagiging lihim ng iba\u2019t ibang dimensyon nito, na siyang nagpapatindi sa pananabik ng mga gumagamit na tuklasin ang naturang mga lihim (Ross, et al., 2007). Maiuugnay natin ito sa pahayag ni Limwell na nagpapakita ng kanyang pananabik sa paggamit ng Alter.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Alter is somewhat a very exciting place because everything seems surprising. From the reveal of their identities kapag nagmeet na kayo, from their POVs kapag nag-uusap na kayo after sex. Lahat yun is something na very refreshing and very in need especially in these trying times. Laking relief sa sanity ko ang connection na naibibigay ng Alter ngayong pandemic<\/em> <em>(Limwell, 22).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Sa halip na ituring lamang ito bilang simpleng pahayag ng kasabikan, maaari itong basahin bilang manipestasyon ng mas malalim na pagnanasa sa panlipunang ugnayan, at pag-angkin sa sarili sa loob ng birtuwal na espasyo. Sa konteksto ng Alter, ang mga kilos tulad ng pagbubunyag ng identidad, pakikipag-ugnayan pagkatapos ng akto ng seks, at pagbabahagi ng sariling pananaw ay hindi lamang personal na karanasan, kundi maaaring ituring na paraan ng pagpapalawak ng sarili, at paghahanap ng ugnayan sa gitna ng impersonalidad ng birtuwal na mundo.<\/p>\n\n\n\n<p>Kalakip nito ay ang tinatawag na&nbsp;<em>micro liberations<\/em>, isang terminong inihahain sa papel na ito upang ilarawan ang mga maliliit ngunit makapangyarihang pagpiglas mula sa mga limitasyon ng lipunan, tulad ng regulasyon sa katawan, sekswalidad, at identidad. Nakaangkla ito sa&nbsp;<em>micro-resistance<\/em>&nbsp;nina Cavar at Baril (2021), na tumutukoy sa mga anyo ng <em>digital resistance<\/em> sa gitna ng marhinalisasyon. Sa Alter, nabibigyan ng pagkakataon ang mga Alter user na magtangka ng mga maliliit ngunit makapangyarihang pagtakas mula sa limitasyon ng lipunan, tulad ng mga regulasyon sa katawan, sekswalidad, at identidad. Ang mga sandaling ito ng micro liberations ay hindi lamang nagpapakita ng emosyonal na kalayaan, kundi nagiging isang&nbsp;pansamantalang pagtakas&nbsp;mula sa mga pamantayan ng lipunan na kadalasang naglalagay ng hadlang sa pagpapahayag ng tunay na sarili. Ang mga paglalarawan ni Limwell na <em>\u201csurprise\u201d<\/em> at <em>\u201crefreshing\u201d<\/em> ay isang patunay ng ganitong uri ng paglaya, isang pag-angkin sa kalayaang personal at sekswal na madalas ipinagkakait sa tunay na mundo, lalo na sa panahon ng pandemya kung kailan higit pang nagnanasa ang mga tao sa ugnayan, presensya, at pagkilala.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Talahanayan 2. Demograpikong Katangian ng mga Kalahok<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter size-large\"><img loading=\"lazy\" width=\"986\" height=\"763\" src=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-2.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1372\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-2.png 986w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-2-300x232.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-2-768x594.png 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-2-100x77.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-2-150x116.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-2-200x155.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-2-450x348.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-2-600x464.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-2-900x696.png 900w\" sizes=\"(max-width: 986px) 100vw, 986px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Ipinapakita ng talahanayan blg. 2 na ang mga Alter ay karaniwang nakababata (edad 18 hanggang 20), lalake, baysekswal at cisgender. Ang mas mataas na bilang ng mga lalaking Alter user ay maaaring maiugnay sa pag-aaral ni Sumter (2017) ukol sa <em>hookup culture<\/em> ng mga <em>social media site<\/em> kung saan lumalabas na mas karaniwan ang pagkahilig sa mga panandaliang ugnayang sekswal o <em>hookups<\/em> ng mga kalalakihan kumpara sa kababaihan dahil na rin sa kawalan ng posibilidad ng pagdadalantao, lalo na sa mga homosekswal na ugnayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Maaari ring ipalagay na ang pagdami ng mga nakababatang kalalakihang aktibo sa Alter ay hindi lamang bunga ng sekswal na eksplorasyon kundi bahagi rin ng pagbuo at paggamit ng kanilang erotic capital, isang konseptong tumutukoy sa kakayahang gamitin ang sariling katawan at sekswalidad bilang anyo ng simbolikong kapital upang makalikha ng ugnayan, impluwensiya, at balidasyon ng sarili sa loob ng isang espasyo (Hakim, 2010). Sa Alter, ang pagiging bata, matikas, daks (malaki ang ari), at guwapo ay itinuturing na ideyal na imahen ng makakatalik na siyang nagbibigay sa kanila ng impluwensya, atensyon, at koneksyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa halip na simpleng sabihing mas <em>sexually active<\/em> ang mga kalalakihang kabataan, maaaring mas malalim na unawain ang kanilang pagkilos bilang pagmamaniobra ng katawan at sekswalidad upang makamit ang pakikisangkot, dominansya, at balidasyon sa loob ng Alter.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa aspekto ng sekswal na oryentasyon, may ilang kalahok sa panayam ang naglahad na ang mataas na bilang ng mga baysekswal ay maaaring maiugnay sa patuloy na pagkalito at maling pananaw ukol sa baysekswalidad sa loob ng komunidad ng Alter, gaya ng ipinahayag ni Kelvin.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Bata pa lang po, attracted na ako both guys and girls kaya malinaw po sa akin kung ano po ang pagiging bisexual. There are people here in Alter kase na may misconception kung ano ang bi? There are dudes here na tend to think na masculine gays ang pagiging bi<\/em> <em>(Kelvin, 18).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>May ilang Alter user na ipinapalagay na ang baysekswal ay isang matikas na bakla na hindi halata ang pagiging bakla, o yung tinatawag na <em>straight passing<\/em>, at ang <em>gay<\/em> ay lantarang mga bakla. Isa itong palatandaan ng laganap na maling pagkaunawa sa mga terminolohiyang pangkasarian na nakaugat sa marhinalisasyon ng ibang identidad (Hayfield, et al., 2018).<\/p>\n\n\n\n<p>Sa aspekto ng katauhang pangkasarian, lumilitaw na karamihan ng mga Alter user ay cisgender, ibig sabihin, ang kanilang katauhang pangkasarian ay umaayon sa kasariang itinalaga sa kanila buhat sa kanilang kapanganakan. Kaugnay nito, batay sa salaysay ni Minerva, mapapansin na ang mga transgenderna minorya sa Alter ay madalas na nakararanas ng marhinalisasyon maging sa Alter sa kabila na ito ay kinikilalang ligtas na espasyo para sa pangkasariang minorya (Reyes, et al., 2024; Budge, et al., 2014).<\/p>\n\n\n\n<p><em>Normal naman dito sa Alter ang heteronormative thinking na kapag straight passing kang gay man ay mandidiscriminate ka ng mga effeminate and mga transgender woman like me. Ilang beses na ako actually, nakatanggap ng random hateful comments here because may mga Alter users na iniisip na there\u2019s no place for a transgender woman here in Alter. Ending, minura ko nga ang tatay mong bigoted! (Minerva, 25).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Ang heteronormatibong pananaw ng ilang cisgender o straight passing sa Alter ay nagiging sanhi ng marhinalisasyon ng mga transgender na sumasalungat sa mga nakagawiang pananaw ukol sa kasarian (UNDP at USAID, 2014). Ang ganitong mga pananaw ay ginagamit upang bigyang-katwiran ang diskriminasyon sa mga hindi umaangkop sa pamantayan ng heteronormatibidad (Herek, 2004).<\/p>\n\n\n\n<p><em>Madalas po akong nadidiscriminate dahil halata po ako, may bigla nga pongmagmemessage sakin na ang kapal daw ng mukha ko at nag-aalter ako kahit effem daw ako. Sabi ko nga paki mo ba, sarili ko namang katawan at diskarte ito. <\/em><em>Saka kung sino pa ang ganon sila pa maliliit mga tite. Kasi kahit malambot ako malaki tite ko hahaha!<\/em> <em>(Mikay, 19).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>There\u2019s one-time na bigla akong iniwan ng kameet ko na walang pasabi dahil nga sobrang lambot ko in person, sobrang pissed off ko, kasi I travelled so far tapos biglang sayang pala ang effort ko. <\/em><em>Di man lang ako nakapaglabas ng galit sa kanya kasi he blocked me right away puta!<\/em> <em>(Madonna, 50).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Ipinapakita ng mga karanasang ito na mayroong mas marhinalisadong <em>subgroup<\/em> sa loob ng isang marhinalisadong sektor. Ang mga transgender at <em>effeminate <\/em>na Alter user ay madalas na nakararanas ng diskriminasyon mula mismo sa kapwa nila LGBTQIA+, na nakaugat sa heteronormatibo at heteropatriyarkal na pananaw (Warriner, Nagoshi, at Nagoshi, 2013). Patunay ito na hindi perpekto ang Alter, mas inklusibo man ito kumpara sa ibang espasyo ngunit may mga identidad na nakararanas pa rin ng marhinalisasyon, dahil kung pagbabatayan ang konsepto ng interseksyunalidad ay lumalabas na higit na bulnerable at marhinalisado ang mga effeminate at transgender (Golden &amp; Oransky, 2019).<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Talahanayan 3. Motibasyon sa Paggamit ng Alter sa Panahon ng Pandemya<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter size-large\"><img loading=\"lazy\" width=\"1024\" height=\"399\" src=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3-1024x399.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1373\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3-1024x399.png 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3-300x117.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3-768x300.png 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3-100x39.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3-150x59.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3-200x78.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3-450x176.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3-600x234.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3-900x351.png 900w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Estrella-Talahanayan-3.png 1351w\" sizes=\"(max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Magkatulad na ipinapakita ng kwantitatibo (Talahanayan 3) at kwalitatibong datos na ang pangunahing motibasyon ng mga kalahok sa paggamit ng Alter ay upang matugunan ang kanilang sekswal na pangangailangan (Piamonte, et al., 2020), na tumutugma sa pangunahing aktibidad sa loob ng Alter na pagpapalitan ng mga sekswal na larawan at bidyo o &#8220;ayuda&#8221; sa pagitan ng mga Alter user. Bukod sa pagtugon sa pangangailangang sekswal ay malaki rin ang bilang ng mga kalahok na ibinahagi na ginagamit din nila ang Alter para sa pakikipagkaibigan o paghahanap ng makakausap. Ang sentimyentong ito ay pinagtitibay ng ibinahagi ni Limwell:<\/p>\n\n\n\n<p><em>Hypocrite naman ako if I will say na di para masatisfy ang carnal desires ko, malaking part non yung bagay na yun. Pero malaking aspect din syempre ang pagbubuild ng connection sa mga taong nakakaunawa sa situation mo, na di ka ijujudge dahil iba ka society na part ka. Sobrang laking tulong talaga sa mental health ko ng Alter ngayong pandemic kaya mababaliw ako talaga kapag wala nito (Limwell, 22).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Binigyang-diin naman ni Matthew ang halaga ng anonymity sa pagbabahagi ng kanyang saloobin.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Simple lang, gusto kong makaka-usap ng mga katulad kong hindi pa sure sa sexuality nila nang hindi ko kailangan na ireveal ang identity ko. Mas madaling mag-open kung hindi mo kilala ng lubusan ang kausap mo. Syempre, di ko rin naman itatanggi na gumagamit din ako ng Alter para rin sa sexual needs (Matthew, 21).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Kung pagbabatayan ang mga datos, maitataya na ang Alter ay hindi lamang isang behikulo ng sekswal na ginhawa kundi pati na rin ng sikolohikal na kaginhawaan. Makikita ito sa pagkakataong ibinibigay nito upang makalikha ng mga ugnayan sa birtwal na espasyo, sa pagiging buk\u00e1s at mas inklusibo ng naturang komunidad, at sa kalayaang maihayag ng mga Alter user ang saloobin sa mga taong hindi nila lubusang kilala (dahil sa anonymity) nang walang pangambang sila ay mahusgahan.<\/p>\n\n\n\n<p>Maiuugnay natin ito sa konsepto ng ginhawa ni Bautista (2011) na tinitingnan ang ginhawa bilang isang multidimensyunal na karanasan na sumasaklaw hindi lamang sa pisikal na kalusugan kundi pati na rin sa sikolohikal, at panlipunang aspekto ng isang indibidwal. Inilalarawan niya ito bilang isang estado ng balanse at kabuoan, may sigla sa buhay, gana sa ginagawa, at gaan sa pakikitungo sa iba. Sa kontekstong ito, nagiging espasyo ang Alter para sa ginhawa hindi lang sa pisikal kundi pati sa sikolohikal at panlipunang antas. Tulad ng kaisipan ni Bautista, ang&nbsp;ginhawa&nbsp;ay isang dinamikong proseso na naiimpluwensyahan ng ugnayan sa iba. Para sa mga Alter user, nagiging paraan ito upang maibsan ang pakiramdam ng pagka-estranghero, makahanap ng komunidad, at maranasan ang isang anyo ng ginhawa sa gitna ng isang lipunang maaaring hindi pa ganap na tanggap ang kanilang pagkatao.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Talahanayan 4. Bilang ng Kalahok na Sex Worker<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter size-large\"><img loading=\"lazy\" width=\"1024\" height=\"156\" src=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4-1024x156.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1484\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4-1024x156.png 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4-300x46.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4-768x117.png 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4-100x15.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4-150x23.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4-200x31.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4-450x69.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4-600x92.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4-900x137.png 900w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-4.png 1087w\" sizes=\"(max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Malaking bilang ng mga Alter user ang nagsasabi na ginagamit nila ang Alter upang matugunan ang kanilang pangangailangang pinansyal, na pinagtitibay ng malawakang presensya ng iba\u2019t ibang anyo ng gawaing sekswal sa loob ng espasyo (Talahanayan 4). Mayroon itong iba\u2019t ibang porma na siyang ibinahagi ni Kelvin:<\/p>\n\n\n\n<p><em>Marami sa amin dito sa Alter ang pokpok. May iba na content creators lang, gumagawa ng sex video, minsan solo, minsan may kasama. Meron ding content creators na tumatanggap din ng booking o nag-eescort. Tapos may mga masahista na nag-aalok ng extra service at kalaunan ginamit na rin ang Alter para ipromote yung spa nila o yung sarili nilang mga page<\/em> <em>(Kelvin, 18).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Ang salaysay ni Kelvin ay nagbibigay-liwanag sa malawak at sistematikong paraan ng paglikha at pagkakalakal ng sekswal na serbisyo sa Alter. Ang mga pormang ito mula sa erotic content, escort service, at <em>sensual massage<\/em> ay nagpapakita na ang Alter ay nagsisilbing mainam na espasyo para sa birtuwalna sex work. Hindi lamang ito plataporma ng personal na ekspresyon kundi ng ekonomiyang nakaugat sa sekswal na kahingian. Ang mga hashtag gaya ng #alter ay nagiging estratehiya ng <em>digital visibility<\/em> at <em>sexual commerce<\/em>. Sa kontekstong ito, makikita ang konsepto ng pinansyal na ginhawa, isang anyo ng ginhawa na hindi lamang nakasandig sa pisikal o sikolohikal na aspeto kundi sa kakayahang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan. Sa panahon ng pandemya kung kailan maraming nawalan ng pagkakakitaan, nagiging <em>survival strategy<\/em> ang sex work sa Alter. Ang plataporma ay nagkakaloob ng <em>low barrier entry<\/em> sa isang uri ng hanapbuhay na bagamat may stigma ay nagbibigay ng agarang kita at kontrol sa sariling katawan at oras (Dorsey, Craddock, &amp; Howard-Howell, 2022).<\/p>\n\n\n\n<p>Gayunman, kasabay ng mga oportunidad ay mga panganib. Ang mekanismo ng anonymity ay maaaring magdulot ng <em>exploitation<\/em> at kawalan ng legal na proteksyon. Sa kabila nito, patuloy na ginagamit ng ilan ang Alter bilang midyum ng pagkontrol sa sarili nilang naratibo at kapalaran. Sa ganitong pagtingin, ang sex work sa Alter ay hindi dapat basta husgahan bilang kahinaan, kundi basahin din bilang anyo ng resistance, negosasyon, at pakikibaka para sa kabuhayan sa isang lipunang madalas na mapanghusga.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Talahanayan 5. Motibasyon sa Pagpasok sa Sex Work ng Ilang Alter User<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter size-large\"><img loading=\"lazy\" width=\"1024\" height=\"375\" src=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5-1024x375.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1485\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5-1024x375.png 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5-300x110.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5-768x281.png 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5-100x37.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5-150x55.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5-200x73.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5-450x165.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5-600x219.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5-900x329.png 900w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Estrella-Talahanayan-5.png 1077w\" sizes=\"(max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Ang datos sa Talahanayan 5 ay nagpapakita na ang pangunahing nagtutulak sa ilang Alter user na pumasok sa sex work ay pangangailangang pinansyal, kung saan 54.65% ang nagnanais ng karagdagang kita at 46.51% ang umaasang kumita ng mas malaking halaga. Ang mga pahayag ng mga kalahok ay nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng kahirapan, katawan, at sekswalidad sa harap ng isang sistemang humuhubog kung sino ang mayaccesssa kabuhayan at karapatan. Tulad ng sinabi ni Kelvin:<\/p>\n\n\n\n<p><em>Talagang kailangan ko ng pera; ayokong maging pabigat sa nanay ko ngayong nasa kolehiyo na ako at marami pa akong kapatid na nag-aaral din. Dahil may itsura naman ako, bakit hindi ko na lang gamitin ito para kumita kaysa hayaang masayang? Desperado na kung sabihin nilang desperado, pokpok na kung sabihin nilang pokpok pero lumalaban ako ng patas at walang tinatapakang ibang tao<\/em>&nbsp;<em>(Kelvin, 18).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Sa kontekstong ito, makikita na ang katawan ay hindi lamang produkto kundi isang porma ng ahensya, isang paraan upang baguhin ang kapalaran sa kabila ng moral na panlilibak. Ayon kay Mu\u00f1oz (2019), may mga espasyo na tinatawag na <em>queer utopia<\/em>, mga espasyo kung saan nabibigyan ng posibilidad ang ibang paraan ng pamumuhay sa kabila ng mga limitasyon ng kasalukuyang lipunan. Maaaring ituring ang Alter bilang ganitong uri ng espasyo: hindi perpekto subalit nagiging daluyan ng posibilidad sa gitna ng pagkalugmok. Makikita ito sa pahayag ni Minerva, na nagsalita mula sa karanasan ng pagiging isang <em>transgender woman<\/em>:<\/p>\n\n\n\n<p><em>Wala na, I\u2019m so desperate na dahil simula noong natanggal ako sa BPO company ko that time ay hindi ko alam kung saan maghahanap ng trabaho lalo kailangang-kailangan ako ng fam ko. As a transgender woman ramdam ko ang discrimination when it comes to applying for jobs sa ibang industry kaya act of desperation na talaga itong pag-a<\/em><em>-Alter. Di ko naman sinasabing sa hindi ko naeenjoy somewhat itong ginagawa ko pero if may iba akong option, eh di naman ito ang pipiliin ko. Before, I even tell my other trans friends na never ako mag cybora pero eto ako ngayon, Pocahontas na<\/em> <em>(Minerva, 25).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Mula sa perspektibo ng queer theory, ipinapakita ng pahayag ni Minerva ang marhinalisasyon na danas ng mga transgender sa <em>labor market<\/em>. Ang pagpili niya sa sex work sa Alter ay hindi lamang bunga ng pangangailangan kundi isang sistematikong pagtanggi ng lipunan sa kanilang katawang queer (<em>queer bodies<\/em>), mga katawan at katauhan na hindi akma sa heteronormatibong pamantayan. Sinasabi ni Butler (2002) na ang kasarian ay <em>performative<\/em> at maaaring gamitin bilang porma ng bisibilidad<em>.<\/em> Maiuugnay natin ito sa pahayag ni Minerva kung paanong ang kanyang pagiging <em>trans<\/em> ay hindi lamang identidad, kundi isang pakikibaka.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mga salaysay nina Neil at Mikay ay nagpapakita rin ng <em>queer precarity<\/em>, ang ideya na ang queer bodies ay mas bulnerable sa kahirapan dahil sa kawalan ng access sa serbisyong pangkalusugan at edukasyon.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Sana makapag-ipon ako para makabili ng laptop para sa pag-aaral. Pahirap na nang pahirap ang pag-aaral sa computer shop at nakakahiya na ang paghiram ng desktop ng mga pinsan ko<\/em>&nbsp;<em>(Neil, 20).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Ang kanyang pahayag ay hindi lamang salaysay ng isang mag-aaral na naghahangad ng kasangkapan sa edukasyon, kundi representasyon ng estado ng kawalan, kung saan ang mga hamon ng <em>distance learning<\/em> ay nagiging <em>gatekeeper<\/em> sa kanyang pag-angat, at ang Alter ay nagiging tanging pinto.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Oo, kailangan kong kumita ng pera para makabili ng pills para pang-transition. Mahirap mag-transition kung wala kang sapat na mapagkukunan, kaya tinatanggap ko ang mga ganitong raket&nbsp;(Mikay, 19).<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Ang pangangailangang makabili ng <em>hormones <\/em>para sa kanyang <em>transitioning<\/em> ay hindi lamang medikal na isyu. Ang access sa <em>gender-affirming care<\/em> ay isang usapin ng buhay at dignidad. Ang kawalan ng libreng serbisyong ito mula sa estado ay isang uri ng <em>structural erasure<\/em> kung saan ang mga transgender ay itinutulak na lumihis patungo sa <em>underground economies<\/em> gaya ng sex work na ilegal sa Pilipinas. Dito naipapakita ang lalim ng desisyon ng mga Alter user; hindi lamang ito simpleng pagpili ng trabaho kundi isang pagtindig sa harap ng mga puwersang naglilimita sa kanila. Tulad ng ipinaliwanag ni Halberstam (2021) sa konsepto ng <em>queer failure,<\/em> ang paglayo sa heteronormatibong ideya ng tagumpay (halimbawa, 9-to-5 job, tradisyunal na hanapbuhay) ay maaaring pagbubukas ng alternatibong posibilidad, mga posibilidad na madalas ay tinatanggihan ng lipunan ngunit nagsisilbing daan sa sariling bersyon ng ginhawa at tagumpay.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa puntong ito, maaaring ituring ang Alter bilang isang third space, isang espasyong liminalkung saan nalilikha ang mga hybrid identity at relasyong panlipunan sa pagitan ng umiiral na mga istruktura at ng mga alternatibong pamamaraan ng pag-iral. Sa ganitong espasyo, nagkakaroon ng posibilidad ang muling pagbasa, pagbago, at pagbuwag sa mga dominanteng ideolohiya at hegemonikong diskurso (Bhabha, 1994). Hindi ito maituturing na isang simpleng lugar ng pagkakasala kundi isang makapangyarihang espasyo ng paglikha ng sariling naratibo, ahensya, at alternatibong kahulugan ng ginhawa. Ang paggamit ng Alter ng mga Alter user ay nagpapamalas ng kanilang aktibong paglahok sa pagbuo ng espasyong maaaring maghatid ng pansamantalang ginhawa, representasyon, at negosasyon ng kanilang posisyon bilang mga queerna nakapaloob sa kontekstong marhinalisado. Sa pagtingin mula sa third space theory at sa queer theory, lumilitaw ang kanilang mga karanasan hindi lamang bilang anyo ng pagsasakripisyo kundi bilang pagpapahayag ng pagtutol, pag-angkin sa espasyo, at paglikha ng panibagong identidad na sumasalungat sa mga pamantayang itinatakda ng dominanteng lipunan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>KONGKLUSYON<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sa pagitan ng umiiral na sistematikong diskriminasyon at marhinalisasyon na kinakaharap ng pangkasariang minorya, umusbong ang Alter bilang espasyo ng pag-angkin at paghubog ng mga katawang queer na siyang karaniwang binubura sa hegemonikong naratibo ng lipunan. Bilang isang queer third space, hindi lamang ito nagsisilbing alternatibong espasyo kundi isa ring daluyan ng resistance, paghilom, pag-iral, at ginhawa.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa aspekto ng demograpikong katangian ng mga Alter user lumalabas na sila ay karaniwang nakababata (edad 18 hanggang 20), lalake, baysekswal, at cisgender, na maari nilang gamitin bilang erotic capital&nbsp;upang makamit ang impluwensya at balidasyon sa espasyo ng Alter. Gayunman, sa kabila ng pagiging queer space nito, nananatili ang diskriminasyon laban sa mga transgender at effeminate, na nagpapakita ng patuloy na impluwensya ng heteronormatibong kaisipan sa isang queer na espasyo. Lumalabas na mayroong higit na marhinalisadong subgroup sa loob ng isang marhinalisadong sektor<\/p>\n\n\n\n<p>Pagdating naman sa motibasyon sa paggamit ng Alter, ipinakikita ng mga datos na ang pangunahing dahilan ng mga Alter user ay ang paghahangad ng sekswal na kalayaan ng ekspresyon at kaginhawaan. Gayunpaman, mahalagang bigyang-diin na ang Alter ay hindi lamang nagsisilbing daluyan ng sekswal na ginhawa, kundi isa ring espasyo para sa pagkamit ng sikolohikal, pinansyal, at panlipunang kaginhawaan. Mahalagang bigyang-diin ang konsepto ng ginhawa bilang sentral sa karanasan ng mga Alter user, isang multidimensyunal na ginhawang nagpapaliwanag sa kanilang motibasyon, pakikilahok, at patuloy na pag-iral sa Alter.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa bahagi ng sekswal na ginhawa, pinatutunayan ng Alter ang papel nito bilang ligtas na espasyong bukas para sa eksplorasyon ng sekswal na kalikasan na madalas ipagkait sa mga tradisyunal na espasyo. Sa bahagi naman sikolohikal na ginhawa, nagsisilbi itong kanlungan ng kalayaang loob at pag-unawa na siyang tumutugon sa pangangailangan ng bawat indibidwal ng kapanatagan, at kalayaang magbahagi ng saloobin. Samantala, ang pinansyal na ginhawa ay lumilitaw bilang pangunahing salik sa pagpasok ng ilan sa sex work sa Alter, bilang tugon sa umiiral na prekaridad at limitadong oportunidad na tumindi sa panahon ng pandemya. Sa ganitong konteksto, ang Alter ay nagiging mekanismo ng queer survival na tumutugon sa mga pangangailangang ekonomikal.<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit lampas sa personal na antas, mahalagang bigyang-diin ang papel ng Alter sa pagbibigay ng panlipunang kaginhawaan. Sa kabila ng pagiging espasyong birtwal, ang Alter ay naging daluyan ng pakikiugnay, kolektibong identidad, pagbubuo ng komunidad, at pagmumulat sa mga karanasang queer. Nabibigyang boses dito ang mga karanasang madalas na nananatiling nasa laylayan, mga salaysay ng pagnanais, pakikibaka, at pag-asa. Sa pagbubukas ng espasyong ito, nagkakaroon ng oportunidad ang mga kalahok na makibahagi sa isang komunidad na hindi lamang tumatanggap kundi tunay na nakikinig, umuunawa, at nakikibahagi sa kolektibong ginhawa ng bawat isa.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabuoan, ang Alter ay hindi lamang simpleng plataporma ng sekswal na ekspresyon, isa itong espasyong queer na sumasalo sa mga katawan at karanasang itinatakwil sa lipunan, at sa proseso ay naitataguyod ang kaginhawaang sekswal, sikolohikal, pinansyal, at panlipunan ng mga nakikibahagi rito. Sa pamamagitan nito, naipapamalas ang kakayahan ng mga queer na lumikha ng sariling puwang ng paghilom at pag-iral sa kabila ng napakaraming anyo ng pagsikil. Sa ganitong pagbasa, ang Alter ay hindi lamang lugar ng pansamantalang aliw kundi isang anyo ng radikal na posibilidad, isang buhay na patunay ng patuloy na paglaban para sa makatao, marangal, at maginhawang pamumuhay.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>REKOMENDASYON<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ipinapakita ng pag-aaral na ang Alter, bilang isang&nbsp;queer third space, ay nagsisilbing mahalagang daluyan ng ekspresyon, pag-iral, at ginhawa para sa pangkasariang minorya na kadalasang binubura at isinasantabi sa mga tradisyunal na espasyo. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang pagpapalakas ng mga programa sa ilalim ng <em>Gender and Development<\/em> (GAD) ng pamahalaan, sa pamamagitan ng pagsasama ng mga <em>LGBTQIA+-specific modules<\/em> na tumatalakay sa SOGIESC, <em>digital sexuality<\/em>, <em>queer mental health<\/em>, at mga prinsipyo ng <em>anti-discrimination<\/em>. Iminumungkahi rin ang mas masinsing pakikipagtulungan ng mga ahensya tulad ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Civil Service Commission (CSC) sa mga organisasyong LGBTQIA+ upang isulong ang mas inklusibo, makatao, at sensitibong pagsasanay sa larangan ng edukasyon at serbisyong publiko.<\/p>\n\n\n\n<p>Bilang karagdagan, mariing inirerekomenda ang pagbuo ng mga <em>community-based harm-reduction programs<\/em> kung saan aktibong kabahagi ang mga Alter user. Mahalaga ang pagkilala sa kanila bilang lehitimong sektor na hindi lamang benepisyaryo ng mga polisiya, kundi aktibong tagapagtulak ng mga makabuluhang reporma. Kaugnay nito, mahalagang itaguyod ang agarang pagpasa at pagpapatupad ng mga panukalang batas tulad ng SOGIESC Equality Bill, na mahigit dalawang dekada nang nakabinbin sa kongreso. Layunin ng batas na ito na higit pang pagtibayin ang <em>gender-responsive education<\/em> at tiyakin ang pananagutan ng mga indibidwal o institusyon na susubukang mandiskrimina na nakabatay sa kasarian ng tao. Upang masigurado ang epektibong implementasyon ng mga nasabing hakbang, inirerekomenda rin ang pagtatatag ng isang <em>multi-sectoral oversight body<\/em> na binubuo ng mga kinatawan mula sa pamahalaan, akademya, at <em>civil society organizations<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Samantala, para sa mga propesyunal na tagapagkalinga sa larangan ng mental health, iminumungkahi ang paggamit ng mga non-pathologizing at sex-positive na mga pamamaraan at interbensyon, lalo na sa mga kliyenteng aktibo sa birtuwal na sex work. Kaugnay nito, maaaring magsagawa ang mga propesyonal na organisasyon ng mga pagsasanay at pag-aaral hinggil sa interseksyon ng <em>digital intimacy<\/em> at queer well-being<em>.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabuoan, ang pananaliksik na ito ay nananawagan para sa isang interseksyonal, multisektoral, at makataong tugon sa mga karanasan ng mga Alter user. Sa pagkilala sa kanila bilang bahagi ng kolektibong adhikain para sa ginhawa, dignidad, at pagkakapantay-pantay, naitatampok ang Alter bilang isang mahalagang salik sa pagsusulong ng isang tunay na makatarungan at inklusibong lipunan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>Mga Sanggunian<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Bautista, J. A. N. (2023). Hidden in plain view: An exploratory study on Twitter (X)\u2019s alter community. <em>Diliman Review<\/em>, 67(1), 40\u201364.<\/p>\n\n\n\n<p>Bautista, V. V. (2011). Gaan at gana sa buhay: Sikolohiya ng sarap, ligaya at ginhawa sa pananaw ng sikolohiyang pangklinika. In J. A. Cantiller &amp; J. A. Yacat (Eds.), <em>Isip: Mga kaisipan sa sikolohiya, kultura at lipunang Pilipino<\/em> (Vol. 1, pp. 15\u201344). Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>Bhabha, H. K. (1994<em>). The location of culture<\/em> (2nd ed.). Routledge.<\/p>\n\n\n\n<p>Braun, V., &amp; Clarke, V. (2020). One size fits all? What counts as quality practice in (reflexive) thematic analysis? <em>Qualitative Research in Psychology<\/em>, 18(3), 328\u2013352.<\/p>\n\n\n\n<p>Budge, S. L., Adelson, J. M., &amp; Howard, J. A. (2013). Anxiety and depression in transgender individuals: The roles of social support and social identity. <em>Journal of Consulting and Clinical Psychology, 81<\/em>(3), 545\u2013557.<\/p>\n\n\n\n<p>Butler, J. (2002). <em>Gender trouble: Feminism and the subversion of identity<\/em>. Routledge.<\/p>\n\n\n\n<p>Butler, J. (2004). <em>Undoing gender<\/em>. Routledge.<\/p>\n\n\n\n<p>Cao, R. J. D. (2021). Amateur porn in Filipino Twitter Alter community: Affordances, commodification, ghettoization, and gay masculinity. <em>Media International Australia, 179<\/em>(1), 52\u201365.<\/p>\n\n\n\n<p>Cao, R. J. D. (2024). Beyond fame: Online microcelebrity porn stars in the Twitter Alter community in the Philippines. <em>Celebrity Studies, 15<\/em>(2), 248\u2013265.<\/p>\n\n\n\n<p>Cavar, S., &amp; Baril, A. (2021). Blogging to counter epistemic injustice: Trans disabled digital micro-resistance. <em>Disability Studies Quarterly, 41<\/em>(2).<\/p>\n\n\n\n<p>Concepcion, G. P. (2015). Framing ginhawa as the Filipino urban poor\u2019s aspirations: An ethnographic-semantic sketch. <em>Khon Kaen University International Journal of Humanities and Social Sciences, 5<\/em>(2), 55\u201379.<\/p>\n\n\n\n<p>Doan, P. L. (2007). Queers in the American city: Transgendered perceptions of urban space. Gender, <em>Place &amp; Culture, 14<\/em>(1), 57\u201374.<\/p>\n\n\n\n<p>Dorsey, M., Craddock, J., &amp; Howard-Howell, T. (2022). &#8220;I don&#8217;t really need you. I got a body that&#8217;s going to get me what I need&#8221;: A case study on sexual autonomy and agency through camming and social media engagement among Black young adult females. <em>Journal of the Society for Social Work and Research, 13<\/em>(1), 1\u201320.<\/p>\n\n\n\n<p>Eviota, E. U. (1994). <em>Sex and gender in Philippine society<\/em>. National Commission.<\/p>\n\n\n\n<p>Garcia, J. N. C. (1996). Philippine gay culture: <em>The last thirty years: Binabae to bakla, silahis to MSM<\/em>. University of the Philippines Press.<\/p>\n\n\n\n<p>Golden, R. L., &amp; Oransky, M. (2019). An intersectional approach to therapy with transgender adolescents and their families. <em>Archives of Sexual Behavior, 48<\/em>(7), 2011\u20132025.<\/p>\n\n\n\n<p>Grov, C., Breslow, A. S., Newcomb, M. E., Rosenberger, J. G., &amp; Bauermeister, J. A. (2014). Gay and bisexual men\u2019s use of the Internet: Research from the 1990s through 2013. <em>Journal of Sex Research, 51<\/em>(4), 390\u2013409.<\/p>\n\n\n\n<p>Haber, B. (2019). The digital ephemeral turn: Queer theory, privacy, and the temporality of risk. <em>Media, Culture &amp; Society, 41<\/em>(8), 1069\u20131087.<\/p>\n\n\n\n<p>Hakim, C. (2010). Erotic capital. <em>European Sociological Review, 26<\/em>(5), 499\u2013518.<\/p>\n\n\n\n<p>Halberstam, J. (2011). <em>The queer art of failure<\/em>. Duke University Press.<\/p>\n\n\n\n<p>Hartal, G. (2017). Fragile subjectivities: Constructing queer safe spaces. <em>Social &amp; Cultural Geography, 1<\/em>9(8), 1053\u20131072.<\/p>\n\n\n\n<p>Hayfield, N., Campbell, C., &amp; Reed, E. (2018). Misrecognition and managing marginalisation: Bisexual people\u2019s experiences of bisexuality and relationships. <em>Psychology &amp; Sexuality, 9<\/em>(3), 221\u2013236.<\/p>\n\n\n\n<p>Herek, G. M. (2004). Beyond &#8220;homophobia&#8221;: Thinking about sexual prejudice and stigma in the twenty-first century<em>. Sexuality Research and Social Policy, 1<\/em>(2), 6\u201324.<\/p>\n\n\n\n<p>Macawili, R. (2023). Tungo sa isang pilosopiya ng ginhawa. <em>Talas: Interdisiplinaryong Journal sa Edukasyong Pangkultura, 7<\/em>, 88\u2013112.<\/p>\n\n\n\n<p>Mercado, L. N. (1994). <em>The Filipino mind: Philippine philosophical studies <\/em>(Vol. 8). Council for Research in Values and Philosophy.<\/p>\n\n\n\n<p>Mu\u00f1oz, J. E. (2019). <em>Cruising utopia: The then and there of queer futurity (10th anniversary ed.)<\/em>. New York University Press.<\/p>\n\n\n\n<p>Nederhof, A. J. (1985). Methods of coping with social desirability bias: A review. <em>European Journal of Social Psychology, 1<\/em>5(3), 263\u2013270.<\/p>\n\n\n\n<p>Ong, M. G. (2011). Katawan, sarap, babae: Hindi ito porno. In J. A. Cantiller &amp; J. A. Yacat (Eds.), <em>Isip: Mga kaisipan sa sikolohiya, kultura at lipunang Pilipino<\/em> (pp. 47\u201389). Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>Piamonte, S. B. H., Quintos, M. A. M., &amp; Iwayama, M. O. (2020). Virtual masquerade: Understanding the role of Twitter\u2019s Alter community in the social and sexual engagements of men who have sex with men. <em>Banwa A, 13<\/em>, Article 048.<\/p>\n\n\n\n<p>Quintos, J. J. F. (2012). A glimpse into the asog experience: A historical study on the homosexual experience in the Philippines (P. Kimpo, Jr., Trans.). <em>Plaridel, 9<\/em>(2), 155\u2013170.<\/p>\n\n\n\n<p>Reyes, M. E. S., Cabanilla, V. F. C., Gavino, A. J. S., Gonzaga, R. I. S., Hojilla, M. L. H., Isidro, M. K. R., Mesina, D. M. C., Tan, A. C. C., &amp; Konopka, K. (2024). Trans visibility: A look into Filipinos\u2019 attitudes toward transgender individuals. <em>Sexuality &amp; Culture: An Interdisciplinary Quarterly, 28<\/em>(2), 509\u2013533.<\/p>\n\n\n\n<p>Rice, E., Holloway, I. W., Winetrobe, H., Rhoades, H., Barman-Adhikari, A., Gibbs, J. J., Carranza, A., Dent, D. M., &amp; Dunlap, S. (2012). Sex risk among young men who have sex with men who use Grindr, a smartphone geosocial networking application. <em>Journal of AIDS &amp; Clinical Research, 3<\/em>(Suppl 4), Article S4-005.<\/p>\n\n\n\n<p>Ross, M. W., Rosser, B. R. S., McCurdy, S., &amp; Feldman, J. (2007). The advantages and limitations of seeking sex online: A comparison of reasons given for online and offline sexual liaisons by men who have sex with men. <em>Journal of Sex Research, 44<\/em>(1), 59\u201371.<\/p>\n\n\n\n<p>Santiago, L. P. R. (1996). To love and to suffer: The development of the religious congregations for women in the Philippines during the Spanish era (1565\u20131898). <em>Philippine Quarterly of Culture and Society, 24<\/em>(3\/4), 216\u2013254.<\/p>\n\n\n\n<p>Soja, E. W. (1996). <em>Thirdspace: Journeys to Los Angeles and other real-and-imagined places<\/em>. Blackwell.<\/p>\n\n\n\n<p>Solis, R. J. S. (2020). Cruising through spaces: Exploring the mediatization of gay cruising in the Philippines. <em>Plaridel, 17<\/em>(1), 223\u2013252.<\/p>\n\n\n\n<p>Sumter, S. R., Vandenbosch, L., &amp; Ligtenberg, L. (2017). Love me Tinder: Untangling emerging adults\u2019 motivations for using the dating application Tinder. <em>Telematics and Informatics, 34<\/em>(1), 67\u201378.<\/p>\n\n\n\n<p>UNDP, &amp; USAID. (2014). <em>Being LGBT in Asia: The Philippines country report<\/em>. United Nations Development Programme.<\/p>\n\n\n\n<p>Warriner, K., Nagoshi, C. T., &amp; Nagoshi, J. L. (2013). Correlates of homophobia, transphobia, and internalized homophobia in gay or lesbian and heterosexual samples<em>. Journal of Homosexuality, 6<\/em>0(9), 1297\u20131314.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Aljohn Puzon EstrellaDepartamento ng Agham PanlipunanUniversity of the Philippines (UP), Los Ba\u00f1os, Laguna Abstrak Sa gitna ng matagal nang diskriminasyon at marhinalisasyon, lumilikha ang pangkasariang minorya sa Pilipinas ng mga lihim na ligtas na espasyo upang maipahayag ang kanilang sekswal &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-10-nobyembre-2025-ginhawa-isang-pananaliksik-ukol-sa-alter-bilang-behikulo-ng-kaginhawaan-sa-konteksto-ng-sekswal-na-kultura-ng-lgbtqia-community\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 10, Nobyembre 2025] #Ginhawa: Isang Pananaliksik Ukol sa Alter Bilang Behikulo ng Kaginhawaan sa Konteksto ng Sekswal na Kultura ng LGBTQIA+ Community<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[14],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1366"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1366"}],"version-history":[{"count":7,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1366\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":1506,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1366\/revisions\/1506"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1366"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=1366"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=1366"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}