{"id":125,"date":"2013-11-02T06:47:17","date_gmt":"2013-11-02T06:47:17","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=125"},"modified":"2014-09-04T04:37:10","modified_gmt":"2014-09-04T04:37:10","slug":"diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-ang-kapwa-loob-at-ugnayang-pulitikal-ng-pangulo-at-mamamayan-batay-sa-pagsusuri-ng-mga-talumpati-ng-pangulo-mula-1986-hanggang-2013","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-ang-kapwa-loob-at-ugnayang-pulitikal-ng-pangulo-at-mamamayan-batay-sa-pagsusuri-ng-mga-talumpati-ng-pangulo-mula-1986-hanggang-2013\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Ang Kapwa, Loob, at Ugnayang Pulitikal ng Pangulo at Mamamayan Batay sa Pagsusuri ng mga Talumpati ng Pangulo mula 1986 hanggang 2013"},"content":{"rendered":"<p><strong>Jalton G. Taguibao<\/strong><br \/>\nDepartment of Political Science<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Tinatalakay sa papel na ito ang konsepto ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em> sa konteksto ng pulitikang Pilipino, partikular sa ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan.\u00a0 Ipinapakita sa pag-aaral na ito na nasasalamin ang <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> sa mga talumpati at pagtatalumpati ng pangulo mula 1986 hanggang 2013.\u00a0 Bilang ambag, ninais ng may-akda na pag-aralan ang mga nasabing konsepto sa loob ng saklaw ng retorika ng pamumuno, gamit ang mga talumpati.\u00a0 Iba\u2019t iba ang antas at uri ng pakikitungo ng pangulo sa okasyon ng kanyang talumpati.\u00a0 Malawak ang uri ng interaksyon sa isang ugnayang pulitikal.\u00a0 Gayundin, maaaring magkaroon ang pakikipagtunguhan sa ugnayang ito ng iba\u2019t ibang katangian tulad ng pagbibigay-alam, pag-aaruga, pagmamalasakit, at pakikiisa.\u00a0 Madarama ang <em>pakikipagkapwa<\/em> sa pagtatalumpati ng pangulo kasabay ng mga hayag at matatag na tendensya sa kanyang pakikipag-usap sa mamamayan.\u00a0 Sa kabilang dako, naging mahirap para sa pananaliksik na ipakita kung tunay nga bang nasasalamin ng <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> ng pangulo ang kanyang <em>loob\/kalooban<\/em>.\u00a0 Lumabas sa pagsusuri ang mga kakulangan at puna sa pamantayan ng pananaliksik, metodolohiya, at disenyong pampananaliksik na makakatulong sana sa pagtugon sa usaping ito.\u00a0 Nagtatapos ang artikulo sa paanyayang pagyamanin ang mga pilosopikal, metodolohikal, at praktikal na usapin sa pananaliksik upang maging mas makabuluhan at mas nagagamit ang interdisiplinaryo at multidisiplinaryong ugnayan ng <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>, <em>Pilipinolohiya<\/em>, at iba pang Agham Panlipunan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p><em>This article discusses the concepts of <\/em>kapwa<em> and <\/em>loob <em>in the context of Philippine politics, particularly, in the relationship between the president and the citizens.\u00a0 The study examined the concepts of <\/em>kapwa\/pakikipagkapwa <em>and how these have figured in the inaugural addresses and state of the nation speeches of the president from 1986 to 2013.\u00a0 As a contribution, the aforementioned concepts which are located within the scope of rhetorical politics are examined through the textual analysis of the speeches.\u00a0 There are different types and levels of relations between the president and the public as reflected in these speech acts.\u00a0 These types range from informing, to expressions of concern, and involvement.\u00a0 <\/em>Pakikipagkapwa<em> can be sensed in the speeches of the president together with some consistent patterns and tendencies in the interaction between the president and the public-at-large.\u00a0 These patterns are observable across time.\u00a0 On the other hand, it became difficult for the research to establish if indeed the <\/em>kapwa\/pakikipagkapwa<em> of the president sufficiently indicated or reflected his <\/em>loob\/kalooban.\u00a0 <em>Deficits in conceptual and theoretical standards of evaluation, methodology, and research designs that may be useful in investigating <\/em>loob\/kalooban<em> remain to be resolved.\u00a0 This article concludes with an invitation to scholars to further discuss philosophical, methodological, and practical issues in order to widen the prospects of interdisciplinary and multidisciplinary research among <\/em>Sikolohiyang Pilipino<em>, <\/em>Pilipinolohiya<em>, and other Social Sciences<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANIMULA<\/strong><\/p>\n<p>Kasabay ng makasaysayang pagtataguyod ng sistematikong pag-aaral ng kapangyarihan at pulitika ang pagyabong sa pagsusuri ng mga pinuno, ng kanilang pulitika at pamamahala.\u00a0 Hindi mapasusubaliang ang pag-aaral ng mga pinuno\u2014ang mga batayan ng kanilang kapangyarihan, mga gawain, mga pinahahalagahan, at ang pagtanggap sa mga ito ng kani-kanilang tagasunod\u2014ay isang makabuluhang paksa sa disiplina ng Agham Pampulitika.\u00a0 Masasabing likas ang pagsisiyasat ng mga pinuno sa Agham Pampulitika dahil karaniwang katuwang ito ng pag-aaral ng kapangyarihan at pulitika.<\/p>\n<p>Alinsunod dito, may pagtinging ang pag-aaral ng Agham Panlipunan sa Pilipinas ay madalas na gumagamit ng mga perspektibo, konsepto, at dalumat na Kanluranin (Enriquez 1978).\u00a0 Ayon kay Clemen Aquino (1999), bilang reaksyon sa matinding impluwensiya ng Kanluraning perspektibo, pinasimulan noong dekada \u201870 ang pagbuo ng mga pananaw na nakaugat at may katuturan sa diwa, kultura, at lipunang Pilipino.\u00a0 Sa pamamagitan ito ng mga pananaliksik at akda nina Virgilio Enriquez, Prospero Covar, at Zeus Salazar.\u00a0 Ang pag-aaral ng mahahalagang konseptong may kinalaman dito ay ambag nina Enriquez, Covar, at Salazar.\u00a0 Sa larangan ng <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>, integral ang konsepto ng <em>kapwa<\/em> sa mga akda ni Enriquez.\u00a0 Ang <em>kapatiran<\/em> at <em>loob-labas-lalim<\/em> naman sa Pilipinolohiya ang lapit at perspektibong ginamit ni Covar sa Antropolohiya at ang <em>bayan <\/em>at <em>pantayong pananaw<\/em> naman ang mga konseptong siniyasat ni Salazar sa <em>Bagong Kasaysayan<\/em> (Aquino 1999; Paredes-Canilao at Babaran-Diaz 2013).<\/p>\n<p>May mga sumunod na saliksik pagkatapos ng mga pinasimulan nina Enriquez, Covar, at Salazar.\u00a0 Nariyan ang pagbibigay-pokus, sa pamamagitan ng isang panimulang akda ni Dionisio Miranda, sa antropolohikal na pagsusuri sa moralidad ng Pilipino, partikular sa konsepto ng <em>loob<\/em> (Miranda 1989).\u00a0 Sa akdang ito, malawak na tinalakay ang iba\u2019t ibang konseptwal na aspekto ng <em>loob<\/em>\u2014etikal, sintetik, pansuri, at epekto nito sa pantaong pakikipag-ugnayan at relasyon.\u00a0 Dagdag pa rito, nabigyang-linaw rin ni Miranda ang konsepto ng <em>pakikipagkapwa-loob<\/em> gamit ang perspektibo ng Antropolohiya.\u00a0 Isa pang halimbawa ang paglilinang ni Aquino (1999) ng panimulang panlipunang pagbabanghay na kinatatampukan ng mga konseptong <em>kapwa<\/em>, <em>kapatiran<\/em>, at <em>bayan<\/em> mula sa tatlong pantas na nabanggit sa itaas.<\/p>\n<p>Masasabi ring malakas ang impluwensiya ng mga Kanluraning pananaw, teorya, at modelo na ginamit sa pag-aaral ng mga pinuno, pulitika, at pamamahala sa Pilipinas.\u00a0 Kung kaya\u2019t may ilang pantas na nagsimulang magsuri ng nasabing paksa sa paraang naaayon sa kontekso ng Pilipinas, gamit ang mga katutubong konsepto, kaisipan, at wika.\u00a0 Halimbawa, sa <em>Ikatlong Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino<\/em>, iniugnay ni Alexander Magno (1977) ang sikolohiya, pulitika, at lipunang Pilipino.\u00a0 Kasama ang iba pang pantas at intelektwal na sinusulong ang pag-aaral ng mga katutubong konsepto at pamamaraan sa lipunang Pilipino, inanyayahan ni Magno ang mga intelektwal na bigyang-pansin ang pulitikal na aspekto sa pagsusuri ng mga usapin upang maiangat ang isang aktibong panlipunang perspektibo.<\/p>\n<p>Isa pa si Remigio Agpalo (1981, 1996) sa mga kilalang pantas ng Agham Pampulitika sa Pilipinas na nagdalumat ng mga konsepto at teorya ukol sa mga pinuno at pamamahala.\u00a0 Ang ilan sa kanyang kontribusyon sa pananaliksik na may kinalaman sa pag-aaral ng pulitika at pamamahala ay nailathala bilang <em>The Philippines: From Communal to Societal Pangulo Regime <\/em>(1981) at<em> Organic Heirarchical Paradigm<\/em> mula sa librong <em>Adventures in Political Science<\/em> (1996).\u00a0 Sa mga akdang ito, inilarawan ni Agpalo ang sistemang pulitikal ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga lapit at pananaw na mas sensitibo sa kultural at sosyal na pamamaraan bilang pagsusuri ng pulitikang Pilipino.\u00a0 Bukod dito, ipinakita ni Agpalo ang imahen ng<em> pangulo<\/em>, hango sa metapora ng katawang-tao kung saan ang <em>ulo<\/em> ang siyang gumagabay sa kahihinatnan ng <em>buong katawan<\/em>.\u00a0 Kung kaya\u2019t ang <em>pang-ulo<\/em> ay maaaring magsilbing isang modelo ng ugnayang pulitikal at pamunuan, gayunman, mas angkop sa lokal o maliliit na pamayanan.\u00a0 Ayon kay Agpalo, ang pulitikal na hamon ay ang mapalawak ang sakop ng modelo ng <em>pangulo<\/em> upang umabot ito sa panlipunang antas.<\/p>\n<p>Masasabing kasunod ng pagtalakay ni Agpalo sa pamunuan, isang napakayamang limbag ang akda mula sa <em>Education for Life Foundation<\/em> (ELF) (1997) na kinatatampukan ng iba\u2019t ibang iskolar na nagsaliksik tungkol sa pamunuang bayan sa kasaysayan ng Pilipinas.\u00a0 Ipinakita ng akdang ito ang yaman at pagkakaiba-iba sa pamamaraan ng pamumuno sa lipunang Pilipino.\u00a0 Mula ang mga ito sa mga karanasan, paglalahad, at testimonyang gumagamit ng perspektibong pulitikal, sosyolohikal, sikolohikal, antropolohikal, at historiograpikal.<\/p>\n<p>Mula sa mga nabanggit sa itaas, layunin ng papel na itong suriin ang mga konsepto ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em> habang inuugnay ang mga ito sa mga pag-aaral sa mga pinuno at sa kanilang pamamahala sa konteksto ng pulitika sa Pilipinas.\u00a0 Gamit ang ilang ideya at kaisipan mula sa Agham Pampulitika, ninanais ng may-akdang suriin ang ugnayan sa pagitan ng mga nasabing konsepto sa panahon mula 1986 hanggang 2013.<\/p>\n<p>Napili ang saklaw na panahon batay sa mungkahi ng ilang pantas at manunuri sa Agham Pampulitika na nagsabing simula ang panahong ito ng malawakang demokratisasyon sa Pilipinas (Miranda 1997; Ronas 2006).\u00a0 Mayroon ding obserbasyong ang pulitikal na kondisyong saklaw ng pag-aaral ay panahon ng patuloy na pakikibaka\u2014isang di-tapos na rebolusyon kung saan may kritikal na papel ang diskursong panlipunan (Ileto 1998).\u00a0 Dagdag pa, mahalaga ang kapanahunang ito kung isasaalang-alang ang hamong hinaharap ng pamunuan at lipunan tungo sa konsolidasyong demokratiko (Miranda <em>et al<\/em>. 2011).\u00a0 Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga dahilan kung bakit masasabing naangkop ang pagpili ng panahong ito.\u00a0 Maipapakita sa nasabing kapanahunan ang katatagan ng mga konseptong bibigyang-puna sa pagdaan ng iba\u2019t ibang pulitikal na administrasyon.\u00a0 Sa ganitong paraan, maaaring malaman kung hayag ang <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em> sa relasyon ng pinuno at tagasunod sa panahon ng demokratisasyon.<\/p>\n<p>Para sa empirikal na aspekto, siniyasat sa pag-aaral na ito ang mga talumpati ng mga pangulo\u2014ang kanilang talumpati sa pagtanggap ng tungkulin o<em> inaugural address<\/em> at ang taunang talumpati ukol sa kalagayan ng bansa o <em>State of the Nation Address<\/em> (SONA).\u00a0 Pagbibigay-deskripsyon sa mga talumpating ito ang pangunahing layunin ng pagsisiyasat.\u00a0 Mahalaga sa ganitong pagsusuri ang saklaw na 1986 hanggang 2013 para maipakita ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga tema, paksain, antas ng atensyon sa mga usapin, at pinahahalagahan ng iba\u2019t ibang pangulo batay sa kanilang mga talumpati.\u00a0 Ang mga talumpating ito ang ginawang batayan ng kanilang pamumuno, pamamahala sa bayan, at pakikipag-ugnay sa mamamayan.\u00a0 Datapwa\u2019t may ilang kwantitatibong deskripsyong kasama sa saliksik, mas higit na gagamit ng mga kwalitatibong metodo at pagsusuri ang pagsisiyasat sa mga talumpati.<\/p>\n<p>Higit sa lahat, layunin ng pagsusuring ito na malaman kung paano nagagamit ang laman ng mga talumpati at ang <em>pagtatalumpati<\/em> upang maipahayag at maparamdam ang <em>pakikipagkapwa<\/em> ng pangulo sa mamamayan at maipamalas ang iba\u2019t ibang aspekto ng kanyang <em>kalooban<\/em>.\u00a0 Isa lamang ito sa mga pamamaraan upang maipakita, gamit ang empirikal na pagsusuri, na kinakailangang patuloy na pag-aralan at susugan ang mga dominanteng pananaw ukol sa mga pinuno, pamamahala, at ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan.\u00a0 Inaasahang sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maiuugnay ang mga konseptong nilinang nina Enriquez at Covar at ng Agham Pampulitika, partikular, sa pag-aaral ng mga pangulo at ng kanilang pamamahala.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>RETORIKA AT UGNAYANG PULITIKAL<\/strong><\/p>\n<p>Sa kadahilanang gagamitin ang mga talumpati bilang batayan ng pagsusuri sa ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan, nararapat lamang na madalumat ang retorika sa konteksto ng kapangyarihan at pulitika.\u00a0 Higit pa, mahalaga ring mabigyang-linaw ang teoretisasyon hinggil sa retorika at (materyal na) reyalidad.<\/p>\n<p>May ilang naunang akdang nagsusuri ng retorika at pulitika gamit ang piling teksto.\u00a0 Halimbawa nito ang kabanatang <em>Orators and the Crowd: Independence Politics, 1910-1914<\/em> ni Reynaldo Ileto (1998) na mula sa librong <em>Filipinos and their Revolution: Event, Discourse, and Historiography<\/em> na tumatalakay sa kapangyarihan ng mga talumpati, pahayag, at panukala sa paghuhubog ng diskurso ng kalayaan at nasyonalismo sa isang espesipikong kapanahunan.\u00a0 Ayon kay Ileto, ang mga pahayag, talumpati, at teksto ng mga personalidad sa nasabing kapanahunan ay nagbunga rin sa nasyonalismo at mga aksyong naiukol dito tulad ng maliliit na pag-aalsa, pagpapalaganap ng popular na radikalismo o pagpapalaganap ng mga ideya ng kalayaan.\u00a0 Nagbubunga ang nabubuong diskurso buhat sa mga pahayag na ito ng sanga-sangang ugnayang ideolohikal at pulitikal.\u00a0 Ipinakita ni Ileto ang relasyon ng mga pahayag at diskurso sa pagbabago-bago sa konsepto ng \u201cpulitikal\u201d at ang pagbabagong-hugis o pagpapasa-pasa ng kapangyarihan sa iba\u2019t ibang aktor at uri sa lipunan.<\/p>\n<p>Sa kabilang dako, tinalakay naman ni Roberto Javier Jr. (2012) ang mga tayutay sa mga naunang talumpati ni Benigno Aquino III ukol sa pagbibigay-kahulugan at saysay sa \u201ckatiwalian\u201d at \u201ctuwid na daan.\u201d\u00a0 Nagkaroon din ng mahalagang pagbanggit sa <em>kapwa<\/em> lalo na sa pagpapakita ng pakikitungo ng pangulo sa mamamayang inaanyayahang makiisa tungo sa \u201ctuwid na daan.\u201d\u00a0 Tulad ni Ileto, ipinakita sa akda ni Javier na napapaloob ang kapangyarihan at ugnayang pulitikal sa interaksyong bunga ng pagtatalumpati.\u00a0 Bukod dito, masasabing bahagi ang wika, talinghaga, at tayutay ng retorikal na mekanismong naghahatid ng isang makapangyarihan at malawakang diskurso ng pamunuan at ugnayang pulitikal sa pagitan ng isang pangulo at mamamayan.<\/p>\n<p>Sa kasalukuyang pagsusuri, binibigyang-halaga ng may-akda ang retorika katulad ng mga naunang nabanggit.\u00a0 Kumbensyunal na binigyang-linaw ang pagkakaiba ng retorika\u2014kung saan binibigyang-kabuluhan at saysay ang teksto, salita, sambit, at pahayag bilang batayan ng ideolohikal o pulitikal na aksyon\u2014at kaugnay nito, ang reyalidad na bunga ng isang pragmatikong pananaw kung ano ang isang makabuluhang aksyon.\u00a0 Mahalaga ang paglilinaw na ito lalo na kung pag-uukulan ng pansin ang materyal na epekto ng retorika.<\/p>\n<p>Ayon kina Ruth Wodak at Michael Meyer (2009), mahalaga ang pagsusuri ng retorikal na mekanismo bilang pulitikal na batayan ng aksyon lalo na sa pag-uungkat ng lokasyon ng kapangyarihan at pulitikal na diskurso.\u00a0 Dahil bunga ang diskurso ng kolyusyon sa pagitan ng sosyal, pulitikal, at linggwistikal na mga kondisyon, sinasaklaw nito ang iba\u2019t ibang aktor sa isang sistema ng mga simbolo at pagpapakahulugan.\u00a0 Kung kaya\u2019t masasabing may likas na interaksyon ang relasyon ng teksto at konteksto at masustansyang nagsasalarawan ng mga ugnayan ng kapangyarihan ang mga simbolo, naratibo, at pagpapakahulugan sa likod ng retorika.\u00a0 Hindi nasa labas ng materyal na reyalidad ang mga linggwistikong elemento tulad ng mga salita, baybayin, sambit, at pahayag, bagkus, saklaw ang mga ito ng materyalismo.<\/p>\n<p>Alinsunod dito, dinagdagan ni Josh Hanan (2011) ang perspektibo hinggil sa retorika na hindi lamang bilang aksyon mula sa sistema ng mga simbolo o nasa dialektikong relasyon katambal ang reyalidad kundi isang makapangyarihang artikulasyong tahasang nakakaapekto sa reyalidad.\u00a0 Mayroon itong sariling mga bunga\u2014kapangyarihan, diskurso, at ugnayang pulitikal.\u00a0 Mahalagang panimula ang ganitong uri ng teoretisasyon upang maipakitang ang pagsusuri ng teksto ay hindi lamang pagsisiyasat sa kung ano ang mga naipahayag ng tagapagsalita kundi higit pa, isang indikasyon sa hugis, moda, at uri ng ugnayang pulitikal.<\/p>\n<p>Bukod sa posisyong ito ukol sa retorika at ugnayang pulitikal, nais ng may-akdang makapag-ambag sa pag-aaral ng mga konsepto mula sa <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em> at Agham Pampulitika, gamit ang mga talumpati mula sa mas malawak na peryodisasyon.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>KONSEPTO NG <em>KAPWA<\/em> AT <em>LOOB<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ayon sa obserbasyon ni Jose Antonio Clemente (2011), kabilang ang konsepto, teorya, at modelo ng <em>kapwa<\/em> ni Enriquez sa mga pinakapinag-usapan, pinag-aralan, at binigyang-pansin nitong nakaraang tatlong dekada sa <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>.\u00a0 Ipinakita ni Enriquez ang kahalagahan ng <em>kapwa<\/em> bilang isang integral na konsepto sa pag-aaral ng pakikipag-ugnayan o panlipunang interaksyon ng mga Pilipino (Aquino 1999).\u00a0 Sa kanyang nailathalang artikulong pinamagatang <em>Kapwa: A Core Concept in Philippine Social Psychology<\/em>, inilahad ni Enriquez (1978) ang pag-aaral hinggil sa mga uri ng relasyon at ugnayan sa lipunan.\u00a0 Bilang tugon sa konsepto ng <em>pakikisama<\/em> na iniharap ni Frank Lynch (1964), binalangkas at binigyang-linaw ni Enriquez, sa tulong ni Carmen Santiago, ang iba\u2019t ibang antas ng interaksyon.<\/p>\n<p>Ayon kina Enriquez at Santiago, may dalawang kategorya ng interaksyon: <em>ibang tao<\/em> at <em>hindi ibang tao <\/em>(Enriquez 1977, 1978).\u00a0 Sa ilalim nito, may walong antas at uri ng ugnayang matatagpuan sa wikang Filipino at maaaring gamitin sa pananaliksik.\u00a0 Ang mga ito ang sumusunod: <em>pakikitungo, pakikisalamuha, pakikilahok, pakikibagay, pakikisama, pakikipagpalagayang-loob, pakikisangkot,<\/em> at <em>pakikiisa<\/em>.<\/p>\n<p>Dagdag pa, para kay Enriquez (1977, 1978), hindi lamang mga antas ng pakikipag-ugnayan ang mga ito.\u00a0 Bumubuo rin sila ng iskalang maaaring gamitin bilang batayan o pamantayan sa pagsusuri ng mga mananaliksik na nais maglarawan sa iba\u2019t ibang klaseng ugnayan: mula <em>pakikitungo<\/em> (sa <em>ibang tao<\/em> na maaaring di-kilala) hanggang sa <em>pakikiisa<\/em> (sa taong kilala at mayroon nang namamagitang kaugnayan).\u00a0 Kung ihahambing sa proposisyon ni Lynch na nauukol lamang ang ugnayan sa <em>pakikisama<\/em>, mas pinayaman ni Enriquez ang <em>kapwa<\/em> na may nakaugnay na iba\u2019t ibang heuristikong kategorisasyon.\u00a0 Samakatwid, isa lamang ang<em> pakikisama <\/em>sa mga uri ng ugnayang sinasabing may kiling sa Kanluraning oryentasyon dahil sa gamit at pagpapatibay nito sa kolonyal na pag-iisip\u2014mas malapit ito sa <em>pakikibagay<\/em> at <em>pakikisalamuha<\/em>.\u00a0 Kinuwestyon ni Enriquez ang pagpapahalaga sa <em>pakikisama <\/em>bilang isang paninindigan.<\/p>\n<p>Para kay Enriquez, ang <em>kapwa<\/em>\/<em>pakikipagkapwa<\/em> ang batayang konseptong nasa kaibuturan ng anumang uri o antas ng pakikipag-ugnay sa kontekstong Pilipino (tingnan ang Hanayan 1) (Enriquez 1978; Aquino 1999).\u00a0 Ayon sa kanya, sumasaklaw ang <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> sa pakikipag-ugnayan sa <em>ibang tao<\/em> at <em>hindi ibang tao<\/em> kung kaya\u2019t maaaring makatulong ang konsepto ng <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> sa pagpapaliwanag sa kahit na anong uri ng ugnayan.\u00a0 Likas sa ugnayang Pilipino ang <em>kapwa <\/em>na pinag-iba ni Enriquez sa maluwag na mga salin nito sa wikang ingles na \u201c<em>both<\/em>\u201d at \u201c<em>fellow-being<\/em>.\u201d<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Hanayan 1<\/strong><br \/>\n<em>Ang Kapwa Bilang Batayang Konsepto<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ang-Kapwa-Bilang-Batayang-Konsepto.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-238\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ang-Kapwa-Bilang-Batayang-Konsepto.jpg\" alt=\"Ang Kapwa Bilang Batayang Konsepto\" width=\"603\" height=\"103\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ang-Kapwa-Bilang-Batayang-Konsepto.jpg 696w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ang-Kapwa-Bilang-Batayang-Konsepto-300x51.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ang-Kapwa-Bilang-Batayang-Konsepto-100x17.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ang-Kapwa-Bilang-Batayang-Konsepto-150x25.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ang-Kapwa-Bilang-Batayang-Konsepto-200x34.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ang-Kapwa-Bilang-Batayang-Konsepto-450x76.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ang-Kapwa-Bilang-Batayang-Konsepto-600x102.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 603px) 100vw, 603px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 510px;\"><em>Enriquez 1978<\/em><\/p>\n<p>Hindi lamang paglalarawan ng ugnayan ang <em>pakikipagkapwa<\/em>.\u00a0 Pagbibigay-saysay rin ito sa isang paninindigan (normatibo) ukol sa pagtingin at pagtrato sa pagkatao at dignidad.\u00a0 Mahalagang masabi na ayon kay Enriquez, hindi nagmumula ang <em>kapwa<\/em> sa pagtingin ng <em>ibang tao<\/em> o yaong <em>labas<\/em> sa sarili.\u00a0 Sa halip, nagmumula ito sa mismong kamalayan ng isang tao: na ang kanya\u2019y isang \u201c<em>shared identity<\/em>\u201d o \u201c<em>shared inner self<\/em>.\u201d\u00a0 Sa puntong ito, masasabing kumpara sa Kanluraning pananaw na may pagkakahiwalay ng \u201c<em>self<\/em>\u201d at \u201c<em>others<\/em>,\u201d ang <em>kapwa<\/em> at <em>sarili <\/em>sa ugnayang Pilipino ay likas na magkasama o di kaya\u2019y magkaisa.\u00a0 Ang <em>pakikipagkapwa <\/em>ang malalim na pagtanggap sa pagkatao na may pagtratong pagkakapantay-pantay.\u00a0 Nagbibigay-halaga ang ganitong pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa dangal at identidad (Pe-Pua 2000).<\/p>\n<p>Dahil sa may implikasyon ang konsepto ng <em>kapwa <\/em>sa pagkatao, masasabing mahalaga ang kaugnayan nito sa konsepto ng <em>loob<\/em> ni Covar (1998).\u00a0 Sa Pilipinolohiya, nilinang ni Covar ang dalumat ng pagkataong Pilipino.\u00a0 Upang lalong mabigyan ng hugis ang kanyang pagpapaliwanag, ginamit ni Covar ang metapora ng banga para ipakita ang diwa ng pagkataong Pinoy na may <em>labas <\/em>(<em>exteriority<\/em>), <em>loob <\/em>(<em>interiority<\/em>), at <em>lalim <\/em>(<em>depth<\/em>).\u00a0 Maiuugnay rin ang <em>loob <\/em>at <em>labas<\/em> sa <em>kaluluwa<\/em> at <em>katawan<\/em> (tingnan ang Pigura 1) (Jose at Navarro 2004).\u00a0 Makabuluhan ang koneksyon sa pagitan ng pagkataong Pilipino at <em>pakikipagkapwa<\/em>.\u00a0 Ang kaluluwa at budhi, na siyang <em>panloob<\/em> na aspektong pagkatao, ang nagsisilbing batayan at pinanggagalingan ng <em>pakikitungo<\/em> at <em>pakikipagkapwa<\/em>.\u00a0 Kung kaya\u2019t masasabing sumasalamin ang antas at uri ng <em>pakikipagkapwa<\/em> sa pagkatao ng nakikipagkapwa.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Pigura 1<\/strong><br \/>\n<em>Balangkas-Dalumat ng Pagkataong Pilipino<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Balangkas-Dalumat-ng-Pagkataong-Pilipino.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-239\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Balangkas-Dalumat-ng-Pagkataong-Pilipino.jpg\" alt=\"Balangkas-Dalumat ng Pagkataong Pilipino\" width=\"298\" height=\"289\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Balangkas-Dalumat-ng-Pagkataong-Pilipino.jpg 298w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Balangkas-Dalumat-ng-Pagkataong-Pilipino-100x96.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Balangkas-Dalumat-ng-Pagkataong-Pilipino-150x145.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Balangkas-Dalumat-ng-Pagkataong-Pilipino-200x193.jpg 200w\" sizes=\"(max-width: 298px) 100vw, 298px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><em>\u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 Jose at Navarro 2004<\/em><\/p>\n<p>Tulad ni Enriquez, kinuwestyon ni Covar (1998) ang Kanluraning pananaw na gamit sa pag-aaral ng Pilipino.\u00a0 Higit pa rito, ipinakita ni Covar sa kanyang mga saliksik ang implikasyon ng pagkataong Pilipino sa mga konsepto at uri ng ugnayan tulad ng sambahayan, samahan, pamayanan, at sambayanan.\u00a0 Bilang paglilinaw sa paggamit ni Covar ng \u201c<em>structural functionalism<\/em>,\u201d ang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino, ayon sa kanya, ay hindi lamang nakabatay sa mga gawaing nakaukol sa mga istrukturang panlipunan kundi higit na nakaugat sa pag-uugnayan ng mga tao (Covar 1998; Aquino 1999).\u00a0 Isinama ito ni Enriquez sa pagbabanghay ng kanyang mga konsepto ukol sa istruktura at mga \u201c<em>behavioral pattern<\/em>\u201d ng mga Pilipino.\u00a0 May epekto ang <em>kalooban<\/em>\u2014maganda man o masama\u2014sa pang-indibidwal at sosyal na dimensyon (pagkamakatao).<\/p>\n<p>Bilang karagdagan, ipinakita ni Miranda (1989) ang kumpleksidad ng konsepto ng <em>loob<\/em> bilang pagpapaliwanag sa pagpapakatao sa konteksto ng kulturang Pilipino.\u00a0 Bilang bahagi ng katutubong pilosopikal na antropolohiya, kinakailangang siyasatin ang <em>loob<\/em> upang maintindihan ang ebolusyon ng mga katutubong ideya, gayundin ang mga likas na pinahahalagahan sa lipunang Pilipino.\u00a0 Iniugnay rin ni Miranda ang <em>loob<\/em> sa <em>pakikipagkapwa<\/em>, gayundin sa iba\u2019t ibang ekspresyon nito sa <em>labas<\/em> ng sarili.<\/p>\n<p>Sa pagdalumat ukol sa <em>loob<\/em>, lumalabas na bilang elemento ng pagkatao, maaaring sumaklaw ang <em>loob<\/em> sa emosyon o higit pa rito, maging batayan ng aksyon.\u00a0 Gumagalaw ang<em> loob<\/em> papalabas bilang aksyon (Salazar 1977, na binanggit sa Alejo 1990).\u00a0 Mahalaga ring tukuyin ang <em>loob<\/em> sa isang konteksto dahil hinuhugis ng konteksto ang kabuluhan at saysay ng <em>loo<\/em>b.\u00a0 Kung kaya\u2019t ang pagpapakatao na ang <em>loob<\/em> ang pinagbabatayan ay maaaring maapektuhan ng mga kondisyon at istrukturang pumapaligid sa nagpapakatao (Ileto 1979, na binanggit sa Alejo 1990).<\/p>\n<p>Sa konteksto ng Pilipinas na sumasailalim sa kapanahunan ng demokratisasyon, mahalaga ang konsepto ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em> lalo na sa ugnayan at pakikipagtunguhan ng pamunuan at lipunan.\u00a0 Ang kalidad ng demokratisasyon ay ayon sa distribusyon, konsentrasyon, at relasyon ng kapangyarihan sa pagitan ng pamunuan at ng lipunan.\u00a0 Ang demokratikong pamamahala ay masasabing likas na plural kung saan may lantaran at tanggap na partisipasyon ng iba\u2019t ibang aktor sa lipunan.\u00a0 Sa gayun, masasabing maisasalamin sa pakikipagtunguhan ng mga aktor sa isa\u2019t isa ang kani-kaniyang relasyong pulitikal.<\/p>\n<p>Ang uri, antas, at pagkikipagpalitan at pagpapahiwatig ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em> sa pagitan ng pangulo at mamamayan ay nakakapaghugis sa uri ng pulitika na mayroon sa bawat relasyon.\u00a0 Samakatwid, tuwirang nakabatay ang pulitikal na relasyon ng pangulo at mamamayan sa kanilang pagpapakatao at pakikipagtunguhan kung kaya\u2019t mahalaga ang <em>pakikipagkapwa<\/em> at <em>pakikipagkalooban<\/em> nila sa isa\u2019t isa.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAGDADALUMAT SA UGNAYANG PULITIKAL SA PILIPINAS<\/strong><\/p>\n<p>Isa sa mga ninanais na ambag ng papel na ito ang maipakita ang lugar at saysay ng <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> at <em>loob\/kalooban<\/em> sa usapin ng ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan.\u00a0 Dahil sa sinasaklaw ng <em>kapwa<\/em> (<em>ibang tao<\/em> at <em>hindi ibang tao<\/em>) ang ugnayang pulitikal, mas nagkakaroon ng pag-iisa at nalulusaw ang mga kategorikal at teoretikal na hangganan ng ugnayang pantao na dulot ng impluwensiya ng mga Kanluraning modelo.\u00a0 Tunay na magkakaroon ng malawakang pagbabago sa pagsusuri ng pulitika sa Pilipinas kung mabibigyan ang mga konseptong ito ng pagkakataong maisama sa pagdadalumat sa Agham Pampulitika.\u00a0 Paanong maisasama at mabibigyang-saysay ang konsepto ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob <\/em>sa konteksto ng ugnayang pulitikal sa Pilipinas?\u00a0 Anong mga pagdadalumat at pamamaraan ang kinakailangan upang mabigyan ng pagkakataong lalong maintindihan ang pulitika at pamamahala gamit ang mga konseptong ito na may katuturan sa diwa, kultura, at lipunang Pilipino?<\/p>\n<p>Bilang panimulang tugon sa mga tanong na ito, kinakailangang magkaroon ng kritikal na pagtingin at pagsusuri sa mga namamayaning pananaw ukol sa pulitikang Pilipino.\u00a0 Ito ay upang makita ang mga puwang na maaaring maging daan sa pag-aangkop ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em> sa diskurso ng pulitika.<\/p>\n<p>Maraming pananaw at modelo ang ginagamit upang isalarawan ang pulitikang Pilipino.\u00a0 Masasabing ang dominanteng bilang sa mga ito ay Kanluranin ang oryentasyon.\u00a0 Mayaman ang dalumat ukol sa uri at modelo pulitikang Pilipino (Kasuya at Quimpo 2010).\u00a0 Halimbawa, nariyan ang \u201c<em>weak state<\/em>\u201d na pagtingin nina Temario Rivera at Alfred McCoy kung saan makapangyarihan at naghaharing-uri ang namumuno sa lipunang Pilipino.\u00a0 Madalas sa kanila\u2019y binubuo ng mga magkakadugo o magkakapamilya.\u00a0 Pagsasaalang-alang ng lakas, karahasan, at \u201c<em>bossism<\/em>\u201d na lagpas sa diskurso ng patron-kliyentelismo naman ang modelo mula kay John Sidel.\u00a0 Para naman kay Nathan Gilbert Quimpo, may \u201c<em>predatory state<\/em>\u201d ang Pilipinas lalo na sa panahon pagkatapos ng Batas Militar na dulot ng diktaturya ni Ferdinand Marcos.\u00a0 Ayon sa kanya, ang mga tradisyunal na pulitiko na patuloy sa kanilang pandarambong at korapsyon ay lantarang sinisira ang mga demokratikong institusyon para sa kanilang pansariling interes.\u00a0 Hindi pa rin nagbabago ang ganitong palakad.\u00a0 Sa kabilang dako, nariyan ang \u201c<em>patrimonial oligarchic politics<\/em>\u201d ni Paul Hutchcroft na bunga ng patuloy na pagpapatakbo sa burukrasyang suportado ang materyal na interes ng oligarkiya.\u00a0 Ang huli ang tatlong porma ng \u201c<em>bourgeois politics<\/em>\u201d sa Pilipinas (<em>populism<\/em>, <em>clientelism<\/em>, at <em>reformism<\/em>) ni Mark Thompson.\u00a0 Ilan lamang ang mga ito sa mga kilalang paglalarawan sa pulitikang Pilipino (Kasuya at Quimpo 2010).<\/p>\n<p>Isa sa mga pinakakilalang kontribusyon sa pag-aaral sa pulitikang Pilipino ang \u201c<em>societal <\/em>pangulo<em> regime<\/em>\u201d ni Agpalo (1981, 1996).\u00a0 Ang pagdalumat na ito ang masasabing isa sa mga nauna ukol sa pulitikal na sistema ng Pilipinas.\u00a0 Sensitibo ang binalangkas ni Agpalo sa pag-aangkop ng kultural na konteksto at istrukturang organiko sa pulitikal na ugnayan ng mga Pilipino.\u00a0 Mahalaga ang kaisipan sa likod ng dalumat na \u201c<em>societal <\/em>pangulo<em> regime<\/em>\u201d kung saan ang pagkakaroon ng ganitong sistemang pulitikal ay may aspekto ng pagmamalasakit, pagmamahalan, at higit sa lahat, pagdadamayan.\u00a0 Subalit inamin ni Agpalo na ang halimbawa ng ginamit niya\u2014ang barangay\u2014ay maliit, \u201c<em>homogenous<\/em>,\u201d at \u201c<em>self-sufficient<\/em>,\u201d at ang hamon ay kung paanong makakadalumat ng kaparehong sistema na kayang sakupin ang kabuuan ng lipunan.<\/p>\n<p>Masasabing sa pagbuo ng mga pananaw na ito, naging malaki ang ambag ng modelo ng \u201c<em>patron clientelism<\/em>\u201d bilang isang impluwensiyal na pananaw at pamamaraan ng pagpapaliwanag sa pulitikang Pilipino.\u00a0 Samakatwid, maaaring makatulong ang kritikal na pagsusuri ng \u201c<em>patron clientelism<\/em>\u201d sa pagbuo ng isang angkop na modelo ng pulitika sa lipunang Pilipino.\u00a0 Ang kritikal na pagsusuri ang isa sa mahalagang ambag ng komentaryo ni Soon Chuan Yean (2008) hinggil sa lokal na pulitika at balangkas ng \u201c<em>patron clientelism<\/em>.\u201d\u00a0 Inilahad niya ang iba\u2019t ibang modelo at pananaw na ginagamit sa pagsusuri ng pulitika sa Pilipinas, kasama na rito ang mga kontribusyon nina Carl Lande, Mary Hollsteiner, Agpalo, at David Wurfel.\u00a0 Binigyang-deskripsyon ni Soon ang patron\u2014ang tagabigay at tagapamahagi ng materyal na tulong sa mga kliyente (\u201cmasa\u201d para kay Soon) na dahil sa <em>pakikisama<\/em>, <em>utang na loob<\/em>, at <em>hiy<\/em>a, ay tila obligadong ibalik ang pabor sa iba\u2019t ibang klase ng paraan.\u00a0 Kung hindi magkakaroon ng pagbabalik o pagpapalit sa mga pabor na naibigay ng patron, may istigmatisasyon sa tumatanggap bilang <em>walang utang na loob<\/em> o di kaya\u2019y <em>walang hiya<\/em> (Soon 2008).<\/p>\n<p>Ipinakita rin ni Soon (2008) ang ilan sa mga kritisismo sa balangkas ng \u201c<em>patron clientelism<\/em>\u201d na nagsilabasan noong dekada \u201890.\u00a0 Ang una ang maling pag-aangkop sa identidad ng mga Pilipino batay at kasabay ng negatibong \u201c<em>othering<\/em>\u201d ng kulturang Pilipino.\u00a0 Dahil dito, nabigyang-saysay ang mga di-karaniwang katangian ng mga Pilipino ayon sa Kanluraning pagtingin at sa kaso ng \u201c<em>patron clientelism<\/em>,\u201d naikahon ang masa bilang bulag na mga tagasunod at madaling napapasailalim sa mga patron.\u00a0 Sa ganitong paraan, nakabatay ang paglalarawan sa pulitikang Pilipino sa negatibong imahen ng isang sistemang pulitikal, kabaliktaran ng ideyal at minimithing sistema sa Kanluran, partikular ng mga Amerikano.<\/p>\n<p>Isa pang kritisismo ay batay sa pagtinging hindi nagmumula ang pulitika sa materyal na pakikipagpalitang isang aspekto ng \u201c<em>patron clientelism<\/em>\u201d kundi sa kultural, wika, diwa, etikal, at moral na mga aspekto ng pang-araw-araw na buhay-pulitika.\u00a0 Binigyang-diin ito sa mga pananaliksik nina Benedict Anderson, Benedict Kerkvliet, Mark Turner, Resil Mojares, Myrna Alejo, at Fenella Cannell (Soon 2008).\u00a0 Samakatwid, maaaring suriin ang pulitikang Pilipino hindi lamang batay sa materyal na aspekto o pagpapalitan ng materyal na mga bagay sa loob ng isang istruktura ng pakikipag-ugnayan, kundi batay rin sa sistema ng kahulugan, diwa, at kultura.\u00a0 Higit pa rito, ang paglalarawan sa isang ugnayang pulitikal ay maaaring mapagyaman ng mga konseptong may kinalaman sa mga pinahahalagahan, ugnayang sosyal, at pagkatao ng mga Pilipino.<\/p>\n<p>Alinsunod dito, masasabing maaaring gamitin ang konsepto ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em> upang ipakita ang sikolohikal at antropolohikal na mga aspekto ng isang ugnayang pulitikal sa Pilipinas.\u00a0 Kung isusulong ito bilang proposisyon, lalabas na iba\u2019t iba ang magiging pagtangi sa mga pulitikal na pinuno at kanilang tagasunod.\u00a0 Dahil sa ang katuturan ng <em>kapwa<\/em> ay ang pinag-isang sarili at iba o higit pa ang pagkawala ng iba, sasaklaw ito sa iba\u2019t ibang uri ng kategorya ng pagtutunguhan sa lipunan.\u00a0 Sa isang pulitikal na ugnayan, babaguhin ng konsepto ng <em>kapwa<\/em> ang pagkakahiwalay at di-pagkakapantay ng pinuno at tagasunod.\u00a0 Dahil sa may <em>pakikipagkapwa<\/em> na namamagitan sa kanila, maituturing ang pagpapakatao nila sa isa\u2019t isa na isang paninindigan.\u00a0 Kung sa pananaw ng \u201c<em>patron-clientelism<\/em>\u201d ay may pagkakaiba sa uri kung saan pinapalabas na laging mas nakatataas ang patron sa kliyente o tagasunod, sa isang ugnayang pulitikal na may <em>pakikipagkapwa<\/em> o <em>pakikipagkapwa-tao<\/em>, isang normatibong paninindigang magkapantay ang dalawang ito.\u00a0 May pagtingin at pagkilala sa katauhan at dignidad ng <em>kapwa<\/em> bilang isang kasukat o kapantay (Aquino 1999).<\/p>\n<p>Kung iuugnay ang konsepto ng <em>loob\/kalooban<\/em> ni Covar (1998), ano ang magiging implikasyon sa mga <em>kalooban<\/em> ng pinuno at tagasunod kung may <em>pakikipagkapwa-tao<\/em> sa kanilang ugnayang pulitikal?\u00a0 Malinaw na maaaring maging repleksyon ng antas ng pakikipagtunguhan o <em>pakikipagkapwa<\/em> ang uri ng <em>kalooban<\/em> na mayroon ang mga katauhan sa isang ugnayang pulitikal.\u00a0 Ano\/anu-anong pamantayan o batayan ang maaaring magamit ng mga mananaliksik upang maipakita ang <em>loob <\/em>ng pinuno at tagasunod sa isang pulitikal na relasyon?\u00a0 Mariing sinabi ni Enriquez (1977, 1978) na bukod sa dimensyong sosyo-sikolohikal, ang <em>pakikipagkapwa<\/em> ay may moral at normatibong aspekto bilang isang paninindigan kung kaya\u2019t ang mga transaksyon, kilos o gawa na napapaloob sa nasabing ugnayan ay nararapat na hindi eksploytatibo o di kaya\u2019y walang tinatagong mapanlinlang na motibo.\u00a0 Sa puntong ito, naaayon ang <em>kagandahang loob<\/em> (<em>shared humanity<\/em>), bilang katuwang na paninindigan ng <em>pakikipagkapwa<\/em> sa kabutihan, kabaitan, pagbibigay, at kagandahang-asal mula sa kabutihan ng puso.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>MGA TALUMPATI AT PAGTATALUMPATI<\/strong><\/p>\n<p>Tulad ng nasabi sa panimula ng papel na ito, upang malaman ang puwang at lugar ng konsepto ng <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> at <em>loob\/kalooban<\/em> sa ugnayang pulitikal, susuriin ang mga okasyon ng pampublikong pagtatalumpati ng mga pangulo ng Pilipinas na saklaw sa panahon mula 1986 hanggang 2013.\u00a0 Ginawang empirikal na batayan ang mga talumpati ng pagtanggap sa tungkulin o <em>inaugural address<\/em> at taunang talumpati ukol sa kalagayan ng bansa o <em>State of the Nation Address<\/em> (SONA).\u00a0 Inasahang sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga talumpating ito, maipapakita kung hayag at matatag ang mga tendensya ng mga pangulo, lalo na sa mga paraang may kinalaman sa kanilang <em>pakikitungo<\/em> sa mamamayang tagapakinig.\u00a0 Sa kabuuan, 6 na talumpati sa pagtanggap ng tungkulin at 27 naman na talumpati ukol sa kalagayan ng bansa ang sinuri sa pag-aaral na ito.<\/p>\n<p>Madalas na nagaganap pagkatapos ng isang pambansang eleksyon ang mga talumpati ng mga pangulo bilang pagtanggap nila sa kanilang tungkulin.\u00a0 Masasabing tanging sa panahon nina Corazon Aquino noong 1986 at Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001 nagkaroon ng pagkakaiba.\u00a0 Regular na nagaganap ang taunang talumpati ukol sa kalagayan ng bansa alinsunod sa Artikulo VII, Seksyon 23 ng Konstitusyon ng Pilipinas (RP 1987).\u00a0 Sa ikalimang Republika na nagsimula noong 1987 sa ilalim ng administrasyon ni Aquino, nagaganap ang taunang SONA tuwing Hulyo.\u00a0 Ang talumpating ito ay hindi lamang ibinibigay alinsunod sa okasyon ng pagbubukas ng sesyon sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas kundi okasyon din ito upang ipahayag ng pangulo sa taumbayan ang kanyang pagsusuri sa kalagayan ng bansa at gayundin, upang imungkahi ang kanyang agenda para sa lehislatura.\u00a0 Sa pagdaan ng panahon, dala ng mga pagbabago sa teknolohiya ng brodkast at unti-unting pagbilis ng transmisyon ng impormasyon, mas lumawak at lumayo ang inaabot ng talumpati ng pangulo.\u00a0 Mas mabilis nang umaabot ito sa iba\u2019t ibang lugar, pamayanan, at mamamayan sa loob at labas ng Pilipinas.<\/p>\n<p>Karamihan sa mga talumpati sa koleksyong ito ay naisulat sa wikang Ingles ngunit may halong wikang Filipino.\u00a0 Napasimulan ang ganitong kalakaran noong panahon ni Aquino.\u00a0 Maoobserbahan na sa mga talumpating ito, tanging ang kina Joseph Estrada at Aquino III ang naisulat sa wikang Filipino.\u00a0 Malaking bahagi ng mga talumpati ni Estrada ang naisulat sa wikang Filipino, ngunit mayroon pa ring mga bahaging nasa wikang Ingles.\u00a0 Kumpara kay Estrada, ang kabuuan ng mga talumpating ibinigay ni Aquino III ay naisulat gamit ang wikang Filipino.\u00a0 Ang pagkakaiba-iba sa pagkakasulat sa mga talumpati ng mga pangulo ay may kaakibat na isyu at mga limitasyon sa metodolohiya at sa disenyo ng pananaliksik.\u00a0 Mabibigyan ito ng puna sa ibang seksyon ng artikulong ito.<\/p>\n<p>Siniyasat ang bawat talumpati ayon sa mga (1) espesipikong tema, (2) atensyon sa mga tema, (3) \u201csino\u201d ang tinutukoy gamit ang panghalip, at (4) ang pamamaraan ng pakikipag-usap.\u00a0 Tiningnan ang iba\u2019t ibang isyung binigyang-diin at pagpapaliwanag ng pangulo, gayundin ang pamamaraan kung paano ito ipinabatid sa mga tagapakinig.\u00a0 Sinuri ang mga ito ayon sa pagtinging ang mga talumpati ay di lamang opisyal na pagmumungkahing binibigyan ng awtorisasyon ng pangulo kundi isa ring okasyon ng pagmumungkahi at pakikitungo sa mamamayan.\u00a0 May basbas ng pangulo ang pagkakasulat, pagpapakahulugan, at saysay ng mga ito.\u00a0 Samakatwid, may pananagutan ang pangulo sa titik at pagkakasulat ng kanyang tinalumpati.\u00a0 Kwalitatibong metodo ang ginamit sa pagsusuri ng mga talumpati.\u00a0 Nakalap ang mga talumpati mula sa opisyal na websayt ng pamahalaan, ang <em>Official Gazette of the Republic of the Philippines<\/em> (RP 1986-2010, 1987-2013) na ginamitan ng analisis ng teksto bilang disenyo ng pagsusuri upang mabigyan ng deskripsyon ang ebidensiya.<\/p>\n<p><strong><em>Paglalarawan at Paghahambing ng mga Talumpati<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang talumpati ng pagtanggap ng tungkulin ang unang pampublikong paglalahad at pakikipag-usap ng pangulo sa mamamayan.\u00a0 Pagkatapos ng panunumpa bilang pangulo ng Pilipinas, nagiging daan ang talumpati upang maipabatid ng bagong hirang na pangulo ang buod ng kanyang magiging pamunuan o administrasyon.\u00a0 May mga pagkakapareho at pagkakaiba ang mga tema sa bawat talumpati pagkatapos ng panunumpa at pagkakahirang bilang pangulo.\u00a0 Mula kina Aquino (1986), Fidel Ramos (1992), Estrada (1998), Macapagal-Arroyo (2001, 2004), at Aquino III (2010) ang mga ikinumparang talumpati.<\/p>\n<p>Sa konteksto ng mga talumpating nakasaad sa itaas, may mga temang nanatili at may mga patuloy na nagbabago.\u00a0 Halimbawa, isang temang nananatili sa lahat ng mga talumpati ang demokrasya sa Pilipinas sa iba\u2019t ibang kapanahunan.\u00a0 Mula sa panunumbalik nito sa panahon ni Aquino at pagpapalawig at pagsasabuhay nito sa administrasyon ni Ramos, binigyan ng iba\u2019t ibang pagpapakahulugan ang demokrasya.\u00a0 Pagkatapos ng panahon ng diktaturya ni Marcos, iba\u2019t ibang pagpapahiwatig sa kalayaan ang binigyang-diin ni Aquino at Ramos tulad ng proteksyon sa karapatang pantao, matatag na pamamahala, at pangkabuhayang pag-unlad.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>\u2026I inherited an economy in shambles and a polity with no institutions save my Presidency to serve as the cornerstone of the new democracy that we set out to build\u2026\u00a0 I vowed to end all threats to our democracy by the end of my term.\u00a0 We shall make good on that pledge\u2026\u00a0 Now Philippine democracy rests solidly upon the three pillars of freedom: the President, the Supreme Court, and Congress<\/em> (Aquino 1987).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>\u2026Philippine democracy is our unique comparative advantage in the new global order.\u00a0 Only democracy can release the spirit of enterprise and creativity among our people, and without freedom, economic growth is meaningless.\u00a0 And so, freedom, markets, and progress go together\u2026 we must strengthen the institutions of direct democracy installed in the 1987 Constitution because accountability is the very essence of representative government\u2026 to improve qualitatively the state\u2019s capacity to promote the interests of the national community, even as we recognize the people\u2019s right enshrined in the same Constitution to seek its improvement<\/em> (Ramos 1997).<\/p>\n<p>Para kay Estrada, tunay na kasarinlan ang demokrasya sa harap ng usapin ng mga base militar ng Estados Unidos ng Amerika at higit pa rito, para sa kalayaan laban sa kahirapan at korapsyon.\u00a0 Sa pamamagitan ito ng pagbibigay-pansin sa pagpapaunlad at wastong pamamahagi ng serbisyong pampubliko.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>It is said that my stand as a senator against the US bases treaty, in the face of strong public opinion and superpower pressure, disqualifies me as President from endorsing the visiting forces agreement with the United States.\u00a0 On the contrary, because I stood up for the Philippine sovereignty in 1991, now as your President, I have the moral right to stand up for Philippine security today<\/em> (Estrada 1998).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>As the war on graft intensifies, the war on poverty continues.\u00a0 Our premise is that the most effective way of eradicating poverty is through sound, non-inflationary growth and development.\u00a0 This, however, must be complemented by focused interventions that aim directly at poverty reduction <\/em>(Estrada 2000).<\/p>\n<p>Nakakamit naman ang demokrasya para kay Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng pagpapatatag sa republika at paghahatid ng maayos na serbisyo publikong nakakatugon sa mga hamon ng panahon.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>My countrymen, the fine stone I should like to add to the edifice of our nation, right above the stone of social justice that my father left behind, is a strong republic.\u00a0 Two essential features mark out a strong republic.\u00a0 The first is independence from class and sectoral interests so that it stands for the interests of the people rather than of a powerful minority.\u00a0 The second is the capacity, represented through strong institutions and a strong bureaucracy, to execute good policy and deliver essential services\u2014the things that only governments can do <\/em>(Macapagal-Arroyo 2002).<\/p>\n<p>Samantala, para naman kay Aquino III, nakaugat ang kanyang pagtalakay sa demokrasya sa kanyang sarili at mga magulang na mga bayaning lumaban sa diktaturya, pandarambong, at korapsyon.\u00a0 Binigyang-diin din ni Aquino III ang produktibong kontribusyon at kapakinabangan ng bawat mamamayan bilang \u201ctunay na lakas ng bayan\u201d at bilang bahagi ng isang bansa.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Nilabanan ng aking ama ang diktaturya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya.\u00a0 Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito.\u00a0 Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa\u2026\u00a0 Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.\u00a0 Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya.\u00a0 Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa.\u00a0 Nangampanya tayo para sa pagbabago.\u00a0 Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli (Aquino III 2010).<\/p>\n<p>Isa pang nananatiling tema ang kani-kanilang pamamaraan ng pagsasaayos o reporma sa lipunan.\u00a0 Napapaloob ang bawat pangulo sa konteksto kung saan nangangailangan ng pagbabago mula sa \u201cluma\u201d\u2014lumang pamamalakad, lumang ekonomiya o lumang pulitika.\u00a0 Para kay Aquino, ang tugon para sa pagsasaayos ay kaugnay ng pagbabago mula sa pinagdaanang diktaturya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Dictatorship had done nothing but make more of our people poorer.\u00a0 It also made us sicker.\u00a0 The prevalence of malnutrition among our young and the incidence of birth fatalities had risen at alarming rates\u2026 I responded with an economic reform program aimed at recovery in the short, and sustainable growth in the long run.\u00a0 More concretely, it addressed itself to the basic problems of unemployment and underemployment, and the consequent mass poverty.\u00a0 The program calls for comprehensive structural reforms of the internal economy, complemented by no less important external economic cooperation <\/em>(Aquino 1987).<\/p>\n<p>Tulad kay Aquino, pagsasaayos at pagpapatibay ng mga reporma sa ekonomiya ang kay Ramos lalo na sa distribusyon ng yaman para sa mas nakararaming Pilipino.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Considerable stability has been attained in the economy as efforts at stabilization, restructuring, and reform over the last six years have borne fruit.\u00a0 But our people still live under the weight of many problems.\u00a0 The indicators of national life tell us just how heavy is this burden: The top 20 percent of Filipino families receives 50 percent of our country\u2019s total household income; the lowest 20 percent receives only 5 percent.\u00a0 At least 5.8 million families\u2014over half of all our households\u2014do not earn enough to meet their basic needs <\/em>(Ramos 1992).<\/p>\n<p>Para naman kay Estrada, mahalaga ang pagbubuklod at tulungan sa reporma ng ekonomiya lalo na sa panahong naranasan ang krisis pinansyal sa Asya noong simula ng kanyang panunungkulan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Sapagkat dapat lamang na ako ay makisama sa lahat na ating mamamayan, kasama man o katunggali, kaibigan o kalaban.\u00a0 Bakit?\u00a0 Sapagka\u2019t iisa lamang ang ating bayan, iisa lamang ang ating landas, at kung hindi tayo magsasama-sama sa isang tunay na bukluran, kanino pa kaya, at kailan pa, kundi ngayon?\u00a0 Ngayon na\u2014sapagkat ang hinaharap ng ating bansang Pilipino ay lubhang mabigat, lubhang malalim.\u00a0 Ang<em> regional currency crisis <\/em>ay paghamon hindi lamang sa ating mga bangko o mga negosyante, kundi sa bawa\u2019t pangkaraniwang mamamayan(Estrada 1998).<\/p>\n<p>Repormang pulitikal at pagpapaunlad ng ekonomiya ang nasa sentro ng administrasyon ni Macapagal-Arroyo.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>We must change the character of our politics, in order create fertile ground for true reforms.\u00a0 Our politics of personality and patronage must give way to a new politics of party programs and process of dialogue with the people\u2026\u00a0 Politics and political power as traditionally practiced and used in the Philippines are among the roots of the social and economic inequities that characterize our national problems.\u00a0 Thus, to achieve true reforms, we need to outgrow our traditional brand of politics based on patronage and personality.\u00a0 Traditional politics is the politics of the status quo.\u00a0 It is a structural part of our problem\u2026\u00a0 To tap the opportunities, we need an economic philosophy of transparency and private enterprise, for these are the catalysts that nurture the entrepreneurial spirit to be globally competitive <\/em>(Macapagal-Arroyo 2001).<\/p>\n<p>Ang pagsasaayos para sa mabuting pamamalakad sa pamahalaan mula sa kultura ng korapsyon ng nakaraang di-makaturungan at mapang-abusong pamunuan ang naging pokus ng mga reporma ni Aquino III.\u00a0 Higit dito, naisakonteksto ni Aquino III ang reporma sa pamamagitan ng pagsasalarawan sa mga Pilipino.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u2026huwag po sana nating lilimutin: masasayang lang ang lahat ng ating narating kung hindi tuluyang maiwawaksi ang kultura ng korapsyon na dinatnan natin (Aquino III 2011).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Anuman pong pagbabagong tinatamasa natin ngayon ay naabot dahil hindi tayo nakuntentong sumunod lamang sa dinatnang<em> status quo <\/em>ng pamamahala\u2026\u00a0 Nakikinig sa katuwiran ang Pilipino; kapag ipinakita mong malasakit ang iyong batayang prinsipyo, handa tayong makiisa(Aquino III 2013).<\/p>\n<p>Mapapansin ding may ilang talumpating nagbanggit tungkol sa krisis na pinagdaanan o pinagdadaanan ng sambayanan kung kaya\u2019t may pangangailangan sa matatas at matatag na pamumuno.\u00a0 Iba\u2019t iba ang dahilan ng krisis.\u00a0 Minsa\u2019y pulitikal o pang-ekonomiya ang krisis na dala-dala ng nakaraang administrasyon.\u00a0 Minsan nama\u2019y bunsod ito ng mga istruktural o kondisyunal na mga pangyayari.\u00a0 Sa pagtugon sa krisis, may pagkakapareho ang lahat sa pagkilala ng mga animo\u2019y mithiin ng sambayanan, gayundin sa mga pamamaraan kung paano ito makakamit.<\/p>\n<p>Sa dako ng mga taunang talumpati ukol sa kalagayan ng bansa, may mga kategorya ng isyu at usaping nananatili subalit may pagkakaiba sa binibigyang-diin at atensyon ng pangulo.\u00a0 May kinalaman ang mga ito sa ekonomiya, karapatang pantao, kalusugan, agrikultura, trabaho at negosyo, imigrasyon, edukasyon, pabahay, kalikasan, enerhiya, imprastruktura, krimen at batas, krisis na pangkalikasan, proteksyon ng teritoryo, kapulisan at militar, ugnayang panlabas, administrasyon at burukrasya, at programa laban sa kahirapan.<\/p>\n<p>Masasabing may piling isyung higit na pinagtuunan ng pansin ang bawat pangulo.\u00a0 Para kay Aquino, ang pulitikal na mga isyu tulad ng karapatang pantao at seguridad ng bansa laban sa internal na mga hamon nito ang binigyang-pansin.\u00a0 Nataon ding sa panahon ni Aquino naisama sa talumpati ang krisis matapos ang lindol na nangyari noong Hulyo 1990.\u00a0 Sa katapusan ng kanyang panunungkulan, binigyan ng higit na pansin ang ekonomiya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>I am grateful for the authority you have given me today.\u00a0 And I promise to offer all that I can do to serve you.\u00a0 It is fitting and proper that, as our people lost their rights and liberties at midnight fourteen years ago, the people should formally recover those lost rights and liberties in the full light of day <\/em>(Aquino 1987).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>My assessment of the peace and order situation is mixed.\u00a0 With regard to the insurgency, the tide has turned\u2014I believe permanently.\u00a0 The main weapons were democracy, a greater concern by government for rural needs, the economic recovery, a heightened respect for political and human rights, and a deeper commitment to their proper mission on the part of the Armed Forces <\/em>(Aquino 1989).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>We gather today at a most crucial time in our history.\u00a0 Seven days ago, a large portion of our country was rocked by one of the most serious natural calamities we have ever experienced: an earthquake which registered at magnitude 7.7 in the open-ended Richter scale, and intensity 8 in the Rossi-Forel scale near the epicenter\u2026\u00a0 9 of our cities and 39 municipalities in 15 provinces lay damaged; some, almost totally devastated<\/em> (Aquino 1990).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>\u2026the massive December 1989 military revolt that cut short a second economic recovery, after the dislocation caused by the earlier August 1987 coup attempt.\u00a0 That one strangled the powerful rebound of the Philippine economy after the EDSA Revolution<\/em> (Aquino 1991).<\/p>\n<p>Itinuloy ito sa pagkapangulo ni Ramos at iniugnay sa pangangailangan ng pagbukas ng ekonomiya sa harap ng programang liberalisasyon.\u00a0 Napapaloob ang mga polisiyang ito sa kanyang estratehiyang tinawag na \u201c<em>Philippines 2000<\/em>.\u201d\u00a0 Iniugnay rin ang pangangailangan ng reporma sa ekonomiya upang makamit ang kaunlaran.\u00a0 Pinagpatibay ang pangangailangan ng pagsasaayos sa mga institusyon ng pamamahala at pagbubuhay sa potensyal na industriya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>\u2026we now know that development cannot take place in our country unless we put our house in order.\u00a0 And this, to me, means accomplishing three things: One, restoring political and civic stability.\u00a0 Two, opening the economy: dismantling monopolies and cartels injurious to the public interest, and leveling the playing field of enterprise.\u00a0 Three, addressing the problem of corruption and criminality.\u00a0 These three tasks once completed shall secure the environment for self-sustaining growth and enable the government to positively and consistently act in the national interest.\u00a0 Our strategic framework to establish effective government of putting our house in order so that our drive for development can begin, we call \u201cPhilippines 2000.\u201d\u00a0 \u201cPhilippines 2000\u201d has two components.\u00a0 The first is the medium-term Philippine development plan for 1993-1998 (MTPDP 93-98).\u00a0 Guided by the principles of people empowerment and global excellence, it proposes specific policies and programs to stimulate economic activity and mobilize the entrepreneurial spirit in ordinary Filipinos\u2026\u00a0 The second component of Philippines 2000 addresses the larger environment the political, social, and cultural climate in which economic growth must take place <\/em>(Ramos 1993).<\/p>\n<p>Binigyang-pansin naman sa pagkapangulo ni Estrada ang problema ng kahirapan at korapsyon.\u00a0 Halimbawa, isiniwalat ni Estrada ang magarbong paggastos para sa pagdiriwang ng sentenaryo ng pagkabansa ng Pilipinas kahit na may mas mahahalaga pang dapat pagkagastusan.\u00a0 Sa kanyang mga talumpati, paulit-ulit na nasasambit ang salitang \u201cmasa\u201d kumpara sa mga talumpati ng ibang pangulo. \u00a0Naging pundasyon sa programa ni Estrada ang kahalagahang maiangat sa kahirapan ang masang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sektor ng agrikultura at mga serbisyong panlipunan kaugnay ng kalusugan, edukasyon, at pabahay.\u00a0 Nakilala rin si Estrada sa kanyang adbokasya laban sa krimen.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>The problems we face are of such magnitude as to require nothing less than heroic and concerted action.\u00a0 We must move upon them as a single community, bound together by common rules that we all agree to respect and obey.\u00a0 To begin with, we have to reduce the cost of governance, costs that go higher and higher with each corrupt act, with each wasteful project.\u00a0 Bilyun-bilyong piso ang nawawala sa mga proyektong maaksaya at kulang sa silbi, at lalong malaki pa ang nawawalang parang bula dahil sa patuloy na kurakot.\u00a0 Business pays taxes, but mostly into the pockets of BIR agents or customs examiners instead of the national treasury.\u00a0 In 1998 alone, we can save as much as thirty four billion pesos from pork barrel.\u00a0 4.6 billion pesos went to the centennial celebration, but the Department of Social Welfare had to beg for one hundred million pesos in emergency food aid to drought victims in Mindanao, and did not get it <\/em>(Estrada 1998).<\/p>\n<p>Walang dadaig kay Erap sa pagmamalasakit sa masa.\u00a0 Kaya magsamasama na tayo(Estrada 1999).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Our premise is that the most effective way of eradicating poverty is through sound, non-inflationary growth and development.\u00a0 This, however, must be complemented by focused interventions that aim directly at poverty reduction.\u00a0 Hence, the high priority accorded by my government to agriculture and the rural areas, education, health, housing, and agrarian reform\u2026\u00a0 The Philippine National Police will continue to pursue its policy of absolute zero tolerance against illegal drugs.\u00a0 It will also continue to professionalize itself in its no-nonsense fight against crime, even as it intensifies its no-nonsense campaign against excessive waistlines<\/em> (Estrada 2000).<\/p>\n<p>Sa saklaw ng pag-aaral na ito, pinakamahabang nanungkulan bilang pangulo si Macapagal-Arroyo (2001-2010).\u00a0 Sa kanyang unang termino (2001-2004), pagkatapos mapaalis si Estrada sa pagkapangulo, ang ekonomiya at repormang moral ang nanguna sa programa ng kanyang administrasyon.\u00a0 Ang isyu ng tamang pamumuno na may suportang moral mula sa taumbayan para sa katatagan ng republika ang naging batayan ng kanyang pagkapangulo.\u00a0 Sa ikalawa niyang termino (2004-2010), matapos maluklok muli sa pagkapangulo, mas binigyang-diin niya ang katatagan ng ekonomiya, agenda niya para sa mahihirap, reporma ng administrasyon, at negosyo at trabaho para sa mga Pilipino.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>We must improve moral standards in government and society, in order to provide a strong foundation for good governance\u2026\u00a0 To ensure that our gains are not dissipated through corruption, we must improve moral standards.\u00a0 As we do so, we create fertile ground for good governance based on a sound moral foundation, a philosophy of transparency, and an ethic of effective implementation <\/em>(Macapagal-Arroyo 2001).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>To succeed, the template of our national agenda must revolve around four components: <\/em>apat na elemento ng pakikibaka sa kahirapan\u2026<em>\u00a0 And the fourth component is to raise the moral standards of government and society.\u00a0 <\/em>Moralidad sa gobyerno at lipunan bilang saligan ng tunay na kaunlaran(Macapagal-Arroyo 2001).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>The state of our nation is a strong economy.\u00a0 Good news for our people, bad news for our critics.\u00a0 Since then, our economy posted uninterrupted growth for 33 quarters; more than doubled its size from $76 billion to $186 billion.\u00a0 The average GDP growth from 2001 to the first quarter of 2009 is the highest in 43 years.\u00a0 <\/em>Bumaba ang bilang ng mga nagsasabing mahirap sila sa 47% mula 59%.\u00a0 Maski lumaki ang ating populasyon, nabawasan ng dalawang milyon ang bilang ng mahihirap (Macapagal-Arroyo 2009).<\/p>\n<p>Para naman kay Aquino III, mahalagang maibangon ang lipunan mula sa mga naranasan nitong korapsyon sa pamamahala.\u00a0 Naging pangunahin sa kanyang diskurso ang pakikipaglaban sa katiwalian at korapsyon.\u00a0 Gamit ang tayutay ng \u201ctuwid na daan\u201d pinosisyon ni Aquino III ang relasyon ng kahirapan sa korapsyon.\u00a0 Gayundin, itinaas niya sa moral na pedestal ang kahalagahan ng pampublikong pananagutan at kalinisan sa pamamahala bilang kasagutan sa kahirapan.\u00a0 Kasabay nito, binigyang-diin din ni Aquino III ang ekonomiya at serbisyong pampubliko.\u00a0 Binigyang-diin ni Aquino III ang pagbabago\u2014na isa ito sa mga mithiing nais matamasa ng mga Pilipino bilang pamamaraan sa pag-unlad. Higit pa, na ang pagbabago sa bansa ay dulot ng \u201cmalasakit, pakikipagkapwa, at pagkakawang-gawa.\u201d<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto?\u00a0 Ako rin.\u00a0 Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada?\u00a0 Ako rin.\u00a0 Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin?\u00a0 Ako rin.\u00a0 Katulad ninyo ako.\u00a0 Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa\u2014nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan.\u00a0 Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita(Aquino III 2010).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan.\u00a0 Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas(Aquino III 2010).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan.\u00a0 Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan.\u00a0 Ito po ang tuwid na daan\u2026\u00a0 Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang(Aquino III 2010).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Kaakibat ng pagtaas ng kumpiyansa sa ating mabuting pamamahala, ang patuloy na pag-angat ng ating ekonomiya.\u00a0 Ang resulta: dalawang magkasunod na <em>ten-place jump<\/em> sa <em>Global Competitiveness Index<\/em> ng <em>World Economic Forum<\/em>.\u00a0 Sa unang pagkakataon, nakuha natin ang <em>investment grade status<\/em> mula sa dalawa sa tatlong pinakatanyag na <em>credit ratings agencies <\/em>sa mundo, at hindi malayong sumunod ang ikatlo (Aquino III 2013).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ngayon, tinatamasa na natin ang pagbabago. Mula ito sa mga butil ng malasakit, ng pakikipagkapwa, ng pagkakawang-gawa; nanggaling ito sa milyun-milyong Pilipinong kahit sa pinakapayak na paraan ay nagkusang makiambag sa transpormasyon ng bansa(Aquino III 2013).<\/p>\n<p><strong><em>Pag-uugnay ng mga Talumpati<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Bilang dagdag na obserbasyon at batay sa mga kwalitatibong ebidensiyang naipakita sa itaas, masasabing may mga pinag-ukulan na tema ang bawat talumpati ng Pangulo.\u00a0 Kung susumahin ang bilang ng pagsambit sa mga kataga sa mga talumpati ukol sa mga ito\u2014\u201cekonomiya,\u201d \u201ckahirapan,\u201d \u201creporma,\u201d \u201ckorapsyon,\u201d at \u201cseguridad\u201d (tingnan ang Pigura 2), makikitang madalas ang pagsambit sa mga temang may kinalaman sa ekonomiya at reporma mula 1986 hanggang 2013.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Pigura 2<\/strong><br \/>\n<em><strong>Atensyon ng mga Pangulo sa Piling Tema<\/strong><\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Atensyon-ng-mga-Pangulo-sa-Piling-Tema.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-240\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Atensyon-ng-mga-Pangulo-sa-Piling-Tema.jpg\" alt=\"Atensyon ng mga Pangulo sa Piling Tema\" width=\"624\" height=\"303\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Atensyon-ng-mga-Pangulo-sa-Piling-Tema.jpg 624w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Atensyon-ng-mga-Pangulo-sa-Piling-Tema-300x145.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Atensyon-ng-mga-Pangulo-sa-Piling-Tema-100x48.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Atensyon-ng-mga-Pangulo-sa-Piling-Tema-150x72.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Atensyon-ng-mga-Pangulo-sa-Piling-Tema-200x97.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Atensyon-ng-mga-Pangulo-sa-Piling-Tema-450x218.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Atensyon-ng-mga-Pangulo-sa-Piling-Tema-600x291.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 624px) 100vw, 624px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 510px;\"><em>Taguibao 2013<\/em><\/p>\n<p>Mapapansin na sa lahat ng mga talumpati, may ilang hayag na pagkakapareho sa pagkakabalangkas at pagkakasulat ng mga ito.\u00a0 Halimbawa, madalas ay nagtatapos ang isang talumpati sa mga katagang Filipino (<em>e.g.<\/em> \u201cMabuhay ang Pilipinas!,\u201d \u201c<em>Magkaisa tayo.\u00a0 Magtulungan tayo.\u00a0 Maraming salamat po!<\/em>,\u201d \u201c<em>Mabuhay ang Pilipino!<\/em>,\u201d \u201c<em>Buhay na buhay na ang Pilipinas at ang Pilipino!<\/em>,\u201d <em>\u00a0<\/em>\u201c<em>Ako po si Noynoy Aquino; ipinagmamalaki ko sa buong mundo: Pilipino ako.\u00a0 At talagang napakasarap maging Pilipino sa panahong ito.\u00a0 Maraming salamat po.\u00a0 Magandang hapon sa lahat!,\u201d<\/em> atbp.).<\/p>\n<p>Sa lahat ng talumpati, laging may panawagan para sa pagkakaisa.\u00a0 Walang pangulo ang nagtalumpati na hindi isinama ang kahalagahan ng pakikilahok o pakikiisa ng mamamayan o nagsabing maaaring makamit ang mga mithiin sa pamamagitan lamang ng kanyang pamumuno.\u00a0 Ang pagtawag sa pakikilahok at pagkakaisa ay karaniwa\u2019y sinasabi sa katapusan ng bawat talumpati.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Do not let anyone dictate to us where our national pride should be.\u00a0 We know where it lies: In a sense of our past and a sense of our destiny; in the confidence of what we can make of this nation when we are united again by trust.\u00a0 We saw what can be.\u00a0 A vision was born in EDSA.\u00a0 A vision of the future, of a people standing together, not just for four days on a highway, but on and on as a nation <\/em>(Aquino 1988).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>This nation will endure, this nation will prevail and this nation will prosper again\u2013if we hold together.\u00a0 Before us lies the challenge: Come then, let us meet it together.\u00a0 With so much for us to do, let us not falter.\u00a0 With so little time left in our hands, we cannot afford to fail.\u00a0 And with God\u2019s blessing for all just causes, let us make common cause to win the future <\/em>(Ramos 1992).<\/p>\n<p>Muli akong nananawagan sa lahat ng ating mga kababayan na tayo ay magkaisa at magsikap para sa ating kaunlaran, katahimikan, at magandang kinabukasan.\u00a0 Maraming salamat po sa inyong lahat(Estrada 1999).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Join me, therefore, as we begin to tear down the walls that divide.\u00a0 Let us build an edifice of peace, progress, and economic stability.\u00a0 People Power has dramatized the Filipino\u2019s capacity for greatness.\u00a0 People of People Power, I ask for your support and prayers.\u00a0 Together, we will light the healing and cleansing flame <\/em>(Macapagal-Arroyo 2001).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Alam kong tayong lahat ay naghahangad ng isang makabuluhang pagbabago para sa ating bayan.\u00a0 Tayong lahat ay nagsisikap para matamo ang kapayapaan at kaunlaran.\u00a0 Kung kaya\u2019t ako\u2019y nakikiusap na tulungan ninyo ako, para sa kapakanan ng taong bayan(Macapagal-Arroyo 2005).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon.\u00a0 Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito.\u00a0 Tayo na sa tuwid na landas(Aquino III 2010).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Kaya\u2019t sa tanong kung tungkol kanino ang nilalaman ng talumpati, maaaring makita ang empirikal na kasagutan sa oryentasyon ng pagpapahayag ng pangulo.\u00a0 Lumalabas na kahit na may mga talumpati na tila nagbibigay ng mas mabigat na pokus sa nagsasalita kaysa sa kinakausap, gamit ang mga panghalip na \u201cako,\u201d \u201cko,\u201d \u201cakin,\u201d masasabing madalas hindi makasarili ang oryentasyon ng mga ito.\u00a0 Batay sa semantiko at empirikal na pagbilang ng mga salita (tingnan ang Pigura 3), madalas na nakalalamang ang paggamit ng mga batayang wika na nagsasalarawan ng kolektibo (<em>1stPerson Collective<\/em> at <em>3rd Person Collective<\/em>) pinag-isang gawa o pinagsama-samang pagsisikap.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Pigura 3<\/strong><br \/>\n<em>Oryentasyon ng mga Talumpati Batay sa mga Panghalip<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Oryentasyon-ng-mga-Talumpati-Batay-sa-mga-Panghalip.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-241\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Oryentasyon-ng-mga-Talumpati-Batay-sa-mga-Panghalip.jpg\" alt=\"Oryentasyon ng mga Talumpati Batay sa mga Panghalip\" width=\"624\" height=\"468\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Oryentasyon-ng-mga-Talumpati-Batay-sa-mga-Panghalip.jpg 624w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Oryentasyon-ng-mga-Talumpati-Batay-sa-mga-Panghalip-300x225.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Oryentasyon-ng-mga-Talumpati-Batay-sa-mga-Panghalip-100x75.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Oryentasyon-ng-mga-Talumpati-Batay-sa-mga-Panghalip-150x112.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Oryentasyon-ng-mga-Talumpati-Batay-sa-mga-Panghalip-200x150.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Oryentasyon-ng-mga-Talumpati-Batay-sa-mga-Panghalip-450x337.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Oryentasyon-ng-mga-Talumpati-Batay-sa-mga-Panghalip-600x450.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 624px) 100vw, 624px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 390px;\"><em>Taguibao 2013<\/em><\/p>\n<p>Mahahalata rin ang pagpapalit ng wika (\u201c<em>code switching<\/em>\u201d) sa ilang bahagi ng mga talumpati.\u00a0 Bukod kina Estrada at Aquino III na dominante ang paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga talumpati, ang mga gumamit ng dominanteng wikang Ingles ay nagpapalit, kahit panandalian, ng kanilang mga pangungusap at pananalita tungong wikang Filipino.\u00a0 Bihira lamang ang nagbigay ng talumpating walang sinambit o ginamit na salitang Filipino.\u00a0 Ang pagpapalit ng wika sa isang talumpati ay pagpapakita na nagbabago ang oryentasyon o kinakausap ng nagtatalumpati.\u00a0 Mahalaga ang obserbasyong ito sapagkat pagpapakita ang ganitong pamamaraan na iba\u2019t iba ang katauhan at uri ng kinakausap ng pangulo.\u00a0 Bukod dito, maoobserbahan ding pamamaraan ng pagbibigay-diin ang pagpapalit ng wika.\u00a0 Madalas sa mga talumpati, bunsod ang pagpapalit ng wika tungo sa wikang Filipino ng pagbibigay-kahalagahan sa isang kaisipang naunang nahayag sa wikang Ingles.\u00a0 Kaya\u2019t masasabing ang pagpapalit ng wika ay hudyat ng konsiderasyon ng nagtatalumpati sa wika ng tagapakinig at pamamaraan din upang maipahiwatig ang sakop ng kapangyarihan ng diskursong sinusulong ng nagtatalumpati.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>DISKUSYON:<\/strong><br \/>\n<strong>PAGPAPALAWAK NG <em>PAKIKIPAGKAPWA<\/em> SA UGNAYANG PULITIKAL<\/strong><\/p>\n<p>Ang mga talumpati at pagtatalumpati ng mga pangulo ay masasabing retorikal na pamamaraan na nagpapakita ng ugnayang pulitikal sa pagitan ng namumuno at mamamayan.\u00a0 Higit sa opisyal na pagmungkahi ukol sa mga kaganapang may direktang epekto sa buhay ng mamamayan at lipunan, nagpapakita ang mga talumpati kung paanong pinagtitibay ang ugnayan, gayundin ang diskurso ng pamamahala.\u00a0 Dahil tradisyunal na isang <em>monologue<\/em> ang pagtatalumpati, ang kapangyarihan ng tagapagsalita\u2014ang kanyang pagsasalarawan ng reyalidad, ng ibang tao, ng kanyang kausap ang dominanteng nagiging batayan ng ugnayan.<\/p>\n<p>Tunay na mahalaga ang pagbibigay-pansin sa kapangyarihan ng talumpati lalo na sa larangan ng pagpapakita ng nagtatalumpati ng mga imahen, simbolo, saysay, at kahulugan; at kung paano ito ipinararating sa mga tagapakinig upang maging katanggap-tanggap (Ileto 1998).\u00a0 Kung kaya\u2019t masasabing isang pamamaraan ito ng komunikasyon at <em>pakikipagkapwa <\/em>sa pagitan ng pangulo at mamamayang may ugnayang pulitikal.<\/p>\n<p><strong><em>Pagtatalumpati bilang Pagbibigay-alam<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Naglalaman ang mga talumpati ng pangulo ng iba\u2019t ibang nais ipabatid at imungkahi ng pangulo.\u00a0 Sa Kanluraning pananaw, ang ganitong uri ng mga talumpati ay balangkas, banghay o listahan ng mga paksain at usaping nais ipamahagi ng pangulo.\u00a0 Subalit, dapat usisain ang pamamaraang ginagamit sa pagtatalumpati.\u00a0 Sa paanong paraan ipinapaabot ang mga nais ipabatid at imungkahi ng pangulo?\u00a0 Masasabi bang ang mga ito\u2019y utos, plano o direksyon?\u00a0 Madalas na sa Kanluraning pananaw, listahan ng polisiya ang mga talumpati ng pangulo.\u00a0 Ilan sa mga pantas na nag-aaral ng pulitikal na proseso ng paggawa ng polisiya ang sumusuri sa mga talumpati tulad ng mga siniyasat sa pag-aaral na ito sa intensyong malaman ang atensyon at mga isyung binibigyan ng halaga ng namumuno.\u00a0 Napapaloob ang lahat ng ito sa tinatawag na \u201c<em>agenda setting stage<\/em>\u201d o panimulang pagbabalangkas ng parametro at sinasakupan ng mga usapin (Sabatier 2007; Birkland 2011).<\/p>\n<p>Sa pagkakataong ito, mas nabibigyang-diin ang laman ng talumpati kaysa sa diwa at mga dahilan sa likod nito at ng okasyon ng pagtatalumpati.\u00a0 Gayundin, nabibigyang-diin ang pamamaraan ng pagtatalumpati.\u00a0 Sa pinakalantay na antas, masasabing ang pagtatalumpati ay pagbibigay-alam sa mamamayan at taumbayan kung ano ang nasa isipan ng pinuno\u2014sa kasong ito, ng pangulo ng Pilipinas.\u00a0 Naipapaalam sa mga tagapakinig (o tagapanood) ng talumpati ang mga usaping sa tingin ng pangulo ay kinakailangang pag-usapan, ang mga problema na dapat bigyang-lunas, at higit sa lahat, ang mga nabanghay na mithiin para sa sambayanan.\u00a0 Batay sa ebidensiyang naipakita, iba\u2019t iba ang mga usapin at isyung binibigyang-atensyon ng pangulo.\u00a0 Kinakailangang ipaalam ito sa taumbayan upang maipakita ang halaga ng mga isyung ito sa lipunan, gayundin upang makalikom ng pag-intindi at suporta ang pangulo mula sa mga kasama niya sa pamamahala at sa publiko.<\/p>\n<p>Ang laman ng talumpati ay iba\u2019t ibang uri ng impormasyong isinasapubliko ng pangulo.\u00a0 Sa pagbalangkas ng kanyang mga programa, ang mga ito ang nagsisilbing batayan ng desisyon at kilos ng pamahalaan.\u00a0 Ang mga ito rin ang nagsisilbing pamantayan upang sa susunod na pagsisiyasat ay malaman kung may mga nakamit o nagawa ang isang administrasyon ayon sa ibinalangkas na mga plano.<\/p>\n<p>Ang pagbibigay-alam sa mga plano at programa ng pangulo sa mamamayan ay palasak sa iba\u2019t ibang sistemang pulitikal.\u00a0 Bahagi ito ng pampublikong pananagutang mayroon ang mga pinuno lalo na sa mga sistemang liberal-demokratiko.\u00a0 Nagbabago lamang ang istilo at pagbibigay-alam gamit ang pagtatalumpati kaya\u2019t mahalagang tingnan ang pamamaraan kung paano nakikiitungo ang mga pangulo sa mamamayan sa nasabing okasyon.<\/p>\n<p>Sa retorika, ang pagbibigay-alam ay indikasyon ng kapangyarihan.\u00a0 Ang pagbibigay-kahulugan sa katotohanan at saysay ay bahagi ng diskurso kung saan ang pagbibigay-alam ay konstruksyon ng makapangyarihan.\u00a0 Alinsunod dito, masasabing nakabatay ang plano at programang ibinabalangkas ng pangulo hindi lamang sa isang ekspertong interpretasyon ng mga usapin at isyu.\u00a0 Pagpapakita rin ito ng kapangyarihan ng pangulo bilang pinunong batis ng katotohanan.\u00a0 Ang atensyong ibinibigay niya sa piling isyu, ang pagpapahalaga na ibinibigay niya sa mga usapin, at ang transpormasyon ng mga ito mula sa pagiging \u201cisyu\u201d tungo sa pagiging \u201cproblema\u201d or \u201csuliranin\u201d ay nakabatay sa kapangyarihan ng pamunuan.\u00a0 Samakatwid, may kakayanan ang retorikang maging bahagi ng transpormasyong ito (Wodak at Meyer 2009).<\/p>\n<p>Ang pagtanggap dito ng mamamayan ay pagpapatibay na may naghaharing ugnayan ng pulitika at kapangyarihan sa pagitan nila at ng pangulo.\u00a0 Ngunit may hangganan ang pagtanggap na ito ayon kay Ileto (1998).\u00a0 Ang lehitimasyon ng impormasyon at kaalaman mula sa pamunuan ay isa ring bahagi ng ugnayang pulitikal\u2014hindi lamang ang kapangyarihan ng awtorisadong impormasyon ang siyang batayan kundi ang pagiging katanggap-tanggap nito sa mamamayan.<\/p>\n<p>Nasasaklaw rin ito sa kultural na aspekto ng pulitika kung saan, dagdag sa retorika, may kinalaman ito sa pagbibigay-kahulugan at saysay (Soon 2008).\u00a0 Nakabatay rin ang pagiging katanggap-tanggap ng mga impormasyon at kaalaman sa konteksto ng tagapakinig na siya ring nakikilahok sa pagdedesisyon kung ano ang dapat pag-ukulan ng lehitimasyon.\u00a0 Sa ganitong antas, masasabing mayroon ding hangganan ang retorikal na mekanismong nakabatay sa lehitimasyon ng mamamayan.\u00a0 Ang tahasang di-pagtanggap sa ibinibigay-alam ng pamunuan sa mamamayan ay repleksyon ng pagkahina ng diskurso ng kapangyarihan (Ileto 1998).<\/p>\n<p>Ang talumpati ng pangulo ay hindi lamang teksto.\u00a0 Ang mga salita at sambit ay may elemento ng kapangyarihan.\u00a0 Ang impormasyong kanyang ibinabahagi sa proseso ng pagbibigay-alam ay saklaw rin ng kapangyarihan.\u00a0 Bukod dito, ang talumpati ng mga pangulo ay mayroon ding elemento ng komunikasyon at naroon ang pagnanais sa pagiging katanggap-tanggap nito.\u00a0 Ang pamamaraan ng pagbabahagi at pagbibigay-alam, upang maging katanggap-tanggap ito, ay makikita sa paghahabi ng talumpati.\u00a0 Isang pamamaraan ng pagpapaunawa ang paggamit ng <em>lingua franca<\/em> sa pakikipag-usap ng pangulo sa mamamayan (Javier 2012).\u00a0 Higit din dito ang mga ekspresyon ng pakikitungo at <em>pakikipagkapwa<\/em> na siyang tatalakayin sa susunod na seksyon.<\/p>\n<p><strong><em>Pakikipagkapwa sa Pagtatalumpati<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Lumalabas sa pagsusuri ng mga talumpati at sa pagkakasulat ng mga ito na mayroong iba\u2019t ibang moda, uri, at antas ng <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> na mapapansin.\u00a0 Kung titingnang mabuti, hindi lamang simpleng <em>pakikitungo<\/em> ang ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan.\u00a0 Batay sa mga nasuring talumpati, maraming okasyon sa mga talumpati na nagpapakita ng pagdamay ng pangulo sa mga usaping hinaharap ng taumbayan lalo na yaong may kinalaman sa paghihirap, sakuna, pagmamalabis, at pang-aabuso.\u00a0 Batay sa mga naipakitang sipi sa itaas, ang pangulo ang siyang kumikilala at pumupuna sa mga problema ng mamamayan.\u00a0 Siya rin ang nagsasalarawan at nagbibigay-linaw sa mga krisis na nararanasan ng taumbayan.\u00a0 Higit pa sa mga ito, sa kanyang mga mungkahi ipinapahiwatig ang pangangailangan ng tugon o di kaya\u2019y nagpapaliwanag kung ang mga tugon sa mga hamon ay di agarang magagawa.\u00a0 Maaaring may kinalaman ang mga problema sa ekonomiya, seguridad o krisis pandaigdig.\u00a0 Katuwang ng pagtawag sa pakikilahok, iniuugnay ng pangulo ang kanyang pamunuan bilang batis ng solusyon sa mga krisis at problemang hinaharap ng sambayanan.<\/p>\n<p>Naipaparamdam din sa mga talumpati ang pag-aaruga kung saan nagsasalita ang pangulo hindi lamang bilang pormal na pinuno ng isang sistemang pulitikal kundi bilang isang mapag-alagang kapatid o kaibigan\u2014isang <em>kapwa <\/em>Pilipino.\u00a0 Halimbawa, ang pagtawag ni Aquino sa mamamayan bilang mga kapatid sa panahon matapos ang diktaturya ay pagpapakita ng mala-pamilyang ugnayan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>My brothers and sisters: I am grateful for the authority you have given me today.\u00a0 And I promise to offer all that I can do to serve you.\u00a0 It is fitting and proper that, as our people lost their rights and liberties at midnight fourteen years ago, the people should formally recover those lost rights and liberties in the full light of day <\/em>(Aquino 1986).<\/p>\n<p>Gayundin, may pagpapakita si Fidel Ramos na bahagi rin siya ng taumbayang may mithiin para sa sambayanan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>I share their vision of what our nation can become.\u00a0 This nation will endure, this nation will prevail and this nation will prosper again\u2014if we hold together.\u00a0 Before us lies the challenge: Come then, let us meet it together <\/em>(Ramos 1992).<\/p>\n<p>Naroon din ang kay Joseph Estrada bilang \u201cErap\u201d\u2014ang kanyang ginamit na imahen sa pinilakang tabing bilang tagapagtanggol ng masang Pilipino at lumalaban sa kahirapan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Kalayaan sa isang mapang-aping kahirapan.\u00a0 Isang bayang ligtas sa takot, at ang lahat ay pantay-pantay sa pagkakataon.\u00a0 Nasa diwa at puso ng bawa\u2019t Pilipino ang kalayaan.\u00a0 Sa bansang ito, isang daang taon na ang nakakaraan, nasulyapan sa Asya ang unang liwanag ng kalayaan.\u00a0 Samahan ninyo si Erap, upang bigyan natin ng kakaibang ningning ang kalayaang buhat sa masang Pilipino(Estrada 1998).<\/p>\n<p>Para naman kay Macapagal-Arroyo, kalakip ng tinanggap niyang tungkulin ang pangako at paninigurong gagampanan niya ang mga ito sa tulong ng taumbayan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>But for me to do all these, I need you.\u00a0 I cannot do these alone.\u00a0 I will need every single Filipino to come together, get involved and help us bind the wounds of the past.\u00a0 I will need every single Filipino to get our nation healthy for tomorrow\u2026\u00a0 Now, is our time to march forward as one.\u00a0 I seek your wisdom and I trust in your commitment to the common good, to the swift actions you will take.\u00a0 And finally, I challenge myself and our government to live up to the highest standards of honesty and competence in the public service <\/em>(Macapagal-Arroyo 2004).<\/p>\n<p>Naroon din ang mga pagkakataong madarama mula sa talumpati ng pangulo ang malalim na pagmamalasakit, pakikiisa, pagpapahalaga sa mga saloobin ng taumbayan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">[Sa] mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga <em>Boss<\/em>, ang mga minamahal kong kababayan: Isang magandang hapon po sa inyong lahat\u2026\u00a0 Alam naming hindi masosolusyunan sa isang tulog, sa isang taon, o kahit pa sa anim na taong termino ng isang Presidente ang lahat ng problema ng bansa.\u00a0 Pero simulan mo lang, at tiyak, kasama mo kaming mag-aaruga nito\u2026 Sa bawat Pilipinong nagtitiwala sa kapangyarihan ng maliliit na anyo ng kabutihan: Kayo nga po ang gumawa ng pagbabago. SONA po ninyo ito\u2026\u00a0 Sa patuloy nating pag-aambagan at pananalig sa kapwa at sa Maykapal, sinasabi ko po sa inyo: Kayo pa rin ang sisigurong magpapatuloy ang ating nasimulan; kayo ang sisigurong mabubura na nang tuluyan ang mukha ng katiwalian; kayo ang sisigurong hinding-hindi na tayo muling lilihis sa tuwid na daan(Aquino III 2013).<\/p>\n<p>Mula 1986 patungong 2013, mas nahahalatang nagiging impormal at maluwag ang pagtatalumpati ng mga pangulo.\u00a0 Gayundin, mas nagiging konsistent ang paggamit ng mga salitang pangkolektibo at inklusyonaryo.\u00a0 Nakikita rin ito sa bilang ng pagpapalit ng wika sa iba\u2019t ibang bahagi ng talumpati.\u00a0 Tulad ng nasabi sa itaas, maaaring sabihing ang pagpapalit ng wika ay upang lalong makapagbigay-diin sa pagpapaliwanag ng nagtatalumpati.\u00a0 Subalit higit dito, maaari rin itong tingnan bilang paraan ng pangulo na baguhin o palakihin ang mga maaaring makaintindi sa kanya\u2014ang kanyang mga tagapanood at tagapakinig.\u00a0 Naangkop ang kaisipang ito dahil ang pagsasaradyo, pagsasatelebisyon, at paglalathala ng mga talumpati sa internet ay nagpalawak ng bilang at uri ng mga tagapakinig sa talumpati ng pangulo.\u00a0 Dahil dito, nararapat lamang na maging madali at mabilis sa pag-angkop ang pangulo sa kanyang sasabihin sa mamamayan mula sa iba\u2019t ibang panig.<\/p>\n<p>Sa koleksyon ng mga talumpati, nararapat na mabigyang-atensyon ang mga talumpati ni Aquino III.\u00a0 Tulad ng nasabi sa naunang seksyon, gumamit si Aquino III ng wikang Filipino sa kabuuan ng kanyang mga talumpati.\u00a0 Kung ihahambing sa mga talumpating naisulat sa wikang Ingles, o yaong pinaghalong Ingles at Filipino, masasabing nagpakita ang mga talumpati ni Aquino III ng kakayanang impormal\u2014ang magkaroon ng kaluwagan o <em>latitude<\/em> kahit na nananatiling seryoso ang tono.\u00a0 Makikita ito sa mga pagkakataong makapagbiro, makagamit ng talinghaga at tayutay, tulad ng nabanggit sa artikulo ni Javier (2012).\u00a0 Sa ganitong pamamaraan, masasabing lihis ito sa isang matigas na ugnayang hirarkikal o awtorisadong pagmumungkahi sa mga tagasunod.\u00a0 Bagkus, mas pamilyar at mas malapit sa mamamayan ang pamamaraan ng komunikasyon at pakikitungo.\u00a0 Sensitibo ang mga talumpati sa wika at pagpapakahulugang dala nito kung kaya\u2019t maaaring matukoy na may <em>pakikipagkapwa<\/em> na ipinapahiwatig ang mga ito.<\/p>\n<p><strong><em>Pagtatalumpati at ang \u201cLoob\u201d ng Pangulo?<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Kung sa naunang bahagi ng papel na ito, nasabing naisasalarawan ng <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> ng pangulo ang kanyang pagkatao at <em>kalooban<\/em>, batay sa nasuring ebidensiya, maaaring bang makapagbigay ng konklusyon hinggil dito?\u00a0 Maaari bang malaman ang antas at kalagayan ng <em>loob<\/em> ng isang pinuno tulad ng pangulo batay sa kanyang aksyon?\u00a0 Muli, malinaw na binigyang-diin ni Enriquez (1977, 1978) na kinakailangang mag-ugat sa <em>kagandahang loob<\/em> ang <em>pakikipagkapwa<\/em>.\u00a0 Ang <em>pakikipagkapwa<\/em> bilang isang kilos, gawa o paninindigan ay kinakailangang magsalamin ng kabutihang walang halong motibo.\u00a0 Higit pa rito, dahil sa ang konsepto ng <em>kapwa<\/em> ay may ibig sabihin ding panunupil at pagpipigil sa sarili (\u201c<em>denial of self<\/em>\u201d) at pansariling interes, nararapat lang na hindi makasarili ang <em>pakikipagkapwa<\/em>.<\/p>\n<p>Sa retorikal na antas, maaaring naipakita sa mga talumpati ng mga pangulo ang kanilang <em>kalooban<\/em>.\u00a0 Batay sa mga talumpati, nakita ang kanilang pagkatao, emosyon, at ninanais na uri ng pakikitungo at <em>pakikipagkapwa<\/em> ng mga pangulo.\u00a0 Nagpapahiwatig ang mga salitang ginamit sa pakikipag-usap ng pangulo sa mamamayan ng mithiin ng pamunuang maging katanggap-tanggap at maintindihan ang mga saloobin ng pangulo hindi lamang ukol sa mga isyu kundi kasama na rin ang pananaw nito sa sambayanan.\u00a0 Mahalaga ang retorikang ito sa pagpapanatili sa diskurso ng kapangyarihang nagpapatibay sa ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan.<\/p>\n<p>Dagdag pa rito, masasabing sa antas na ito kung saan ang retorika ay awtentiko at konsistent ang saloobin ng mga pangulo na mapabuti ang kalagayan ng mamamayan.\u00a0 Gayundin, ipinapakita sa antas-retorikang inaamin ng pangulo sa taumbayan ang kanyang limitasyon kung kaya\u2019t laging may tawag ng pakikilahok at pagkakaisa.\u00a0 Isa itong indikasyon ng demokratikong ugnayan sa pagitan ng pangulo at mamamayan; patunay na ang kapangyarihan ay may katuwang na tulong-bayan at lehitimasyon mula sa mamamayan.<\/p>\n<p>Dahil limitado ang pag-aaral na ito sa retorikal na pagsusuri, kinikilala ng may-akda ang patuloy na tensyon sa pagitan ng retorika at reyalidad.\u00a0 Ang retorikang inihahayag sa mga talumpati ng pangulo ay nakakahubog sa konteksto at reyalidad.\u00a0 Katuwang nito, nagbubunga rin ito ng ilang mahahalagang katanungan ukol sa <em>pakikipagkapwa<\/em> at <em>loob<\/em> sa ugnayang pulitikal ng pangulo at mamamayan.<\/p>\n<p>Paanong makakasigurong tunay na nakaugat sa <em>kagandahang loob<\/em> ang isang nasabing gawang batay sa <em>pakikipagkapwa<\/em>?\u00a0 Sa paanong pamamaraan malalaman ng manunuri o mananaliksik kung <em>mabuti<\/em> nga ba ang <em>loob <\/em>ng isang tao?\u00a0\u00a0 Anu-anong pamantayan ang kinakailangan upang lalong mabigyan ng kahulugan ang antas at uri ng <em>kalooban<\/em> ng isang tao?\u00a0 At anong lohika ng metodolohiya ang kinakailangang madalumat at mabanghay bilang tugon sa pangangailangang ito?<\/p>\n<p>Kahit na hinaharap ang mga konseptwal at metodolohikal na hamong ito, maaaring sa panimula, mapagkunan ng ideya at simulaing impresyon ang pananaw ng mamamayan sa pangulo.\u00a0 Masasabing pangitain ng lehitimong pagtanggap sa pamunuan ng pangulo ang pagsang-ayon ng mamamayan sa pamamaraan ng pamamahala at karakter ng pangulo.\u00a0 Nariyan ang mga sarbey ukol sa pagtanggap ng mamamayan sa pamamahala at administrasyon ng isang pangulo (tingnan ang Pigura 4).\u00a0 Batay rito maaaring pahapyaw na masilayan ang pagtingin ng mamamayan sa isang administrasyon sa konteksto ng pagbabago ng panahon at pagpapalit sa mga binibigyang-diing diskurso at retorika.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Pigura 4<\/strong><br \/>\n<em>Pagtanggap ng Mamamayan sa mga Pangulo<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagtanggap-ng-Mamamayan-sa-mga-Pangulo.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-242\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagtanggap-ng-Mamamayan-sa-mga-Pangulo.jpg\" alt=\"Pagtanggap ng Mamamayan sa mga Pangulo\" width=\"630\" height=\"468\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagtanggap-ng-Mamamayan-sa-mga-Pangulo.jpg 630w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagtanggap-ng-Mamamayan-sa-mga-Pangulo-300x222.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagtanggap-ng-Mamamayan-sa-mga-Pangulo-100x74.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagtanggap-ng-Mamamayan-sa-mga-Pangulo-150x111.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagtanggap-ng-Mamamayan-sa-mga-Pangulo-200x148.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagtanggap-ng-Mamamayan-sa-mga-Pangulo-450x334.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagtanggap-ng-Mamamayan-sa-mga-Pangulo-600x445.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 630px) 100vw, 630px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 570px;\"><em>SWS 2013<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAGTATAPOS<\/strong><\/p>\n<p>Kinikilala ng Kanluraning oryentasyon ng Agham Pampulitika ang interes ng pulitikal na aktor sa pangkabuuang balangkas ng pagsusuri ng ugnayang pulitikal.\u00a0 Dahil pinag-iiba ang \u201csarili\u201d (\u201c<em>self<\/em>\u201d) at \u201ciba\u201d (\u201c<em>others<\/em>\u201d), ang interes ng mga aktor ay maaaring maging pansarili o di kaya, para sa mas malawak na asosasyon o grupo.\u00a0 Ngunit palaisipan pa rin noon pa man sa Agham Pampulitika at Pilosopiya ang pagkakaroon ng relasyong makatarungan at nakabatay sa <em>pakikipagkapwa<\/em> at pagkamakatao habang itinuturing na may pagkakaiba-iba sa interes.\u00a0 Lumalabas na sa oryentasyong Kanluranin sa Agham Pampulitika, dominante ang iskeptisismo bilang pangunang pagtingin sa interes at ugnayang pulitikal.\u00a0 Samakatwid, sa puntong ito kung saan may pagkawala sa pagturing sa \u201csarili\u201d at \u201ciba\u201d sa <em>kapwa<\/em>, kinakailangan ng katuwang na pulitikal na pilosopiya o etikal na pamantayan na maaaring maging gabay sa pagsusuri ng <em>kapwa<\/em>, <em>loob<\/em>, at ugnayang pulitikal.\u00a0 Higit pa rito, dahil tila may pag-iiba sa pagitan ng positibo at normatibong kategorya, kinakailangang linawin ang saklaw at hangganan ng pagsusuri at empirikal na pagsiyasat.<\/p>\n<p>Malaki ang ginagampanan ng retorika sa ugnayang pulitikal.\u00a0 Patunay ang iba\u2019t ibang pagpapahiwatig nito sa mga mungkahi, pagpapahayag, at talumpati na isa itong mekanismong pulitikal. Nagpapatibay (o di kaya\u2019y nagpapahina) ito ng mga diskursong nakakaapekto sa kapangyarihan, pamumuno, at pulitika.<\/p>\n<p>Sa pag-aaral na ito, ipinakitang may namamagitang ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan.\u00a0 Ang ugnayang pulitikal na batay sa retorika ay ipinakita gamit ang mga talumpati ng pangulo mula 1986 hanggang 2013.\u00a0 May mga paglalarawan, pagkakahambing, at pag-uugnay na ginawa sa mga talumpati at ipinakita ang mga nilalamang tema, atensyon sa mga ito, at kanilang oryentasyon o kausap.\u00a0 Naipakitang may mga pagkakapareho sa mga talumpati pagdating sa mga temang nilalaman nito, gayundin sa pamamaraan ng komunikasyon na ginamit ng mga pangulo\u2014mga salita at ekspresyon.\u00a0 Dagdag pa rito, naipakita rin ang mga temang kanilang binigyang- halaga.\u00a0 Ang mga talumpati ay madalas na may pagtawag sa pakikilahok at pakikiisa.\u00a0 Ang mga pangulong nagtalumpati ay may kani-kanyang pamamaraan ng pakikitungo sa mamamayan.\u00a0 Ang lahat ay may mithiing maging katanggap-tanggap.<\/p>\n<p>Ayon din sa pag-aaral na ito, ginagamit ang mga talumpati upang makapagbigay-alam at bilang pamamaraan ng <em>pakikipagkapwa<\/em>.\u00a0 Ang kapangyarihan ng pangulo na magpatunay sa impormasyon ay may katuwang na lehitimasyon mula sa mamamayan upang maging katanggap-tanggap.\u00a0 Ipinakita sa pag-aaral na ito ang mga pamamaraan upang maipahiwatig ng pangulo ang kanyang pag-aaruga at <em>pakikipagkapwa<\/em> sa mamamayan, sa pamamagitan ng mga talumpati.\u00a0 Isang isyung napansin sa pag-aaral na ito ay may kinalaman sa ugnayang pulitikal, partikular, ang pangangailangang masiyasat din ang konsepto ng lehitimasyon sa konteksto ng kapangyarihan at pulitikang may elemento ng <em>kapwa <\/em>at <em>loob<\/em>.<\/p>\n<p>Dagdag pa rito, naroon din ang ilang konseptwal at metodolohikal na mga isyu na kinakailangang matugunan.\u00a0 Dahil inaaming may mga limitasyon sa pag-aaral na ito, may panawagang mapag-ibayo ang pagsusuri sa konsepto ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em>, gayundin mabigyang-linaw ang isyu ng retorika at reyalidad.\u00a0 Mahalaga ng mga ito lalo na sa usapin ng metodo pagdating sa empirikal na pagsusuri ng konsepto tulad ng <em>loob<\/em>.<\/p>\n<p>Sa kaso ng pag-aaral na ito, hindi maaaring sabihin nang agaran na sa likod ng animo\u2019y <em>pakikipagkapwa<\/em> ng pangulo sa mamamayan sa okasyon ng kanyang mga talumpati, ay nakaugat na ang gawaing ito sa <em>kagandahang loob<\/em>.\u00a0 Maaaring may mga pagkakataon kung kailan masasabing may pagkilos na ginawa lalo na sa pagbibigay-alam at pakikitungo ng pangulo sa kanyang pagtatalumpati na ayon sa <em>kagandahang loob<\/em>.\u00a0 Subalit hindi ito sapat upang makapagbigay ng depinitibong siyasat sa uri at antas ng <em>kalooban<\/em> ng pangulo.\u00a0 Makikitang sa ganitong lapit, lumalabas na pragmatiko at nakabatay sa nagawang kilos ang magiging batayan ng pagsusuri.\u00a0 Sa kabilang dako, maaaring nakabatay ang kilos at gawa ng <em>pakikipagkapwa<\/em> sa interes ng pangulo na salungat o hindi ayon sa mamamayan.\u00a0 Kaya\u2019t kung sa isang banda ang isang kilos o gawa ay maaaring tunay na <em>pakikipagkapwa<\/em>, maaari rin itong panlabas lamang na kaanyuan o imaheng ipinadama\u2014<em>pagkukunwari, pagbabalatkayo o pagbibilog-ulo<\/em>.\u00a0 Upang mabigyan ng maayos na pagsusuring empirikal, kinakailangan ang hamong magkaroon ng pilosopiya, metodolohiya, pamantayang makakatulong, at praktikal na magagamit sa mga nagsusuri at nagsasaliksik.<\/p>\n<p>Isa pang usaping metodolohikal ang pagsusuri ng ebidensiyang hindi gumagamit ng wikang Filipino.\u00a0 Sa pag-aaral na ito, iba\u2019t iba ang wikang ginamit at nagkaroon ng pagsusuri batay sa interpretasyon ng may-akda na may kakayanang umintindi ng teksto mula sa pananaw ng wikang Filipino.\u00a0 Inaaming isa itong limitasyon sa pagsusuri at pananaliksik dahil sa pagbibigay-pribilehiyo sa leksikal at semantikal na kalagayan ng teksto (na mas magiging makabuluhan ang isang pagsusuri kung nasa wikang Filipino ito).\u00a0 Subalit, paano naman ang ibang akda, gawa, at tekstong hindi ayon sa ganitong pamantayan?\u00a0 Anong mga metodo ang maaaring gamitin sa pag-aaral gamit ang mga ganitong batis?<\/p>\n<p>Kinakailangang magkaroon ng higit pang pag-uusap sa pagitan ng mga pantas ng <em>Sikolohiyang Pilipino,<\/em> <em>Pilipinolohiya<\/em>, Agham Pampulitika, at iba pang disiplina sa Agham Panlipunan upang sa gayo\u2019y makapagbalangkas ng mga metodolohiyang maaaring gamitin ng mga nais magsaliksik gamit ang mga konseptong may diwa at katuturan mula sa lipunang Pilipino.\u00a0 Higit pa, kinakailangang lalong mapagyaman ang iba\u2019t ibang uri ng disenyong pampananaliksik upang maging mas makabuluhan at mas nagagamit ang interdisiplinaryo at multidisiplinaryong ugnayan ng <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>, <em>Pilipinolohiya<\/em>, at iba pang Agham Panlipunan.<\/p>\n<p>Ilan lamang ito sa mga punang umusbong mula sa pag-aaral na ito.\u00a0 Mga puwang ito sa pagdadalumat na kinakailangang matugunan.\u00a0 Maaaring maisama ang mga usaping ito sa mga paksang kinakailangang bigyang-linaw sa pagdadalumat ukol sa <em>kapwa<\/em>, <em>loob<\/em>, at ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan.<\/p>\n<p>Ipinakita sa papel na ito ang magandang pangitain sa pagitan ng <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>, <em>Pilipinolohiya<\/em>, at Agham Pampulitika.\u00a0 Iniugnay ang konsepto ng <em>kapwa<\/em> mula kay Enriquez at ang konsepto ng <em>loob<\/em> mula kay Covar sa pag-aaral ng ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan sa Pilipinas.\u00a0 Inaaming isang panimulang pag-aaral lamang ito.\u00a0 Gayunpaman, inaasahang lalo pang mapapausbong ang mga pananaliksik na tulad nito upang mapagyaman ang pagdadalumat ng mga katutubong konsepto at pananaw na nakaugat at may katuturan sa diwa, kultura, at lipunang Pilipino.<\/p>\n<p>Ipinakita rin sa pag-aaral na itong nasasalamin ang <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> sa mga talumpati at pagtatalumpati ng mga pangulo mula 1986 hanggang 2013.\u00a0 Iba\u2019t iba ang antas at uri ng <em>pakikitungo<\/em> ng mga pangulo sa okasyon ng kanilang pagtatalumpati.\u00a0 Malawak ang uri ng interaksyon sa isang ugnayang pulitikal at maaaring magkaroon ng iba\u2019t ibang katangian ang <em>pakikitungo <\/em>tulad ng pagbibigay-alam, pag-aaruga, pagmamalasakit, at pakikiisa.\u00a0 Madarama rin ang <em>pakikipagkapwa<\/em> sa pagtatalumpati ng pangulo kasabay ng mga hayag at matatag na tendensya sa kanyang pakikipag-usap sa mamamayan.<\/p>\n<p>Sa kabilang dako, naging mahirap para sa pananaliksik na ipakita kung tunay nga bang naisasalamin ng <em>pakikipagkapwa<\/em> ng pangulo ang kanyang <em>loob<\/em>.\u00a0 Lumabas sa pagsusuri ang mga kakulangan sa pamantayan ng pananaliksik, metodolohiya, at disenyong pampananaliksik na sana\u2019y makatulong sa pagtugon sa usaping ito.\u00a0 Nangangailangan ng karagdagang datos tulad ng mga sarbey na may kinalaman sa pananaw at sentimyento ng tao patungkol sa pangulo at sa kanyang pamamahala.\u00a0 Maaaring magamit ang mga ito bilang panimulang batis sa empirikal na pag-aaral ng <em>loob<\/em> sa isang ugnayang pulitikal.\u00a0 Kung kaya\u2019t dahil naging limitasyon sa pagsusuri ang mga pagkukulang na ito, may paanyayang kinakailangan pa ng mas maigting na diskusyon sa pagitan ng mga pantas mula sa iba\u2019t ibang disiplina upang maipagpatuloy ang pagdalumat, pag-isip, at pagtugon sa mga nasabing usapin.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Agpalo, R.E. (1981).\u00a0 The Philippines: From communal to societal <em>pangulo<\/em> regime.\u00a0 <em>Philippine Law Journal<\/em>, 56 (1), 56-98.<\/p>\n<p>Agpalo, R.E. (1996).\u00a0 <em>Adventures in political science<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Alejo, A.E. (1990).\u00a0 <em>Tao po! Tuloy! Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao<\/em>.\u00a0 Quezon City: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University.<\/p>\n<p>Aquino, C.C. (1999).\u00a0 Mula sa kinaroroonan: Kapwa, kapatiran, at bayan sa agham panlipunan.\u00a0 Nasa A.M. Navarro at F. Lagbao-Bolante (mga pat.), <em>Mga babasahin sa agham panlipunang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, at pantayong pananaw<\/em>.\u00a0 Quezon City: C&amp;E Publishing, Inc., 2007, 201-240.<\/p>\n<p>Birkland, T.A. (2011).\u00a0 <em>An introduction to the policy process: Theories, concepts, and models of public policy making<\/em>.\u00a0 New York: M.E. Sharpe, Inc.<\/p>\n<p>Clemente, J.A. (2011, Enero-Hunyo).\u00a0 An empirical analysis of research trends in the Philippine Journal of Psychology: Implications for sikolohiyang Pilipino.\u00a0 <em>Philippine Social Science Review<\/em>, 63 (1), 1-34.<\/p>\n<p>Covar, P.R. (1998).\u00a0 <em>Larangan:\u00a0 Seminal essays on Philippine culture<\/em>.\u00a0 Manila: National Commission for Culture and the Arts.<\/p>\n<p>Education for Life Foundation (ELF) (1997).\u00a0 <em>LIDER; Pamunuang bayan: Karanasan, katanungan, at kinabukasan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Education for Life Foundation.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1977).\u00a0 <em>Filipino psychology in the third world<\/em>.\u00a0 Quezon City: Philippine Psychology Research House.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1978).\u00a0 Kapwa: A core concept in Filipino social psychology.\u00a0 <em>Philippine Social Sciences and Humanities Review<\/em>, 42 (1-4), 100-108.<\/p>\n<p>Hanan, J. (2011).\u00a0 Rhetoric, materiality, and politics (Review).\u00a0 <em>Rhetoric and Public Affairs<\/em>, 14 (2), 394-397.<\/p>\n<p>Ileto, R.C. (1998).\u00a0 <em>Filipinos and their revolution: Event, discourse, and historiography<\/em>.\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press.<\/p>\n<p>Javier, R.E.Jr. (2012).\u00a0 Mga tiwala sa daang matuwid at ang mga talinghaga\u2019t tema sa talumpati ni P-Noy.\u00a0 <em>Malay<\/em>, 25 (1), 19-34.<\/p>\n<p>Jose, M.D.dL. at A.M. Navarro (2004).\u00a0 Katawan at kaluluwa sa kronikang Espanyol: Pagtatalaban ng sekswalidad at espiritwalidad noong dantaon 16-18.\u00a0 <em>Daluyan: Journal ng Wikang Pilipino<\/em>, 12 (1), 64-80.<\/p>\n<p>Kasuya, Y. at N.G. Quimpo (2010).\u00a0 The politics of change in a \u2018changeless land.\u2019\u00a0 Nasa Y. Kasuyaat N. Quimpo (mga pat.), <em>The politics of change in the Philippines<\/em>.\u00a0 Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 1-20.<\/p>\n<p>Lynch, F. (1964).\u00a0 Social acceptance.\u00a0 Nasa F. Lynch (pat.), <em>Four readings on Philippine values; Second Revised Edition<\/em>.\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press.<\/p>\n<p>Magno, A. R. (1977).\u00a0 Ilang paunang ulat tungkol sa sikolohiya at pulitika.\u00a0 Nasa L. Antonio, R. Pe, at B. Villanueva (mga pat.), <em>Ulat ng ikatlong pambansang kumperensya sa sikolohiyang Pilipino: Mga katutubong konsepto at pamamaraan sa lipunang Pilipino<\/em>.\u00a0 Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, 147-160.<\/p>\n<p>Miranda, D.M. (1989).\u00a0 <em>Loob; The Filipino within: A preliminary investigation into a pre-theological moral anthropology<\/em>.\u00a0 Manila: Divine Word Publications.<\/p>\n<p>Miranda, F. (1997).\u00a0 Introduction.\u00a0 Nasa F. Miranda (pat.), <em>Democratization: Philippine perspectives<\/em>.\u00a0\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press, ix-xviii.<\/p>\n<p>Miranda, F., T. Rivera, M. Ronas, at R. Holmes (2011).\u00a0 <em>Chasing the wind: Assessing Philippine democracy<\/em>.\u00a0 Quezon City: Commission on Human Rights at United Nations Development Program.<\/p>\n<p>Paredes-Canilao, N. at M.A. Babaran-Diaz (2013).\u00a0 Sikolohiyang Pilipino: 50 years of critical-emancipatory social science in the Philippines.\u00a0 <em>Critical psychology in a changing world<\/em>.\u00a0 Nakuha noong Hunyo 29, 2013, mula sa Annual Review of Critical Psychology Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/Y2rFn\">http:\/\/goo.gl\/Y2rFn<\/a>.<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. (2000).\u00a0 Sikolohiyang Pilipino (Filipino psychology): A legacy of Virgilio G. Enriquez.\u00a0 <em>Asian Journal of Social Psychology<\/em>, 3, 49-71.<\/p>\n<p>Republika ng Pilipinas (RP) (1986-2010).\u00a0 Inaugural addresses of the Presidents of the Philippines.\u00a0 Nakuha noong Pebrero 8, 2012, mula sa Official Gazette of the Republic of the Philippines Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/wQEzSa\">http:\/\/goo.gl\/wQEzSa<\/a>.<\/p>\n<p>Republika ng Pilipinas (RP) (1987).\u00a0 The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines.\u00a0 Nakuha noong Hunyo 25, 2013, mula sa Official Gazette of the Republic of the Philippines Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/rd5PCx\">http:\/\/goo.gl\/rd5PCx<\/a>.<\/p>\n<p>Republika ng Pilipinas (RP) (1987-2013).\u00a0 State of the nation addresses.\u00a0 Nakuha noong Agosto 3, 2013, mula sa Official Gazette of the Republic of the Philippines Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/WyOh3j\">http:\/\/goo.gl\/WyOh3j<\/a>.<\/p>\n<p>Ronas, M. (2006).\u00a0 Introduction.\u00a0 Nasa N. Morada at T.S. Encarnacion-Tadem (mga pat.),\u00a0 <em>Philippine politics and government: An introduction<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press, xi-xxiv.<\/p>\n<p>Sabatier, P. (pat.) (2007).\u00a0 <em>Theories of the policy process<\/em>.\u00a0 Cambridge: Westview Press.<\/p>\n<p>Social Weather Station (SWS) (2013, Hulyo 22).\u00a0 Second quarter 2013 social weather survey.\u00a0 Nakuha noong Agosto 1, 2013, mula sa Social Weather Station (SWS) Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/M8654i\">http:\/\/goo.gl\/M8654i<\/a>.<\/p>\n<p>Soon, C.Y. (2008).\u00a0 Politics from below: Culture, religion, and popular politics in Tanauan City, Batangas.\u00a0 <em>Philippine Studies<\/em>, 56 (4), 379-384.<\/p>\n<p>Wodak, R. at M. Meyer (2009).\u00a0 <em>Methods of critical discourse analysis; Second edition<\/em>.\u00a0 London: Sage.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Jalton G. Taguibao Department of Political Science University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Abstrak Tinatalakay sa papel na ito ang konsepto ng kapwa at loob sa konteksto ng pulitikang Pilipino, partikular sa ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-ang-kapwa-loob-at-ugnayang-pulitikal-ng-pangulo-at-mamamayan-batay-sa-pagsusuri-ng-mga-talumpati-ng-pangulo-mula-1986-hanggang-2013\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Ang Kapwa, Loob, at Ugnayang Pulitikal ng Pangulo at Mamamayan Batay sa Pagsusuri ng mga Talumpati ng Pangulo mula 1986 hanggang 2013<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[6],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/125"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=125"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/125\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":284,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/125\/revisions\/284"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=125"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=125"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=125"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}