{"id":115,"date":"2013-11-02T06:35:54","date_gmt":"2013-11-02T06:35:54","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=115"},"modified":"2014-09-04T05:01:58","modified_gmt":"2014-09-04T05:01:58","slug":"diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-kalinisan-lakas-at-tibay-ng-loob-sa-praktis-ng-sabil-sa-sulu-noong-digmaang-pilipino-amerikano","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-kalinisan-lakas-at-tibay-ng-loob-sa-praktis-ng-sabil-sa-sulu-noong-digmaang-pilipino-amerikano\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Kalinisan, Lakas, at Tibay ng Loob sa Praktis ng Sabil sa Sulu noong Digmaang Pilipino-Amerikano"},"content":{"rendered":"<p><strong>Ayshia F. Kunting<\/strong><br \/>\nCollege of Social Sciences<br \/>\nWestern Mindanao State University (WMSU), Zamboanga City, Philippines<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Sa panahon ng kolonyalismong Espa\u00f1ol, tinawag na mga \u201cjuramentado\u201d ang mga mandirigmang Moro dahil sa kanilang walang pakundangang paglusob sa kanilang mga kalaban at hindi pagtigil sa paglusob kahit na masugatan.\u00a0 Sa pagdating ng mga Amerikano, inilarawan sila bilang \u201c<em>crazy<\/em>\u201d at nakilala ang kanilang paglaban sa katagang pag-aamok.\u00a0 Ngunit kung titingnan ang pananaw ng mga Moro ukol sa pakikibakang ito, <em>sabil <\/em>ang kanilang ginagawa\u2014pagtatanggol sa sariling lupain.\u00a0 Ngunit hindi lamang ito maiuugat sa pananampalatayang Islamiko at sa konsepto ng <em>jihad<\/em>, kundi maging sa konseptong Pilipino ng <em>kalinisan, lakas,<\/em> at <em>tibay ng loob<\/em>.\u00a0 Isasalarawan ang mga ito gamit ang mga pangyayari sa Sulu noong Digmaang Pilipino-Amerikano.\u00a0 Ang mga layunin ng papel ay 1) liwanagin ang mga pananaw ng mga Moro sa Sulu ukol sa <em>loob<\/em> at kaugnayan nito sa pakikibaka ng mga Muslim noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano; 2) palitawing mali ang persepsyon na ang <em>juramentado<\/em> ay isang walang kaisipang pakikibaka kundi nakaugat ito sa <em>sabil<\/em>; 3) ikonekta ang <em>sabil<\/em> sa pangkalahatang konsepto ng <em>loob<\/em> ng mga Pilipino; at 4) maipakita ang mga manipestasyon ng <em>kalinisan, lakas<\/em>, at <em>tibay ng loob<\/em> sa mga sumunod pang panahon ng pakikibakang Moro.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p><em>During the Spanish colonial period, Moro warriors were called \u201cjuramentado\u201d because they continued to attack their enemies even when they were already wounded.\u00a0 When the Americans came, they described the Moro warriors as \u201ccrazy\u201d and their act of defiance was known to many as\u00a0<\/em>amok<em>\u00a0or\u00a0amuck.\u00a0 But if we are going to look at the Moro perspective, this struggle is <\/em>sabil<em>\u2014in defense of native land.\u00a0 Aside from the fact that this concept can be rooted to the Islamic faith and their concept of <\/em>jihad<em>, it can also be a manifestation of the Filipino concepts of <\/em>kalinisan<em>, <\/em>lakas<em>, and <\/em>tibay ng loob<em>.\u00a0 These will be shown through incidents that happened in Sulu during the Philippine-American War.\u00a0 The paper seeks to 1) clarify the perspectives of the Moros of Sulu on the <\/em>loob<em> and its resonance to the struggle of the Moros during the Philippine-American War; 2) clarify the wrong notions of <\/em>sabil<em> as <\/em>juramentado<em> or mindless fighting, but that it was actually a practice called <\/em>sabil<em>; 3) connect <\/em>sabil<em> to the general idea of many Filipinos about <\/em>loob<em>; and 4) show manifestations of <\/em>kalinisan<em>, <\/em>lakas<em>, and <\/em>tibay ng loob<em> in the actions that occur up to the present struggles of the Filipino Moros<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANIMULA<\/strong><\/p>\n<p>Ang mga <em>sabil<\/em> ng Sulu na marahil ang mga halimbawa ng pinakamatatapang na lumaban sa mga banyagang mananakop noong Digmaang Pilipino-Amerikano.\u00a0 Kung babasahin sa mga ulat mismo ng mga Amerikanong sundalong naitalaga sa Sulu, nakakakilabot ang mga kuwento ng pag-atake ng mga <em>sabil<\/em> sa mga kalaban.<\/p>\n<p>Isang napakalaking sakripisyo ang ginagawa ng isang <em>sabil<\/em>: pagkatapos ng taimtim na pagdarasal at paghahanda, susugod nang mag-isa ang <em>sabil<\/em> dala lamang ang kris laban sa nakahihigit na mga Amerikanong may mga baril.\u00a0 Nagtagumpay ang <em>sabil <\/em>na makapatay at makasugat ng ilang Amerikano bago siya mamatay sa mga balang natamo.\u00a0 Inaasahan na ng isang <em>sabil<\/em> at inaasam pa ngang mapatay siya ng kalaban matapos niyang isagawa ang kanyang misyon.\u00a0 Hindi karaniwan ang pagbuwis ng buhay sa ganitong paraan\u2014nangangailangan ito hindi lang ng malalim na pag-unawa sa pagboboluntaryong maging <em>sabil<\/em>, kundi pati na rin ng kalinisan at ibayong <em>lakas <\/em>at <em>tibay ng loob<\/em>.<\/p>\n<p>Hindi maiaalis na sa ugat ng katwiran ng mga <em>sabil <\/em>ang pagsunod nila sa mga kautusang Islamiko.\u00a0 Mahihinuha na ito sa salitang <em>sabil<\/em> pa lamang dahil galing ang salita sa pariralang \u201cfisabilillah\u201d na nangangahulugang \u201c<em>in the way of Allah<\/em>\u201d (Kiefer 1973).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>KONTEKSTONG PANGKASAYSAYAN:<\/strong><br \/>\n<strong>PAGLABAN SA PANANAKOP<\/strong><\/p>\n<p>Organisado sa ilalim ng direktibo ng Sultan ang pakikipaglaban ng mga Moro ng Sulu (tingnan ang Mapa) noong panahon pananakop ng mga Espa\u00f1ol.\u00a0 Ngunit sa pinaka-\u201cmatagumpay\u201d na pagsalakay sa Sulu noong 1876, nagbunsod ang pagpapatayo ng isang garisong Espa\u00f1ol sa Jolo.\u00a0 Simula noon, may mga Moro nang paisa-isa o nasa isang maliit na grupo ang patuloy na umatake sa garison at sinasabing handa nilang ikamatay ito (Kiefer 1973).\u00a0 Noong taon ding iyon binansagan ng mga banyaga ang mga lumaban sa kanila\u2014mga <em>sabil<\/em>\u2014bilang \u201cjuramentado.\u201d\u00a0 Sa mga sumunod na panahon, kikilanin din sila bilang mga nag-aamok (Medina 1993).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Mapa<\/strong><br \/>\n<em>Mapa ng Kapuluang Sulu (1908)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-305\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908.jpg\" alt=\"Mapa ng Kapuluang Sulu (1908)\" width=\"624\" height=\"333\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908.jpg 624w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-300x160.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-100x53.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-150x80.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-200x106.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-450x240.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-600x320.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 624px) 100vw, 624px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-2.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-304\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-2.jpg\" alt=\"Mapa ng Kapuluang Sulu (1908) 2\" width=\"624\" height=\"333\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-2.jpg 624w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-2-300x160.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-2-100x53.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-2-150x80.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-2-200x106.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-2-450x240.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Kapuluang-Sulu-1908-2-600x320.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 624px) 100vw, 624px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 540px;\"><em>Saleeby 1908<\/em><\/p>\n<p>Nang dumating ang mga Amerikano sa Sulu noong Mayo 1899, maalam at handa na sila sa estratehiyang gagamitin sa lugar na hindi nasakop ng mga naunang Espa\u00f1ol (Tan 2002).\u00a0 Hinintay ng mga Amerikanong humupa muna ang Digmaang Pilipino-Amerikano sa may hilaga bago pagtuunan ng pansin ang mga Moro sa timog.\u00a0 Sa <em>Bates Treaty<\/em> idinaan ng mga Amerikano ang dahan-dahang pagsakop sa Sulu at kasabay nito ang pangakong pulitikal lamang ang kokontrolin nila at hindi kailanman makikialam sa kultura o relihiyon ng mga Moro.\u00a0 Naging kasangkapan man ang Sultan ng Sulu sa mga Amerikano, may mga datu at indibidwal na hindi naniwala sa ipinakitang kabutihan ng mga banyaga sa lugar.\u00a0 Alam ng mga Morong sumalungat sa pananakop ng mga Amerikano na sa kalaunan, aagawin din sa kanila ang likas nilang kalayaang ipinaglaban sa loob ng tatlong dantaon.\u00a0 Kaya\u2019t sa mga gunita at pagbabalik-tanaw ng mga Amerikano, makikita ang mga kuwento ng mga Moro na matapang na lumaban sa mga mananakop kahit pa kontrolado na ng mga mananakop ang Sultan.\u00a0 At sa panahon ngang iyon tumindi lalo ang pag-aalay ng buhay ng mga <em>sabil<\/em> para labanan ang pananakop.<\/p>\n<p>Ayon kay Samuel Tan (2002), nagkaroon ng pitong pangunahing tunggalian sa Sulu noong panahong 1903 hanggang 1913 sa kabila ng pakikipagkasundo ng Sultanato sa mga Amerikano.\u00a0 Una, nagkaroon ng ilang matinding kaguluhan sa Jolo noong Oktubre 1903 na sinundan ng pag-atake ni Panglima Hassan ng Luuk at ng kanyang mga kawal noong Nobyembre 12-17, 1903 na hanggang sa huli\u2019y nanindigan sa bunganga ng Bud Bagsak sa harap ng apat na hanay ng mga sundalong Amerikano sa ilalim ni Myr. Hen.Hugh Lenox Scott, Gobernador-Militar ng Sulu noong Marso 3, 1904.\u00a0 Pangalawa, nagtaguyod ng pag-aalsa sa Luuk dahil sa pagkakabasura ng mga Amerikano sa <em>Bates Treaty<\/em> noong Marso 2, 1904.\u00a0 Pangatlo, nagkaroon ng labanan sa Taglibi noong Nobyembre 19, 1905 kung kailan binomba ng mga Amerikano ang kabundukang may 8,000-10,000 katao kabilang na ang kababaihan, matatanda, at kabataan na nagdulot sa pagkamatay ng 75 Moro at isang Amerikano.\u00a0 Pang-apat, naisagawa ang pag-atake ng mga puwersa ni Scott sa kuta ni Datu Usap na ayaw kumilala sa kapangyarihan ng Amerika, na ikinasawi ni Datu Usap at mga kasama noong Enero 9, 1905.\u00a0 Panglima, naisagawa ang pag-atake ni Datu Pala, dating mangangalakal ng mga alipin at malakas na tagasuporta ni Panglima Hassan, sa Jolo noong Abril 6, 1905, na sinundan naman ng bigong pagpaslang ng dalawa niyang tauhan kay Scott noong Abril 13, 1905.\u00a0 Dalawang beses na inatake ni Datu Pala ang Jolo noong Abril 19, 1905 na sinundan ng pagkasawi ng 100 sa kanyang tauhan sa isang malaking labanan noong Mayo 1, 1905 hanggang sa wakas, nalipol siya at ang kanyang mga tauhan ng mga Amerikano sa huling pagtindig ng mga naturang Moro noong Mayo 9, 1905.\u00a0 Pang-anim, nagkaroon ng labanan sa Bud Dajo noong Marso 5, 1906 na ikinalipol ng tinatayang 994 katao, kabilang na ang kababaihan, matatanda, at kabataan, kung saan pinapalagay na pinakamalaking kasawian ng mga Amerikano sa isang labanang Moro ang naitala na may 18 ang patay at 52 ang nasugatan.\u00a0 At pampito, nagkaroon ng labanan sa Bud Bagsak noong Hunyo 11, 1913 kung kailan sumama sa pagtindig laban sa mga Amerikano ang tinatayang 500 Moro at 18 Amerikano sa pinaniniwalaang pinakahuling pagtindig ng mga Moro sa puwersang Amerikano.\u00a0 Ito ang kinikilala ngayong pinakahuling labanan ng Digmaang Pilipino-Amerikano.<\/p>\n<p>Sa mga labanang ito sa Sulu noong Digmaang Pilipino-Amerikano, matutunghayan ang kahalagahan at kaugnayan ng <em>kalinisan, lakas,<\/em> at <em>tibay ng loob<\/em> sa praktis ng <em>sabil<\/em> bilang pagtatanggol sa sariling lupain.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>KALINISAN NG LOOB<\/strong><\/p>\n<p>Bagama\u2019t mas malawak at malalim ang maaaring maging balangkas o depinisyon ng <em>loob<\/em>, hindi maiaalis sa kulturang Pilipino na iugnay ang dalawang magkaakibat na dalumat\u2014<em>loob<\/em> at <em>labas<\/em> (Alejo 1990).\u00a0 Tila ang<em> labas<\/em> ng tao ang pangunahing nakikita at sumasalamin sa <em>loob<\/em>.\u00a0 Hindi sa lahat ng pagkakataon masasabing kung malinis ang <em>labas <\/em>ay malinis din ang <em>loob<\/em> ngunit sa kulturang Pilipino, kung nanaising maging tunay na malinis ang <em>labas<\/em>, kinakailangang malinis din ang <em>loob<\/em>.\u00a0 Sa mga unang pagdadalumat sa <em>loob<\/em>, sinabi rin ni Leonardo Mercado (1994) na ang \u201cisip, salita, at pagkilos ay hindi hiwalay\u201d mahalaga sa pag-unawa sa <em>loob<\/em>.\u00a0 Sa pagtatanong-tanong naman sa mga Tausug sa Sulu, lumitaw na ang kanilang kataga para sa <em>loob<\/em> ay <em>pangatayan<\/em> habang ang <em>kalinisan ng loob<\/em> naman ay <em>kalissinan sin pangatayan<\/em>.<\/p>\n<p>Sa praktis ng <em>sabil<\/em>, hindi mawawala ang mga ritwal na kaugnay ng paglilinis ng katawan bilang isa sa mga rekisito sa pag-aalay ng kanyang buhay sa <em>pagsasabil<\/em>.\u00a0 Inilahad halos lahat ng mga nagsulat tungkol sa <em>sabil<\/em> ang pinakamahahalagang bahagi ng ritwal na ito.\u00a0 Sa <em>masjid<\/em>, magtitipon-tipon ang mga <em>sabil<\/em> upang pakinggan ang imam o pandita na magkuwento ukol sa kabayanihan ng kanilang ninuno at ukol sa paraiso. \u00a0Binabasa rin ang tekstong Achenese na <em>Perang sabil Allah<\/em> o \u201cbanal na digmaan\u201d (Medina 1993).\u00a0 Inilarawan ni J. Franklin Ewing ang proseso batay sa isang impormante na kanyang nakapanayam:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>\u2026he decides to \u201c<\/em>go juramentado<em>\u201d\u2026\u00a0 He ought to first ask permission from his parents for this act\u2026\u00a0 The permission granted, the subject prepares a good edge on his <\/em>kris<em> or <\/em>barong<em> or his spear\u2026\u00a0 The <\/em>juramentado<em> has his head hair shaved off, and his eyebrows plucked\u2026\u00a0 The next morning about four o\u2019clock, he goes to the river and bathes, uttering prayers the whole time.\u00a0 The Moros believe that this bath makes the body strong and hard as iron, the veins like stout wire <\/em>(Ewing 1955).<\/p>\n<p>Ayon naman kay Isagani Medina (1993), matapos sa magulang, hihingi ang <em>sabil<\/em> ng permiso sa Sultan upang makibaka sa isang banal na digmaan at gayundin, babasbasan siya ng imam o pandita.\u00a0 Sa ibang tala tuturuan din siya ng mga pinunong panrelihiyong ito kung paano mag-oorganisa at lalaban sa mga kaaway.\u00a0 Mag-aalay ng mga panalangin at ilalagay ng <em>sabil<\/em> ang kanilang mga kamay sa Koran at bibigkasin ang mga katagang \u201c<em>Jumanji kami hatunan ing kami ini magsabil karna sing tuhan<\/em>\u201d (Gumagawa kami ng pakikipagtipan kay Allah na makikibaka kami sa banal na digmaang ito dahil sa Diyos ito).\u00a0 Buong gabing mananalangin at makikinig ang <em>sabil<\/em> sa mga talata sa Koran at ibibigay na sa kanya ng mga pinunong panrelihiyon ang lahat ng ritwal ng paglilibing kahit buhay pa siya\u2014paghuhugas, pananalangin, at paglilinis.\u00a0 Talagang kalinisan ang tuon ng <em>pagsasabil<\/em>.\u00a0 Huhugasan niya nang husto ang kanyang katawan, lilinisin ang mga ngipin, magkukuko sa kamay at paa, at kukulayan ng itim ang mga kuko.<\/p>\n<p>Samantala, sa pagsangguni ni Ewing sa mga nakasulat na batis, masasabing nagkakatugma nga ang paglalahad ng ritwal:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Espina\u2026 notes that the <\/em>juramentados<em> washed themselves, put on white clothes and a white head cloth, and provided themselves with <\/em>anting-anting<em>\u2026 <\/em>(Ewing 1955).<\/p>\n<p>May karagdagang impormasyon pa si Ewing na mula kay Arnold Henry Savage Landor:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Their [the <\/em>juramentados<em>\u2019] repulsive appearance was also somewhat enhanced by the hair of the head being shaved clean, and the mustache and eyelashes [eyebrows?] removed so as to leave a mere horizontal, tiny strip of black hair. The teeth have been freshly filed and stained black; the hair of the armpits pulled out, and the nails of the fingers and toes trimmed very short <\/em>(Ewing 1955).<\/p>\n<p>Matapos nito, ayon naman kay Medina (1993), itatali ng <em>sabil<\/em> nang mahigpit ang maseselang bahagi ng kanyang katawan upang hindi ito duguin nang husto kapag nasugatan sa labanan.\u00a0 Itatali niya ng nakataas ang ari, na simbolismo para sa <em>sabil<\/em> na manatiling nakatayo at hindi bumagsak.\u00a0 Mga 4:00 ng umaga maliligo siya sa ilog dahil ang paliligo ay nagpapatibay ng tao tulad ng isang asero.\u00a0 Matapos maligo, itatali niyang muli ang ari pataas habang nakatali sa leeg ang dulo ng tali.\u00a0 Naniniwala ang mga <em>sabil<\/em> na kapag ginawa nila ito, kahit magtamo sila ng maraming sugat, patuloy silang makakalaban.<\/p>\n<p>Pagkabihis, uuwi siya sa bahay at hahagkan ang mga kamay at paa ng kanyang mga magulang.\u00a0 Sisigaw siya ng \u201c<em>O tauhan-ko doli tudo ako<\/em>\u201d (Oh, Panginoon, basbasan mo ako ng labis) at \u201c<em>La Illah hailawlah Myamad adraswlah<\/em>\u201d (Walang ibang Diyos kundi si Allah, at si Muhammad ang kanyang propeta.\u201d\u00a0 Matapos nito, lilinisin niya ang kanyang mga sandata.\u00a0 Handa na siya sa kanyang misyon (Medina 1993).<\/p>\n<p>Tulad ng binanggit sa panimula ng papel, nakaugat sa katuruang Islamiko ang praktis ng <em>sabil<\/em>.\u00a0 Hindi bago sa mga Muslim ang mga paglalarawan sa itaas.\u00a0 Sa katunayan, isang katangian ang kalinisan na kinakailangan sa bawat Muslim\u2014parehong <em>panlabas<\/em> at <em>panloob<\/em>.\u00a0 Nagsasabi ang isang <em>hadith<\/em> o tala ng nagawa at sinabi ng Propeta Muhammad na huwarang sinusundan ng mga Muslim, na \u201c<em>cleanliness is half of faith<\/em>\u201d (Hadith Collection 2009c).\u00a0 At hindi lamang <em>panlabas<\/em> ang kalinisan na tinutukoy rito kundi mas mahalaga ang <em>panloob<\/em> muna.\u00a0 Sa isa pang <em>hadith<\/em>, sinasabing \u201c<em>actions are but by intention and every man shall have but that which he intended<\/em>\u201d (Hadith Collection 2009a) na nangangahulugang balewala ang malinis\/mabuting gawa kung marumi\/masama naman ang intensyon.\u00a0 Bilang Muslim, nararapat ibase ang lahat ng gawain at paraan ng paggawa sa mga katuruan mula paggising hanggang pagtulog\u2014ang pinakamahalaga rito ay ang mga tinatawag na <em>ibadah<\/em> o mga gawain na kaugnay ng pagsamba kay Allah.\u00a0 Hihimayin sa bahaging ito ang isa sa mga paglilinis na ginagawa bago <em>magsabil<\/em>: ang pagligo.<\/p>\n<p>Isinaad sa <em>hadith<\/em> na tuwing Biyernes kinakailangang maligo ng <em>ghusl <\/em>(Hadith Collection 2009b).\u00a0Hindi ito pangkaraniwang ligo na kikiskisin lamang ang mga dumi sa katawan ngunit may espesipikong pagkakasunod-sunod ang paglilinis na para sa kadalisayan hindi lamang mula sa literal na dumi, kundi sa dumi ng kasalanan na nagkapatong-patong na sa nakaraang linggo.\u00a0 Bagama\u2019t kinikilala rin ng mga Muslim na hindi katiyakan ang pagligo ng <em>ghusl <\/em>upang matanggal nga ang mga kasalanan, nakasalalay pa rin ito sa sinseridad ng puso, kalinisan ng intensyon, at habag ni Allah.\u00a0 Kaya naman, kung ang ordinaryong Muslim nga ay kinakailangang maging malinis lalo na tuwing Biyernes, higit pa roon ang kalinisan na kailangang makamit ng <em>sabil<\/em> dahil patungo siya sa tiyak na kamatayan.<\/p>\n<p>Sa pangkalahatang praktis, kinakailangan ng kalinisan sa <em>panloob<\/em> at <em>panlabas<\/em> ng lahat ng <em>ibadah<\/em>.\u00a0 At isa sa pinakamahahalagang <em>ibadah<\/em> ang paglaban sa pananakop o pagbuwis ng buhay sa pagtatanggol ng paniniwala, sarili, at kapwa Muslim.\u00a0 At dahil sa ang <em>ibadah<\/em> at sinserong pagsasagawa ng <em>ghusl<\/em> ay nagbibigay ng pangako ng kaligtasan matapos ang kamatayan, ito rin ang nagbibigay ng <em>lakas ng loob<\/em> at <em>tibay ng loob<\/em> sa mga <em>sabil<\/em> na harapin ang kamatayan sa paglaban para sa bayan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>LAKAS NG LOOB<\/strong><\/p>\n<p>Mula sa ritwal ng paglilinis at paghahanda, hindi na magtatagal at isasagawa na agad ng <em>sabil <\/em>ang kanyang misyon\u2014sumugod sa garison ng mga Amerikano at pumatay o sumugat ng hangga\u2019t ilan ang kakayanin.\u00a0 Wala na sa isip ng isang <em>sabil<\/em> na matatapos niya ang misyon nang hindi siya napapatay.\u00a0 At tiyak na mapagtatagumpayan ang ganoong uri ng pagbubuwis ng buhay na walang pag-aalinlangan dahil sa ibayong <em>lakas ng loob<\/em> ng <em>sabil<\/em>.<\/p>\n<p>Ayon kay Virgilio Enriquez, ang <em>lakas ng loob<\/em> ang \u201c<em>inner source for change<\/em>\u201d na kinakailangan upang harapin ang mga pagsubok, kahit pa ang kamatayan, maitaguyod lamang ang mabuti o maipagtanggol ang dangal (Enriquez 1992).\u00a0 Ito ang damdaming makapagbubunsod ng pagbabago para sa ikabubuti.\u00a0 Iniugnay ni Reynaldo Ileto (1979) ang <em>lakas ng loob<\/em> sa pakikibaba at pagbubuklod ng loob ng mga Katipunero para sa ikatatagumpay ng himagsikan.\u00a0 Ang mga <em>sabil<\/em>, bagama\u2019t hindi kabilang sa Katipunan sa norte ay siya rin namang ginagawa sa Sulu: lumalaban sa mga mananakop na Espa\u00f1ol at nagpatuloy ito hanggang sa panahon ng Amerikano.\u00a0 Para sa magkaugnay ngunit mas malalim na pag-uugat ng <em>lakas ng loob<\/em>, maaaring gamitin ang halimbawa ni Enriquez (1992) ng pakikibaka sa kasalukuyang panahon bilang paglaban sa kalagayang neokolonyal ng bansa.\u00a0 Noong panahon ng mga Amerikano, kolonyalismo naman ang nilalabanan ng mga <em>sabil<\/em>.\u00a0 Kung anu\u2019t anong panahon man ang pakikibaka, ayon kay Enriquez nanggagaling ang mga damdamin sa tatlong batayang pagpapahalagang Pilipino, mga elementong sosyo-pulitikal at bahagi ng pundasyon ng pagpapahalagang Pilipino: kalayaan, karangalan, at katarungan.\u00a0 Para sa mga Tausug sa Sulu, ang kanilang kataga para sa <em>tapang ng loob<\/em> ay <em>isug sin pangatayan<\/em>.<\/p>\n<p>Sa bahaging ito, mahalagang talakayin ang pinakadahilan ng paglaban ng mga <em>sabil<\/em> sa mga mananakop.\u00a0 Marami na ring akademiko ang nag-uugat ng praktis ng <em>sabil<\/em> sa Islamikong praktis ng <em>jihad.\u00a0 <\/em>Hindi na lalawakan ang paliwanag tungkol sa <em>jihad<\/em> sa papel na ito at bibigyan na lamang ng maikling depinisyon at babanggitin ang pinakamahahalaga lamang.<\/p>\n<p>Taliwas sa paniniwalang ang <em>jihad<\/em> ay \u201c<em>holy war<\/em>,\u201d isa itong pakikibaka.\u00a0 May dalawang uri ng pakikibaka: ang <em>jihad al akbar<\/em> (mas dakilang <em>jihad<\/em>) na pakikibaka laban sa sariling pagnanasa at kamunduhan at ang <em>jihad al asghar<\/em> na pakikibaka sa larangan ng labanan.\u00a0 Bagama\u2019t may mga iskolar din ng Islam ang nagsasabing maaaring pagbaliktarin ang dalawang ito.\u00a0 Alinman sa dalawa, maituturing ang <em>pagsasabil <\/em>na parehong uri ng <em>jihad<\/em> dahil lumalaban sila sa kamunduhan at handang ibigay ang buhay sa paraan naman ng pakikipaglaban gamit ang sandata (Kunting 2012).<\/p>\n<p>Hindi maaaring basta-bastang isagawa ang <em>jihad<\/em> sa larangan ng pakikidigma.\u00a0 Kinakailangan nito ng pormal na deklarasyon mula sa pinuno at sabay-sabay na paghahanda at paglaban, may kahandaan sa kamatayan ngunit hindi tila nagpapakamatay.\u00a0 Sa sitwasyon ng <em>sabil<\/em> noong panahon ng Amerikano, hindi na nasunod ang ilan sa mga alituntunin sa pagsasagawa ng <em>jihad<\/em> base sa katuruang Islamiko.\u00a0 Dahil nga sa naging sunud-sunuran na ang Sultan sa mga Amerikano, hindi na makapag-organisa ang mga taga-Sulu ng isang malawakang <em>jihad<\/em> laban sa mga mananakop kundi paisa-isa na lang na umaatake sa garison na nagdulot naman ng matinding takot sa mga mananakop.<\/p>\n<p>Sa pagsagawa ng <em>jihad<\/em>, may mga limitasyong hindi maaaring abusuhin at may ilang dahilan lamang ang magpapatibay nito.\u00a0 Kabilang sa mga dahilang ito ang: pagkilala at pagtatanggol sa Islam kung sinasalakay ito, pagpigil sa anumang uri ng kolonyalismo o paniniil, at pagpapalaganap ng katarungan at kalayaan sa buong mundo.\u00a0 Inatasan ang mga Muslim na ipagtanggol ang kanilang buhay, ari-arian, pamayanan, dangal, at pag-iral kung may pananakop at pang-aapi (Ilhami 1991).\u00a0 Samakatwid ang <em>jihad<\/em> ay pagtatanggol (Taliqani <em>et al<\/em>. 1986).<\/p>\n<p>Kung babalikan ang tatlong sosyo-pulitikal na pagpapahalagang Pilipino ni Enriquez\u2014kalayaan, karangalan, katarungan\u2014masasabing ang mga batayan din ng <em>jihad<\/em> ay nagtutugma sa tatlong ito at dito rin nanggagaling ang <em>lakas ng loob<\/em> ng mga <em>sabil<\/em>.<\/p>\n<p>Bago pa man ang pananakop ng Amerikano na nagsimula noong 1899, nakailang-ulit na rin ang mga Espa\u00f1ol sa pag-atake sa Sulu.\u00a0 Kabilang na rito ang unang ekspedisyon na pinamunuan ni Esteban Rodriguez de Figueroa noong 1578 at pagpapasunog niya ng mga tirahan ng mga Moro.\u00a0 Sa sumunod niyang eskpedisyon, nanunog din siya ng moske o <em>masjid<\/em> (Hurley 1936).\u00a0 Bilang pinakamahalagang istruktura kung saan nagdadasal ang mga Moro ng limang beses sa isang araw, hindi maaaring sirain ang <em>masjid<\/em> lalo na ng mga mananakop.\u00a0 Tiningnan itong pagsalakay sa Islam mismo at nagkaroon nga ng <em>lakas ng loob<\/em> ang mga Moro na lumaban sa ngalan ng pagtatanggol ng kanilang paniniwala sa hanap ng katiyakang nasa tama sila.\u00a0 Ilang ulit sinubukan ng mga Espa\u00f1ol na magapi ang mga Moro ng Sulu ngunit sa pangkalahatan, hindi sila nagtagumpay.<\/p>\n<p>Ang mga Amerikano naman ang sumunod na nagtangkang sakupin ang Sulu.\u00a0 May mga natutunan sila mula sa mga Espa\u00f1ol at alam nilang dapat maging sensitibo sa mga paniniwala ng mga Moro.\u00a0 Noong una, nagpakita ang mga mananakop ng maayos na pagtrato sa mga Moro at nagsabing hindi makikialam sa relihiyon nito.\u00a0 Hindi lahat ng Moro ay naniwala lalo pa\u2019t sa nakagisnang pamamalakad, ang pinunong pampamahalaan ay siya ring dapat na pinunong panrelihiyon.\u00a0 Nang makuha na ng mga Amerikano ang simpatiya ng Sultan ng Sulu sa pamamagitan ng <em>Bates Treaty<\/em>, ang mga mamamayan ng Sulu ay hindi lamang nawalan ng tiwala sa pinuno ng pamahalaan kundi tila baga nawalan na rin ng pinunong panrelihiyong magbubuklod sa kanila.\u00a0 Kaya\u2019t <em>lumakas ang loob<\/em> ng ilan sa mga Moro sa Sulu na kahit wala nang kinikilalang pinuno, handa nilang harapin ang pagsubok, kahit pa ang kamatayan, para lamang maipagtanggol ang kalayaan at karangalan at maitaguyod ang katarungan sa mga kapwang namatay sa kagagawan ng mga Amerikano.\u00a0 Habang lumalakas ang mga pagtugis na isinagawa ng mga Amerikano laban sa mga Moro na nakita noong \u201cmasaker\u201d sa Bud Dajo at Bud Bagsak, lalo lamang nadagdagan ang dahilan at <em>lumakas ang loob<\/em> ng mga <em>sabil<\/em> na ipagtanggol ang kapwa at lumaban sa pananakop o kolonisasyon (Kunting 2012).<\/p>\n<p>Tunay na kakikitaan ng tunay na <em>lakas ng loob<\/em> ang deskripsyon ng mga mananakop na Amerikano sa mga <em>sabil<\/em>:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Juramentados <em>still terrorized the army posts.\u00a0 There could be no defense against a <\/em>juramentado<em>.\u00a0 A company street might be quiet and peaceful, with a sentry on vigilant guard.\u00a0 Suddenly a <\/em>juramentado<em> appeared in the street, bringing death and seeking death.\u00a0 Guard posts and sentries had no terrors for the <\/em>juramentado<em>; rather he sought them out as the most available victims.\u00a0 A few minutes of wild scramble and a desperate shooting and slashing and then everything would be quiet again, with only the dead <\/em>juramentado<em> and his victims to show that a horror had walked the company street <\/em>(Hurley 1938)<em>.<\/em><\/p>\n<p>Tingnan din ang halimbawa ng mapangahas na pagliligtas ng kanyang mga kawal kay Panglima Hassan mula sa mga Amerikano:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>With Hassan under close guard of files of American infantrymen, the troops took up the march back to the Sulu capital.\u00a0 As the city gates were swinging open to receive the returning Americans, a detachment of krismen burst from the concealment of a nipa house and in a moment they were upon the force bearing Hassan a captive.\u00a0 With ear-shattering yells, the wedge of the krismen drove through the American column to their captured leader.\u00a0 Screams and shots mingled with the thud of the kris.\u00a0 In a moment, Hassan was free and vanished into the jungle.\u00a0 Major Scott, who commanded the American force, was so badly cut in the hand that it was necessary to amputate several of his fingers<\/em> (Hurley 1938)<em>.<\/em><\/p>\n<p>Inilarawan ni Vic Hurley na \u201c<em>particularly revolting act<\/em>\u201d ang karahasan ng mga <em>sabil<\/em> na naganap sa Jolo noong Abril 16, 1911.\u00a0 Habang naglalakad isang Linggo ng umaga ang isang Tnyt. Walter Rodney ng <em>22nd Cavalry<\/em> na walang sandata kasama ang kanyang apat na taong gulang na anak na babae sa Daang Jolo-Asturias, may nakasalubong siyang Moro sa malapit sa sabungan, na bigla na lamang siyang sinugod at tinaga ng barong.\u00a0 Namatay si Rodney bagama\u2019t hindi naman sinaktan ang kanyang anak.\u00a0 Ang Moro, si Jamdain, ay napatay ng guwardiya.\u00a0 Matapos lamang ang tatlong araw, si Srhto. James Ferguson, na naatasan na magbantay ng maliit na himpilang militar sa Asturias ay sinugod at pinatay ng dalawang Moro mula sa Isla ng Pata na napatay naman ng iba pang bantay.\u00a0 Sa mga panahong ito sa ibang lugar sa Mindanao, si Lineman Wallace ng <em>Signal Corps<\/em> ay napatay sa Malabang.\u00a0 Dahil sa mga karahasang ito, inatasan ni Hen. John Pershing ang lahat ng kawal na dapat laging may dala-dalang armas at maglakbay lagi nang may kasamang dalawang iba pa.\u00a0 Matapos lamang ang ilang buwan, muling nagkaroon ng insidente sa Jolo:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>The ferocity of these <\/em>juramentado<em> Moros were almost beyond belief, as was their capacity for destruction.\u00a0 On October 17, 1911, one Moro armed with a <\/em>barong <em>and a spear succeeded in passing the sentries of the 2nd Cavalry while they were in camp in Lake Seit Jolo.\u00a0 The camp became a scene of wild confusion as the Moro hurtled through the troop street slashing and stabbing with his weapons.\u00a0 Sergeant Oswald Homilius received a spear wound through the chest and died in fifteen minutes, and four soldiers were severely wounded before the crazed Moro was shot down by Lieutenant Coppock<\/em> (Hurley 1938).<\/p>\n<p>Nagpagpasyahan matapos ang nasabing insidente na tuluyan nang tanggalan ng armas ang mga Moro sa bisa ng <em>Executive Order 24<\/em> noong Septyembre 8, 1911.<\/p>\n<p>Kaya naman masasabing hindi lamang pulitikal na mga mandirigma o \u201c<em>freedom fighter<\/em>\u201d ang mga <em>sabil<\/em>, masasabi ring relihiyon ang kanilang pananggalang sa <em>sabil<\/em> dahil ang pagsasapraktika ng <em>sabil<\/em> at <em>jihad<\/em> ay nakaugat sa pananampalatayang Islamiko.\u00a0 Kaya rin ang naging sagot ng ilang opisyal na Amerikano sa mga <em>sabil<\/em> ay may kaakibat na pangungutya sa kanilang relihiyon lalo na sa kanilang paniniwala ukol sa baboy.\u00a0 Ayon pa rin kay Hurley:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Not the least discouraging of the efforts against juramentados was carried on by Colonel Alexander Rodgers, Governor of Jolo.\u00a0 All Moros who ran <\/em>juramentado<em> were killed and laid out in the market place with slaughtered pigs placed above them.\u00a0 The Mohammedan abhors all contact with pork and the resulting contact of the dead <\/em>juramentado <em>with the pig neutralized the beneficial effects of the rite itself.\u00a0 Colonel Rodgers became known to the Moros as \u201cThe Pig,\u201d and <\/em>juramentados <em>took themselves hurriedly to other districts<\/em> (Hurley 1938).<\/p>\n<p>Bagama\u2019t tulad nga ng binanggit ukol sa <em>ibadah<\/em>, kahit lagyan sila ng baboy sa kanilang kamatayan, ang mahalaga ay ang <em>kalinisan ng kanilang kalooban<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>TIBAY NG LOOB<\/strong><\/p>\n<p>Sa mga naunang natalakay ukol sa <em>kalinisan at<\/em> <em>lakas ng loob<\/em> ng mga <em>sabil<\/em>, naging pamilyar na sa maaaring naramdaman at pinagdaanan ng mga Moro na nagbuwis ng kanilang buhay mula pa noong pananakop ng mga Espa\u00f1ol hangga\u2019t pinalitan ito ng mga Amerikano.\u00a0 Kung tutuusin, napakahaba na ng paglaban ng mga <em>sabil<\/em> ngunit hindi ito gaanong nabibigyang-diin tuwing napapaksa ang mga bayani noong Digmaang Pilipino-Amerikano.\u00a0 Anu\u2019t ano pa man, hindi maaaring ikailang sa loob ng humigit-kumulang tatlong dantaon, hindi natinag kailanman ang mga <em>sabil<\/em> laban sa kolonyalismo\u2014at dahil iyon sa <em>tibay ng kanilang loob<\/em>.\u00a0 Para sa mga Tausug sa Sulu, ang kanilang kataga para sa <em>tibay ng loob<\/em> ay <em>hughut sin pangatayan<\/em>.<\/p>\n<p>Inugnay ni Albert Alejo (1990) ang <em>tibay ng loob<\/em> at panahon.\u00a0 Para sa kanya, maididikit ang <em>tibay ng loob<\/em> sa salitang \u201cabot-kaya.\u201d\u00a0 At ayon pa nga sa isang salawikain, \u201ckung tunay na tubo, matamis hanggang dulo.\u201d\u00a0 Kung ang <em>lakas ng loob<\/em> ang katapangang harapin ang mga pagsubok, ang <em>tibay ng loob<\/em> naman ang magpapatagal ng paglaban na ito hangga\u2019t sa \u201cabot-kaya.\u201d<\/p>\n<p>Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga kuwento ng mga Amerikanong naitalaga sa Sulu, makikita kung gaano kadeterminado ang isang maliit na grupo ng Moro bilang <em>sabil<\/em> na nagnanais mabawi ang kalayaang nilalapastangan.<\/p>\n<p>Sinasabing ang unang pagputok ng digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Moro ay iyong naganap sa Bundok Suleiman.\u00a0 Tinutugis ng mga Amerikano noon si Panglima Hassan, ang buong tapang na lumaban sa banyagang pananakop.\u00a0 Habang umaakyat sa bundok para hulihin sana si Hassan, pinaputukan ng mga Moro ang mga Amerikano (Hobbs 1962).\u00a0 Sa lahat ng mga Morong lumaban, si Panglima Hassan na marahil ang pinakatinik sa lalamunan ng mga Amerikano na kailangang patumbahin upang tuluyan nang maangkin ang Sulu.\u00a0 Nararapat banggiting si Hassan ay galing sa Luuk, Sulu na tinataguriang \u201c<em>home of the juramentados<\/em>\u201d (Tan 2002).\u00a0 Hindi na kataka-taka kung bakit ganoon na lamang siya katapang at katatag sa kanyang paglaban.<\/p>\n<p>Sa bahaging ito, ilalarawan ang paraan ng pag-atake ng mga <em>sabil<\/em> sa Amerikano kung saan makikita ang <em>tibay ng loob<\/em> nila na hindi nagagapi kahit pa man natadtad na ang katawan nila ng mga bala ng mananakop.<\/p>\n<p>Isa sa pinakepektibo at nakakatakot na sandata ng mga Moro ang mga <em>juramentado<\/em> o <em>sabil<\/em>.\u00a0 Itatago ng mga <em>sabil<\/em> ang kanilang mga kris habang papasok sa garison. \u201c<em>The attacks of the juramentados made life in the garrison towns a nightmare<\/em>\u201d (Gowing 1983).\u00a0 Pagkalabas ng kris, sisigaw ang <em>sabil<\/em> ng \u201c<em>La ilaha il Allah!<\/em>\u201do \u201cwalang ibang diyos kundi si Allah!\u201d (Gowing 1983).\u00a0 Inaasahan ng <em>sabil<\/em> na makakapatay muna siya kahit isang Amerikano bago naman siya mapatay ng mga ito.<\/p>\n<p>Ayon sa isang sundalong naitalaga sa Sulu:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>The modern <\/em>juramentado <em>of Sulu usually came alone to Jolo to effect his purpose, and was very secretive and sly about it until the moment of attack.\u00a0 He was up to every device to smuggle his arms inside the wall, hiding his <\/em>barong<em> in food packages, in his trouser leg, or in other garments that might deceive the guard at the gate.\u00a0 One man pushed his <\/em>barong <em>under the wall from outside into the mouth of a little sewer, then, entering the gate unarmed, climbed down into the sewer, drew back his <\/em>barong<em>, hid it in his clothes, and then came out and sat down waiting for a Christian to come along.\u00a0 When two soldiers came by he flashed his <\/em>barong <em>and made a rush at them.\u00a0 They ran into a billiard saloon, and around and around the table, chased by the <\/em>juramentado<em>, unable to use their pistols until they dashed outside again and finished him with four bullets without injury to any Christian <\/em>(Scott 1928).<\/p>\n<p>Mapapansing hindi basta-basta ang pag-atake ng <em>sabil<\/em> at pinipili rin niya ang kanyang susugurin.\u00a0 Sa kuwento sa itaas, hindi napatay ng <em>sabil<\/em> ang mga Amerikanong sundalo ngunit hindi maisasantabi ang tibay ng kanyang loob kahit pa man nabaril na siya ng ilang beses.\u00a0 Dagdag pa ni Scott sa kuwento:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>One Moro of Jolo was shot through the body by seven army revolver bullets, yet kept coming on with enough vitality and force to shear off the leg of an engineer soldier, more smoothly than it could have been taken off by a surgeon<\/em> (Scott 1928).<\/p>\n<p>Nagsimula sa pananakop ang mga Amerikano noong 1899 at naging tiyak ang digmaan nila at ng mga Moro ng Sulu noong 1903 sa pamumuno ni Panglima Hassan sa mga taga-Sulu.\u00a0 Noong 1906, buong puwersang sumalakay ang mga Amerikano sa Bud Dajo at nagpaulan ng bala sa ilihan na iyon.\u00a0 Pagkatapos ng labanan, nakitang halos 1,000 Moro ang napatay kabilang na ang mga bata at babae (tingnan ang Larawan).\u00a0 Hindi ito nakapanghina ng loob ng mga Moro bagkus, nagdulot pa ito ng mas matinding damdamin ng paglaban sa mga Amerikano.\u00a0 Itinuturing na pagtatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano ang pagsalakay naman ng mga Amerikano sa Bud Bagsak noong 1913 sa parehong paraan ng pagsalakay nila sa Bud Dajo noon.\u00a0 Gayunpaman, sa kalagitnaan ng dalawang \u201cmasaker\u201d na iyon, may paisa-isang <em>nagsasabil <\/em>at sumasalakay pa rin sa mga Amerikano.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan<\/strong><br \/>\n<em>Masaker sa Bud Dajo<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Masaker-sa-Bud-Dajo.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-306\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Masaker-sa-Bud-Dajo.jpg\" alt=\"Masaker sa Bud Dajo\" width=\"503\" height=\"304\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: left; padding-left: 210px;\">Trintserang puno ng bangkay ng mga Pilipinong Morong \u201cminasaker\u201d sa labanan<br \/>\nsa Bud Dajo (US Library of Congress 1907<\/p>\n<p>Noong Disyembre 14, 1906, isang Amerikanong kawal na pinangalanang McLaughlin ang bigla na lamang inatake ng isang Moro ng kanyang kris na muntik nang ikaputol ng braso nito.\u00a0 Sumakay sa isang kabayo upang tumungo sa pangunahing bantayan at hawak ang kanyang nalalalaglag na braso, hinabol siya ng Moro.\u00a0 Narinig ang kanilang sigaw ng isang sundalong binaril ng limang beses ang Moro na hindi man lamang nagalusan.\u00a0 Ayon kay Hurley:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>The sixth shot from the guard post broke the krisblade at the hilt, but the <\/em>juramentado<em>, weaponless now, closed rapidly and sought to get at the Americans with his bare hands.\u00a0 At a distance of five feet a well-directed shot from a .45 pistol burst the Moro\u2019s heart and he dropped in his tracks to spray the guard post with a froth of blood.\u00a0 Examination disclosed that every bullet had found its mark, for there were seven bullet holes in the dead Moro\u2019s chest<\/em> (Hurley 1938).<\/p>\n<p>Makikita rin sa isa pang sipi mula kay Hurley ang tila makulit na katibayan ng isang <em>sabil<\/em>:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>On April 6, 1907, one of these wild men ran the streets of Jolo and succeeded in dropping three soldiers of the 4th Cavalry before the bullets of the guard sent him to Paradise.\u00a0 The Moro ran directly into the fire of three soldiers on guard duty at the city walls and he was struck by eleven rifle bullets, any one of which would have been immediately fatal to a white man.\u00a0 But it was not until he had been struck with a revolver butt that the Moro gave up the struggle<\/em> (Hurley 1938).<\/p>\n<p>Isang halimbawa pa ng <em>pagsasabil<\/em> ang naganap noong Oktubre 17, 1911 nang may <em>sabil<\/em> na umatake sa himpilang Amerikano sa Lawa ng Siit.\u00a0 Tinaga niya ang isang Amerikanong sarhento gamit ang kanyang sibat at bagama\u2019t pinaulanan na siya ng mga balang Amerikano, nakapatay pa siya ng apat na tropang Amerikano gamit ang kanyang barong (Hurley 1938).<\/p>\n<p>Bukod sa <em>tibay ng loob<\/em> hangga\u2019t sa abot ng makakaya ng mga <em>sabil<\/em>, tinagurian din silang \u201c<em>men under oath<\/em>\u201d (Gowing 1938).\u00a0 Galing ito sa salitang ibinigay sa kanila noong 1876 ni Jose Malcampo na \u201cjuramentado.\u201d\u00a0 Galing ang salitang iyon sa \u201cjuramentar\u201d na ang ibig sabihin ay sumumpa.\u00a0 Ang sinumpa o panata ng mga <em>sabil<\/em> ay ang \u201cfisabilillah\u201d o \u201c<em>in the way of Allah<\/em>.\u201d\u00a0 Sa kontekstong ito, ang pakikipaglaban ay para ipagtanggol ang paniniwala, buhay, karangalan, ari-arian, at kalayaan.<\/p>\n<p>Ayon kay Alejo (1990), ang <em>tibay ng loob<\/em> ay isa ring \u201csumpa\/panata na binigkas sa isang saglit subalit ang bisa ng tibay ay patuloy na naisasabuhay.\u201d\u00a0 Maaaring ibilang ang mga <em>sabil<\/em> sa paglalarawan na bagama\u2019t isang saglit lamang binigkas ang panata, naging mabisa pa rin ito sa natitira nilang buhay.\u00a0 Ang tagal o bisa rin ng sumpang ito ay hindi lamang dapat bilangin mula sa pagdedesisyon ng isang Moro na <em>magsabil<\/em> hanggang sa kanyang kamatayan, kundi kailangang isaalang-alang ang marami pang <em>sabil<\/em> na sa simula pa lamang ay lumaban na agad sa pananakop nang walang pagdududa.<\/p>\n<p>Ang <em>tibay ng loob<\/em> hangga\u2019t abot-kaya ay hindi lamang naipapakita sa tuloy-tuloy na paglaban sa kabila ng pagtanggap ng katawan ng mga bala kundi maging sa haba ng pakikibaka para sa pinaniniwalaang tama na nagtagal ng maraming dekada (Vitug at Gloria 2000; Rodil 2003; Abreu 2011).\u00a0 Ang tagal ng digmaan sa Mindanao na patuloy na umiigting sa pagitan ng pamahalaang Pilipino at <em>Moro National Liberation Front<\/em> (MNLF) sa panahong sinusulat ang papel na ito sa mismong bayan ng Zamboanga (Setyembre 2013) ay katibayan sa konsepto ng <em>tibay ng loob<\/em> na mayroon pa rin ang marami sa mga Moro sa Sulu.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANGWAKAS<\/strong><\/p>\n<p>Sa panahon ng pagsubok, nabibigyang-diin at lumalabas ang mga katangian ng <em>loob<\/em> ng tao\u2014<em>kalinisan, lakas,<\/em> at <em>tibay<\/em>.\u00a0 Noong Digmaang Pilipino-Amerikano, maraming Pilipino ang lumaban sa pananakop at nagpakita ng ibayong tapang sa pakikipaglaban.\u00a0 Sa iba\u2019t ibang bahagi ng kapuluan, mayroong mga kuwento ng katapangan at kagitingan.\u00a0 Isa sa mga naisasantabi ang mga kuwento ng mga <em>sabil<\/em> na hindi karaniwang napapabilang sa mga aklat ng <em>mainstream<\/em> na kasaysayan.<\/p>\n<p>Sa papel na ito, sinikap maipaliwanag ang praktis ng <em>sabil<\/em> at mga katangiang nakita sa kanila.\u00a0 Masasabing ang mga <em>sabil<\/em> ay may <em>kalinisan ng loob<\/em> base sa kanilang ritwal na pagligo ng kanilang sarili mula sa mga kasalanan at masasamang isipin bago nila isagawa ang kanilang misyon.\u00a0 Nabanggit ding ang <em>kalinisan<\/em> sa <em>loob <\/em>at <em>labas <\/em>ay ilan sa mahahalagang katuruan sa relihiyon ng mga <em>sabil<\/em>, ang Islam.<\/p>\n<p>Bukod sa <em>kalinisan ng loob<\/em> ng mga <em>sabil<\/em>, mahalaga ring malaman ang pinanggalingan ng kanilang <em>lakas ng loob<\/em>.\u00a0 May kinalaman ito sa tapang na sumabak sa labanan, upang makadulot ng mga pagbabago.\u00a0 Tulad ng mga batayang pagpapahalaga ng mga Pilipino, pinahahalagahan din ng mga <em>sabil<\/em> ang pagtatanggol sa kanilang karangalan, pagkamit ng katarungan sa mga nasawi o inapi, at higit sa lahat, ang paglaban upang mapanatili at ipaglaban ang kanilang tinatamasang kalayaan.<\/p>\n<p>Sa tagal ng pakikipaglaban ng mga <em>sabil<\/em> sa pananakop o kolonyalismo, mula pa noong panahon ng mga Espa\u00f1ol, makikita ang hindi natitinag na <em>tibay ng loob<\/em>.\u00a0 Kung <em>tibay ng loob<\/em> ang pinag-uusapan, hindi mawawala sa talakayan ang usapin ng panahon\u2014gaano ba katagal ipinaglaban o hanggang saan ba ipinaglaban ang isang bagay o isang pangako?\u00a0 Para sa mga <em>sabil<\/em> noong panahon ng Amerikano, susuko pa ba sila kung higit nang tatlong daang taon nilang maingat na binabantayan ang kanilang kalayaan?\u00a0 Bukod sa tibay na base sa panahon, matibay rin ang loob ng mga <em>sabil<\/em> dahil ginawa nila ang kanilang abot-kaya upang isagawa ang kanilang misyon at ang abot-kaya nila ay hanggang sa kanilang kamatayan.<\/p>\n<p>Kahit nang matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano, nagpatuloy pa rin ang mga <em>sabil<\/em> sa paglaban para sa pagbabago at tunay na kalayaan.\u00a0 Bagama\u2019t hindi na tulad ng mga orihinal na <em>sabil<\/em> at nagbago na ang anyo ng pakikipaglaban, nagpapatuloy pa rin ang pakikibaka ng mga Moro kahit sa kasalukuyan sa hangaring makamit muli ang kalayaang dinambong at ang karangalan at katarungan na tila baga\u2019y pinaglalaruan lamang hanggang ngayon.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Talahuli<\/strong><\/p>\n<p>* Pinapasalamatan ng may-akda sina Prop. Michael Charleston &#8220;Xiao&#8221; B. Chua at G. John Joshua M. Duldulao para sa karagdagang pananaliksik na ginamit sa papel na ito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Abreu, L.M. (2011).\u00a0 <em>Bangsamoro sa malapitan: Pagpupunyagi sa sariling-pagpapasya<\/em>.\u00a0 Quezon City: Center for People Empowerment in Governance (CenPEG).<\/p>\n<p>Alejo, A.E. (1990).\u00a0 <em>Tao po! Tuloy! Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao<\/em>.\u00a0 Quezon City: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University.\u00a0 Binagong edisyon, 1992.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1992).\u00a0 <em>From colonial to liberation psychology.<\/em>\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Ewing, J.F. (1955).\u00a0 Juramentado: Institutionalized suicide among the Moros of the Philippines. <em>Anthropological Quarterly<\/em>,28 (4), 148-155.<\/p>\n<p>Gowing, P.G. (1983).\u00a0 <em>Mandate in Moroland: American government of Muslim Filipinos 1899-1920.<\/em>\u00a0 Quezon City: New Day Publishers.<\/p>\n<p>Hadith Collection (2009a).\u00a0 An Nawawi Hadith Number 001: The Authority of Omar bi Al-Khattab.\u00a0 Nakuha noong Setyembre 18, 2013, mula sa Hadith Collection Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/mbI7BI\">http:\/\/goo.gl\/mbI7BI<\/a>.<\/p>\n<p>Hadith Collection (2009b).\u00a0 Fiqh-us-Sunnah Volume 001, Purification and Prayer, Fiqh 1.055A.\u00a0 Nakuha noong Setyembre 18, 2013, mula sa Hadith Collection Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/lcELxJ\">http:\/\/goo.gl\/lcELxJ<\/a>.<\/p>\n<p>Hadith Collection (2009c).\u00a0 Sahih Muslim Book 002, Hadith Number 0432.\u00a0 Nakuha noong Setyembre 18, 2013, mula sa Hadith Collection Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/Vgn0ZS\">http:\/\/goo.gl\/Vgn0ZS<\/a>.<\/p>\n<p>Hobbs, H. (1962).\u00a0 <em>Kris and krag: Adventures among the Moros of the south Philippine islands.<\/em>\u00a0 Washington: Horace P. Hobbs, Jr.<\/p>\n<p>Hurley, V. (1936).\u00a0 <em>Swish of the kris: The story of the Moros.<\/em>\u00a0 Mandaluyong: Cacho Hermanos, 1985.<\/p>\n<p>Hurley, V. (1938).\u00a0 <em>Jungle patrol: The story of the Philippine Constabulary.<\/em>\u00a0 Mandaluyong: Cacho Hermanos, Inc., 1985.<\/p>\n<p>Ileto, R.C. (1979).\u00a0 <em>Pasyon and revolution: Popular movements in the Philippines, 1840-1910.<\/em>\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press.<\/p>\n<p>Ilhami, D. (1991).\u00a0 <em>The doctrine of jihad in Islam.<\/em>\u00a0 Razavi, Iran: Islamic Research Foundation of Asian Quds Razavi.<\/p>\n<p>Kiefer, T.M. (1973).\u00a0 Parrang sabbil: Ritual suicide among the Tausug of Jolo.\u00a0 <em>Bijdragen tot de Taal-, Land- en Volkenkunde<\/em>,129 (1), 108-123.<\/p>\n<p>Kunting, A.F. (2012).\u00a0 Hindi juramentado, kundi mujahid: Ang dalumat at praktis ng sabil sa isla ng Sulu (1876-1913).\u00a0 Nasa A.M. Navarro, M.F. Orillos-Juan, J.S. Reguindin, at A.L. Elumbre (mga pat.), <em>Kasaysayang pampook: Pananaw, pananaliksik, pagtuturo<\/em>. \u00a0Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan, 226-240.<\/p>\n<p>Medina, I.R. (1993).\u00a0 A historical reconstruction of the juramentado\/sabilallah ritual.<em>\u00a0 Anuaryo\/Annales: Journal of History<\/em>, 11 (1), 19-39.<\/p>\n<p>Mercado, L. N. (1994).\u00a0 <em>The Filipino mind<\/em>.\u00a0 Manila: The Council for Research in Value and Philosophy.<\/p>\n<p>Rodil, B.R. (2003).\u00a0 <em>A story of Mindanao and Sulu in question and answer<\/em>.\u00a0 Davao:\u00a0 MINCODE.<\/p>\n<p>Saleeby, N.M. (1908).\u00a0 <em>The history of Sulu<\/em>.\u00a0 Manila: Bureau of Printing.<\/p>\n<p>Scott, H.L. (1928).\u00a0 <em>Some memories of a soldier.<\/em> \u00a0New York: Century Co.<\/p>\n<p>Taliqani, S.M., M. Mutahhari, A. Shariati, M. Abedi, at G. Legenhausen (1986).\u00a0 <em>Jihad and shahadat: Struggle and martyrdom in Islam.<\/em>\u00a0 Texas: Institute for Research and Islamic Studies.<\/p>\n<p>Tan, S.K. (2002).\u00a0 <em>The Filipino-American war 1899-1913.<\/em>\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>United States of America (US) Library of Congress (1907).\u00a0 Trench at Bud Dajo.\u00a0 Nakuha noong Setyembre 21, mula sa US Library of Congress Website:\u00a0 <a href=\"http:\/\/goo.gl\/0WDVpK\">http:\/\/goo.gl\/0WDVpK<\/a>.<\/p>\n<p>Vitug, M.D. at G.M. Gloria (2000).\u00a0 <em>Under the crescent moon: Rebellion in Mindanao<\/em>.\u00a0 Manila:\u00a0 Institute of Popular Democracy.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ayshia F. Kunting College of Social Sciences Western Mindanao State University (WMSU), Zamboanga City, Philippines Abstrak Sa panahon ng kolonyalismong Espa\u00f1ol, tinawag na mga \u201cjuramentado\u201d ang mga mandirigmang Moro dahil sa kanilang walang pakundangang paglusob sa kanilang mga kalaban at &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-kalinisan-lakas-at-tibay-ng-loob-sa-praktis-ng-sabil-sa-sulu-noong-digmaang-pilipino-amerikano\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Kalinisan, Lakas, at Tibay ng Loob sa Praktis ng Sabil sa Sulu noong Digmaang Pilipino-Amerikano<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[6],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/115"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=115"}],"version-history":[{"count":9,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/115\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":313,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/115\/revisions\/313"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=115"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=115"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=115"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}