{"id":107,"date":"2013-11-02T06:27:44","date_gmt":"2013-11-02T06:27:44","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=107"},"modified":"2014-09-04T04:33:08","modified_gmt":"2014-09-04T04:33:08","slug":"diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-ilub-unong-at-amok-pag-unawa-sa-katatagan-ng-buut-ng-mga-bayani-sa-himagsikang-pilipino-sa-panay-1896-1898","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-ilub-unong-at-amok-pag-unawa-sa-katatagan-ng-buut-ng-mga-bayani-sa-himagsikang-pilipino-sa-panay-1896-1898\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Ilub, Unong, at Amok: Pag-unawa sa Katatagan ng Buut ng mga Bayani sa Himagsikang Pilipino sa Panay, 1896-1898"},"content":{"rendered":"<p><strong>Vicente C. Villan, Ph.D.<\/strong><br \/>\nDepartamento ng Kasaysayan<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Ang sanaysay na ito ay isang pagtatangkang magpakita at magpaliwanag ng mga nakatagong istrukturang nagbigay-daan sa pagsiklab ng himagsikang Pilipino sa Panay.\u00a0 Sa pagdulog sa mahalagang yugto ng ating kasaysayan, nanatili pa rin ang salik na sikolohikal bilang nakapangyayaring puwersang naging sanhi para ang mga mamamayan ng Panay ay kumilos, magtaguyod, at maglunsad ng pakikipagdigma laban sa kanilang mga mananakop.\u00a0 Ang mga panghimagsikang pagsisikap at aktwal na mga pakikihamok na pangunahing inilunsad nina Hen. Juan Arce (Sigma), Hen. Hilario Oro (Dumalag), Hen. Macario Lusco (Tapaz), at iba pa sa lalawigan ng Capiz; Hen. Candido Iban (Malinao), Hen. Francisco del Castillo (Kalibo), at iba pa sa Lambak ng Aklan; pati yaong nangagsilunsad ng mga pagkilos sa Iloilo na pinangunahan nina Hen. Martin Delgado, Kol. Quintin Salas, Hen. Adriatico Hernandez, at marami pang iba; kasama na yaong nakisangkot sa bahaging Antique na pinangunahan nina Hen. Leandro Fullon, Kap. Silvestre Salvio, Tnyt. Kol. Ruperto Abellon, at iba pang bayani ng himagsikan; ay hindi maipagkakailang pumapaloob sa larangan at nakapangyayaring bisa ng sikolohiyang nagbigay sa mga ito ng lakas, tapang, at tatag para harapin ang mga Espa\u00f1ol noong 1896 hanggang 1898.<\/p>\n<p>Ang kolektibong gamit na sikolohikal ng <em>ilub<\/em> (pagpapakumbaba at pagpaparaya sa lahat ng uri ng dalamhating sosyolohikal), <em>unong <\/em>(pagiging maaasahan at matapat sa sinumang itinatanging nilalang), at <em>amok <\/em>(pagiging makatarungan at makatwirang pagpapahayag ng niloloob para sa inaasam na ginhawang pangkatawan, pangkaisipan, at pangkalooban) sa paglikha ng kaganapang pangkasaysayan ay pinanindiganang may malaking iginuhit sa kasaysayan ng himagsikan sa Panay at nag-iwan kung gayon sa ating panahon ng mahahalagang gunitang patuloy na isinasalaysay upang mahagilap ang kapaki-pakinabang na kahulugan at kabuluhan nito sa mga mamamayang Pilipino.\u00a0 Ang akdang ito hinggil sa <em>ilub<\/em>, <em>unong<\/em>, at <em>amok<\/em> bilang kamalayan sa paglilingkod-bayan sa Panay ay mabisang daan samakatwid tungo sa pag-unawa ng bagay na nasa <em>loob<\/em> at katatagan ng <em>buut<\/em> ng mga bayani ng himagsikan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p><em>This essay is an attempt to feature and explain the underlying structures that led to the outbreak of the Philippine revolution in Panay.\u00a0 To approach such important period in our history, psychological factors serve as driving forces that caused the people of Panay to act, engage, and wage war against their colonizers.\u00a0 The revolutionary initiative and actual fighting led primarily by Gen. Juan Arce (Sigma), Gen. Hilario Oro (Dumalag), Gen. Macario Lusco (Tapaz), and others in the province of Capiz; Gen. Candido Iban (Malinao), Gen. Francisco del Castillo (Kalibo), and others in the Aklan Valley; and even those that took action in Iloilo led by Gen. Martin Delgado, Col. Quintin Salas, Gen. Adriatico Hernandez, and more; including those involved in the Antique section led by Gen. Leandro Fullon, Capt. Silvestre Salvio, Lt. Col. Ruperto Abellon, and other heroes of the revolution; undeniably fall under the realm of psychology that provides them strength, courage, and endurance to confront the Spaniards from 1896 to 1898.<\/em><\/p>\n<p><em>The collective psychological functions of <\/em>ilub<em> (humility and tolerance for any forms of sociological pain), <\/em>unong<em> (trustworthiness and loyalty to a significant someone), and the <\/em>amok <em>(rightful and logical expression of the inner-self to gain physiological, psychological, and social wellness) arguably have their decisive imprints on the history of the revolution in Panay and therefore provided our times significant memories to be continuously retold in order to find strategic meaning and relevance for the Filipino people. This article pertaining to <\/em>ilub<em>, <\/em>unong<em>, and <\/em>amok <em>as social conciousness of offering services in Panay is therefore construed as an effective way of understanding the inner and potent self of the heroes of the revolution<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAMBUNGAD<\/strong><\/p>\n<p>May saysay na makikita sa <em>salawikaing bayan<\/em> na pinalaganap ni Gat Jose Rizal na \u201cAng di lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan.\u201d\u00a0 Maaaring susugan ang diwang itinampok ng bayani sa siniping <em>kaalamang bayan<\/em> hinggil sa naging mataas na pagkilala niya sa kaukulan ng gawaing paglingon at ang kaugnayan nito sa inaasam na kalagayan ng mga Pilipino sa hinaharap.\u00a0 Magsisilbing gabay na rin sa direksyong tinatahak ng sanaysay na ito ang mga sumusunod na katanungan: (1) anu-ano ang ilan sa mahahalagang paksang nililingon sa nakaraan? at (2) bakit mahalaga ang gawaing paglingon (Navarro 2000) o pagpaksang pangkasaysayan bilang pangunahing larangang pangkaalaman at tunguhin sa Agham Panlipunan? (Villan 2013).<\/p>\n<p>Kung susuriin, hindi lamang nakatuon sa makahulugan, makatuturan, at makabuluhang panahon, pook, at pangyayari ang mga gawaing pagsasalaysay, paglalahad, at pag-uulat ukol sa sariling karanasan ng mga Pilipino (Navarro 2000), mga kaugnay na karanasan sa rehiyon sa Asya, at iba pang karanasan ng sangkatauhan sa iba\u2019t ibang lupalop ng daigdig na marapat na pagtuunan ng paglingon sa Agham Panlipunan, kundi makatwirang pag-ukulan din ng matamang pansin at pagdadalumat maging yaong kolektibong kamalayan ukol sa <em>buut<\/em> (<em>loob<\/em>) ng mga Bisaya sa panahon ng himagsikan sapagkat dito mauugat ang mga isinagawang pagkilos ng mga Pilipino sa pook ng Panay (tingnan ang Mapa) lalo na patungkol sa makasaysayang pangyayari mula 1896 hanggang 1898 (Villan 2013).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Mapa<\/strong><br \/>\n<em>Mapa ng Panay<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Panay.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-261\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Panay.jpg\" alt=\"Mapa ng Panay\" width=\"628\" height=\"553\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Panay.jpg 628w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Panay-300x264.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Panay-100x88.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Panay-150x132.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Panay-200x176.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Panay-450x396.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Panay-600x528.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 628px) 100vw, 628px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 510px;\"><em>Sutherland (1944)<\/em><\/p>\n<p>Ano ba ang mayroon sa kolektibong kamalayan ng <em>ilub<\/em> (pagpapakumbaba at pagpaparaya sa lahat ng uri ng dalamhating sosyolohikal), <em>unong <\/em>(pagiging maaasahan at matapat sa sinumang itinatanging nilalang), at <em>amok <\/em>(pagiging makatarungan at makatwirang pagpapahayag ng niloloob para sa inaasam na ginhawang pangkatawan, pangkaisipan, at pangkalooban) ng mga Bisaya bilang manipestasyon ng <em>buut <\/em>sa Sikolohiyang Pilipino?\u00a0 Ano ang kaukulang gamit ng mga ito sa pag-unawa sa katatagan ng <em>kalooban<\/em> ng mga maghihimagsik sa isla ng Panay sa nabanggit na panahon?\u00a0 Sa pamamagitan ng sanaysay na ito, uunawain natin ang mga naging dahilan at sanhi ng mga pangyayari sa isa sa mga makasaysayan at pangunahing pook na nakisangkot sa malawakang himagsikan sa Pilipinas.<\/p>\n<p>Sa kabuuan, maghahain ang sanaysay na ito ng alternatibong pagtinging pangkasaysayan sa pamamagitan ng pagtataguyod sa mga sumusunod na layunin: (a) magpakita ng dimensyong sikolohikal na mahalaga sa pag-unawang pangkasaysayan; (b) magtampok ng mga pangunahing kategoryang sikolohikal na humubog sa pagkatao at <em>katatagan ng loob<\/em> ng mga bayani sa pulo ng Panay; (c) magpasundayag ng mga nasiil na konseptong sikolohikal, antropolohikal, at sosyolohikal na mahalaga sa pagbibigay-interpretasyon sa mga pangyayari; at (d) magkaroon ng matalas na pag-unawa sa mga pangkasaysayang kaganapang nakasalig sa kinagisnang kaugalian ng mga tao sa pulo ng Panay sa partikular at sa Pilipinas sa pangkalahatan.<\/p>\n<p>Nahahati sa tatlong bahagi ang akdang ito na inaasahang magbibigay-linaw sa biyolohiko-istruktural at sosyolohiko-historikal na mga salik na nagbigay-hugis sa mga kaganapang pangkasaysayan.\u00a0 Tumatayo ang unang bahagi ng sanaysay na ito bilang kontekstong konseptwal at metodolohikal kaugnay ng pagbibigay-linaw sa pagpapakahulugan sa kabuuan ng tao habang ang pangalawang bahagi naman ang pagsasakatuturan sa naging papel ng sikolohiya sa paghubog ng kasaysayang kolonyal.\u00a0 At ang pangatlo\u2019t huling bahagi naman ay pagsasalaysay sa isinagawang paglulunsad ng paghihimagsik na tinitingnang pagsasakabuluhan ng sikolohiya ng paglilingkod-bayan tungo sa inaadhikang pagbabagong panlipunan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong><em>LAWAS<\/em>, <em>HUNA-HUNA<\/em>, AT <em>BATYAG<\/em>:<\/strong><br \/>\n<strong>PAGPAPAKAHULUGAN SA KABUUAN NG TAO<\/strong><\/p>\n<p>Sa pangkalahatan, nahahati sa tatlong larangan ang kabuuan ng tao\u2014<em>lawas<\/em> (katawan), <em>huna-huna<\/em> (kaisipan), at <em>batyag<\/em> (pakiramdam) (Tan at Jocano 2010; Villan 2013)\u2014mga larangang sikolohikal ang mga ito na maituturing na tungtungan at samakatwid, mahalaga sa pagsasakonteksto ng <em>buut <\/em>ng mga Pilipino sa pulo ng Panay.\u00a0 Unang sinuong ni Leonardo Mercado (1972) ang malawak, malalim, at malamang larangang ito ng Sikolohiyang Pilipino sa Kabisayaan sa pamamagitan ng paghahambing ng <em>buut <\/em>sa <em>loob<\/em> ng mga Tagalog at <em>nakem<\/em> ng mga Ilokano.\u00a0 Masasabing ang pagkakalantad ni Mercado sa \u201cmatayog\u201d na tradisyong pilosopikal ng mga Hindu, Tsino, Hapon, at Hebreo ang nagtulak sa kanya upang tingnan at salaminin ang di-napapansing diwang Pilipino.\u00a0 Sa pamamagitan ng mapaghambing na lapit, ang tatlong binanggit na larangang sikolohikal ay di-maikakailang nakapangyayaring kamalayan kung kaya\u2019t inari ang mga ito sa huli bilang batayang pilosopikal ng mga Pilipino.<\/p>\n<p>Sa kabilang dako, nag-ambag din kaugnay ng ganitong reaktibong pagtanaw ukol sa <em>buut<\/em>\/<em>loob<\/em>\/<em>nakem<\/em> si Dionisio Miranda (1987) nang pasimulang galugarin niya ang katumbas ng Tagalog na <em>loob <\/em>para sa mga Bisaya sa pamamagitan ng pagbubukas sa panrelihiyong kategoryang <em>budhi<\/em> o <em>konsensya<\/em> kung saan ipinaloob niya rito ang pangkamalayang konsepto ng <em>bait<\/em> at <em>isip<\/em>.\u00a0 Higit niyang pinalalim ang kanyang maalab na interes ukol sa paksa na nagsilbi hindi lamang bilang pagpapalawig sa simulain ng pag-uugat sa batayang pilosopikal kundi pagsulong din higit sa lahat ng antropolohikong kaparaanan ng pagsusuri sa mga batayang paniniwala ng mga Pilipino.\u00a0 Ang naturang akademikong pagsisikap paglaon ay nagsilbing tungtungan ng pag-aaral ukol sa uri ng pananampalatayang Katoliko sa Pilipinas na makikita halimbawa sa kanyang mas pinalawak na pag-aaral ukol sa <em>loob<\/em> (Miranda 1989).\u00a0 Kung uunawain sa pangkalahatan, naging ambag ang ginawang pag-aaral ni Miranda ukol sa <em>loob<\/em> para sa mas lumalawak noong diskursong Antropolohiyang Teolohikal.<\/p>\n<p>Tangi rito, nagpatuloy rin ang paglago ng talastasan ukol sa <em>loob<\/em> sa pamamagitan ng akda ni Albert Alejo (1990) na pinamagatang <em>Tao po! Tuloy! Isang Landas ng Pag-unawa sa Loob ng Tao<\/em> na nagsumikap namang tingnan ang <em>loob<\/em> ng Pilipino sa bisa ng kanyang metaporang pamagat na maituturing na ring lapit na teoretikal hinggil sa patuloy na paghahabi ng saligang pilosopikal ng mga Pilipino.\u00a0 Nangangahulugang hindi basta pagtatala lamang ng paggamit ng pinakasentral na ideya sa Sikolohiyang Pilipino na <em>loob<\/em> ang ginawa ni Alejo kundi isang seryosong pagtatangka upang dalumatin ang malawak, malalim, at malamang <em>loob<\/em> ng mga Pilipino na isinagawa niya sa pamamagitan ng pagsingkaw sa mas malawak na larangan ng <em>kaalamang bayan<\/em> sa Pilipinas\u2014sa wika, panitikan, kamalayan, at pilosopiya.<\/p>\n<p>Kabilang sa larangan ng Pilosopiya at Teolohiya, pumaindayog ang mga naturang nasa hanay ng akademiya sa pagsisikhay na makahanap ng saligang pilosopikal ng mga Pilipino.\u00a0 Mula naman sa ibang larangan, maibibilang batay sa ganitong kalakaran ng pagdadalumat, bagama\u2019t nakatuon sa paglikha ng mga taksonomiya at tipolohiyang panlipunan at pangkalinangan, ang mga ginawang pag-aaral ni Prospero Covar (1995, 1998) hinggil sa pagkataong Pilipino na tahasang lumalayo sa parametrong teolohiko-pilosopikal.\u00a0 Sa pamamagitan ng kanyang binalangkas na \u201ctambalang lapit\u201d (<em>labas-loob<\/em>), higit na nabigyang-linaw ang <em>locus<\/em> at direksyon ng pag-aaral ukol sa inusisang mahiwagang <em>loob<\/em> ng mga Pilipino.\u00a0 Ayon sa paliwanag ni Covar, nagsisilbi ang <em>labas<\/em> bilang kagampan ng tao sa ilalim ng prosesong biyolohikal at ang <em>loob <\/em>naman sa larangang kultural kaugnay ng pag-unlad ng tao.<\/p>\n<p>Samantala, maipapaloob naman bilang mahahalagang sangkap sa kabuuan ng pag-unawa sa bahaging <em>labas<\/em>&#8211;<em>loob<\/em> ng tao ang itinampok ni Zeus Salazar (1977) sa kanyang panimula at mahalagang pag-aaral ukol sa <em>kaluluwa<\/em> at <em>ginhawa<\/em>.\u00a0 Matingkad na makikita sa akda ni Salazar ang paglayo sa lente ng reaktibong pagtugon laban sa dominanteng makaKanlurang pananaw at lambong ng teolohiko-pilosopikal na pananaw ukol sa pag-aaral sa <em>loob <\/em>ng mga Pilipino.\u00a0 Kabilang din sa pagpapalawak ng dalumat na Pilipino ang mapagpalawig ng kaalaman ukol sa <em>loob<\/em> na makikita halimbawa sa ginawang pag-aaral ni Virgilio Enriquez (1976) ukol sa <em>pakiramdam<\/em>, <em>hiya<\/em>, at <em>utang na loob<\/em>\u2014mahahalagang konsepto sa pag-aaral ng sikolohiyang panlipunan ng mga Pilipino kung saan batayang konsepto ang <em>kapwa <\/em>at <em>pakikipagkapwa<\/em> (Enriquez 1978, 1989).\u00a0 Inilalarawan sa Pigura 1 ang siklikal na sikolohiya ng pakikipag-ugnayang panlipunan at pakikipagkapwa ng mga Bisaya.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Pigura 1<\/strong><br \/>\n<em>Pagsasalarawan sa Siklikal na Sikolohiya<\/em><br \/>\n<em>ng Pakikipag-ugnayang Panlipunan at Pakikipagkapwa ng mga Bisaya<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Siklikal-na-Sikolohiya.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-262\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Siklikal-na-Sikolohiya.jpg\" alt=\"Pagsasalarawan sa Siklikal na Sikolohiya\" width=\"576\" height=\"384\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Siklikal-na-Sikolohiya.jpg 576w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Siklikal-na-Sikolohiya-300x200.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Siklikal-na-Sikolohiya-100x66.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Siklikal-na-Sikolohiya-150x100.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Siklikal-na-Sikolohiya-200x133.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Siklikal-na-Sikolohiya-450x300.jpg 450w\" sizes=\"(max-width: 576px) 100vw, 576px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 270px;\"><em>Villan (2013)<\/em><\/p>\n<p>Kung susuriin, ang binanggit na Tagalog na <em>loob<\/em> at Ilokanong <em>nakem<\/em> na kaugnay ng pinapanday at pinasusundayag na <em>buut<\/em> ng mga Bisaya ay binigyan ng panimulang panlinggwistikong kahulugan ni John Kaufmann (1934) bilang \u201c<em>will, intention, mind, reason, understanding, intelligence; to will, want, desire, wish, intend, direct, do as one pleases, set one\u2019s heart upon<\/em>.\u201d Sa ginawa kong pagsusuri, sinimulan kong tuklasin ang mahiwaga at nakapangyayaring <em>buut<\/em> ng mga Bisaya sa pamamagitan ng pagsasalarawan muna sa pagkataong Bisaya (Villan 1998).\u00a0 Sa aking pagkakabatid bilangtagapagdala ng kalinangan (<em>culture bearer<\/em>) ng nasabing maimpluwensiyal na <em>diwa<\/em> o <em>kamalayang bayan<\/em>, mayroong tatlong larangan ang pagkatao ng mga mamamayan sa Panay na mapagsisingkawan ng pag-aaral ukol sa <em>buut<\/em>.\u00a0 Kabilang dito ang mga sumusunod: <em>lawas<\/em>, <em>huna-huna<\/em>, at <em>batyag<\/em>.\u00a0 Kumakatawan ang una bilang biyolohiko-pisyolohikal (<em>buluhaton nga panglawasnon<\/em>) na bahagi ng tao at maituturing kung gayong batay sa tambalang lapit ni Covar na bahaging <em>luwas<\/em>\/<em>gawas<\/em> (<em>labas<\/em>) sa kabuuan ng tao na kasusumpungan halimbawa ng iba\u2019t ibang uri at sistemang buto, kalamnan, at balat kasama na maging yaong mahahalagang sangkap sa <em>loob<\/em> gaya ng utak, puso, atay, at iba pa.\u00a0 Samantala, kumakatawan naman ang pangalawa sa larangang mental (<em>buluhaton nga pangminsaron<\/em>) kung saan mahalagang makita ang gampanin ng utak bilang pinagnunukalan ng mahahalagang likas na gawain ukol sa pagtalos sa mga bagay-bagay, kabatirang pangkapaligiran, hinuhang pangkaalaman, at panlipunang pagpapasya.\u00a0 Gayunman, hindi magiging kumpleto ang pagkatao sa ilalim ng kategoryang <em>buut<\/em> kung hindi mailalakip din dito ang ginampanang papel ng <em>batyag<\/em> na kumakatawan sa larangang emosyunal ng tao (<em>gawaing pangkabubut-on<\/em>).\u00a0 Sa bahaging ito ng tao makikita ang mahalagang gampanin ng <em>kasing-kasing<\/em> o<em> tagipusuon<\/em> (puso) na pinagnunukalan ng panlipunang sikolohiya tulad ng <em>pakiramdam<\/em>, <em>hiya<\/em>, at <em>utang na loob<\/em> (Enriquez1976).\u00a0 Inilalarawan naman sa Pigura 2 ang pagkatao ng mga Bisaya.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Pigura 2<\/strong><br \/>\n<em>Pagsasalarawan sa Larangan ng Pagkatao ng mga Bisaya<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Larangan-ng-Pagkatao-ng-mga-Bisaya1.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-264\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Larangan-ng-Pagkatao-ng-mga-Bisaya1.jpg\" alt=\"Pagsasalarawan sa Larangan ng Pagkatao ng mga Bisaya\" width=\"434\" height=\"266\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Larangan-ng-Pagkatao-ng-mga-Bisaya1.jpg 720w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Larangan-ng-Pagkatao-ng-mga-Bisaya1-300x183.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Larangan-ng-Pagkatao-ng-mga-Bisaya1-100x61.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Larangan-ng-Pagkatao-ng-mga-Bisaya1-150x91.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Larangan-ng-Pagkatao-ng-mga-Bisaya1-200x122.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Larangan-ng-Pagkatao-ng-mga-Bisaya1-450x275.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Larangan-ng-Pagkatao-ng-mga-Bisaya1-600x367.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 434px) 100vw, 434px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 270px;\"><em>Rebisyon ng Villan (2009)<\/em><\/p>\n<p>Samantala, malinaw namang makikita sa Pigura 3 ang tampok na pagsasalarawan sa <em>buut<\/em> ng tao na kinabibilangan ng <em>huna-huna<\/em> (larangang mental), <em>batyag<\/em> (larangang emosyunal), at <em>lawas<\/em> (larangang biyolohiko-pisyolohikal).\u00a0 Nakapaloob sa una ang <em>animo <\/em>(malay) at <em>panimuot<\/em> (diwa) na maituturing na luklukan ng malawak na <em>gawaing pangminsaron<\/em> (pangkaisipan).\u00a0 Sa ikalawa naman matutunghayan ang <em>balatyagon <\/em>(damdamin) at <em>kabubut-on<\/em> (<em>kalooban<\/em>\/<em>saloobin<\/em>) bilang larangang may kinalaman sa <em>gawaing pangkabubut-on<\/em> (pangkalooban).\u00a0 At sa ikatlo naman ang <em>kalag<\/em> (<em>kaluluwa<\/em>) at <em>dungan<\/em> (kasabay\/<em>lakas ng loob<\/em>\/potensya) sa bahaging katawan bilang larangan ng <em>gawaing panglawasnon <\/em>(biyolohiko-pisyolohikal).\u00a0 Ginagampanan ng <em>painu-ino\/huna-huna\u2014batyag<\/em> ang gawaing may kinalaman sa idinidikta ng <em>kasing-kasing <\/em>at <em>utak <\/em>upang pag-ugnayin ang bunga ng naisaprosesong <em>huna-huna<\/em> at <em>batyag<\/em> at ang <em>painu-ino\/huna-huna-lawas<\/em> naman ang katungkulan ng <em>utak<\/em> at <em>lawas<\/em>.\u00a0 Samantala,<em> kasing-kasing <\/em>at gawaing <em>lawas <\/em>naman sa kabilang dako ang nais na pag-ugnayin ng <em>batyag-lawas<\/em> (Villan 2009).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Pigura 3<\/strong><br \/>\n<em>Pagsasalarawan sa Tatluhang Larangan ng Buut ng Panay<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Buut-ng-Panay.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-265\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Buut-ng-Panay.jpg\" alt=\"Pagsasalarawan sa Tatluhang Larangan ng Buut ng Panay\" width=\"520\" height=\"360\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Buut-ng-Panay.jpg 695w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Buut-ng-Panay-300x207.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Buut-ng-Panay-100x69.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Buut-ng-Panay-150x103.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Buut-ng-Panay-200x138.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Buut-ng-Panay-450x311.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Buut-ng-Panay-600x415.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 520px) 100vw, 520px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 330px;\"><em>Rebisyon ng Villan (2009)<\/em><\/p>\n<p>Dahil dito, mahihinuhang sa anumang aksyong panlipunan, hindi sumasapat ang gawaing pagbulalas ng kinuyom na galit upang maipahayag ang nakakubling <em>kabubut-on<\/em> sa pamamagitan ng <em>pag-aamok<\/em> kundi kinapapalooban ito ng mapanimbang at mapagmatyag na kaisipan, matikas at malakas na pangangatawan, at <em>maisug nga<\/em> <em>dungan<\/em> (<em>malakas na kalooban<\/em>).\u00a0 Ang ganitong kaisipan kaugnay sa gawain ng <em>pag-aamok<\/em> bilang isa sa mga halimbawa ng aksyong panlipunan at nakaugat sa kalinangang tradisyon sa halimbawa nito sa pulo ng Panay (Soncuya 1917; Villan 2009) ay pinaniniwalaan at pinagtitibay nina Jonathan Turner at Jan Stets (2005) bilang nakaugat diumano sa lipunang emosyon at ipinagpapalagay naman ni Randal Collins (1990) sa kabilang dako bilang enerhiyang emosyunal (<em>bagsik ng loob<\/em>).\u00a0 Ang enerhiyang emosyunal na tinutukoy rito ay kinikilala ng mga pantas sa disiplina ng Sosyolohiya bilang pinakasaligan ng maigting na lakas at samakatwid, nagagamit ng lipunan para sa anumang pangkabuuang simulain o hinahangad na pagbabago (Turner at Stets 2005).<\/p>\n<p>Sa naisagawa nang mga pag-aaral hinggil sa sikolohiya ng <em>amok<\/em> na pinasimulan halimbawa ni Jose Soncuya (1917) sa Panay at bilang isa sa mga inapong pangkating etniko ng mga Austronesyano at kauri sa kultura ng mga Indo-Malayo Polynesiano, makikita ang gayong pagkakatulad at pagkakakilanlan sa kanilang taglay na kahusayan sa paglalayag, pagsasakang nakasalig sa resikultura, at tradisyon ng <em>pagbabatuk<\/em> (pagtatatu) (Bellwood <em>et al.<\/em> 1995).\u00a0 Maaaring masilip at mabigyang-linaw mula rito ang kalinangan at kamalayan ukol sa <em>amok<\/em>.\u00a0 Sa ilalim ng parametrong pangkalusugan, sapul pa nang tumapak sa kapuluang Timog Silangang Asya at <em>Oceania<\/em> ang mga Kanluranin, tinitingnan na ang kamalayan ukol sa <em>pag-aamok<\/em>ng mga nasa kapuluan at pati na rin maging yaong katulad na kapahayagang emosyunal bilang sakit o kondisyong sikayatriko na isinasagawa madalas diumano sa pamamagitan ng walang habas at walang patumanggang pagpaslang at pagwasak ng mga ari-arian (Saint Martin 1999).<\/p>\n<p>Kinikilala ang praktika ng <em>amok<\/em> ng mga pantas sa sikayatriko mula sa Kanluran at yaong kabilang sa propesyon ng medisina bilang isang uri ng sakit na mental ng mga taal na naninirahan sa nabanggit na rehiyon ng daigdig (Kudva 2011).\u00a0 Gayunman, ipinagpapalagay sa kabilang dako ni John Cooper (Kudva 2011) alinsunod sa ginawang pag-uusisa sa isyung pangkalusugang ito ng <em>amok<\/em> bilang isang uri o akto ng di-tuwirang pagpapatiwakal o marangal na pagpapakamatay\u2014na bunsod anila ang gayong itinuturing na <em>culture-bound syndrome<\/em> ng nakapangyayaring salik ng katangiang pangkalinangan-panlipunan o buhay ng mga taong nakalantad at\/o nagtataguyod ng gayong diwa o tradisyong sikolohikal (Saint Martin 1999; Kudva 2011).<\/p>\n<p>Sa lipunang Panayanhon, ganap nang isinasagawa ang lubusang paghahanda sa sarili mula pa sa pagkabata ng isang tao at nagpapatuloy ito hanggang sa kanyang paglisan patungo sa kabilang buhay.\u00a0 Ang mga babaylan bilang lingkod-bayan (Salazar 1999) at ipinagpapalagay na mga unang sikolohista (Enriquez 1976) at guro ng kaalamang panlipunan sa Kabisayaan (Villan 2009) ay gumaganap ng katungkulan sa panghimanwa na kanilang isinasagawa sa pamamagitan ng pangangalaga sa <em>lawas<\/em>, <em>huna-huna<\/em>, at <em>batyag<\/em> (Villan 2013).\u00a0 Sa bahaging <em>lawas<\/em>, hindi lamang sila nagsisilbing hilot at manggagamot sa iba\u2019t ibang karamdamang nararanasan ng katawan kundi gumaganap din ng ritwal ng <em>pagbabatak-dungan<\/em> upang gawing malusog at matatag ang katawan ng sinumang kasapi ng pinaglilingkurang lipunan (Magos 1992).\u00a0 Ganito ring gampanin ang kanilang iginagawad sa sinumang nangangailangan ng kanilang panlipunang paglilingkod upang gawing marurunong at pantas ang lahat ng mga mamamayan sa kanilang sariling kinagisnang tradisyon at kalinangan.\u00a0 Hindi lamang sila nagsisilbi bilang mga makabayang guro na nakaugat sa kalinangan at kamalayang sikolohista kundi naging mabisa rin silang tagapaggunita ng mga estratehikong karanasan at pangkasaysayang alaala o memorya ng mga kaganapang nagagamit ng lipunan para sa patuloy na pagkakaugnay-ugnay at pagpapanatili ng kaayusang kosmiko-sosyolohikal na lipunan (Aguilar 1995).\u00a0 Isinasagawa nila ang gayong katungkulan para maisakatuparan yaong tinatawag na <em>kabubut-on sang banwa<\/em> (<em>kaloobang bayan<\/em>) ukol sa pagpapanatili at pagpapalawig ng<em> kabuhi<\/em> (buhay) at para makapagtamasa ng inaasam na <em>kinaayo<\/em> (ginhawa\/<em>pag-uswag<\/em>) at nilulunggating <em>dungog<\/em> (dangal) (Villan 2009, 2013).<\/p>\n<p>Sa kabilang dako, binigyang-diin sa pag-aaral ni Alicia Magos (1992) ang gampanin ng <em>dungan<\/em> bilang tagapagpanatili ng kalusugan ng tao kapwa sa pisikal at pangkaloobang bahagi.\u00a0 Bilang susing konsepto sa pag-unawa ng <em>buut<\/em>, ang ritwal ng <em>pagbabatak-dungan<\/em> sa pagkasilang ng bata ay pinangangasiwaan ng babaylan at isa nang naestablisang tradisyon at kalinangan sa Panay (Magos 1992; Aguilar 1995; Villan 2013).\u00a0 Hindi rito natatapos ang paghahanda sa binanggit sa itaas na <em>mabut-anong hangaway<\/em> (mandirigmang makatarungan at nakasalig sa sikolohiya ng <em>loob<\/em>) kundi makikita rin ang gawaing ito sa pagpapatatag ng kanilang taglay na <em>huna-huna<\/em>, <em>mapagsik\/mapagros nga panglawason<\/em>(matikas na pangangatawan), at <em>mapag-on nga kabubut-on\/maisug<\/em> (<em>matibay na<\/em><em> kalooban<\/em>).\u00a0 Sa sinaunang Panay, na dati-rati\u2019y tinatawag na <em>Madia-as<\/em> (<em>cf<\/em>. Madaya-as\/Maraya-as), naging sentro ang \u201c<em>Sining ng Kali,<\/em>\u201d isang pamamaraan o teknik sa pakikidigma gamit ang katutubong sandatang <em>kris<\/em>\/<em>keris<\/em>\/<em>kalis<\/em> (Wiley 1996; Villan 2009):<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">&#8230;mula pagkabata, ang mga mamamayan ng&#8230; Panay ay sinasabing natuturuan na ng sining sa paggamit ng iba\u2019t ibang uri ng sandata; ilan sa mga ito ang sumpit, busog at pana, sibat, balaraw, kris, barong, at kampilan.\u00a0 Ang mga hangaway ay sinasanay rin sa paggamit ng kalasag, paggawa at paggamit ng iba\u2019t ibang sandatang pandigma (pakil)&#8230; (Wiley 1996) (akin ang malayang salin).<\/p>\n<p>Mataas ang pagpapahalaga sa tradisyong ito ng paglikha ng <em>mabut-anong<\/em> <em>hangaway<\/em> ng mga mamamayan nito.\u00a0 Sa katunayan, bahagi lamang ang nakita ni Wiley ng mas malawak na kalinangang ito na pinapanday sa tinatawag ni Soncuya (1917) na mga <em>buthoan <\/em>(<em>casa escuela<\/em>).\u00a0 Maikling bersyon ang <em>buthoan<\/em> ng katagang <em>buluthoan<\/em> (hango sa <em>butho<\/em> na nagmula naman sa salitang <em>bulutho<\/em> na ipinagpapalagay ring nagmula sa protopormang anyo nitong <em>buut<\/em> (<em>cf<\/em>. pagsasanib ng dalawang letrang \u201cu\u201d).\u00a0 Madalas na makikita sa halos lahat ng wikain sa Pilipinas ang<em> interbokalikong<\/em> \u201cul\u201d na taglay ng salitang <em>buluthuan<\/em>.\u00a0 Ilan sa halimbawa nito ang katagang <em>bulut-anan<\/em> (<em>cf<\/em>. <em>but-anan<\/em>), <em>bulunyagan<\/em> (<em>cf<\/em>. <em>bunyagan<\/em>), <em>bulutlakan<\/em> (<em>cf<\/em>. <em>butlakan<\/em>), at marami pang kaugnay na tipolohiyang pangwika sa kapuluan.\u00a0 Nangangahulugang tila maging itong konsepto mismo ng <em>buthuan<\/em> (<em>cf<\/em>. <em>buut<\/em>: <em>merging of<\/em> \u201cu,\u201d pinaghanguan ng <em>buthoan<\/em>) sa ngayon na tumutukoy sa paaralan (<em>casa escuela<\/em>), ay nakaugat sa ideya ng <em>buut<\/em> bilang matingkad na larangan ng pagkataong Pilipino na nililinang at hinuhubog ng mga babaylan sa sinaunang panahon ng Pilipinas sa Kabisayaan.<\/p>\n<p>Tangi rito, ipinapaliwanag pang may pormal na edukasyong pinamamahalaan ng mga babaylan, binanggit sa unahan bilang mga sinaunang sikolohista (Enriquez 1976), tagapayo at guro ng larangang pangkalinangan\/pangkaalamang nagbibigay-diin sa tinatawag ng nabanggit na Aklanong iskolar na <em>isganan<\/em> (<em>valientes<\/em>), <em>kusganan<\/em> (<em>atletas<\/em>), <em>maalam <\/em>(<em>instruidos<\/em>, <em>sabios<\/em>), <em>bulahan <\/em>(<em>dichosos<\/em>), at <em>lubus <\/em>(<em>aritmetica <\/em>at <em>amuleto<\/em>) ng mga kabataan ng Panay.\u00a0 At dahilan nga sa matingkad na pagbibigay-pansin at pagpapahalaga sa katawang pinaglalagakan ng<em> kabubut-on<\/em>, masasabing ang pagkatao ng mga Panayanhon ay ganap at tiyak na may kahandaan sa pakikipaglaban (Villan 2009, 2013).<\/p>\n<p>Sa marami nang ginawang pag-aaral at pagsusuri ukol <em>lawas<\/em>, malimit na binibigyang-kahulugan ang bahaging pisikal na ito ng tao sa kanyang kabuuan bilang tagatanggap ng kahulugang panlipunan (Shilling 2003, 2005; Fraser at Greco 2005), manlilikha ng mga simbolikong aksyon (Geertz 1973; Turner 2005), at mabisang kasangkapan sa pagpapasundayag ng <em>kaloobang bayan<\/em> (<em>e.g.<\/em>, <em>kabuhi<\/em>, <em>kinaayo<\/em>, at <em>dungog<\/em>) (Villan 2009, 2013).\u00a0 Sa ginawang pag-aaral ni Victor Turner (2005), napuna niya ang matingkad na paggamit at pagsasakabuluhan sa <em>lawas<\/em> sa konteksto ng pag-aaral na pangkalinangan.\u00a0 Sa kanyang ginawang pagpapatibay ukol sa gamit ng katawan sa lipunan, sinabi niyang:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Sa pagbibigay-diin sa libangan, ang kakayahan ng bawat isang makapagpahayag at umangkin, lumilitaw na isang larangan ang katawan na nauukol sa kalayawan at pangkalinangang pagnanasa na kumikilala rito bilang isang proyekto (Turner 2005) (akin ang malayang salin).<\/p>\n<p>Isang panlipunang proyekto ang pag-aaral, pagsisiyasat, at pagpapasundayag ng <em>lawas<\/em> sapagkat nagtataglay ito ayon kay Erving Goffman ng kaakibat at magkakaugnay na mga panlipunang praktika upang maunawaan ang kalikasan ng sarili sa kanyang panlipunang konteksto (Turner 2005; Villan 2013).\u00a0 Itong panlipunang kontekstong pinalutang ng nabanggit na iskolar ang tinukoy naman sa kabilang dako ni Pierre Bourdieu na panlipunang kaligiran (<em>social habitus<\/em>) at sinasapantahang kinaroroonang paligid ng <em>lawas<\/em> ng isang nilalang.\u00a0 Para kay Bourdieu, nagtataglay ang <em>lawas <\/em>ng ganap na pangkalinangang kapangyarihan kung saan maaaring maipahayag ito sa pamamagitan ng panlipunang gawain at nakatudla ng may katiyakan kung uunawain papalabas ng katawan (Turner 2005).<\/p>\n<p>Kaugnay nito, maituturing din ang <em>lawas<\/em> ng tao bilang isang buhay, dinamiko, at pinakamabisang kanyamaso (<em>canvass<\/em>) dahilan sa kakayanan at kapabilidad nitong umakit ng interes sa tagatangkilik (<em>audience<\/em> o <em>viewer<\/em>) kung gagamitin ito sa sining-biswal para sa isang partikular na ideolohiyang itinataguyod at ipinapalaganap sa loob ng lipunan (Villan 2009).\u00a0 Nakagisnan na kasi ng tao at ng lipunan sa kabuuan na sapul pa sa simula na ang balat ng tao o ang buong katawan nito sa pangkalahatan ang unang naging daluyang pangkomunikasyon (Maggay 1999, 2002; Villan 2009).\u00a0 Dahil tila huli na sa buhay ng isang tao ang matuto ng pananagisag (<em>sign<\/em>) at pasalitang komunikasyon (<em>verbal communication<\/em>), naipapadaloy sa pamamagitan ng sensitibong balat ng katawan, maging yaong kislot, kumpas, at galaw ng katawan (Maggay 2002), ang mensaheng unang ipinadarama at ipinadadaloy ng magulang sa kanyang anak sapul pa sa panahon ng kanyang kasanggulan (Villan 2009).\u00a0 Sa kagampan ng pagkatao ng isang nilalang, nanatiling ang <em>lawas <\/em>na mabisang tagapagpahiwatig ng mga di-tiyak ngunit makabuluhang pananagisag na komunikasyon na kapwa makabuluhan sa mga sekular at sagradong simulain (Francisco 1996; Turner 2005; Lanaria 2009; Villan 2013), at kung magkakagayo\u2019y mabisang naipadadaloy sa pamamagitan nito ang nakasalig sa kalinangang mensaheng nais na iparating sa <em>kapwa<\/em> (Maggay 1999, 2002).<\/p>\n<p>Bunsod nito, unang nabuo ang ugnayang pantao o sosyalisasyon sa pamamagitan ng <em>lawas<\/em> ng mga tao (Maggay 1999, 2002; Villan 2009, 2013).\u00a0 At dahil sa nakatuon malimit ang ugnayang pantao sa loob ng lipunan sa <em>pakikipagkapwa <\/em>at naipapahayag, naipapadaloy, at naipapadama ito nang higit sa pamamagitan ng paglalapit, pagtatagpo, at pag-iisa ng mga <em>lawas <\/em>(paghimas, pagtapik, pagyakap, at pakikipagtalik sa ibang kaso); ang nakatagong<em> loob<\/em> kung gayon na maipagpapalagay bilang luklukan ng <em>pakiramdam<\/em>, <em>hiya<\/em>, at <em>utang na loob<\/em> (Enriquez 1976) kasama na maging yaong <em>kalooban<\/em>\/<em>saloobin<\/em> ng tao, ay kongkretong naipapadaloy at naipapadama sa <em>kapwa-tao<\/em>.<\/p>\n<p>Dahil dito, hindi lamang naging tagatanggap at tagalikha samakatwid ng kahulugang panlipunan ang <em>lawas <\/em>ng tao sa proseso ng ugnayang panlipunan kundi mabisang kasangkapan din ito higit sa lahat ng mga umiiral na ideolohiya (Rosenberg 1988; Coupland at Gwyn 2005; Turner 2005; Shilling 2005; Fraser at Greco 2005), kamalayang panlipunan, at <em>kaloobang bayan<\/em> (<em>e.g.<\/em>, buhay, ginhawa, at dangal) (Villan 2009, 2013).\u00a0 Klaro ang ganitong sapantaha sa malaganap na tradisyon ng <em>pagbabatuk<\/em> sa Panay sa partikular at Kabisayaan sa kabuuan (Villan 2010b).\u00a0 Sa mga Maori at Tahitiano sa <em>Oceania,<\/em> na inapo rin ng mga Austronesyano na tulad ng mga Panayanhon (Bellwood <em>et al.<\/em> 1995), kapwa matatagpuan sa kanilang lipunan ang kalinangan ukol sa sining ng <em>pagbabatuk<\/em> na tinatawag ng mga iskolar na <em>ta moko<\/em> (<em>facial marking<\/em> o <em>tattooing<\/em>) (Dictionary 3.0 2010-2011; Hudson 2013).\u00a0 Bilang mga lingkod-bayan sa kanilang mga kinaroroonang pulong tahanan at lipunan (Salazar 1994, 1997), katungkulan nila bilang mga <em>nabatukang hangaway<\/em> (natatuang bayani o tinatawag na <em>Pintados <\/em>sa kolonyalismong Espa\u00f1ol sa Pilipinas) o sa kaso ng mga Maori at Tahitiano, ng mga mandirigmang <em>ta moko <\/em>(<em>cf<\/em>. <em>amoucos<\/em>, ibig sabihin, tagapaglunsad ng <em>amoq<\/em>\/<em>amok<\/em>\/<em>amuck<\/em>), na panatilihin ang buhay, ginhawa, at dangal ng kanilang bayan sa pamamagitan ng gawaing pangangayaw at pangungubat (pakikidigma) (Villan 2009).<\/p>\n<p>Sa ginawang masinop na pag-aaral ni John Spores (1988) hinggil sa malawak na praktika ng paglulunsad ng gawaing <em>pag-aamok<\/em> sa mundong Malayo-Polynesiano at iba pang bahagi ng kapuluang Asya, kanyang napansin ang binanggit sa itaas na mga pangkating <em>mag-aamok<\/em> na tinatawag noong ika-17 hanggang ika-18 siglo bilang <em>amoucos<\/em>.\u00a0 May pagpapatuloy pa ng diwa at pagsasagawa nito hindi lamang sa binanggit na mga dako ng daigdig kundi maging hanggang sa Estados Unidos ng Amerika na nakilala roon bilang <em>amok<\/em>\/<em>amoq<\/em> (Guillermo 1999).\u00a0 Itong pangkating natatuang <em>ta moko<\/em> ng Polynesia, <em>amoucos<\/em> ng Malaysia, at <em>batukan <\/em>ng Pilipinas kung tutuusin, bukod sa pagiging magkatulad nila sa kalinangan ng pagtatatu, magkakawangki rin sa katungkulan bilang mga lingkod-bayan kung saan nakalaan na ang kanilang buhay para sa pagtatanggol ng kaayusan ng kanilang bayan at kinapapaloobang lipunan (Salazar 1994, 1997).<\/p>\n<p>Naglalaman ng panlipunang konteksto at ideolohiyang ipinaiiral ang pagtatakda sa <em>lawas<\/em> bilang buhay, dinamiko, at mabisang anyong sining (Lanaria 2009; Villan 2013).\u00a0 Ang <em>pagbabatuk<\/em> ng obhetong araw, buwan, at bituin bilang mahahalagang elementong pangkalikasang iniuukit sa iba\u2019t ibang parte ng balat ng katawan ay mahalaga hindi lamang sa kanyang pagtatanim, paglalayag, pangangayaw, pag-aasawa, pagtatayo ng bahay, pagsasanay sa kalis, pagsasalaysay, pagpupulong, pakikipagkasundo, at iba pang makabuluhang gawain para sa bayan, kundi makabuluhan din sapagkat isang akto ito ng pakikipagniig ng tao sa pinaniniwalaan niyang pinagbubuhatan ng gahum at enerhiyang nagsusustina ng buhay at kaayusan sa buong sansinukob.<\/p>\n<p>Samantala, ang <em>huna-huna<\/em> bilang isa sa tatlong bumubuo sa kabuuan ng tao ang kumakatawan sa larangang mental ng isang nilalang.\u00a0 Nakapaloob sa larangang ito ng pagkatao ng tao hindi lamang ang kakayanang tumanggap, magproseso, at magbigay-kahulugan sa istimulus na nagbubuhat sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapadaloy nito sa <em>lawas<\/em> kundi ang bisa rin nito sa pag-alaala, paggunita, at pagkakaroon ng kamalayan sa bagay-bagay sa kapaligirang ginagalawan ng tao.\u00a0 Kinaluluklukan ang <em>huna-huna<\/em> ng tao sa pangkalahatan ng malay, ulirat, at diwa bilang mahahalagang sangkap sa pag-impok ng kaalaman at karunungan para sa tunguhing pagpapaunlad ng lipunang kanyang kinabibilangan (Enriquez 1976).<\/p>\n<p>Sa kabilang dako, tulad ng binanggit sa unahan, bahagi rin ang <em>batyag<\/em> ng kabuuan ng pagkatao ng tao at itinuturing na larangang emosyunal ng isang nilalang.\u00a0 Mahalagang unawain na ang <em>batyag <\/em>ang tahanan o kinaluluklukan ng sikolohikal na konsepto ng <em>huya<\/em> (hiya) at itinuturing ng pag-aaral na ito bilang sukatan ng pagiging tao at kagampan ng pagkatao ng tao (Enriquez 1989).\u00a0 Dahil sa konsepto ng <em>huya<\/em>, ganap na naipaghihiwalay ng tao ang kanyang sarili mula sa makahayop na pagnanasa at mekanikal na gampanin sa loob ng lipunan dahil sa kalayaan at kakayanan nitong kumilos at gumanap sa kanyang panlipunang katungkulang paglilingkod-bayan (Lee 2001).\u00a0 Katungkulan halimbawa ng tao na mahigpit na mag-obserba sa kinagawiang pagtanaw ng <em>utang nga kabalaslan<\/em> (<em>utang na loob<\/em>) bilang hugpungang emosyunal ng <em>magkakapwa-tao<\/em> sa loob ng ginagalawang lipunan (Villan 2009).<\/p>\n<p>Dahil sa kinapapalooban ang <em>buut<\/em> kung gayon sa kabuuan ng tatlong larangan\u2014<em>lawas <\/em>(katawan), <em>huna-huna<\/em> (kaisipan), at <em>batyag <\/em>(pakiramdam)\u2014mga saligan ito sa pagpapahayag ng panlipunang simulain ng <em>pakikipagkapwa <\/em>at batayan samakatwid tungo sa pagsasakatuparan ng umiiral na <em>kamalayang bayan<\/em> ukol sa paglilingkod panlipunan na ipinapahayag sa pamamagitan ng katungkulang <em>pagpapa-ilub<\/em> (pagpapakumbaba\/pagpaparaya), <em>pag-unong<\/em> (pagiging maaasahan at matapat dahil sa hindi pag-iwan at palagiang paglilingkod ng may katapatan hanggang sa kamatayan), at <em>pag-aamok<\/em> (pagiging makatarungan sa kahandaang maghandog ng buhay sa itinuturing na <em>hindi ibang tao<\/em>). \u00a0Nakaugat samakatwid ang sikolohiyang panlipunang ito ng paglilingkod-bayan pangunahin na ang binanggit sa kasaysayang ipinakitang halimbawa na mga pagkilos ng mga <em>ta moko<\/em> ng <em>Oceania<\/em>, <em>amoucos <\/em>ng Malaysia, at <em>batukan<\/em> ng Pilipinas (<em>Pintados<\/em> ng Panay).\u00a0 Malinaw kung gayon na hindi ito basta na lamang maaaring tingnan na kapansanang pangkalusugan sa larangang pangkaisipan ng mga taong naninirahan sa binanggit na rehiyon ng Asya kundi isa itong katangian ng mga bayani na tinawag ni Salazar (1994, 1997) na kawani o lingkod-bayan kung saan ang kanilang kaukulan ay ang pagpapanatili ng kaayusan ng santinakpan at lipunang kanilang kinabibilangan.\u00a0 Bilang mga lingkod-bayan, nakalaan ang kanilang mga sarili bilang haing buhay, sakripisyo, at walang anumang kapalit, kahima\u2019t sila man ay malagutan ng buhay o hininga alang-alang sa pagtupad ng kanilang <em>katungod<\/em> sa bayan at kinapapaloobang lipunan (Salazar 1998).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong><em>BUUT<\/em>, <em>PAKIG-ABIAN<\/em>, AT <em>PAKIG-ANGHOD<\/em>:<\/strong><br \/>\n<strong>PAGSASAKATUTURAN NG SIKOLOHIYA SA PAG-UNAWA NG KASAYSAYAN<\/strong><\/p>\n<p>Sa tinalakay na mga punto sa itaas, naging malinaw na luklukan ang <em>buut<\/em> ng panlipunang halagahin ng paglilingkod-bayan na kongkretong nakita halimbawa sa kasaysayan ng paglilitawan ng mga mandirigmang <em>ta moko<\/em>, <em>amoucos<\/em>, at <em>batukan <\/em>(tingnan ang Larawan 1).\u00a0 Bilang lingkod-bayan para sa estratehikong pagsasakatuparan ng panlipunang ideolohiya kaugnay sa pagtataguyod ng <em>kaloobang bayan<\/em>, ang kanilang mga simbolikong pagkilos, na makikita hindi lamang sa kanilang mga inilulunsad na pangangayaw at pangungubat, ay tumutugon din pangunahin para sa pangangailangang itaguyod ang buhay, magkaroon ng kaginhawaan, at makamit ang karangalan.\u00a0 Ang pagkakaroon ng mga <em>batuk<\/em> ng mga tinaguriang lingkod-bayang <em>ta moko<\/em>, <em>amoucos<\/em>, at <em>batukan<\/em>, bilang inapo ng mga Austronesyano sa kalinangan at kamalayan, ay kahayagan ng matingkad na pagpapahalaga sa kanilang katungkulan sa loob ng sariling bayan at kinabibilangang lipunan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan 1<\/strong><br \/>\n<em>Dalawang Bisayang Batukan (Pintados)<\/em><\/p>\n<p><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Dalawang-Bisayang-Batukan-Pintados.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-266\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Dalawang-Bisayang-Batukan-Pintados.jpg\" alt=\"Dalawang Bisayang Batukan (Pintados)\" width=\"461\" height=\"582\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Dalawang-Bisayang-Batukan-Pintados.jpg 461w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Dalawang-Bisayang-Batukan-Pintados-237x300.jpg 237w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Dalawang-Bisayang-Batukan-Pintados-100x126.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Dalawang-Bisayang-Batukan-Pintados-150x189.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Dalawang-Bisayang-Batukan-Pintados-200x252.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Dalawang-Bisayang-Batukan-Pintados-300x378.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Dalawang-Bisayang-Batukan-Pintados-450x568.jpg 450w\" sizes=\"(max-width: 461px) 100vw, 461px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 330px;\"><em>Boxer Codex (1590)<\/em><\/p>\n<p>Dahil sa nakatuon pamalagian para sa kapakanan ng kinapapaloobang bayan at kinabibilangang lipunan ang gampanin ng mga pinunong bayan, hindi lamang ginagamit na estratehikong mekanismong panlipunan ang <em>buut<\/em> sa pagpapahayag ng katungkulang panlipunan, kundi sa pakikipag-ugnayan din sa <em>ibang tao<\/em> para sa partikular na motibo o simulaing sosyolohiko-pulitikal.\u00a0 Kaugnay nito, mahalaga ang pagtanaw sa panlipunang sikolohiya ng <em>buut<\/em> upang maunawaan ang kasaysayang kolonyal ng mga Pilipino sa Kabisayaan.\u00a0 Kung uunawain ang sosyolohikal na kapahayagan ng niloloob ng tao, masasabing nakasalig ito sa <em>buut<\/em> na makikita halimbawa sa nakagawiang <em>pakigbagay<\/em> (pakikibagay), <em>pakigbuylog<\/em> (pakikiisa), <em>pakigtapu<\/em> (pakikilahok), at <em>pakig-ayo<\/em> (pakikitungo) sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Gayundin, mahalaga ang <em>buut<\/em> maging sa naobserbahang panlipunang tradisyon ng <em>pakig-upod<\/em> (pakikisama), <em>pakig-angot<\/em> (pakikiugnay), <em>pakig-ugyon<\/em> (pakikisangkot), at <em>pag-abi-abi<\/em> (pakipagpalagayang-loob) na pawang makabuluhan hindi lamang sa pag-unawa ng panlipunang sikolohiya kundi maging sa pagsasakasaysayan sa karanasan ng mga mamamayang Pilipino sa isla ng Panay (Villan 2012, 2013).\u00a0 Sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa <em>buut<\/em>, magiging malinaw ang pagkakapook ng mga kaganapang pangkasaysayan sa Kabisayaan at ang mga naging sanhi ng ginawang pagkilos ng mga mamamayan nito laban sa mga mananakop.\u00a0 Mangyari pa, kung tutuusin, ang kolektibong kamalayan ukol sa sikolohiya ng <em>kapwa<\/em> at <em>pakikipagkapwa<\/em> (Enriquez 1978) na nakaugat sa <em>buut<\/em>, ang naging saligan sa pagkakaroon ng antropolohikong ritwal na <em>pakikipag-anghod<\/em> (<em>sanduguan<\/em>) kung saan pagdaka\u2019y naging tungtungan sa pagkakaroon ng alyansang pulitikal sa pagitan ng mga Bisaya at Espa\u00f1ol (Villan 2009, 2013).<\/p>\n<p>Bunsod nito, ang pangyayaring nabanggit ang naging dahilan sa pagiging magkakapatid ng magkabilang-panig at naging sandigan paglaon sa pagkakabuo ng estadong kolonyal ng mga Espa\u00f1ol sa Pilipinas mula 1565 hanggang 1898.\u00a0 Nagpatuloy ang gayong diwa ng pagbibigay-halaga sa ritwal ng s<em>anduguan<\/em> at panlipunang tunguhin ng kapatiran sa pagkakalikha ng Republika ng Katagalugan ng mga Anak ng Bayan noong Agosto 24, 1896 sa ilalim ng pamamahala ni Gat Andres Bonifacio (Guerrero <em>et al<\/em>. 1996; Encarnacion 1997; Villan 2013).<\/p>\n<p>Kung sisiyasatin, hatid ang gayong nabanggit na alyansang pulitikal ng mga kaganapang pangkalikasan at pangkasaysayan sa Kabisayaan noong ika-16 na siglo (Villan 2009).\u00a0 Dahil sa di-inaasahang pagdaluhong ng mga pangkating mangangayaw na Moro sa di-matukoy na taon bago ang pananakop ng mga Espa\u00f1ol, nakapaslang ang mga nasabing mangangayaw ng may 500 katao at nakabihag pa ng umaabot sa tinatayang bilang na 800 katao.\u00a0 Bilang tugon, sinikap nina Rajah Pagbuaya at Manooc ng Dapitan na makipagkasundo kina Miguel Lopez de Legazpi, Martin de Goiti, at Juan de Salcedo upang gamitin ang ugnayang mabubuo para sa hinahangad na paghihiganti laban sa kanilang kaaway (Villan 2010a).\u00a0 Napagtibay ang nabanggit na kapatiran at alyansang pulitikal noong Marso 19, 1565 (Tirol 1975).\u00a0 Sa pamamagitan nina Legazpi at Rajah Sikatuna, naganap ang gayong pormal na pagkakabuklod kung saan nag-aasahan silang magtutulungan, magdadamayan, at makakalinga sa isa\u2019t isa.<\/p>\n<p>Sa magkatulad ding pangyayari napaghugpong ang pangkatin ng mga Bisaya at Espa\u00f1ol sa pulo ng Panay.\u00a0 Dahil sa nakaranas ang nasabing isla ng pambubulabog mula sa hanay ng mga <em>grandes piraticas<\/em> ng Ma-it (Mindoro, Maynila, at kanugnog na mga pook) (Soncuya 1917), sa pangunguna nina Rajah Madidong at Maricabug ng hilagang Panay, kanilang isinagawa ang pakikipagsandugo kina Goiti at Salcedo upang maisakatuparan ang kanilang nilalayong pulitikal na walang iba kundi ang paghihiganti sa mga Moro ng naturang pook.\u00a0 Tulad nang inaasahan, nasaksihan ang pakikipagkapatid ng mga Panayanhon sa mga ito kung saan ipinaloob sila ng mga taga-Panay sa kanilang sistemang pampangasiwaan na pormal na nagsimula noong buwan ng Enero 1570 (Villan 2009).<\/p>\n<p>Sa pagkakasundo ng mga <em>loob<\/em> ng magkabilang-panig, naging inisyatiba sa panig ng mga Panayanhon ang gayong estratehikong kapasyahang kahalintulad sa simbolikong aksyong ginawa ng mga Bol-anon dahilan sa madalas ding nakakaranas ng pambubulabog mula sa mga <em>grandes piraticas<\/em> ng rehiyon ng Ma-it ang mga mamamayan sa hilagang Panay (Soncuya 1917; Villan 2009, 2013).\u00a0 Mula sa panahon ni Soncuya (1917), ang ideya ng kahalagahan ng Ma-it bilang pook pangayawan ng mga taga-Panay ay mababanaagan mismo sa banggit niyang \u201cInamulitan sa Ma-it!\u201d<sup>1<\/sup>, hanggang sa panahon ng aking kabataan noong dekada 1970 at 1980 halimbawa ay madalas ko pa ring naririnig ang mga gayong katagang-saway mula sa aking lolang si Catalina Malte-Caluba na \u201c&#8230;diin timo nangayaw nga Ma-it apo&#8230;\u201d<sup>2<\/sup> bilang tanda ng kanyang labis na pag-aalala bunsod ng hindi ko pag-uwi sa takdang oras sa aming tahanan.\u00a0 Itinaon ang pangangayaw, bilang ganti ng mga Moro sa nasabing pamayanang maritimo ng Dagat Sibuyan (hilagang Panay) sa panahong nakaranas sila ng matinding gutom na hatid ng pag-atake ng balang sa kanilang palayan.\u00a0 Bunsod na rin ng pangangailangan ng mga Espa\u00f1ol ng maituturing nilang kapanalig sa kanilang simulain para sa <em>conquistas<\/em>, nagsalubong ang gayong mga interes sa isa\u2019t isa upang buksan ang kanilang mga sarili para sa kanilang <em>isigkatawo<\/em> (<em>kapwa-tao<\/em>) sa bisa ng ritwal ng <em>pakikipag-anghod<\/em> (Villan 2009, 2013).<\/p>\n<p>Samantala, ang panlipunang sikolohiya ng <em>pakikipag-abian<\/em> (katumbas ng <em>pakikipagkaibigan<\/em> sa Tagalog, <em>bay<\/em> sa Sugbuhanon, at <em>abe<\/em> sa Kapampangan) ng mga Panayanhon na tumutukoy sa paghahanap ng katuwang, kaagapay, kabisig, kapanalig, katulong, kasama, at iba pa ay hinihinuha ng pag-aaral na ito bilang mekanismong panlipunan para sa simulaing paghuhugpong para sa pagsasakatuparan ng partikular na simulain (Villan 2012).\u00a0 Mauugat sa sinaunang panahon ang tradisyon ng <em>pakikipag-abian<\/em> sa Panay sapagkat sapul pa sa simula, mababanaagan na ang gayong diwa halimbawa sa pagkakaroon ng mitolohiya ng pagkakalikha ng sabay nina Sicalac at Sicavay (Eugenio 1994; Villan 2009).\u00a0 Si Sicavay ang maituturing na naging unang <em>alabay<\/em> (<em>bay<\/em>, <em>abe<\/em> o <em>abian<\/em>) ni Sicalac sapagkat magkatuwang nilang binuo ang unang pamilya at magkapit-bisig nilang itinaguyod ang kanilang tatlong anak na sina Sibo, Samar, at Pandaguan na naging simula paglaon sa paglawak ng lipunan sa paglipas ng panahon.<\/p>\n<p>Nagdala ang <em>pakikipag-anghod<\/em> sa Panay noong unang Linggo ng buwan ng Enero 1570 (Noone 1982; Alcazar 1893; Regalado at Franco 1973; Villan 2009) sa kapatirang naging daan sa pagkahugpong na pangmilitar na nag-iwan sa atin paglaon ng mayamang tala hinggil sa pagbagsak ng pulo ng Ilin, Mamburao, at Lubang sa kanlurang Mindoro at iba pa, pati na rin ang makasaysayang paglulunsad ng ekspedisyon tungong Maynila pagsapit ng Mayo 8, 1570 (Alcazar 1893; Montalban 1930; Arteche 1947; Fernandez 1950; Villan 2009).\u00a0 Nagbukas ang magkasanib na pangangayaw-entradang iyon paglaon sa pagkakatatag ng pamahalaang kolonyal sa Luzon pagsapit ng Mayo 24, 1570 (Arteche 1947).<\/p>\n<p>Nang opisyal na maitatag nina Legazpi ang nabanggit na pook sa Luzon bilang sentro ng kapangyarihang kolonyal noong Hunyo 24, 1571, inalalayan din sila ng mga taga-Panay, hindi lamang sa panggagalugad ng kahilagaang Luzon para sa teritoryal na pagpapalawak kundi dinamayan na rin sila ng mga taga-Panay sa kanilang pakikipagbuno at pagtugis kay Limahong at sa kanyang hukbo hanggang sa kahilagaang Luzon (Sande 1576; Mendoza 1586; Alcazar 1893; Caro y Mora 1898; Callanta 1989; Cruz 1962; Villan 2009).\u00a0 Sa magkapareho ring dahilan, bunsod ng matinding pagnanasang mapahina ang kontrol na pang-ekonomiko ng mga Tsino sa kapuluan at inaadhikang marating ang maunlad na pook ng Tsino, isinagawa ang konsolidasyong kolonyal sa <em>Region de la Pampanga<\/em> tulad ng burukratikong pag-oorganisa at eksploytasyong ekonomiko sa nasabing pook (Fernandez 1950; Crisostomo 2010; Alfonso 2010; Villan 2010c) na nagdala ng magandang pagkakataon para kayawin ng mga Moro ang mga pook ng Capiz, Iloilo, Cebu, Negros, at Bohol sa mga taong 1599-1602 (Morga 1609a, 1609b; Maza 1987; Villan 2009).\u00a0 Dahil dito, nagpakita muli ang kanilang mga kaalyadong Panayanhon ng di-matatawarang pagkalinga sa mga Espa\u00f1ol upang ayudahan sila sa nasabing pagtatanggol at pagmumuog ng Kabisayaan.<\/p>\n<p>Kongkretong ipinakita ng mga taga-Panay ang kanilang pagkandili sa mga Espa\u00f1ol sa pamamagitan ng pagsama kay Srhto. Maj. Juan Juarez Gallinato upang kubkubin ang Jolo at itatag ang <em>Presidios de Pintados<\/em> sa Oton noong 1602 (Villan 2009).\u00a0 Kinupkop ito ng mga taga-Panay hindi lamang sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga ito ng pagkain at iba pang pangangailangan kundi higit sa lahat, sa pagtatanggol sa mga ito laban sa pangangayaw Moro.\u00a0 Tinulungan nila ang mga Espa\u00f1ol sa mga inilunsad na mga kontra-pangangayaw sa mga Moro sa pamamagitan ng mga ginawang pagsalakay sa Mindanao at Sulu (Bernaldez y Fernandez de Folguras 1857; Regalado at Franco 1973; Villan 2009).<\/p>\n<p>Ganito rin ang kanilang ipinakitang pagkandili sa mga Espa\u00f1ol sa mga laban nito kontra-Tsino mula taong 1602 hanggang 1663 kung saan higit na naramdaman ang pagiging balisa ng mga mananakop sa pagharap sa kanilang mga katunggaling Olandes, Tsino, at Cagayano (Morga 1609a, 1609b; Villan 2009).\u00a0 Dahil sa suliraning nabanggit, higit na pinaramdam ng mga taga-Panay ang kanilang pagtulong sa kanilang mga kinapatid na Espa\u00f1ol sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Hen. Juan de Silva kung saan sila naging <em>armadilla<\/em> (hukbo) na ginamit upang salakayin ang teritoryong Moro sa Mindanao (Villan 2009).\u00a0 Walang maliw na ipinahayag ng mga taga-Panay ang kanilang pagkandili sa mga Espa\u00f1ol hindi lamang sa pagharang sa mga Moro na makapasok sa karagatan ng Kabisayaan kundi maging sa walang patid na pagtulong sa mga ito na makapagtatag ng mga muog sa katimugan tulad ng <em>Fortaleza de Tandag<\/em>, <em>Fortaleza de Zamboanga<\/em>, <em>Residencia de Dapitan<\/em>, at maging ang nasa Ternate, Indonesia mula taong 1609 hanggang 1663.<\/p>\n<p>Ipinaramdam din ng mga taga-Panay ang kanilang pagkandili sa mga kinapatid na Espa\u00f1ol sa pamamagitan ng mga inilunsad na pagtatanggol ng Maynila kung saan naging bantay sila ng isla ng Corregidor upang lalong palakasin sa dakong iyon ang unang linya ng depensang Espa\u00f1ol sa bunganga ng Look ng Maynila na kinasangkutan din halimbawa ng mga kaalyadong <em>Mardicas de Ternate<\/em> (Maragondon) at Pampango (Mariveles).\u00a0 Dahil sa hindi natuloy ang naturang pag-atake ni Koxinga at mga kasamahang Tsino, kanila ring sinuportahan ang pagbaling ng mga Espa\u00f1ol para sa entrada ng Zambales at Cordillera (Diaz 1718a, 1718b) sa pamamagitan ng pagiging boluntaryong kawal ng Espa\u00f1a para maisakatuparan ang naturang layunin mula taong 1663 hanggang 1719 (Villan 2009).<\/p>\n<p>Makikita rin muli ang maalab na suporta ng mga taga-Panay sa mga Espa\u00f1ol mula sa panahon ni Gob. Hen. Manuel Bustamante na nagpasimuno para sa muling pagbabalik sa Mindanao sa taong 1719 hanggang sa sinimulan ang mas organisado at marubdob na pakikibaka laban sa mga Moro sa panahon ni Gob. Hen. Narciso Claveria sa taong 1848 (Villan 2009).\u00a0 Sa katunayan, hindi lamang sila maaasahang tauhan sa mga muog kundi naging pangunahing lakas na hukbong pandagat ng Espa\u00f1a para sa nabanggit na simulain at adhikaing kolonyal sa nasabing dako.\u00a0 Sa muling pagbangon ng pangangayaw Moro noong dekada 1720 (Bernaldez y Fernandez de Folguras 1857; Villan 2009) at sa tugatog nito noong dekada 1750 (Montero y Vidal 1887; Villan 2009), matingkad na ipinaramdam ng mga taga-Panay ang kanilang maalab na tulong sa panahon ni Gob. Hen. Pedro Manuel de Arandia Santisteban na nakilala bilang tagapagbuo ng kawal ng kaharian at tagapagbuhay ng bantog na <em>La Armada de Pintados<\/em> (Bautista 1984; Mallari 1986; Villan 2009).\u00a0 Humantong iyon paglaon sa pagkabuo ng <em>Marina Sutil<\/em> sa taong 1778 (Mallari 1986; Villan 2009).\u00a0 Nilalayon ng naturang hakbangin ng mga Espa\u00f1ol na kagyat nang wakasan ang sa tingin nilang matagal nang suliraning Moro sa katimugan na lalong pinaigting sa taong 1848 sa ilalim ng pangangasiwa ni Claveria (Villan 2009, 2013).<\/p>\n<p>Samantala, sa pag-asang tuldukan na yaong suliraning Moro, kumakatawan ang mga taong 1848 (Alencon 1870; Villan 2009) hanggang 1898 sa pinakamabisang yugto ng pagharap ng mga Espa\u00f1ol at Panayanhon sa kanilang katunggaling Moro sa kapuluan (Zaide at Zaide 1987; Montemayor 2005; Villan 2009).\u00a0 Nasaksihan halimbawa sa mga taong nabanggit hindi lamang ang puspusang pagharap sa kanilang kaaway kundi higit sa lahat, ang mahigpit na pagpapakita ng <em>pagpapa-ilub<\/em>, <em>pag-unong<\/em>, at <em>pag-aamok<\/em> ng mga Panayanhon sa itinuring nilang kaaway ng kanilang mga kinapatid na Espa\u00f1ol na isinagawa sa ilalim at bisa ng naestablisang ritwal ng <em>sanduguan<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong><em>KABUHI<\/em>, <em>KINAAYO<\/em>, AT <em>DUNGOG<\/em>:<\/strong><br \/>\n<strong>PAGSASAKABULUHAN SA SIKOLOHIYA NG PAGLILINGKOD-BAYAN<\/strong><br \/>\n<strong>SA PANAY SA PANAHON NG HIMAGSIKAN, 1896-1898<\/strong><strong>\u00a0<\/strong><\/p>\n<p>Ang ginawang <em>pagpa<\/em><em>pa-<\/em><em>ilub<\/em>, <em>pag-unong<\/em>, at <em>pag-aamok<\/em> ng mga Panayanhon sa panahon ng kairalan ng kolonyal na karanasan ay malinaw na nakasalig sa sikolohiya ng paglilingkod-bayang nagpapahalaga sa <em>kabuhi<\/em>, <em>kinaayo<\/em>, at <em>dungog<\/em>. \u00a0Sa ginawang pagmamasid ni Soncuya (1917) sa malaganap na kalinangan at kamalayang ito ng mga mamamayan ng Panay, ipinakilala niya ang katauhan ng mga Pilipino sa isla ng Panay.\u00a0 Ayon pa nga sa kanyang pagpapaliwanag:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">&#8230;sa pag-uugnay, nagtataglay ang mga taga-Panay ng sumusunod: ang <em>ilub<\/em><strong>; <\/strong>ang <em>amok<\/em>; at ang <em>unong<\/em>&#8230; ang kawalang kaalaman at di-pagsaalang-alang sa mga ito ang magiging dahilan ng malaking kapahamakan&#8230; (Soncuya 1917) (akin ang malayang salin).<\/p>\n<p>Upang higit na maunawaan ang ganitong sikolohiyang panlipunan ng mga Panayanhon, tunghayan ang Hanayan na elaborasyon at pagpapaliwanag hinggil sa kabuluhan ng sikolohiyang ito ng paglilingkod-bayan ng mga mamamayan ng Panay (Villan 2009, 20013a, 2013).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Hanayan<\/strong><br \/>\n<em>Sikolohikal na Sanhi ng Himagsikang Pilipino sa Panay<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sikolohikal-na-Sanhi-ng-Himagsikang-Pilipino-sa-Panay.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-267\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sikolohikal-na-Sanhi-ng-Himagsikang-Pilipino-sa-Panay.jpg\" alt=\"Sikolohikal na Sanhi ng Himagsikang Pilipino sa Panay\" width=\"544\" height=\"376\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sikolohikal-na-Sanhi-ng-Himagsikang-Pilipino-sa-Panay.jpg 700w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sikolohikal-na-Sanhi-ng-Himagsikang-Pilipino-sa-Panay-300x207.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sikolohikal-na-Sanhi-ng-Himagsikang-Pilipino-sa-Panay-100x69.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sikolohikal-na-Sanhi-ng-Himagsikang-Pilipino-sa-Panay-150x103.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sikolohikal-na-Sanhi-ng-Himagsikang-Pilipino-sa-Panay-200x138.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sikolohikal-na-Sanhi-ng-Himagsikang-Pilipino-sa-Panay-450x311.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sikolohikal-na-Sanhi-ng-Himagsikang-Pilipino-sa-Panay-600x414.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 544px) 100vw, 544px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Nakapangyayaring puwersang maituturing ang sikolohiyang nabanggit sa pagkahubog ng kanilang pagkatao upang isakatuparan ang katungkulang paglilingkod-bayan sa pamamagitan ng pagbalikwas at pagsaalang-alang sa <em>kaloobang bayan<\/em>.\u00a0 Dahil sa matingkad ang pagsaalang-alang sa <em>kabuhi<\/em>, <em>kinaayo<\/em>, at <em>dungog<\/em>, naging mabilis ang pagtanggap ng mga mamamayan ng Panay sa <em>Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan<\/em> (Katipunan o KKK) na nagsimula noong Hulyo 7, 1892 para sa pagkakapit-bisig ng mga Anak ng Bayan sa buong Sangkatagalugan.\u00a0 Ang kanilang pagpapahalaga sa <em>kaloobang bayan<\/em> na binanggit sa itaas at naging daan sa kanilang <em>pagbubulalas ng<\/em> <em>kalooban <\/em>o malawakang<em> pag-aamok<\/em> ay nakasalig sa kanilang matagal na ginawang <em>pagpapa-ilub<\/em> at <em>pag-unong<\/em> sa mga Espa\u00f1ol na itinuring nilang kapatid at kanilang inilayan ng di-masukat na pagkalinga, pagdamay, at pagmamalasakit.\u00a0 Makikita natin ang ganitong hinanakit ng <em>kalooban <\/em>sa panitikan ng himagsikang Pilipino:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Buhat ng ito\u2019y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong daan taong mahigit na ang lahi ni Legazpi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan; ating pinagtatamasa at binubusog kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo, at sampu ng buhay sa pagtatanggol sa kanila; kinakahamok natin sampu ng tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila\u2019y pasakop; at gayundin naman, nakipagbaka tayo sa mga Intsik at mga Olandes na nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan (Bonifacio 1896).<\/p>\n<p>Ano kung gayon ang naging bunga ng <em>pagpapa-ilub<\/em> at <em>pag-unong<\/em> sa kanila ng mga Pilipino, lalo na yaong ginawang pagsuporta sa kanila ng mga Panayanhon na makikita halimbawa sa pagbuo ng mga <em>La Armada de Pintados<\/em> mula noong 1602 hanggang sa pagkakabalangkas ng <em>Ilonggo Volunteers<\/em> noong 1896 kung saan kabilang ang mga taga-Panay sa pinakapangunahing mamamayang pinagmumulan hindi lamang ng kanilang naging panustos para sa kampanyang militar laban sa mga Moro, Tsino, Olandes, at Ingles?\u00a0 Gaano katindi ang kanilang naging <em>saloobin<\/em> kaugnay sa kanilang ginawang <em>pagpapa-ilub<\/em> at <em>pag-unong<\/em> na makikita halimbawa sa pagsama-sama ng mga Anak ng Bayan sa Panay sa nabanggit ding taon?\u00a0 Mararamdaman natin ito sa kapahayagan ng mga Anak ng Bayan:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ano ang nakita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan&#8230;?\u00a0 Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo\u2019y lalong gigisingin sa kagalingan at bagkus tayo\u2019ng binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan.\u00a0 Iminulat tayo sa isang maling pananampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan (Bonifacio 1896).<\/p>\n<p>Dahil sa hinanakit na iyon ng kanilang <em>buut<\/em> bunsod ng matinding <em>pagpapa-ilub<\/em> at <em>pag-unong<\/em>, mula sa makasaysayang pook ng Tondo kung saan unang umusbong ang Katipunan, nagpasimula ang dakilang layuning <em>humilway<\/em> (lumaya), <em>magkinaugalingon<\/em> (magsarili), at <em>maging maayo<\/em> (guminhawa) sa sariling tinubuang bayan.\u00a0 Mababakas ang pagsisikap na ito ng mga Anak ng Bayan na may panimulang nilalayong:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">&#8230;papag-isahin ang loob at kaisipan ng lahat ng Tagalog sa pamamagitan ng isang mahigpit na panunumpa, upang sa pagkakaisang ito\u2019y magkalakas na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuiran at Kaliwanagan (Jacinto 1996).<\/p>\n<p>Isang pagtatampok ang siniping salaysay ukol sa paunang hakbang ng pagsasanib ng <em>loob<\/em> na kongkretong naipapahayag sa pamamagitan ng pagsama-sama ng bawat <em>lawas<\/em> na bumubuo ng Katipunan kung saan magagamit ang naturang estratehikong paghuhugpong ng mga Anak ng Bayan para mailunsad ang pagwasak sa \u201ctabing na nakabubulag sa kaisipan.\u201d\u00a0 Kongkretong hakbang ang pagwasak sa tabing upang matuklasan ang tunay na daan ng katwiran at kaliwanagan.\u00a0 Bilang panawagan ni Bonifacio sa mga Anak ng Bayan na naghahangad na maitaguyod ang paninindigan at <em>kalooban<\/em> ng bayan, sinabi pa niyang:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">&#8230;O mga kababayan!\u00a0 Ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaguinhawahan ng ating tinubuan (Bonifacio 1896).<\/p>\n<p>Paninindigang maituturing ang kusang pagbubukas ng kaisipan mula sa matagal at mahimbing na pagkatulog na maiuugat sa sikolohiya ng <em>ilub<\/em> at <em>unong<\/em>.\u00a0 Magiging daan yaong kamulatan ng kaisipan sa paggamit ng lakas ng mga Anak ng Bayan sa pamamagitan ng malawakang <em>pag-aamok<\/em> (himagsikan) tungo sa ikagagaling at ikagiginhawa ng lupang tinubuan.\u00a0 Tila nalugmok kung tutuusin sa matinding sakit ang lupang tinubuan kung kaya\u2019t kinakailangan itong gamutin nang sa gayo\u2019y mapawi na ang dinaranas na <em>hibubun-ot sang kabubut-on<\/em> (sakit ng kalooban) at makaranas ng hinahangad na <em>kaginhawaan<\/em>.<\/p>\n<p>Bunsod nito, ang kaalipinang dinaranas ng mga Pilipino sa ilalim ng pananakop ng mga Espa\u00f1ol sa loob ng mahigit tatlong daang taong pagtitimpi at pagtitiis, at <em>pagpapailub at pag-unong<\/em> (pagpapakumbaba at pagpaparaya), ang kaliwanagan ng kanilang kaisipan ay katumbas na rin ng paglaan ng kanilang<em> kusog<\/em> (lakas) sa isasagawang <em>pagribuk <\/em>(kolektibong <em>pag-aamok<\/em>) tungo sa pag-abot ng <em>kalooban <\/em>ng bayan na walang iba kundi ang <em>kinaayo <\/em>(maalwang buhay at pamumuhay).\u00a0 Ang kanilang ipinakitang <em>pagpapa-ilub<\/em> at <em>pag-unong <\/em>sa mga ekspedisyon, entrada, at samu\u2019t saring paglilingkod para sa kapakanan ng mga Espa\u00f1ol ay sinuklian ng pag-uupasala, pagpapatapon, at pagpatay.\u00a0 Kaya hindi nakapagtatakang matapos maipahayag ang gayong niloloob ng mga Anak ng Bayan ay lubhang naging mabilis ang pagkalat ng Katipunan sa iba\u2019t ibang panig ng bansa\u2014Batanes, Ilocos, Pangasinan, Bikol, Aklan, Capiz, Cebu, at iba pa (Quisumbing at Rodriguez 1991; Quisumbing 1994; Abano 1994; Apilado 1994; Azurin 1994; Ganancial 1994; Madrid at Cabanero-Mapanao 1994; Tadeo-Pingol 1994; Veneracion 1994; Barrios <em>et al<\/em>. 1997; Villan 2000).<\/p>\n<p>Sa Panay, ang maagang paghuhukbo ng kilusang Babaylanato at pangkat ng mga Pulahan ang naging panimulang daan sa paglago ng kilusan sa paghihimagsik na pinangunahan ng estratehistang Katipunerong si Hen. Juan Arce (Sigma) sa Capiz (Villan 1998, 2000). Maliban kay Arce, kinasangkutan din ang kilusang nabanggit sa Capiz nina Hen. Hilario Oro (Dumalag), Hen. Macario Lusco (Tapaz), Hen. Esteban Contreras (Pontevedra), Hen. Candido Iban (Malinao), Hen. Francisco del Castillo (Kalibo), at Hen. Rafael Maraingan (Kalibo) (Alba 1955; Sonza 1962; Regalado at Franco 1973; Amigo 1995; Villan 1998; Barrios <em>et al.<\/em> 1997; Barrios 1998).<\/p>\n<p>Sa kabilang dako, hindi lingid sa kaalaman ng mga Espa\u00f1ol ang lumalawak na paghihimagsik sa Kabisayaan na pangunahing makikita sa mga pulo ng Panay at naramdaman na rin sa mga pulo ng Cebu, Leyte, at Samar.\u00a0 Sa Panay, ang inilunsad na pagsasanib-puwersa ng pangkating Bukidnon, Ati, at Katipunero sa ilalim ng inisyatiba ni Arce ay katibayan na nagresulta ang nasabing paghuhugpong ng tatlong pangkat sa nasabing pook sa paglawak at pagtibay ng armadong kilusan sa nasabing dako.\u00a0 Hindi alintana ng mga Anak ng Bayan ang superyoridad ng mga Espa\u00f1ol hindi lamang sa taglay na kapangyarihang hawak ng mga ito sa pamahalaan kundi higit sa lahat ang nakaumang na panganib mula sa hukbong sandatahan ng mga kaaway na maaaring kumitil ng kanilang buhay sa mga labanan. Naging ganito katatag ang <em>kalooban<\/em> ng mga bayani ng Panay na harapin ang mga kaaway at nagpakita ng di-matatawarang katapangan para maitaguyod ang niloob ng bayan para sa kanilang itinataguyod na <em>kabuhi<\/em>, <em>kinaayo<\/em>, at <em>dungog<\/em> na inilalarawan sa Pigura 4.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Pigura 4<\/strong><br \/>\n<em>Pagsasalarawan sa Tatluhang Larangan ng Sikolohiya<\/em><br \/>\n<em>sa Pagpapahalagang Panlipunan at Paglilingkod-bayan ng mga Bisaya<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Sikolohiya.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-268\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Sikolohiya.jpg\" alt=\"Pagsasalarawan sa Tatluhang Larangan ng Sikolohiya\" width=\"326\" height=\"314\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Sikolohiya.jpg 444w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Sikolohiya-100x95.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pagsasalarawan-sa-Tatluhang-Larangan-ng-Sikolohiya-150x143.jpg 150w\" sizes=\"(max-width: 326px) 100vw, 326px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Sa mga naging tala ng kasaysayan, makikita ang diwa ng gawaing <em>pag-aamok<\/em> sa ipinakitang kawalang-takot ng mga Katipunero ng Panay na harapin ang mga Espa\u00f1ol.\u00a0 Ang naganap na pag-atake sa Tapaz, Capiz halimbawa noong Pebrero 24, 1897 at ang mga kasunod pang pakikipagbuno noong Marso 21, 1897 ay humantong tungo sa kawalang-habag na paghihiganti ni Kol. Ricardo Monet na bumuwis ng 19 na martir ng Kalibo; ngunit di kinawalan ng moral para ipagpatuloy ang kanilang nasimulang malawakang <em>pag-aamok<\/em> sa mga Espa\u00f1ol sa naturang isla ng Kabisayaan (Sonza 1962; Villan 1998, Solidum 2009).<\/p>\n<p>Sa katunayan, matapos maganap ang malagim at di-makataong pagkapaslang sa 19 Katipunero ng Aklan, buong giting at tatag na hinarap iyon ni Arce sa pamamagitan ng pagtatag niya ng limang pangunahing ilihan sa hilagang Panay\u2014Macawiwili (Altavas, Aklan), Calupugan (Pilar, Capiz), Candelaria (Tapaz, Capiz), Izkierdo (Dumalag, Capiz), at Paligiran (Sigma, Capiz) (tingnan ang Pigura 5 at Larawan 2) (Villan 2000).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Pigura 5<\/strong><br \/>\n<em>Mga Ilihan ng Katipunan sa Capiz (1896-1898)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Ilihan-ng-Katipunan-sa-Capiz-1896-1898.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-269\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Ilihan-ng-Katipunan-sa-Capiz-1896-1898.jpg\" alt=\"Mga Ilihan ng Katipunan sa Capiz (1896-1898)\" width=\"421\" height=\"376\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Ilihan-ng-Katipunan-sa-Capiz-1896-1898.jpg 444w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Ilihan-ng-Katipunan-sa-Capiz-1896-1898-300x267.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Ilihan-ng-Katipunan-sa-Capiz-1896-1898-100x89.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Ilihan-ng-Katipunan-sa-Capiz-1896-1898-150x133.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mga-Ilihan-ng-Katipunan-sa-Capiz-1896-1898-200x178.jpg 200w\" sizes=\"(max-width: 421px) 100vw, 421px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan 2<\/strong><br \/>\n<em>Sentrong Ilihan ng Paligiran<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sentrong-Ilihan-ng-Paligiran.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-270\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sentrong-Ilihan-ng-Paligiran.jpg\" alt=\"Sentrong Ilihan ng Paligiran\" width=\"434\" height=\"307\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sentrong-Ilihan-ng-Paligiran.jpg 434w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sentrong-Ilihan-ng-Paligiran-300x212.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sentrong-Ilihan-ng-Paligiran-100x70.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sentrong-Ilihan-ng-Paligiran-150x106.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Sentrong-Ilihan-ng-Paligiran-200x141.jpg 200w\" sizes=\"(max-width: 434px) 100vw, 434px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: left;\">Itinalagang sentrong ilihan ni Hen. Juan Arce sa Mansacul, Sigma, Capiz.\u00a0 Larawang kuha ni Antonio Villan Jr. at ng may-akda (Hulyo 4, 2013).<\/p>\n<p>Tanging sa konsolidasyon ng tatlong pangkatin ng mga mamamayan sa Panay at paglalatag ng limang ilihan, sinikap din ni Arce ang malawakang pagsasagawa ng <em>pag-aamok<\/em> sa pamamagitan ng maingat na pakikipag-ugnay sa mayayamang angkan at lider ng mga bayan sa hilagang Panay.\u00a0 Ilan sa mga taong ito na sinikap ni Arce na makisangkot para mapatatag ang kanilang hanay ay sina Don Ramon Hontiveros (Mambusao), Kap. Munisipal Tomas Javillo (Sigma), Kap. Leon Bauson (Dao), Don Eugenio Diestro (Panit-an), Don Mariano Frejules (Cuartero), Kap. Manuel Fermalino (Dumalag) at Don Ezequiel Fermalino (Dumalag) (Calmerin 1933; Villan 2000).<\/p>\n<p>Bukod dito, pinatibay rin ni Arce ang kanilang depensa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kaukulang bantay sa mga pangunahing daan sa Capiz (Roxas City ngayon) tungong Dumarao (hangganang bayan ng Capiz sa Iloilo) upang maging mabisang paraan iyon sa paghahanda at operasyon ng mga Katipunero sa mga ilihang kanilang pinagkakakutaan.\u00a0 Nagsimula ang operasyon para sa malawakang<em> pag-aamok<\/em> ng mga hukbo ng Katipunan sa Capiz na pakikipaglaban sa mga Espa\u00f1ol sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon mula sa mga nakaestasyong Anak ng Bayan sa mga ilihan at mga bantay na nakatalaga sa mga pangunahing daan ng Capiz na inilagak ni Arce (Bolante w.tn.; Villan 2000).\u00a0 Nagpatuloy ang gayong estratehiya ng mga Katipunero para harapin nang walang takot ang mga Espa\u00f1ol kahima\u2019t ang mga ito ay pinag-uusig at pinaslang ng mga hukbo ni Monet sa buong nasasakupan ng Capiz.<\/p>\n<p>Upang ipakita ang kanilang kawalang-takot sa paglulunsad ng malawakang <em>pag-aamok<\/em> at paghihiganti na rin sa sinapit ng kanilang kasamahang Katipunero sa Kalibo, noong Abril 15, 1898 inilunsad ng Katipunan ng Panay ang kanilang walang patumanggang pag-aarangkada kontra sa mga Espa\u00f1ol sa pamamagitan ng pagkubkob ng <em>Pueblo de Pan-ay<\/em>.\u00a0 Ang pinagsanib na hanay ng mga mandirigmang Ati, Bukidnon, at Katipunero na naaarmasan lamang sa pamamagitan ng kanilang mga sibat at pana, sumbiling, itak, at ilang iba pang <em>armas de fuego<\/em>, ay kumubkob sa naturang baybaying bayan ng Capiz.\u00a0 Mula sa 2,000 kataong nakalagak sa may katimugang Pan-ay, nagsimula sa pangunguna ni Kol. Pascual Barza ang sagupaan sa pook ng Lahab kasabay sa naroon nang sumasalikop na di-matukoy na bilang ng mga hukbo sa pook ng Tanza Norte.\u00a0 Ang tala ng mga awtoridad sa naturang pagkubkob ng mga Katipunero sa <em>Pueblo de Pan-ay<\/em> ay umaabot sa bilang na 15,000 manghihimagsik (Villan 2000).\u00a0 Bagama\u2019t di tuluyang naipagwagi ng mga Pilipino ang naturang sagupaan dahil sa pang-eespiya at pagsuplong ng paring si Antero Bediones, naghatid ito gayunman sa kabilang dako ng malaking ligalig sa panig ng mga Espa\u00f1ol at nagpalakas lalo ng moral ng mga hukbo (Villan 2000).<\/p>\n<p>Nagpatuloy ang mga naturang marubdob na kapahayagan ng malawakang <em>pag-aamok<\/em> sa iba\u2019t ibang bahagi ng lalawigan hanggang sa nakisangkot na ang mga Ilonggo mula sa Iloilo sa ginawang maalab na paghihimagsik na ito sa Capiz na makikita sa pag-iwan ng mga boluntaryo sa nasabing lalawigan sa mga Espa\u00f1ol at tuwirang pagtakwil mismo ng maraming bilang ng Ilonggo sa inialok na reporma ni Hen. Diego de los Rios sa ipinalabas niyang proklamasyon noong Oktubre 12, 1898.\u00a0 Sa halip, nakipag-isa na rin sa inilunsad na pagribuk ang mga nasabing boluntaryong hukbo sa kanilang mga kababayan sa pamamagitan sabay-sabay na sigaw bilang hudyat ng malawakang paghihimagsik pagsapit ng Oktubre 28, 1898 (Villan 1998, 2009).<\/p>\n<p>Naging gayon ang pagkilos ng mga Ilonggo dahilan sa lubhang huli na ang naturang alok ng reporma sa mga boluntaryong Ilonggo at masasapantahang wala nang bisa pang maaaring maasahan para sa patuloy na eksistensya ng kanilang pamamahala sa Pilipinas sapagkat naging malawakan na ang pagbulalas ng hinanakit ng <em>kalooban<\/em> ng mga mamamayan ng Panay.\u00a0 Hindi maikukubli ang gayong damdamin ng mga Panayanhon\u00a0 laban sa mga Espa\u00f1ol dahil sa nagbubulaga sa kanilang harapan ng katotohanang mahina na ang hukbo ng mga Espa\u00f1ol sa Pilipinas sapagkat kanilang nasisipat na mayroon na lamang 700 sundalong nalalabi mula sa kabuuang bilang nitong 10,374 noong unang bahagi ng taong 1898.\u00a0 Masasabing isang hakbang na pulitikal sa panig ng mga Ilonggong boluntaryo ang gayong sabayang sigaw para sa paghihimagsik upang dominahin naman sa dakong iyon ng Panay ang himagsikang Pilipino sa nasabing isla (Hernandez 2008; Villan 2009).<\/p>\n<p>Pagsapit ng Nobyembre 17, 1898, kitang-kita ang gayong simulain sa tanyag na pagkabuo ng <em>Asemblea de Sta. Barbara<\/em> kung saan ipinahayag doon ng mga rebolusyonaryong hanay ng mga Ilonggo ang pagkakaroon ng <em>Provincial Revolutionary Government of the Visayas <\/em>sa ilalim ng pamumuno ni Hen. Roque Lopez na tumayo bilang Pangulo at Hen. Martin Delgado na tumatayo naman sa kabilang dako bilang Punong Kumander ng rebolusyonaryong hukbo (Taylor 1971; Regalado at Franco 1973; Villan 1998, 2009).<\/p>\n<p>Kabilang sa nanungkulan sa nasabing pamahalaan sa Bisayas sina Hen. Vicente Franco, Pangalawang Pangulo at Kalihim Panloob; Hen. Venancio Concepcion, Kalihim ng Pananalapi; Hen. Ramon Avance\u00f1a, Kalihim ng Estado at pansamantalang Kalihim ng Katarungan; Hen. Julio Hernandez, Kalihim ng Digma; at Hen. Fernando Salas, Pangkalahatang Kalihim.\u00a0 Sina Hen. Perfecto Poblador at Hen. Pascual Magbanua ang mga naitalagang Heneral ng Dibisyon (Hernandez 2008; Villan 2009).<\/p>\n<p>Magkagayunman, pagsapit ng Disyembre 10, 1898, hindi naging paborable sa hanay ng mga rebolusyonaryong Ilonggo ang naging pag-uusap sa Paris kung kaya\u2019t kaagad na ipinarating para sa kabatiran ni de los Rios ng Espa\u00f1a ang pormal at lehitimong pag-angkin sa Pilipinas ng mga Amerikano.\u00a0 Ipinagbigay-alam ng mga Amerikanong opisyal kay Hen. Elwell Otis sa Pilipinas na hanggang Disyembre 13, 1898 na lamang maaaring makapanatili ang mga Espa\u00f1ol sa Pilipinas.\u00a0 Gayunma\u2019y, kinakailangang agapayanan ang mga ito hanggang sa tuluyang makaalis papalabas ng Kabisayaan ang mga Espa\u00f1ol (Hernandez 2008; Villan 2009).\u00a0 Pormal na lumisan ang hukbong Espa\u00f1ol sa Iloilo noong Disyembre 24, 1898 (Taylor 1971; Hernandez 2008; Villan 2009).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANGWAKAS<\/strong><\/p>\n<p>Naging makahulugan kung gayon sa panlipunang pananaliksik ang tatlong larangan ng kabuuan ng taona kinabibilangan ng <em>lawas<\/em>, <em>huna-huna<\/em>, at <em>batyag<\/em> hindi lamang para sa larangang metodolohikal kundi maging sa pagbuo ng teorya at paghabi ng mga bagong kaisipan sa pangkasaysayang pananaliksik.<\/p>\n<p>Sa pangkalahatan, naging mahalaga ang pagpaksa sa <em>ilub<\/em>, <em>unong<\/em>, at <em>amok<\/em> bilang nakapangyayaring sikolohiya ng bayan sa paghubog ng mga panghimagsikang kaganapan sa Panay.\u00a0 Sa pamamagitan ng pagpapasundayag sa <em>buut<\/em>, napatunayan sa pamamagitan ng ginawang pagsusuri na kumakatawan samakatwid ang panlipunang sikolohiya sa pinakadiwa ng pamumuno at paglilingkod-bayang nakasalig sa pagtataguyod ng <em>kabubut-on sang banwa<\/em> na walang ibang nilalayon kundi ang maipagtanggol at mapalawig ng <em>kabuhi<\/em>, makaranas ng <em>kinaayo<\/em>, at makamit ang hinahangad na <em>dungog<\/em>.<\/p>\n<p>Tangi rito, ang <em>lawas<\/em> din bilang anyong <em>gawas<\/em> o bahaging <em>labas<\/em> ng tao ang maituturing na sisidlang pangkamalayan ng bayan ukol sa gawaing <em>pangminsaron<\/em> (<em>huna-huna<\/em>) at <em>pangbalatyagon<\/em> (<em>batyag<\/em>) na kasusumpungan ng makabuluhang diwa hinggil sa pagsasakatuparan ng panlipunang simulain.\u00a0 Manipestasyon o kapahayagan ng mahiwagang <em>buut<\/em> ng mga naestablisang halagahing panlipunan at samakatwid, nagsisilbing tagapagpakilos para sa pagsasakatuparan ng binanggit na <em>kabubut-on sang banwa<\/em>.\u00a0 Ang <em>kabubut-on sang banwa<\/em> ang siyang pamalagiang isinusulong at isinasakatuparan sa madaling salita ng mga bayaning kinikilala sa lipunan bilang lingkod-bayan (halimbawa nito, mga Katipunero) na maiuugat mula pa sa mga ninunong Austronesyano ng Panay na nagpasimula ng tradisyon ng <em>pagbabatuk<\/em> (<em>Pintados<\/em>) na lumawak kung tutuusin hanggang sa mga <em>ta moko<\/em> ng <em>Oceania <\/em>at <em>amoucos <\/em>ng Malaysia.\u00a0 Ang kanilang ginawang paghahandog ng buhay sa pamamagitan ng kawalang-takot na mamatay at pumatay na humahangga sa pagwawasak ng anupamang naririyan alang-alang sa nakararaming <em>kapwa-tao<\/em> sa sentido man ito ng <em>ibang tao <\/em>at <em>hindi ibang tao<\/em> ay tinitindigang hindi isang kondisyong saykayatriko o pangmedisina kundi isang sagradong pananagutang kanilang isinakatuparan sapagkat ang gayong di-nasusulat ngunit nakabaon sa <em>buut <\/em>na pananagutan, ay inaasahan ng kanilang pinaglilingkurang-bayan at kinabibilangang lipunan.<\/p>\n<p>Sa kabuuan, ang mga inilunsad na pagtupad ng katungkulang panlipunang nakasalig sa pagpapahayag ng nasabing <em>kalooban<\/em>, sa bisa ng katawang pinagsanib ng Katipunan at iba pang pangkat ng mga Anak ng Bayan (Ati, Panay-Bukidnon, at Mayoriyang Mamamayan) upang maging mararahas na nilalang sa panahon ng himagsikang Pilipino ang nagpabago sa buhay at pamumuhay ng mga tao sa kapuluang Pilipinas.\u00a0 Nanatili ang <em>lawas <\/em>ng mga Katipunero sa himagsikan sa Panay sa partikular at Pilipinas sa kabuuan bilang kasangkapan ng mulat na <em>huna-huna<\/em> at di-manhid na <em>batyag<\/em> sa pagsasakatuparan ng pinakadakilang layunin ng paglilingkod at pamumunong bayan sa Panay.\u00a0 Daluyan, luklukan, at tagapaglikha ng panlipunang halagahin sa madaling salita ang <em>ilub<\/em>, <em>unong<\/em>, at <em>amok<\/em>\u2014mga salalayang sikolohikal sa ugnayang panlipunan at samakatwid, panlipunang kasangkapan sa pagpapahayag ng katatagan ng <em>kalooban<\/em> ng mga bayani ng bayan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Talahuli<\/strong><\/p>\n<p><sup>1<\/sup> Literal na nangangahulugang \u201cGinawan ng masama sa Ma-it!,\u201d gayunman, maaaring tumukoy ito sa kamalasang sinapit ng ginawang pangangayaw sa Ma-it na maiuugnay bunsod ng pagkakalupig ng inilunsad na pangangayaw o pangungubat sa naturang pook pangayawan.<\/p>\n<p><sup>2<\/sup> Maisasalin ito bilang \u201c&#8230;saang Ma-it ka nagawi\/nangayaw\/nakipagsapalaran apo.\u201d\u00a0 Isang saway ito ng aking lola at iba pa tulad nang naobserbahan sa sinumang hindi umuwi nang maaga sa bahay na maiuugnay marahil sa kanilang labis na pag-aalala sa sinapit ng kanilang malapit sa buhay na dumayo o pumaroon sa ibang lugar.\u00a0 Hanggang sa ngayon, nanatili ang Maynila at Luzon sa kabuuan na pangunahing pook pangayawan ng mga taga-Panay kapagka nakakaranas sila ng matinding krisis pangkabuhayan sa kanilang mga lalawigan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Abano, V.F. (1994).\u00a0 Ang mga martir ng Camarines Norte.\u00a0 Nasa F.C. Llanes (pat.), <em>Katipunan; Isang pambansang kilusan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Trinitas Publishing, Inc., 251-263.<\/p>\n<p>Aguilar, F.Jr.V. (1998).\u00a0 <em>Clash of spirits: The history of power and sugar planter hegemony on a Visayan island<\/em>.\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press.<\/p>\n<p>Alba, D. (1955).\u00a0 <em>Fragments of the Philippine revolution (in Capiz) and a brief historical account of the separation of Aklan to be a province<\/em>.\u00a0 Manila: W.T.<\/p>\n<p>Alcazar, D. J.d. (1893).\u00a0 <em>Historia de los dominios Espanoles en Oceania y Filipinas<\/em>.\u00a0 Manila: D.J. Atavide y Comp.<\/p>\n<p>Alejo, A.E. (1990).\u00a0 <em>Tao po! Tuloy! Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao<\/em>.\u00a0 Quezon City: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University.<\/p>\n<p>Alencon, F.P.M.dO. (1870).\u00a0 <em>Luzon and Mindanao<\/em>.\u00a0 Tsln. E. Aguilar Cruz.\u00a0 Manila: National Historical Institute, 1986.<\/p>\n<p>Alfonso, I.C.B. (2010).\u00a0 Ulat ukol sa isyu ng pagkakatatag ng lalawigan ng Bulacan at ang paglilinaw sa koneksyong pangkasaysayan at pangkalinangan nito sa Pampanga.\u00a0 Nasa A.dR. Crisostomo, J.B. Veneracion, R.S. Naguit, at I.C.B. Alfonso, <em>La primera provincia: Mga tinipong papel hinggil sa pagkakatatag ng lalawigan ng Bulacan.\u00a0 <\/em>Malolos: Bahay Saliksikan ng Bulacan, Bulacan State University, 87-139.<\/p>\n<p>Amigo, R. (1995).\u00a0 Ang hublag rebolusyonaryo sang Capiz (1897-1901).\u00a0 Nasa Center for West Visayan Studies, University of the Philippines in the Visayas, <em>Proceedings of the 4<sup>th<\/sup> Conference on West Visayan History and Culture<\/em>.\u00a0 Iloilo City: Center for West Visayan Studies, University of the Philippines in the Visayas, 1-26.<\/p>\n<p>Apilado, D.P. (1994). Ang Katipunan sa Ilocos: 1898-1902.\u00a0 Nasa F.C. Llanes (pat.), <em>Katipunan; Isang pambansang kilusan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Trinitas Publishing, Inc., 187-197.<\/p>\n<p>Arteche, J.d. (1947).\u00a0 <em>Legazpi: Historia de la conquista de Filipinas.<\/em>\u00a0 Zarauz (Guipozcoa): Editorial Icharopena.<\/p>\n<p>Azurin, A.M. (1994).\u00a0 Bakit naitsapwera ang mga Ilokanong Katipunero sa kasaysayan ng rebolusyon?\u00a0 Nasa F.C. Llanes (pat.), <em>Katipunan; Isang pambansang kilusan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Trinitas Publishing, Inc., 199-206.<\/p>\n<p>Barrios J.E. (1998).\u00a0 Pagkaeaeaki: Body\/power in a revolutionary movement.\u00a0 Nasa Center for West Visayan Studies, University of the Philippines in the Visayas(pat.), <em>Proceedings of the 8<sup>th<\/sup> Conference on West Visayan History and Culture<\/em>.\u00a0 Iloilo City: Center for West Visayan Studies, University of the Philippines in the Visayas, 61-67.<\/p>\n<p>Barrios, J.E, M. Cichon, at D. Ilio (1997).\u00a0 <em>The Katipunan in Aklan<\/em>.\u00a0 Manila: Metro Manila Commission.<\/p>\n<p>Bautista, R.B. (1984).\u00a0 Proud heritage, glorious past.\u00a0 Nasa Antonio Orindain II (pat.), <em>Zamboanga hermosa: Memories of the old town<\/em>.\u00a0 Mandaluyong: Filipinas Foundation, Inc., 81-104.<\/p>\n<p>Bellwood, P., J.J. Fox, at D. Tryon (1995).\u00a0 The Austronesians in history: Common origins and diverse transformations.\u00a0 Nasa P. Bellwood, J.J. Fox, at D. Tryon (mga pat.), <em>The Austronesians: Historical and comparative perspectives.\u00a0 <\/em>Canberra: The Australian National University, 1-16.<\/p>\n<p>Bernaldez y Fernandez de Folguras, E.(1857).<em>Resena historica de la guerra al sur de Filipinas sostenidad por las armas Espanolas contra los piratas del aquel archipelago, desde la conquista hasta nuestras dias<\/em>.\u00a0 Madrid: Imprenta del Memorial de Ingenieros.<\/p>\n<p>Bolante, J.B. (w.tn.).\u00a0 <em>A comprehensive history of Capiz; In search of identity<\/em>.\u00a0 Roxas City: Capiz Provincial Government at Capiz Buklod ng mga Kabataang Kawani (BKK).<\/p>\n<p>Bonifacio, A. (1896).\u00a0 Ang dapat mabatid ng mga Tagalog.\u00a0 Nasa Z.A. Salazar, E.C. Yulo, at A.M. Navarro, <em>Talaarawan 1996; Handog sa sentenaryo; Himagsikang 1896.\u00a0 <\/em>Quezon City: Miranda Bookstore, En7\/En8 [6-7].<\/p>\n<p>Boxer Codex (1590).\u00a0 <em>Sino-Spanish codex manuscript.\u00a0 <\/em>Bloomington: Indiana University, 2009.<\/p>\n<p>Callanta, C.V. (1989).\u00a0 <em>The Limahong invasion<\/em>.\u00a0 Quezon City: New Day Publishers.<\/p>\n<p>Calmerin, R. (1933).\u00a0 Ang ikaltu nga pagkinagubut sa Kapis sa pag-apin sa atun kaluwasan. makinaugalingon.\u00a0 Iloilo: La Panayana Press.<\/p>\n<p>Caro y Mora, J. (1898).\u00a0 <em>Ataque de Li-Ma-Hong a Manila en 1574; Resena historica de aquella memorable jornada.<\/em>\u00a0 Manila: Tipo Litigrafia D. Combes.<\/p>\n<p>Collins, R. (1990).\u00a0 Stratification, emotional energy, and the transient emotions.\u00a0 Nasa T.D. Kemper (pat.),<em> Research<\/em> <em>agendas in the sociology of emotions<\/em>.\u00a0 Albany: State University of New York Press, 27-57.<\/p>\n<p>Coupland, J. at R. Gwyn (2003).\u00a0 <em>Discourse, the body, and identity.<\/em>\u00a0 New York: Palgrave MacMilan.<\/p>\n<p>Covar, P.R. (1995).\u00a0 Kaalamang dalumat ng pagkataong Pilipino.\u00a0 <em>Professional Chair Papers<\/em>, 95-4.<\/p>\n<p>Covar, P.R. (1998).\u00a0 <em>Larangan; Seminal essays on Philippine culture<\/em>.\u00a0 Manila: National Commission for Culture and the Arts.<\/p>\n<p>Crisostomo, A.dR. (2010).\u00a0 Ang pagbubuo ng lalawigan ng Bulacan: Mula alcaldia hanggang provincia, 1580.\u00a0 Nasa A.dR. Crisostomo, J.B. Veneracion, R.S. Naguit, at I.C.B. Alfonso, <em>La primera provincia: Mga tinipong papel hinggil sa pagkakatatag ng lalawigan ng Bulacan.\u00a0 <\/em>Malolos: Bahay Saliksikan ng Bulacan, Bulacan State University, 3-54.<\/p>\n<p>Diaz, C. (1718a).\u00a0 The Agustinian in the Philippines, 1641-1670.\u00a0 Nasa E.H. Blair at J.A. Robertson (mga pat. at tsln.),<em> The Philippine islands, 1493-1898; Volume <\/em><em>37<\/em>.\u00a0 Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909, 149-284.<\/p>\n<p>Diaz, C. (1718b).\u00a0 The Agustinian in the Philippines, 1670-1694.\u00a0 Nasa E.H. Blair at J.A. Robertson (mga pat. at tsln.),<em> The Philippine islands, 1493-1898; Volume <\/em><em>42<\/em>.\u00a0 Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909, 117-312.<\/p>\n<p>Dictionary 3.0 (2010-2011).\u00a0 Moko meaning and definition in dictionary.\u00a0 Nakuha noong Setyembre 14, 2013, mula sa Dictionary 3.0 Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/VYY1jP\">http:\/\/goo.gl\/VYY1jP<\/a>.<\/p>\n<p>Encarnacion, E.N. (1997).\u00a0 <em>Ang pamana ni Andres Bonifacio<\/em>.\u00a0 Quezon City: Adarna Book Services, Inc.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1976<em>).\u00a0 Sikolohiyang Pilipino; Batayan sa kasaysayan, perspektiba, mga konsepto, at bibliograpiya<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Department of Psychology.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1978, Enero-Disyembre).\u00a0 Kapwa: A core concept in Filipino social psychology.\u00a0 <em>Philippine Social Sciences and Humanities Review<\/em>, 42 (1-4), 100-108.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1989).\u00a0 <em>Indigenous psychology and national consciousness<\/em>.\u00a0 Tokyo: Institute for the Study of Languages and Cultures of Asia and Africa.<\/p>\n<p>Eugenio, D.L. (1994).\u00a0 <em>Philippine folk literarture; The myths<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Fernandez, L.H. (1950).\u00a0 <em>A brief history of the Philippines<\/em>.\u00a0 New York:\u00a0 Ginn and Company.<\/p>\n<p>Francisco, J.M.C. (1996).\u00a0 The Tagalog \u201cloob\u201d in Oliver\u2019s doctrina christiana.\u00a0 <em>Philippine Studies<\/em>, 44 (4), 526-531.<\/p>\n<p>Fraser, M. at M. Greco (mga pat.) (2005).\u00a0 <em>The body; A reader.<\/em>\u00a0 London at New York: Routledge, Taylor &amp; Francis Group.<\/p>\n<p>Ganancial, N.S.H. (1994).\u00a0 Mindanao at Sulu sa panahon ng rebolusyon.\u00a0 Nasa F.C. Llanes (pat.), <em>Katipunan; Isang pambansang kilusan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Trinitas Publishing, Inc., 289-299.<\/p>\n<p>Geertz, C.J. (1973).\u00a0 <em>The interpretation of cultures<\/em>.\u00a0 New York: Basic Books.<\/p>\n<p>Guerrero, M.C., E.N. Encarnacion, at R.N. Villegas (1996).\u00a0 Andres Bonifacio and the 1896 revolution.\u00a0 <em>Sulyap Kultura, <\/em>2, 3-12.<\/p>\n<p>Guillermo, G. (1999).\u00a0 <em>Amok; Essays from an Asian American perspective<\/em>.\u00a0 San Francisco: Asian Week Books.<\/p>\n<p>Hernandez, P.F. (2008).\u00a0 <em>Iloilo, the most noble city: History and development, 1566-1898<\/em>.\u00a0 Quezon City: New Day Publishers.<\/p>\n<p>Hudson, K.L. (2013).\u00a0 Ta moko Maori tattoo; When imitation is the sincerest form of insult.\u00a0 Nakuha noong Setyembre 15, 2013, mula sa About.com Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/Sc7tGK\">http:\/\/goo.gl\/Sc7tGK<\/a>.<\/p>\n<p>Jacinto, E. (1896).\u00a0 Sa may nasang makisanib sa Katipunang ito.\u00a0 Nasa V.S. Almario, <em>Panitikan ng rebolusyon(g 1896); Isang paglingon at katipunan ng mga akda nina Bonifacio at Jacinto.<\/em> Quezon City: University of the Philippines Press, 1997, 156-158.<\/p>\n<p>Kaufmann, M.H.M. (1934).\u00a0 <em>Visayan-English dictionary (Kapulungan Binisaya-Ininglis)<\/em>.\u00a0 Iloilo: La Editorial.<\/p>\n<p>Kudva K.G. (2011).\u00a0 Redefining \u201camok\u201d and other rampage-type culture-bound syndomes.\u00a0 <em>Asia-Pacific Psychiatry<\/em>, 3, 241-245.<\/p>\n<p>Lanaria, L.L. (2009, Marso).\u00a0 Lawas: An anthropo-theological discourse on the body in Cebuano-Visayan language context. <em>\u00a0Philippine Quarterly of Culture and Society<\/em>, 35 (1), 55-82.<\/p>\n<p>Lee, Z.E. (2001).\u00a0 Ang konsepto ng pagkatao.\u00a0 <em>Daluyan: Journal ng Wikang Filipino<\/em>, 10 (4), 261-269.<\/p>\n<p>Madrid, F. at R. Cabanero-Mapanao (1994).\u00a0 Mga Pag-aaklas sa Misamis at Cotabato.\u00a0 Nasa F.C. Llanes (pat.), <em>Katipunan; Isang pambansang kilusan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Trinitas Publishing, Inc., 285-288.<\/p>\n<p>Maggay, M.P. (1999).\u00a0 <em>Understanding ambiguity in Filipino communication patterns<\/em>.\u00a0 Quezon City: Institute for Studies in Asian Church and Culture.<\/p>\n<p>Maggay, M.P. (2002). <em>\u00a0Pahiwatig; Kagawiang pangkomunikasyon ng Filipino.<\/em> Quezon City: Ateneo de Manila University Press.<\/p>\n<p>Magos, A.P. (1992). <em>\u00a0The enduring Ma-aram tradition; An ethnography of a Kinaray-a village in Antique<\/em>.\u00a0 Quezon City: New Day Publishers.<\/p>\n<p>Mallari, F. (1986).\u00a0 Muslim raids in Bicol, 1580-1792.\u00a0 <em>Philippine Studies<\/em>, 34 (3), 257-286.<\/p>\n<p>Maza, R.M. (1987). <em>\u00a0The Augustinians in Panay<\/em>.\u00a0 Iloilo City: Research and Development Foundation Inc., University of San Agustin.<\/p>\n<p>Mendoza, J.G.d. (1586).\u00a0 History of the great kingdom of China.\u00a0 Nasa E.H. Blair at J.A. Robertson (mga pat. at tsln.),<em> The Philippine islands, 1493-1898; Volume VI<\/em>.\u00a0 Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909, 81-153.<\/p>\n<p>Mercado, L.N. (1972).\u00a0 Reflections on buut-loob-nakem.\u00a0 <em>Philippine Studies<\/em>, 20 (4), 577-602.<\/p>\n<p>Miranda, D.M. (1987, Oktubre).\u00a0 The meaning of budhi.\u00a0 <em>Diwa: Studies in Philosophy and Theology<\/em>, 12 (2), 101-106.<\/p>\n<p>Miranda, D.M. (1989).\u00a0 <em>Loob; The Filipino within: A preliminary investigation into a pre-theological moral anthropology<\/em>.\u00a0 Manila: Divine Word Publications.<\/p>\n<p>Montalban, F.J. (1930).\u00a0 <em>El patronato Espanol y la conquista de Filipinas.\u00a0 <\/em>Burgos: El siglo de las Misiones.<\/p>\n<p>Montemayor, M.S. (2005).\u00a0 <em>Captain Herman Leopold Sch\u00fcck: The saga of a German sea captain in the 19<sup>th<\/sup> century Sulu-Sulawesi Seas<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Montero y Vidal, J. (1887).\u00a0 <em>Historia general de Filipinas: Desde el descubrimiento de dichas islas hasta nuestras dias<\/em>.\u00a0 Madrid: Imprenta y Fundicio\u0301n de Manuel Tello.<\/p>\n<p>Morga, A.d. (1609a).\u00a0 <em>Mga pangyayari sa sangkapulang Pilipinas<\/em><em>.\u00a0 <\/em>Manila: Pambansang Komisyon ng mga Bayani at The Journal Press, 1964.<\/p>\n<p>Morga, A.d. (1609b).\u00a0 Sucesos de las islas Filipinas.\u00a0 Nasa E.H. Blair at J.A. Robertson (mga pat. at tsln.),<em> The Philippine islands, 1493-1898; Volume XI<\/em>.\u00a0 Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909, 300-331.<\/p>\n<p>Navarro, A.M. (2000).\u00a0 Ang bagong kasaysayan sa wikang Filipino: Kalikasan, kaparaanan, pagsasakasaysayan.\u00a0 <em>Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas<\/em>, 11.<\/p>\n<p>Noone, M.J. (1982).\u00a0 <em>The islands saw it: The discovery and conquest of the Philippines, 1521-1581.\u00a0 <\/em>Ireland: Richview &amp; Nolan Limited.<\/p>\n<p>Quisumbing, J.R. (1994).\u00a0 Ang Katipunan at rebolusyon sa Cebu.\u00a0 Nasa F.C. Llanes (pat.), <em>Katipunan; Isang pambansang kilusan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Trinitas Publishing, Inc., 275-283.<\/p>\n<p>Quisumbing, J.R. at C.A. Rodriguez (1991).\u00a0 <em>Leon Kilat (1873-1898) and the Cebu revolution of 1898<\/em>.\u00a0 Cebu City: S&amp;G Printers.<\/p>\n<p>Regalado, F.B. at Q.B. Franco (1973).\u00a0 <em>History of Panay<\/em>.\u00a0 Jaro, Iloilo City: Central Philippine University.<\/p>\n<p>Rosenberg, S.W. (1988).\u00a0 <em>Reason, ideology, and politics.<\/em>\u00a0 New Jersey: Princetown University Press.<\/p>\n<p>Saint Martin, M.L. (1999, Hunyo).\u00a0 Running amok: A modern perspective on a culture-bound syndrome. <em>\u00a0Primary Care Companion; Journal of Clinical Psychiatry<\/em>, 1 (3), 66-70.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1977).\u00a0 Ang kamalayan at kaluluwa: Isang paglilinaw ng ilang konsepto sa kinagisnan sikolohiya.\u00a0 Nasa R. Pe-Pua (pat.), <em>Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo, at gamit.<\/em>\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press, 1982, 83-92.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1994, Nobyembre 29).\u00a0 Ang bayani bilang sakripisyo: Pag-aanyo ng pagkabayani sa agos ng kasaysayang Pilipino.\u00a0 Di-nalathalang papel, Pambansang Kumperensya ng ADHIKA ng Pilipinas, Tarlac State University, Tarlac City.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1997, Pebrero 10). \u00a0Ang limang panahon ng pamumunong bayan sa kasaysayan ng Pilipinas.\u00a0 Di-nalathalang papel, Katedratikong Panayam, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1999).\u00a0 Ang babaylan sa kasaysayan ng Pilipinas.\u00a0 <em>Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas<\/em>, 4.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1998, Pebrero 26).\u00a0 Pahinungod: Pagpapakahulugan sa isang dalumat bilang pag-uugat sa kalinangan at kasaysayan ng kapilipinuhan.\u00a0 Di-nalathalang papel, Pagdiriwang ng ika-90 taon ng boluntarismo sa Unibersidad ng Pilipinas, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.<\/p>\n<p>Sande, F.d. (1576, Hunyo 7).\u00a0 Relation of the Filipinas islands.\u00a0 Nasa E.H. Blair at J.A. Robertson (mga pat. at tsln.),<em> The Philippine islands, 1493-1898; Volume IV<\/em>.\u00a0 Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909, 21-97.<\/p>\n<p>Shilling, C. (2003).\u00a0 <em>The body and social theory; Second edition<\/em>.\u00a0 London: Sage Publications, Inc.<\/p>\n<p>Shilling, C. (2005).\u00a0 <em>The body in culture, technology, and society<\/em>.\u00a0 London\/Thousand Oaks\/Delhi: Sage Publications, Inc.<\/p>\n<p>Solidum, E.T. (2009, Marso 5).\u00a0 Martyrdom, finest in Aklan culture and tradition.\u00a0 Nakuha noong Agosto 22, 2013, mula sa Madyaas Pen Website:\u00a0 <a href=\"http:\/\/goo.gl\/BF4ZGv\">http:\/\/goo.gl\/BF4ZGv<\/a>.<\/p>\n<p>Soncuya, J. (1917).\u00a0 <em>Historia prehispanica de Filipinas; Contenida\u00a0 en la conferencia sobre la isla de Panay<\/em>.\u00a0 Manila: W.T.<\/p>\n<p>Sonza, D. (1962).\u00a0 <em>Visayan fighters for freedom<\/em>.\u00a0 Sta. Barbara, Iloilo: A Treasured Legacy Book\/Agustin Sonza &amp; Sons.<\/p>\n<p>Spores, J.C. (1988).\u00a0 <em>Running amok; An history inquiry<\/em>.\u00a0 Ohio: Ohio University Center for International Studies.<\/p>\n<p>Sutherland, R.K. (1944, Nobyembre 27).\u00a0 Allied geographic section.\u00a0 <em>Southeast Pacific Area; Terrain Study, <\/em>101.<\/p>\n<p>Tadeo-Pingol, A. (1994). Mga Katipunero sa Piddig, Ilokos Norte. Nasa F.C. Llanes (pat.), <em>Katipunan; Isang pambansang kilusan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Trinitas Publishing, Inc., 175-186.<\/p>\n<p>Tan, M.L. at F. Jocano (2010).\u00a0 <em>Lawas: Glosari ng mga katawagan sa katawan ng tao<\/em>.\u00a0 Quezon: University of the Philippines Sentro ng Wikang Filipino.<\/p>\n<p>Taylor, J.R.M. (1971).\u00a0 The Visayas: The island of Panay, April 1898, to July 4, 1902.\u00a0 Nasa J.R.M. Taylor (pat.),<em> The Philippine insurrection against the United States; Volume II<\/em>.\u00a0 Pasay City: Eugenio Lopez Foundation, 375-410.<\/p>\n<p>Tirol, L.B. (1975).\u00a0 History of Bohol (Pre-Hispanic up to 1972).\u00a0 Di-nalathalang disertasyong doktoral, University of Santo Tomas, Manila, Philippines.<\/p>\n<p>Turner, J.H. at J.E. Stets. (2005).\u00a0 <em>The sociology of emotions<\/em>.\u00a0 New York: Cambridge University Press.<\/p>\n<p>Turner, V.W. (2005).\u00a0 <em>Symbols and meaning<\/em>.\u00a0 Wallnut Creek, CA:\u00a0 Altamira Press.<\/p>\n<p>Veneracion, J.B. (1994).\u00a0 May Katipunan sa Batanes noong 1996.\u00a0 Nasa F.C. Llanes (pat.), <em>Katipunan; Isang pambansang kilusan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Trinitas Publishing, Inc., 173-174.<\/p>\n<p>Villan, V.C. (1998).\u00a0 Hangaway: Ang pakikidigma ng mga hukbong Panayanhon sa himagsikan, 1896-1907.\u00a0 Di-nalathalang tesis masterado, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.<\/p>\n<p>Villan, V.C. (2000).\u00a0 Heneral Juan Arce: Dakilang hangaway ngKKK at himagsikan sa Capiz, 1896-1897.\u00a0 <em>Balitang ADHIKA,<\/em> 2 (2), 3-6.<\/p>\n<p>Villan, V.C. (2009).\u00a0 Pintados: Mga hukbong Bisaya sa armadong ekspedisyong Espanyol sa Pilipinas, 1565-1898.\u00a0 Di-nalathalang disertasyong doktoral, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.<\/p>\n<p>Villan, V.C. (2010a, Setyembre 17-18).\u00a0 Pag-abyanay: Images of friendship beyond the center.\u00a0 Di-nalathalang papel, Philippine-Spanish Friendship Day 2010\u2014Pag-abyanay: Images of Friendship Beyond the Center, Iloilo City, Philippines.<\/p>\n<p>Villan, V.C. (2010b).\u00a0 Kahulugan, pinagmulan, at kinaroroonan: Ang talastasang Bisaya sa kasaysayang Filipino.\u00a0 <em>Daluyan: Journal ng Wikang Filipino<\/em>, 16 (1), 1-26.<\/p>\n<p>Villan, V.C. (2010c).\u00a0 Isang pagpopook at paglalagom sa diskurso ng pagkakatatag at pagdiriwang ng araw ng Bulacan.\u00a0 Nasa A.dR. Crisostomo, J.B. Veneracion, R.S. Naguit, at I.C.B. Alfonso, <em>La primera provincia: Mga tinipong papel hinggil sa pagkakatatag ng lalawigan ng Bulacan.\u00a0 <\/em>Malolos: Bahay Saliksikan ng Bulacan, Bulacan State University, 155-170.<\/p>\n<p>Villan, V.C. (2012, Setyembre).\u00a0 Tungo sa pagpapalalim sa pag-aaral ng kalinangang pulitikal sa Pilipinas.\u00a0 <em>Saliksik: Saysay ng Salaysay E-Journal<\/em>, 1 (2), 108-113.<\/p>\n<p>Villan, V.C. (2013).\u00a0 Lawas, buut, patugsiling, \u2018ag dungan: Isang pag-unawa sa papel ng kinagisnang sikolohiya sa kasaysayang kolonyal at himagsikang Pilipino sa Panay, 1896-1898.\u00a0 <em>Daluyan: Journal ng Wikang Filipino<\/em>, 19 (2), 73-110.<\/p>\n<p>Wiley, M.V. (1996).\u00a0 <em>Filipino martial art culture<\/em>.\u00a0 Tokyo: Charles E. Tuttle Company.<\/p>\n<p>Zaide, G.F. at S.M. Zaide (1987). <em>\u00a0History of the Philippines; Revised edition<\/em>.\u00a0 Metro Manila: National Book Store, Inc.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Vicente C. Villan, Ph.D. Departamento ng Kasaysayan University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Abstrak Ang sanaysay na ito ay isang pagtatangkang magpakita at magpaliwanag ng mga nakatagong istrukturang nagbigay-daan sa pagsiklab ng himagsikang Pilipino sa Panay.\u00a0 Sa pagdulog &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-ilub-unong-at-amok-pag-unawa-sa-katatagan-ng-buut-ng-mga-bayani-sa-himagsikang-pilipino-sa-panay-1896-1898\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Ilub, Unong, at Amok: Pag-unawa sa Katatagan ng Buut ng mga Bayani sa Himagsikang Pilipino sa Panay, 1896-1898<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[6],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/107"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=107"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/107\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":283,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/107\/revisions\/283"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=107"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=107"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=107"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}