{"id":103,"date":"2013-11-02T06:21:48","date_gmt":"2013-11-02T06:21:48","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=103"},"modified":"2014-09-04T04:39:52","modified_gmt":"2014-09-04T04:39:52","slug":"diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-sanduguan-bilang-konsepto-ng-pakikipagkapwa-sa-konteksto-ng-kalakalan-at-kapangyarihan-ang-bohol-sa-ika-16-na-dantaon","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-sanduguan-bilang-konsepto-ng-pakikipagkapwa-sa-konteksto-ng-kalakalan-at-kapangyarihan-ang-bohol-sa-ika-16-na-dantaon\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Sanduguan bilang Konsepto ng Pakikipagkapwa sa Konteksto ng Kalakalan at Kapangyarihan: Ang Bohol sa Ika-16 na Dantaon"},"content":{"rendered":"<p><strong>Amelia S. Ferrer<\/strong><br \/>\nDepartment of Social Sciences<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Los Ba\u00f1os, Laguna<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Ang <em>sanduguan<\/em> nina Katunao at Miguel Lopez de Legazpi ay itinuturing na isa sa pangunahing kaganapang hudyat ng higit na masalimuot na pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa mga Espa\u00f1ol.\u00a0 Mula sa imahinasyon ng mga Ilustradong sina Juan Luna at Marcelo del Pilar noong ika-19 na dantaon, binigyang-kahulugan ito bilang pagsaklaw ng kaayusang kolonyal sa mga Pilipino.\u00a0 Samantalang ang kanilang kontemporaryong si Andres Bonifacio, tiningnan ito bilang tanda ng pamamayani ng katutubong kaayusan at kalinangan sa mga mananakop.\u00a0 Inilarawan ito ni Ma. Bernadette Abrera bilang \u201c(p)inakamatalik na pakikipagkapwa ng dating Pilipino, isang banal at matibay na ugnayan para sa lalong ikabubuti ng magkakasandugo.\u201d\u00a0 Pakay ng pag-aaral na ito ang isakonteksto ang <em>sandugo<\/em> sa uri ng pamumuhay ng mga Bol-anon sa ika-16 na dantaon.\u00a0\u00a0 Sa panahong ito, umusbong bilang sentro ng kalakalan ang maraming komunidad baybayin at kailugan sa kapuluan tulad ng Bohol.\u00a0 Naging bahagi ang mga komunidad na ito ng masalimuot na ugnayang pampulitika, pang-ekonomiya, at pangkultura na namagitan sa mga komunidad baybayin at kailugan sa Timog Silangang Asya.\u00a0 Nasa ganitong konteksto ang pagsagawa at pagbigay-kabuluhan sa <em>sandugo<\/em> bilang isang anyo ng <em>pakikipagkapwa<\/em> ng mga sinaunang pamayanan.\u00a0 Kasamang sisilipin ng pag-aaral ang konseptong <em>buut<\/em> ng mga Bisaya at kaugnayan nito sa pag-unawa sa naging halaga at kahulugan ng <em>sandugo<\/em> para sa mga Bol-anon.\u00a0 Sa kabilang banda, saksi rin ang panahong ito sa paglawak ng interes ng mga Europeo sa rehiyon tulad ng mga Espa\u00f1ol.\u00a0 Isang epekto nito ang pagkalansag sa balanse ng kapangyarihang namayani sa maraming komunidad baybayin.\u00a0 Kaugnay nito, layon din ng pag-aaral na alamin kung paano binago ng mga Bol-anon ang kahulugan at gamit ng <em>sandugo<\/em> sa kanilang pagtatangkang pag-ibayuhin ang kanilang posisyon sa isang nagbabagong reyalidad na dala ng pagdating ng mga Espa\u00f1ol.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p><em>In the imagination of 19<sup>th<\/sup> century <\/em>Ilustrados<em>, the blood compact or <\/em>sandugo<em> concluded between Katunao and Miguel Lopez de Legazpi was perceived as signaling the start of Spanish hegemony in the country.\u00a0 Juan Luna and Marcelo del Pilar were among those that featured this event in their works, which presented the Filipinos as subjects under the Spanish colonial regime.\u00a0 On the other hand, their contemporary, Andres Bonifacio believed that the <\/em>sandugo<em> initiated and incorporated the Spaniards into the indigenous cultural environment of the country.\u00a0 Ma. Bernadette Abrera described <\/em>sandugo <em>as an expression of an intimate and eternal bond of friendship, wherein both parties were bound to protect and to look after the well-being of one another.\u00a0 This paper therefore, seeks to locate the <\/em>sandugo <em>within the exigencies of Bol-anons\u2019 existence in the 16<sup>th<\/sup> century.\u00a0 The time saw the emergence of coastal and riverine communities, including those found in Bohol as trading and population centers.\u00a0 These communities were closely linked to the complex networks of political, economic, and cultural alliances that pervaded most regions in Southeast Asia.\u00a0 It was in this context that the <\/em>sandugo<em> was concluded and was made meaningful as an integral part of the social interaction or <\/em>pakikipagkapwa <em>among the different trading communities, including those in Bohol.\u00a0 The related Visayan concept of <\/em>buut<em> and its relevance in understanding the Bol-anons\u2019 view of the sandugo will also be reviewed.\u00a0 However, the time also witnessed the increasing presence of European interests in the region thereby upsetting the balance of power enjoyed by many of these communities.\u00a0 In this juncture, the study also aims to investigate as to how the ancient Bol-anons redefined and re-imagined the meanings of <\/em>sandugo <em>in their attempts to gain leverage in a changed cultural landscape brought about by the arrival of the Spaniards<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANIMULA<\/strong><\/p>\n<p>Itinampok sa ilang panulat ang <em>sanduguan<\/em> nina Katunao<sup>*<\/sup> at Miguel Lopez de Legazpi bilang hudyat ng masalimuot na ugnayan sa pagitan ng mga dayuhang Espa\u00f1ol at mga Pilipino.\u00a0 Mula sa pananaw ng mga Ilustrado sa ika-19 na dantaon, isa ito sa mga pangunahing kaganapang tampok sa kasaysayang kolonyal ng Pilipinas.\u00a0 Nakapaloob ito sa layunin ng mga intelektwal na Pilipinong palaganapin ang konsepto ng <em>nacion<\/em> sa mga panahong iyon (Salazar 2011).\u00a0 Pangunahin dito ang guhit\/pintura ni Juan Luna ng nasabing <em>sanduguan<\/em> na may pamagat na <em>Pacto de Sangre<\/em> (tingnan ang Larawan 1) at ang panulat ni Marcelo del Pilar na pinamagatang <em>La Soberania Monacal en Filipinas<\/em> (Aguilar 2010).\u00a0 Para sa mga ito, simbolo ang <em>pakikipagsanduguan<\/em> ni Legazpi sa pagpasok ng Madre Espa\u00f1a sa maternal na obligasyong akayin ang mga Pilipino tungo sa liwanag ng higit na kagalingan at sibilisasyon (Abrera 1995; Aguilar 2010).\u00a0 Mula sa kaisipan ng <em>nacion<\/em>, dumako pa ang pagpapakahulugan sa kaganapang ito sa loob ng Katipunan, partikular sa imahinasyon ni Andres Bonifacio.\u00a0 Sa kanyang akdang <em>Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog<\/em>, ang <em>sanduguan <\/em>nina Katunao at Legazpi ay pagsaklaw ng katutubong kaayusan at kalinangan sa mga dayuhang mananakop (Bonifacio 1896).\u00a0 Ang pang-aaping dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espa\u00f1ol ay malinaw na paglabag sa kabanalan ng <em>sanduguan<\/em>.\u00a0 Kaya para sa kanya, ang Himagsikang 1896 ay makatwirang pagkilos laban sa pagtataksil ng mga Espa\u00f1ol.\u00a0 Pinalawig pa ng pag-aaral ni Ma. Bernadette Abrera (1995) ang kabuluhan ng <em>sanduguan<\/em> sa kalinangang Pilipino.\u00a0 Itinuring niya itong \u201c(p)inakamatalik na pakikipagkapwa ng dating Pilipino, isang banal at matibay na ugnayan para sa lalong ikabubuti ng magkakasandugo.\u201d\u00a0 Mahihinuha sa mga halimbawang pagtalakay ang iba\u2019t ibang pagpapakahulugan sa <em>sanduguan<\/em> nina Katunao at Legazpi magmula sa ika-19 na dantaon hanggang sa kasalukuyang panahon.\u00a0 At bilang karagdagang pagpapayaman sa kahulugan ng nasabing kaganapan, tatangkain ng pag-aaral na itong isakonteksto at iugat ang kabuluhan nito ayon sa kasaysayan ng pook na pinagganapan, ang Bohol sa ika-16 na dantaon.\u00a0 Bilang isang nakagawiang paraan ng pakikipag-ugnayan, paano kaya ito binigyang-kahulugan ng mga Bol-anon sa konteksto ng pagdating ng mga Espa\u00f1ol na mananakop?\u00a0 Hangad din ng pag-aaral na tingnan ang <em>sanduguan<\/em> nina Katunao at Legazpi batay sa mga antas ng <em>pakikipagkapwa-tao<\/em> ayon sa konsepto ni Virgilio Enriquez (1978) na iuugnay rin sa konseptong <em>buut <\/em>ng mga Bisaya.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan 1<\/strong><br \/>\n<em>El Pacto de Sangre (1886)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/El-Pacto-de-Sangre-1886.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-247\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/El-Pacto-de-Sangre-1886.jpg\" alt=\"El Pacto de Sangre (1886)\" width=\"624\" height=\"441\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/El-Pacto-de-Sangre-1886.jpg 624w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/El-Pacto-de-Sangre-1886-300x212.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/El-Pacto-de-Sangre-1886-100x70.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/El-Pacto-de-Sangre-1886-150x106.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/El-Pacto-de-Sangre-1886-200x141.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/El-Pacto-de-Sangre-1886-450x318.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/El-Pacto-de-Sangre-1886-600x424.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 624px) 100vw, 624px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Matatagpuan ang guhit\/pintura ni Juan Luna sa Palasyo ng Malaca\u00f1an.\u00a0 Larawang kuha mula sa <em>Malaca\u00f1an Palace Collection<\/em> na ipinagkaloob ng <em>Presidential Museum and Library, Republic of the Philippines<\/em>.<\/p>\n<p>Bagama\u2019t may kahirapan ang paghahanap ng mga batis hinggil sa kaganapang ito na sumalamin sa panig ng mga katutubong Pilipino, may silbi pa rin ang batis Espa\u00f1ol sa pagsilip sa naging pananaw ng mga Bol-anon.\u00a0 Malimit daanan ng mga sinaunang pangkat ng mga dayuhang Europeo ang pook ng Bohol kaya\u2019t inaasahan ang pakikipag-ugnayan sa mga pinuno at mamamayan nito sa anyo man ng kalakalan at pananalakay.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>POOK NG <em>SANDUGUAN<\/em> NINA KATUNAO AT LEGAZPI<\/strong><\/p>\n<p>Matatagpuan ang kapuluan ng Bohol sa pagitan ng Leyte sa silangan at Cebu sa hilagang kanluran (Wemstedt at Spencer 1967).\u00a0 Sa katimugang bahagi nito ang Mindanao at maliliit na pulo sa pagitan tulad ng Camiguin at Siquijor.\u00a0 Inilarawan sa ulat ni Antonio de Morga (1609) ang Bohol na kabilang sa mga tanyag at naglalakihang pulo sa Pilipinas.\u00a0 Kahanay nito ang Luzon, Mindoro, Capul, Masbate, Burias, Marinduque, Leyte, Samar, at iba pang pangunahing pulo.\u00a0 Kabilang din ito sa mga pulong may mataas na bilang ng populasyon sa taong 1600 (Chirino 1604).\u00a0 Maraming maliliit na pulo ang nakapalibot at sakop ng Bohol (tingnan ang Mapa).\u00a0 Nariyan ang Pamilacan, Cabilao, Sandingan, Pangangan, Mahanay, at Lapinig (Putong 1965).\u00a0 Ayon sa oral na kasaysayan, nagmula ang pangalan ng Bohol sa isang kahariang tatlong kilometro ang layo mula sa kasalukuyang kabisera nito, ang Tagbilaran (Putong 1965).\u00a0 Ito ang kaharian ng Bool na pangalan pa rin sa kasalukuyan ng nasabing lugar.\u00a0 Sinasabing maaaring hinango rin ito mula sa isang uri ng halamang tumutubo sa baybay-dagat, ang boho.\u00a0 Salat sa masusukal na kagubatan ang lugar na ito sa kadahilanang mabato, mabundok, at kakaiba ang klase ng lupa.\u00a0 Liban sa pagiging mabato ng lupa, may kalagkitan din ito na mainam na materyal sa paggawa ng palayok.\u00a0 Sa kabila ng ganitong katangian ng lupa, may maliliit na lambak sa pagitan ng mga burol o munting kabundukan na tinawag na <em>basacan<\/em>.\u00a0 Mataba ang lupa sa mga munting lambak na maaaring sakahin (Putong 1965).\u00a0 Dahil maliit na bahagi lamang ng mga lupain ang nakalaan sa agrikultura, tanging mga halamang-ugat na akma sa mabatong lupa ang sagana rito tulad ng kamote, ubi, at gabi (<em>Memorias de Bohol<\/em> 1890).\u00a0 Inilarawan din ng mga ulat Espa\u00f1ol na mayaman ang lugar sa mga mineral tulad ng manganese at asbestos (Cavada Mendez y Vigo 1876).\u00a0 Dahil sa pagkakaroon nito ng mga likas na yaman, napukaw ang interes ng mga sinaunang Espa\u00f1ol na angkinin ang mga ito.\u00a0 Sa katunayan, naiulat ni Legazpi ang minahan ng mga ginto na kilala sa tawag na <em>bulawan<\/em>, sa lugar ng Talibon sa hilaga (Legazpi 1564-1568b).\u00a0 Kaugnay nito, kanyang hiniling sa Hari ng Espa\u00f1a na bigyang-karapatan ang kanyang mga tauhan na ariin ang mga minahang ito upang diumano mahikayat ang mga ito na linangin ang lupa ng Bohol.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Mapa<\/strong><br \/>\n<em>Mapa ng Bohol (1900)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Bohol-1900.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-248\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Bohol-1900.jpg\" alt=\"Mapa ng Bohol (1900)\" width=\"623\" height=\"725\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Bohol-1900.jpg 623w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Bohol-1900-257x300.jpg 257w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Bohol-1900-100x116.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Bohol-1900-150x174.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Bohol-1900-200x232.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Bohol-1900-300x349.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Bohol-1900-450x523.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Mapa-ng-Bohol-1900-600x698.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 623px) 100vw, 623px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 540px;\">Pretchett (1900)<\/p>\n<p>Pagdating ng ika-19 na dantaon, lumawig ang presensya ng puwersang Espa\u00f1ol sa Kabisayaan.\u00a0 Kasabay nito ang pag-unlad ng kakayahang ilarawan sa mga opisyal na ulat ang pisikal na katangian ng mga lugar tulad ng Bohol.\u00a0 Sa taong 1882, binanggit ng isang ulat Espa\u00f1ol ang mga kabundukan ng Ambian, Albila, Basage, San Salvador, at Copton (Moya 1882).\u00a0 Makikita ang nagtataasang kabundukan mula sa bayan ng Guidulman sa silangan hanggang sa bayan ng Maribijoc at Paminuitan sa kanluran (<em>Guia de Filipinas<\/em> 1885).\u00a0 Mula rito, paakyat na ang hanay ng mga kabundukan pahilaga tungong bayan ng Talibon.\u00a0 Mula sa Talibon, bahagyang naging patag ang kalupaan.\u00a0 Sa pagitan ng mga hanay ng kabundukan matatagpuan ang mga kakaibang burol ng Carmen na kilala bilang <em>kahibulungang moto<\/em> (misteryosong burol) o <em>Chocolate Hills <\/em>(tingnan ang Larawan 2).\u00a0 Sagana ang mga kabundukang ito sa tubig na dumadaloy pahilaga patungo sa mga baybayin ng Getafe, Ubay, at Talibon.\u00a0 Kaya\u2019t ilang mahahalagang ilog din ang matatagpuan sa Bohol na lalong nagpaibayo sa kakanyahang agrikultural ng lugar.\u00a0 Sa hilaga matatagpuan ang pinakaimportanteng ilog ng Inabanga (tingnan ang Larawan 3) dahil sa haba at laki nito kasama ang Ilog Fragata (<em>Guia de Filipinas<\/em> 1885).\u00a0 Sa timog nariyan ang Ilog Abatan, habang matatagpuan naman ang Ilog Loboc (tingnan ang Larawan 4) sa gitnang bahagi ng Bohol.\u00a0 Sa silangan naman ang Ilog Manaba kasama ang Ilog Guisularan at Ilog Napo.\u00a0 Liban sa mga ito, ilang maliliit na katubigan pa ang matatagpuan sa lugar na lubhang nakaapekto sa daloy ng ugnayan at kasaysayan ng Bohol.\u00a0 Ang mga nabanggit na ilog ang karaniwang naging tagapag-ugnay sa mga pamayanang nasa interyor, baybayin, at ibayong dagat.\u00a0 Di lamang patubig ang silbi ng mga ilog na ito, daanan din ito ng transportasyon at kalakalang nagpaunlad sa maraming komunidad. Kinumpleto naman ng mayamang karagatan ang talaan ng mga anyong tubig na katulong sa pag-ukit sa lokal na kasaysayan ng Bohol.\u00a0 Ang mayamang karagatang nakapalibot ay pinagkunan din ng kabuhayan ng mga Bol-anon.\u00a0 Ang mga pinatuyong isda ay kanilang ipinagpapalit sa palay na inangkat mula sa ibayong lugar (Jagor 1875).\u00a0 Ayon pa rin kay Morga (1609), mula sa malalawak na dalampasigan ng Bohol, iniluwas ang mga susong dagat na sigay patungong Siam, Cambodia, India, at Portugal.\u00a0 Kilala ito sa katutubong tawag na buskay.\u00a0 Nagsilbing salapi ang sigay sa maraming lugar sa Timog Silangang Asya kasama na ang India (Buzeta at Bravo 1851).\u00a0 Samakatwid, nakadagdag estimulasyon sa pag-usbong ng mga baybaying pamayanan ang mga aplaya, dalampasigan, at kailugan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan 2<\/strong><br \/>\n<em>Kahibulungang Moto (1997)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Kahibulungang-Moto-1997.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-249\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Kahibulungang-Moto-1997.jpg\" alt=\"Kahibulungang Moto (1997)\" width=\"433\" height=\"265\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Kahibulungang-Moto-1997.jpg 433w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Kahibulungang-Moto-1997-300x183.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Kahibulungang-Moto-1997-100x61.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Kahibulungang-Moto-1997-150x91.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Kahibulungang-Moto-1997-200x122.jpg 200w\" sizes=\"(max-width: 433px) 100vw, 433px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: left; padding-left: 240px;\">Tinatawag na \u201cKahibulungang Moto\u201d o mahiwagang burol ang tanyag na<br \/>\nChocolate Hills. Larawang kuha ng may-akda.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan 3<\/strong><br \/>\n<em>Ilog Inabanga (1997)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Inabanga-1997.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-250\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Inabanga-1997.jpg\" alt=\"Ilog Inabanga (1997)\" width=\"434\" height=\"266\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Inabanga-1997.jpg 434w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Inabanga-1997-300x183.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Inabanga-1997-100x61.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Inabanga-1997-150x91.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Inabanga-1997-200x122.jpg 200w\" sizes=\"(max-width: 434px) 100vw, 434px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: left; padding-left: 240px;\">Ang Ilog Inabanga sa hilaga, pinakamalaking ilog sa Bohol.<br \/>\nLarawang kuha ng may-akda.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan 4<\/strong><br \/>\n<em>Ilog Loboc (1997)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Loboc-1997.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-251\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Loboc-1997.jpg\" alt=\"Ilog Loboc (1997)\" width=\"434\" height=\"266\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Loboc-1997.jpg 434w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Loboc-1997-300x183.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Loboc-1997-100x61.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Loboc-1997-150x91.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Ilog-Loboc-1997-200x122.jpg 200w\" sizes=\"(max-width: 434px) 100vw, 434px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: left; padding-left: 240px;\">Ang Ilog Loboc na dumadaloy patungo sa bayan ng Loay at dating<br \/>\nsakop ng Baclayon sa panahon ni Katunao. Sa bukana ng ilog na ito<br \/>\ndumaong ang puwersa ni Legazpi. Larawang kuha ng may-akda.<\/p>\n<p>Liban sa agrikultura, naging pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang komunidad sa Bohol ang kalakalan, partikular sa mga baybaying komunidad.\u00a0 Upang mapag-ibayo ang produksyon, isinagawa ng mga Bol-anon ang pananalakay sa ibang bayan na maaaring pagkunan ng produktong pangkalakal tulad ng alipin.\u00a0 Para sa mga komunidad na ito, sistematisado ang pang-aalipin bilang batayan ng kalakalan at agrikultura.\u00a0 Ang mga pananalakay ay okasyon din ng pagpapabatid at balidasyon ng kapangyarihan ng mga lokal na pinuno.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>MGA SINAUNANG BOL-ANON AT PAMAYANAN<\/strong><\/p>\n<p>Tinawag ni Morga (1609) ang Bohol bilang lupain ng mga <em>Pintados<\/em>.\u00a0 Ang kalalakihan at kababaihan ay inilarawang may maayos na disposisyon sa buhay.\u00a0 Dagdag pa ni Morga, mabubuti ang ugali ng mga Bisaya tulad ng mga Bol-anon kung ihahambing sa ibang katutubo.\u00a0 Ayon naman sa obserbasyon ni Pedro Chirino (1604), mapuputi at magaganda ang mga katutubong Bol-anon kung ihahambing sa ibang Bisaya.\u00a0 Dahil sa ganitong anyong pisikal, ipinagpalagay ng paring si Francisco Ignacio Alcina (1668-1670) na galing ang mga Bol-anon sa Borneo at Makassar.\u00a0 Ayon sa pagsasalarawan ni Miguel de Loarca (1582), mahusay na manlalayag at tagagaud ang mga tao sa <em>Vohol <\/em>na bihasa sa ekspedisyong pakay ay pananalakay.\u00a0 Dahil sa mga kakayahang ito, kinilala sila ng mga Espa\u00f1ol bilang matatapang at mababangis na mandirigma.\u00a0 Puno ng makukulay na disenyo ang katawan ng kalalakihan na kilala bilang <em>patik<\/em>.\u00a0 Tanda ang mga disenyong ito ng katapangan ng isang indibidwal at salamin ng isang lipunang nabubuhay sa pakikidigma.\u00a0 Bunga nito, naging tanyag ang mga mandirigmang ito sa tawag na <em>Pintados<\/em> (Alcina 1668-1670).\u00a0 Ang kababaihan ay inilalarawang naglalagay ng patik sa kanilang mga kamay lamang (Boxer Codex 1590).\u00a0 Nagsusuot ang kalalakihan ng malalaking hikaw na yari sa ginto at gareng na kilala bilang <em>panico, barat,<\/em> at <em>pamarang<\/em> (Morga 1609; Alcina 1668-1670).\u00a0 Suot naman ng mga mandirigma ang kulay pulang bahag na kilala bilang <em>pinayusan<\/em>.\u00a0 Yari sa abaka ang bahag ng karaniwang tao habang yari naman sa seda ang suot ng mga datu (Alcina 1668-1670).\u00a0 Katulad ng kalalakihan, suot din ng kababaihan ang mga alahas na yari sa ginto sa kanilang mga leeg, kamay, at daliri.\u00a0 Isang balabal na gawa sa telang ginto na kilala bilang <em>pinarogmoc <\/em>ang suot ng mga katutubo na kadalasa\u2019y sumasayad sa lupa (Alcina 1668-1670).\u00a0 Bahagi rin ng kanilang kasuotan ang makukulay na tapis na kilala bilang <em>habul<\/em> sa Kabisayaan.\u00a0 Sa ika-16 na dantaon, inilarawang nakatira ang mga Bol-anon sa tabi ng dagat, ilog, sapa, at bambang (Morga 1609).\u00a0 Ang kanilang kabahayan ay may makikitid na silid na karaniwang yari sa isang uri ng kawayan na kilala bilang <em>botong<\/em> at may mababang bubong na gawa sa nipa.\u00a0 May kataasan ang kabahayang nakatindig sa mahahabang haligi na nakatusok sa lupa o buhangin (Alcina 1668-1670).\u00a0 Umaabot sa anim hanggang walo ang bilang ng haliging gamit na mula sa kahoy na <em>tugas<\/em>.\u00a0 Karaniwang dalawa hanggang tatlong pamilya ang nakatira rito.\u00a0 Masasalamin sa mga diskripsyong ito ang isang lipunang may pagkakaiba sa antas at katayuan ang mga mamamayan.\u00a0 Larawan ito ng isang lipunang nasa proseso ng pagbuo ng higit na kumplikadong kaayusan.\u00a0 Dala ito ng ugnayang pampulitika, pang-ekonomiya, at pangkultura na nalikha sa pagitan ng mga komunidad.<\/p>\n<p>Bilang lipunang nabubuhay sa pananalakay, aktibong nakilahok sa gawaing ito ang mga Bol-anon kasama ang mga lokal na datu.\u00a0 Dahil salat sa lupaing maaaring linangin, hindi naging pangunahing batayan ng kabuhayang Bol-anon ang agrikultura.\u00a0 Dulot ng pagsasagawa ng pananalakay sa mga baybaying dagat, itinuring silang kinatatakutang mandaragat.\u00a0 <em>Pirateria<\/em> ang turing ng mga Espa\u00f1ol sa gawaing ito na ayon kay Gobernador Heneral Francisco de Sande ay isang uri ng krimeng pagnanakaw na naganap sa karagatan at baybayin (Marcos 1976).\u00a0 Ngunit para sa mga sinaunang lipunang Pilipino, bahagi ito ng kalakarang laganap sa Timog Silangang Asya sa mga panahong iyon.\u00a0 Ayon sa ulat ni Francisco Colin (1663), isang kilalang datu sa Bohol ang inilibing sa bangkang tinawag na <em>barangay<\/em>.\u00a0 Ang bangkang ito ang ginamit ng mga manlalayag sa kanilang pakikidigma at pananalakay.\u00a0 Habang ginaganap ang ritwal, napalilibutan ang labi ng datu ng 70 armadong alipin at pinapabaunan pa ng pagkain.\u00a0 Pagkilala ang ganitong paglilibing sa giting at husay ng yumao bilang manlalayag at mangangayaw.\u00a0 Sa Kabisayaan, tinawag ang mga pananalakay sa kalupaan na mangubat, samantalang pangangayaw ang tawag sa isinagawa sa mga katubigan (Scott 1994).\u00a0 Naging madali ang paglakbay sa karagatan nang matutunan ng mga Bisaya ang paggamit ng <em>compass<\/em> na kilala bilang <em>padolaman<\/em> (Alcina 1668-1670). Ang katanyagan ng mga Bisaya bilang mababangis na manlalayag ay umabot hanggang Tsina.\u00a0 Kilala roon ang mga Pi-she-ya dahil sa pananalasa ng mga ito sa maraming komunidad baybayin ng Timog Tsina sa huling bahagi ng ika-12 na dantaon (Scott 1994).\u00a0 Isa sa mga kuwentong inawit ng mga manlalayag noong ika-16 na dantaon ang buhay pag-ibig ng isang mahusay na mangayaw na nagngangalang Datu Sumanga.\u00a0 Naging tanyag siya sa pananalakay na inilunsad mabihag lamang ang puso ng isang dalagang mula Bohol na nagngangalang Bugbung Humasanun (Scott 1994).\u00a0 Nilusob niya ang mga lugar ng Tandag, Camiguin, Siquijor, Dapitan, Mindanao, Jolo, at Tsina.<\/p>\n<p>Nasa ganitong kalagayan ang Bohol nang dumating ang Espa\u00f1ol na si Legazpi.\u00a0 Ilang komunidad baybayin ang nasa proseso ng pagbuo ng higit na kumplikadong lipunan nang datnan nila ang mga ito.\u00a0 Ang mga pamayanang ito ay aktibong nakipag-ugnayan sa mga karatig-lugar at ibayong dagat sa parehong anyo ng kalakalan at pananalakay.\u00a0 Sa ganitong konteksto natunghayan ni Legazpi ang ritwal ng <em>sandugo<\/em> sa mga pamayanang nadaanan niya katulad ng Bohol.\u00a0 Naganap ang <em>sanduguan <\/em>nina Katunao at Legazpi sa gitna ng pangangailangan ng maraming pamayanan sa kapuluan tulad ng Bohol na pag-ibayuhin ang impluwensiya di lamang sa larangang pulitikal ngunit lalo\u2019t higit sa usapin ng kalakalan at kabuhayan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>KOMUNIDAD BAYBAYIN SA PANAHON NG<em> SANDUGUAN<\/em> NINA KATUNAO AT LEGAZPI<\/strong><\/p>\n<p>Parehong inilarawan ng ulat ni Loarca (1582) at ng Boxer Codex (1590) ang <em>sandugo<\/em> bilang ritwal ng pagkakasundo at pagkakaibigan.\u00a0 Isa itong kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang tao o pangkat ng tao.\u00a0 Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng ilang patak ng dugo mula sa braso ng dalawang tao na pagsasamahin sa isang lalagyan.\u00a0 Hahaluan ng konting alak ang pinagsamang dugo sabay iinumin ng mga taong nais <em>magsanduguan<\/em>.\u00a0 Sinasabing malalim at habambuhay ang bisa ng kasunduang ito (Boxer Codex 1590).\u00a0 Ayon sa mga ulat Espa\u00f1ol, palasak at palagiang isinasagawa ng maraming komunidad ang <em>sandugo<\/em>.\u00a0 Mahalagang masilip ang anyo at kalagayan ng mga komunidad sa Bohol na nakilahok sa <em>sandugo<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Ang Pamayanan ng Dauis sa Ilalim ng Magkapatid na Pagbuaya at Dailisan<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Isa sa mga komunidad na nadatnang maunlad ng mga Espa\u00f1ol ang Dauis.\u00a0 Bahagi ito ng maliit na pulo ng Panglao at malapit sa pangunahing pulo ng Bohol (tingnan ang Larawan 5).\u00a0 Isang mababaw na kipot na tinawag na <em>awo <\/em>ang naghihiwalay sa pangunahing pulo ng Bohol at Dauis (Alcina 1668-1670) (tingnan ang Larawan 6).\u00a0 Ang Dauis ang pinakamalapit na pamayanan sa kasalukuyang kabisera ng Bohol, ang Tagbilaran, at may layong isang kilometro mula rito.\u00a0 Sa tuwing mababa ang lebel ng dagat, natutuyo ang kipot na nagpapalitaw sa napakalawak na buhanginan.\u00a0 Ayon sa ulat ni Francisco Combes (1663), abot baywang lamang ang tubig na maaaring pasukin ng maliliit na sasakyang dagat.\u00a0 Mula sa lugar na ito ang kilalang Dapitanos ng Hilagang Mindanao.\u00a0 Hindi naabutan ni Legazpi ang katanyagan ng pamayanang ito sa kadahilanang naglaho ito bago pa man siya mapadako sa Bohol.\u00a0 Nanatiling sariwa sa alaala ng mga katutubo mula sa loob at labas ng Bohol ang katanyagan ng nasabing lugar.\u00a0 Unang nabatid ni Legazpi ang kuwento ng Dauis sa mga katutubo ng Mindanao nang mapadako siya roon.\u00a0 Nakita roon ni Legazpi si Pagbuaya, pinuno ng mga Dapitanos na nagmula sa Dauis.\u00a0 Ipinagbigay-alam ni Pagbuaya kay Legazpi ang mga lugar na maaaring lakbayin tulad ng Panglao at Dauis.\u00a0 Ibinahagi pa ni Pagbuaya kay Legazpi ang kuwento ng bayang pinanggalingan at bilang tanda ng pagkakaibigan, ipinadala ni Pagbuaya ang isang pilotong gabay sa paglalakbay ni Legazpi tungong Kabisayaan.\u00a0 Ang dating maunlad na pamayanan ng Dauis na pinanggalingan ni Pagbuaya ay nakatayo sa mismong kipot ilang taon bago dumating ang hukbo ni Legazpi.\u00a0 Nakipagpalitan ang mga dayuhang mangangalakal, lulan ng kanilang mga bangka, sa mga katutubo ng Dauis sa ilalim mismo ng kabahayang nasa ibabaw ng tubig.\u00a0 Sinasabing nakahanay ang kabahayan mula sa dalampasigan hanggang looban at kabuuan ng pulo ng Panglao.\u00a0 Dahil sa pagiging sentro ng kalakalan, inihalintulad ni Alcina (1668-1670) sa Venice ang mayamang pamayanan ng Dauis.\u00a0 Bilang bahagi ng paglawak ng kapangyarihan, nagsagawa ito ng mga paglusob sa mga katunggaling pamayanan tulad ng Baclayon (Combes 1663).\u00a0 Ilan sa mga taong lumikas ang nagtatag ng panibagong komunidad sa interyor na lugar ng Loboc na nasa tabi ng isang ilog.\u00a0 Napunta sa Dauis ang monopolyo sa paghawak ng kalakalan sa mga baybaying komunidad ng Bohol.\u00a0 Nakinabang nang husto ang pamayanang ito sa mga oportunidad na dala ng lokasyon at katangiang pisikal.\u00a0 Naging natural ang pagpasok nito sa sona ng kalakalang sumaklaw sa maraming lugar na baybayin at interyor ng Bohol at karatig-pook.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan 5<\/strong><br \/>\n<em>Pulo ng Panglao, Dauis (1997)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pulo-ng-Panglao-Dauis-1997.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-252\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pulo-ng-Panglao-Dauis-1997.jpg\" alt=\"Pulo ng Panglao, Dauis (1997)\" width=\"434\" height=\"266\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pulo-ng-Panglao-Dauis-1997.jpg 434w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pulo-ng-Panglao-Dauis-1997-300x183.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pulo-ng-Panglao-Dauis-1997-100x61.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pulo-ng-Panglao-Dauis-1997-150x91.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pulo-ng-Panglao-Dauis-1997-200x122.jpg 200w\" sizes=\"(max-width: 434px) 100vw, 434px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: left; padding-left: 240px;\">Mula baybayin ng Baclayon, tanaw ang pulo ng Panglao. Bayan ng Dauis ang<br \/>\nbahaging ito ng Panglao na katapat ng Baclayon. Larawang kuha ng may-akda.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan 6<\/strong><br \/>\n<em>Awo na Naghihiwalay sa Dauis at Tagbilaran (1997)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Awo-na-Naghihiwalay-sa-Dauis-at-Tagbilaran-1997.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-253\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Awo-na-Naghihiwalay-sa-Dauis-at-Tagbilaran-1997.jpg\" alt=\"Awo na Naghihiwalay sa Dauis at Tagbilaran (1997)\" width=\"434\" height=\"266\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Awo-na-Naghihiwalay-sa-Dauis-at-Tagbilaran-1997.jpg 434w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Awo-na-Naghihiwalay-sa-Dauis-at-Tagbilaran-1997-300x183.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Awo-na-Naghihiwalay-sa-Dauis-at-Tagbilaran-1997-100x61.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Awo-na-Naghihiwalay-sa-Dauis-at-Tagbilaran-1997-150x91.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Awo-na-Naghihiwalay-sa-Dauis-at-Tagbilaran-1997-200x122.jpg 200w\" sizes=\"(max-width: 434px) 100vw, 434px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: left; padding-left: 240px;\">Ang awo o kipot na naghihiwalay sa Dauis at Tagbilaran, dating<br \/>\nkinatitirikan ng kabahayang parte ng pamayanang nasa pamumuno ng<br \/>\nmagkapatid na Pagbuaya at Dailisan. Sa larawang ito, tanaw rin<br \/>\nang Bundok Banat-e ng Tagbilaran mula Dauis, maging ang kipot na<br \/>\nnaghihiwalay sa dalawang lugar. Larawang kuha ng may-akda.<\/p>\n<p>Regular ang pagdating sa Dauis ng mga mangangalakal mula sa iba\u2019t ibang lugar sa Timog Silangang Asya tulad ng Siam, Cambodia, at Ternate na isa sa mga pulo ng Maluku (Combes 1663).\u00a0 Masalimuot ang naging ugnayan ng Dauis at Ternate.\u00a0 Di lamang sa kalakalan nagkatagpo ang mga pamayanang ito, maging sa paglunsad ng pangangayaw ay nagpalitan din ang mga ito.\u00a0 Maraming taon bago dumating ang mga Espa\u00f1ol, isang serye ng gantihan ng pangangayaw ang inilunsad ng Bohol at Ternate sa isa\u2019t isa (Scott 1994).\u00a0 Bago manghimasok ang mga dayuhang Europeo sa katutubong kalakaran, maituturing na balanse lang ang puwersa sa pagitan ng mga magkatunggaling pamayanan.\u00a0 Sinira ng panghihimasok ng mga dayuhan tulad ng mga Portuges ang balanseng ito sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa ilang lokal na pinuno tulad ng Ternate.\u00a0 Ibinahagi ng mga Portuges sa kanilang mga bagong kaibigan at kaalyado ang mga modernong kagamitang pandigma na nagpaangat sa kakayahan ng mga komunidad na gapiin ang kanilang mga tradisyunal na kaaway.\u00a0 Isa ang Dauis sa mga pamayanang negatibong naapektuhan ng pagkalansag ng balanse ng kapangyarihan sa mga kapuluan ng rehiyon.\u00a0 Hudyat ang pakikipagkasundo ng mga taga-Ternate sa mga Portuges ng pangingibabaw ng una sa uri ng ekonomiya at pulitikang nag-ugnay sa maraming komunidad.\u00a0 Lubhang nasalanta ang Dauis nang lusubin ito sa huling pagkakataon ng mga taga-Ternate kasama ang mga kaalyadong Portuges (Combes 1663).\u00a0 Dahil sa malagim na sinapit ng Dauis sa kamay ng nagsanib puwersang Portuges at taga-Ternate, minabuti ng mga katutubo na mangibang-bayan.\u00a0 Nagsimula ang kaganapan nang minsang dumalaw ang mga taga-Ternate upang makipagkalakalan.\u00a0 Naakit ang isang mangangalakal na taga-Ternate sa isa sa mga paboritong asawa ng datu ng Dauis (Combes 1663).\u00a0 Hindi malinaw na tinukoy ng ulat kung sino ang datung ito, bagama\u2019t ang magkapatid na Pagbuaya at Dailisan ang mga pinuno ng Dauis.\u00a0 Ikinagalit ng datu ang pangyayaring ito na isang pagyurak sa kanyang karangalan kaya\u2019t humantong sa isang labanan.\u00a0 Ayon sa ulat, pinutol ng mga Bol-anon ang mga ilong at tenga ng mga mangangalakal ng Ternate (Combes 1663).\u00a0 Nang umabot sa kaalaman ng Sultan ng Ternate ang pangyayari, nagbalak ito ng isang paghihiganti.\u00a0 Ilang taon muna ang lumipas bago isinagawa ng mga taga-Ternate ang kanilang balakin.\u00a0 Minabuti muna nilang palakasin ang kanilang hanay sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga dayuhang Portuges.\u00a0 Makaraan ang ilang taon, bumalik ang mga taga-Ternate kasama ang mga kaalyadong Portuges dala ang 20 <em>joanga <\/em>na may kargang kanyon at musket (Combes 1663).\u00a0 Ang <em>joanga<\/em> ay maaaring magsakay ng 100 armadong katao (Dery 1997).\u00a0 Ayon naman kay Legazpi, walong prahu ang dala ng mga taga-Ternate nang sila ay sumalakay at kumitil ng mahigit 1,000 katao (Legazpi 1564-1568a).\u00a0 Ayon naman sa isa pang salaysay na nakuha ni Legazpi, 500 katao ang nasawi sa labanan habang tangay ng mga taga-Ternate ang 600 na bihag (Legazpi 1564-1568a).\u00a0 Biglaan ang naging paglusob ng magkasanib-puwersang Portuges at mga taga-Ternate na kunwari\u2019y nakipagkalakalan.\u00a0 Tila sanay ang mga katutubong Bol-anon na makiharap sa mga dayuhang puti dahil maayos nila itong pinakitunguhan.\u00a0 Maayos din ang naging pagtanggap ng mga Bol-anon sa mga taga-Ternate na minsan nang lumapastangan sa kanila.\u00a0 Marahil idinikta ang mabuting pagtanggap na ito ng sitwasyong pang-ekonomikong namayani sa mga pamayanang nakinabang sa trapiko ng kalakalan.\u00a0 Ang kaaway at kaibigan ay di permanente sa ganitong kalakaran.\u00a0 Ikinasawi ng datung si Dailisan ang nasabing paglusob.\u00a0 Ilan sa mga mamamayan ng Dauis ang lumikas patungo sa interyor na bahagi ng Bohol tulad ng Loboc, habang ang iba ay naglayag sa ibang kapuluan tulad ng Negros at nanatili sa lugar ng Tanay na nasa bukana ng isang ilog.\u00a0 Ayon sa ulat ni Loarca (1582), mahigit kalahati ng mamamayan ng Dauis ang lumipat dito.\u00a0 Ilan sa kanila ang nagtungo ng Cebu, habang ang datung si Pagbuaya at kanyang angkan ay lumisan patungong Dapitan sa Hilagang Mindanao (Legazpi 1564-1568a).\u00a0 Patunay ang pagkatalo ng Dauis sa superyor na kakayahang makidigma ng magkasabwat na puwersa ng mga taga-Ternate at Portuges.\u00a0 Sa kabila ng husay sa pakikidigma na taglay ng mga Bol-anon, hindi nila natapatan ang lakas ng magkasabwat na puwersa na gumamit ng panlilinlang.\u00a0 Ang pagiging talamak ng panlilinlang sa ugnayan ng mga komunidad baybayin sa panahong ito ay lalong nagpaigting sa pangangailangan ng pagtakda ng higit na matibay na ugnayan sa pagitan ng mga grupo o indibidwal.\u00a0 Tanging <em>sandugo<\/em> ang makakapagpatibay ng ganitong uri ng ugnayan.\u00a0 Pinatunayan ito ng mga naging pagkilos ni Pagbuaya sa Dapitan\u2014sinimulan niya ang pagbuo muli ng impluwensiya at kapangyarihan sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga Espa\u00f1ol.<\/p>\n<p><strong><em>Ang Pamayanan ng Baclayon sa Ilalim ni Katunao<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Sa paglaho ng Dauis, umusbong naman ang ibang pamayanang baybayin tulad ng Baclayon (Alcina 1668-1670).\u00a0 Nagsilbing tagatanggap ang Baclayon ng mga produktong mula sa interyor na bahagi ng Bohol at naging tagapamahagi ng mga ito sa ibang lugar.\u00a0 Regular na dinadalaw ng mga katutubo at dayuhang mangangalakal ang pamayanang ito.\u00a0 Katulad ng Dauis, salat sa pananim ang lugar na ito bunga ng mabato at mabuhanging lupa (Cavada Mendez de Vigo 1876; Buzeta at Bravo 1851).\u00a0 Karugtong ng Dauis ang baybayin ng pamayanang ito.\u00a0 Napapaligiran ang nasabing lugar ng dagat, ilog, at kabundukan.\u00a0 Nasa pamumuno ng datung si Katunao ang lugar na ito nang datnan ni Legazpi.\u00a0 Sinasabing kaanak ng nasabing datu ang mga dating pinuno ng Dauis na sina Pagbuaya at Dailisan (Dery 1997).\u00a0 Nang lisanin ni Pagbuaya ang Dauis, naiwan si Katunao na pangasiwaan ang Baclayon at ipagpatuloy ang paghawak sa kalakalan sa katimugang Bohol (Marcos 1976).\u00a0 Sa ulat ni Alcina (1668-1670), isa sa pinakamalalaking pamayanan sa Kabisayaan ang Baclayon.\u00a0 Katulad ng Dauis, binuo ang Baclayon ng kabahayang nasa ibabaw ng tubig.\u00a0 Pinatunayan ito ng malalaking haliging nahukay sa lugar ng Guiwanon na nasa pangangalaga ng Museo ng Baclayon.<\/p>\n<p>Ayon sa obserbasyon ni Legazpi nang mapadako rito, umabot sa 10,000 katao ang populasyon ng lugar (dela Costa 1961).\u00a0 Patungong Butuan ang kanyang pangkat, dahil sa lakas ng hangin at laki ng alon, napadpad sila sa karagatan ng Camiguin hanggang sa marating nila ang Baclayon.\u00a0 Unang narating ng kanyang pangkat ang baybayin ng Loay na nasa bukana ng Ilog Loboc at dating sakop ng Baclayon.\u00a0 Dito nagpalipas ng ilang araw ang hukbo ni Legazpi habang kinukumpuni ang isa sa mga sirang sasakyang pandagat (Legazpi 1564-1568a).\u00a0 Dahil sa pangangailangan ng pagkain at iba pang probisyon, minabuti niyang bumaba upang humingi ng tulong mula sa mga katutubo.\u00a0 Habang nasa baybayin ng Loay, nakasalubong ng kanyang puwersa ang isang bangkang puno ng palay at halamang ugat mula sa Sogod, Leyte (Rodriguez 1525-1640).\u00a0 Ilan pang bangkang may dalang kalakal tulad ng pagkit at karne ng kambing, na inakala ni Legazpi na aso, ang dumating.\u00a0 Isang bangkang pangkalakal na may sakay na 45 armadong kalalakihan naman ang nakasagupa nina Legazpi sa baybayin ng Baclayon (Legazpi 1564-1568a). \u00a0Humantong ang labanan sa pagkasugat ng 20 katao at pagkasawi ng isang tauhan ni Legazpi.\u00a0 Ilan sa mga armadong kalalakihan ang tumakas lulan ng maliit na bangkang bahagi ng kanilang plota (Legazpi 1564-1568a).\u00a0 Nabihag ni Legazpi ang piloto ng bangka na katutubo ng Brunei.\u00a0 Napag-alamang bihasa sa maraming wika at mahusay na manlalayag ang nasabing piloto na nakapaglakbay na sa Maluku, Java, India, Siam, at Tsina (Legazpi 1564-1568a).\u00a0 Upang makakuha ng mga kinakailangang probisyon, sinabat nina Legazpi ang karga ng bangka.\u00a0 Laman ng bangka ang iba\u2019t ibang produkto tulad ng kumot, telang seda, bulak, lata, bakal, asopre, porselana, at ginto.\u00a0 Ang mga nasabing produkto ay napag-alamang galing Borneo, Tsina, at India.\u00a0 Ipinagbigay-alam ng piloto sa pangkat ni Legazpi ang kahirapang makaugnay nang maayos ang mga Bol-anon bunga ng kawalang-tiwala sa mga dayuhang Espa\u00f1ol.\u00a0 Napatunayan ito ni Legazpi nang humingi ng tulong na pagkain at probisyon sa mga taga-Baclayon ngunit atubili ang mga itong tulungan siya (Legazpi 1564-1568a).\u00a0 Kaya\u2019t kinasangkapan ni Legazpi ang bihag na piloto upang makaugnay ang mga datung sina Katunao at Cigala.\u00a0 Ayon sa paglalarawan ni Legazpi, ang higit na makapangyarihang datu na si Cigala ay nanatili lamang sa baybay-dagat kasama ang ilang tauhan (Rodriguez 1525-1640).\u00a0 Si Cigala ang pinuno ng pamayanan ng Loboc na matatagpuan sa loobang parte ng katimugang Bohol (dela Costa 1961).\u00a0 Sa kabila ng lantad na pagpapakita ng kawalang-tiwala, nakipagkita ang datung si Katunao sa mga dayuhan.\u00a0 Ayon kay Legazpi, nagpahiwatig ng pagkakaibigan si Katunao na kanilang ipinagdiriwang sa pamamagitan ng <em>sanduguan<\/em>.\u00a0 Nang hilingin ni Legazpi na bigyan sila ng mga kinakailangang pagkain at probisyon, positibong tumugon ang datu ngunit makalipas ang ilang araw hindi tinupad ng mga ito sa kanilang pangako (Legazpi 1564-1568a).\u00a0 Sa pagnanasang makakuha ng mga kinakailangang pagkain at probisyon at maikot ang mga karatig-pulo, nagtungo sa Butuan, Negros, at Cebu ang ilan sa kanyang mga tauhan.\u00a0 Sinamahan pa ng mga datung sina Katunao at Cigala ang mga tauhang nagtungo ng Cebu.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong><em>SANDUGUAN<\/em> AYON SA <em>PAKIKIPAGKAPWANG BOL-ANON<\/em><\/strong><br \/>\n<strong>AT KONSEPTONG BUUT NG MGA BISAYA<\/strong><\/p>\n<p>Malinaw ang halaga ng <em>sanduguan<\/em> mula sa hanay ni Legazpi bilang paraan upang makakuha ng karagdagang pagkain at probisyon.\u00a0 Naging daan din ito upang makaugnay ang mga katutubong atubiling makisalamuha sa kanyang pangkat.\u00a0 Sa mga lugar na nadaanan bago marating ang Bohol tulad ng isang pulo sa Leyte, hayagan ang pagtutol ng mga katutubo sa puwersa ng mga Espa\u00f1ol (Legazpi 1564-1568a).\u00a0 Napaslang pa ang kinatawan ni Legazpi habang <em>nakipagsanduguan<\/em> sa lokal na pinuno.\u00a0 Sa kabila ng superyor na sandata, mulat si Legazpi sa katotohanang hindi magagarantiyahan nito ang kanyang tagumpay gayong salat sa pagkain at kulang sa tauhan ang kanyang pangkat.\u00a0 Kinilala ni Legazpi ang kakayahan ng mga katutubong labanan ang kanyang puwersa kaya\u2019t minabuti niyang iwasan ang mga ito at sikaping makipag-ugnay sa mga katutubong kinakitaan ng kaunting pagnanasang makipagkaibigan.\u00a0 Sa madaling salita, higit na kailangan ni Legazpi ang <em>sanduguan<\/em> (Aguilar 2010).\u00a0 Sa panig naman ng pangkat ni Katunao at Cigala, batid nila ang mga peligrong dala ng pakikipag-ugnay sa mga dayuhan bunga ng kanilang karanasan sa mga Portuges.\u00a0 Karagdagan dito ang kanilang kabatiran sa kaganapan sa Cebu at Mactan halos 50 taon na ang nakaraan sa pagitan ng mga datung sina Humabon, Lapu-lapu, at sugo ng mga Espa\u00f1ol na si Ferdinand Magellan.\u00a0 Lubhang napakalapit ng Bohol sa Cebu upang di umabot sa kaalaman ng mga Bol-anon ang kaganapang ito na nagpakita ng tunay na pakay ng mga dayuhan.\u00a0 Ngunit nakita rin nila ang maaaring positibong resulta sa posibleng pakikipagkasundo sa mga ito batay na rin sa naging karanasan ng mga taga-Ternate.\u00a0 Umangat ang kakayahang pandigma, impluwensiya, at kapangyarihan ng Ternate bunga ng pakikipagsabwatan sa mga Portuges.\u00a0 Ang potensyal ng Bohol na maging katulad ng Ternate ay isang bukas na oportunidad na maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng <em>sanduguan<\/em>.\u00a0 Masasabing ang <em>pakikipagsanduguan<\/em> sa mga Espa\u00f1ol ay pagtatangkang ibalik ang balanse ng kapangyarihan at impluwensiya na namayani sa mga komunidad baybayin na nalansag sa pagdating ng mga Portuges sa rehiyon.\u00a0 Naging oportunidad din ito upang alamin at sukatin ang kalakasan maging ang kahinaan ng mga dayuhang Espa\u00f1ol.\u00a0 Ang <em>sanduguan<\/em> ang makapagbibigay sa mga lokal na datu ng Bohol ng makatotohanang pagtataya sa kakayanan ng mga Espa\u00f1ol na may potensyal na maging kakampi at kaaway.<\/p>\n<p>Sa pag-aaral ni Enriquez (1978) sa <em>pakikipagkapwa-tao<\/em> bilang pangunahing konsepto sa pag-unawa sa pakikipag-ugnayang Pilipino, binanggit niya ang dalawang uri ng <em>pakikipagkapwa-tao<\/em>, ito ang pakikiugnay sa <em>ibang tao<\/em> at <em>hindi ibang tao<\/em>.\u00a0 Ang bawat isa sa mga uring ito ay kinabibilangan ng mga antas ng <em>pakikipagkapwa<\/em> (tingnan ang Hanayan 1).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Hanayan 1<\/strong><br \/>\n<em>Pakikipagkapwa-tao sa Ugnayang Pilipino<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 30px;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-254\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino.jpg\" alt=\"Pakikipagkapwa-tao sa Ugnayang Pilipino\" width=\"641\" height=\"122\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino.jpg 1144w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino-300x57.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino-1024x195.jpg 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino-100x19.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino-150x28.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino-200x38.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino-450x85.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino-600x114.jpg 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Pakikipagkapwa-tao-sa-Ugnayang-Pilipino-900x171.jpg 900w\" sizes=\"(max-width: 641px) 100vw, 641px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 570px;\"><em>Enriquez (1978)<\/em><\/p>\n<p>Binigyang-diin ni Enriquez na parehong <em>kapwa<\/em> ang turing ng Pilipino sa mga taong malapit sa kanya, maging sa <em>ibang tao<\/em> na ang turing ay tagalabas.\u00a0 <em>Isig-kaingon<\/em> ang katawagan sa <em>kapwa <\/em>ng mga Bol-anon samantalang <em>makig-ingon-ingon<\/em> ang katumbas ng <em>pakikipagkapwa-tao<\/em>.\u00a0 Ang <em>sanduguan<\/em> nina Katunao at Legazpi ay sumalamin sa <em>pakikipagkapwa-tao<\/em> ng mga Bol-anon sa mga Espa\u00f1ol na nanatiling <em>ibang tao<\/em> o tagalabas ang turing.\u00a0 Malinaw ito sa kawalang-tiwala at pag-alinlangang pinamalas ng mga Bol-anon na atubiling harapin ang pangkat ni Legazpi.\u00a0 Nanatiling balisa at maingat sa pakikitungo ang mga lokal na datu ng Bohol matapos ang <em>sanduguan<\/em>.\u00a0 Samakatwid, hindi umabot ang ugnayan sa pagturing sa mga Espa\u00f1ol bilang <em>hindi ibang tao<\/em>.\u00a0 Sa pagtalakay ni Enriquez, ang ganitong uri ng ugnayan ay nangangailangan ng pakikipagpalagayang-loob sa parehong panig at maaaring humantong sa antas ng pagkikiisa na may buong tiwala at pananalig sa isa\u2019t isa.\u00a0 Mahihinuhang kaiba sa sinaunang <em>sanduguang Pilipino<\/em> ang naganap sa pagitan nina Katunao at Legazpi dahil ito ay <em>pakikipagkapwa<\/em> sa <em>ibang tao<\/em> na hindi humantong sa pagturing sa mga Espa\u00f1ol bilang <em>hindi ibang tao<\/em>.\u00a0 Hindi ito kinakitaan ng pagiging \u201c(p)inakamatalik na pakikipagkapwa\u201d (Abrera 1995).\u00a0 Ang dalawang uri ng <em>pakikipagkapwa-tao<\/em> ni Enriquez ay hindi eklusibo.\u00a0 Sa sinaunang lipunang Pilipino, maaaring humantong ang <em>pakikipagkapwa<\/em> sa <em>ibang tao<\/em> tungo sa pagturing dito bilang <em>hindi na ibang tao<\/em> sa pamamagitan ng <em>sanduguan<\/em>.\u00a0 Ngunit sa kaso ng mga Espa\u00f1ol, hindi naging tulay ang <em>sandugo<\/em> sa pagturing sa kanila bilang <em>hindi ibang tao<\/em>.\u00a0 Nanatiling nasa antas ng pakikitungo lamang ang <em>pakikipagkapwa<\/em> na ipinamalas ng mga Bol-anon sa kanila.\u00a0 Hindi na ito umabot pa sa mga antas ng pakikibagay at pakikisama.\u00a0 Patunay rito ang hirap na dinanas ni Legazpi makaugnay lamang ang mga lokal na pinuno na hindi naman tumugon sa pangangailangan at kahilingan ng una.\u00a0 Masasabing limitado ang bisa at gamit ng <em>sanduguan<\/em> para sa mga Espa\u00f1ol dahil hindi naging buo ang loob ng mga Bol-anon nang maisakatuparan ito.\u00a0 Kaya\u2019t angkop ding tingnan ang kaganapang ito ayon sa kahalagahan ng konseptong <em>buut <\/em>ng mga Bol-anon.\u00a0 Sa akda ni Leonardo Mercado (1972), ipinapalagay na katumbas ng <em>loob<\/em> ng mga Tagalog ang <em>buut<\/em> ng mga Bisaya.\u00a0 Mahalaga ang konsepto ng <em>buut<\/em> sa pag-unawa sa kamalayan, damdamin, at ugaling Bisaya.\u00a0 Sa <em>Vocabulario de la Lengua Bisaya<\/em> ni Matheo Sanchez (1711) at <em>Diccionario Espa\u00f1ol-Bisaya<\/em> ni Juan Felix dela Encarnacion (1866), malawak ang nakasaad na kahulugan nito (tingnan ang Hanayan 2).\u00a0 Katulad ng nabanggit ni Mercado, kabilang dito ang kakayahan sa pag-iisip at pangangatwiran (<em>razon<\/em>), kalooban (<em>voluntad)<\/em>, katapatan (<em>lealtad<\/em>), pananaw (<em>parecer<\/em>), katinuan (<em>juicio<\/em>), pagpapasya (<em>juzgar<\/em>), maging ang mga emosyon ng pagkagusto (<em>ser de gusto<\/em>), at pagkatuwa <em>(agradarse<\/em>).\u00a0 Mula sa mga halimbawang ito, mahihinuhang sakop nito ang kaisipan, kamalayan, at damdamin ng isang tao.\u00a0 Maaaring unawain ang naging pagkilos at pakikitungo ni Katunao sa mga Espa\u00f1ol ayon sa konteksto ng kalikasan at uri ng <em>buut<\/em> na angkin ng magkabilang panig.\u00a0 Binanggit ni Mercado (1975) ang ilang salitang nagbibigay-larawan sa uri ng angking <em>buut<\/em> ng isang indibidwal (tingnan ang Hanayan 3).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Hanayan 2<\/strong><br \/>\n<em>Iba\u2019t Ibang Katagang Buut ang Salitang Ugat<\/em><br \/>\n<em>noong Dantaon 18-19<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><em><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-256\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat.jpg\" alt=\"Iba\u2019t Ibang Katagang Buut ang Salitang Ugat\" width=\"645\" height=\"394\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat.jpg 1017w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat-300x183.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat-100x61.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat-150x91.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat-200x122.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat-450x274.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat-600x366.jpg 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat-900x549.jpg 900w\" sizes=\"(max-width: 645px) 100vw, 645px\" \/><\/a><\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 420px;\"><em>Sanchez (1711); Encarnacion (1866)<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>\u00a0Hanayan 3<\/strong><br \/>\n<em>Iba\u2019t Ibang Katagang Buut ang Salitang Ugat<\/em><br \/>\n<em>sa Kontemporaryong Panahon<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat-2.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-255\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2013\/11\/Iba\u2019t-Ibang-Katagang-Buut-ang-Salitang-Ugat-2.jpg\" alt=\"Iba\u2019t Ibang Katagang Buut ang Salitang Ugat 2\" width=\"666\" height=\"204\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center; padding-left: 540px;\"><em>Mercado (1972)<\/em><\/p>\n<p>Patunay ang <em>sanduguan<\/em> sa pagpapahalaga ng mga Bol-anon sa pagkakaibigan (<em>maayong buut<\/em>).\u00a0 Ngunit upang magkaroon ng \u201cmatalik na pagkakaibigan,\u201d nagaganap ang <em>sandugo<\/em> sa pagitan ng mga indibidwal o pangkat na may mabuting kalooban (<em>maayong kabubut-un<\/em>\/<em>pag-caayo sa buut<\/em>) na hangad ang kabutihan at kagalingan ng parehong panig.\u00a0 Kinakailangan sa <em>sanduguan<\/em> ang mga taong may malinis na hangarin (<em>mahaoan ang buut<\/em>) at maluwag sa loob (<em>magaan sa buut<\/em>) upang maging sagrado ang ritwal na ito.\u00a0 Samakatwid, kinakailangan sa <em>nagsasanduguan<\/em> ang mga taong may mabuting kalooban (<em>buutan<\/em>) at may puso (<em>dagcong buut<\/em>) sa kapwa.\u00a0 Sa <em>sanduguan<\/em> nina Katunao at Legazpi, hindi naging maluwag sa loob ang paglahok ng dalawang panig.\u00a0 Para kay Katunao, mabigat sa loob (<em>bug-at sa buut<\/em>) ang pakikipag-ugnay sa mga dayuhang hindi mapagkakatiwalaan.\u00a0 Hirap ang loob (<em>cabudlay sa buut<\/em>) ng lokal na pinuno na tanggapin ang alok na pagkakaibigang ipinamalas ni Legazpi.\u00a0 Kitang-kita ang pagdadalawang-isip (<em>nagcaduhaduhay buut<\/em>) nito na makipagkasundo sa mga Espa\u00f1ol.\u00a0 Hindi nila kinakitaan ng kabutihan (<em>kabuutan<\/em>) ang mga ito kaya\u2019t nanatiling malamig ang kanilang pakikitungo (<em>guibugnaoan sa buut<\/em>) sa mga dayuhang ito.\u00a0 Sa pagtataya ng mga Bol-anon, masama ang pakay at balakin (<em>pagcadaotan sa tinuyo sa buut\/daotay buut<\/em>) ng mga ito kaya\u2019t nararapat lamang na manmanan ang kanilang mga kilos.\u00a0 Sa kabila ng <em>sandugo<\/em>, patuloy na nagmasid sa mga Espa\u00f1ol ang isang pangkat ng mga armadong Bol-anon habang nakakubli sa kakahuyan ng Baclayon (Sitoy 1985).\u00a0 Bagama\u2019t hindi kailangan ng mga Bol-anon ang <em>sanduguan<\/em>, mainam na kasangkapan ito upang mapag-aralan at masukat ang kakayahan ng mga dayuhan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAGLALAGOM<\/strong><\/p>\n<p>Bahagi ng pagpapalawak sa pag-unawa ng <em>sanduguan<\/em> nina Katunao at Legazpi ang pagsasakonteksto nito sa mga kaganapan noong ika-16 na dantaon sa maraming komunidad baybayin.\u00a0 Maraming komunidad ang umunlad at naging makapangyarihan dahil naging daluyan ng trapiko ng kalakalan, kasama rito ang Bohol.\u00a0 Dahil maituturing na halos magkakapantay lamang ang kapangyarihan at impluwensiya ng mga pamayanang baybayin tulad ng Bohol, palitan ang pagsasagawa ng pananalakay kasabay ng pakikipagkalakalan.\u00a0 Ang <em>sanduguan<\/em> ang namagitan sa mga komunidad na kalahok sa matinding kumpetisyong idinikta ng kalakalan.\u00a0 Ang walang humpay na paghahanap ng kakampi at kapanalig ang naging sandigan ng maraming lokal na pinuno upang mapag-ibayo ang kapangyarihan at impluwensiya.\u00a0 Mga komunidad na may di malayong agwat sa antas ng kapangyarihan at impluwensiya ang inilarawan dito (Junker 2000).\u00a0 Ngunit higit sa praktikal na silbi ng <em>sanduguan<\/em>, malalim ang kabuluhan nito sa sinaunang lipunang Pilipino.\u00a0 Nagkaisa ang mga ulat Espa\u00f1ol sa pagturing dito bilang banal na ugnayang may habambuhay na bisa.\u00a0 Kaya\u2019t maaari itong ipagpalagay bilang mukha ng matalik na <em>pakikipagkapwa<\/em> ng mga sinaunang Pilipino.\u00a0 Nagsilbing pamamaraan ito, upang saklawin ang tagalabas at gawing <em>hindi ibang tao<\/em>.\u00a0 Bilang banal na ritwal, ang pakikipagpalagayang-loob at pagkikiisa ang binigyang-diin nito.\u00a0 Mahalaga rito ang malinis na kalooban (<em>maayong kabubut-un\/pagcaayo sa buut<\/em>), mabuting hangarin (<em>mahaoan ang buut<\/em>), at bukal sa loob (<em>magaan sa buut<\/em>) na pakikiugnay sa kapwa.\u00a0 Sa pagdating ng mga Espa\u00f1ol, nag-iba rin ang kalikasan ng <em>sandugo<\/em>.\u00a0 Ang <em>sanduguan<\/em> sa pagitan ni Katunao at Legazpi ay hindi na umayon sa nakagisnang kahulugan nito. Nanatiling tagalabas o <em>ibang tao<\/em> ang mga Espa\u00f1ol sa kabila ng <em>sanduguan<\/em>.\u00a0 Samakatwid, ang pakikipag-ugnay ng mga Bol-anon ay nasa antas lamang ng pakikitungo.\u00a0 Inilarawan ng mga ulat Espa\u00f1ol ang masidhing pagnanasa ni Legazpi na makaugnay ang mga Bol-anon sa kabila ng pag-atubili ng mga ito.\u00a0 Batid niyang hindi palagiang makakaasa sa superyoridad ng kanilang sandata upang makaugnay ang mga Bol-anon.\u00a0 Hindi kinailangan ng mga Bol-anon na makibagay at makisama sa mga Espa\u00f1ol dahil ang mga ito ang talagang may matinding pangangailangan sa kanila.\u00a0 Kaya\u2019t hindi maituturing na malalim ang pakahulugang idinikit ng mga Bol-anon sa <em>sanduguan<\/em> nina Katunao at Legazpi sapagkat batid nila ang masamang pakay ng mga ito (<em>pagcadaotan ang tinuyo sa buut\/daotay buut<\/em>) batay sa mga kaalaman at impormasyong kasamang dumaloy sa mga pamayanang daanan ng kalakalan.\u00a0 Sa kabila nito, kinasangkapan ng mga Bol-anon ang <em>sandugo<\/em> bilang pagkakataong palakasin muli ang kanilang hanay sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan at pakikipagkasundo sa mga Espa\u00f1ol.\u00a0\u00a0 Kasabay ng pagharap sa mga bagong hamong dala ng kolonisasyon para sa kanilang kapakanan, binago ng mga Bol-anon ang kahulugan, gamit, at kabuluhan ng <em>sanduguan<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Talahuli<\/strong><\/p>\n<p>* Ang \u201cSi\u201d ay isang uri ng pantukoy sa wikang Pilipino at hindi bahagi ng pangalan ng isang tao (Villanueva at Mariano 1960).\u00a0 Ayon kay Augusto de Viana (2004), ikinakabit ang \u201csi\u201d sa pangalan bilang tanda ng paggalang.\u00a0 Bagama\u2019t ang pangalang \u201cSikatuna\u201d ang binanggit ng mga ulat Espa\u00f1ol, sa akda ng ilang historyador tulad ni Luis Dery (2000), Raha Katunao ang mas akmang pangalan dahil makahulugan ito sa wikang Bisaya.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Abrera, M.B.L. (1995).\u00a0 Sandugo sa Katipunan.\u00a0 Nasa Z.A. Salazar, E. Yulo, at A.M. Navarro, <em>Talaarawan 1996; Handog sa sentenaryo; Himagsikang 1896.\u00a0 <\/em>Quezon City: Miranda Bookstore, Mr3\/Mr4 [35].<\/p>\n<p>Aguilar, F.J. (2010).\u00a0 The <em>pacto de sangre<\/em> in the late nineteenth-century nationalist emplotment of Philippine history.\u00a0 <em>Philippine Studies<\/em>, 58 (1-2), 79-109.<\/p>\n<p>Alcina, F.I. (1668-1670).\u00a0 Historia de las islas e indios de Bisayas 1668. \u00a0Mga tsln. C. Kobak at P. Fernandez.\u00a0 <em>Philippine Sacra<\/em>, 13-20 (1978-1985), 123-469.<\/p>\n<p>Bonifacio, A. (1896).\u00a0 Ang dapat mabatid ng mga Tagalog.\u00a0 Nasa Z.A. Salazar, E. Yulo, at A. Navarro, <em>Talaarawan 1996; Handog sa sentenaryo; Himagsikang 1896.\u00a0 <\/em>Quezon City: Miranda Bookstore, En7\/En8 [6-7].<\/p>\n<p>Boxer Codex (1590).\u00a0 Customs and ceremonial usages and rites of Bisayans.\u00a0 Nasa F.L. Jocano (pat.), <em>The Philippines at the Spanish contact<\/em>.\u00a0 Manila: MCS Enterprise, Inc., 1975, 216-235.<\/p>\n<p>Buzeta, M. at F. Bravo (1851).\u00a0 <em>Diccionario-geografico-estadistico-historico de las islas Filipinas; Tomo I-II<\/em>.\u00a0 Manila: Jose C. dela Pena.<\/p>\n<p>Cavada Mendez y Vigo, A.dla. (1876).\u00a0 <em>Historia, geografica, geologica y estadistica de Filipinas; Tomo I-II<\/em>.\u00a0 Manila: Imprenta de Ramirez y Girauder.<\/p>\n<p>Chirino, P. (1604).\u00a0 <em>Relacion de las islas Filipinas<\/em>.\u00a0 Tsln. Ramon Echevarria.\u00a0 Manila: Filipiniana Book Guild, 1969.<\/p>\n<p>Colin, F. (1663).\u00a0 Native races and their customs.\u00a0 Nasa E.H. Blair at J.A. Robertson (mga pat. at tsln.), <em>The Philippine islands, 1493-1898; Volume XL<\/em>.\u00a0 Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909, 37-98.<\/p>\n<p>Combes, F. (1663).\u00a0 The natives of the southern islands.\u00a0 Nasa E.H. Blair at J.A. Robertson (mga pat. at tsln.), <em>The Philippine islands, 1493-1898; Volume XL<\/em>.\u00a0 Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909, 99-182.<\/p>\n<p>Dela Costa, H. (1961).\u00a0 <em>Jesuits in the Philippines, 1581-1768<\/em>.\u00a0 Massachusetts: Harvard University Press.<\/p>\n<p>Dery, L.C. (1997).\u00a0 <em>The kris in Philippine history: A study of the impact of the Moro anti-colonial resistance, 1571-1896<\/em>.\u00a0 Manila: L.C. Dery.<\/p>\n<p>Dery, L.C. (2000).\u00a0 <em>Remember the ladies and other historical essays on the Philippine revolution<\/em>.\u00a0 Manila: M and L Licudine Enterprises.<\/p>\n<p>Encarnacion, J.F.dla. (1866).\u00a0 <em>Diccionario Espa\u00f1ol-Bisaya.<\/em>\u00a0 Binondo: Imprenta de Miguel Sanchez y Cia.<\/p>\n<p>Enriquez, V. (1978).\u00a0 Kapwa as a core concept in Filipino social psychology.\u00a0 Nasa A.M. Navarro at F. Lagbao-Bolante (mga pat.), <em>Mga babasahin sa agham panlipunan at pilosopiyang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, at pantayong pananaw<\/em>.\u00a0 Quezon City: C&amp;E Publishing, Inc., 2007, 23-33.<\/p>\n<p><em>Guia de Filipinas <\/em>(1885).\u00a0 Manila: Establicimiento Tirog. de Ramirez y Girauder.<\/p>\n<p>Jagor, F. (1875).\u00a0 <em>Travels in the Philippines.<\/em>\u00a0 Manila: Filipiniana Book Guild, 1965.<\/p>\n<p>Junker, L.L. (2000).\u00a0 <em>Feasting, raiding, and trading: The political economy of Philippine native chiefdoms.<\/em>\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press.<\/p>\n<p>Legazpi, M.L.d. (1564-1568a).\u00a0 Expedition of Miguel Lopez de Legazpi, 1565, Cubu.\u00a0 Nasa E.H. Blair at J.A. Robertson (mga pat. at tsln.), <em>The Philippine islands, 1493-1898; Volume II<\/em>.\u00a0 Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909, 196-221.<\/p>\n<p>Legazpi, M.L.d. (1564-1568b).\u00a0 Letters to Felipe II of Spain, Cubu, July 12, 15, and 23, 1567 and June 26, 1568.\u00a0 Nasa E.H. Blair at J.A. Robertson (mga pat. at tsln.), <em>The Philippine islands, 1493-1898; Volume II<\/em>.\u00a0 Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909, 232-243.<\/p>\n<p>Loarca, M.L.d. (1582).\u00a0 Relation of the Filipinas islands.\u00a0 Nasa E.H. Blair at J.A. Robertson (mga pat. at tsln.), <em>The Philippine islands, 1493-1898; Volume V<\/em>.\u00a0 Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909, 34-187.<\/p>\n<p>Marcos, F.E. (1976). \u00a0<em>Tadhana: The history of the Filipino people; Volume II<\/em>.\u00a0 Manila: F.E. Marcos.<\/p>\n<p><em>Memorias de Bohol<\/em> (1890).\u00a0 Kalipunan ng mga dokumento hinggil sa Bohol.\u00a0 Manila: Philippine National Archives.<\/p>\n<p>Mercado, L.N. (1972).\u00a0 Reflections on buut-loob-nakem.\u00a0 <em>Philippine Studies<\/em>, 20 (4), 577-602.<\/p>\n<p>Morga, A.d. (1609).\u00a0 <em>Historical events of the Philippine islands<\/em>.\u00a0 Pat. Jose Rizal.\u00a0 Manila: National Historical Institute, 1997.<\/p>\n<p>Moya, F.J.d. (1883).\u00a0 <em>Las islas Filipinas en 1882<\/em>.\u00a0 Madrid: Establicimento Tipograpico de El Correo.<\/p>\n<p>Pretchett, H.S. (1900).\u00a0 <em>Atlas of the Philippine islands.\u00a0 <\/em>Washington: Governtment Printing Office<em>.<\/em><\/p>\n<p>Putong, C. (1965).\u00a0 <em>Bohol and its people<\/em>.\u00a0 Manila: C. Putong.<\/p>\n<p>Rodriguez, I.R. (1525-1640).\u00a0 <em>Historia de la provincia Agustiniana del Smo. nombre de Jesus de Filipinas<\/em>.\u00a0 Manila: Arnoldus Press, 1978.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (2011, Hunyo 22-24).\u00a0 Ang pagsasakasaysayan ni Rizal sa sinaunang pamayanang Pilipino at pagtingin dito ng bagong historiograpiyang Pilipino.\u00a0 Di-nalathalang papel, International Conference on Rizal in the 21st Century: Global and Local Perspectives, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.\u00a0 Nakuha noong Hunyo 9, 2013, mula sa Bahay-Dagitab ng Bagong Kasaysayan: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/lf38K\">http:\/\/goo.gl\/lf38K<\/a>.<\/p>\n<p>Sanchez, M. (1711).\u00a0 <em>Vocabulario de la lengua Bisaya<\/em>.\u00a0 Manila: Gaspar Aquino de Belen.<\/p>\n<p>Scott, W.H. (1994).\u00a0 <em>Barangay: Sixteenth century Philippine culture and society<\/em>.\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press.<\/p>\n<p>Sitoy, V.Jr. (1985).\u00a0 <em>A history of Christianity in the Philippines: The initial encounter; Volumes I-II<\/em>.\u00a0 Quezon City: New Day Publishers.<\/p>\n<p>Villanueva, A.F. at A.DG. Mariano (1960).\u00a0 <em>Ang wika natin<\/em>.\u00a0 Quezon City: Bedes Publishing House.<\/p>\n<p>Wernstedt, F. at J.E. Spencer (1967).\u00a0 <em>The Philippine island world: A physical, cultural, and regional geography<\/em>.\u00a0 Los Angeles: University of California Press.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Amelia S. Ferrer Department of Social Sciences University of the Philippines (UP), Los Ba\u00f1os, Laguna Abstrak Ang sanduguan nina Katunao at Miguel Lopez de Legazpi ay itinuturing na isa sa pangunahing kaganapang hudyat ng higit na masalimuot na pakikipag-ugnayan ng &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-sanduguan-bilang-konsepto-ng-pakikipagkapwa-sa-konteksto-ng-kalakalan-at-kapangyarihan-ang-bohol-sa-ika-16-na-dantaon\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Sanduguan bilang Konsepto ng Pakikipagkapwa sa Konteksto ng Kalakalan at Kapangyarihan: Ang Bohol sa Ika-16 na Dantaon<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[6],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/103"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=103"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/103\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":290,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/103\/revisions\/290"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=103"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=103"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=103"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}