{"id":1001,"date":"2019-11-15T08:43:13","date_gmt":"2019-11-15T08:43:13","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=1001"},"modified":"2020-11-21T00:57:38","modified_gmt":"2020-11-21T00:57:38","slug":"diwa-e-journal-tomo-7-nobyembre-2019-pagtatasa-sa-tcm-at-dpm-model-upang-ipaliwanag-ang-kaugnayan-ng-religious-fundamentalism-at-prejudice-pag-aaral-mula-sa-sampol-ng-mga-kabataang-pilipino","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-7-nobyembre-2019-pagtatasa-sa-tcm-at-dpm-model-upang-ipaliwanag-ang-kaugnayan-ng-religious-fundamentalism-at-prejudice-pag-aaral-mula-sa-sampol-ng-mga-kabataang-pilipino\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 7, Nobyembre 2019] Pagtatasa sa TCM at DPM Model upang Ipaliwanag ang Kaugnayan ng Religious Fundamentalism at Prejudice: Pag-aaral mula sa Sampol ng mga Kabataang Pilipino"},"content":{"rendered":"\n<p><strong>Darren E. Dumaop<\/strong><br>Departamento ng Sikolohiya<br>De La Salle University, Manila<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Bilang bahagi ng isang bansang may mayoryang relihiyoso, positibo ang pagtingin ng mga Pilipino sa relihiyon. Subalit, bantog ang relihiyon sa Kanluraning literatura na tagapagpalaganap ng <em>prejudice<\/em>. Sa mga pag-aaral na ito, karaniwang nirerepresenta ang relihiyon ng <em>religious fundamentalism<\/em> (RF), ang paniniwala sa di-nagkakamaling pinagmumulan ng katotohanang panrelihiyon. Layunin ng kasalukuyang pag-aaral na ipaliwanag ang relasyon ng RF sa <em>prejudice<\/em> gamit ang dalawang angkat na modelo at pagkumparahin ang mga ito: ang <em>two-component model<\/em> (TCM) at ang <em>dual process motivation<\/em> (DPM) <em>model<\/em> ng <em>prejudice<\/em>. Ayon sa TCM, may dalawang komponent ang RF (i.e., <em>Right-Wing Authoritarianism<\/em> [RWA] at <em>Christian Orthodoxy<\/em> [CO]) na may magkaibang papel sa paglikha at pagpuksa sa <em>prejudice<\/em>. Ayon sa DPM model, may dalawang panlipunang saloobing nag-uudyok sa pagtataglay ng <em>prejudice<\/em> (i.e., RWA at <em>Social Dominance Orientation<\/em> [SDO]). Mula sa 303 sampol ng mga mag-aaral kolehiyo, sinukat at inanalisa ang mga baryabol sa nakapaloob sa dalawang modelo. Gamit ang <em>structural equation modeling<\/em> (SEM), tinaya ang kakanyahan ng bawat modelo na ipaliwanang ang kaugnayan ng RF sa <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>gay man<\/em> at <em>atheist<\/em>. Taliwas sa inaasahan, hindi nagawang i-predik ng RWA ang <em>prejudice<\/em> sa loob ng SEM framework. Sa TCM, na-<em>mediate<\/em> ng CO ang kaugnayan ng RF at <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>atheist<\/em>. Sa DPM model, bahagyang na-<em>mediate<\/em> ng SDO ang kaugnayan ng RF at prejudice laban sa mga <em>gay man<\/em>. Makikita sa istadikstika ng dalawang modelo na halos walang pinagkaiba ang fit ng TCM at DPM model. Maaaring i-<em>integrate<\/em> ang TCM sa DPM model upang magkaroon ng mas masaklaw na paliwanag sa relasyon ng RF at <em>prejudice<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Mga Susing Salita: <em>Atheist, LGBT, Prejudice, Religious fundamentalism<\/em><\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Being a part of a country with a religious majority, most Filipinos view religion positively. However, religion appears to be a purveyor of prejudice in the Western literature. In these studies, religion is usually represented by religious fundamentalism (RF), the belief in inerrant source of religious truth. The present study aims to explain the relationship of RF to prejudice by testing and comparing two imported models: the two-component model (TCM) and the dual process motivation (DPM) model of prejudice. According to TCM, RF has two components (i.e., Right-Wing Authoritarianism [RWA] and Christian Orthodoxy [CO]) that have different roles in making and unmaking prejudice. According to DPM model, two social attitudes (i.e., RWA and Social Dominance Orientation [SDO]) motivate prejudice. From a sample of 303 college students, variables from these two models were measured and analyzed. By using structural equation modeling (SEM), the fitness of the two models in predicting prejudice against gay men and atheists were tested and compared. Contrary to the predictions, RWA failed to predict prejudice in the SEM framework. In TCM, CO mediated the relationship between RF and prejudice against atheists. In the DPM model, SDO weakly mediated the relationship between RF and prejudice against gay men. Model statistics reveal that TCM and the DPM model had similar fitness in linking RF with prejudice. TCM can be integrated to the DPM model to provide robust explation on the relationship between RF and prejudice.<\/p>\n\n\n\n<p>Keywords: <em>Atheist, LGBT, Prejudice, Religious fundamentalism<\/em><\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>INTRODUKSYON<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Isa ang pagrerelihiyon sa pinakapalasak na katangiang iniuugnay sa mga Pilipino. Sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2015), halos lahat ng mga Pilipino (99.9%) ang nagsabing may kinabibilangan silang relihiyon. Mas mataas pa ito sa bilang ng marunong bumasa at sumulat sa Pilipinas (90.3% noong 2013; PSA, 2010). Sa larangang akademiko sa Pilipinas, iniuugnay rin ang pagtataglay ng relihiyon sa mga positibong <em>outcome<\/em> tulad ng pagbuo ng positibong karakter (Mansukhani at Resurreccion, 2009), pagkakaroon ng malapit na relasyon ng anak sa magulang (Baring et al., 2016), at pakikilahok sa gawaing sibiko (Cornelio, 2017). Isinasaad din sa mga nakaraang pag-aaral na mahirap, kung hindi imposible, na paghiwalayin ang relihiyon at espiritwalidad sa karanasang Pilipino (Ocampo et al., 2013; Yabut, 2013). Subalit, madalas makaligtaan na may kaugnayan rin ang relihiyon sa mga negatibong <em>outcome<\/em> tulad ng <em>prejudice<\/em> (e.g., Altemeyer at Hunsberger, 1992). Tumutukoy ang <em>prejudice<\/em> sa negatibong saloobin laban sa isang tao dahil sa pagiging kasapi ng isang grupo (Allport, 1954). Lubha itong mapaminsala sapagkat kinamumuhian ang isang tao dahil lamang sa pagiging kasapi ng isang grupo o identidad. Inimbestigahan ko sa papel na ito ang kaugnayan ng relihiyon sa <em>prejudice<\/em> gamit ang isang sikolohikal na baryabol na kumakatawan sa relihiyon: ang <em>religious fundamentalism<\/em> (RF). Tumutukoy ang RF sa tatag ng saloobin patungkol sa pagtataglay ng isang tunay na paniniwalang panrelihiyon (Altemeyer at Hunsberger, 1992). Sa literaturang angkat mula sa Kanluran, may dalawang modelong nagpapaliwanag sa relasyon ng RF at prejudice: ang Two-Component Model (TCM, Laythe et al., 2002) at ang Dual Process Motivational (DPM) Model (Duckitt at Sibley, 2010). Kapwa ipinapaliwanag ng dalawang modelo kung paano maaaring humantong ang paniniwalang panrelihiyon sa prejudice. Nakapokus ang TCM sa mga komponent na bumubuo sa RF. Nakapokus ang DPM model sa mga dimensyon ng prejudice. Ipinagkumpara ko ang kakayahan ng dalawang modelong ito sa pagpapaliwanag ang kaugnayan ng RF at <em>prejudice<\/em>. Napapanahong pag-aralan ito rito sa espesyal na isyu, lalo na sa Sikolohiyang Pilipino, sa dalawang kadahilanan. Una, may mga paniniwala na hindi nagpapakita ng <em>prejudice<\/em> ang mga Pilipino. Ayon kay Enriquez (1975), nagtataglay ang mga Pilipino ng <em>stereotype<\/em> (i.e., palagay tungkol sa mga grupo) ngunit hindi ng <em>prejudice<\/em> (i.e., damdaming hindi pabor sa mga grupo). Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ipapakita na maoobserbahan din ang <em>prejudice<\/em> maging sa mga Pilipinong kalahok. Pangalawa, magbibigay ang pag-aaral na ito ng balanseng pagtrato sa relihiyon. Isinagawa ito upang mas ganap na maunawaan ang papel ng relihiyon kapwa sa indibidwal at panlipunang pamumuhay.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong><em>PREJUDICE<\/em> AT RELIHIYON<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Binigyang-katuturan ni Allport (1954) ang <em>prejudice<\/em> bilang \u201cnegatibong pakiramdam na bunga ng\u2026di nababagong <em>generalization<\/em>\u2026sa isang grupo, o sa isang indibidwal dahil kasapi siya ng grupo\u201d (p.9, aking salin). Buhat sa depinisyon ni Allport, tumutukoy ang <em>prejudice<\/em> sa negatibong atityud o saloobin na inuukol sa isang tao bunga ng pagiging kasapi ng isang grupo. Halimbawa, kahit hindi personal na kilala ang isang tao, kung siya ay kabilang sa grupong \u201c<em>atheist<\/em>\u201d, maaaring makaramdam ang <em>perceiver<\/em> ng kawalang-tiwala sa kanya (Gervais et al., 2011).<\/p>\n\n\n\n<p>Dapat bigyang-pansin na tuwirang iniugnay ni Allport ang relihiyon sa <em>prejudice<\/em> ngunit nang may pasubali. Ani Allport (1954), \u201cAng papel ng relihiyon ay paradoxical. Nililikha at pinupuksa nito ang prejudice\u201d (p.444, aking salin). Sa obserbasyon ni Allport (na nasa pusod noon ng puti at Kristyanong Estados Unidos), maraming relihiyoso ang kapuna-punang mapanghusga bagaman itinuturo ng relihiyon, partikular ng Kristyanismo, na hindi ito tama. Maaaring nililikha ng relihiyon ang <em>prejudice<\/em> sa pamamagitan ng pagbuo ng arbitraryong grupo na nag-uudyok manghamak ng ibang grupo. Maaari ring pinupuksa ng relihiyon ang <em>prejudice<\/em> sa pamamagitan ng pagtuturo na kasalanang mang-adlahi ng iba.<\/p>\n\n\n\n<p>Magmula ng ipahayag ni Allport ang kanyang paradox, nagpokus ang mga iskolar sa pag-alam kung aling bahagi ng relihiyon ang lumilikha at aling bahagi nito ang pumupuksa sa <em>prejudice<\/em>. Ang isa sa pinakamatibay na baryabol na tila gumaganap sa paglikha at pagpuksa ng <em>prejudice<\/em> ay <em>religious fundamentalism<\/em> (RF). Tumutukoy ang RF sa tindi ng paniniwala na may iisa lamang na tama at hindi nagbabagong katotohanang panrelihiyon (Altemeyer at Hunsberger, 1992).<\/p>\n\n\n\n<p>Sa simula pa lamang, naipakita nang matibay ang kaugnayan ng RF sa <em>prejudice<\/em> (e.g., Fulton et al., 1999; Kirkpatrick, 1993; McFarland, 1989). Noon, tila parehong ginagamit ang terminong \u201c<em>fundamentalism<\/em>\u201d at \u201c<em>orthodoxy<\/em>\u201d upang tumukoy sa RF. Tinukoy ni Kirkpatrick (1993) ang pagkakaiba ng dalawang ito. Sa kanyang modelo, nilinaw niya na ang RF ay tumutukoy sa saloobin ngunit ang <em>orthodoxy<\/em> ay tumutukoy sa mismong paniniwala. Kalaunan, ginamit sa literatura ang terminong \u201c<em>Christian Orthodoxy<\/em>\u201d (CO) upang kumatawan pag-endorso sa pangunahing paniniwalang Kristyano (e.g., si Hesus ay anak ng diyos na ipinadala upang tubusin ang mga tao sa kanilang kasalanan; Jackson at Hunsberger, 2006).<\/p>\n\n\n\n<p>Naging isang palaisipan ang relasyon ng RF at CO. Maliban sa mataas na korelasyon, mayroon din ang mga itong magkaibang relasyon sa <em>prejudice <\/em>(Kirkpatrick, 1993). May kaugnayan ang RF sa iba\u2019t ibang <em>prejudice <\/em>(e.g., pagkamuhi sa mga Black) ngunit hindi ito napepredik ng CO.<\/p>\n\n\n\n<p>Upang linawin ang kaugnayan ng RF, CO, at <em>prejudice<\/em>, ipinakilala nina Laythe at mga kasama (2002) ang Two Component Model (TCM). Anila, may dalawang komponent ang RF na may magkaibang kaugnayan sa prejudice. Ito ang CO (i.e., komponent na paniniwala) at Right-Wing Authoritarianism (RWA; i.e., komponent na atityud o saloobin). Ang RWA ay saloobing pabor sa awtoritaryang pagpapasakop, awtoritaryang agresyon, at pagiging kumbensyunal (Altemeyer at Hunsberger, 1992). Isa itong matibay na prediktor ng <em>prejudice<\/em> at may konsistent na relasyon sa RF (e.g., Duckitt at Farre, 1994; Hunsberger, 1996; Lippa at Arad, 1999).<\/p>\n\n\n\n<p>Sinubok nina Laythe et al. (2002) ang TCM upang ipaliwanang ang prejudice laban sa menoryang racial at sekswal gamit ang <em>multiple regression<\/em>. Ngunit labag sa kanilang inaasahan, nanatiling mapagkakatiwalaan ang relasyon ng RF sa <em>prejudice<\/em> kahit pa isama sa model ang RWA at CO. Bukod pa rito, kapag kinontrol ang RWA at CO, lumabas na napabababa ng RF ang panghuhusga sa menoryang racial ngunit napatataas nito ang panghuhusga sa menoryang sekswal (i.e., <em>gay men<\/em>).<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>DUAL PROCESS MOTIVATION MODEL NG <em>PREJUDICE<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sa larangan ng pag-aaral ng <em>prejudice<\/em>, masusing sinaliksik kung anu-anong saloobin ang nag-uudyok dito. Naging bantog sa larangang ito ang Dual Process Motivation (DPM) model nina Duckitt at Sibley (2010). Bago ang DPM, ipinalagay na RWA ang pangunahing motibasyon ng <em>prejudice<\/em> (Altemeyer at Hunsberger, 1992). Matatandaang pinili nina Laythe et al. (2002) na isama ang RWA sa TCM dahil sa matibay nitong kaugnayan sa <em>prejudice<\/em> at RF. Subalit, ipinakita nina Duckitt at mga kasama (e.g., Duckitt at Fisher, 2003; Duckitt at Sibley, 2007; Jugert at Duckitt, 2009) na hindi iisa ang dimensyong nagpapaliwanag sa prejudice. Isinasaad sa DPM model na may dalawang prediktor ang <em>prejudice<\/em>: RWA at social dominance orientation (SDO). Ang SDO ay saloobing pumapabor sa hirarkiya at hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga grupo (Ho et al., 2015).<\/p>\n\n\n\n<p>Mababanaag sa RWA at SDO ang magkakaibang dahilan ng <em>prejudice<\/em> sa magkakaibang grupo (Duckitt at Sibley, 2007, 2010). Ang <em>prejudice<\/em> laban sa mapapanganib na grupo (e.g., mga terorista) ay iniuudyok ng RWA; ang <em>prejudice<\/em> laban sa mga hinahamak na grupo (e.g., menoryang etniko) ay iniuudyok ng SDO; at ang <em>prejudice<\/em> laban sa mga subersibong grupo (e.g., mga feminista) ay kapwa iniuudyok ng RWA at SDO.<\/p>\n\n\n\n<p>Naging paksa ng imbestigasyon sa mga nakaraang pag-aaral ang kaugnayan ng relihiyon at <em>prejudice<\/em> sa pamamagitan ng paggamit sa RF bilang baryabol na kumakatawan sa relihiyon. Mababanaag sa TCM ang hipotesis na ang RF ay binubuo ng saloobing kaakibat ng pananampalataya (i.e., pagkamasunurin o RWA) at ng mismong katuruan (i.e., CO). Ngunit hindi ganap na naipaliwanag ng modelong ito ang variance sa pagitan ng RF at prejudice. Sa kabilang dako, naging bantog ang DPM model sa pagpapaliwanag ng <em>prejudice<\/em> gamit ang mga saloobing RWA at SDO. Pansining kapwa nasa TCM at DPM model ang RWA. Tila isang tiyak na <em>link<\/em> ang RWA sa pagitan ng RF at <em>prejudice<\/em>. Ngunit, mayroon pa kayang ibang baryabol na makapagpapaliwanag sa matatag na relasyong ito? At, sa panig ng mga Pilipinong sampol kung saan pinaniniwalaang positibo ang pagtingin sa relihiyon, magagawa kayang maobserbahan ang kaugnayan ng mga baryabol?<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>TARGET NG <em>PREJUDICE<\/em> NA KAUGNAY NG RELIHIYON<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Nagpokus ako sa dalawang karaniwang target ng <em>prejudice<\/em> na kaugnay ng relihiyon: ang mga <em>gay man<\/em> at mga <em>atheist<\/em>. Sila ang karaniwang taliwas sa pagpapahalaga ng mga relihiyosong tao (e.g., Fulton et al., 1999; Simpson et al., 2017; Whitley, 2009), pangunahin ng mga Kristyano. Sa kaso ng mga <em>gay man<\/em>, sinasabing labag sa Biblia ang pakikiapid sa kapwa lalaki (Levitico 18:22). Sa kabilang dako, tila nagmumula ang <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>atheist<\/em> sa kawalan ng tiwala sa kanilang moral na asal dahil wala silang kinikilalang diyos (Gervais et al., 2011). Tila direktang nagmumula sa relihiyon ang panghuhusgang ito (Saroglou, 2016) sa puntong napepredik ito maging ng dalas ng pagsisimba (Clobert et al., 2014). Iniulat din sa mga nagdaang pag-aaral na ang mga <em>atheist<\/em> ang pinakakasuklam-suklam na <em>outgroup<\/em> sukdulang walang pagkakaiba ang saloobin sa kanila kumpara sa saloobin sa mga <em>rapist<\/em> (Gervais et al., 2011).<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>KASALUKUYANG PAG-AARAL<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Naipakita sa mga nakaraang pag-aaral ang potensyal at kahinaan ng TCM na ipaliwanang ang kinalaman ng RF sa <em>prejudice<\/em>. Mula sa mga pag-aaral tungkol sa prejudice, na-<em>develop<\/em> ang DPM model na may isang kaparehong baryabol sa TCM (i.e., RWA). Kapwa hindi pa nasubok ang dalawang modelong ito sa mga Pilipinong sampol. Sa kasalukuyang pag-aaral, sinubok ko ang dalawang modelo sa pagpapaliwanag ng <em>prejudice<\/em> mula sa mga Pilipinong nag-aaral sa kolehiyo. Gamit ang structural equation modeling (SEM), tinasahan at ipinagkumpara ang dalawang modelo kung gaano naipapaliwanag ng mga ito ang <em>prejudice<\/em>. <em><br><\/em><\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Pigura 1<em>. <\/em>Ang pinapanukalang relasyon ng mga baryabol sa TCM. Pansining inaasahang mawawala ang <em>direct effect<\/em> ng RF (ipinapakita ng <em>broken line<\/em>) sa <em>prejudice<\/em> kung kasama sa <em>model<\/em> ang RWA at CO.<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image is-style-default\"><figure class=\"aligncenter size-large is-resized\"><img loading=\"lazy\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1-1024x489.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1006\" width=\"606\" height=\"289\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1-1024x489.png 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1-300x143.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1-768x367.png 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1-100x48.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1-150x72.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1-200x96.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1-450x215.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1-600x287.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1-900x430.png 900w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-1.png 1179w\" sizes=\"(max-width: 606px) 100vw, 606px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Makikita sa Pigura 1 ang ipinapanukalang <em>model<\/em> gamit ang TCM. Aking tinaya na <em>latent<\/em> ang lahat ng mga baryabol maliban sa <em>dependent variable<\/em> na <em>prejudice<\/em>. Ipinapakita sa larawan na inaasahang mame-<em>mediate<\/em> ng RWA at CO ang relasyon ng RF sa <em>prejudice<\/em>. Mas masaklaw ang pamamaraang ito sa <em>multiple regression<\/em> na ginamit sa Laythe et al. (2002).<\/p>\n\n\n\n<p>Makikita sa Pigura 1 ang ipinapanukalang <em>model<\/em> gamit ang TCM. Aking tinaya na <em>latent<\/em> ang lahat ng mga baryabol maliban sa <em>dependent variable<\/em> na <em>prejudice<\/em>. Ipinapakita sa larawan na inaasahang mame-<em>mediate<\/em> ng RWA at CO ang relasyon ng RF sa <em>prejudice<\/em>. Mas masaklaw ang pamamaraang ito sa <em>multiple regression<\/em> na ginamit sa Laythe et al. (2002).<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Pigura 2<em>. <\/em>Ang ipinapanukalang relasyon ng mga baryabol sa DPM. Bilang kahalili ng TCM sa pagpapaliwanag ng relasyon ng RF sa <em>prejudice<\/em>, ginamit na kahalili ng CO ang SDO.<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image is-style-default\"><figure class=\"aligncenter size-large is-resized\"><img loading=\"lazy\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2-1024x506.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1007\" width=\"602\" height=\"297\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2-1024x506.png 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2-300x148.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2-768x380.png 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2-100x49.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2-150x74.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2-200x99.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2-450x223.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2-600x297.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2-900x445.png 900w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-2.png 1177w\" sizes=\"(max-width: 602px) 100vw, 602px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Makikita sa Pigura 2 ang ipinapanukalang model gamit ang DPM model. Aking tinaya na <em>latent<\/em> ang lahat ng mga baryabol maliban sa <em>dependent variable<\/em> na <em>prejudice<\/em>. Ipinapakita sa larawan na inaasahang mame-<em>mediate<\/em> ng RWA at SDO ang relasyon ng RF sa <em>prejudice<\/em>. Sa dalawang modelong tatayain, ipagkukumpara ang husay nang paliwanag sa relasyon ng RF at <em>prejudice<\/em>.<em><\/em><\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>METODO<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Kalahok<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Tatlong daan at tatlong estudyanteng kolehiyo mula sa Kamaynilaan ang nakibahagi sa pag-aaral. Pilipino silang lahat na may edad mula 18 hanggang 24 (<em>M<\/em>=19.20, <em>SD<\/em>=0.91). Nakararami sa kanila ay biolohikal na babae (57.8%). Matatagpuan sa Hanayan 1 ang distribusyon ng mga kalahok sa <em>sexual orientation<\/em> at relihiyon. Mapapansing higit na nakararami ang nagpahayag na sila ay <em>heterosexual <\/em>at kabilang sa Simbahang Katoliko.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Hanayan 1. Distribusyon ng mga Kalahok sa <em>Sexual Orientation<\/em> at Relihiyon<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image is-style-default\"><figure class=\"aligncenter size-large\"><img loading=\"lazy\" width=\"305\" height=\"261\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-1.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1008\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-1.png 305w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-1-300x257.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-1-100x86.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-1-150x128.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-1-200x171.png 200w\" sizes=\"(max-width: 305px) 100vw, 305px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p><strong><em>Pagpili ng Sampol<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Pinangasiwaan ang pagkuha ng sampol ng aking mga mag-aaral sa kursong Psychological Statistics bilang bahagi ng rekisito sa kanilang kurso. Nagsagawa sila ng <em>snowball sampling<\/em> mula sa kanilang mga kakilala at kaibigang kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Boluntaryo ang pagsali sa pag-aaral at walang anumang tinanggap ang mga kalahok mula sa mananaliksik.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Bilang ng Sampol<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Gamit ang Daniel Soper a-priori sample size calculator (https:\/\/www.danielsoper.com\/statcalc\/calculator.aspx?id=1), <em>n<\/em>=119 ang tinayang minimum <em>sample size to detect effect<\/em> para sa TCM (SEM; Anticipated effect size=.30; Power = .80; Latent variables=3; Observed variables=28) at DPM model (SEM; Anticipated effect size=.30; Power = .80; Latent variables=3; Observed variables=30). Bagaman nalagpasan ng kasalukuyang bilang ng kalahok ang pagtatayang ito, higit itong maliit sa inirerekomendang <em>minimum sample size for factor structure <\/em>(<em>n<\/em>=1,256~1,600).<strong><em><br><\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Mga Panukat at Covariate<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ginamit ng kasalukuyang pag-aaral ang mga panukat mula sa mga nagdaang pag-aaral. Hindi na binago at isinalin ang mga ito. Matatagpuan ang <em>reliability estimate<\/em> ng mga panukat sa Hanayan 2.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Anti-gay at Anti-atheist Prejudice (AG\/AA)<\/em>. Gumamit ng <em>feeling thermometer<\/em> para sa <em>gay man<\/em>,<em> straight man<\/em>,<em> atheist<\/em>, at Christian mula 0 (pinaka-<em>cold<\/em>) hanggang 10 (pinaka<em>-warm<\/em>). Halaw ang pamamaraang ito mula sa mga nakaraang pag-aaral (Crawford et al., 2016; Johnson et al., 2012a; Shen et al., 2013; Whitley, 2009). Ang <em>difference<\/em> ng <em>temperature<\/em> sa pagitan ng <em>straight<\/em> at <em>gay man<\/em> at ang <em>difference<\/em> ng <em>temperature<\/em> sa pagitan ng <em>Christian<\/em> at <em>atheist<\/em> ang nagsilbing <em>dependent variable<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Religious Fundamentalism (RF)<\/em>. Mula kina Altemeyer at Hunsberger (2004) ang iskalang ito na sumusukat sa paniniwalang mayroon lamang nag-iisa at di-nagkakamaling pinagmumulan ng katotohanang panrelihiyon. <em>Short version<\/em> ito na may 12 aytem. Ang mga sampol na aytem ay \u201cGod has given humanity a complete, unfailing guide to happiness and salvation, which must be totally followed\u201d, \u201cTo lead the best, most meaningful life, one must belong to the one, fundamentally true religion\u201d, at \u201cWhenever science and sacred scripture conflict, science is probably right (reversely coded)\u201d.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Christian Orthodoxy (CO)<\/em>. Mula kay Hunsberger (1989) na sumusukat sa pagtanggap ng mga pangunahing paniniwalang Kristyano. <em>Short version<\/em> ito na may anim na aytem. Ang mga sampol na aytem ay \u201cJesus Christ was the Divine son of God\u201d at \u201cDespite what many people believe, there is no such thing as a God who is aware of Man\u2019s actions (reversely coded)\u201d.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Right-Wing Authoritarianism (RWA)<\/em>. Mula kina Manganelli Rattazzi, Bobbio, at Canova (2007) na sumusukat sa kalupitan sa kaaway at pagkamasunurin sa may kapangyarihan. <em>Short version<\/em> ito na may 10 aytem. Ang mga halimbawa ng aytem ay \u201cWhat our country really needs instead of more civil rights is a good stiff dose of law and order\u201d, \u201cObedience and respect for authority are the most important values children should learn\u201d, at \u201cWhat our country needs most is disciplined citizens, following national leaders in unity\u201d.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Social Dominance Orientation (SDO)<\/em>. Mula kina Ho at mga kasama (2015) na sumusukat sa paniniwalang may mga grupong nakahihigit sa iba. Tinaguriang SDO<sub>7<\/sub> na may walong aytem. Ang mga halimbawa ng aytem ay \u201cSome groups of people are simply inferior to other groups\u201d, \u201cGroup equality should not be our primary goal\u201d, at \u201cWe should work to give all groups an equal chance to succeed (reversely coded).<\/p>\n\n\n\n<p><em>Demograpiya<\/em>. Binubuo ng edad, biolohikal na kasarian, <em>sexual orientation<\/em>, at relihiyon.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Pagsasagawa<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sinagutan ng mga kalahok ang mga panukat sa Google Form na tinanggap nila mula sa aking mga estudyante. Malinaw na ipinaliwanag sa panuto na ang mismong pagsagot nila ang katibayan ng kanilang <em>consent<\/em> at may karapatan silang tumigil anumang oras. Walang ipinangakong kapalit sa ginawa nilang pagsali. Unang sinagutan ang demograpiya na sinundan ng AG, AA, SDO, RWA, RF, at CO. Ni-<em>random<\/em> ang order ng mga aytem sa bawat panukat. Isinagawa ang <em>debriefing<\/em> ng aking mga mag-aaral matapos kumpirmahin ng mga kalahok ang kanilang pagsali. Sa <em>debriefing<\/em>, ipinaalam sa mga kalahok ang mga layunin ng pananaliksik.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Analisis<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sinubok ko kapwa ang TCM at DPM model, maging ang hipotesis ng mediation, gamit ang SEM sa JASP 0.11.1, isang <em>open-source statistical software<\/em>. Ginagamit ang SEM sa sikolohiya upang tasahan ang masaklaw na kaugnayan ng mga baryabol at ang kakanyahan ng mga istadistikal na modelo na magpredik ng penomenon (Karimi at Meyer, 2014). Iniulat ko ang mga <em>fit index<\/em> na karaniwang binabanggit sa mga pag-aaral na ginamitan ng SEM (e.g., Hotchin at West, 2018), tulad ng chi-square-to-degrees of freedom ratio (c<sup>2<\/sup>\/df), comparative fit index (CFI), Tucker-Lewis Index (TLI), at root mean squared error of approximation (RMSEA). Ayon sa mga kilalang sanggunian sa paggamit ng SEM, ang isang <em>fit<\/em> na modelo ay dapat magtaglay ng c<sup>2<\/sup>\/df na mas mababa sa 5.0, CFI at TLI na higit .90, at RMSEA na mas mababa sa .08 (Bentler, 1990; Browne at Cudeck, 1993; Hu at Bentler, 1999).<\/p>\n\n\n\n<p>Upang tayain ang <em>mediation<\/em>, sinukat ko ang <em>indirect effect<\/em> ng RF sa target sa pamamagitan ng ipinapanukalang <em>mediator<\/em>. Ikinumpara ko ito sa <em>total effect<\/em> at sinukat ang <em>standardized coefficient<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Resulta<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Matatagpuan sa Hanayan 2 ang <em>correlation matrix<\/em> ng mga sinubok na baryabol, ang kanilang <em>descriptive statistics<\/em>, maging ang tayang <em>reliability<\/em> ng mga panukat. Nagtaya ng katanggap-tanggap na <em>reliability<\/em> ang lahat ng panukat. Pansining may positibong korelasyon sa AG ang SDO, RWA, at RF (i.e., lahat ng baryabol maliban sa CO). Pansining may positibong korelasyon sa AA ang RWA, RF, at CO (i.e., lahat ng baryabol maliban sa SDO). Kagaya ng inaasahan, mas nakahihigit ang AA sa AG, <em>t<\/em>(302) = 3.01, <em>p <\/em>= .003, <em>d <\/em>= 0.17, mean difference 95% CI = 0.15,0.75. Mas mataas ang <em>prejudice<\/em> ng mga kalahok laban sa mga <em>atheist<\/em> kaysa <em>gay man<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Hanayan 2. <em>Correlation<\/em>, <em>Descriptive<\/em>, at <em>Reliability<\/em> ng mga Baryabol<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image is-style-default\"><figure class=\"aligncenter size-large is-resized\"><img loading=\"lazy\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-2.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1009\" width=\"612\" height=\"379\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-2.png 749w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-2-300x186.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-2-100x62.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-2-150x93.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-2-200x124.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-2-450x279.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-2-600x372.png 600w\" sizes=\"(max-width: 612px) 100vw, 612px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Matatagpuan sa Hanayan 3 ang resulta ng <em>confirmatory factor analysis<\/em> sa RF, RWA, CO, at SDO. Pansinin na ang modelo kung saan magkakahiwalay ang mga ito ang nakapagtala ng pinakamahusay na <em>fit index<\/em>. Nangangahulugan itong pinakakatanggap-tanggap na itrato ang mga baryabol na independiente sa isa\u2019t-isa kumpara sa ibang modelo. Ito ay sa kabila nang matibay na korelasyon ng RF sa RWA at RF sa CO (tingnan sa Hanayan 2).<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Hanayan 3. <em>Confirmatory Factor Analysis<\/em> ng mga Baryabol<\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image is-style-default\"><figure class=\"aligncenter size-large\"><img loading=\"lazy\" width=\"474\" height=\"131\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-3.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1010\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-3.png 474w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-3-300x83.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-3-100x28.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-3-150x41.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-3-200x55.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Hanayan-3-450x124.png 450w\" sizes=\"(max-width: 474px) 100vw, 474px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Layunin ng kasalukuyang pag-aaral na tasahan at ikumpara ang TCM at DPM model sa pagpapaliwanag kung paano pinepredik ng RF ang prejudice. Nagpakita ng katanggap-tanggap na <em>fit<\/em> ang modelo ng TCM, c<sup>2<\/sup>\/df=3.13, <em>p<\/em>&lt;.001, CFI=.82,TLI=.77, RMSEA=.08 CI90%[.08, .09] (tingnan sa Pigura 3). Direktang pinepredik ng RF ang <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>atheist<\/em> (b=0.33,<em>p<\/em>&lt;.001) at <em>gay man<\/em> (b=0.15,<em>p<\/em>&lt;.05). Nanatiling mapagkakatiwalaan ang <em>path<\/em> na ito kahit nasa modelo ang RWA at CO. Pinepredik ng RF kapwa ang RWA (b=0.58,<em>p<\/em>&lt;.001) at CO (b=0.40,<em>p<\/em>&lt;.001). Sa modelo, lumabas na hindi mapagkakatiwalaan ang prediksyon ng RWA sa AG (b=0.12,<em>n.s.<\/em>) at AA (b=0.09,<em>n.s.<\/em>). Hindi napredik ng CO ang AG (b=0.01,<em>n.s.<\/em>) ngunit malinaw na napredik nito ang AA (b=0.27,<em>p<\/em>&lt;.001). Nagawang i-<em>mediate<\/em> ng CO ang relasyon ng RF sa AA (b=0.25, <em>Z<\/em>=4.10, <em>p<\/em>&lt;.001). Maliban dito, hindi lumabas na mapagkakatiwalaan ang ibang <em>mediation path<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Pigura 3.<em> <\/em>Ang <em>Mediation<\/em> ng <em>Two-Component model<\/em> sa Kinalaman ng RF sa <em>Prejudice<\/em><\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image is-style-default\"><figure class=\"aligncenter size-large is-resized\"><img loading=\"lazy\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-3-1-1024x489.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1017\" width=\"599\" height=\"278\"\/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Nota: ***<em>p<\/em>&lt;.001, *<em>p<\/em>&lt;.05<\/p>\n\n\n\n<p>Nakapagpakita rin ng katanggap-tanggap na <em>fit<\/em> ang DPM model, c<sup>2<\/sup>\/df=2.58, <em>p<\/em>&lt;.001, CFI=.79,TLI=.77, RMSEA=.07 CI90%[.07, .08] (tingnan sa Larawan 4). Pansinin na hindi ito nalalayo sa <em>fit indices<\/em> ng TCM. Sa modelong ito, direkta pa ring pinepredik ng RF ang AA (b=0.45,<em>p<\/em>&lt;.001); ngunit kapag nasa modelo ang SDO, hindi na napredik ng RF ang AG (b=0.13,<em>n.s.<\/em>). Pansinin na nanatiling matatag ang kaugnayan ng RF sa RWA (b=0.58,<em>p<\/em>&lt;.001) ngunit tila mas mahina rito ang kaugnayan ng RF sa SDO (b=0.19,<em>p<\/em>&lt;.01). Kagaya sa TCM, hindi rin nagawang ipredik ng RWA ang AG (b=0.10,<em>n.s.<\/em>) at AA (b=0.11,<em>n.s.<\/em>). Positibong napredik ng SDO ang AG (b=0.15,<em>p<\/em>&lt;.01) subalit negatibong napredik nito ang AA (b=-0.15,<em>p<\/em>&lt;.001). Lumalabas na higit na mababa ang panghuhusga sa mga <em>atheist<\/em> ng mga kalahok na may mataas na SDO. Bahagyang mapagkakatiwalaan ang mediaton ng SDO sa relasyon ng RF at AG (b=0.05, <em>Z<\/em>=1.92, <em>p<\/em>=.05). Maliban dito, hindi na nagkaroon ng ibang mapagkakatiwalaang <em>mediation path<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\">Pigura 4<em>. <\/em>Ang <em>Mediation<\/em> ng <em>Dual process Motivation Model<\/em> sa Kinalaman ng RF sa <em>Prejudice<\/em><\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image is-style-default\"><figure class=\"aligncenter size-large is-resized\"><img loading=\"lazy\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2-1024x470.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-1018\" width=\"614\" height=\"281\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2-1024x470.png 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2-300x138.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2-768x353.png 768w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2-100x46.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2-150x69.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2-200x92.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2-450x207.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2-600x275.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2-900x413.png 900w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2020\/10\/Dumaop-Pigura-4-2.png 1172w\" sizes=\"(max-width: 614px) 100vw, 614px\" \/><\/figure><\/div>\n\n\n\n<p>Nota: ***<em>p<\/em>&lt;.001, **<em>p<\/em>&lt;.01<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>DISKUSYON<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Tinasahan sa kasalukuyang pag-aaral ang dalawang modelong nagpapaliwanag sa kaugnayan ng RF sa <em>prejudice<\/em>: ang TCM na nagsasabing may dalawang komponent ang RF at ang DPM model na nagsasabing may dalawang saloobing prediktor ang <em>prejudice<\/em>. Hindi nagkaroon ng malaking pagkakaiba ang kakanyahan ng dalawang modelo na ipaliwanag ang RF. Subalit, sa level ng mga baryabol, nakapagpakita ang pag-aaral ng mahahalagang resulta. Una, hindi nagawang i-<em>mediate<\/em> ng RWA ang kaugnayan ng RF sa <em>prejudice<\/em> kapwa sa TCM at DPM model. Pangalawa, sa TCM, na-<em>mediate<\/em> ng CO ang kaugnayan ng RF at <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>atheist<\/em>. At pangatlo, sa DPM model, bahagyang na-<em>mediate<\/em> ng SDO ang kaugnayan ng RF at <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>gay man<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>RF at RWA<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Kakaiba ang resultang hindi name-<em>mediate<\/em> ng RWA ang relasyon ng RF at <em>prejudice<\/em>, ni napredik ng RWA ang <em>prejudice<\/em> nang ilagay ito sa <em>structural equation model<\/em> at tasahan ang <em>mediation<\/em>. Kakaiba ito sapagkat konsistent sa mga nakaraang pag-aaral na name-mediate ng RWA ang relasyon ng RF at prejudice (Blogowska at Saroglou, 2011; Crawford et al., 2016; Johnson et al., 2012b). Maaaring saliminin nito ang babala nina Mavor et al. (2011) sa matibay na relasyon ng RF at RWA. Dahil sa mataas na korelasyon ng mga ito, hindi madistingge ng istadistikal na analisis ang pagkakaiba ng dalawang baryabol. Sa kasalukuyang pag-aaral, nagtala ang RF at RWA ng mataas na korelasyon (<em>r<\/em>=.49). Higit pang naging matatag ang relasyong ito nang ilagay sa <em>structural equation model<\/em> (i.e., may pinakamatatag na relasyon sa lahat ng baryabol; b=0.55~0.58 ). Sa kabilang banda, maaari ring mangahulugan itong hindi name-<em>mediate<\/em> ng RWA ang relasyon ng RF at <em>prejudice<\/em> sa mga Pilipinong sampol. Alalahanin na bukod sa pagkakaroon ng mataas na <em>reliability estimate<\/em> (.87-.91), natagpuan din sa <em>confirmatory factor analysis <\/em>na magkahiwalay na baryabol ang RF at RWA. Nasa katamtamang level lamang ang pangkalahatang RWA (<em>M<\/em>=4.28,<em>SD<\/em>=1.34). Maaaring may kultural o panlipunang katangian ang mga sampol na dapat isama sa <em>factor structure<\/em>. Nangangailangan pa ito ng ibayong konseptwalisasyon at replikasyon.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>TCM at Prejudice Labay sa mga Gay Man<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sa TCM, CO lamang ang nakapag-<em>mediate<\/em> sa relasyon ng RF at <em>prejudice<\/em>, partikular sa panghuhusga laban sa mga <em>atheist<\/em>. Iba-iba ang sinasabi ng mga nagdaang pag-aaral tungkol sa CO. May nagsasabing nakababawas o wala itong kinalaman sa prejudice (Kirkpatrick, 1993; Laythe et al., 2001) at may nagsasabi ring nakapagpapatindi ito ng <em>prejudice<\/em> (Jackson at Hunsberger, 2006). Sa kasalukuyan, natagpuan itong nakapagpapatindi ng panghuhusga laban sa mga <em>atheist<\/em>: ang mga taong may mataas na RF ay higit ding naniniwala sa mga katuruang Kristyano at direktang napepredik ng paniniwalang ito ang pagtataglay ng negatibong saloobin laban sa mga <em>atheist<\/em>. Ipinapakita ng resultang ito na tila may magkaibang mekanismo ang prejudice para sa magkaibang target kagaya rin sa naging basehan nina Duckitt at Sibley (2007) sa pagbuo ng DPM model. Pansinin na konsitent sa mga nakaraang pag-aaral (Kirkpatrick, 1993; Laythe et al., 2002; Whitley, 2009), walang kinalaman ang CO sa <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>gay man<\/em>. Ngunit, sa kasalukuyang pag-aaral, matatag ang kinalaman ng CO sa panghuhusga laban sa mga <em>atheist<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>DPM Model at Prejudice Laban sa mga Atheist<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sa DPM model, tanging SDO lamang ang bahagyang nakapag-<em>mediate<\/em> sa relasyon ng RF at <em>prejudice<\/em>, partikular sa <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>gay man<\/em>. Malinaw sa literatura ng <em>prejudice<\/em> na pagkadominante at kawalang pagkakapantay-pantay (na siyang kinakatawan ng SDO) ang isa sa konsistent na motibasyon ng pang-aadlahi sa mga <em>gay man<\/em> (Duckitt at Sibley, 2007, 2010). Natagpuan sa kasalukuyang pag-aaral na ang mga kalahok na may mataas na RF ay mayroon ding mataas na paniniwala sa kawalan ng pagkakapantay-pantay na siyang humahantong sa panghuhusga sa mga <em>gay man<\/em>. Isa ring kapuna-punang resulta sa <em>structural equation model<\/em> ng DPM model ang negatibong kaugnayan ng SDO sa panghuhusga sa mga atheist. Kapuna-puna ito sapagkat sa pag-aaral nina Duckitt at Sibley (2007), positibo ang relasyon ng SDO at <em>prejudice<\/em> sa mga <em>atheist<\/em>. Sa kasalukuyang sampol, tila sinusuportahan ng pagkadominante at di pagkakapantay-pantay ang pagkakaroon ng positibong saloobin sa mga <em>atheist<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Isinasaad ng TCM na may dalawang komponent ang RF, ang komponent ng saloobin (i.e., RWA) at ang komponent ng paniniwala (i.e., CO; Laythe et al., 2001, 2002). Bilang tugon sa paradox ni Allport (1954), ipinanukala ng TCM na RWA ang lumilikha sa <em>prejudice<\/em> ngunit ang CO ang pumupuksa rito. Hindi ganito ang kinasapitan ng kasalukuyang pag-aaral. Sa <em>structural equation model <\/em>ng TCM, hindi nakapagpakita ang RWA ng kaugnayan sa <em>prejudice<\/em>. Bagaman matindi ang kaugnayan ng CO sa <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>atheist<\/em>, hindi naipakita na pinupuksa nito ang <em>prejudice<\/em>. Bagkus, lumabas na kaya may kinalaman ang RF sa panghuhusga sa mga <em>atheist<\/em> ay dahil sa may kinalaman ang RF sa pag-endorso ng paniniwalang Kristyano. Sinasang-ayunan ng resultang ito ang pananaw ni Saroglou (2016) na paniniwala ang basehan ng pagkamuhi sa mga <em>atheist<\/em>. Dahil dito, ang mismong paniniwala sa relihiyon ang tila nag-uudyok na husgahan at kamuhian ang mga hindi naniniwala kagaya ng mga <em>atheist<\/em>. Marahil, dito rin nagmumula ang matinding kawalang-tiwala sa mga <em>atheist<\/em> na naipakita sa pag-aaral nina Geravais et al. (2010).<\/p>\n\n\n\n<p>Isinasaad ng DPM model na may dalawang saloobing motibasyon ang <em>prejudice<\/em>: ang RWA at SDO (Duckitt at Sibley, 2010). Subalit, may magkaibang korelasyon ang mga ito sa magkakaibang target (Duckitt at Sibley, 2007). Sinasang-ayunan ng kasalukuyang pag-aaral na may kinalaman ang SDO sa <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>gay man<\/em>. Tila nagmumula ito sa saloobing higit na mababa at hindi kapantay ng grupo ng mga <em>gay man<\/em> ang mayorya na pawang <em>straight<\/em>. Bahagyang naipapaliwanag din ng kasalukuyang pag-aaral kung bakit may kinalaman ang RF sa panghuhusga sa mga <em>gay man<\/em>: ang mga taong nag-eendorso ng RF ay nagtataglay rin ng mataas na SDO. Sa kabilang banda, maaaring saliminin ng negatibong relasyon ng SDO at <em>prejudice<\/em> sa mga <em>atheist<\/em> ang poder ng mga <em>atheist<\/em> sa konteksto ng kasalukuyang sampol. Tila lumalabas na bagaman biktima ng <em>prejudice<\/em>, hindi nagmumula ang panghuhusgang ito sa estadong panlipunan ng mga atheist. Manapa, tila nakikita ng mga kalahok ang mga <em>atheist<\/em> bilang mga taong may mataas na estadong panlipunan.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Integrasyon ng Dalawang Modelo<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Halos walang pagkakaiba ang <em>fit indices<\/em> ng TCM at DPM model sa pagpapaliwanag ng relasyon ng RF at prejudice. Ngunit, mayroong magkaibang pokus ang mga ito. Nakapokus ang TCM sa mga komponent na bumubuo sa RF. Nakapokus ang DPM model sa motibasyon ng <em>prejudice <\/em>na nagmumula sa mga panlipunang saloobin.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa paggabay ng nakaraang literatura (Blogowska at Saroglou, 2011; Crawford et al., 2016; Duckitt at Sibley, 2007; Johnson et al., 2012b), hindi pa rin maaaring isantabi ang matatag na kaugnayan ng RWA sa <em>prejudice<\/em>. Ang hindi paglabas nito sa kasalukuyang pag-aaral ay maaaring dulot ng kapintasan ng ginamit na panukat at ng kakulangan ng kalahok. Bagaman maaari ring may espesyal na katangian ang kasalukuyang sampol, lahat ng mga katanungang ito ay matutugunan lamang ng mga susunod na mananaliksik. Subalit, malinaw na naipakita sa kasalukuyang pag-aaral na mahalaga ang papel ng paniniwala sa <em>prejudice<\/em> pangunahin sa <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>atheist<\/em>. Mahalaga rin ang papel ng saloobin sa hindi pagkakapantay-pantay lalo na sa <em>prejudice<\/em> laban sa menoryang sekswal.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pagsisikap na magkaroon ng masaklaw na modelo upang ipaliwanag ang kaugnayan ng RF at <em>prejudice<\/em>, maaaring ipaloob ang paliwanag ng TCM sa DPM model. Sa pinakahuling konseptwalisasyon ng DPM model, pinepredik ang mga panlipunang saloobin ng mga <em>worldview belief<\/em> o pangkalahatang pananaw tungkol sa realidad ng daigdig (Duckitt at Sibley, 2010). Sa ibang salita, sa paniniwala nag-uugat ang RWA at SDO. Ang RF ay saloobin sa paniniwala sa nag-iisa at di-nagkakamaling saligan ng katotohanang panrelihiyon (Altemeyer at Hunsberger, 1992, 2005). Ayon sa TCM, binubuo ang RF ng saloobing RWA at ng paniniwalang CO. Samakatwid, maaaring direktang nagmumula ang RF sa paniniwala, gaya ng CO o katuruang Kristyano. Mula sa katuruang ito (at sa iba pang salik na hindi kasama sa kasalukuyang pag-aaral), tumitindi ang paniniwala sa nag-iisang batayan ng relihiyon. Dito marahil nagmumula ang mga panlipunang saloobing nag-uudyok sa <em>prejudice<\/em>. Dahil sa paniniwalang may isa lamang tamang katuruan, tumataas ang saloobin sa pagkamasunurin o RWA. Dahil sa paniniwalang may isa lamang totoong katuruan, tumataas ang saloobin na hindi pantay-pantay ang mga grupo ayon sa pamantayan ng mga katuruan o SDO. Sa ibang salita, maaaring i-<em>integrate<\/em> sa DPM model ang TCM kung saan makapagbibigay ng mas mahusay sa paliwanag ang integradong modelo sa kaugnayan ng paniniwala (na natututunan), saloobin (na nagmumula sa paniniwala), at <em>prejudice<\/em> (na udyok ng mga saloobin).<\/p>\n\n\n\n<p>Sa paggamit ng integradong modelo, magiging malinaw kung bakit may kinalaman ang RF sa prejudice. May paniniwalang pinagmumulan ang RF na siyang pinanggagalingan ng RWA at SDO; na siya namang direktang nagpepredik sa<em> prejudice<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Implikasyon sa Sikolohiyang Pilipino<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>May ilang mahahalagang implikasyon ang kasalukuyang pag-aaral sa lipunan at sikolohiyang Pilipino. Una, katulad ng mga Kanluranin, nagtataglay rin ng <em>prejudice<\/em> ang mga Pilipino. Taliwas ito sa mungkahi ni Enriquez (1975) na hindi nagtataglay ng (negatibong) atityud o saloobin ang mga Pilipino (na siya ring <em>prejudice<\/em>, Allport, 1954). Gamit ang pagtatayang inangkat sa Kanluran, naobserbahan na may higit na negatibong saloobin ang mga kalahok laban sa mga target ng <em>prejudice<\/em>: mga <em>gay man<\/em> at <em>atheist<\/em>. Sa dalawang target, nakahihigit ang negatibong saloobin laban sa mga atheist. Pangalawa, may pinsalang kasama ang paniniwalang panrelihiyon. Ang mga taong may matatag na paniniwalang panrelihiyon ay nagpapakita rin ng mas matinding prejudice laban sa mga <em>gay man<\/em> at <em>atheist<\/em>. Pangatlo, sinusuportahan ng kasalukuyang pag-aaral na sa lipunang Pilipino, may kinalaman sa relihiyon ang panghuhusga laban sa mga LGBT. Isang kandidatong paliwanag dito ang SDO: naniniwala ang mga taong relihiyoso na mababa ang katayuan (sa aspektong moral) ng mga <em>gay man<\/em> at LGBT. Panghuli, direktang nagmumula ang pagkamuhi laban sa mga <em>atheist<\/em> sa paniniwalang panrelihiyon subalit hindi sila nagtataglay ng mababang estado sa lipunang Pilipino. Bagkus, ang mga naniniwalang marapat manatili ang kawalang-pagkakapantay-pantay ay may mas positibong saloobin sa mga <em>atheist<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Mahalagang tingnan ang pag-aaral na ito sa pangkalahatang papel ng relihiyon sa Sikolohiyang Pilipino. Isang paraan ng kolektibong pag-abot sa mithiing espiritwal ang mga seremonyang panrelihiyon (Ocampo et al., 2013; Yabut, 2013). Sa ganitong pananaw, sa relihiyon nagbubuklod ang espiritwalidad, ritwal na pagkilos, at kaugnayan sa kapwa. Sa espiritwalidad ini-uugnay ang pagtataglay ng paniniwala (Mansukhani at Resurreccion, 2009). Matatandaan na tumutukoy ang RF sa isang matinding paniniwala tungkol sa pagkakaroon ng nag-iisang katotohanang panrelihiyon. Dahil sa isahang paniniwalang ito, nagkakaroon ng <em>prejudice<\/em> laban sa mga lihis kagaya ng mga <em>gay man<\/em> at <em>atheist<\/em>. Subalit, kagaya ng nabanggit, may kinalaman din ang relihiyon sa kaugnayan. Maaaring sa kontekstong Pilipino, ang paglihis sa katuruang panrelihiyon ay nagdudulot din ng kapinsalaan sa mga kaugnayang nakapaloob sa pagrerelihiyon.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Limitasyon at Tunguhin sa Hinaharap<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Bagaman nakapagbibigay ang mga modelo ng katanggap-tanggap na <em>fit<\/em>, maaaring mas matibay pa ito sa aktwal na populasyon. Maaaring nagmumula ang limitasyong ito sa kabiguan ng kasalukuyang pag-aaral na magkaroon ng ideal na bilang ng kalahok. Marami ring impormasyon tungkol sa <em>prejudice<\/em> ang posibleng hindi naobserbahan dahil sa paggamit ng <em>difference score<\/em> (Oldmeadow at Fiske, 2007). Dapat tumugon ang mga hinaharap na pag-aaral sa hustong bilang ng kalahok at mas mahusay na panukat ng <em>prejudice<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Nag-uudyok ng bagong direksyon sa pag-aaral ang paggamit ng DPM model upang ipaliwanag ang relasyon ng RF at prejudice. Higit sa pagiging saloobin tungkol sa paniniwala (Altemeyer at Hunsberger, 1992), maaaring kumatawan RF sa isang <em>worldview<\/em> o pandaigdigang pananaw na nagbubunsod sa pagtataglay ng mga panlipunang saloobin. Sa ganitong paraan, malinaw na matutukoy ang pagkakaiba ng RF at RWA. Matatandaan na naging masyadong matatag ang relasyon ng RF at RWA sa kasalukuyang pag-aaral. Maaaring ito ang dahilan kaya hindi malinaw na naobserbahan ang kaugnayan ng RWA sa <em>prejudice<\/em> sa <em>structural equation model<\/em>. Ipinapayo sa mga susunod na mananaliksik na itrato ang RF bilang pandaigdigang pananaw na nagmumula sa espesipikong paniniwala (e.g., CO); at ilagay ang RF sa modelo kung saan pinepredik nito ang pagtataglay ng mga panlipunang saloobing nagbubunga ng <em>prejudice<\/em>.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Maaari ring bigyang-pansin na may iba-ibang tindi at katangian ang mga relihiyon sa Pilipinas. Dahil dito, inirerekomenda sa mga pag-aaral sa hinaharap na suriin kung paano maaaring maapektuhan ng pagkakaibang ito ang kinalaman ng RF at <em>prejudice<\/em>. May posibilidad na sa hinaharap, magkaroon ng mas malawak na depinisyon ang RF at ang kaugnay nitong <em>prejudice<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-text-align-center\"><strong>KONGKLUSYON<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Napatunayan sa kasalukuyang pag-aaral na maoobserbahan sa mga Pilipinong sampol na may kaugnayan ang RF sa <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>atheist<\/em> at <em>gay man<\/em>. Gamit ang TCM model, naipakita na ang mga may matataas na RF ay higit na nag-eendorso ng paniniwalang Kristyano na siyang nagpepredik ng <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>atheist<\/em>. Gamit ang DPM model, naipakita na ang may mataas na RF ay mayroon ding higit na antas ng SDO na siyang nagpepredik sa <em>prejudice<\/em> laban sa mga <em>gay man<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Maraming mabubuting bagay na nagmumula sa relihiyon. Subalit, may mga hindi mabubuting bagay rin, kagaya ng <em>prejudice<\/em>, na nagmumula rito.&nbsp; Mahalaga ang pag-unawa sa komplikadong papel ng relihiyon sa lipunan at personal na buhay ng mga indibidwal sapagkat maaaring dito nakasalalay ang susi sa mas mapayapa at sama-samang pamumuhay.&nbsp;&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mga Sanggunian<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Allport, G.W. (1954). <em>The Nature of Prejudice<\/em>. Doubleday Anchor.<\/p>\n\n\n\n<p>Altemeyer, B. at B. Hunsberger (1992). Authoritarianism, Religious Fundamentalism, Quest, and Prejudice. <em>The International Journal for the Psychology of Religion, 2<\/em>(2), 113-133.<\/p>\n\n\n\n<p>Altemeyer, B. at B. Hunsberger (2004). A Revised Religious Fundamentalism Scale: The Short and Sweet of It. <em>The International Journal for the Psychology of Religion, 21<\/em>(1), 47-54.<\/p>\n\n\n\n<p>Baring, R.V., R. Lee, M. Sta Maria, at Y. Liu (2016). Configurations of student Spirituality\/Religiosity: evidence from a Philippine university. <em>International Journal of Children\u2019s Spirituality, 21<\/em>(3\u20134), 163\u2013176.<\/p>\n\n\n\n<p>Bentler, P.M. (1990). Comparative fit indexes in structural models. <em>Psychological bulletin, 107<\/em>(2), 238.<\/p>\n\n\n\n<p>Blogowska, J. at V. Saroglou (2011). Religious Fundamentalism and Limited Prosociality as a Function of the Target. <em>Journal for the Scientific Study of Religion<\/em>, <em>50<\/em>(1), 44\u201360.<\/p>\n\n\n\n<p>Browne, M.W. at R. Cudeck (1992). Alternative ways of assessing model fit. <em>Sociological methods &amp; research, 21<\/em>(2), 230-258.<\/p>\n\n\n\n<p>Clobert, M., V. Saroglou, K.K. Hwang, at W.L. Soong (2014). East Asian Religious Tolerance\u2014A Myth or a Reality? Empirical Investigations of Religious Prejudice in East Asian Societies. <em>Journal of Cross-Cultural Psychology<\/em>, <em>45<\/em>(10), 1515\u20131533.<\/p>\n\n\n\n<p>Cornelio, J.S. (2017). <em>Religion and civic engagement: the case of Iglesia ni Cristo in the Philippines. Religion, State and Society, 45<\/em>(1), 23\u201338.<\/p>\n\n\n\n<p>Crawford, J.T., M.J. Brandt, Y. Inbar, at S.R. Mallinas (2016). Right-wing authoritarianism predicts prejudice equally toward \u201cgay men and lesbians\u201d and \u201chomosexuals.\u201d <em>Journal of Personality and Social Psychology, 111<\/em>(2).<\/p>\n\n\n\n<p>Duckitt, J., at B. Farre (1994). Right-wing authoritarianism and political intolerance among whites in the future majority-rule South Africa. <em>The Journal of Social Psychology, 134<\/em>(6), 735-741.<\/p>\n\n\n\n<p>Duckitt, J., at K. Fisher (2003). The impact of social threat on worldview and ideological attitudes. <em>Political Psychology, 24<\/em>, 199\u2013222.<\/p>\n\n\n\n<p>Duckitt, J. at C.G. Sibley (2010). Personality, ideology, prejudice, and politics: A dual\u2010process motivational model. <em>Journal of personality, 78<\/em>(6), 1861-1894.<\/p>\n\n\n\n<p>Duckitt, J. at C.G. Sibley (2007). Right Wing authoritarianism, social dominance orientation and the dimensions of generalized prejudice. <em>European Journal of Personality<\/em>, <em>21<\/em>(2), 113\u2013130.<\/p>\n\n\n\n<p>Enriquez, V. (1975). Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at direksyon. Nasa L. Antonio (pat.) <em>Ulat ng Unang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino<\/em>. Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>Fulton, A.S., R.L. Gorsuch, at E.A. Maynard (1999). Religious Orientation, Antihomosexual Sentiment, and Fundamentalism among Christians<em>. <\/em><em>\ufeff<\/em><em>Journal for the Scientific Study of Religion, 38<\/em>(1), 14-22.<\/p>\n\n\n\n<p>Gervais, W. M., A.F. Shariff, at A. Norenzayan (2011). Do you believe in atheists? Distrust is central to anti-atheist prejudice. <em>Journal of Personality and Social Psychology<\/em>, <em>101<\/em>(6), 1189\u20131206.<\/p>\n\n\n\n<p>Ho, A. K., J. Sidanius, N. Kteily, J. Sheehy-Skeffington, F. Pratto, K.E. Henkel, \u2026 A.L. Stewart (2015). The Nature of Social Dominance Orientation: Theorizing and Measuring Preferences for Intergroup Inequality Using the New SDO7 Scale. <em>Journal of Personality and Social Psychology<\/em>, <em>109<\/em>(6), 1003\u20131028.<\/p>\n\n\n\n<p>Hotchin, V., at K. West (2018). Openness and Intellect differentially predict Right-Wing Authoritarianism. <em>Personality and Individual Differences<\/em>, 124, 117\u2013123.<\/p>\n\n\n\n<p>Hu, L.T., at P.M. Bentler (1999). Cutoff criteria for fit indexes in covariance structure analysis: Conventional criteria versus new alternatives. <em>Structural equation modeling: a multidisciplinary journal, 6<\/em>(1), 1-55.<\/p>\n\n\n\n<p>Hunsberger, B. (1989). A short version of the Christian orthodoxy scale. <em>Journal for the Scientific Study of Religion<\/em>, 360-365.<\/p>\n\n\n\n<p>Hunsberger, B. (1996). Religious fundamentalism, right-wing authoritarianism, and hostility toward homosexuals in non-Christian religious groups. <em>The International Journal for the Psychology of Religion, 6<\/em>(1), 39-49.<\/p>\n\n\n\n<p>Jackson, L.M., at B. Hunsberger (2006). An Intergroup Perspective on Religion and Prejudice. <em>Journal for the Scientific Study of Religion<\/em>, <em>38<\/em>(4), 509.<\/p>\n\n\n\n<p>Johnson, M.K., W.C. Rowatt, at J.P. Labouff (2012a). Religiosity and prejudice revisited: In-group favoritism, out-group derogation, or both? <em>Psychology of Religion and Spirituality<\/em>, <em>4<\/em>(2), 154\u2013168.<\/p>\n\n\n\n<p>Johnson, M.K., J.P. Labouff, W.C. Rowatt, J.A. Patock-Peckham, at R.D. Carlisle (2012b). Facets of right-wing authoritarianism mediate the relationship between religious fundamentalism and attitudes toward Arabs and African Americans. <em>Journal for the Scientific Study of Religion<\/em>, <em>51<\/em>(1), 128\u2013142.<\/p>\n\n\n\n<p>Jugert, P. at J. Duckitt (2009). A motivational model of authoritarianism: Integrating personal and situational determinants. <em>Political Psychology, 30<\/em>(5), 693-719.<\/p>\n\n\n\n<p>Karimi, L. at D. Meyer (2014). Structural equation modeling in psychology: the history, development and current challenges. <em>International Journal of Psychological Studies, 6<\/em>(4), 123-133.<\/p>\n\n\n\n<p>Kirkpatrick, L.A. (1993). Fundamentalism, Christian Orthodoxy, and Intrinsic Religious Orientation as Predictors of Discriminatory Attitudes. <em>Journal for the Scientific Study of Religion<\/em>, <em>32<\/em>(3), 256\u2013268.<\/p>\n\n\n\n<p>Laythe, B., D.G. Finkel, R.G. Bringle, at L.A. Kirkpatrick (2002). Religious Fundamentalism as a Predictor of Prejudice: A Two-Component Model. <em>Journal for the Scientific Study of Religion<\/em>, <em>41<\/em>(4), 623\u2013635.<\/p>\n\n\n\n<p>Laythe, B., D. Finkel, at L.A. Kirkpatrick (2001). Predicting prejudice from religious fundamentalism and right-wing authoritarianism. <em>Journal for the Scientific Study of Religion, 40<\/em>(16427), 1\u201310.<\/p>\n\n\n\n<p>Lippa, R. at S. Arad (1999). Gender, personality, and prejudice: The display of authoritarianism and social dominance in interviews with college men and women. <em>Journal of Research in Personality, 33<\/em>(4), 463-493.<\/p>\n\n\n\n<p>Manganelli Rattazzi, A. M., A. Bobbio, at L. Canova (2007). A short version of the Right-Wing Authoritarianism (RWA) Scale. <em>Personality and Individual Differences<\/em>, <em>43<\/em>(5), 1223\u20131234.<\/p>\n\n\n\n<p>Mansukhani, R. at R. Resurreccion (2009). Spirituality and the development ofpositive character among Filipino adolescents. <em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, <em>42<\/em>(2), 271\u2013290.<\/p>\n\n\n\n<p>Mavor, K.I., W.R. Louis, at B. Laythe (2011). Religion, Prejudice, and Authoritarianism: Is RWA a Boon or Bane to the Psychology of Religion? <em>Journal for the Scientific Study of Religion<\/em>, <em>50<\/em>(1), 22\u201343.<\/p>\n\n\n\n<p>McFarland, S.G. (1989). Religious Orientations and the Targets of Discrimination. <em>Scientific Study of Religion<\/em>, <em>28<\/em>(3), 324\u2013336.<\/p>\n\n\n\n<p>Ocampo, A. C., R. Mansukhani, B. Mangrobang, at A.M. Juan (2013). Influences and perceived impact of spirituality on Filipino adolescents. <em>Philippine Journal of Psychology, 46<\/em>(1), 1-1.<\/p>\n\n\n\n<p>Oldmeadow, J. at S.T. Fiske (2007). System\u2010justifying ideologies moderate status= competence stereotypes: Roles for belief in a just world and social dominance orientation. <em>European Journal of Social Psychology, 37<\/em>(6), 1135-1148.<\/p>\n\n\n\n<p>Philippine Statistics Authority [PSA] (2010\/2015). Report on the national census. Isinangguni mula sa www.psa.gov.ph.<\/p>\n\n\n\n<p>Saroglou, V. (2016). Intergroup Conflict, Religious Fundamentalism, and Culture. <em>Journal of Cross-Cultural Psychology, 47<\/em>(1), 33\u201341.<\/p>\n\n\n\n<p>Shen, M.J., L.A. Yelderman, M.C. Haggard, at W.C. Rowatt (2013). Disentangling the belief in God and cognitive rigidity\/flexibility components of religiosity to predict racial and value-violating prejudice: A Post-Critical Belief Scale analysis. <em>Personality and Individual Differences, 54<\/em>(3), 389\u2013395.<\/p>\n\n\n\n<p>Simpson, A., K. Rios, at C.M. Cowgill (2017). Godless in essence? Psychological essentialism, theistic meta-beliefs, and anti-atheist prejudice. <em>Personality and Individual Differences<\/em>, <em>119<\/em>, 35\u201345.<\/p>\n\n\n\n<p>Whitley, B.E. (2009). Religiosity and Attitudes Toward Lesbians and Gay Men: A Meta-Analysis. <em>International Journal for the Psychology of Religion<\/em>, <em>19<\/em>(1), 21\u201338.<\/p>\n\n\n\n<p>Yabut, H. J. (2013). Isang paglilinaw sa mga paniniwala at pagpapakahulugan sa ispiritwalidad at relihiyon ng mga Pilipino. <em>Diwa, 1<\/em>(1), 162\u2013179.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Darren E. DumaopDepartamento ng SikolohiyaDe La Salle University, Manila Abstrak Bilang bahagi ng isang bansang may mayoryang relihiyoso, positibo ang pagtingin ng mga Pilipino sa relihiyon. Subalit, bantog ang relihiyon sa Kanluraning literatura na tagapagpalaganap ng prejudice. Sa mga pag-aaral &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-7-nobyembre-2019-pagtatasa-sa-tcm-at-dpm-model-upang-ipaliwanag-ang-kaugnayan-ng-religious-fundamentalism-at-prejudice-pag-aaral-mula-sa-sampol-ng-mga-kabataang-pilipino\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 7, Nobyembre 2019] Pagtatasa sa TCM at DPM Model upang Ipaliwanag ang Kaugnayan ng Religious Fundamentalism at Prejudice: Pag-aaral mula sa Sampol ng mga Kabataang Pilipino<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[12],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1001"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1001"}],"version-history":[{"count":9,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1001\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":1065,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1001\/revisions\/1065"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1001"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=1001"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=1001"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}