By | 05/28/2014

May 39 na mga guro mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas ang tutugon sa hamon ng pagtataguyod ng Sikolohiyang Pilipino (SP) matapos na makalahok sa LINANGAN 2014: Seminar Workshop sa Pagtuturo ng Sikolohiyang Pilipino na isinagawa sa Unibersidad ng Pilipinas Los Banos noong Mayo 22-23, 2014.

Linangan 2014

Pinangasiwaan nina Jay Yacat, Jayson Petras at Miriam Aquino-Malabanan, mga kasapi ng Lupon ng Kadiwa (ang pamunuan ng PSSP), ang pagsasanay sa edisyong ito.  Pinagtuunan sa workshop ang mga sumusunod na paksa: ang konteksto ng SP bilang katutubong sikolohiya; ang papel ng wika sa paglinang ng katutubong sikolohiya; ang kapwa at pakikipagkapwa bilang batayang konsepto; at ang mga katutubong pamamaraan ng pananaliksik.  Tinalakay din ang iba’t ibang istratehiya tungo sa mas malikhaing pagtuturo ng isang kurso sa SP.

Pinagtulungan din ng mga kalahok na bumuo ng apat na magkakaibang balangkas para sa pagtuturo ng SP: 1) isang kurso para sa mga psychology majors sa ikatlo o ika-aapat na taon; 2) isang kurso para sa mga psychology majors na katatapos pa lamang ng Panimulang Sikolohiya; 3) isang kurso sa Sikolohiya bilang General Education; at 4) isang kurso sa wika.

Nagtala ang Linangan 2014 ng pinakamalaking bilang ng mga kalahok simula nang unang isagawa ito ng PSSP.  Nagmula ang mga kalahok  sa mga sumusunod: Kalakhang Maynila -Adamson University, De La Salle University, De La Salle Araneta University, Our Lady of Fatima University, San Beda College Alabang, University of Caloocan City, Unibersidad ng Pilipinas Diliman; Luzon -Apayao State College, Ateneo de Naga University, Bicol State College of Applied Science and Technology, Camarines Sur Polytechnic Colleges, Colegio de San Sebastian-Pampanga, De La Salle University-Dasmariñas, Holy Angel University, La Consolacion University Philippines, La Salle College Antipolo, Lyceum Northwestern University, Mindoro State College of Agriculture and Technology, Palawan State University, Pamantasan ng CabuyaoQuirino State University, Unibersidad ng Pilipinas Los Banos, Western Philippines University-Palawan; Visayas-UPV Tacloban College; Mindanao-Ateneo de Davao University, San Pedro College. *JAY

Leave a Reply