By | 06/21/2021

Makibahagi sa ginhawang pagyayamanin sa Unang Pambansang Kumperensiya sa Ginhawa sa 1-3 Hulyo 2021 kasama ng ating mga Tagapagsalita:

  • Violeta V. Bautista, Ph.D., R.Psy., Prof. Emeritus
  • Divine Love Salvador, Ph.D., R. Psy.
  • Rene S.L. Resurreccion, M.A.
  • June Caridad Pagaduan-Lopez, M.D.

Bukas ang kumperensiya para sa lahat ng interesadong dumalo.  Maaaring magpatala sa pamamagitan ng online registration form: .

Registration Fee:

  • Php900 (Kasaping Panghabambuhay ng PSSP; Kasapi ng PSSP na bayad ng membership fee sa taong 2021)
  • Php900 (Tagapaglahad ng Papel)
  • Php1,200 (Di-Kasapi ng PSSP; Kasapi ng PSSP sa mga nakaraang taon pero HINDI bayad ng membership fee sa taong 2021)
  • Php1,900 (May kasamang membership sa PSSP sa taong 2021; Kailangang sagutan ang Online Membership Form: http://bit.ly/psspmembershipform)

Tungkol sa Kumperensiya

Sa loob ng isang taon, binago ng COVID-19 ang buhay at pamumuhay ng mga indibidwal, pamilya, komunidad, at lipunan sa buong mundo. Para sa ating mga Pilipino, patuloy ang hamon ng pakikibaka sa sakit na ito, pag-angkop sa mga hirap at suliraning dala nito, at paghahanap ng mga pagkakataong makaranas ng paglago sa gitna, at sa kabila, ng pandemya. Kailangan ang pagsasama-sama ng ibaโ€™t ibang kadalubhasaan at pananaw sa pagbubuo ng โ€œbetter normalโ€ o bagong pamumuhay sa paraang aktibo at nakikilahok.

Layunin ng kumperensiyang ito ang magbigay ng pagkakataon para sa pagbabahagi ng mga pananaliksik at karanasang pang-praktika na may kinalaman sa: (i) pag-unawa sa karanasan ng pandemya para sa mga Pilipino, (ii) mga modelo at pamamaraan ng pagpapaigting ng nakagiginhawang pag-angkop at paglago sa ibaโ€™t ibang aspeto ng buhay tulad ng sa sarili, pamilya, komunidad, at pinagtratrabahuhan, at (iii) mga batayang panuntunan sa pangangalaga at pagsulong ng ginhawa sa panahon ng pandemya.