By | 05/15/2014

Walang hanggang suporta ang natanggap ng Pambansang Samahan ng Sikolohiyang Pilipino at Tatsulok-Alyansa ng mga magaaral ng Sikolohiyang Pilipino sa taunang pagtitipon ng mga mag aaral mula sa Sikolohiya. Mula sa tagumpay ng Psynergy 7 sa De La Salle University-Manila, ngayong taon ng ika 21-22 ng Pebrero ay idinaos ang ika-8 Psynergy na may pamagat na “Hanggang Saan ang Walang Hanggan?” sa Ugnayang La Salle gymnasium ng De La Salle University-Dasmariñas.

3

Ang dalawang araw na kumperensiya ay dinaluhan ng higit kumulang na 1200 mag-aaral ng Sikolohiya. Marami ang dumayo mula sa Hilaga at Katimugang bahagi ng Luzon at Maynila. Pinangunguhan ito ng labing tatlong kasaping pamantasan at kolehiyo ng Tatsulok kabilang dito ang De La Salle University-Dasmariñas ( bilang host school), Centro Escolar University-Manila, De La Salle University-Manila, Emilio Aguinaldo College-Cavite, Far Eastern University, Holy Angel University, Lyceum of the Philippines-Batangas, San Beda College-Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Philippine Normal University, Polytechnic University of the Philippines-Manila, University of the East, at Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

4

Ito ang kauna-unahang beses na ilabas ang taunang kumperensiya sa Maynila at nilakbay pa ang Cavite upang patuloy na suportahan ang mithiin ng PSSP na ipalaganap ang Sikolohiyang Pilipino sa mga karatig-pamantasan sa Luzon. Hindi nga nabigo ang Tatsulok sapagkat humigit-kumulang 30 unibersidad at kolehiyo ang nakiisas sa gawaing ito.

Ang unang araw ay ang plenaryong sesyon kung saan tinalakay ni Bro. Francisco de la Rosa ng DLSU-Dasmariñas ang tungkol sa Afterlife at ang depinisyon ng walang hanggan. Sinundan ito ni Dr. Ma. Dolores C. Patag  ng PLM na tinalakay naman ang walang hanggan sa konteksto ng trabaho. Ang sesyon naman sa hapon ay binuo nina Prop. Jay Yacat  ng UP-Diliman, Bb. Katrina Fernando at Dr. Ron Resureccion pawang mula sa DLSU-Manila na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman sa walang hanggan sa konteksto ng pakikipagkapwa, pag-ibig, at kasiyahan. Nabusog ang mga mag-aaral sa iba’t ibang pananaw tungkol sa konteksto ng walang hanggan dahil talagang naging aktibo sila sa malayang talakayan at lalo na sa mga inihandang mga palaro. Kasunod nito ang paggawad ng parangal sa mga pag-aaral na isinulat sa wikang Filipino at ang mga natatanging papel-pananaliksik at tesis  na masusing sinuri at pinili ng mga direktor ng PSSP mula sa higit-kumulang 100 na ipinasang papel ng mga mag-aaral.

1

2

Best Undergraduate Thesis

1. Bilibid or Not: A General Qualitative Study of Physical Aggression in the New Bilibid Prison-Maximum Security Compound
Arthur Arvin Bo, Anne Camille Cumagun, Aaron Jan Krout
De La Salle University-Manila

2. The Other and the Significant Other: The Influence of the Ibang-Tao/Hindi Ibang-Tao Distinction on Self-Serving Bias
Patricia Nicole Y. Acido, Naveen K. Ganglani
De La Salle University-Manila

3. Ang Nakaraan, ang Kasalukuyan at ang Kahihinatnan: The Lived Experiences of Rizalistas
Regina Marie A. Bautista, Nicole P. De Guzman, Jayne Muriel C. Tirol, Camille C. Yamashita
Manila Tytana Colleges

Best Undergraduate Research

1. Pinto at Loob: The “Kapitbahay” Concept in Exclusive and Non-Exclusive Residential Communities
Deirdre Remida Gaetos Conde, Maria Melisa Coral Hontiveros, Von Carlo Dating Lasam, Maria Ana Patricia Clemente Muñoz
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

2. Binat: The Experiences of Filipino Women After Giving Birth
Rabajante, Crystal Sheen C., Guanco, Rhalf Jayson F., Martimez, Jenny V., Navarro, Anna Liezel A.
Palawan State University

3. Pag-uugnay ng mga Kategorya ng Relasyon ng Kapwa sa mga Anyo ng Mattering: Pagsasakatutubo ng Mattering sa Konteksto ng CICL Base sa Dalas ng Pagdalaw
Marie Louise E. Bonoan, Joyce Anne B. Ocampo, Amanda Marie A. Cheong, Jemina Hanna I., Beringuela, Fatima Grace A. Vinluan
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

Pagdating ng pangalawang araw ay ang sabayang sesyon na kinatampukan ng 100 napiling papel-pananaliksik at tesis. Ang mga mag-aaral ay pumili ng kani-kanilang sesyon na dadaluhan mula umaga hanggang hapon. Hindi naman nagpahuli ang mga mag-aaral sa sikolohiya sa pagtangkilik ng merchandise shirt ng Psynergy 8 upang bauning souvenir pag-uwi sa kani-kanilang lugar. Isa ngang walang hanggang pasasalamat ang ipinapaabot ng mga organizer mula sa Tatsulok, Departamento ng Sikolohiya ng DLSU-D, DLSU-D Psychological Society at lalong-lalo na ng PSSP. (MDDT/KCLR)

Para sa ibang larawan ng Psynergy 8 mangyaring puntahan ang: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.812392268775059.1073741840.670285056319115&type=1

Leave a Reply