Katinuan, Kalihisan, Kalusugan: Ang Mental Health sa Konteksto ng Kultura, Lipunan, at Sikolohiyang Pilipino
15-17 Nobyembre 2018
Ateneo de Manila University
Katipunan Avenue, Loyola Heights, Lungsod Quezon
Mga Layunin ng Kumperensiya:
1. Matalakay ang mga usapin na may kinalaman sa kalusugang pangkaisipan (mental health) sa konteksto ng kultura, lipunan, at sikolohiyang Pilipino;
2. Magtampok ng mga bagong pananaliksik sa kultura, lipunan at sikolohiyang Pilipino; at
3. Magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa Sikolohiyang Pilipino.
Inaanyayahan ang lahat na may pananaliksik na may kinalaman sa paksa na magsumite ng kanilang abstrak. Tatanggapin din ang mga pag-aaral tungkol sa mga kultural na konseptong sikolohikal, identidad, pagpapahalagang Pilipino, wika, sikolohiya ng LGBT, pakikipag-ugnayan, migrasyon, isyung panlipunan, atbp. na makakatulong sa pag-unawa ng karanasan ng mga Pilipino. Ang mga papel ay maaaring kwantitatibo, kwalitatibo, teoretikal, o rebyu.
Para makapagsumite, pumunta lamang po sa online submission form: bit.ly/pksp2018papel.
DEDLAYN: 31 HULYO 2018 PINALAWIG NA DEDLAYN: 31 AGOSTO 2018