Pambansang Kumperensiya para sa mga ‘Di-Gradwadong Mag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino
Mayo 6-7, 2022
Ikaw ba ay may natatanging pananaliksik sa Sikolohiyang Pilipino?
Gusto mo bang ibahagi ang iyong pag-aaral sa kumperensiyang dinadaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad?
Inaanyayahan namin ang lahat ng mga ‘di-gradwadong mag-aaral ng Sikolohiya na may pananaliksik sa SP na magpasa sa paparating na Psynergy XIV!
SAKLAW: Bukas ito sa lahat ng pag-aaral patungkol sa mga kultural na konseptong sikolohikal, identidad, pagpapahalagang Pilipino, wika, sikolohiya ng LGBT, pakikipag-ugnayan, migrasyon, isyung panlipunan, atbp. na makakatulong sa pag-unawa ng karanasan ng mga Pilipino. Ang mga papel ay maaaring kwantitatibo, kwalitatibo, o mixed-method.
Ang mga mapipiling papel ay maglalahad sa mga sabayang sesyon ng kumperensiya. Bukod pa riyan, may tsansa ring gawaran ang pinakamahuhusay na pag-aaral bilang ‘Natatanging Papel Pananaliksik sa Sikolohiyang Pilipino’.
Ano pang hinihintay niyo? Pasa na!
Ang huling araw ng pagsusumite ng manuskrito ay sa 𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐.
Link para sa pagsusumite: