14-15 Nobyembre 2019
Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Lungsod Quezon
Indibidwal na Paglalahad:
Panel o Symposium:
Tungkol sa Kumperensiya
Malaking bahagi sa pang-araw-araw na buhay nating mga Pilipino sa kasalukuyan ang umiikot sa paggamit ng social media at digital technology tulad ng internet. Ngayong 2019, muling nanguna ang mga Pilipino pagdating sa dami ng oras na iginugugol sa iba’t ibang social media platforms, gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Youtube (may average na 4 oras at 17 minuto kada araw, halos doble ng global average na 2 oras at 16 minuto). Tinatayang halos 60% ng kabuuang populasyon ay may access sa internet kumpara sa global average na 42% lamang.Sa kumperensiyang ito, itatampok ang mga kilalang eksperto at mananaliksik mula sa iba’t ibang larangan tulad ng sikolohiya, media, communication science at iba pang agham panlipunan, upang talakayin ang sikolohiya ng social media at digital technology.
Mga Layunin ng Kumperensiya
Sa pangkalahatan, nilalayon ng kumperensiya na:
- masuri ang papel ng social media at mga digital technology sa iba’t ibang aspekto ng buhay Pilipino;
- matalakay ang papel ng social media at mga digital technology sa pagsusuri ng lipunan, kultura at sikolohiyang Pilipino;
- magtampok ng mga bagong pananaliksik sa kultura, lipunan at sikolohiyang Pilipino; at
- magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa Sikolohiyang Pilipino.