By | 09/03/2024

Talaban at Hugpungan: Ang Gampanin ng SP sa Pagtugon ng Hating Kultural 
(Tensions and Intersections: The Role of SP in Addressing Cultural Divides)
22-23 Nobyembre 2024
via Zoom

Indibidwal na Paglalahad: https://tinyurl.com/pksp48papel

Panel o Symposium: https://tinyurl.com/pksp48sympo


Taon-taon, nagtataguyod ng Pambansang Kumperensiya ang National Association for Sikolohiyang Pilipino, Inc. (Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino), isang panlipunan at propesyonal organisasyong may misyong palaganapin ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang isang inter-disiplinaryo at maka-Pilipinong pananaw at pamamaraan.   Komprehensibong tinatalakay sa mga pambansang kumperensiya ang isang piling tema.  Ngayong taon, isasagawa ng PSSP ang Ika-48 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang na may temang “ Talaban at Hugpungan: Ang Gampanin ng SP sa Pagtugon sa Hating Kultural (Tensions and Intersections: The Role of SP in Addressing Cultural Divides).”


Mga Layunin ng Kumperensiya

1. Matalakay ang gampanin ng Sikolohiyang Pilipino sa pag-unawa at pagtugon sa mga hating kultural tungo sa karangalan, katarungan, at kalayaan;

2. Magtampok ng mga bagong pananaliksik sa kultura, lipunan, at Sikolohiyang Pilipino at 

3. Magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa Sikolohiyang Pilipino.

Inaanyayahan ang lahat ng may pananaliksik na kaugnay ng paksa na magsumite ng kanilang abstrak. Tatanggapin din ang mga pag-aaral tungkol sa mga kultural na konseptong sikolohikal, identidad, pagpapahalagang Pilipino, wika, sikolohiya ng LGBT, pakikipag-ugnayan, migrasyon, isyung panlipunan, atbp. na makakatulong sa pag-unawa ng karanasan ng mga Pilipino. Ang mga papel ay maaaring kwantitatibo, kwalitatibo, teoretikal, o rebyu.


DEDLAYN NG SUBMISYON: 21 SETYEMBRE 2024
 PINALAWIG NA DEDLAYN: 28 SETYEMBRE 2024