Ang Alyansa ng mga Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino o TATSULOK ay samahan ng mga mag-aaral na naglalayong magtatag ng isang alyansa upang isulong at isabuhay ang Sikolohiyang Pilipino. Kabalikat ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), nilalayon ng TATSULOK na magsilbing pangunahing tulay ng mga mag-aaral upang mapalaganap ang mga prinsipyo ng Sikolohiyang Pilipino.
Simula nang itatag ito noong taong 2006, patuloy na lumawak ang saklaw ng TATSULOK. Ang noong binubuo ng tatlong organisasyon ay lumago sa kasalukuyang bilang na 43 ganap na kasapi. Ngayong taon, muling nagbubukas ang TATSULOK para sa mga organisasyong interesadong maging kasapi ng pinakamalawak na alyansa para sa Sikolohiyang Pilipino.
Para sa mga organisasyong pang-mag-aaral ng Sikolohiya na nais maging bahagi ng TATSULOK, maaari ninyong basahin ang iba pang detalye patungkol sa proseso ng aplikasyon sa .
Ang application form naman ay maaaring i-akses sa .
Magsasara ang application form sa ganap na ika-20 ng Setyembre, 11:59 n.g.
Tungo sa sikolohiyang malaya at mapagpalaya!#TATSULOK15