Petsa: 10-12 Hulyo 2019
Lugar na Pagdadausan: Bulwagang Abraham Sarmiento, Unibersidad ng Pilipinas Baguio, Lungsod ng Baguio, Benguet
Workshop Fee: Php 3,500.00 (Kasapi); Php 4,000.00 (Di-kasapi)
Registration Form: bit.ly/pssplinangan
CPD Units: 15 (RPsy & RPm); Program Accreditation Number: PSYCH-2018-029-366
.
Ang pambansang workshop na ito ay magtatalakay ng teorya, metodo, at gamit ng sikolohiyang Pilipino. Sa ganang ito, inaasahan na ang mga guro ay magtataglay ng perspektibong nagmumula sa iba’t ibang pagpapahalaga bunga ng/sa karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. Ang kahalok ay magiging sistematiko at siyentipiko sa pagkuha ng kaalaman sa pamamagitan ng mga katutubong metodong aangkop sa karanasan ng mga Pilipino na nakatuon sa kultura, wika, diwa, pananaw, lipunan, at kasaysayang Pilipino. Sa pagtatapos ng workshop, ang kalahok ay inaasahang makapagpaplanong lumikha ng silabus at makapagsasagawa ng mga gawain sa kanyang klase na may kaugnayan sa Sikolohiyang Pilipino.
Sa pagtatapos ng workshop, ang mga kalahok ay inaasahang:
- Nakapagtatalakay kung ano ang Sikolohiyang Pilipino, ng mga pangunahing paksa at mga panukalang balangkas sa pagtuturo nito, at nakapagbibigay-linaw kung bakit kailangan itong pag-aralan at ituro.
- Nakapagtatalakay ng mga batayang kaisipan sa kultura, lipunan at Sikolohiyang Pilipino at mga hating kultural sa konsteksto at karanasang Pilipino.
- Nakapagdedebelop ng mga panukalang gawain at proyekto para sa kursong Sikolohiyang Pilipino.
- Nakabubuo ng teaching activities para sa kursong Sikolohiyang Pilipino ayon sa kontekstwalisadong pangangailangan.
Bukas ang mga workshop para sa sumusunod:
- Mga guro na nagtuturo ng Sikolohiyang Pilipino o interesadong magturo ng Sikolohiyang Pilipino
- Interesadong mga kasapi ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) at Psychological Association of the Philippines
PAGPAPATALA
Ang mga interesadong kalahok ay maaaring magpatala online hanggang 3 Hulyo 2019.
Maaari po kayong magbayad ng workshop fee sa pamamagitan ng sumusunod:
• Tanggapan ng PSSP
4A Alcal Building 285 Katipunan Avenue, Loyola Heights, Lungsod Quezon
Hanapin si G. Kenneth Carlo L. Rives
Contact Number: 0922-8751440/0916-2114973 (Paalala: Mag-text/tumawag po muna bago pumunta para matiyak kung may tao sa opisina.)
• Chinabank (sa kahit saang sangay ng Chinabank)
Account Name: National Association for Sikolohiyang Pilipino, Inc.
Account Number: 2420203317
Branch: Corinthian Hills, Quezon City
• GCASH “Fully Verified” Account
Para makapagbayad sa pamamagitan ng GCASH “Fully Verified” Account, sundin lamang po ang instruction sa ibaba:
1) Buksan ang GCASH application.
2) Piliin ang “Send to Bank” sa My Dashboard.
3) Hanapin at pindutin ang “China Banking Corporation”.
4) Sagutan ang sumusunod:
*Amount: Ilagay ang halagang ibabayad (hal.: 500)
*Account Name: NASPI
*Account Number: 2420203317
*E-mail Receipt to: pssponline@gmail.com (tiyakin na tama ang e-mail address)
5) Pindutin ang “Next”.
6) I-screenshot ang payment confirmation.
Mangyaring paki-email ang kopya ng Chinabank transaction/deposit slip o GCASH payment confirmation sa pssponline@gmail.com.
I-download ang sumusunod: