10 Pebrero 2017
Isang mapagpalayang pagbati!
Ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) ay isang propesyonal na organisasyon ng mga indibidwal at grupong naninindigang magtaguyod ng isang makabuluhan at makahulugang sikolohiya at agham panlipunan sa Pilipinas. Sa darating na 26-27 Mayo 2017, isasagawa po namin ang Linangan 2017: Isang Seminar Workshop sa Pagtuturo ng Sikolohiyang Pilipino sa Central Philippine University, Lungsod ng Iloilo, Iloilo.
Sa loob ng dalawang araw, papaksain ng kurso ang mga batayang kaisipan at usapin sa Sikolohiyang Pilipino. Kasama rin sa pagtalakay ang mga mahahalagang paksa na kailangang maisama sa anomang panimulang kurso sa Sikolohiyang Pilipino. May pagtalakay rin sa mga metodong angkop para sa kurso. Ang workshop fee ay nagkakahalaga ng P3,000.00 (kasapi) at P3,500.00 (di-kasapi) bawat isang tao. Kasama sa halagang ito ang pagkain, workshop kit at katibayan ng paglahok ngunit hindi kasama ang akomodasyon.
Kaugnay nito, nais namin kayong anyayahang magpadala ng isa o higit pang kinatawan para sa maikling kursong ito. Mainam kung ang pipiliin ay iyong mga nakapagturo na, nagtuturo o balak magturo o pagturuin ng panimulang kurso sa Sikolohiyang Pilipino.
Para po sa pagbayad ng workshop fee, maaari itong ideposito sa aming PNB checking account na National Association for Sikolohiyang Pilipino, Inc. (Account No.: 473427800012) sa pinakamalapit na sangay ng Philipppine National Bank sa inyong lugar. Lahat ng tseke ay dapat nakapangalan sa “NATIONAL ASSOCIATION FOR SIKOLOHIYANG PILIPINO, INC.” Pakihiling po sa bank teller na ilagay ang inyong pangalan bilang depositor. Maaari ring ipadala ang inyong bayad sa aming GCASH Account No. 0916-2114973. Pagkatapos pong magbayad ay siguraduhing magpatala kayo sa online registration form: bit.ly/pssplinangan2017.
Lubos na gumagalang,
Prop. Jay A. Yacat
Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Pangulo, PSSP
I-download ang Liham-Paanyaya
Online Registration Form