By | 04/10/2015

Linangan 2015

Petsa: 29-30 Mayo 2015
Venue: Saint Louis University, Lungsod Baguio
Workshop Fee: Php3,000.00 (kasapi); Php3,500.00 (di-kasapi)
Online Registration Form: bit.ly/pssplinangan2015

Sa darating na 29-30 Mayo 2015, isasagawa po ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino sa pakikipagtulungan ng SLU School of Teacher Education ang Linangan: Seminar Workshop sa Pagtuturo ng Sikolohiyang Pilipino sa Saint Louis University, Lungsod Baguio.  

Sa loob ng dalawang araw, papaksain ng kurso ang mga batayang kaisipan at usapin sa Sikolohiyang Pilipino.  Kasama rin sa pagtalakay ang mga mahahalagang paksa na kailangang maisama sa anumang panimulang kurso sa Sikolohiyang Pilipino.  May pagtalakay rin sa mga metodong angkop para sa kurso.  Ang workshop fees ay nagkakahalaga ng Php3,000.00 (kasapi) at Php3,500.00 (di-kasapi)  bawat isang tao.  Kasama sa halagang ito ang pagkain, workshop kit at katibayan ng paglahok.

Tentatibong Programa

CHED Endorsement (Linangan 2015)

Leave a Reply