Sa kasalukuyang nagaganap na pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa, isa sa malalaking usapin ang lunan ng Filipino bilang wikang panturo at bilang natatanging kurso/larangan, na dumidikit din sa usapin ng identidad at pagkatao.
Bilang tugon, ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), bilang organisasyong naninindigan sa bisa ng wikang Filipino sa larangan ng Sikolohiya na isinasaad ng aming patakarang pangwika at sa paggunita rin sa ika-20 taong anibersaryo ng pagkamatay ni Dr. Virgilio G. Enriquez., kasama ang UP Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya at UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay magsasagawa ng forum sa Mga Hamon sa Wikang Filipino: Implikasyon sa Sikolohiyang Pilipino na gaganapin sa ika-18 ng Agosto, 1-4 ng hapon, sa Palma Hall 207.
Bukas ang forum sa lahat ng iskolar, gradwadong mag-aaral (graduate student), guro, mananaliksik, at propesyunal. Wala pong bayad ang paglahok sa programang ito. Para makapagpatala, pumunta lamang po sa online form. Ang unang 80 na nakapagpatala lamang po ang aming tatanggapin.