[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Tala ukol sa mga Kontribyutor

KRUPSKAYA M. AÑONUEVO.   Kasalukuyang Leadership Development Officer ng Teach for the Philippines at Fellow ng Action for Economic Reforms (AER), Philippines.  Nagtapos siya ng B.A. Psychology, magna cum laude sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at M.A. Psychology sa University of Munich (UM), Germany.  Dati siyang guro ng De La Salle University (DLSU), Manila, Philippines; UP Diliman; Jeunesse et Developpement, Bamako, Mali; at Goethe-Institut Philippines kung saan siya nagturo ng sikolohiya, wikang Ingles, at wikang Aleman.  Naging Assistant Program Coordinator din siya ng Friedrich-Ebert-Stiftung (FES), Philippines.  Nakapaglathala na siya ng ilang artikulo tungkol sa mga kontemporaryong usaping panlipunan sa onlayn kolum na AER Yellow Pad (2009, 2010).

JOSE ANTONIO R. CLEMENTE.  Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Department of Psychology sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon Cityat Pangalawang Pangulo at Tagapangasiwang Direktor ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), Philippines.  Nagtapos siya ng B.A. Psychology, magna cum laude at M.A. Psychology sa UP Diliman at nag-aaral ng Ph.D. Psychology sa University of Macau (UM), China.  Nakapaglathala na siya ng ilang artikulo tungkol sa teorya ng kapwa at pananaliksik sa sikolohiya sa mga seryal na Philippine Journal of Psychology (2008) at Philippine Social Sciences Review (2011).  Anawnser at kasamang prodyuser din siya ng programang panradyong Psych o’Clock Habit (2010-2013).

CARL O. DELLOMOS.  Kasalukuyang Counseling Psychologist/Psychometrician sa Central Colleges of the Philippines (CCP) at Part-time Instructor ng Department of Psychology sa University of Caloocan City (UCC), Philippines.  Nagtapos siya ng B.S. Industrial and Organizational Psychology sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), Manila at Certificate in Teacher Education sa CCP.  Nakakuha siya ng mga yunit sa Master in Psychology sa PUP at nag-aaral ng Master of Health Social Science sa De La Salle University (DLSU), Manila, Philippines.  Nakapaglathala na siya ng ilang artikulo tungkol sa pag-aangkop sa buhay-kolehiyo at pagpapahalagang interpersonal sa seryal na CCP Interdisciplinary Research Journal (2010, 2011).

DARREN E. DUMAOP.  Kasalukuyang Lecturer sa De La Salle University–Dasmariñas (DLSU-D), Cavite, Philippines at De La Salle University–College of Saint Benilde (DLSU-CSB), Manila, Philippines.  Nagtapos siya ng B.S. Psychology, cum laude at Certificate in Teaching sa Philippine Normal University (PNU), Manila, Philippines at M.A. Psychology sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City.  Dati siyang guro sa Cavite State University (CSU), Rosario, Cavite, Philippines.  Naging Guidance Counselor din siya sa Diliman Preparatory School (DPS), Quezon City, Philippines at Students Affairs Coordinator sa Kester Grant College (KGC), Quezon City, Philippines.  Nakapagbasa na siya ng ilang papel pangkumperensya hinggil sa pamumunong Pilipino.

ADONIS L. ELUMBRE.  Kasalukuyang Gradwadong Mag-aaral sa Asia-Europe Institute (AEI) ng University of Malaya (UM), Kuala Lumpur, Malaysia.  Nagtapos siya ng B.A. History, cum laude sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City.  Dati siyang guro ng UP Los Baños, Laguna at UP Baguio.  Naging isa rin siya sa mga Regional Coordinator ng Young Progressives Southeast Asia (YPSEA).  Nakapaglathala na siya ng mga artikulo sa mga seryal at librong pang-agham panlipunan at pangkasaysayan.  Kasamang may-akda at kasamang patnugot siya ng Kasaysayang Pampook: Pananaw, Pananaliksik, Pagtuturo (2012) at SALIKSIK: Saysay ng Salaysay E-Journal (2012).

Ma. Althea T. Enriquez, Ph.D.  Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at Awditor ng Pambansang Samahan sa Wika (PSW), Philippines.  Nagtapos siya ng B.A. Linguistics, cum laude at M.A. Linguistics sa UP Diliman at Ph.D. Language Studies sa National University of Singapore (NUS).  Dati siyang Visiting Lecturer sa Institut National des Langues et Civilisations Orientales (INALCO), Paris, France.  Nakapaglathala na siya ng mga artikulo sa mga seryal at librong pampanitikan at pangwika.  Kasamang patnugot siya ng LAGDA: Opisyal na Publikasyon ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (2005).

EUGENE Y. EVASCO, PH.D.  Kasalukuyang Kasamang Propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at Pangulo ng Pilandokan, Inc.: National Research Society for Children’s Literature, Philippines.  Nagtapos siya ng B.A. Araling Pilipino, magna cum laude; M.A. Filipino; at Ph.D. Filipino sa UP Diliman.  Ginawaran siya ng iba’t ibang parangal kabilang na ang Hall of Fame Award ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.  Nakapaglathala na siya ng mga artikulo at librong pampananaliksik at pampanitikan kabilang na ang Tabi-tabi sa Pagsasantabi: Kritikal na Tala ng mga Lesbiana at Bakla sa Sining, Kultura, at Wika (2003) at SALIKSIK: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan, at Sining (2011).

AMELIA S. FERRER.  Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Department of Social Sciences sa University of the Philippines (UP), Los Baños, Laguna.  Nagtapos siya ng B.A. History at M.A. History sa UP Diliman, Quezon City.  Nakapaglathala na siya ng ilang artikulo tungkol sa kasaysayang lokal, kasaysayang pangkapaligiran, paglalakbay-aral, at pananalambuhay sa mga seryal na Philippine Social Sciences Review (2005), Asia Life Sciences: The Asian International Journal of Life Sciences (2011), at Researchers World Journal of Arts, Science, and Commerce (2013).  Kontribyutor siya sa Talambuhay at Lipunan: Si Heneral Paciano Rizal sa Kasaysayang Pilipino (2006).

MARY DOROTHY DL. JOSE.  Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Department of Social Sciences sa University of the Philippines (UP), Manila.  Nagtapos siya ng B.A. History at Masters in Asian Studies at nagtatapos ng Ph.D. Philippine Studies sa UP Diliman, Quezon City.  Dati siyang guro ng UP Los Baños, Laguna.  Ginawaran siya ng iba’t ibang parangal kabilang na ang Quality Seal Award ng National Book Development Board (NBDB) at Gender Advocate Award ng UP Manila Center for Gender and Women’s Studies.  Nakapaglathala na siya ng mga artikulo sa mga seryal at librong pang-Araling Pilipino, pangkasaysayan, at pangwika.  Kasamang may-akda at kasamang patnugot siya ng Kababaihan sa Kalinangan at Kasaysayang Pilipino (2010).

AYSHIA F. KUNTING.  Kasalukuyang Visiting Lecturer ng College of Social Sciences sa Western Mindanao State University (WMSU), Zamboanga City, Philippines.  Nagtapos siya ng B.A. History sa University of the Philippines (UP) Diliman, Quezon City at nag-aaral ng M.A. History sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), Lanao del Norte, Philippines.  Naging Editorial Assistant din siya ng Vee Press, Vibal Foundation, Inc., Philippines.  Nakapaglathala na siya ng artikulo tungkol sa kasaysayang lokal at kasaysayang Moro sa librong Kasaysayang Pampook: Pananaw, Pananaliksik, Pagtuturo (2012).  Nakapagbasa na siya ng ilang papel pangkumperensya hinggil sa Araling Islamiko.

ATOY M. NAVARRO.  Kasalukuyang Research Fellow ng Forum for Ethical Review Committees in Asia and the Western Pacific (FERCAP), Rangsit, Thailand.  Nagtapos siya ng B.A. History, cum laude sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at Diploma in Product Research and Development for Public Health Needs sa Nagasaki University (NU), Sakamato, Japan.  Nagtatapos siya ng Ph.D. Biomedical Sciences sa Thammasat University (TU), Rangsit, Thailand. Dati siyang guro ng UP Los Baños, Laguna; UP Diliman; at UP Manila.  Nakapaglathala na siya ng mga artikulo at librong pang-Agham Panlipunan at pampananaliksik kabilang na ang Mga Babasahin sa Agham Panlipunang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, at Pantayong Pananaw (2007) at SALIKSIK: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan, at Sining (2011).  Kontribyutor siya sa Encyclopedia of Cross-Cultural Psychology (2013).

JAYSON D. PETRAS.  Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at Kalihim ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), Philippines.  Nagtapos siya ng B.A. Araling Pilipino, magna cum laude at M.A. Araling Pilipino at nagtatapos ng Ph.D. Filipino sa UP Diliman.  Nakapaglathala na siya ng ilang artikulo tungkol sa Araling Pilipino, panitikan, at wika sa mga seryal na DALUMAT: Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Filipino (2010, 2012), LIKHAAN: The Journal of Contemporary Literature (2009), at DALUYAN: Journal ng Wikang Filipino (2012).  Kontribyutor siya sa Sawikaan 2006 (2007), Sawikaan 2007 (2008), Sawikaan 2010 (2011), at Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Filipino (2011).  Kasamang may-akda siya ng Teksbuk sa Pagsasalin (2009).

JALTON G. TAGUIBAO.  Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Department of Political Science sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City.  Nagtapos siya ng B.A. Political Science sa UP Diliman at Masters of Management sa UP Manila.   Nagtatapos siya ng Ph.D. Political Science sa UP Diliman.  Nakapaglathala na siya ng ilang artikulo tungkol sa Asian financial crisis at patakarang pangkabuhayan, renewable energy, at panunuri sa pananalambuhay sa mga seryal na Global Jurnal Politik International (2001), Asia-Pacific Social Science Review (2010), PANDIWA (2012), at Philippine Political Science Journal (2013).

MARIA THERESA UJANO-BATANGAN, PH.D.  Kasalukuyang Kasamang Propesor ng Department of Psychology, Associate Dean for Academic Affairs ng College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), at Deputy Director for Training and Outreach Programs ng Center for Women’s Studies (CWS) sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City.  Nagtapos siya ng B.A. Psychology, M.A. Psychology, at Ph.D. Psychology sa UP Diliman.  Ginawaran siya ng iba’t ibang parangal kabilang na ang Estefania Aldaba-Lim Award ng Psychological Association of the Philippines (PAP).  Nakapaglathala na siya ng mga artikulo at librong pangkababaihan, pangkabataan, pangkalusugan, at pansikolohiya kabilang na ang Love and Desire: Young Filipinos and Sexual Risks (2001) at Pagdadalaga at Pagbibinata: Developmental Contexts of Adolescent Sexuality (2006).

VICENTE C. VILLAN, PH.D.  Kasalukuyang Kasamang Propesor ng Departamento ng Kasaysayan sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at Pangalawang Pangulong Panloob ng Asosasyon ng mga Dalubhasa, may Hilig at Interes sa Kasaysayan (ADHIKA) ng Pilipinas.  Nagtapos siya ng B.A. History, M.A. History, at Ph.D. History sa UP Diliman.  Nakapaglathala na siya ng mga artikulo sa mga seryal at librong pangkasaysayan at pangwika.  Kasamang patnugot siya ng Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan (1997/2000) at kasamang may-akda at punong patnugot ng SALIKSIK: Saysay ng Salaysay E-Journal (2013).  Konsultant din siya ng mga programang pantelebisyon na INC Chronicles (2011-Kasalukuyan), Amaya (2011), at Indio (2013).

IGNATIUS H. VINZONS.  Kasalukuyang Lecturer ng Department of Social Sciences sa University of the Philippines (UP), Manila.  Nagtapos siya ng B.A. Philosophy and Human Resources Development, with academic distinction, sa San Beda College (SBC), Manila, Philippines at M.A Philosophy sa UP Diliman, Quezon City.  Nagtatapos siya ng Ph.D. Philosophy sa Ateneo de Manila University (ADMU), Quezon City, Philippines.  Dati siyang guro ng Rogationist Seminary College (RSC), Parañaque City, Philippines at SBC Manila.  Nakapagbasa na siya ng ilang papel pangkumperensya hinggil sa konsepto ng kalayaan.

HOMER J. YABUT, Ph.D. Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Department of Psychology sa De La Salle University (DLSU), Manila, Philippines at Kasapi ng Lupon ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), Philippines.  Nagtapos siya ng B.A. Psychology, honorable mention; M.S. Psychology; at Ph.D. Counseling Psychology sa DLSU Manila.  Nakapaglathala na siya ng ilang artikulo tungkol sa paggabay-pagpapayo, pagpapatawad, at pagpapakahulugan sa trabaho ng kabataang Pilipino sa mga seryal na Philippine Journal of Counseling Psychology (2006, 2007, 2009) at Philippine Journal of Psychology (2009).  Nakapagbasa na siya ng ilang papel pangkumperensya hinggil sa pananampalatayang Pilipino.